232. Ang Parabula Tungkol sa Nawawalang Tupa.

Agosto 12, 1944.

Si Jesus ay nagsasalita sa mga pulutong. Nakatayo sa isang sahig na kahoy sa may maliit na agos ng tubig, Siya ay nagtuturo sa isang malaking pulutong nakakalat sa isang bukid kung saan ang mga butil ay naani na at ang sinunog na mga tuud-tuod ay nakababalisang tanawin. Dapit-hapon ngayon. Ang gabi ay bumabagsak, ngunit ang buwan ay tumataas na. Ang kawan ng mga tupa ay pabalik na sa mga kural at ang tunog ng mga kampanilya ay humahalo sa malalakas na huni ng mga kriket at sa matining na higing ng mga kuliglig. Si Jesus ay kinuha ang dumaraang mga kawan bilang ang Kanyang panimulang punto.

Sinabi Niya: «Ang inyong Makalangit na Ama ay katulad ng isang maasikasong pastol. Ano ang ginagawa ng isang mabuting pastol? Siya ay naghahanap ng magandang mga pastulan para sa kanyang mga tupa, kung saan walang abeto o at iba pang nakalalasong mga yerba, bagkus maraming matatamis na trebol, aromatikang menta at mapait ngunit masustansiya na atsikorya. Naghahanap siya ng mga lugar kung saan bukod sa mabuting damo ay may malamig na lilim ng mga punungkahoy at malinaw na tubig ng isang agos at tinitiyak niya na sa mga damuhan ay walang mga ahas. Hindi niya gugustuhin ang pinakamatabang mga pastulan, sapagkat alam niya na ang mga ahas at makapipinsalang mga yerba ay madalas naroroon at kung gayon mapanganib sa kanyang mga tupa. Ibig niya sa halip ang mga pastulan sa bundok, kung saan ang hamog ay napananatiling berde ang mga damo at luntian at ang malakas na sikat ng araw ay napalalayas ang mga ahas at ang umiihip na hangin ay magaan at malusog, hindi katulad ng di-malusog na hangin ng mga kapatagan. Ang mabuting pastol ay binabantayan nang isa-isa ang kanyang mga tupa. Ginagamot niya sila kung sila ay may sakit at kung sila ay masaktan binibihisan niya ang kanilang mga sugat. Kinagagalitan niya ang tupa na baka magkasakit dahil sa katakawan sa pagkain at inilalagay niya sa ibang lugar ang mga baka mápasamâ sa pananatiling matagal sa isang basang lugar o sa ilalim ng sikat ng araw. At kung may isa na ayaw kumain maghahanap siya ng mapait na aromatikang mga yerba angkop na makapanggising sa gana nito at pakakainin niya ito sa kanyang sariling mga kamay, nagsasalita rito na tila iyon ay isang kaibigan. Ganyan ang ginagawa ng mabuting Ama Na nasa Langit sa Kanyang mga anak na naglalagalag sa lupa. Ang Kanyang pagmamahal ay ang tungkod na nag-iipon sa kanila. Ang Kanyang tinig ay ang kanilang gabay, ang Kanyang Batas ay ang Kanyang pastulan, ang Langit ay ang Kanyang kural.

