235. Si Maria ng Magdala sa Loob ng Bahay ni Simon, ang Pariseo.

Enero 21, 1944.

Upang mapaginhawahan ako sa aking komplikadong paghihirap at upang makalimutan ko ang kasamaan ng mga tao, ang aking Jesus ay pinagkalooban ako ng matamis na kontemplasyon na ito.

Nakikita ko ang isang marangyang bulwagan. Ang isang maraming-sanga na kandelabra ay nakabitin sa gitna at ganap na sinindihan. Ang bulwagan ay nabibitinan ng magagandang tapiseriya; mayroong magagandang muwebles at mga upuan na may mga ukit at nilagyan ng dekorasyon na garing at mamahaling metal na mga dahon.

May isang malaking kudradong mesa sa gitna, na binubuo ng apat na mesa na pinagsama-sama. Ang mesa ay inahinan para sa maraming panauhin (lahat mga lalaki) at natatakpan ng magandang mga mantel at napakamamahaling mga gamit sa mesa. May mamahaling mga amphora at mga kopa at maraming katulong ang pauli-uli sa mesa may dala-dalang mga pagkain at nagbubuhos ng mga alak. Walang tao sa gitna ng liwasan. Nakikita ko ang magandang sahig na nasasalamin ang mga ilaw ng langis na tsandelyer. Sa paligid ng mesa ay maraming mga upuang supa, lahat okupado ng mga panauhin.

Ako ay tila nasa medyo madilim na sulok sa dulo ng bulwagan, malapit sa isang pintuan, na maluwang na nakabukas, bagama't natatakpan ng isang mabigat na tapiseriya nakabitin mula sa isang arko.

Ang maybahay na lalaki at ang pinaka-importanteng mga panauhin ay nasa katapat na tabi, ibig sabihin, ang pinakamalayo mula sa pintuan. Ang maybahay na lalaki ay maedad na, nakasuot ng isang malapad na puting tunika may bigkis sa baywang sa pamamagitan ng isang may-burdang sinturon. Sa paligid ng kuwelyo, sa mga pupulsuhan at sa laylayan ng tunika ay may mga hilera ng mga may burda, na ikinabit na tila iyon ay ibinurdang mga ribon o kapirasong mga tela. Ngunit ayaw ko ang kanyang ekspresyon. Ito ay malisyoso, malamig, mapagmalaki at sakim.

Sa katapat na tabi, kaharap siya, ay naroroon si Jesus. Nakikita ko Siya nakatagilid, halos mula sa Kanyang likuran. Suot Niya ang Kanyang pangkaraniwan na puting tunika, mga sandalyas, at ang Kanyang mahabang buhok ay nahahati sa Kanyang noo.

Nakikita ko na kapwa Siya at ang mga panauhin ay hindi mga nakaupong tuwid sa mesa, ayon sa akala ko ang isa ay uupo nang ganyan sa mga supa na upuan, sa halip sila ay mga nakapahinga nang magkakahilera. Sa bisyon tungkol sa kasalan sa Cana hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang detalyeng ito. Nakita ko noon na sila ay kumakain na nakasandal sa kanilang mga siko, ngunit tila hindi sila lumalabas na nakapahinga, baka ganito dahil ang mga upuan na supa ay mas maiikli at hindi masyadong marangya. Ang mga nakikita ko ngayon ay tunay na mga higaan, at nagmumukhang modernong mga Turkiya na mga supa.

Si Juan ay malapit kay Jesus at sa dahilan na si Jesus ay nakasandal sa Kanyang kaliwang siko, katulad ng lahat, si Juan ay nasa pagitan ng mesa at ng katawan ni Jesus, na ang kanyang siko kapantay ang singit ng Guro, kung kaya’t hindi niya nahahadlangan Siya habang kumakain, ngunit kung gugustuhin niya, makasasandal siya nang patago sa Kanyang dibdib.

