237. si Maria ng Magdala Sinasamahan ni Maria sa Pagitan ng mga Disipulo.

Hulyo 30, 1945.

«Sa palagay ko magkakaroon tayo ng bagyo ngayon, guro. Nakikita ba Ninyo ang namimigat na mga ulap na iyon lumalapit mula sa likuran ng Hermon? At tingnan kung gaano ang lawa kumukunot! At mararamdaman Ninyo ang mga bugso ng hanging hilaga bumubuga na nakikipagpalitan sa malapad na mainit na Sirocco.  Ang mga ipu-ipong hangin: isang tiyak na tanda ng isang bagyo.»

«Sa gaano katagal, Simon?»

«Bago matapos ang unang oras. Kita Ninyo kung gaano nagmamadali ang mga mangingisda pabalik. Naririnig nila ang lawa na bumubulung-bulong at umaangil. Maya-maya lamang ito ay mamimigat na rin, pagkatapos iyan ay magiging maitim-na-maitim at sa huli iyan ay sasabog sa lahat ng galit niyan.»

«Ngunit mukhang iyan ay kalmanteng-kalmante!» wika ni Tomas hindi makapaniwala.

«Ikaw ay sanay sa ginto, at ako sa tubig. Iyan ay magiging ganyan ayon sa sinasabi ko. Ni hindi iyan isang biglang bagyo. Iyan ay nabubuo na may malilinaw na tanda. Ang ibabaw ng tubig ay kalmante, tanging maliliit na mga alon lamang, na tila iyan ay wala. Ngunit kung ikaw ay nasa labas sa isang bangka! Maririnig mo ang libu-libong mga buko ng daliri na sumusuntok sa kilya ng bangka at inuuga ang bangka sa kakaibang paraan. Ang tubig ay bumubula na sa ilalim. Maghintay lang ng tanda mula sa kalangitan at pagkatapos makikita mo!...  Hayaang mabuhol ang Sirocco ng hanging hilaga! At pagkatapos!... Ehi! mga kababaihan! Ipasok ninyo ang inyong mga ibinibitin sa labas at ipasok ang inyong mga alagang hayop. Sa loob lamang ng maikling sandali uulan na ng balde-balde!»

Sa katunayan ang kalangitan ay patuloy pa ang pagiging medyo-berde, na may mga raya-rayang ugat gawa ng patuloy na pagdaloy ng mga ulap na tila binubuga ng dakilang Hermon. Tinutulak nitong pabalik ang bukanliwayway kung saan ito nanggaling, na tila ang mga oras ay bumabalik patungo sa gabi sa halip na magpatuloy sa katanghalian. Tanging isang sinag lamang ng liwanag ang nagpipilit na bumaba dadaan sa harang na maiitim na ulap nababahiran ang tuktok ng isang burol gawing timog kanluran ng Capernaum ng isang di-tunay na dilaw na berdeng kulay. Ang lawa ay nagbago na mula sa kalawakang-asul patungo sa purpurang asul at ang bula ng unang maliit na basag na mga alon ay nagmumukhang pambihirang puti sa maitim na tubig. Wala nang mga bangka sa lawa ngayon. Ang mga mangingisda ay nagmamadaling isadsad ang kanilang mga bangka, alisin ang mga lambat, mga basket, mga layag at mga sagwan, habang ang mga magbubukid ay nagmamadaling ipasok ang kanilang mga ani, tinitingnan na ang mga ambi ay maayos na nakakapit sa mga polo at sinasaraduhan ang mga baka sa kanilang mga establero; ang mga kababaihan ay nagmamadali patungo sa bubon bago magsimula ang ulan, o iniipon ang kanilang mga anak, na mga nagising nang maaga, at itinutulak sila papasok sa mga bahay, katulad ng inahing manok nalalaman ang parating na ulan na yelo.

«Simon, sumama ka sa Akin. Tawagin din ang katulong na babae ni Martha at ang Aking kapatid na si Santiago. Kumuha ng isang malaking piraso ng trapal. Isang matibay na malaking piraso. May dalawang babae sa daan at kailangan na pumunta tayo at salubungin sila.»

Si Pedro ay tinitingnan Siya nang mausisa, ngunit siya ay sumunod na hindi nagsasayang ng kahit isang sandali. Sa daan, habang sila ay tumatakbo nang pagawing timog dumaraan sa nayon, si Simon ay nagtanong: «Ngunit sino sila?»

«Ang Aking Ina at si Maria ng Magdala.»

