233. Komentaryo tungkol sa tatlong episodyo kakabit ng kombersiyon ni Maria ng Magdala.

Agosto 13, 1944.

Sinasabi ni Jesus:

jesus sinasabi

«Mula pa noong Enero, nang pinakita Ko sa iyo ang hapunan sa loob ng bahay ni Simon, ang ketongin, ikaw at siya na gumagabay sa iyo, ay ginustong may malaman pa tungkol kay Maria ng Magdala at ang tungkol sa mga salitang sinabi Ko sa kanya. Ngayon, pagkaraan ng pitong buwan, binubunyag Ko ang mga pahinang iyon sa iyo, upang magawa kang masaya at mabigyan ng isang alituntunin ang mga taong kailangan na matutong yumuko sa mga babaeng iyon, na mga ketongin sa kanilang mga kaluluwa, at upang maanyayahan ang kaawa-awang mga sawing-palad na iyon, na mga naghihirap sa loob ng kanilang mga sepulkro, na lumabas at pumunta sa kanila.

Ang Diyos ay mabuti. Siya ay mabuti sa lahat. Hindi Siya sumusukat sa pamamagitan ng mga panukat ng mga tao. Siya ay walang tinatanging mga kasalanang mortal. Ang kasalanan, maging ano pa man ito, ay pinamimighati Siya. Ang pagsisisi ay kinasisiyahan Niya at ginagawa Siyang payag na magpatawad. Ang panlalaban sa Grasya ay nagagawa Siyang mahigpit-na-mahigpit sapagkat ang Hustisya ay hindi mapatatawad ang di-nagsisisi na mamamatay bilang ganyan, sa kabila ng lahat ng tulong na binibigay sa kanila upang sila ay sana makumberti.  Ngunit ang pinakang dahilan ng apatnapung pursiyento, kung hindi man limampung pursiyento, ng mga di-nakumberti ay ang kapabayaan ng mga may-katungkulan para sa mga kombersiyon, ibig sabihin, ang pinagkakamalan na huwad na kasigasigan na nagpoprotekta sa tunay na pagkamakasarili at pagmamalaki, kung saan ang isa ay masaya na sa kanyang kinalalagyan, na hindi na niya kinakailangan na bumaba sa dumi upang mailigtas ang isang puso mula rito. “Ako ay puro, karapat-dapat ako ng respeto. Hindi ako pupunta kung saan naroroon ang dumi at kung saan baka makalimutan nilang igalang ako”.

Ngunit siya ba na nagsasalita nang ganyan ay hindi kaya niya nabasa ang Ebanghelyo kung saan nakasulat na ang Anak ng Diyos ay pumunta upang tawagin ang mga kolektor ng buwis at mga puta bukod sa matatapat na tao, ang matatapat na tao lamang ayon sa lumang Batas? Hindi kaya niya naisip na ang pagmamalaki ay di-kadalisayan ng isip, at ang kakulangan sa karidad ay di-kadalisayan ng puso? Kayo ba ay hahamakin? Ako ay hinamak bago kayo at mahigit pa kaysa sa inyo, at Ako ay ang Anak ng Diyos. Kailangan ba ninyong isuot ang inyong malilinis na damit kung saan may dumi? At hindi Ko ba hinipo ang duming iyon ng Aking mga kamay upang gawin iyon na tumayo at sabihan: “Maglakad sa bagong daan na ito? Hindi ba ninyo maalaala kung ano ang Aking sinabi sa mga nauna sa inyo? “Ano mang bayan o nayon ang pasukin ninyo, maghanap ng isang tao na mapagkakatiwalaan at tumuloy sa bahay niya”. Upang ang mundo ay wala sanang masabi. Sapagkat ang mundo ay nakakiling na makakita ng kasamaan sa lahat. Ngunit dinagdag Ko: “Kapag pumapasok kayo sa mga bahay – ‘mga bahay’ ang sabi Ko, hindi bahay – saluduhan sila nagsasabing: ‘Kapayapaan sa bahay na ito’. At kung ang bahay ay karapat-dapat nito, ang kapayapaan ay bababa rito, at kung hindi, ang kapayapaan ninyo ay babalik sa inyo” Sinabi Ko iyon upang maturuan kayo, na hanggat walang tiyak na katibayan ng di-pagsisisi, kailangan na pare-pareho ang inyong pakikitungo sa lahat. At kinumpleto Ko ang Aking pagtuturo sa pagsasabing: “At kung mayroon man na hindi magpapatuloy sa inyo at hindi nakikinig sa inyong mga salita, habang kayo ay lumalabas mula sa kanilang mga bahay, ipagpag ang alikabok mula sa inyong mga paa”. Ang kasalanan ay bagkus alikabok, at ang mabubuting kaluluwa, na laging nagmamahal sa Diyos, ay ginagawa Niya na maging katulad ng makikinis na kristal na mga kahon: sapat nang hipan o ipagpag ang alikabok at ito ay mawawala, nang hindi nakagagawa ng kahit anong kapinsalaan.

