236. Ang Ani Malaki Ngunit ang Manggagawa Kakaunti. Ang Parabula Tungkol sa Kayamanan na Nakatago sa Bukid.

Hulyo 29, 1945.

Si Jesus ay nasa daan na nanggagaling sa lawa ng Merom patungo sa lawa ng Galilee. Kasama Niya ang Zealot at si Bartolomeo malapit sa isang katamtamang maliit na sapa, na bagaman ay nakapagsusustento sa maraming tanim, at ang tatlo ay tila naghihintay sa iba na malapit nang dumating mula sa dalawang magkaibang direksiyon.

Ngayon ay isang mainit na araw, subalit maraming tao ang sumusunod sa tatlong grupo na mga nagpapahayag sa kabukiran pinagpapahayagan ang mga malulusog at dinadala ang may sakit sa Guro. Maraming tao na mga napagaling nang mahimala ay pumoporma ng isang masayang grupo nakaupo sa pagitan ng mga punungkahoy, at ang kanilang lugod ay gayon na ni hindi sila makaramdam ng pagod sa kabila ng init, alikabok, nakakasilaw na liwanag, na isang malaking pagsubok para sa iba pa.

Nang ang grupo na pinangungunahan ni Judas Tadeo ay unang dumating malapit kay Jesus, ang lahat na pumoporma nito o sumusunod dito ay lumalabas na mga pagod-na-pagod. Ang huling grupo na dumating ay ang isa na pinangungunahan ni Pedro at binubuo ito ng maraming tao mula sa Korazim at Bethsaida.

«Nakatapos na kami, Guro. Ngunit maaaring maraming grupo… Makikita Ninyo ito Mismo. Hindi posibleng makapaglakad nang malayo, dahil sa init. Kung gayon ano ang ating magagawa? Habang mas kailangan natin na gumawa, tila mas lalong lumuluwang ang mundo, ikinakalat ang mga nayon at lumalaki ang mga distansiya. Hindi ko kailanman nadama na ang Galilee ay napakalaki. Tayo ay nasa sulok ng Galilee, isang sulok lamang, subalit hindi namin ito maeebanghelyo, napakaluwang nito at napakalaki ang bilang ng mga nangangailangan sa Inyo at gusto sa Inyo» buntung-hininga ni Pedro.

«Hindi ang mundo ang lumuluwang. Ito ay ang kaalaman tungkol sa ating Guro ang  kumakalat» tugon ni Tadeo.

«Oo, totoo iyan. Tingnan kung gaano karaming tao. Maraming ang sunod nang sunod sa amin mula pa nang umagang ito. Sa loob ng pinakamainit na mga oras kami ay nanilungan sa loob ng isang palumpungan. At ang mga taong ito ay mas malalayo sa kanilang mga bahay kaysa tayo. Kung ang ating gawain ay palaging lalaki na ganito, hindi ko alam kung ano ang ating gagawin…» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Ang mga pastol ay darating din, sa Tishri!» sabi ni Andres upang pasayahin sila.

«Oo! Mga pastol, mga disipulo, gaano kaganda! Sila ay magaling lamang sa pagsasabing: “Si Jesus ay ang Tagapagligtas. Siya ay nasa banda roon”. Wala nang iba pa» tugon ni Pedro.

«Nalalaman man lamang ng mga tao kung saan Siya matatagpuan. Sa halip ngayon…! Kung tayo ay pumunta rito, magmamadali sila rito, at habang papunta sila rito, tayo ay papunta roon, at kakailanganin nilang habulin tayo. Na hindi napakaganda kung may mga bata at mga maysakit.»

