240. Si Jesus ang Pinakamalakas na Mangingibig. Ang Parabula Tungkol sa Nawawalang Drachma.

Agosto 2, 1945.

Ang bangka ay naglalayag sa tabi ng dalampasigan mula Capernaum patungong Magdala.

Si Maria ng Magdala ay sa unang pagkakataon nasa kanyang katanggap-tanggap na tayô bilang isang napabalik-loob sa Diyos: siya ay nakaupo sa ibabang mga tabla sa paanan ni Jesus, Na, sa halip, ay nakaupo sa bandang hulihan ng bangka sa isang maliit na bangkito. Ang mukha ni Maria ng Magdala ay ngayon ibang-iba sa kung ano ang kamukha nito kahapon; hindi pa ito ang sumisinag na hitsura ni Maria ng Magdala na tumatakbo upang salubungin niya si Jesus sa tuwing pupunta Siya sa Bethany. Ngunit ito ay malaya na sa pangamba at takot at ang kanyang mga mata, na dati ay nakababa katulad na ito noon ay magaspang, ay ngayon seryoso ngunit may-kompiyansa, at sa kanyang may-kabigatang dignidad ay mayroon nang paminsan-minsan na kislap ng kasiyahan kapag nakikinig siya kay Jesus nagsasalita sa mga apostol o sa Kanyang Ina at kay Martha.

Sila ay nagsasalita tungkol sa kabaitan ni Porphirea, na napakasimple at mapagmahal, tungkol sa taos sa pusong pagtanggap ni Salome at tungkol sa mga kababaihan nina Bartolomeo at Felipe. Si Felipe ay nagsasabi: «Kung ang aking mga anak na babae ay hindi napakabata pa, at ang kanilang ina hindi napakaistrikto sa kanilang paglalagalag, susundan din nila Kayo, Guro.»

«Hayaan ang kanilang mga kaluluwa na sundan Ako. Iyan ay isa ring banal na pagmamahal. Felipe, makinig. Ang iyong pinakamatandang anak na babae ay malapit nang ipagkasundong pakasal, hindi ba?»

«Oo, Guro. Isang karapat-dapat na kasalan at isang napakabuting nobyo. Hindi ba tama iyon, Bartolomeo?»

«Oo, totoo iyan. Magagarantiyahan ko iyan sapagkat kilala ko ang pamilya. Hindi ko matatanggap na maging ako ang lalaki na siyang magmumungkahi ng kasunduan, ngunit nagawa ko sana iyan nang walang pag-aalinlangan, nalalamang tiyak na ang isang banal na pamilya ay napoporma, kung ako ay hindi naubligang kailangang málapit sa Guro.»

«Ngunit ang babae ay nakiusap sa Akin na sabihin sa iyo na kalimutan mo ang tungkol diyan.»

«Hindi ba niya gusto ang lalaki? Nagkakamali siya. Ang mga batang tao ay baliw. Sana magbago ang kanyang isipan. Walang dahilan na tanggihan ang napakagandang pagkapares. Maliban kung… Hindi, hindi iyan posible! Sabi ni Felipe.

«Maliban kung ano? Magpatuloy, Felipe» pagpilit ni Jesus.

«Maliban kung may minamahal siyang iba. Ngunit hindi iyan posible! Hindi siya kailanman lumalabas ng bahay at sa loob ng bahay siya ay namumuhay na nag-iisa. Hindi iyan posible!»

«Felipe, may mga mangingibig na pumapasok din sa pinakapribadong mga bahay; na marunong magsalita sa kanilang mga minamahal sa kabila ng lahat na mga hadlang at mahigpit na pagbabantay; ang mga nakagagapi sa bawat pagtutol ng pagiging  balo, o ng pagiging bata, bagama't protektadung-protektado, o… sa iba pang uri ng mga hadlang, at nakukuha ang mga batang babae o mga babae na gusto nila. At may mga mangingibig din na hindi mapahihindian. Sapagkat sila ay mapandomina sa kanilang mithiin, at nakapanrarahuyo sa kanilang panlulupig sa bawat panlalaban, kahit na nang dimonyo. Ang iyong anak na babae ay minamahal ang isa sa mga iyon. At ang pinakamalakas sa lahat.

