241. Ang Kaalaman ay Hindi Kurupsiyon Kung Ito ay Relihiyon.

Agosto 1945.

Nang ang bangka ay dumaong sa maliit na daungan ng Tiberias, maraming mga namamasyal  malapit sa maliit na daungan ang lumapit upang tingnan kung sino ang mga dumating.  May mga tao ng lahat ng ranggo at mga bayan. Kung gayon ang maraming-kulay na mga Judiong tunika, ang maiitim na ulo at kahanga-hangang mga balbas ng mga Israelita ay humahalo sa maiikli, walang-manggas, maputing delanang mga kasuutan at  ahít-na-ahít na may maiikling buhok na mga ulo ng matitipunong Romano at kasama ang mas kakaunti pang mga kasuutang nagtatakip sa maliliksing pambabaeng mga katawan ng mga Griyego. Ang huli ay tila napasakanila ang magagaling na arte ng kanilang malayong amangbayan kahit na sa pagtayo, at nagmumukhang mga estatwa ng mga diyos na bumaba sa lupa sa mortal na mga katawan, nababalot katulad nila sa puting mga tunika, na may klasiko na mga mukha  na may adorno ng kulot na pinabanguhang buhok at mga kamay na puno ng mga pulseras, na sa kanilang sinasadyang mga paggalaw ay nagagawang kuminang.

Maraming babae na mababa ang lipad ang kahalo ng mga Romano at ng mga Griyego, na hindi nag-aalangan na ipakita ang kanilang pakikipaggiliwan sa mga liwasan at mga kalsada, samantalang ang mga Palestino ay iniiwasan ito, bagama't marami ang masayang nagpapasasa sa libreng pakikipagtalik sa mga binibini ng pagpapakasarap-sa-bahay. Ito ay tila malinaw na ganito nga ang kaso sapagkat ang mga kortesano ay tinatawag nang may kasanayan ang ilang mga Hudyo sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan, ang isa sa kanila bilang isang Pariseo adornado ng mga ribon, sa kabila ng katotohanan na ang Hudyo ay sinisimangutan ang mga babae.

Si Jesus ay kumikilos patungo sa bahaging iyon ng bayan kung saan ang mas eleganteng mga tao ay nagkaka-ipun-ipon. Ang mga tao na ito ay karamihan mga Romano at mga Griyego na may kaunting mga miyembro ng korte ni Herodes at ilang mayayamang mangangalakal mula sa baybaying Phoenicia, maaaring mula sa Sidon at Tyre, sa dahilan na sila ay nagsasalita ng tungkol sa mga bayan na iyon at tungkol sa mga emporia at mga barko. Ang mga nasa-labas na Thermal na paliguan ay puno ng ganyang eleganteng walang-magawang mga tao na pumapatay sa oras pinag-uusapan ang mga walang-kuwentang paksa, katulad ng paboritong estatuwa ng isang atleta ng paghahagis o ang tungkol sa pinakamabilis at pinaka-ismarte na atleta sa Griyego-Romanong wrestling. O nagdadaldalan sila tungkol sa moda at mga bangkete at gumagawa ng mga usapan para sa mga pagpapasasang paglalakbay inaanyayahan dito ang pinakamagandang mga kortesano o ang pinabanguhan kulot-ang-buhok na mga binibini na lumalabas mula sa Thermal na mga paliguan o iba pang mga gusali, na pumupuno sa artistiko na tila bulwagan na purong marmol na sentrong ito ng Tiberias.

Ang dumaraang grupo ay nakatalagang makatatawag ng matinding pag-uusyuso na tunay na magiging malungkot kapag may makakilala kay Jesus, bilang nakakita na sa Kanya sa Caesarea at may isa rin na nakakikilala kay Maria ng Magdala bagama't siya ay ganap na nababalot sa kanyang manta, na ang kanyang belo nakababa sa kanyang noo at mga pisngi, upang maliit lamang na bahagi ng kanyang mukha ang makikita, dahil naglalakad siya na ang kanyang ulo nakayuko.

«Iyan ay ang Nazareno Na nagpagaling sa anak ni Valeria» sabi ng isang Romano.