Si Jesus ay nagsasalita: «Tama ka, Pedro. Nalulungkot din Ako para sa mga kaluluwang ito at sa mga taong ito. Ang katotohanan na baka ang marami sa kanila ay hindi Ako matagpuan sa isang partikular na sandali, ay baka ang maging dahilan ng mga di-maisasaayos na disgrasya. Tingnan kung gaano kapagod at lito ang mga hindi pa nakatitiyak ng Aking Katotohanan at tingnan kung gaano kagutom ang mga nakatikim na ng Aking salita at hindi na makalalakad na wala ito, at walang ibang salita ang makabubusog sa kanila. Kamukha nila ang mga tupa na walang pastol, pagala-gala na walang matagpuan na sinuman na makapamumuno sa kanila at pastulin sila. Titingnan Ko iyan, ngunit kailangan na tulungan ninyo Ako, nang lahat ng inyong espirituwal, moral at pisikal na lakas. Hindi na kayo kailangan na umikot sa malalaking grupo, bagkus dala-dalawa. Sapagkat ang ani ay totoong malaki. O! ihahanda Ko kayo sa tag-init para sa dakilang misyon na ito. Pagdating ng buwan ng Tammuz si Isaac ay sasamahan tayo kasama ang kanyang pinakamagagaling na disipulo. At ihahanda Ko kayo. Ngunit kahit na ganito kayo ay hindi pa rin sasapat. Sapagkat ang ani ay totoong malaki ngunit ang mga manggagawa ay kakaunti. Kung kaya’t panalangin sa Panginoon ng ani na magpadala ng maraming manggagawa sa Kanyang ani.»

«Oo, aking Panginoon. Ngunit walang masyadong pagkakaiba iyan sa sitwasyon ng mga naghahanap sa Inyo» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Bakit, kapatid?»

«Sapagkat hindi sila naghahanap para sa doktrina at mga salita lamang ng Buhay, ngunit ibig nilang gumaling at matulungan at matulungan sa lahat na kanilang nararamdaman at sa kapansanan na dinala ni Satanas o ng buhay sa kanilang mas mababa o mas mataas na mga bahagi. At tanging Kayo lamang ang makagagawa niyan, sapagkat nasa Inyo ang Kapangyarihan.»

«Ang mga nakakaisa Ko ay magagawa ang nagagawa Ko at ang mahihirap ay matutulungan sa lahat ng kanilang kahirapan. Ngunit wala pa sa inyo ang kinakailangan upang magawa iyan. Magsikap na mapangibabawan ang inyong mga sarili, na matapakan ang inyong pagiging tao at sa gayon gawing magtagumpay ang inyong espiritu. Gawing mapasainyo hindi lamang ang Aking salita, bagkus ang espiritu nito, ibig sabihin, pabanalin ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan nito at pagkatapos magagawa ninyo ang lahat. At ngayon tayo na at magsalita sa kanila, dahil ayaw nilang umalis kung hindi muna Ako magsasalita ng salita ng Diyos sa kanila. Pagkatapos babalik tayo sa Capernaum. May maghihintay din doon sa atin…»

«Panginoon, totoo ba na si Maria ng Magdala ay pinakiusapan Kayo na patawarin Ninyo siya, sa loob ng bahay ng Pariseo?»

«Oo, totoo iyan, Tomas.»

«At pinatawad ba Ninyo siya?» tanong ni Felipe.

«Pinatawad Ko.»

«Ginawa Ninyo ang maling bagay!» bulalas ni Bartolomeo.

«Bakit? Siya ay sinsirong nagsisisi at karapat-dapat na patawarin.»

«Ngunit hindi Ninyo sana siya pinatawad sa loob ng bahay na iyon, hayagan sa publiko…» sabi ni Judas naninisi.

«Ngunit hindi Ko maintindihan kung saan Ako nagkamali.»

«Ito ang punto: Kilala Ninyo kung sino ang mga Pariseo, gaano kapuno ang kanilang mga ulo ng mga pamumuna, papaano nila Kayo bantayan, siraan at kapootan Kayo. Ang isa sa kanila sa Capernaum ay ang Inyong kaibigan at iyan ay si Simon. At tinawag Ninyo ang isang puta sa loob ng kanyang bahay upang lapastanganin ito at gumawa ng iskandalo sa Inyong kaibigan na si Simon.»

