231. Ang Dalawang Bulag na lalaki at ang Isang Pipi na Maladimonyo Pinagaling.

Hulyo 28, 1945.

1Si Jesus pagkatapos ay bumaba sa kusina, at nang makita Niya si Juan na papunta na sa pontanya, sa halip na manatili sa mainit na mausok na kusina, mas ginusto Niya na sumama kay Juan. Kung gayon naiwanan Niya si Pedro na siyang bahala sa mga isda na pinadala pa lamang ng mga katulong ni Zebedeo para sa hapunan ng Guro at ng Kanyang mga disipulo.

Hindi sila pumunta sa balon ng bukal sa katapusan ng nayon, bagkus sa pontanya sa liwasan, na ang tubig nito ay nanggagaling pa sa malinaw na matubig na bukal sa tabi ng bundok malapit sa lawa. Sa liwasan ay maraming tao katulad na ito ay ang kaugalian sa mga nayon ng Palestina sa gabi. Mga babae na may mga amphora, mga batang lalaki na mga naglalaro, mga kalalakihan naguusap-usap tungkol sa negosyo o… lokal na mga tsismis.  May ilan din na mga Pariseo ang dumaan, napaliligiran ng mga katulong o mga kliyente, papunta sa kanilang mayamang mga bahay. Ang lahat ay tumatabi upang sila ay paraanin, nagbibigay ng kanilang paggalang, ngunit kaagad nang sila ay makalampas, marami ang nagsusumpa sa kanila nang buong puso binabanggit ang kanilang huling pag-aabuso at mga pagpapatubo nang labis.

Si Mateo ay nagtatalumpati laban sa kanyang mga lumang kaibigan sa isang sulok ng liwasan at nagawa nito ang Pariseo na si Uriah na magwika nang may panunuya sa malakas na tinig: «Ang sikát na mga kombersiyon! Ngunit ang pagkakakabit sa kasalanan ay naririyan pa rin katulad sa makikita mula sa tumatagal na mga pagkakaibigan. Ah! Ah!»

Si Mateo ay tumalikod at tumugon nang nagagalit: «Sila ay tumatagal upang makabalik ang kanilang loob sa Diyos.»

«Wala nang pangangailangan niyan! Ang Inyong Guro ay sapat-na-sapat na. Mas mabuti pang lumayo ka, kung hindi baka magkasakit ka muli, kung talagang ikaw nga ay totoong napagaling na.»

Si Mateo ay namula sa pagsisikap na mapigilan ang kanyang sarili at hindi niya siya mabigyan ng kapiraso ng kanyang isip, at simpleng tumugon siya: «Huwag kang matakot, at huwag umasa.»

«Ano?»

«Huwag kang matakot na ako ay muli maging Levi ang publikano, at huwag umasa na baka gayahin ko kayo upang mawala ang mga kaluluwang ito. Iniiwan ko sa iyo at sa iyong mga kaibigan na maging mapanuyang tikal sa ibang mga tao. Ginagaya ko ang aking Guro at nilalapitan ko ang mga nagkakasala upang mapasunod sila sa Grasya.»

Si Uriah ay ibig na sumagot, ngunit ang isa pang Pariseo, ang matandang Eli, ay dumating at nagsabi sa kanya: «Huwag mong dumhan ang iyong kadalisayan at ang iyong dila, aking kaibigan. Sumama ka sa akin» at naglalakad nang magkakabit ang kanilang mga kamay pinasunod niya siya patungo sa kanyang bahay.

Pansamantala ang pulutong, lalo na ang mga bata, ay nag-ipun-ipon sa paligid ni Jesus. Kasama sa mga bata ay naroon sina Toby at Johanna, ang maliit na magkapatid, na isang araw, matagal na, ay nag-aaway tungkol sa ilang mga igos. Ngayon sila ay nagsasabi kay Jesus, nakabitin sa Kanyang mataas na katawan upang makuha ang Kanyang atensiyon: «Makinig, makinig. Ngayon din kami ay naging mabuti, alam Mo? Hindi kami kailanman umiyak at kami nagtuksuhan, alang-alang sa iyo. Maaari bang bigyan Mo kami ng halik?»