Walang babae sa mesa. Lahat sila ay nagsasalita at ang maybahay na lalaki ay paminsan-minsan kinakausap si Jesus na may halatang-halata na pagpapakitang pagpapakababa. Kitang-kita na ibig niyang ipakita sa Kanya at sa lahat na mga naroroon din, na kanyang pinarangalan ng labis Siya, sa pag-anyaya sa Kanya sa kanyang mayaman na bahay… Nakikita ko si Jesus na tumutugon na may kabaitan at matahimik. Medyo nakangiti Siya sa mga nagtatanong sa Kanya ng mga katanungan, ngunit ang Kanyang ngiti ay nagiging maningning kapag si Juan ay nagsasalita sa Kanya o kahit tumitingin sa Kanya.

Nakikita ko ang magandang kurtina na nagtatakip sa puwang ng pintuan na itinataas at ang isang bata-pang babae ay pumasok. Siya ay maganda, marangyang nakadamit at ang kanyang buhok ay magandang nakaayos. Ang kanyang maarteng magkakakabit na buhol ng kanyang napakakapal na olandesang buhok ay nakapoporma ng isang magandang pasinaya sa kanyang ulo. Ang kanyang buhok ay napakaningning at napakakapal na siya ay tila nakasuot ng isang ginintuang helmet  na nilagyan ng disenyong nakausli. Kung ikukumpara ko ang damit na suot niya sa mga damit na lagi kong nakikita na sinusuot ng Banal na Birhen Maria sasabihin ko na ito ay kakaiba at komplikado. May mga hibilya sa mga balikat, mga batong-hiyas upang mahawakan na magkakasama ang mga pileges sa itaas ng dibdib, maliliit na gintong kadena upang mabigyan ng hugis ang dibdib, at ang sinturon ay adornado ng mga boton at batong-hiyas. Ito ay nakapupukaw na damit, na nagpapatingkad sa mga katangian ng kanyang magandang katawan. Ang belo sa kanyang ulo ay napakagaan na… ito ay walang binibeluhan: ito ay isang karagdagang pampaganda at wala nang iba pa. Ang kanyang mga sandalyas ay napakamamahaling, pulang balat na may gintong mga hibilya at mga pahang magkakakawing sa paligid ng kanyang mga buol.

Ang lahat, maliban kay Jesus ay lumingon upang tingnan siya. Si Juan ay pinagmamasdan siya nang isang sandali, pagkatapos tiningnan si Jesus. Ang iba ay tinititigan siya na may kitang-kitang malisyosong  pagmimithi. Ngunit ang babae ay hindi sila tinitingnan, ni hindi niya pinapansin ang bulung-bulungan na lumitaw sa kanyang pagpasok, o ang pagkikindatan ng mga tao na naroroon, maliban kay Jesus at Kanyang disipulo. Si Jesus ay nagkukunwaring wala Siyang napansin. Ipinagpapatuloy Niya ang Kanyang pakikipagusap sa maybahay na lalaki.

Ang babae ay nagtungo kay Jesus at lumuhod sa paanan ng Guro. Inilapag niya sa sahig ang isang maliit na plorera, na ang hugis ay katulad ng isang matambok-ang-gitna na amphora, inalis ang kanyang belo pagkatapos na maalis ang isang mahabang mamahalin na pang-ipit, na humahawak dito sa kanyang buhok, inaalis niya ang mga singsing sa kanyang mga daliri at inilapag ang lahat sa supa malapit sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos kinuha niya ang Kanyang mga paa sa kanyang mga kamay, una ay ang kanan pagkatapos ang kaliwa, inaalis niya ang Kanyang mga sandalyas at inilapag ang mga ito sa sahig. Pagkatapos kanyang hinahalikan ang Kanyang mga paa lumuluha ang mga mata, ipinatong niya ang kanyang noo sa mga paa, hinahaplos-haplos ang mga ito, habang dumadaloy ang mga luha mula sa kanyang mukha katulad ng mga ulan, nagniningning sa liwanag ng tsandelyer at binábasa ang adorableng mga paang iyon.

mary magdaleneSi Jesus ay inililingon ang Kanyang ulo nang napakamalumanay at dahan-dahan, at ang Kanyang malalalim na mata ay sa isang sandali itinuon ang paningin sa nakatungong ulo ng babae. Isang nagpapatawad na sulyap. Tumingin Siya pagkatapos sa gitna ng bulwagan, iniiwan siyang libre sa pagbugso ng kanyang damdamin.