«Hindi Ko siya tinawag. Siya ay pumunta. Siya ay hindi isang puta. Siya ay nagsisi. Iyan ang naglagay ng ibang liwanag sa kaso. Kung noon sila ay hindi nápasuka bago pa man, nang kanilang nilapitan siya at minithi siya, kahit sa presensya Ko rin, ngayon na siya ay hindi na lamang laman, bagkus isang kaluluwa, hindi sila kailangan na masuklam nakikita siya na pumapasok sa bahay upang lumuhod sa paanan Ko at inaakusahan ang kanyang sarili umiiyak, pinahihiya ang sarili sa abang pangungumpisal sa harapan ng publiko pinangangatawanan ng kanyang mga luha. Si Simon ang Pariseo ay napabanal ang kanyang bahay sa pamamagitan ng isang dakilang himala: “ang resureksiyon ng isang kaluluwa”. Limang araw ang nakaraan sa liwasan ng Capernaum tinanong niya Ako: “Iyan lang ba ang himala na ginawa Ninyo?” at tumugon siya mismo: “Tiyak na hindi” pinakikita ang kanyang mithiin na makakita ng himala. At binigay Ka iyon sa kanya. Pinili Ko siya na maging saksi, ang tagapamagitan ng pakikipagtipan ng isang kaluluwa sa Grasya. Kailangan na magmalaki siya tungkol dito.»

«Sa halip siya ay naiskandalo. Baka nawalan Kayo ng isang kaibigan.»

«Nakatagpo Ako ng isang kaluluwa. Sulit iyan na mawalan ng isang tao kasama ang kanyang pakikipagkaibigan, ang kaawa-awang pakikipagkaibigan ng isang tao, upang maibigay sa isang kaluluwa ang pakikipagkaibigan ng Diyos.»

«Iyan ay walang pakinabang. Hindi namin Kayo magawang tingnan ang mga bagay mula sa pantaong pananaw. Tayo ay nasa lupa, Guro! Tandaan iyan. At ang mga batas at mga idea ng mundo ay ang umiiral. Kayo ay kumikilos ayon sa pamamaraan ng Langit. Kayo ay nabubuhay sa Langit na nasa Inyong puso, nakikita Ninyo ang lahat sa liwanag ng Langit. kaawa-awang Guro ko! Gaano ka-dibinong di-angkop Kayo na mamuhay sa pagitan naming masasamang tao!» bulalas ni Judas niyayakap Siya. Ang apostol, na nagtataka at nangungulila rin, ay naghinuha: «At ako ay nalulungkot sapagkat, sa pamamagitan ng labis na perpeksiyon, gumagawa Kayo ng mga kaaway sa napakaraming tao.»

«Huwag kang malungkot, Judas. Nakasulat na iyan ay kailangan ganyan. Ngunit papaano mo nalaman na si Simon ay nasaktan?»

«Hindi niya sinabi na siya ay nasaktan. Ngunit ginawa niya si Tomas at ako na maintindihan na sana iyon ay hindi nangyari. Hindi sana Ninyo siya inanyayahan sa kanyang bahay, na tanging matatapat na tao lamang ang pumapasok.»

«Bueno! Ang tungkol sa katapatan ng mga tao na pumupunta sa bahay ni Simon, ating kalimutan ang paksa» sabi ni Pedro.

At si Mateo ay nagdagdag: «Masasabi ko na ang pawis ng mga puta ay bumuhos ng ilang beses sa mga sahig, sa mesa at sa iba pa sa loob ng bahay ni Simon, ang Pariseo.»

«Ngunit hindi sa harapan ng publiko» balik-sabi ni Judas.

«Hindi. Ang pagkukunwari ay itinago ito.»

«Nakikita ninyo na diyan ay may pagkakaiba.»

«May pagkakaiba rin sa isang puta na pumapasok upang sabihin: “Kinakalimutan ko na ang aking nakakahiyang makasalanang pamumuhay” sa isa na papasok at sasabihin: “Naririto ako upang gumawa ng kasalanan kasama ka”.»

«Si Mateo ay tama» sabi nilang lahat.

«Siyempre, siya ay tama. Ngunit hindi sila nangangatwiran nang katulad natin. Kailangan na magkaroon tayo ng pagkakasunduan sa kanila, at magbago tayo sa kanilang pamamaraan upang magawa silang mapagkaibigan.»