Maging tunay na mabuti. Maging ganap na nagkakaisa, na ang eternal na Kagandahang-loob nasa gitna ninyo, at walang karumihan ang makapagpaparumi sa inyo mula sa itaas ng mga suwelas ng inyong mga sandalyas na lumalapat sa lupa. Ang mga kaluluwa ay napakataas! Ang ibig Kong sabihin ang mga kaluluwa ng mga taong mabubuti at ganap na nagkakaisa sa Diyos. Ang mga kaluluwang ganyan ay nasa Langit. At walang alikabok o dumi ang makaaabot doon, ni kahit na kung ito ay ipukol nang galít sa espiritu ng isang apostol. Maaaring tamaan nito ang inyong laman, ibig sabihin, baka masugatan kayo nito nang pisikal o moral, inuusig kayo o sinasaktan kayo, sapagkat ang Kasamaan ay kinapopootan ang Mabuti. At kung gayon ano? Ako ba ay hindi sinaktan at sinugatan? Naikorte kaya nila ang mga dagok at masasamang salitang iyon sa Aking Espiritu? Nabalisa kaya Ako ng mga ito? Hindi. Katulad ng dura sa isang salamin o ng isang bato na itinapon sa makatas na laman ng isang prutas, ito ay dumulas nang hindi nakakatagos, o nakatagos nang mababaw lamang, nang hindi napipinsala ang laman na nasa loob ng buto: sa kabaligtaran  napapabilis nito ang pagtubo sapagkat mas madaling maka-usbong mula sa isang may-bitak na buto kaysa sa isang buong buto. Sa pamamagitan ng pagkamatay ang butil ay tumutubo at ang isang apostol nagiging aktibo. Kung minsan sa pamamagitan ng pisikal na kamatayan, o sa metaporiko na pagkamatay araw-araw, o sa pagdurog sa pantaong kaakuhan ng isang tao. Ngunit iyan ay hindi kamatayan: iyan ay Buhay. Ang espiritu ay nananagumpay sa ibabaw ng kamatayan ng pagiging tao.

Siya¹ ay pumunta sa Akin upang mabigyan ng kasiyahan ang lumilipas na kapritso ng isang walang-magawang babae na walang alam kung papaano palipasin ang oras, at bagamat ang kanyang mga tainga ay halos mabingi na ng huwad na pagpipitagan ng mga nanghehele sa kanya umaawit sa kanyang sensuwalidad upang siya ay maging kanilang alipin, napakinggan niya ang mahigpit na tinig ng Katotohanan. Ng Katotohanan na hindi natatakot na ito ay hamakin o hindi maintindihan at nagsasalita tinitingnan ang Diyos. At katulad ng mga kampana ng kapistahan na kumakalimbang nang sabay-sabay, ang lahat na mga tinig ay nagsama-sama sa Salita: mga tinig na sanay umawit sa loob ng bukas na asul na kalangitan, kumakalat sa mga lambak at mga burol, mga kapatagan at mga lawa, upang ipagdiwang ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang Kanyang kapistahan.