Ngunit ang iba ay hindi: sila ay nanghahamak, kumikindat at nangungutya. Ang Pariseo ay umupo nang tuwid sa isang sandali upang makakita nang mabuti at ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng pagmimithi, pagkayamot at pakunwaring kamangmangan. Minimithi niya ang babae, at ang pakiramdam na iyon ay kitang-kita. Siya ay nayamot sapagkat ang babae ay pumasok nang libreng-libre, na baka magawa ang iba na mag-isip na ang babae ay isang madalas na panauhin sa bahay. At siya ay mapagkunwari hinggil kay Jesus…

Ngunit ang babae ay hindi nag-aalam ng kahit na ano. Nagpapatuloy siya nang walang-ingay sa pagpapadaloy ng mga agos ng luha . Siya ay umiiyak at paminsan-minsan siya ay hihikbi. Pagkatapos pinabagsak niya ang kanyang mga buhok, pagkatapos na maalis ang gintong mga ipit sa buhok, na humahawak sa kanyang komplikadong pagkakaayos ng buhok at inilalagay din ang mga ipit malapit sa mga singsing at sa mahabang ipit ng belo. Ang kanyang ginintuan na mga buhol ay bumaba sa kanyang likod. Kinuha niya ang mga ito sa kanyang dalawang kamay at inilagay sa harapan niya at ikinukuskos ang mga ito sa basang mga paa ni Jesus, hanggang sa makita niya na ang mga paa ay tuyo na. Inilubog niya ang kanyang mga daliri sa maliit na plorera at kumuha ng isang madilaw-dilaw na napakatapang na pamahid. Isang masarap na amuying pabango, isang halo ng liryo at ‘tuberose’, ang kumakalat sa buong bulwagan. Ang mga babae ay ginagamit ito nang walang-pagtitipid, ikinakalat niya ito, hinahalikan at hinahaplos ang Kanyang paa nang sabay.

Si Jesus ay tinitingnan siya nang paminsan-minsan na may labis na mapagmahal na habag. Si Juan, na tumitingin sa paligid sa pamamangha nang ang babae ay napaiyak, ay hindi maalis ang kanyang mga mata kay Jesus at sa babae at tinitingnan sila nang salit-salitan.

Ang mukha ng Pariseo ay naging lalu’t lalo pang problemado. Naririnig ko na ngayon ang kilalang-kilalang mga salita sa Ebanghelyo at naririnig ko itong binibigkas sa tunog at na may tingin, na nagawa ang matandang matampuhing mamâ na ibaba ang kanyang ulo.

Naririnig ko ang mga salitang inaabsulbihan ang babae, na umaalis iniiwan ang kanyang mga alahas sa paanan ni Jesus. Naitali na niya ang kanyang belo paikot sa kanyang ulo, kung gayon naipon niya ang kanyang nakalugay na buhok sa pinakamaganda nang magagawa niya. Si Jesus, habang nagsasabi sa kanya: «Humayo sa kapayapaan» ay ipinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang nakatungong ulo nang isang sandali. Isang napakamagiliw na pagkilos.

                                                                                ------------

Si Jesus ngayon ay nagsasabi sa akin:

jesus sinasabi

«Kung ano ang nágpayuko sa ulo ng Pariseo at sa kanyang mga kasamahan at hindi nababanggit sa Ebanghelyo, ay ang mga salita ng Aking espiritu, na sa isang sulyap ay pinaaabot sa kanya at pinarating sa kanyang tigang na sabik na kaluluwa. Sinagot Ko siya nang mas mahigit pa kaysa sa naiulat, sapagkat wala sa mga naiisip ng mga taong iyon ang maitatago sa Akin. At naintindihan niya ang Aking walang-tunog na salita, na mas makahulugan at nagagalit kaysa sa ganito ang Aking mga salita.