«Hindi, hindi kailanman, Judas. Sa katotohanan, katapatan, sa moral na pagkilos diyan ay walang mga  pagbabago o mga kompromiso» pagkulog ni Jesus. At naghinuha Siya: «Maging ano pa man ang kaso alam Ko na kumilos Ako nang tama at para sa mabuting pakay. At sapat na iyan. Tayo na at pauwiin ang mga pagod na tao na iyon.»

At Siya ay pumunta sa mga nakakalat sa ilalim ng mga punungkahoy, nakatingin sa Kanyang direksiyon, nananabik na naghihintay upang mapakinggan Siya.

«Kapayapaan sa inyong lahat na mga naglakad nang milya-milya at sa napakainit na mga araw upang pumunta at makinig sa Ebanghelyo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na kayo ay totoo ngang nagsisimula nang maintindihan kung ano nga ang Kaharian ng Diyos, gaano kahalaga ang makamtan ito at kung gaano kalugod ang mapasama rito. At ang pagpapakapagod ay hindi pampabigat sa inyo, katulad na ito ay ganyan sa iba, sapagkat kayo ay pinaghaharian ng inyong kaluluwa, na nagsasabi sa laman: «Magsaya dahil sinisiil kita, ginagawa ko ito para sa iyong sarili kasayahan. Kapag isinama ka na ulit sa akin, pagkatapos ng resureksiyon, mamahalin mo ako sa pagdurog sa iyo at makikita mo ako bilang ang iyong ikalawang tagapagligtas”. Hindi ba iyan sinasabi ng inyong mga kaluluwa? Siyempre sinasabi nila iyan! Binabase na ninyo ang inyong mga pagkilos sa itinuturo ng mga parabula na sinabi Ko sa inyo kamakailan. Ngunit bibigyan Ko na kayo ngayon ng karagdagang liwanag upang magawa kayong mahalin nang lalu’t lalo pa ang Kaharian na naghihintay sa inyo at ang kahalagahan nito ay hindi masusukat.

Makinig: Ang isang tao ay napunta nang hindi sinasadya sa isang bukid upang kumuha ng ilang buhaghag na lupa para sa kanyang maliit na pangkusinang-hardin at habang kanyang hinuhukayan nang may kahirapan ang napakatigas na lupa, nakakita siya ng isang ugat ng mamahaling metal. Ano ang ginawa ng lalaki pagkatapos? Tinakpan niya ng lupa ang kanyang natuklasan. Walang anuman sa kanya ang magtrabaho pa nang kaunti, sapagkat ang natuklasan ay sulit sa pagtatrabaho. Pagkatapos siya ay umuwi, inipon niya ang lahat ng kanyang kayamanan na kinabibilangan ng pera at mga mahahalagang bagay at ipinagbili niya ang huli upang makakuha ng mas marami pang pera. Siya pagkatapos ay pumunta sa may nagmamay-ari ng bukid at nagsabi sa kanya: “Gusto ko ang iyong bukid. Magkano ang gusto para roon?” “Hindi ko iyon pinagbibili” tugon ng may-ari. Ngunit ang lalaki ay nag-alok ng palaki-nang-palaking pera na hindi na proporsiyonado sa halaga ng bukid, at sa wakas nagtagumpay siya sa pagkumbinsi sa may-ari na nag-iisip: “Ang taong ito ay maaaring baliw. At halimbawa na siya nga, sasamantalahin ko ang sitwasyon. Tatanggapin ko ang pera na inaalok niya sa akin. Ito ay hindi tungkol sa pangangamkam ng pera, sapagkat namimilit siya na ialok ito sa akin. Sa pamamagitan ng pera na iyon makakabili ako ng tatlo pang bukid, at magaganda pa”. At kanyang pinagbili ang bukid at nakatitiyak na nakagawa siya ng mabuting transaksiyon. Ngunit ang isang lalaki ang nakagawa ng magandang usapan sapagkat pinakawalan niya kung ano ang maaaring nakawin ng mga magnanakaw, mawala o maubos, at kumita siya ng isang tagong kayamanan, na bilang tunay at natural, ay walang pagkaubos. Sulit na isinakripisyo niya kung ano ang mayroon siya dati, upang magawa ang bilihan na iyon, bagama't sa matagal-tagal na panahon wala siyang pag-aari bagkus ang bukid na iyon, sapagkat sa katotohanan pag-aari niya, at sa habang panahon, ang kayamanan na nakatago roon.