Naaalaala mo ba ang maringal na kapistahan na sa mapayapang panahon ay nagagawa ang araw ng Panginoon na maging napakamalugod? Ang malaking kampana, kasama ang matunog na badaho nito, ay pinalabas ang unang tunog nito sa ngalan ng dibinong Batas at tila nagsasabing: “Ako ay nagsasalita sa ngalan ng Diyos, Hukom at Hari”. At ang mas maliit na mga kampana pagkatapos ay sumali: “Na siyang mabuti, maawain at matiyaga”, at ang pinakamaliit na kampana, sa isang malaplatang anghelikal na tinig ay nagdagdag: “Na ang Kaninong Pagmamahal ay hinihimok ang mga tao na magpatawad at maging mapagbigay, turuan ang mga tao na ang pagpapatawad ay mas mabuti kaysa gálit at ang awa ay mas dakila kaysa katigasan”.

gayon din naman, pagkatapos na maalaala ang Batas, niyurakan ng makasalanan, ginawa Kong mapakinggan niya ang awit ng pagpapatawad. Inuga Ko ang pag-asa ng pagpapatawad sa kadiliman ng kasalanan, katulad ng isang berdeng-asul na sedang balabal sa pagitan ng madidilim na kulay, upang ang pag-asa ay sana mailagay ang nagpapaginhawang mga salita nito. Pagpapatawad! Ito ay katulad ng hamog sa nakakatuyong pagka-uhaw ng mga makasalanan. Ang hamog ay hindi katulad ng ulan-na-yelo, na tumatamang katulad ng isang palaso, tumatalbog at pumapatay sa mga bulaklak nang hindi tinatagos ang lupa. Ang Hamog ay bumababang napakagaan na kahit na ang pinakamaselan na bulaklak ay hindi napupuna na ito ay nasa mga sedang petalo nito. Ngunit iniinom nito ang nakapagpapalakas na singaw. Ang Hamog ay pumupunta sa mga ugat, sa tigang na mga tigkal ng lupa at tinatagos ang lupa… Ito ay isang singaw ng mga luha, ang mga luha ng mga bituin, ang nagmamahal na mga luha ng mga ina sa kanilang uhaw na mga anak, na kanilang sinusustentuhan sa pamamagitan ng kanilang matamis na masaganang gatas. O! ang mga misteryo ng mga elemento na tumatrabaho din kapag ang tao ay nagpapahinga o nagkakasala. Ang pagpapatawad ay katulad ng ganyang hamog. Hindi lamang ito nagdadala ng kalinisan, bagkus mahahalagang katas din, hindi kinuha mula sa mga elemento, bagkus sa dibinong mga dapugan.

At pagkatapos ng pangako ng pagpapatawad ang Karunungan ay nagsasalita sinasabi kung ano ang legal at kung ano ang hindi legal, at ito ay maninita at mangyuyugyog, hindi dala ng kagaspangan, bagkus dala ng makainang pananabik na makapagligtas. Gaano kadalas na ang inyong katigasan ay nagiging mas di-mapasok at hindi nagbibigay-daan sa Karidad na yumuyuko sa inyo!... Gaano kadalas na kayo ay tumatakbo habang ang Karidad ay nagsasalita sa inyo!... Gaano ninyo kadalas na pinagtatawanan ito! Gaano ninyo kadalas na kinapopootan ito!... Kung ang Karidad ay tatratuhin kayo katulad ng pagtrato ninyo rito, kapahamakan sa inyong mga kaluluwa! Sa halip, tingnan. Ito ay ang walang-kapaguran na Naglalakad na dumarating sa paghahanap sa inyo. At kayo ay nararating nito kahit na kung kayo ay nakatago sa pinakamadilim na mga lungga.

Bakit Ako nagpasyang pumunta sa bahay na iyon? Bakit hindi Ako gumawa ng isang himala sa loob niyon? Upang turuan ang mga apostol kung papaano umasal, nilalabanan ang mga maling-akala at mga pamimintas upang magawa ang kanilang tungkulin, na napakataas na ito ay ligtas sa walang-kuwentang mga bagay ng mundo.