Sinabi Ko sa kanya: “Hindi. Huwag gumawa ng masasamang pakahulugan na mapangatwiranan ang iyong sarili sa iyong sarili.  Ako ay hindi naaapektuhan ng kahalayan katulad mo. Siya ay hindi pumunta sa Akin na nahikayat ng kahalayan. Ako ay hindi katulad mo o katulad ng mga katulad mo. Siya ay pumunta sa Akin sapagkat ang Aking hitsura at ang Aking salita, na kanyang napakinggan nang hindi sinasadya, ay naliwanagan ang kanyang kaluluwa, na dinala ng kahalayan sa sukdulang kadiliman. At siya ay naparito upang mapangibabawan niya ang kanyang kahalayan at kanyang nakikita, kaawa-awang nilikha, na hindi siya kailanman magtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang sarili lamang. Minamahal niya ang Aking espiritu, walang iba bagkus ang Aking espiritu, na kanyang nakikita na sobrenatural na mabuti. Pagkatapos ng labis na kasamaan na kanyang tinanggap mula sa inyong lahat, na mga nagsamantala sa kanyang kahinaan para sa inyong sariling mga bisyo, ginagantimpalaan siya ng inyong nagpapasakit na panunuya, siya ay pumunta sa Akin, sapagkat nakita niya na natagpuan na niya ang Kabutihan, Lugod at Kapayapaan, na kanyang hinahanap nang walang-mangyari sa mga karangyaan at mga banidad ng masamang mundong ito. Gamutin ang ketong ng iyong kaluluwa, o mapagkunwaring  Pariseo, upang magkaroon ka ng tamang pananaw ng mga bagay. Kalimutan ang pagmamalaki ng isip at ang kahalayan ng laman. Ang kanilang ketong ay mas mabantot kaysa sa ketong ng kanilang mga katawan. Ang hipo ng Aking kamay ay mapagagaling kayo ng ketong ng inyong katawan, ngunit hindi Ko kayo mapagagaling ng ketong ng inyong mga kaluluwa, sapagkat ayaw ninyong mapagaling, dahil gusto ninyo ito. Ngunit gusto niyang gumaling. Kung kaya't nilinis Ko siya, at pinalaya Ko siya sa mga tanikala ng kanyang pagka-alipin. Ang makasalanan ay patay na. Siya ay naroroon pa rin sa banda roon, sa mga palamuti na ikinahihiya niyang ialay sa Akin na sana ito ay Aking mapabanal, ginagamit ito para sa mga pangangailangan ng Aking mga disipulo at Akin at para sa mga mahihirap, na Aking tinutulungan sa pamamagitan ng mga sobra ng ibang mga tao, sapagkat Ako, ang Guro ng sansinukuban, ay walang pag-aari ngayon na Ako ay ang Tagapagligtas ng tao. Siya ay naririto pa rin, sa pabangong ikinalat sa Aking mga paa, ang pabangong ipinahiya katulad ng kanyang buhok, sa bahaging iyon ng Aking katawan na iyong kinasusuklaman na palamigan ng tubig ng iyong bubon, sa kabila ng malayo ang Aking nilakad upang maihatid din sa iyo ang liwanag. Ang makasalanan ay patay na. At si Maria ay naipanganak muli, kasing ganda ng isang mahiyaing babae, sa pamamagitan ng kanyang malalim na kapighatian at ng kanyang matuwid na pagmamahal. Hinugasan niya ang kanyang sarili ng kanyang mga luha. At sinasabi Ko sa iyong totoo, o Pariseo, na sa pagitan ng binatang ito na nagmamahal sa Akin sa kadalisayan ng kanyang kabataan, at ng babaeng iyan na nagmamahal sa Akin sa katapatan ng pagsisisi ng isang puso na naipanganak-nang-muli sa Grasya, wala Akong nakikitang pagkakaiba. At sa Purong binata at sa Nagsisising babae ipinagkakatiwala Ko ang gawain na maintindihan nila ang Aking kaisipan katulad na walang iba ang makaiintindi, at ang gawain din na sila ang magbigay ng huling mga parangal sa Aking Katawan, at ang unang pagbati (hindi Ko sinasaalang-alang ang espesyal na pagbati ng Aking Ina) kapag bumangon Ako mula sa kamatayan”. Iyan ang ibig Kong sabihin sa Pariseo sa pamamagitan ng Aking hitsura.