Naintindihan ninyo ang lahat na iyan at kayo ay naniniwala katulad ng lalaki sa parabula. Pakawalan ang mga naglalahong kayamanan upang maging pag-aari ang Kaharian ng Langit. Ipagbili ang mga iyan o ibigay iyan sa mga hangal sa mundo at pabayaan silang tumawa sa inyo sapagkat iniisip ng mundo katangahan ang gawin iyan. Gawin iyan, laging kumilos nang ganyan, at ang inyong Ama Na nasa Langit ay magsasaya sa pagbigay sa inyo isang araw ng isang upuan sa Kaharian.

Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan bago dumating ang Sabbath, at sa araw ng Panginoon pagnilayan ang parabula tungkol sa nakatagong kayamanan, na siyang ang makalangit na Kaharian. Ang kapayapaan ay mapasainyo.»

Ang mga pulutong ay unti-unting kumalat sa daan at sa mga daanang-tao sa kabukiran, habang si Jesus ay papunta sa Capernaum dahil ang gabi ay bumababa na.

Dumating Siya roon sa gabi. Sila ay walang-ingay na tinatawid ang bayan sa liwanag ng buwan, na siyang ang tanging liwanag sa madilim na di-pantay na pagka-semento na makikitid na kalsada. Walang-ingay nilang pinasok ang maliit na pangkusinang-hardin malapit sa bahay, dahil iniisip nila na ang lahat ay mga nakahiga na. Sa halip ang isang lampara ay sinindihan sa kusina at tatlong anino, na nagawang gumagalaw dahil sa pagkurap ng apoy, ang nakita sa puting pader ng batong hurnuhan.

«May naghihintay sa Inyo, Guro. Ngunit hindi posible na magpatuloy ito nang ganito! Pupunta ako at sasabihin ko sa kanila na Kayo ay pagod. Umakyat Kayo sa terasa pansamantala.»

«Hindi, Simon. Pupunta Ako sa kusina. Kung si Tomas ay pinaghintay ang mga taong ito rito, maaaring may mabuting dahilan.»

Pansamantala ang mga nasa loob ay napakinggan ang mga bulung-bulungan at si Tomas, ang lalaking maybahay, ay pumunta sa pintuan.

«Guro, ang dating binibini ay naririto. Matagal na siyang naghihintay para sa Inyo mula pa nang makalawang gabi, sa paglubog ng araw. Siya ay may kasamang isang katulong» at idinagdag niya sa mababang tinig: «Siya ay labis na kinakabahan. Siya ay laging umiiyak…»

«O sige. Sabihan mo siya na umakyat sa itaas. Saan siya natulog?»

«Ayaw niyang matulog. Pagkatapos pumunta siya sa aking silid nang kaunting oras, nang mag-uumaga na. Hinayaan ko ang katulong na matulog sa isa sa inyong mga higaan.»

«Mabuti. Makakatulog din ang katulong doon ngayong gabi. At ikaw ay makakatulog sa higaan Ko.»

«Hindi, Guro. Makakatulog ako sa isa sa mga sapin sa terasa. Makakatulog din ako nang mabuti roon.»

Si Jesus ay umakyat sa Terasa. Si Martha ay sinusundan Siya.

«Kapayapaan sa iyo Martha.»

Isang hikbi ang kanyang tugon.

«Ikaw ba ay umiiyak pa rin? Hindi ka ba masaya?»

Si Martha ay iniiling ang kanyang ulo.

«Ngunit bakit?»…

Nagkaroon ng mahabang katahimikan puno ng mga hikbi. Sa wakas siya ay umungol: «Si Maria ay hindi bumalik nang maraming gabi. At hindi namin siya makita. Ni ako o si Marcella o ang yaya ay hindi siya makita… Siya ay umalis pagkatapos na masabihan ang karwahe na maghintay para sa kanya. Siya ang napakaganda ang bihis… O! hindi na niya isinusuot ulit ang aking mga damit!... Hindi siya halos hubad – siya ay may ganyang mga damit din – ngunit iyon ay isa pa rin na nakakapang-anyayang damit… At kumuha siya ng mga batong-hiyas at mga pabango… at hindi pa bumabalik. Pinauwi niya ang katulong nang marating nila ang mga unang bahay sa Capernaum nagsasabing: “Babalik ako na kasama ang ibang mga tao”. Ngunit hindi pa siya bumabalik. Naloko niya tayo! O baka siya ay nalungkot, baka siya tinukso… o may nangyari sa kanya… hindi pa siya bumabalik…» At si Martha ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, umiiyak, na ang kanyang mukha nakayuko sa kanyang braso, na nakapatong sa isang tambak ng walang-laman na mga sako.