Bakit Ko sinabi ang mga salitang iyon kay Judas? Ang mga apostol ay labis na mga tao pa rin. Ang lahat na mga Kristiyano ay labis na mga tao pa rin, gayon din ang mga santo sa lupa, bagama't sa mas kulang na antas. Ilang pagiging-tao ang nananatili pa rin sa perpektong mga kaluluwa. Ngunit ang mga apostol ay hindi pa mga perpekto. Ang kanilang mga isip ay may laman ng pantaong mga pangangatwiran. Itinaas Ko sila. Ngunit ang bigat ng kanilang pagiging-tao ay hinihila silang pababa muli. Upang sila ay makababa ng hangga't maaari kaunti lamang kinailangan Kong maglagay ng isang bagay sa daan ng kanilang pagtaas, na makapagpipigil sa kanilang pagbaba, isang bagay na sila ay titigil upang magnilay-nilay at makapagpahinga at kung gayon makataas ulit sa isang mas mataas na lebel kaysa dati. Kinailangan Kong maglagay ng isang bagay na makapagkukumbinsi sa kanila na Ako ay Diyos, ibig sabihin: pananalisim ng kanilang kaluluwa, pananagumpay sa mga elemento, mga himala, pagbabagong-anyo, resureksiyon, pagka-nasa-lahat-ng-pook. Ako ay nasa daan ng patungong Emmaus nang Ako ay nasa silid ng Huling Hapunan, at ang oras ng Aking pagka-nasa-lahat-ng-pook, nang ito ay pinag-usapan ng mga apostol at ng mga disipulo, ay ang isa sa mga rason na siyang nakaaapekto sa kanila nang napakalakas, pinalalaya sila sa kanilang pagkakatali at tinutulak sila sa daan ng Kristo. Kaysa kay Judas, na pinaglilimliman na ang kamatayan, Ako ay nagsasalita sa labing-isa. Ako ay napilitan na gawin itong napakalinaw sa kanila na Ako ay Diyos, hindi dala ng pagmamalaki, bagkus ng pangangailangan para sa kanilang pormasyon. Ako ay Diyos at Guro noon. Ang mga salitang iyon ay sinalarawan Ako na ganyan. Ibinunyag Ko ang Aking Sarili sa pamamagitan ng isang karagdagan na pantaong kakayahan at nagtuturo Ako ng isang birtud: kailangan na huwag tayong mag-usap ng masasamang bagay ni sa loob ng ating mga puso. Sapagkat nakakakita ang Diyos, at ang Diyos ay kailangan na makakita ng dalisay na puso upang Siya ay bumababa diyan at manirahan diyan.

Bakit hindi Ko ginawa ang himala sa loob ng bahay na iyon? Upang maintindihan ng lahat na ang presensya ng Diyos ay nangangailangan ng isang dalisay na kapaligiran, dala ng paggalang para sa Kanyang dalisay na kadakilaan. Hindi Ko ginawa ang himala doon, sapagkat ibig Kong magsalita sa kanya², hindi binibigkas ang mga salita sa pamamagitan ng Aking mga labì, bagkus sa pamamagitan ng isang mas malalim na salita na para sa kanyang makasalanan na kaluluwa at sabihin: “Kita mo? Kaawa-awang sawing-palad? Napakarumi mo na ang lahat na malapit sa iyo ay nagiging napakarumi. Napakarumi, na ang Diyos ay hindi makakilos. Ikaw ay mas marumi pa kaysa sa kanya³. Sapagkat inuulit mo ang kasalanan ni Eba at inaalok mo ang iyong prutas sa maraming mga Adan, sa pamamagitan ng panunukso sa kanila at paglayo sa kanila sa kanilang Tungkulin. Ikaw ay isang ministro ni Satanas. Ngunit bakit ayaw Kong matawag siyang “satanas” ng malungkot na ina ng lalaki? Sapagkat walang rason ang makapagbibigay ng katwiran sa insulto at poot. Ang unang kinakailangan na kondisyon upang makasama natin ang Diyos ay ang hindi magkimkim ng sama-ng-loob at ang magpatawad. Ang ikalawang kondisyon ay ang aminin na tayo, o ang mga taong nasa poder natin, ay mga makasalanan din. Hindi kinakailangan na ang mga pagkakamali lamang ng ibang mga tao ang ating titingnan. Ang ikatlong kondisyon ay ang manatiling mapagpasalamat at tapat, pagkatapos na makatanggap ng grasya, dala ng katarungan sa Eternal na Ama.  Kapahamakan sa mga taong pagkatapos na makatanggap ng grasya ay mas malala pa kaysa sa mga aso at hindi nakakaalaala sa kanilang May-bigay-biyaya, samantalang ang mga hayop ay nakakaalaala!

