239. Si Marjiam Tinuturuan si Maria ng Magdala ng «Ama Namin».

Agosto 1, l945.

Ang kalangitan ay sa muli naging maliwanag sa ibabaw ng Karagatan ng Galilee. Ngayon na nahugasan ng ulan ang alikabok, ang lahat ay tila mas maganda kaysa noong bago ang bagyo. Ang hangin ay perpektong malinis at tumitingin sa kalangitan akala mo ito ay mas mataas at mas magaan… isang nasisinag na belo ang nakaunat sa pagitan ng lupa at sa dingal ng Paraiso. Ang lawa ay sinasalamin ang malalim na asul ng kalangitan at ang turkesang tubig nito ay isang tahimik na nakakaakit na tanawin.

Ngayon ay nagsisimulang sumikat ang araw. Si Jesus kasama ang Kanyang Ina, si Martha at si Maria ng Magdala ay sumasakay sa bangka ni Pedro.  Bukod kay Pedro at ni Andres, ang Zealot din, si Felipe at si Bartolomeo ay kasama ni Jesus. Sina Mateo, Tomas, ang mga pinsan ni Jesus, ang Iskariote ay sa halip nasa hiwalay na bangka kasama sina Santiago at Juan. Sila ay naglalayag patungong Bethsaida, isang maikling paglalayag napapaboran ng isang katamtaman na hangin. Ang pagtawid ay tumagal lamang ng ilang minuto.

Nang sila ay paparating na, si Jesus ay nagwika kay Bartolomeo at sa kanyang di-maihihiwalay na kasama na si Felipe: «Kayo ay lalakad at paalamin ang inyong mga kababaihan. Ako ay pupunta sa inyong mga bahay ngayon.» At Siya ay tumititig sa kanila na may ibig sabihin.

«Gagawin namin, Guro. Hindi ba Ninyo ako o si Felipe pagkakalooban ng kasiyahan na Kayo ay maging aming panauhin?»

«Tayo ay mananatili hanggang paglubog ng araw lamang at ayaw Kong ipagkait kay Simon Pedro ang lugod na makasama si Marjiam.»

Ang mga bangka ay kumaskas sa baybayin at tumigil. Sila ay bumaba at sina Felipe at Bartolomeo ay humiwalay sa kanilang mga kasamahan upang pumunta sa nayon.

«Saan ang dalawang iyon pupunta? Si Pedro ay tinatanong ang Guro Na isa sa mga unang bumaba at ngayon katabi na niya.

«Upang paalamin ang kanilang mga kababaihan.»

«Kung gayon, lalakad ako upang paalamin din si Porphirea.»

«Hindi na kinakailangan. Si Porphirea ay napakabait na hindi na kailangan na maihanda siya ng kahit anong pamamaraan. Ang kanyang puso ay nakapagbibigay bagkus kabaitan.»

Ang mukha ni Pedro ay nagniningning sa lugod nang mapakinggan ang pagpupuri sa kanyang asawa at hindi na nagsalita ng kahit ano pa man.

Pansamantala ang mga kababaihan din ay bumababa, sa ibabaw ng isang tabla na inilagay para sa kanila bilang isang tulayan, at sila ay naglakad patungo sa bahay ni Simon.

Si Marjiam, na dinadala ang kanyang mga tupa upang manginain sa sariwang mga damo sa mas mabababang panabi ng mga burol ng Bethsaida, ay ang unang nakakita sa kanila at ibinalita ang tungkol sa kanila sa pamamagitan ng isang sigaw ng lugod tumatakbo upang yakapin si Jesus, Na yumuko upang halikan siya. Pagkatapos pumunta siya kay Pedro. Si Porphirea rin, na ang mga kamay ay puno ng harina, ay dumating at yumukod, binabati sila.

«Kapayapaan sa iyo, Porphirea. Hindi mo kami inaasahan kaagad, hindi ba? Ngunit nananabik Akong dalhin ang Aking Ina sa iyo, kasama ang dalawang babaeng disipulo, pati na rin ang Aking pagpapalà. Ang Aking Ina ay nananabik na makitang muli ang bata. Naroroon siya sa Kanyang mga bisig. At ang mga babaeng disipulo ay ibig na makilala ka… ito ay ang asawa ni Simon: ang mabuti at tahimik na disipulo, mas aktibo sa kanyang pagsunod kaysa sa marami pang iba. At ito sina Martha at Maria mula sa Bethany. Dalawang magkapatid. Magmahalan sa isa’t isa.»

«Ang mga dinadala Ninyo sa akin ay mas mahal sa akin kaysa sa aking sariling dugo, Guro. Halikayo. Ang aking bahay ay nagiging mas maganda sa tuwing yumayapak Kayo rito.»

Si Maria ay nilalapitan si Porphirea ngumingiti at niyayakap siya nagsasabing: «Nakikita Ko na ikaw ay totoong isang mapagmahal na ina. Ang bata ay kaagad mas mabuti na at masaya. Salamat sa iyo.»