«Kung gayon kayo ay naging mabuti alang-alang sa Akin! Anong lugod ang binibigay ninyo sa Akin. Naririto ang Aking halik. At maging mas mabuti pa bukas.»

At naririyan si Santiago, ang maliit na bata na madalas naghahatid ng lukbutan ni Mateo kay Jesus tuwing Sabbath. Siya ngayon ay nagsasabi kay Jesus: «Si Mateo ay hindi na sa akin nagbibigay ngayon ng kahit ano para sa mahihirap ng Panginoon, ngunit itinabi ang lahat na pera na ibinigay nila sa akin nang ako ay mabuti at ibibigay ko na ito sa Inyo ngayon. Maaari bang ibigay Ninyo ito sa mahihirap sa kapakanan ng aking lolo?»

«Siyempre ibibigay Ko. Ano ang nangyayari sa iyong lolo?»

«Hindi na siya makapaglakad. Siya ay matanda na at ang kanyang mga paa ay hindi na siya masuportahan.»

«Ikaw ba ay nalulungkot gawa niyan?»

«Oo, nalulungkot ako, sapagkat siya ay ang aking guro nang kami ay pumunta sa kabukiran. Nagkuwento siya sa akin ng maraming mga bagay. At ginawa niya na mahalin ko ang Panginoon. Ngayon din nagkukuwento siya sa akin tungkol kay Job at ipinakikita niya sa akin ang mga bituin sa kalawakan, ngunit ginagawa niya iyan mula sa kanyang upuan… Mas maganda noon.»

«Pupunta Ako sa iyong lolo bukas. Masaya ka na ba ngayon?»

At si Santiago ay pinalitan ni Benjamin, hindi ang bata mula sa Magdala, bagkus ang isa na mula sa Capernaum, ang bata na nakita sa isang bisyon matagal na. Nang siya ay dumating sa liwasan kasama ang kanyang ina at nakita si Jesus, iniwan niya ang kamay ng kanyang ina at nagmadali sa pulutong, tumitili katulad ng isang langaylangayan at nang siya ay dumating sa harapan ni Jesus, niyakap niya ang Kanyang mga tuhod nagsasabing: «Gusto ko rin ng haplos!»

Si Simon, ang Pariseo, ay dumaraan sa sandaling iyon at yumuko nang magarbo kay Jesus, Na tumugon sa kanyang pagbati. Ang Pariseo ay tumigil at habang ang pulutong ay tumatabi na tila natatakot, si Simon ay nagsabi: «At ako ba ay hindi rin Ninyo hahaplusin?» at siya ay ngumingiti nang bahagya.

«Hahaplusin Ko ang sinuman na makikiusap sa Akin. Binabati kita, Simon, tungkol sa iyong napakabuting kalusugan. Ako ay napagsabihan sa Herusalem na ikaw ay kung baga may sakit.»

«Oo, malala ang aking sakit. Hinanap ko Kayo, upang gumaling.»

«Naniwala ka ba na mapagagaling kita?»

«Hindi ko kailanman pinagdudahan iyan. Ngunit kinailangan kong gumaling sa pamamagitan ko mismo, sapagkat nasa malayo Kayo nang napakatagal. Saan Kayo nagpunta?»

«Sa hangganang lugar ng Israel. Ganyan Ko inuubos ang mga araw sa pagitan ng Paskuwa at Pentekostes.»

«Isang napakamatagumpay na paglalakbay? Napakinggan ko ang tungkol sa mga ketongin sa Hinnom at Siloam. Totoong napakaganda. Iyon lang? Siguradong hindi. Ngunit napapakinggan namin ang tungkol sa iyo, sa pamamagitan ni Juan, ang pari. Siya na walang kinikilingan ay naniniwala sa Inyo at masaya.»

«At papaano siya na hindi naniniwala sapagkat siya ay may kinikilingan? Ano ang tungkol sa kanya, aking marunong na Simon?»