Ang gulat ay gayon na lamang upang si Pedro ay napatigil nang sandali na tila siya ay ipinako sa lupa at siya ay bumulalas: «Ang Inyong Ina at si Maria ng Magdala?!!! Magkasama?!!!» Pagkatapos nagpatuloy siya sa pagtakbo, dahil ni si Jesus o si Santiago o ang katulong ay hindi tumigil. Ngunit kanyang inuulit: «Ang Inyong Ina at si Maria ng Magdala! Magkasama!... Mula pa kailan?»

«Mula ng siya ay si Maria ni Jesus. Bilisan mo, Simon, nagsisimula nang umulan…»

Si Pedro ay nagsisikap na makaabot sa kanyang mga kasama, na mas mataas at mas mabilis kaysa sa kanya. Mga ulap ng alikabok ay ngayon tumataas na mula sa tuyong daan, hinihipan ng hangin, na palakas na nang palakas sa bawat sandali, kinukusot ang lawa at itinataas ang mga alon, na humahampas nang umaatungal sa baybayin. Kapag posibleng makita ang lawa ito ay nagmumukhang isang napakalaking kaldero kumukulo nang galit-na-galit. Mga alon na mga tatlo o apat na talampakan ang taas ay tumataas sa lahat na direksiyon, nagsasalpukan, nagsasama, lumalaki, pagkatapos hihiwalay sa salungat na mga direksiyon, naghahanap ng ibang mga alon na masasalpukan: isang mabulang duwelo ng mga taluktok ng alon, isang lumalaking masa ng tubig, ng umaatungal na mga daluyong umaabot sa baybayin at hinahampas ang mga bahay na pinakamalapit dito. Nang ang mga bahay ay naitago ang tanawin ng lawa, ang huli ay pinaaalam ang presensya nito sa pamamagitan ng atungal na natatalo pa ang ugong ng hangin na bumabaluktot sa mga punungkahoy pinupunit ang mga dahon at mga bunga: isang nakabibinging atungal na natatalo pa ang dagundong ng pinatagal na nananakot na mga kulog, pinangungunahan ng mga kislap ng kidlat, na padalas na nang padalas at malalakas.

«Gaano na kaya natatakot ang mga babaeng iyon» pabulung-bulong ni Pedro humahangos.

«Hindi ang Aking Ina. Hindi Ko alam ang tungkol sa iba. Ngunit kung hindi tayo magmamadali sila ay tiyak na maliligo sa ulan.»

Naiwan nila ang Capernaum mga sandaang yarda sa likuran, nagpapatuloy sa loob ng mga ulap ng alikabok at napakalakas na ulan, isang tunay na pagbuhos, na ginuguhitan nito nang pahiris ang mapanglaw na hangin napakarahas na ang ulan ay napupulbos at kung gayon binubulag sila at kinukuha ang kanilang hininga, nang makita nila ang dalawang babae tumatakbo at naghahanap ng masisilungan sa ilalim ng isang malaking punungkahoy.

«Ayón sila. Tumakbo tayo!»

bagama't ang pagmamahal ni Pedro kay Maria ay nagbibigay ng mga pakpak sa kanyang mga paa, may maiikling paa katulad niya at hindi napakagaling na mananakbo, siya ay nakarating nang si Jesus at si Santiago ay napandungan na ang dalawang babae ng isang malapad na piraso ng isang layag.

«Hindi tayo makatitigil dito. Naririyan ang panganib ng kidlat at sa loob ng kaunting sandali ang kalsada ay magiging isang ilog. Umalis na tayo, Guro. Hanggang man lamang sa pinakamalapit na bahay» sabi ni Pedro kapos sa hininga.

Umalis sila na ang mga babae nasa gitna nila, hinahawakan ang layag sa ibabaw na kanilang mga ulo at likod. Ang unang mga salita na itinuon ni Jesus kay Maria, na suot pa rin ang damit na suot niya noong gabi sa bangkete sa bahay ni Simon, na may manta ng Banal na Birhen sa kanyang mga balikat, ay: «Natatakot ka ba, Maria?»

Si Maria ng Magdala, na ang ulo ay nakatungo sa ilalim ng kanyang belo at ang kanyang buhok ganap na naguló tumatakbo sa ulan, ay ibinaba pa nang lalo ang kanyang ulo, namula at bumulong: «Hindi, aking Panginoon.»

Ang atin ding Ginang ay nawalan ng ilang pang-ipit sa buhok at kamukha Niya ang isang maliit na bata na ang mga tirintas ay nakabitin sa kanyang likuran. Siya ay ngumingiti sa Kanyang Anak Na nasa tabi Niya at nagsasalita sa Kanya sa pamamagitan ng ngiti.

«Basang-basa Ka na, Maria» sabi ni Santiago ni Alfeo hinahawakan ang belo at manta ng Ating Ginang.

