24. Ang Sirkunsisyon  kay Juan Bautista.

Abril 4, 1944.

¹Nakikita ko ang bahay nagbubunyi. Ito ang araw ng sirkunsisyon.

Si Maria ay tiniyak na ang lahat ay maganda at nasa mabuting kaayusan. Ang mga silid ay nagniningning sa liwanag, ang pinakamagagandang damit, ang pinakamagagandang kagamitang-bahay ay nagniningning kahit saan. Si Maria ay maliksing kumilos sa gitna ng iba't ibang mga grupo. Napakaganda Niya sa Kanyang pinakamagandang puting damit.

Si Elizabeth, ginagalang ng lahat bilang isang matrona, ay kinalulugdan nang napakasaya ang kanyang kapistahan. Ang bata ay inihiga sa ibabaw ng kanyang lapi busóg sa gatas.

²Ngayon ay ang oras na ng sirkunsisyon.

«Tatawagin natin siyang Zachariah. Matanda ka na. Makatarungan lamang na ang bata ay tawagin sa pangalan mo» sabi ng mga kalalakihan.

«Hindi kailanman!» bulalas ni Elizabeth. «Ang kanyang pangalan ay Juan. Ang kanyang pangalan ay kailangang ang saksi sa kapangyarihan ng Diyos.»

«Ngunit nagkaroon na ba kailanman ng isang Juan sa inyong angkanan?»

«Hindi na bale, ang kanyang pangalan ay kailangan na Juan.»

«Ano ang masasabi mo, Zachariah? Gusto mo ang iyong pangalan, hindi ba?»

Si Zachariah ay iniiling ang kanyang ulo sa pagtanggi. Kinuha niya ang kanyang  tabletang sulatán at nagsusulat: «Ang kanyang pangalan ay Juan.» At nang makatapos siya kaagad sa pagsusulat, idinugtong niya, sa pamamagitan ng kanyang dila na malaya na ngayon: «sapagkat nagkaloob ang Diyos ng malaking grasya sa akin, kanyang ama, at sa kanyang ina, at sa bagong lingkod Niyang ito na gagamitin ang kanyang buong pamumuhay para sa kaluwalhatian ng Panginoon, at tatawaging dakila magpakailanman sa mundo at sa mga mata ng Diyos, sapagkat ibibigay niya ang nakumberting mga puso sa Kataastaasang Panginoon. Ang anghel ay ganyan ang sinabi, at hindi ako naniwala. Ngunit ngayon ako ay naniniwala, at ang Liwanag ay ngayon nasa akin na. Ang Liwanag ay nasa pagitan natin, ngunit hindi ninyo ito nakikita. Kapalaran nito ito na hindi makita, sapagkat ang mga kaluluwa ng mga tao ay napabibigatan at walang ginagawa, ngunit ang aking anak ay makikita Ito, at magsasalita tungkol Dito, at palilingunin Dito ang mga puso ng makatarungan sa Israel. O! Pinagpala ang mga maniniwala Dito at laging maniniwala sa Salita ng Panginoon. At pagpalain Kayo, o Eternal na Panginoon, Diyos ng Israel, sapagkat dinalaw at tinubos Ninyo ang Inyong sambayanan, at nagtaas Kayo para sa amin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas sa sambahayan ng Inyong lingkod na si David. Katulad ng ipinangako Ninyo sa pamamagitan ng bunganga ng banal na mga Propeta mula sa lumang mga panahon, na ililigtas Ninyo kami mula sa aming mga kaaway, at mula sa mga kamay ng lahat ng napopoot sa amin, upang ipakita ang Inyong awa sa aming mga ninuno, at kung gayon naaalaala ang Inyong banal na tipan. Ito ang sumpang ipinangako Ninyo sa aming amang si Abraham; na pagkakalooban Ninyo kami, nang walang ikatatakot, ng kalayaan mula sa mga kamay ng aming mga kaaway, upang paglingkuran Kayo sa Langit at makapamuhay sa Inyong presensya sa lahat ng aming mga araw» at nagpapatuloy siya hanggang sa katapusan.

Ang mga taong naroroon ay labis na nasorpresa sa pangalan, sa himala, sa mga salita ni Zachariah.

Si Elizabeth, na sa unang mga salita ni Zachariah ay napasigaw sa tuwa, ay ngayon umiiyak, niyayakap si Maria, Na humahaplos sa kanya nang masaya.

³Hindi ko nakita ang sirkunsisyon. Nakita ko lamang silang binabalik si Juan na umiiyak nang napakalakas. Ni ang kanyang ina ay hindi siya mapakalma. Siya ay naninipa katulad ng isang maliit na kabayo. Pagkatapos kinuha siya ni Maria, at inuugoy siya, at siya ay naging tahimik, at nahigang mapayapa.

«Ngayon tingnan lang iyan!» sabi ni Sarah. «Tahimik lamang siya kapag kinukuha siya Niya!»