Ngunit dadalhin Ko ang iyong atensiyon sa ibang bagay: para sa iyong lugod at sa lugod ng marami. Sa Bethany din ay inulit ni Maria ang kanyang ginawa na siyang naglagay ng tanda ng pagsimula ng kanyang katubusan. May mga personal na pagkilos, na nauulit at kapuna-puna sa isang tao katulad ng estilo ng isang tao. Ito ay di-maipagkakailang mga pagkilos. Ngunit, katulad na ito ay makatarungan, sa Bethany ang ginawang pagkilos ay hindi naging kahiya-hiya nang labis at iyon ay mas malihim sa mapagpitagan na pagsamba.

Malayo na ang nilakbay ni Maria mula pa noong pagsimula ng kanyang katubusan. Malayung-malayo. Ang pagmamahal, katulad ng isang mataas na hangin, ay dinala siyang mataas at malayo sa unahan. Ang pagmamahal ay sinunog siya katulad ng isang apoy, sinisira ang kanyang di-purong laman ginagawa ang kanyang napadalisay na espiritu na maging siyang kanyang bagong panginoon. At si Maria, ngayon iba na sa kanyang gumaling na pambabaeng dangal, dahil siya ay iba na sa kanyang pananamit, na ngayon ay kasing simple katulad ng pananamit ng Aking Ina, sa estilo ng kanyang pagdala ng buhok, sa kanyang mga tingin, sa kanyang asal, sa kanyang mga salita, ang Maria na ito ay may bagong pamamaraan ng pagpaparangal sa Akin sa pamamagitan ng dating pagkilos. Kinuha niya ang huling plorera ng kanyang mga plorera ng pabango, na kanyang itinabi para sa Akin, at binuhos ito sa Aking mga paa at ulo, nang hindi lumuluha nang kahit ano, nang may masayang hitsura dahil sa pagmamahal at sa katiyakan na siya ay napatawad na at nailigtas. Mahihipo na ngayon ni Maria ang Aking ulo at buhusan ng langis ang Aking ulo bilang Hari. Ang pagsisisi at pagmamahal ay nalinis siya sa pamamagitan ng apoy ng serapin at siya ay isang serapin.

Ulitin mo iyan sa sarili mo, Maria, Aking munting “tinig” at ulitin mo iyan sa mga kaluluwa. Humayo, sabihan ang mga kaluluwa na hindi naglalakas-loob na lumapit sa Akin sapagkat sa pakiramdam nila sila ay nagkasala. Siya na nagmamahal nang labis ay labis na pinatatawad. Ibig sabihin, siya na nagmamahal sa Akin. Kayo, mga kaawa-awang kaluluwa, ay hindi nag-aalam kung gaano kayo minamahal ng Tagapagligtas! Huwag kayong matakot sa Akin. Halikayo. Nagtitiwala. Malakas ang loob. Binubuksan Ko ang Aking puso at ang Aking mga kamay sa inyo.

Laging tandaan: “Walang pagkakaiba sa Akin siya na nagmamahal sa Akin sa pamamagitan ng kanyang walang-batik na kadalisayan at siya na nagmamahal sa Akin sa sinsirong pagsisisi ng isang puso na ipinanganak-nang-muli sa Grasya”. Ako ang Tagapagligtas. Laging Tandaan iyan.

Humayo sa kapayapaan. pinagpapalà kita.»

                                                                ---------------------------------

Enero 22, 1944.

Nag-iisip ako nang buong araw tungkol sa diktasyon ni Jesus kagabi at tungkol sa aking nakita at naintindihan, kahit na kung iyon ay hindi binigkas.

Pansamantala, siyanga pala, sasabihin ko sa iyo na ang paguusap ng mga taong kumakain, hanggang sa aking naiintindihan, ibig kong sabihin, ang parte na ipinahahatid kay Jesus, ay tungkol sa pang-araw-araw na mga pangyayari: ang mga Romano, ang Batas na sinasalungat nila, at pagkatapos ang misyon ni Jesus bilang Guro ng isang bagong paaralan. Ngunit sa ilalim ng tila lumalabas na kabaitan malinaw na sila ay nagtatanong ng masasama at mapunahin na mga tanong upang ipahiya Siya. Isang mahirap na gawain, sapagkat sa Jesus sa loob ng kaunting mga salita ay ibinigay ang tama at kapani-paniwalang sagot sa bawat paksa.