«O! Babae pinagpalà sa lahat na ibang babae! Nalalaman ko na iyon ay dahil sa Inyo na nagkaroon ako ng lugod na tawagin na isang ina. At kailangan na malaman Ninyo na hindi ko Kayo kailanman pamimighatiin sa hindi pagtupad sa pribilehiyong iyon. Pumasok Kayo, kasama ang mga kapatid na babae…»

Si Marjiam ay tinitingnan nang mausisa si Maria ng Magdala. Maraming mga kaisipan ang maaaring pumapasok sa kanyang isip. Siya man lamang ay nagsabi: «Ngunit… wala ka sa Bethany…»

«Hindi, wala ako. Ngunit palagi na akong naroroon mula ngayon» sabi ni Maria ng Magdala namumula at medyo ngumingiti. Hinahaplos niya ang bata nagsasabing: «Kahit na kung ngayon pa lamang tayo nagkita, minamahal mo ba ako?»

«Oo, dahil ikaw ay mabait. Ikaw ay umiyak, hindi ba? Iyan kung bait ikaw ay mabuti. At ang iyong pangalan ay Maria, hindi ba? Ang pangalan din ng aking ina ay Maria at siya ay mabait. Ang lahat na babae, na ang pangalan ay Maria ay mabait. Ngunit» siya ay naghihinuha, upang hindi masaktan si Porphirea at si Martha, «ngunit marami din na may mga pangalan na iba ay mabuti. Ano ang pangalan ng iyong ina?»

«Eucheria… at napakabuti niya» at dalawang malaking luha ang umagos sa mukha ni Maria ng Magdala.

«Ikaw ba ay umiiyak sapagkat siya ay patay na? tanong ng bata, at kanyang hinahaplos ang magandang mga kamay ni Maria, na kanyang nai-krus sa kanyang madilim na damit, na kitang-kita na isa sa mga niretoke na damit ni Martha para kay Maria, sapagkat ang laylayan nito ay may tastas. At dagdag pa niya: «Kailangan na huwag kang umiyak. Alam mo, tayo ay hindi nag-iisa. Ang ating mga ina ay laging malapit sa atin. Si Jesus ay sinasabi iyan. At katulad nila ang mga gabay na anghel. Si Jesus ay sinasabi rin iyan. At kung tayo ay mabuti, sila ay darating at sasalubungin tayo kapag tayo ay mamatay at tayo ay tataas sa Diyos sa loob ng bisig ng ating mga ina. Totoo iyan, alam mo? Ganyan ang sinabi Niya!»

Si Maria ng Magdala ay niyakap ang maliit na nakikiramay na bata at hinahalikan siya nagsasabing: «Kung gayon magdasal na sana ako ay maging mabuti.»

«Ngunit hindi ba’t mabuti ka na? Tanging ang mabubuti lamang ang sumasama kay Jesus… At kung ang isa ay hindi ganap na mabuti, siya ay nagiging mabuti, upang maging disipulo ni Jesus. Sapagkat hindi mo maituturo ang hindi mo nalalaman. Hindi natin masasabi: “Magpatawad” kung hindi muna tayo nagpapatawad. Ni hindi natin masasabi: “Kailangan na mahalin mo ang iyong kapwa” kung hindi muna natin siya minamahal. Alam mo ba ang panalangin ni Jesus?»

«Hindi, hindi ko alam.»

«Siyempre, nakasama mo Siya kamakailan pa lamang. Napakaganda nito, alam mo? Binabanggit ang lahat na mga bagay na ito. Makinig kung papaano kaganda ito.» At si Marjiam ay dahan-dahan na binigkas ang «Ama Namin» na may malalim na damdamin at pananampalataya.

«Gaano mo ito ka-alam!» sabi ni Maria ng Magdala nang humahanga.

«Ang aking ina ay itinuturo iyan sa akin sa gabi at ang Ina ni Jesus sa umaga. Kung gusto mo, ituturo ko iyan sa iyo. Ibig mo bang sumama sa akin? Ang mga tupa ay humuhuni. Sila ay gutom. Dadalhin ko sila sa pastulan. Sumama ka sa akin. Tuturuan kita kung papaano magdasal at magiging napakagaling ka» at kinuha niya siya sa kamay.

«Ngunit hindi ko alam kung gusto ng Guro…»

«Lakad, walang problema, Maria. May inosenteng bata kang kasama bilang isang kaibigan at ilan na maliliit na tupa… Makakalakad ka nang mapanatag…»

Si Maria ng Magdala ay lumabas kasama ang bata at makikita siya na lumalayo pinangungunahan ng tatlong tupa. Si Jesus ay nakatingin… at ang iba rin.

«Ang aking kaawa-awang kapatid!» bulalas ni Martha.

«Huwag mo siyang kaawaan. Siya ay isang bulaklak nagtutuwid ng kanyang tangkay pagkatapos ng bagyo. Naririnig mo ba siya?... Siya ay tumatawa… Ang inosensiya ay laging isang konsolasyon.»

 180411

 

 



Sunod na kabanata