«Ngunit sino? Isa sa korte ni Herodes?»

«Iyan ay hindi malakas!»

«Isa… isa sa sambahayan ng Prokonsul, isang Romanong patrisyo? Hindi ko kailanman pahihintulutan iyan. Ang purong dugo ng Israel ay hindi magkakaroon ng kontakto sa di-purong dugo. Kahit na kung kailangan kong patayin ang aking anak. Huwag ngumiti, Guro. Ako ay nasa aguniya!»

«Sapagkat katulad mo ang isang nanlalaban na kabayo. Nakakakita ka ng mga anino na wala naman bagkus liwanag. Huwag mabalisa. Ang Prokonsul din ay bagkus isang katulong at ang kanyang patrisyong mga kaibigan ay mga katulong at ang Caesar ay isang katulong.»

«Maaaring nagbibiro Kayo, Guro! Ibig Ninyo akong takutin. Wala nang iba na mas malaki pa sa Caesar at wala nang mas dakila pang panginoon kaysa sa kanya.»

«Ako, Felipe.»

«Kayo? Ibig Ninyong pakasalan ang aking anak?!»

«Hindi. Ang kanyang kaluluwa. Ako ang mangingibig na pumapasok sa pinakatagóng mga bahay at mga puso na may pitong kandado. Ako ito na marunong magsalita sa kabila ng mga hadlang at mahigpit na pagbabantay. Ako ito na nagbubuwag ng mga harang at kumukuha kung ano ang gusto Ko: purong mga tao at mga nagkakasala, mga birhen at mga balo, mga taong malaya sa mga bisyo at mga alipin ng mga bisyo. At binibigyan Ko ang lahat ng bago, pambihira, pinasiglang-muli, pinaganda, bata magpakailanman na kaluluwa. Ang Aking kasalan. At walang sinuman ang makatatanggi sa Akin na ibigay sa Akin ang Aking mabait na mga biktima: walang ama, walang ina, walang mga anak, ni hindi si Satanas. Kung Ako man ay nagsasalita sa kaluluwa ng isang bata-pang babae, katulad ng iyong anak, o sa kaluluwa ng isang makasalanan nakalubog sa kasalanan at hawak ni Satanas sa pamamagitan ng pitong kadena, ang kaluluwang iyan ay lalapit sa Akin. At walang sinuman o walang kahit na ano ang makaaagaw niyan sa Akin. Walang kayamanan, kapangyarihan o lugod ng mundo ang makapagbibigay ng perpektong kasiyahan na kinalulugdan ng mga nagpapakasal sa Aking Kahirapan, sa Aking Pagpapakápahiya. Sila ay nahubaran ng lahat ng kaawa-awang kayamanan, at nararamtan ng lahat ng selestiyal na Kabutihan. Sila ay masayahin  sa kapanatagan ng pagiging nasasa-Diyos, sa Diyos lamang… Sila ang mga panginoon ng lupa at ng Langit. Napangingibabawan nila ang una at nalulupig nila ang huli.»

«Ngunit iyan ay hindi kailanman nangyari sa ating Batas!» bulalas ni Bartolomeo.

«Hubaran mo ang iyong sarili ng matandang tao, Natanael. Nang makita kita sa unang pagkakataon binati kita nagsasabi na ikaw ang isang perpektong Israelita na walang pandaraya. Ngunit maging ng Kristo na ngayon, hindi ng Israel. At maging ganyan na walang panloloko at walang mga kaugnayan. Ramtan mo ang iyong sarili ng bagong pag-iisip na ito. Kung hindi’y hindi mo maiintindihan ang maraming magagandang aspekto ng panunubos na Aking ipinunta upang dalhin sa lahat ng sangkatauhan.»