Wala Akong sinabi ni isang salita kay Maria ng Magdala. Tiningnan Ko siya nang isang sandali, na tila siya ay isang estatuwa. Binalikan Ko ang mga “nabubuhay na mga tao” na ibig Kong mailigtas.. Tinarato  Ko siya nang tila may kapabayaan, na tila  siya ay patay, katulad o mas higit pa sa isang walang-buhay na isang nililok na marmol. Ngunit hindi Ako nagbigkas ng isang salita o gumawa ng isang pagkilos na hindi talagang para sa kanyang kaawa-awang kaluluwa, na ginusto Kong matubos. At ang huling mga salita: “Hindi Ako nang-iinsulto. Huwag mang-insulto. Manalangin para sa mga makasalanan. Wala nang iba pa”, katulad ng isang girnalda ng mga bulaklak na ang mga dulo nito ay magkakabit, ay kailangan na idugtong sa unang mga salita na binigkas sa bundok: ”Ang pagpapatawad ay mas mabuti kaysa gálit at ang awa kaysa katigasan”. At nakulong ng mga ito ang kaawa-awang sawing-palad sa loob isang malamig na tersiyopelo na pabilog, pinabanguhan ng kabutihan, ginagawa siyang maramdaman niya kung ano ang kaibahan ng nagmamahal na serbisyo ng Diyos sa malupit na pang-aalipin ni Satanas, gaano katamis ang makalangit na pabango kompara sa amoy ng kasalanan, at gaano nakapanghihingalay ang mahalin nang may-kabanalan kompara sa malukuban ni Satanas.

Kita ninyo kung gaano ka-katamtaman ang kalooban ng Panginoon. Hindi Siya humihingi ng agaran na mga kombersiyon. Hindi Niya hinihingi ang absuluto mula sa isang puso. Makapaghihintay Siya at maaaring masiyahan. At habang naghihintay para sa nawawalang babae na makita ang kanyang daan, para sa baliw na babae na makita ang pangangatwiran, Siya ay nasisiyahan sa kung ano ang maibibigay sa kanya ng nalulungkot na ina. Tinanong Ko lamang ang ina: “Makapagpapatawad ba kayo?” Gaano pa karaming mga tanong ang maaaring naitanong Ko sa kanya upang magawa siyang karapat-dapat ng himala, kung Ako ay umasal ayon sa pantaong mga panukatan! Ngunit sinusukat Ko ang inyong lakas sa isang dibinong pamamaraan. Iyon ay isa nang malaking tagumpay kung ang nasiraan-ng-ulo na ina ay totoong makapagpapatawad. At iyan lamang ang hinihingi Ko sa kanya, sa sandaling iyon. Pagkatapos na maibigay Ko ulit ang kanyang anak sa kanya, sinabi Ko sa kanya: “Maging banal at gawin ang inyong bahay na banal”. Ngunit habang ang matinding kirot ng kapighatian ay sinisira ang kanyang ulo, hiningi Ko lamang sa kanya ang bagkus patawarin ang may-kagagawan. Kailangan na huwag kayong humingi ng lahat mula sa mga tao na kamakailan pa lamang ay nasa Kadiliman. Ang ina na iyon ay darating pagkaraan sa ganap na liwanag, kasama ang kanyang manugan na babae at ang mga bata. Pansamantala, kinakailangan na hayaan ang unang datíng ng Liwanag na marating ang kanyang mga mata na nabubulagan ng mga luha: ibig sabihin: ang pagpapatawad, ang bukanliwayway ng araw ng Diyos.