«Hindi na bale. Hindi na tayo nababasa pa ngayon. Tama ba iyon, Maria? Iniligtas din Niya tayo sa ulan» sabi ni Maria na may kabaitan kay Maria ng Magdala, na ang kaninong masakit na pagkakapahiya ay ganap na nalalaman Niya. Si Maria ay tumango sa pagsang-ayon.

«Ang iyong kapatid ay masisiyahan na makita ka. Siya ay nasa Capernaum. Hinahanap ka niya» sabi ni Jesus.

Si Maria ay tumingala nang isang sandali at tinitigan si Jesus ng kanyang magagandang mata, habang si Jesus ay nagsasalita sa kanya na may kasimplehan na Kanyang ipinakikita sa ibang mga babaeng disipulo. Ngunit hindi siya nagsasalita ng anuman. Siya ay natitigilan ng napakaraming emosyon.

Si Jesus ay naghinuha: «Natutuwa Ako na pinigilan Ko siya. Palalakarin Ko kayo pagkatapos na mapagpala Ko kayo.»

Ang Kanyang huling mga salita ay nawala sa matinding bagsak ng isang malapit na kidlat. si Maria ng Magdala ay nahintakutan nang isang sandali. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay, iniyuko ang kanyang ulo napabugso sa pag-iyak.

«Huwag kang matakot! » sabi ni Pedro pinagiginhawa siya. «Ngayon ito ay tapos na. Hindi ka kailanman dapat matakot kapag kasama mo si Jesus.»

Si Santiago rin, na katabi si Maria ng Magdala, ay nagsabi sa kanya: «Huwag kang umiyak. Ang mga bahay ay hindi na malayo.»

«Ako ay hindi umiiyak dahil sa takot… Ako ay lumuluha sapagkat sinabi Niya sa akin na pagpapalain Niya ako… ako… ako» ngunit wala na siyang masabi pa.

Ang Banal na Birhen ay nakialam upang mapakalma siya nagsasabing: «Maria, napangibabawan mo na ang iyong bagyo. Huwag mo nang isipin ang tungkol diyan. Ngayon ang lahat ay mapanatag at mapayapa. Tama ba iyon, Aking Anak?»

«Oo, Inay. Lahat na iyan ay totoong-totoo. Bago magtagal ang araw ay sisikat at ang lahat ay magmumukhang mas maganda, mas malinis at mas sariwa kaysa kahapon. Magiging ganyan din iyan sa iyo, Maria.»

At ang Kanyang Banal na Ina, pinipisil ang kamay ni Maria ng Magdala ay nagpatuloy: «Uulitin Ko ang iyong mga salita kay Martha. Natutuwa Ako na makikita Ko siya kaagad at masabi sa kanya kung gaano ang kanyang Maria punung-puno ng mabuting kalooban.»

Si Pedro, nananagwan ng mga kamay sa matubig na putik at binabata na may tiyaga ang baha, ay lumabas mula sa ilalim ng trapal at tumakbo patungo sa isang bahay upang manghingi ng masisilungan.

«Hindi, Simon» sabi ni Jesus. «Mas gusto naming lahat na makauwi na. Tama ba iyon?»

Ang lahat ay sumang-ayon at si Pedro ay bumalik sa ilalim ng kapiraso ng layag.

Ang Capernaum ay katulad ng isang disyerto. Ang hangin, ulan, kulog at kidlat ang naghahari roon, kasabay ang ulang yelo, na ngayon ay tumatama na sa mga bahay at mga terasa tumutunog at bumabanda. Ang lawa ay nakakatakot na nakakamangha. Ang mga alon ay hinahampas ang mga bahay malapit dito, sapagkat ang maliit na baybayin ay nawala na at ang mga bangka na mga nakatali malapit sa mga bahay ay tila mga lumubog punung-puno katulad nila ng tubig, na ang mga nababasag na alon ay patuloy ang pagbuhos sa mga bangka, habang ang tubig na naroroon na ay umaawas.

Tumakbo sila patungo sa pangkusinang-hardin, na naging napakalaking sanaw na may mga basurang lumulutang sa maputik na tubig, pagkatapos pumasok sila sa kusina kung saan sila nag-ipun-ipon.

Si Martha ay napatili nang makita niya ang kanyang kapatid hawak sa kamay ni Maria. Niyakap niya siya, ngunit hindi napupuna kung gaano si Maria ng Magdala kabasa, hinahalikan niya siya at tinatawag niya: “Miri, Miri, aking mahal!» Baka iyon ang tawag niya sa kanya nang maliit pa.