Si Felipe ay sumingit nagsasabing: «At sinasabi Ninyo na ang aking anak ay Inyong tinawagan. At ano na ang kanyang gagawin ngayon? Ako ay tiyak na hindi ko siya sasalungatin. Ngunit ibig kong malaman, upang matulungan din siya, kung sa ano ang pagtawag sa kanya…»

«Sa pagdadala ng mga liryo ng pambirheng pagmamahal sa hardin ng Kristo. Magkakaroon ng napakaraming ganyang mga birhen sa hinaharap na mga siglo!... Napakarami!... Pinabanguhang mga taniman ng mga bulaklak upang matapatan ang mga lababo ng bisyo. Mga nagdarasal na mga kaluluwa tinatapatan ang mga manlalapastangan at mga ateo. Tinutulungan nila ang sangkatauhan sa lahat ng mga kamalasan nito at sila ang lugod ng Diyos.»

Si Maria ng Magdala ay iginalaw ang kanyang mga labì upang magtanong, at sa paggawa nito siya ay namula pa rin, ngunit nagmumukha siyang mas malaya at mas komportable kaysa nang mga nakaraang araw: «At kami… ang mga labí na Inyong itinatayo, ano ang kalalabasan namin?»

«Kung ano ang kalalabasan ng inyong mga birhen na mga kapatid na babae…»

«O! Hindi iyan maaari! Kami ay labis na nagtampisaw sa putik at… at… hindi iyan posible.»

«Maria, Maria! Si Jesus ay hindi kailanman nagpapatawad nang kala-kalahati. Sinabi Niya sa iyo na pinatawad ka Niya. Kung gayon iyan nga iyan. Ikaw, at ang lahat na mga nagkasala katulad mo at siyang pinatatawad at pinakakasalan Ko, ay mangangamoy nang mabango, magdarasal, magmamahal, at magpapaginhawa. Sa dahilan na nalalaman mo ang kasamaan at may kakayahan na magamot ito nasaan man ito, ang inyong mga kaluluwa ay mga martir sa mga mata ng Diyos. Kayo kung gayon ay kasing mahal katulad ng mga birhen.»

«Mga martir? Sa ano, Guro?»

«Laban sa inyong mga sarili at sa mga pag-alaala ng inyong mga nakaraan at sa pamamagitan ng pagka-uhaw sa pagmamahal at pagbabayad-kasalanan.»

«Kailangan ko bang paniwalaan iyan?...» si Maria ng Magdala ay tinitingnan ang lahat sa bangka, hinihingi sa kanila na bigyan ng patotoo ang kanyang tumataas na pag-asa.

«Tanungin mo  si Simon. Ako ay nagsalita tungkol sa iyo at tungkol sa mga nagkakasala sa pangkalahatan, sa loob ng isang mabituin na gabi, sa inyong hardin.  At ang lahat ng iyong mga kapatid na lalaki ay masasabi sa iyo kung ang Aking tinig ay inawit ang kababalaghan ng Awa at ng kombersiyon para sa lahat na mga natubos.»

«Ang bata rin ay nagsalita sa akin tungkol diyan, sa kanyang anghelikal na tinig. Ako ay bumalik mula sa kanyang leksiyon na may nanariwang kaluluwa. Nagawa niya ako na maintindihan ko Kayo nang mas mabuti kaysa nagawa ng aking kapatid, labis-labis kung kaya’t mas may-kompiyansa ang aking naging pakiramdam tungkol sa pangangailangan na harapin ko ang Magdala. Ngayon, pagkatapos ng Inyong sinabi sa akin, nararamdaman ko ang aking lakas na lumalabas. Naiskandalo ko ang mundo. Ngunit isinusumpa ko sa Inyo, aking Panginoon, na ang mundo na tumitingin sa akin ngayon ay maiintindihan kung ano ang katulad ng Inyong kapangyarihan.»