Ang Pariseo ay medyo balisa… hindi siya makapagpasya, at sa dahilan na ayaw niyang mápasamâ ang napakarami niyang mga kaibigan, na may maling akala laban kay Jesus, ibig niyang karapat-dapat siyang pinupuri ni Jesus. Siya ay nagpasya base sa huling sa huling alternatiba at nagsabi: «Siya na ayaw na maniwala sa Inyo, sa kabila ng lahat na mga katibayan na binibigay Ninyo, ay isinumpa.»

«At sana walang isinumpa…»

«Oo, mayroon Kayo. Ngunit hindi kami nagsusukli sa Inyo ng gayon din na sukat ng kabutihan na mayroon Kayo para sa amin. Napakarami ang hindi karapat-dapat sa Inyo… Jesus, ibig kong maging panauhin ko Kayo bukas…»

«Hindi Ko magagawa bukas. Gawin natin ito sa loob ng dalawang araw. Sumasang-ayon ka?»

«Lagi akong sumasang-ayon sa Inyo. Magkakaroon ako… ng ilang mga kaibigan… at kailangan na makibagay Kayo sa kanila kung…»

«Alam Ko. Ako ay pupunta kasama si Juan.»

«Si Juan lamang?»

«Ang iba ay may mga gawain na kailangan asikasuhin. Naririto na sila, sila ay pabalik pa lamang mula sa kabukiran. Kapayapaan sa iyo, Simon.»

«Ang Diyos ay mapasa-Inyo, Jesus.»

Ang Pariseo ay umalis at si Jesus ay sinamahan ang Kanyang mga disipulo.

Sila ay bumalik sa bahay para sa hapunan.

Ngunit habang sila ay kumakain ng inihaw na isda, ilang mga bulag na lalaki ay dumating, na mga nanawagan na kay Jesus sa daan. Ngayon ay inuulit nila ang kanilang mga panalangin: «Jesus, Anak ni David, kaawaan kami!»

«Umalis kayo! Sinabi ko na sa inyo na bumalik bukas at gawin itong bukas. Pabayaan Siyang makakain» sabi ni Pedro nang nangangaral.

«Hindi, Simon. Huwag mo silang paalisin. Ang labis na pagpupursige ay karapat-dapat ng gantimpala. Kayong dalawa, lumapit dito» Pagkatapos sinabi Niya sa bulag na mga lalaki, na pumapasok na pinatutunog ang sahig at ang mga pader sa pamamagitan ng kanilang mga tungkod. «Naniniwala ba kayo na maibibigay Kong muli ang inyong paningin?»

«O! Oo, Panginoon! Kami ay nagpunta dahil natitiyak namin.»

Si Jesus ay tumayo sa pagkaka-upo sa mesa, nilalapitan sila, inilalapat ang mga dulo ng Kanyang mga daliri sa bulag na mga mata, itinataas ang Kanyang ulo at nagdarasal: «Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.» Inaalis Niya ang Kanyang mga kamay, at ang mga talukap-mata, magpahanggang ngayon walang-galaw, ay nagsimulang kumisap  sapagkat ang liwanag ay tinatamaan ang nanumbalik na mga balintatao ng isa sa mga lalaki, at ang talukap-mata ng isa pa ay nabuksan, samantalang kanina ito ay sarado baka gawa ng napabayaang mga ulcer, at ang mga gilid ng talukap ay nagkakorte muli na walang kahit kaunting diperensiya, upang siya ay nakakakisap nang malaya.

Ang dalawang lalaki ay bumagsak sa kanilang mga tuhod.

Makakatayo na kayo at maaari na kayong umalis. At tandaan ninyo, huwag paalamin ang sinuman kung ano ang Aking ginawa sa inyo. Dalhin ang balita tungkol sa grasya sa inyong mga kamag-anak at mga kaibigan sa inyong mga nayon. Hindi kinakailangan na gawin iyan dito at hindi iyan makagagawa ng kahit na anong kabutihan para sa inyong mga kaluluwa. Siguruhin na ang pananampalataya ng inyong mga kaluluwa ay hindi magkaroon ng kahit na anong kapansanan at ngayon na nalalaman na ninyo kung ano ang katulad ng nakakakita, tiyakin na ang inyong mga mata ay hindi masaktan, upang kayo ay hindi maging mga bulag ulit.»