Halimbawa, nang tinanong nila Siya kung anong partikular na paaralan o sekta na Siya ang naging ang bagong guro, tumugon Siya nang simple: «Ng paaralan ng Diyos. Siya Ito na Aking sinusundan sa Kanyang banal na Batas at sa kung Kaninong interes inuukol Ko ang Aking Sarili, tinitiyak na sana ito ay papapanibaguhin para sa mga maliliit na ito (at Kanyang tinitingnan nang may pagmamahal si Juan at kay Juan ang lahat na may matatapat-na-puso na tao) sa lahat ng esensiya nito, katulad nang ito ay ipinahayag ng Panginoong Diyos sa Sinai. Dinadala Kong muli ang mga tao sa Liwanag ng Diyos.»

Doon sa ibang tanong, tungkol sa kung ano ang Kanyang palagay tungkol sa pag-abuso ng kapangyarihan ng Caesar, na siyang naghahari sa Palestina, Siya ay tumugon: «Ang Caesar ay kung ano siya sapagkat iyan ang gusto ng Diyos. Alalahanin ang propeta Isaiah. Sa pamamagitan ng dibinong inspirasyon, hindi ba niya tinawag si Asshur “ang pamalo” ng Kanyang galit? Ang pamalo na nagpaparusa sa sambayanan ng Diyos, sapagkat ito ay naging labis na nakatikal mula sa Diyos at ang panlabas na anyo nito at espiritu ay pagkukunwari? At hindi ba Niya sinasabi na pagkatapos Niyang gamitin siya bilang isang kaparusahan, sisirain Niya siya sapagkat aabusuhin niya ang kanyang gawain, sa pagiging napakamapagmalaki at malupit?

Iyon ang dalawang tugon na naka-antig sa akin nang lubos.

Pagkatapos ngayong gabi ang aking Jesus ay nagsabi sa akin ngumingiti:

«Kailangan na tawagin kita katulad ng itinawag Ko kay Daniel. Ikaw ang babae ng mga hiling at ikaw ay mahal sa Akin sapagkat gustung-gusto mo ang iyong Diyos. At makapagpapatuloy Akong sabihin sa iyo kung ano ang nasabi kay Daniel ng Aking Anghel: “Huwag matakot, sapagkat mula pa nang unang araw nang ginawa mo ang iyong puso na makaintindi at namighati sa presensya ng Diyos, ang iyong mga panalangin ay pinakinggan at iyon ang mga rason kung bakit ako pumunta rito”. Ngunit dito hindi ang anghel ang nagsasalita. Ako ang nagsasalita sa iyo: si Jesus.

Maria, Ako ay laging dumarating kapag “ang isang puso ay nananabik na makaintindi”. Ako ay hindi isang matigas na mahigpit na Diyos. Ako ay Buháy na Awa. Ako ay dumarating na mas mabilis kaysa sa isip sa mga nakikiusap sa Akin. At Ako ay pumunta kaagad kay Maria ng Magdala, masyadong nakalubog sa kasalanan, sa pamamagitan ng Aking espiritu, nang madama Ko na ang mithiin na makaintindi ay tumataas sa kanya. Ang mithiin na maintindihan ang liwanag ng Diyos at ang kanyang sariling madilim na kalagayan. At Ako ay naging kanyang Liwanag.

Ako ay nagsasalita sa marami nang araw na iyon, ngunit sa katunayan Ako ay nagsasalita lamang para sa kanya. Siya lamang bagkus ang Aking nakita na lumapit sa amin tinutulak ng init ng kanyang kaluluwa, na nagrerebelde laban sa laman inaalipin ito. Siya lamang ang Aking nakita na ang kanyang kaawa-awang mukha nasa kalituhan, ang kanyang pilit na ngiti, na nagsisikap na maitago ang labis na pag-iyak ng kanyang puso, sa ilalim ng hitsura ng huwad na kompiyansa at lugod, na isang paghamon sa mundo at sa kanyang sarili. Siya lamang ang Aking nakita, mas nagkabuhul-buhol sa palumpong kaysa sa nawalang tupa sa parabula at siya ay nalulunod na sa pagkasuklam sa kanyang sariling buhay, isang pagkasuklam na nadala sa ibabaw katulad ng mga alon na iyon na nagtataas ng tubig galing sa ilalim.