Sa mga taong naroroon – hindi Ko tinutukoy si Judas, ang sinasabi Ko ay ang mga taong naipon doon, hindi mga tao ng Aking mga disipulo tanging iisa lamang ang hindi pupunta sa Liwanag. Laging may isang tao na kung kanino ang mga apostol ay maghihirap nang walang mangyayari. Ngunit hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa dahil sa mga pagkatalo na ganyan. Ang isang apostol ay hindi kailangan na magkunwaring nakukuha niya ang lahat. Sa mga lumalaban sa kanya ay naririyan ang pasalungat na mga kapangyarihan, na may maraming pangalan, at katulad ng mga galamay ng isang pugita hinahawakan muli ng mga ito ang dati niyang naagaw sa kanila. Ngunit ang apostol ay karapat-dapat pa rin ng merito. Kapahamakan sa apostol na nagsasabi: “Hindi ako pupunta roon sapagkat alam ko na hindi ako makakakumberti ng sinuman”. Siya ay isang apostol na may napakaliit na halaga. Kinakailangan na pumunta kahit na kung isa lamang sa sanlibo ang maliligtas. Ang kanyang apostoladong araw ay magiging kasing mabunga dahil sa isang iyon katulad na ito ay para sa sanlibo, sapagkat nagawa niya ang lahat sa loob ng kanyang kapangyarihan at iyan ang ginagantimpalaan ng Diyos. Kailangan din ninyong tingnan na kung saan ang apostol ay hindi makapagkumberti, dahil ang tao na kinukumberti ay labis na nahahawakan ni Satanas at ang kapangyarihan ng apostol ay kulang para sa gawain na iyon, ang Diyos ay maaaring makialam. At pagkatapos? Sino ba ang mas dakila kaysa sa Diyos?

Ang isa pang bagay na kailangan na absulutong isabuhay ng apostol ay ang pagmamahal. Malinaw na pagmamahal. Hindi lamang ang lihim na pagmamahal para sa mga puso ng mga kapatid. Iyan ay sapat na para sa mabubuting kapatid. Subalit ang apostol ay isang manggagawa ng Diyos at hindi niya kailangan na limitahan ang kanyang sarili sa pagdarasal: kailangan niyang kumilos. Hayaan siyang kumilos na may pagmamahal, na may malaking pagmamahal. Ang kahigpitan ay napaparalisa ang gawain ng apostol at nakakasagabal sa galaw ng mga kaluluwa patungo sa Liwanag. Kung gayon: hindi kahigpitan, bagkus pagmamahal. Ang pagmamahal ay ang di-umaapoy na tela na nagpoprotekta sa inyo laban sa liyab ng masasamang masimbuyong damdamin. Ang pagmamahal ay ang pagkababad sa nagpapanatiling mga esensiya na pumipigil sa pantaong-makadimonyong pagkabulok na makapasok sa inyo. Upang makakuha ng  isang kaluluwa kailangan ninyong matutong magmahal. Upang makakuha ng isang kaluluwa kailangan na maitulak ninyo ito na magmahal: ang mahalin ang Kabutihan at talikdan ang walang-kabuluhan na makasalanan na mga pagmamahal.