Ngunit ang isa sa kanyang mga tupa ay iniwan siya. Gaano niya kamahal ang isang iyon! Iyon ay bata pa, puro, maputi, katulad ng isang ulap sa isang Abril na ulap sa kalawakan. Ang pastol ay madalas itong tingnan na may labis na pagmamahal, iniisip kung gaanong kabutihan ang kanyang magagawa para rito at gaanong pagmamahal ang kanyang matatanggap mula rito. At ito’y naligaw. Ang isang manunukso ay dumaan sa daan na sa tabi ng pastulan. Hindi siya nakasuot ng isang lisong balabal, bagkus suot ang isang maraming-kulay na kapa. Siya ay walang balat na sinturon na may palakol at kutsilyo na nakabitin mula rito, bagkus suot niya ang isang ginintuan na sinturon, mula kung saan nakabitin ang mga kampanilya, na kasing tamis ang tunog nito ng pag-awit ng isang ruwinsensor, at isang maliit na lalagyan ng nakalalasing na mga amoy… Wala siyang dala-dalang tungkod ng pastol katulad na dala ng mabuting pastol, upang maipon ang mga tupa at maipagsanggalang sila at kung ang tungkod ay hindi magiging sapat, nakahanda siyang ipagtanggol sila sa pamamagitan ng kanyang palakol at kutsilyo at kahit na ng kanyang buhay. Ngunit ang manunukso na dumaraan, ay may hawak sa kanyang kamay ng isang insensaryo na puno ng nagkikislapan na mga batong-hiyas mula kung saan may usok na tumataas, na mabaho at mabango rin, at ito ay nagpápalito katulad na ang pagkislap ng mga batong-hiyas ay nakasisilaw. Siya ay dumaraan umaawit at naghuhulog ng mga sandakot na asin, na nagniningning sa madilim na daan… siyamnapu’t siyam na tupa ang tumingin at nanatili kung nasaan sila. Ang ikasandaan, ang pinakabata at pinakamamahal ay tumalon at nawala sa likuran ng manunukso. Ang pastol ay tinatawag ito. Ngunit hindi ito bumabalik. Tumakbo ito nang mas mabilis pa kaysa sa hangin upang samahan ang manunukso na kalalampas pa lamang, at upang makatagal siya habang tumatakbo tinikman nito ang ilang asin, na nang kaagad ito ay malunok, nakagawa ito ng kakaibang umaapoy na pakiramdam kung kaya’t ang kaawa-awang tupa ay naghahanap ng malamig na tubig sa loob ng malalim na berdeng mga lilim ng mga kakahuyan. At sinusundan ang manunukso pumasok ito sa loob ng mga kakahuyan, at ito’y umaakyat bumababa at bumagsak… minsan, dalawang beses, tatlong beses. At sa bawat pagkakataon nararamdaman nito sa palibot ng leeg ang madulas na yakap ng mga ahas, at bilang uhaw iniinom nito ang mabahong tubig at nang ito ay nagugutom kinakain nito ang mga yerba na nagniningning sa nakasusukang mga laway.

At pansamantala ano ang ginagawa ng mabuting pastol? Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam na matatapat na tupa sa isang ligtas na lugar at siya ay umalis at hindi tumigil hanggang nakita niya ang mga bakas ng nawawalang tupa. Sa dahilan na ito ay hindi bumabalik sa kanya, bagama't tinatawagan niya ito sa malakas na tinig nakikiusap sa hangin na dalhin ang kanyang tawag sa tupa, pinuntahan niya ito. At nakita niya ito mula sa malayo, lasing sa pulupot ng mga ahas, lasing-na-lasing na ito ay hindi makaramdam ng galimgim para sa tao na nagmamahal dito, sa kabaligtaran tinutuya siya nito. At nalalaman niya na ito ay may kasalanan ng pagpasok, katulad ng isang magnanakaw, sa luklukan ng ibang mga tao, lubos na nagkasala upang hindi ito makatingin sa kanya… Sa kabila ng lahat na ito ang mabuting pastol ay hindi makaramdam ng pagod… at siya ay nagpatuloy sa paghahanap dito lagi, sinusundan ang mga bakas nito at umiiyak kapag ang mga bakas ay nawawala: mga kapiraso ng balahibo; mga bakas ng kaluluwa nito; mga bakas ng dugo; iba't ibang mga krimen; dumi; katibayan ng kahalayan nito; ngunit siya ay nagpatuloy at inabutan ito. Ah! Natagpuan kita, aking pinakamamahal. Inabutan kita sa wakas! Gaano ako kalayo na naglakad para sa iyo, upang madala ka sa kural. Huwag mong iyuko ang iyong nalulungkot na mukha. Ang iyong kasalanan ay nakalibing sa aking puso. Walang sinuman ang makaaalam nito, maliban sa akin, at minamahal kita. Ipagtatanggol kita sa mga pamimintas ng ibang tao, ipagsasanggalang kita sa pamamagitan ng aking katawan upang maprotektahan ko laban sa mga bato ng mga mag-aakusa sa iyo. Halika? Nasugatan ka ba? O! tingnan ko ang iyong mga sugat. Alam ko ang mga ‘yan. Ngunit ibig ko na ipakita mo iyan sa akin nang may pagtitiwala na mayroon ka noong ikaw ay dalisay, at tumitingin sa akin, ang iyong pastol at ang iyong Diyos, na may inosenteng mga mata. Ayan ang mga sugat. Lahat na iyan ay may iisang pangalan. Gaano kalalim ang mga ito! Sino ang gumawa nito sa kalaliman ng iyong puso? Iyon ay ang Manunukso, alam ko. Siya iyon na wala ni tungkod o palakol, ngunit mas malalim siya kung manakit sa pamamagitan ng kanyang may-lason na mga kagat, at pagkatapos niya, ang huwad na mga batong-hiyas ng kanyang insensaryo ang humampas: ang mga hiyas na nanrahuyo sa iyo sa pamamagitan ng pagpapakislap… at ang mga iyon ay mala-impiyernong mga asupre dinala sa liwanag ng araw upang sunugin ang iyong puso. Tingnan kung gaano karaming mga sugat! Gaano karami ang napunit na balahibo, gaano karaming dugo, gaano karaming matitinik na sanga?