Ang mga tao ay nagsimula nang umalis nang unti-unti. Sa loob ng silid si Maria na lamang ang naroroon, karga ang bata, at si Elizabeth na masayang-masaya.

⁴Si Zachariah ay pumasok, at sinasara ang pinto. Tinitingnan niya si Maria na ang kanyang mga mata punung-puno ng mga luha. Gusto niyang magsalita. Pagkatapos siya ay nanahimik. Siya ay lumalapit. Lumuhod siya sa harapan ni Maria. «Pagpalain ang abang lingkod ng Panginoon» sabi niya sa Kanya. «Pagpalain siya, sapagkat magagawa Mo ito, dahil dinadala Mo Siya sa Iyong sinapupunan. Ang salita ng Panginoon ay sinabi sa akin noong tinanggap ko ang aking pagkakamali at pinaniwalaan ko ang lahat na sinabi sa akin. Nakikita Kita, at ang Iyong masayang kapalaran. Sinasamba ko ang Diyos ni Jacob sa loob Mo. Ikaw ang aking unang Templo, kung saan bilang isang pari muli, makapagdarasal akong muli sa Eternal ng Ama. Ikaw ay pinagpala, sapagkat nakakuha Ka ng grasya para sa mundo at dinadala Mo na ngayon ang Tagapagligtas dito. Patawarin ang Iyong lingkod kung hindi niya nakita ang Iyong mahestad bago ngayon. Noong dumating Ka rito, dinala Mo sa amin ang lahat na grasya, sapagkat kahit saan Ka pumunta, o Napupuno ng Grasya, ginagawa ng Diyos ang Kanyang mga himala, at banal ang mga pader na Iyong pinapasok, nagiging banal ang mga tainga na nakikinig sa Iyong tinig, at banal ang laman na Iyong nahihipo. Banal ang mga puso, sapagkat nagkakaloob Ka ng mga grasya, Ina ng Kataastaasan, Birhen ng mga Propeta, inaasahan na magdadala sa Tagapagligtas sa sambayanan ng Diyos.»

⁵Si Maria ay ngumingiti, punó ng kababaang-loob at Siya ay nagsabi: «Papuri sa Panginoon. Sa Kanya lamang. Mula sa Kanya, hindi mula sa Akin, nanggagaling ang bawat grasya. At pinagkakaloob Niya ito sa iyo, na sana mahalin mo Siya, at na matulungan ka sanang marating ang perpeksiyon sa mga susunod na taon upang marapatin ang Kanyang Kaharian na bubuksan ng Aking Anak sa mga Patriyarka, sa mga Propeta, sa makatarungan ng Panginoon. At sa dahilan na ngayon makapagdarasal ka na sa harapan ng Banal, pakiusap na manalangin para sa katulong-na-babae ng Kataastaasan, sapagkat ang maging Ina ng Anak ng Diyos ay napaka-ligaya, ang maging Ina ng Manunubos ay maaaring isang kapalaran ng napakalalim na kapighatian. Manalangin para sa Akin, sapagkat nararamdaman Ko ang bigat ng Aking kapighatian na pabigat nang pabigat oras-oras. At ito ay babatahin Ko sa buong buhay Ko. At kahit na kung hindi Ko nakikita ang mga detalye, sa pakiramdam Ko ito ay magiging mas mabigat pa kaysa kung ang buong mundo ay inilagay sa Aking mga balikat ng isang babae, at ialay Ko ito sa Langit. Ako, Ako mag-isa, kaawa-awang babae! Aking Sanggol! Aking Anak! Ah! Ang iyong anak ay hindi na umiiyak kung inuugoy Ko siya. Ngunit mai-uugoy Ko ba ang Akin, upang papanatagin ang Kanyang kirot?... Manalangin para sa Akin, pari ng Diyos. Ang Aking puso ay nanginginig katulad ng isang bulaklak sa loob ng isang bagyo. Tinitingnan Ko ang mga tao, at minamahal Ko sila. Ngunit nakikita Ko ang kaaway nagpapakita sa likuran ng kanilang mga mukha, at ginagawa silang mga kaaway ng Diyos, at ng Aking Anak na si Jesus...»

At ang bisyon ay nagtatapos kasama ang pamumutla ni Maria, at ang Kanyang mga luha, na nagagawa ang Kanyang mga mata na magningning nang matingkad.

                                                                -------------------------------

mary sinab

⁶Sinasabi ni Maria:

«Pinatatawad ng Diyos siya na kinikilala ang kanyang kasalanan, nagsisisi at nangungumpisal nang may mapagpakumbaba at sinsirong puso. Hindi lamang Siya nagpapatawad, naggagantimpala Siya. O! Gaano kabúti ang Aking Panginoon sa mga mapagpakumbaba at sinsiro! Sa mga naniniwala sa Kanya, at nagtitiwala sa Kanya!

⁷Linisin ang inyong mga kaluluwa ng nagpapabigat sa kanila at ginagawa silang walang-sigla. Ihanda ang inyong mga kaluluwa na tanggapin ang Liwanag. Bilang isang liwanag sa kadiliman, Ito ay isang giya at isang banal na konsolasyon.