Ang hapunan ay tapos na. Umakyat sila sa terasa kung saan ay malamig. Ang lawa ay nagniningning sa liwanag ng buwan.

Si Jesus ay naupo sa gilid ng mababang pader at hinahayaan ang Kanyang isip na maglakbay pinagmamasdan ang malaplatang ibabaw ng lawa, Ang iba ay naguusap-usap sa mababang mga tinig, upang hindi Siya magambala. Ngunit tiningnan nila Siya na tila sila ay nararahuyo. Sa katunayan gaano Siya kagandang lalaki! Ang buwan ay pumoporma ng isang koronang sinag sa Kanyang ulo at napaliliwanagan ang Kanyang mukha, na mahigpit at mapayapa rin, napalilitaw ang pinakamaliit na mga detalye. Siya ay nakaupo na ang Kanyang ulo medyo nakatingala, nakasandal sa magaspang na sanga ng baging, na umakyat doon at pagkatapos kumalat sa ibabaw ng terasa. Ang Kanyang asul na mga mata ay katulad ng onise sa gabi at tila nagbubuhos ng mapayapang mga alon sa lahat na bagay. Kung minsan titingnan Niya ang malinis na kalawakan, may nakakalat na mga bituin, kung minsan titingin Siya sa ibaba sa mga burol, at sa mas mababa pa, sa lawa o tititig Siya sa isang malabong punto at ang Kanyang mga mata ay tila ngumingiti sa isang bagay na tanging ang mga ito lamang ang nakakikita. Ang Kanyang umaalun-alon na buhok ay malumanay na hinihipan ng magaang hangin. Siya ay nakaupo na medyo patagilid, nahihipo ng isang paa ang sahig, habang ang isa pa ay medyo malayo rito, na ang Kanyang mga kamay nakapahinga sa Kanyang lapi. Ang Kanyang puting kapa ay napalilitaw nang lubos ang Kanyang dingal, na nagiging malaplata sa liwanag ng buwan, at ang Kanyang mahahabang puting kamay ay mas nagmumukhang lumang garing pinalilitaw nang lubos ang pagkalalaking kagandahan ng patulis ng Kanyang mga daliri. Ang Kanyang ring mukha, na may mataas na noo, tuwid na ilong, medyo korteng obalo na mga pisngi at ang maputlang-tanso na balbas, ay katulad ng lumang garing na wala ng medyo rosal na bahid na nakikita sa araw sa banda itaas ng Kanyang mga pisngi.

«Napapagod ba Kayo, Guro?» tanong ni Pedro.

«Hindi, hindi Ako napapagod.»

«Kayo ay nagmumukhang maputla at nag-iisip…»

«Ako ay nag-iisip. Ngunit sa palagay Ko hindi Ako mas maputla kaysa pangkaraniwan… Ang liwanag ng buwan ay nagagawa rin kayong lahat na magmukhang maputla. Kayo ay pupunta sa Korazim bukas at baka makatagpo kayo ng ilang mga disipulo roon. Magsalita sa kanila. At alalahanin na makabalik dito sa panalanging gabi. Ako ay magtuturo malapit sa may agos ng tubig.»

«Gaano kaganda! Sasabihan namin ang sambayanan ng Korazim. Sa aming pagbalik nasalubong namin si Martha at si Marcella. Pumunta ba sila rito?» tanong ni Andres.

«Oo, pumunta sila.»

«Maraming mga sabi-sabi sa Magdala tungkol kay Maria, na hindi na lumalabas ulit at wala nang mga kasayahan. Nagkaroon kami ng pahinga sa loob ng bahay ng dating babae nang nakaraan. Si Benjamin ay nagsabi sa akin na kapag tila ibig niyang maging makulit, iniisip niya Kayo at…»

«… ako,  mabuti pang sabihin mo nang ganyan, Santiago» sabi ng Iskariote.

«Hindi niya sinabi nang ganyan.»

«Ngunit iyan ang kanyang ibig sabihin nang sinabi niya: “Ayaw kong maging magandang lalaki, ngunit kong maging makulit” at sinulyapan niya ako nang patagilid. Hindi niya ako matiis…»

«Isang pag-ayaw na walang kahalagahan, Judas. Kalimutan mo ang tungkol diyan» sabi ni Jesus.