Si Jesus ay tinitingnan siya at katulad ng isang panginoon nagsabi Siya nang dahan-dahan at may kompiyansa: «Huwag umiyak. Si Maria ay pumunta sa Akin tatlong gabi na ang nakalilipas. Nilangisan niya ang Aking mga paa at iniwan sa paanan Ko ang lahat niyang mga alahas. Siya kung gayon ay ikinunsagra ang kanyang sarili, at para sa habang panahon, at naging isa sa Aking mga disipulo. Huwag mo siyang maliitin sa iyong puso. Siya ay nalampasan ka.»

«Ngunit nasaan ang aking kapatid kung gayon?» bulalas ni Martha nakatingala na may nag-aalalang mukha. «Bakit hindi siya umuwi sa bahay? Siya ba ay dinumog? Siya ba ay kumuha ng bangka at nilunod ang kanyang sarili? O may tinanggihang mangingibig na kumuha sa kanya? O! Mary! Aking Maria! Natagpuan ko na siya at nawala kaagad siya!» Si Martha ay totoong wala sa kanyang sarili. Hindi niya iniisip na ang mga nasa ibaba ay naririnig siya. Ni hindi niya naiisip na si Jesus ay masasabihan siya kung nasaan ang kanyang kapatid. Siya ay nawawalan ng pag-asa at hindi iniisip ang kahit ano.

Si Jesus ay kinuha siya sa pupulsuhan at pinilit siya na manahimik at makinig sa Kanya, nangingibabaw sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang taas at pinaghahari siya ng Kanyang nakakaakit na tingin. «Tama na iyan! Ibig Ko na manampalataya ka sa Aking mga salita. Ibig Ko na maging mapagbigay ka. Naintindihan mo ba?» Hindi Niya siya pinabayaan hangga’t hindi siya kumakalma nang kaunti. «Ang iyong kapatid ay umalis upang damdamín ang kanyang lugod, at binalot niya ang kanyang sarili sa loob ng banal na pag-iisa sapagkat napupuno siya ng labis-labis na kahinhinan ng natubos na mga kaluluwa. Sinabi Ko sa iyo bago pa man. Hindi niya matatagalan ang may-kabaitan ngunit mausyusong tingin ng mga kamag-anak sa kanyang bagong damit ng isang nobya ng Grasya. At ang Aking sinasabi ay laging totoo. Kailangan na paniwalaan mo Ako.»

«Oo, aking Panginoon, paniniwalaan ko Kayo. Ngunit ang aking Maria ay matagal nang biktima ng dimonyo, nahuli na naman niya siya kaagad, siya…»