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo nang sandali, habang ang Kabanalbanalang Birhen ay ngumingiti sa kanya nang katulad na Siya lamang ang makangingiti: makalangit.

Naririyan ang Magdala, nakalatag sa baybayin ng lawa, na ang tumataas na araw nasa harapan nito, at ang bundok ng Arbela nasa likuran nito, pinoprotektahan ito mula sa mga hangin, at ang makitid na mabangis na matarik na mabatong lambak sa pamamagitan nito kung saan ang isang agos ng tubig ay dumadaloy patungo sa lawa. Ang matarik na baybayin ay umuunat nang pakanluran: isang magandang kaakit-akit na mabalasik na tanawin.

«Guro» sigaw ni Juan mula sa isang bangka, «Naroroon ang lambak ng ating pagreretiro…» at ang kanyang mukha ay nagniningning na tila ang araw ay lumiliyab sa loob niya.

«Oo, ang ating lambak. Nakilala mo ito.»

«Imposibleng makalimutan ang mga lugar kung saan nakilala natin ang Diyos» tugon ni Juan.

«Kung gayon lagi kong tatandaan ang lawa na ito. Sapagkat dito ko Kayo nakita. Alam mo ba, Martha, na isang umaga nakita ko ang Guro rito?...»

«Oo, at tayong lahat ay muntik nang malunod, kapwa kayo at kami. Babae, matitiyak ko sa iyo na ang iyong mga mananagwan ay hindi magkakahalaga ng isang sentimos» sabi ni Pedro, na nagmamanyobra upang makarating sa baybayin.

«Ni hindi ang mga mananagwan o ang mga kasama nila nagkakahalaga ng kahit na ano… Ngunit iyon ay ang una nating pagkakita, at iyan ang may mas malaking halaga. Pagkatapos nakita ko Kayo sa bundok, pagkatapos sa Magdala at pagkatapos sa Capernaum… At sa tuwing magkita tayo, napakaraming mga tanikala ang napuputol… Ngunit ang Capernaum ang pinakamaganda. Pinalaya Ninyo ako mula roon…»

Sila ay dumaong kung saan ang iba ay nakababa na sa isang bangka. Pinasok nila ang bayan.

Ang simple o… malisyosong pag-uusisa ng sambayanan ng Magdala ay maaaring pahirap para kay Maria ng Magdala. Ngunit binabata niya ito nang makabayani sinusundan ang Guro Na naglalakad sa unahan, kasabay ang Kanyang mga disipulo, habang ang mga kababaihan ay nasa likuran nila. May labis na bulung-bulungan at panunuya. Ang lahat na dati ay nagpapakita ng respeto kay Maria, dala sa takot na baka sila balikan, habang siya ay ang dominating sinyora ng Magdala, ngayon na nakikita nila siya na mababa ang loob at basal at nakikita na siya ay humiwalay na para sa kabutihan sa kanyang malalakas na kaibigan, nangangahas silang insultuhin at siraan siya.

Si Martha, na naghihirap nang labis katulad niya, ay tinanong siya: «Ibig mo bang umuwi?»

«Hindi, hindi ko iiwanan ang Guro. Hindi ko Siya inaanyayahan sa aking bahay, hanggang sa ito ay mapadalisay at ang bawat bakas ng nakalipas ay maalis.

«Ngunit ikaw ay naghihirap, kapatid!»

«Karapat-dapat ako nito.» At siya ay maaaring totoong naghihirap. Ang kanyang namulang mukha ay may mga pawis hindi dahil sa mainit na panahon.