«Oo, Guro. Ngunit nakakainis na…»

«Ang Guro ba ay naririto?» may sumigaw mula sa kalsada.

«Oo, naririto Siya. Ngunit ano ang iyong kailangan ngayon? Ang araw ba ay hindi pa mahaba para sa iyo? Ito ba ay isang disenteng oras upang gambalain ang kaawa-awang mga peregrino? Bumalik bukas» utos ni Pedro.

«Ang problema ay may kasama kaming isang piping maladimonyo. At nakatakas siya nang tatlong beses sa daan. Kung hindi dahil diyan, nakarating sana kami nang maaga. Maging mabuti! Bago magtagal, kapag ang buwan ay mataas na sa kalawakan, magsisimula na siyang umalulong nang mas malakas at matatakot ang nayon. Tingnan kung papaano siya nagpupumiglas na?!»

Si Jesus ay pumunta sa kabilang tabi ng terasa at dumungaw sa mababang pader. Ang mga apostol ay dumungaw din. Sa gitna, pakilus-kilos paikot at umaalulong katulad ng isang may kadenang oso o lobo, ay isang lalaki na nakatali ang mga pupulsuhan upang hindi siya makatakas. Siya ay umaalulong habang walang-tigil sa paikut-ikot, na tila siya ay may hinahanap sa lupa. Nang tumingin siya sa itaas at nasalubong ang mga mata ni Jesus, parang hayop siya na sumigaw, isang walang-pagpipigil na alulong, at sumubok na makatakas.

Ang mga pulutong, halos lahat ng mga adulto sa Capernaum na naroroon, ay tumabing natatakot.

«Halikayo, sa kapakanan ng kabutihan! Nagsisimula na siyang ulit…»

«Darating Ako kaagad.» At si Jesus ay tumakbo pababa sa hagdanan at pumunta sa harapan ng kaawa-awang kapus-palad na mas malikot kailanpaman.

«Lumabas ka sa kanya. Gusto Ko ‘yan.»

Ang pag-aalulong ay naglaho sa pagiging isang salita: «Kapayapaan!»

«Oo, kapayapaan. Kapayapaan sa iyo ngayon na ikaw ay malaya na.»

Ang pulutong ay sumigaw sa pagtataka nakikita ang biglang pagbabago mula sa panlalaban patungo sa pagkakalma, sa pagiging naalihan patungo sa kalayaan, mula sa kapipihan patungo sa pagsasalita.

«Papaano ninyo nalaman na Ako ay naririto?»

«Sa Nazareth sinabi nila sa amin: “Siya ay nasa Capernaum”. Ito ay pinatotohanan ng dalawang tao sa Capernaum na nagsabi na ang kanilang mga mata ay pinagaling Ninyo sa loob ng bahay na ito.»

«Iyan ay totoo! Totoung-totoo iyan! Kami ay sinabihan din…» marami ang sumisigaw. At sila’y nagwika: «Ang mga ganyang bagay ay hindi pa kailanman nakita sa Israel noon!»

«Kung Siya ay hindi tinulungan ni Beelzebub hindi Niya magagawa iyon» panuya ng mga Pariseo ng Capernaum. Si Simon, subalit, ay wala sa grupo nila.

«Tinulungan o hindi. Ako ay napagaling at ganoon din ang mga bulag na lalaki. Hindi ninyo magagawa iyon, sa kabila ng inyong mga panalangin» balik-sabi ng napagaling na piping nadimonyohan at kanyang hinahalikan ang kapa ni Jesus. Ang Guro ay hindi tumutugon sa mga Pariseo, simpleng pinauwi lamang Niya ang pulutong nagsasabing: «Kapayapaan sa inyo» at Kanyang sinabihan ang pinagaling na lalaki at ang mga nagdala sa kanya na manatili, at inaalok ng ospitalidad sa silid sa itaas upang sila ay makapagpahinga hanggang sa susunod na umaga.

                                --------------------------------------------------------------------

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang Parabula tungkol sa nawawalang tupa, na nagkaroon ka noong 12 ng Agosto 1944.»

240311

 



Sunod na kabanata