«Ipinaghihiganti ng dimonyo ang kanyang sarili para sa biktima na nawala sa kanya magpakailanman. Ako ba kung gayon ay kailangan na makita na ikaw, ang malakas na babae, ay nagiging kanyang biktima sa pamamagitan ng kahangalang pagkadismaya para sa wala namang rason kahit ano? Kailangan Ko bang makita na dahil kay Maria, na naniniwala na sa Akin ngayon, mawawala sa iyo ang magandang pananampalataya na lagi Kong nakikita sa iyo? Martha, tingnan mo Ako nang mabuti. Makinig sa Akin. Huwag kang makinig kay Satanas. Hindi mo ba nalalaman na kung si satanas ay napipilitan na pakawalan ang kanyang biktima, dahil natalo siya ng Diyos, inaabala niya kaagad ang kanyang sarili na makakuha ng ibang mga biktima, sapagkat siya ay ang walang-kapaguran na tagapagpahirap ng mga tao at isang walang-kapaguran na magnanakaw ng mga karapatan ng Diyos? Hindi mo ba nalalaman na ang pagkakakuha muli ng isang kaluluwa ay sinasamahan ng pagpapahirap sa isa pang mabuting matapat na kaluluwa na lumalaban sa mga atake ng dimonyo? Hindi mo ba nalalaman na walang naririto at mangyayari sa sangnilikha ang hindi kinukontrulan, bagkus ang lahat ay sumusunod sa eternal na batas ng pagpapasakop at konsekwensiya, kung saan ang gawa ng isang tao ay may napakalawak na natural at sobrenatural na mga balik? Ikaw ay umiiyak dito, ikaw ay pinahihirapan dito ng isang nakakatakot na pagdududa, ngunit nananatili ka rin na matapat sa iyong Kristo sa oras na ito ng kadiliman. Hindi malayo sa iyo, ngunit na sa isang lugar na hindi mo alam, nararamdaman ni Maria na ang kanyang huling pagdududa sa kawalang-hangganan ng kapatawaran na tinanggap ay naglalaho at ang kanyang pag-iyak ay nagiging mga ngiti at ang kanyang anino nagiging liwanag, Ang iyong paghihirap ang naggabay sa kanya patungo sa kung saan may kapayapaan, kung saan ang mga kaluluwa ay nabubuhayan muli malapit sa imakuladang Ina, Na ganyang Buhay na Siya ay pinagkalooban ng pribilehiyo na magluwal sa Kristo, Na siyang Buhay. Ang iyong kapatid ay kasama ng Aking Ina. O! siya ay hindi ang una na nagbaba ng layag sa mapayapang daungan na iyon pagkatapos na ang magiliw na sinag ng buháy na Tala ni Maria ay tinawag siya sa Kanyang nagmamahal na sinapupunan, dala ng tahimik ngunit aktibong pagmamahal para sa Kanyang Anak! Ang iyong kapatid ay nasa Nazareth.»

«Ngunit papaano siya nakapunta roon kung hindi niya kilala ang Inyong Ina, o ang Inyong bahay?... Nang sarili niya… Sa gabi… Kung gayon… Walang pamamaraan… Suot ang damit na iyon… Gaano kahabang paglalakbay… papaano?»

«Papaano? Katulad ng isang pagod na langaylangayan lumilipad pabalik sa kanyang tinubuang pugad, tinatawid ang mga karagatan at mga bundok, dumaraan sa mga bagyo, ulap at mararahas na hangin. Katulad ng mga langaylangayan na lumilipad patungo sa paghihintayan na mga lugar. Ang kalikasan ang gumagabay sa kanila, ang init ay inaanyayahan sila, ang araw ay tinatawagan sila. Pumunta rin siya sa sinag na nag-aanyaya sa kanya… patungo sa sansinukuban na Ina. At makikita natin siyang bumabalik na masaya sa pagsikat ng araw… lumalabas magpakailanman mula sa kadiliman, kasama ang isang Ina sa tabi niya, Akin, hindi na kailanpaman magiging ulila ulit. Mapaniniwalaan mo ba iyan?

«Oo,  aking Panginoon.»

Si Martha ay nagmumukhang para siyang nagayuma. Si Jesus sa katunayan ay naging ang dominador. Matangkad, tuwid, subalit medyo nakayuko kay Martha na nakaluhod, Siya ay nagsalitang malumanay, ngunit matalas, na tila ibig Niyang ihalo ang Kanyang Sarili sa balisang disipulo. Bihira ko Siyang makita ng napakamakapangyarihan, upang makapagkumbinsi sa pamamagitan ng Kanyang salita ang isang tao na nakikinig sa Kanya. Ngunit sa katapusan, anong liwanag, anong ngiti ang nasa Kanyang mukha! Ang mukha ni Martha ay nasasalamin ito sa pamamagitan ng isang ngiti at isang malumanay na liwanag.

«At ngayon humayo at magpahinga. Kasama ang Aking kapayapaan.»

Si Martha ay hinahalikan ang Kanyang mga kamay at bumaba nasa mas mabuting mga espiritu…

140411

 



Sunod na kabanata