Tinatawid nila ang buong Magdala patungo sa mahihirap na mga tirahan, hanggang sa layo ng bahay kung saan sila tumigil noong nakaraan. Ang babae ay natulala nang tumitingala mula sa kanyang labahang tabla upang tingnan kung sino ang bumabati sa kanya, nakita niya si Jesus nakaharap sa kanya kasama ang kilalang-kilalang binibini ng Magdala, na hindi na ngayon marangyang nakadamit at puno ng mga alahas. Sa kabaligtaran suot niya ngayon ang isang magaang belo na linen, isang periwinkle na biyoletang damit, na mataas ang leeg at tiyak na hindi niya pag-aari, sapagkat hapit-na-hapit ito at niretoke para sa kanya. Siya ay nababalot ng isang mabigat na manta, na maaaring pahirap sa mainit na panahong ito.

«Pahihintulutan mo ba Ako na manatili sa loob ng iyong bahay at makapagsalita sa mga sumusunod sa Akin?» Ibig sabihin, sa buong Magdala, sapagkat ang buong populasyon ay sumunod sa apostoladong grupo.

«Bakit tanungin ako, Panginoon? Ang aking bahay ay sa Inyo.» At inabala niya ang kanyang sarili nagdadala ng mga upuan at mga bangkito para sa mga kababaihan at sa mga apostol. Nang dumaraan sa harapan ni Maria ng Magdala siya ay yumuyuko katulad ng isang alipin.

«Kapayapaan sa iyo, kapatid» tugon ni Maria ng Magdala. At ang kaawa-awang babae ay gulat-na-gulat upang nabitawan niya ang bangkito na kanyang dala-dala. Ngunit hindi siya nagsasalita ng kahit isang salita. Ang eksena ay nagagawa akong mag-isip na si Maria ng Magdala ay kung baga trinato niya ang kanyang mga nasasakupan nang may kayabangan. Ang kaawa-awang babae ay lubos na nagtataka nang siya ay tinanong kung kumusta naman ang mga bata, nasaan sila, at kung ang kanyang asawa ay nagkaroon ng mabuting huli.

«Sila ay mabuti naman… sila ay nasa paaralan o kasama ang aking ina. Ang maliit na isa ay natutulog sa kanyang kuna. Ang aking asawa ay nagkaroon ng mabuting huli ng mga isda at dadalhin sa inyo ang ikapu na para sa inyo…»

«Hindi na iyan kinakailangan. Gamitin ninyo iyan para sa mga bata. Maaari ko bang makita ang sanggol?»

«Halikayo…»

Ang mga tao ay nagsisiksikan sa kalsada.

Si Jesus ay nagsisimula nang magsalita:

«Ang isang babae ay mayroong sampung drachma sa kanyang lukbutan. Ngunit siya ay napagalaw at ang lukbutan ay nahulog mula sa kanyang dibdib; at ito ay nabuksan at ang mga barya ay gumulong sa sahig. Pinulot niya ang mga ito sa tulong ng mga kapitbahay na kasama niya, at kanyang binilang ang mga ito. Ang mga barya ay siyam lamang. Ang ikasampu ay hindi makita. Dahil sa ngayon ay halos gabi na at dumidilim na, ang babae ay nagsindi ng isang lampara, inilagay ito sa sahig at nagsimula siyang magwalis sa sahig upang makita kung iyon ay nakagulong nang malayo mula sa lugar na kinábagsakan nito. Ngunit ang drachma ay hindi makita. Ang kanyang mga kaibigan ay iniwan siya, dahil pagod na sila sa paghahanap nito. Ang babae pagkatapos ay iginalaw ang isang mabigat na baul, ang isang aparador, at nag-alis siya ng mga amphora at mga pitsel mula sa isang sulok sa pader. Ngunit ang drachma ay hindi makita. Siya pagkatapos ay nagsimulang gumapang at naghanap sa pinagwalisan, na nakatambak sa may pintuan, kung sakaling gumulong ang drachma palabas ng bahay at napahalo sa mga itinapon na gulay. At sa wakas nakita niya ang drachma, na narumihan at halos nakabaon sa mga pinagwalisan. Ang masayang babae ay pinulot ito, hinugasan ito at pinatuyo. Ngayon ito ay mas maganda na kaysa dati. At kanyang pinakita ito sa kanyang mga kapitbahay na kanyang tinawagan muli sa tuktok ng kanyang tinig, ang mga umalis pagkatapos na matulungan siya sa paghahanap kanina, at sinabi niya sa kanila: “Naririto ito! Kita ninyo? Sinabi ninyo sa akin na huwag nang mag-abala pa. Ngunit nagpumilit ako at nakita ko ang nawawalang drachma. Magsaya kung gayon kasama ko sapagkat hindi ako naghirap sa pagkawala ng isa sa aking mga kayamanan”.