O banal na pakikipagkaibigan sa Diyos, beatitude ng Kanyang matatapat, kayamanang di-mapapantayan ng kahit ano pa, ang nagtataglay sa iyo ay hindi kailanman nag-iisa, at hindi kailanman nalalasahan ang pait ng kawalang-pag-asa. O banal na pakikipagkaibigan, hindi mo nabubura ang kapighatian, sapagkat ang kapighatian ay ang kapalaran ng isang Diyos na nagkatawang-tao at kung gayon maaaring ang kapalaran ng tao. Ngunit ginagawa mo ang kapighatian na ito na maging matamis sa kapaitan nito, at hinahaluan mo ito ng isang liwanag at isang haplos na nagpapagaan sa krus nang may isang selestiyal na diskarte.

At kapag ang Dibinong Kagandahang-loob ay pinagkalooban kayo ng mga grasya, gamitin ang regalong tinanggap upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Huwag maging katulad ng mga taong tanga na ginagawa ang isang mabuting bagay na maging isang nakapananakit na armas, o katulad ng mga aksayang tao na ginagawa ang kanilang kayamanan na maging paghihirap.

⁸Binibigyan ninyo Ako ng labis na kapighatian, Aking mga anak, sa likuran ng kaninong mga mukha nakikita Kong lumalabas ang Kaaway, ibig sabihin, siya na itinatapon ang kanyang sarili laban sa Aking Jesus. Labis na kapighatian! Gusto Kong maging ang Pinanggagalingan ng Grasya para sa lahat. Ngunit napakarami sa inyo ang ayaw ng Grasya. Humihingi kayo ng “mga grasya”, ngunit nang may kaluluwang nawalan ng Grasya. Papaano kayo matutulungan ng Grasya kung kayo ay Kanyang mga kaaway?

⁹Ang dakilang misteryo ng Biyernes Santo ay lumalapit. Ito ay inaalaala at pinagdiriwang sa loob ng mga simbahan. Ngunit kinakailangan na ipagdiwang ito at bigyan ng pag-alaala sa loob ng inyong mga puso, at dagukan ang inyong mga dibdib katulad ng mga bumababa mula sa Golgotha at sabihin: “Sa katotohanan, ang Taong ito ay ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas”, at sabihin: “Jesus, alang-alang sa Inyong Pangalan, iligtas kami”, at sabihin: “Ama, patawarin kami”, at pánghulí sabihin: “Ako ay hindi karapat-dapat, ngunit kung ako ay Inyong patawarin at pumunta Kayo sa akin, ang aking kaluluwa ay gagaling, at hindi ko na gugustuhin na magkasala, sapagkat ayaw ko nang magkasakit pa at napopoot sa Inyo”.

Magdasal, mga anak, sa pamamagitan ng mga salita ng Aking Anak. Sabihin sa Ama para sa inyong mga kaaway: “Ama, patawarin sila”. Tawagan ang Amang umalis dahil sa galit sa inyong mga pagkakamali: “Ama, Ama, bakit Ninyo ako pinabayaan? Ako ay isang makasalanan. Ngunit kung ako ay Inyong iwanan, ako ay mamamatay. Bumalik Kayo, Banal na Ama, na sana ako ay maligtas”. Ipagkatiwala ang inyong eternal na kabutihan, inyong espiritu, sa Tanging Isa Na makapagpapanatili rito nang hindi nasasaktan ng mga dimonyo: “Ama, sa Inyong mga kamay hinahabilin ko ang aking espiritu”. O! Kung may kababaang-loob at pagmamahal na sinusuko ninyo ang inyong mga espiritu sa Diyos, pasusundin Niya ito katulad ng isang ama na pinasusunod ang kanyang maliliit na anak, ni hindi rin Niya pahihintulutan na may mangyaring masama sa inyong espiritu.

Si Jesus, sa Kanyang aguniya, ay nanalangin upang turuan kayo kung papaano manalangin. Pinaaalalahanan Ko kayo tungkol dito sa mga araw na ito ng Kanyang Pasyon.

¹⁰At ikaw, Maria, dahil nakita mo ang Aking lugod ng isang Ina at ikaw ay labis na naliligayahan nito, isipin at tandaan na tinaglay Ko ang Diyos sa pamamagitan ng lumalaki kahit kailanman na kapighatian. Ito ay bumaba patungo sa Akin dala ang Binhi ng Diyos at katulad ng isang napakalaking punungkahoy ito ay lumaki hanggang sa mahipo ng tuktok nito ang Langit, at ang impiyerno sa pamamagitan ng mga ugat nito, noong tinanggap Ko sa Aking lapi ang walang-buhay na labí ng Laman ng Aking laman, at nakita Ko at nabilang ang mga pahirap sa Kanya, at nahipo Ko ang Kanyang wasak na Puso upang makain ang Aking kapighatian hanggang sa huling patak.»

(116) 150610/030813/033013


Sunod na kabanata.