Hindi Ako nagsalita ng dakilang mga salita, ni hindi Ako nagbanggit ng kahit anong tanging paksa tungkol sa kanya, isang kilalang makasalanan, sa dahilan na ayaw Ko siyang ipahiya, pinipilit siya na lumayas, mahiya o lumapit sa Akin. Pinabayaan Ko siya sa kapayapaan… Pinabayaan Ko ang Aking salita at ang Aking tingin na bumaba papasok sa kanya, pinakikilos doon upang gawin ang buyo ng sandali na maging kanyang maluwalhating banal na kinabukasan. Ako ay nagsalita sa pamamagitan ng isa sa pinakamagiliw na mga parabula: ang isang sinag ng liwanag at kabaitan kumikislap paa lamang sa kanya. At sa gabing iyon, habang Ako ay naghahanda patungo sa bahay ng mapagmalaking mayaman na Pariseo, kung saan ang Aking salita ay hindi makagagalaw patungo sa kaluwalhatian ng hinaharap sapagkat iyon ay pinatay ng Pariseong pagmamalaki, alam Ko na na siya ay darating pagkatapos ng pag-iyak nang mapait sa loob ng kanyang silid ng bisyo at na siya ay nakapagpasya na tungkol sa kanyang hinaharap sa liwanag ng kanyang mga luha.

Kapwa ang laman at ang mga kaisipan ng mga lalaki ay napaapoy sa kahalayan nang makita nila siya na pumasok. Ang lahat ay tiningnan siya na may kahalayan, maliban sa dalawang “mga puro” na naroroon sa bangkete: si Juan at Ako. Inisip nilang lahat na siya ay pumunta dahil sa isa sa kanyang dating mga kapritso, isang tunay na pananakop ng dimonyo, na nagtulak sa kanya sa biglaang mga pakikilaguyo. Ngunit si Satanas ay natalo na. At nang kanilang nakita na hindi sila tiningnan niya, may-inggit na inisip nila na siya ay pumunta para sa Akin. Ang tao ay lagi din pinarurumi ang mga dalisay na mga bagay, kapag siya ay bagkus laman at dugo. Tanging ang mga dalisay lamang ang may tamang pananaw sapagkat walang kasalanan sa kanila na nagpapabalisa sa kanilang mga iniisip.

Ngunit walang dahilan upang matakot dahil ang tao ay hindi makaintindi, Maria. Naiintindihan ng Diyos. At iyan ay sapat na para sa Langit. Ang kaluwalhatian na nanggagaling sa mga tao ay hindi nakapagdadagdag kahit na isang onsa sa kaluwalhatian na siyang ang patutunguhan ng pinagpalang mga kaluluwa sa Paraiso. Laging tandaan iyan. Ang kaawa-awang si Maria ng Magdala ay laging napagkakamalang husgahan sa kanyang mabubuting gawa. Ngunit siya ay hindi napagkakamalang husgahan sa kanyang masasamang gawa sapagkat ang mga ito ay mahahalay na subo na ibinibigay sa kanilang walang-pagkabusog na kagutuman ng mahahalay na tao. Siya ay pinuna at maling hinusgahan sa Nain, sa bahay ng Pariseo at siya ay pinuna at pinagalitan sa Bethany, sa loob ng kanyang sariling tahanan.

Ngunit si Juan, na nagsasabi ng dakilang salita, ay nasa kanya ang susi sa huling piraso ng pamumuna: “Si Judas… sapagkat siya ay magnanakaw”. Sinasabi Ko: “Ang Pariseo at ang kanyang mga kaibigan sapagkat sila ay mahahalay”. Kita mo? Ang katakawan para sa kahalayan, kasakiman para sa pera ay naitataas ang kanilang mga tinig upang punahin ang mabubuting gawa. Ang mabubuting tao ay hindi namumuna. Hindi kailanman. Sila ay nakaiintindi.

Ngunit, uulitin Ko ito, ang pamumuna ng mundo ay walang importansiya. Ang may importansiya ay ang paghusga ng Diyos.»

                                  ----------------------------------------------------------------------------------

130411




Sunod na kabanata