Si Maria ay umiiyak, na ang kanyang ulo nakapahinga sa balikat ng kanyang kapatid, at natatakpan ang maitim na damit ni Martha ng kanyang ginintuan na mga buhok, ang tanging nagniningning na bagay sa madilim na kusina kung saan ang isang maliit na apoy ng mga pangkatong ay nagbibigay ng ilang liwanag, habang ang isang maliit na lampara ay halos hindi nakapagbigay ng liwanag.

Ang mga apostol ay natulala at gayon din ang maybahay na lalaki at ang kanyang asawa, na tumingin sa kusina nang si Martha ay tumili, at pagkatapos ng isang sandali ng mauunawaang pag-usyoso sila ay umalis nang di halata.

Nang ang pagbuhos ng pagmamahal ni Martha ay medyo kumalma na, napuna niya si Jesus at si Maria at nadama na iyon ay kakaiba na silang lahat ay magkakasama. Kung gayon tinanong niya ang kanyang kapatid, ang Ating Ginang at si Jesus – hindi ko masabi kung sino ang kanyang tinatanong nang labis na mapilit - : «Ngunit… papaano na kayong lahat ay magkakasama?»

«Ang bagyo, Martha, ay papalapit. Ako ay lumakad kasama si Simon, si Santiago at ang iyong katulong upang salubungin ang dalawang peregrino.»

Si Martha ay labis na nabigla na hindi niya naisip ang katotohanan na si Jesus ay lubos na nakatitiyak sa pagsalubong sa kanila at hindi siya nagtatanong: «Ngunit… nalaman ba Ninyo?» Ang tanong, subalit, ay itinanong ni Tomas, na hindi nakakakuha ng tugon sapagkat si Martha ay nagsasalita sa kanyang kapatid: «Ngunit bakit mo kasama si Maria?»

si Maria ng Magdala ay itinungo ang ulo.

Ang Ating Ginang ay tinulungan siya kinuha siya sa kamay at nagsabing: «Siya ay pumunta sa Akin katulad ng isang peregrino na pumupunta sa isang lugar kung saan siya ay masasabihan kung aling daan ang kailangang kunin upang marating ang kanyang destinasyon. At sinabi niya sa Akin: “Ituro Ninyo sa akin ang dapat kong gawin upang maging kay Jesus”. At sa dahilan na siya ay napapagalaw ng ganap na mabuting kalooban, naintindihan niya kaagad ang karunungan na iyon! At nakita Ko na siya ay handa nang akayin sa kamay at dalhin sa iyo, Aking Anak, at sa iyo, mabuting Martha, at sa inyo, mga kapatid na lalaking disipulo, at sabihin sa inyo: “Naririto ang Inyong disipulo at inyong kapatid na babae, na magbibigay bagkus sobrenatural na mga lugod sa kanyang Panginoon at sa kanyang mga kapatid na lalaki”. Hinihingi Ko sa inyo na paniwalaan Ako at mahalin siya katulad na minamahal siya ni Jesus at Ako.»

Ang mga apostol pagkatapos ay nag-ipun-ipon sa paligid niya binabati ang kanilang bagong kapatid na babae. Nagkaroon, siyempre, ng kaunting pag-usyoso… Ngunit papaano iyan maiiwasan?! Matapos man ang lahat…. Silang lahat ay mga tao pa rin…

Ang sentido-komun ni Pedro ang nagsasalita: «Ang lahat na iyan ay mabuti. Tiniyak ninyo sa kanya ang tulong at banal na pakikipagkaibigan. Ngunit kailangan na isipin natin na ang ating Ina at kapatid na babae ay basang-basa hanggang sa balat… Kami ay basang-basa rin, upang sabihin sa inyo ang katotohanan… Ngunit sila ay ang nasa pinakamasamang sitwasyon. Ang kanilang mga buhok ay tumutulo sa tubig katulad ng mga punong willow pagkatapos ng bagyo at ang kanilang mga damit ay basa at maputik. Magsindi tayo ng apoy, at kumuha ng mga damit para sa kanila at maghanda ng mainit na pagkain…»

Ang lahat ay naging abala: si Martha ay dinala ang dalawang manlalakbay sa loob ng silid, ang apoy ay sinindihan at ang basang mga kasuutan, mga belo at mga manta ay isinampay sa harapan nito. Hindi ko alam kung anong pagsasaayos ang ginagawa sa loob ng silid… Nakikita ko na si Martha, na nakitang muli ang kanyang enerhiya ng isang napakabuting maybahay, ay paparoo’t parito nang maasikaso, nagdadala ng mga palanggana at mainit na tubig, mga kopa ng mainit na gatas, mga damit na ipinahiram ng maybahay na babae, upang matulungan ang dalawang Maria…

140411

 



Sunod na kabanata