O aking kaawa-awang maliit na bigong kaluluwa! Ngunit sabihin mo sa akin: kung patatawarin kita, mamahalin mo pa ba ako? Sabihin sa akin: kung iuunat ko ang aking mga kamay sa iyo, lalapit ka ba rito? Sabihin sa akin: nauuhaw ka ba para sa mabuting pagmamahal? Bueno: halika at maging bagong panganak muli. Bumalik sa banal na mga pastulan. Umiyak. Ang iyong luha at akin ay huhugasan ang mga bakas ng iyong kasalanan at upang mapasigla ka, sapagkat ikaw ay nahapo ng kasamaan na sumunog sa iyo, ibubukas ko ang aking dibdib at ang aking mga ugat at sasabihin ko sa iyo: “Manginain sa mga ito, at mabuhay!” Halika rito upang sana mayakap kita sa aking mga bisig. Makapaglalakad tayo nang mas mabilis patungo sa banal na mga pastulan. Makakalimutan mo ang lahat tungkol sa mamiserableng oras na ito. At ang iyong siyamnapu’t siyam na mga kapatid na babae ay magdiriwang sa iyong pagbabalik, sapagkat sasabihin ko sa iyo, aking maliit na nawalang tupa, na aking hinanap nanggagaling sa napakalayo, at aking narating at nailigtas, sasabihin ko sa iyo, mas malaki ang pagdiriwang sa pagitan ng mabubuti, para sa isa na nawala at natagpuan, kaysa para sa siyamnapu’t siyam na hindi kailanman nawala sa kural.»

Si Jesus ay hindi kailanman lumingon upang tingnan ang daan sa Kanyang likuran at kung saan si Maria ni Magdala ay dumating sa malabong liwanag ng gabi. Siya napaka-elegante, ngunit siya man lang ay nakabihis, at may suot siya ng itim na belo, na nakapagtatago ng kanyang mga katangian at hitsura. Ngunit ng ipinagpatuloy ni Jesus ang Kanyang talumpati mula sa mga salitang: «Natagpuan kita, aking pinakamamahal», si Maria ay itinago ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kanyang belo at umiyak, marahan at walang-tigil.

Ang mga tao ay hindi siya makita, sapagkat siya ay nasa tabing ito ng sahig na kahoy sa may agos, na nasa tabi ng daan. Tanging ang buwan lamang, na ngayon mataas na sa kalawakan, at ang espiritu ni Jesus ang nakakakita sa kanya…

At Siya ay nagsabi sa akin: «Ang komentaryo ay nasa bisyon mismo. Ngunit magsasalita ulit Ako sa iyo tungkol dito. Magpahinga na ngayon, sapagkat panahon na. Pinagpapalà kita, Aking matapat na Maria.»

240311

 

 



Sunod na kabanata