Ang inyo ring Guro, at ang Kanyang mga apostol, ay ginagawa rin ang ginawa ng babae sa parabula. Nalalaman Niya na ang isang paggalaw ay baka magawa ang isang tagong kayamanan na malaglag. Ang bawat kaluluwa ay isang tagong-yaman at si Satanas, na napopoot sa Diyos, ay nambubuyo ng maling mga paggalaw upang malaglag ang kaawa-awang mga kaluluwa. May ilan na sa pagbagsak tumitigil malapit sa lukbutan, ibig sabihin hindi masyadong nakalalayo sa Batas ng Diyos, Na nag-iipon sa kanila at nagpoprotekta sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang mga kautusan. Ang iba napapalayo nang husto, ibig sabihin, sila ay napapalayo sa Diyos at sa Kanyang Batas. Ang ilan, sa huli, ay gumugulong hanggang sa mga pinagwalisan, sa dumi at sa putik. At sila ay magtatapos sa pagsunog sa kanila sa eternal na apoy, katulad na ang mga basura ay sinusunog sa tamang mga lugar. Ang Guro ay nalalaman at Siya ay naghahanap nang walang-kapaguran sa mga nawawalang sentimos. Naghahanap Siya para sa kanila kahit saan, nang may pagmamahal. Sila ay Kanyang mga tagong-yaman. At Siya ay hindi kailanman napapagod at wala Siyang pinandidirihan. Siya ay magkakalkal, maghahanap, mag-uusod, magwawalis hanggang makuha Niya ang Kanyang hinahanap. At sa sandaling makita Niya ito, huhugasan Niya ang nakitang-muli na mga kaluluwa sa pamamagitan ng Kanyang kapatawaran at tatawagin Niya ang lahat na Kanyang mga kaibigan: ang buong Paraiso at ang lahat na mabubuting ng lupa at sasabihin sa kanila: “Magsayang kasama Ko sapagkat nakita Ko na ang nawawala at ngayon ito ay mas maganda kaysa dati sapagkat ang Aking kapatawaran ay nagawa itong bago.”

Sasabihin Ko sa inyong totoo, may labis na pagsasaya sa pagitan ng mga anghel ng Diyos at ng mabubuting tao ng lupa sa isang nagsisising makasalanan. At sasabihin Ko sa inyong totoo na walang mas maganda pa kaysa sa mga luha ng pagsisisi. Sasabihin Ko sa inyong totoo na tanging mga dimonyo lamang ang hindi makapagsasaya sa ganyang kombersiyon, na isang tagumpay ng Diyos. At sasabihin Ko sa inyo na ang paraan ng pagsalubong ng isang tao sa kombersiyon ng isang makasalanan ay ang sukatan ng kanyang sariling kabutihan at sa kanyang pakikiisa sa Diyos.

Kapayapaan sa inyo.»

Ang mga pulutong ay naintindihan ang leksiyon at tinitingnan si Maria ng Magdala, na pumunta upang maupo sa may pamasukan hawak-hawak ang sanggol sa kanyang mga bisig, baka upang magpakita ng pagkatao. Ang mga pulutong ay dahan-dahan na naghiwa-hiwalay at  tanging ang maybahay na babae ang naiwan kasama ang kanyang ina na kararating pa lamang kasama ang mga bata. Si Benjamin ay wala roon, siya ay nasa paaralan pa.

270411               

             



Sunod na kabanata