Ginusto Ko ang kaluluwa ni Maria. At katulad sa kaso mo, Aking munting Juan, hindi Ko pinamalagi ang Aking sarili sa pagsasalita mula sa desk ng Tagapagturo. Ako ay yumuko hinahanap siya sa mga landas ng kasalanan. Tinugis Ko at inusig Ko siya sa pamamagitan ng Aking pagmamahal. Isang mabait na pang-uusig! Ako-Kadalisayan ay sinundan siya kung saan siya noon ay Karumihan. Hindi Ako natatakot ng kahit anong iskandalo, ni kahit tungkol sa Aking Sarili o sa ibang mga tao. Hindi Ako maaaring maiskandalo, sapagkat Ako ay Awa; at ang Awa ay iniiyakan ang mga kasalanan ngunit hindi naiiskandalo ng mga ito. Kapahamakan sa pastol na naiiskandalo at itinatago ang sarili sa likuran ng tabing ng iskandalo upang kalimutan ang isang kaluluwa! Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga kaluluwa ay mas nakakiling kaysa sa mga katawan na bumangon muli at ang puno-ng-awa na mapagmahal na salita nagsasabing: “Bumangon, kapatid, para sa sarili mong kabutihan” ay madalas nakagagawa ng isang himala? Hindi Ako natatakot ng iskandalo ng ibang mga tao. Ang Aking kilos ay makatarungan sa mga mata ng Diyos, at naintindihan ng mabubuting tao. Ang isang may masamang-kaisipan na tao nangangasim sa kasamaan, na tumataas mula sa isang naging-maruming puso, ay walang importansiya. Ang ganyang tao ay nakakakita rin ng mga pagkakamali sa Diyos, at ang tinitingnan na perpekto lamang ay ang kanyang sarili. Hindi Ko kung gayon pinapansin ang ganyang mga tao.

Ang tatlong bahagi ng kaligtasan ng isang kaluluwa ay:

Ang maging ganap at istriktong tapat upang makapagsalita nang walang kahit anong takot na patahimikin. Ang makapagsalita sa isang buong pulutong upang ang ating apostoladong salita, nakatuon sa mga pulutong na nag-iipun-ipon sa paligid ng ating mistikal na bangka, ay sana makapaglakbay nang malayo at malayo pa, katulad ng mga pabilog ng mga alon, hanggang marating nito ang maputik na pampang, kung saan ang mga hindi interesado na makaalam ng Katotohanan ay nakahiga sa putik. Iyan ang unang gawain upang mabiyak ang matigas na pang-ibabaw ng lupa at maihanda ito na tanggapin ang buto. Ito ang pinakamahirap na gawain kapwa para sa kanya na gumagawa nito at para sa kanya na tumatanggap nito, sapagkat ang mga salita, katulad ng matalas na talim ng araro, ay kailangan na masugatan ang nakikinig upang maibukas ang kanyang puso. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang puso ng isang mabuting apostol ay nasasaktan at dumurugo dahil sa kapighatian na kailangang makasugat upang makapagbukas. Ngunit ang kapighatian din ay mabungahin. Sa pamamagitan ng dugo at mga luha ng isang apostol ang isang sayang na lupa ay nagiging mataba.

Ang ikalawang kalidad: Kinakailangan din na kumilos kung saan ang isa, kulang ang kaalaman tungkol sa kanyang misyon, ay aalis. Ang apostol ay kailangan na magbanat ng buto sa pagsisikap na maalis ang dawag, damo at mga tinik upang malinis ang lupa at araruhin ito at pagkatapos gawin ang kapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang kagandahang-loob na suminag dito katulad ng araw. At siya, katulad ng isang hukom at isang doktor, ay kailangan din na maging mahigpit at maawain, at manatiling matatag sa loob ng panahon ng paghihintay upang mabigyan ang mga kaluluwa ng panahon na mapangibabawan ang kanilang mga krisis, makapagnilay at makapagpasya ang kanilang mga isip.

Ang ikatlong bahagi: Kapag kaagad ang isang kaluluwa na nagsisi sa katahimikan, ay maglakas-loob na lumapit sa isang apostol, lumuluha at iniisip ang mga pagkakamali nito, natatakot na ito ay palayasin, ang puso ng apostol ay kailangan na maging mas malaki pa kaysa sa dagat, mas magiliw pa kaysa sa puso ng isang ina, mas mapagmahal pa kaysa sa isang nobya, at kailangan na ibukas niya ito nang ganap upang mapabayaan ang mga alon ng kagiliwan na makadaloy mula rito. Kung ang Diyos ay nasa inyo, Na siyang ang Karidad, madali kayong makakakita ng mapagkawanggawang mga salita na sasabihin sa mga kaluluwa. Ang Diyos ay magsasalita sa loob ninyo at sa katauhan ninyo at katulad ng pulot na tumutulo mula sa isang bahay-pukyutan, katulad ng balsamo na dumadaloy mula sa isang maliit na bote, mararating ng pagmamahal ang tuyong nagkasakit na mga labì; mararating nito ang nasugatang mga kaluluwa at magiging kaginhawahan at gamot.

Kayong mga doktor ng mga kaluluwa, gawin ang mga makasalanan na mahalin kayo. Gawin na matikman nila ang lasa ng Makalangit na Karidad at gawin silang  manabik para rito, nang hindi na sila maghahanap ng iba pang pagkain. Gawin na maramdaman nila sa inyong kabaitan ang ganyang kaginhawahan, na ito ang kanilang hahanapin para sa lahat ng kanilang mga sugat. Ang inyong karidad ay kailangan na mapalaya sila mula sa lahat na takot, sapagkat, katulad ng sinasabi sa epistola na iyong binasa sa araw na ito: “Ang matakot ay ang umasa ng kaparusahan, at ang sinuman na natatakot ay di pa rin perpekto sa pagmamahal”. Ni hindi pa rin perpekto siya na nagagawa ang mga tao na matakot. Huwag sabihin: “Ano ang nagawa mo?” Huwag sabihin: “Lumayas ka”. Huwag sabihin: “Hindi ka magkakaroon ng gana para sa mabuting pagmamahal”.

Sabihin, sa halip, sa ngalan Ko: “Magmahal at ikaw ay aking patatawarin”. Sabihin: “Halika, ang mga kamay ni Jesus ay bukas”. Sabihin: “Kalugdan ang anghelikal na Tinapay na ito at ang Salitang ito at kalimutan ang aspalto ng impiyerno at ang panunuya ni Satanas. Batahin ang kahinaan ng ibang mga tao. Ang isang apostol ay kailangan na mabata niya ang kanyang sariling kahinaan at ang mga kahinaan ng ibang mga tao, sa pamamagitan ng kanyang sariling krus at ng mga krus ng ibang mga tao. At habang pumupunta sa Akin, dala ang sugatán na mga tupa, palakasin-ang-loob ang kaawa-awang naliligaw na mga kaluluwa nagsasabing: “Ang lahat ay napatawad na sa ngayon”; sabihin: “Huwag matakot sa Tagapagligtas. Siya ay pumunta rito mula sa Langit para sa inyo, tanging para sa inyo lamang. Ako ay bagkus isang tulay lamang upang madala kayo sa Kanya Na naghihintay sa inyo, sa kabila ng ilog ng kapatawaran ng mga nagsisisi, upang dalhin kayo sa Kanyang banal na mga pastulan, na nagsisimula rito, sa lupa, at nagpapatuloy sa Langit, sa walang-katapusang na nakapagpapalusog na nakasisiyang Kagandahan”.

Naririto ang komentaryo. Maliit lamang ang para sa iyo rito, matapat na tupa sa Mabuting Pastol. Subalit kung sa iyo, munting nobya, ito ay nagpapalaki ng kompiyansa, kay Padre ito ay magiging mas malaking liwanag sa kanyang kaliwanagan bilang hukom, at para sa maraming tao ito ay hindi magiging pangganyak upang pumunta sila sa Kabutihan. Ngunit ito ay magiging ang tumatagos at nagpapalakas na hamog na Aking sinabi at magagawa nito ang tuyong mga bulaklak na tumayong tuwid muli.

Itaas ang inyong mga ulo. Ang Langit ay mataas doon. Humayo sa kapayapaan, Maria. Ang Panginoon ay sumasaiyo.»

130411

 

¹ ”Siya” ay si Maria ng Magdala. Upang maintindihan ang ganap na ibig sabihin ng kasalukuyang Kabanata at ng mga pangyayari na tinutukoy dito, pakiusap na tingnan ang Kabanata 183.

² “sa kanya” – kay Maria ng Magdala. (RLB)

³ “sa kanya” – tinutukoy ang lalaking napatay. (RLB)

“Padre” – ibig-sabihin ang espirituwal na pari ni Maria Valtorta.



Sunod na kabanata