«Ibig kong makakita ng isang himala» isa pang Romano ang tumugon sa kanya. «Ibig ko Siyang mapakinggan na magsalita. Sinasabi nila na Siya ay isang dakilang pilosopo. Sasabihan ba natin Siya na magsalita?» tanong ng isang Griyego.

«Huwag kang makialam, Theodate. Ang Kanyang ulo ay nasa alapaap at Siya ay nagsasalita ayon diyan. Ang isang mahilig sa trahedya ay gugustuhin Siya para sa isang satire» tugon ng isang Griyego.

«Huwag kang mag-apura, Aristobolus. Siya ay tila bumababa mula sa mga ulap at nagsasalita ng magandang mga argumento. Kita mo kung ilan na magagandang bata-pang mga babae ang kasama Niya» bulalas ng isang Romano nang mapagbiro.

«Ngunit iyan ay si Maria ng Magdala!» sigaw ng isang Griyego, na pagkatapos ay tumawag: «Lucius! Cornelius! Titus! Tingnan: Si Maria ay nasa banda roon!»

«Hindi iyan siya! Si Maria katulad niyan? Lasing ka ba?»

«Si Maria iyan, sinasabi ko sa iyo. Hindi niya ako maloloko, kahit na kung siya ay labis na nagbabalatkayo.»

Ang mga Romano at mga Griyego ay pinaiikutan ang apostoladong grupo, na tinatawid ang liwasan na may mga arko at mga pontanya. Ilan na mga kababaihan ang sumali sa mausyusong mga kalalakihan at isang babae ang halos pumunta sa ilalim ng mukha ni Maria upang makita siya nang maayos at natulala nang kanyang makita na iyon ay si Maria.

Tinanong niya siya: «Ano ang ginagawa mo sa loob ng balatkayong iyan?» at tumatawa nang nanunuya.

Si Maria ay tumigil, itinutuwid ang kanyang sarili, itinataas ang isang kamay at inaalisan ng takip ang kanyang mukha itinapon ang kanyang belo sa likod. Si Maria ng Magdala, ang makapangyarihang binibini laban sa kung anuman ang kamuhi-muhi at panginoon ng kanyang sariling mga pakiramdam, ang lumitaw. «Ako ito, oo» sinabi niya sa kanyang magandang tinig habang ang kanyang mga mata ay kumikislap. «Ako ito. At binubunyag ko ang aking sarili, upang sana huwag ninyong isipin na ako ay nahihiya na makasama ang mga banal na taong ito.»

«O! si Maria kasama ang banal na mga tao! Lumayo ka diyan. Huwag mong pababain ang sarili mo!» bulalas ng babae.

«Ako ay pinabába hanggang bago ngayon. Ngunit hindi na ngayon.»

«Baliw ka ba? O iyan ay isang kapritso» tumugon siya.

Ang isang Romano pakindat-kindat at nagbibiro ay nagsabi: «Sumama ka sa akin. Ako ay mas magandang lalaki at mas masayahin kaysa sa may-balbas na inupahang tagapagluksang iyan na pinahihiya ang buhay at ginagawa iyan na isang paglilibing. Ang buhay ay maganda! Isang tagumpay. Isang malugod na lasingan! Halika. Lalampasan ko ang lahat sa pagpapasaya sa iyo» at ang morenong bata-pang lalaki na ang kaninong mukha na katulad ng isang lobo ay kung baga maganda, ay nagsisikap na hawakan siya.

«Lumayas ka! Huwag mo akong hawakan. Nagsalita ka ng katotohanan: ang buhay na iyong pinamumuhayan ay isang lasingan. At labis na nakakahiyang buhay. Pinandidirihan ko iyan.»

«O! Ngunit kamakailan lamang iyan ang uri ng iyong pamumuhay» tugon ng Griyego.

«Nagkukunwari siyang ang birhen ngayon!» panunuya ng isang Herodian.

«Sisirain mo ang banal na mga taong ito! Ang Nazarene ay mawawalan ng Kanyang bilog sa ulo kasama ka. Sumama ka sa amin» pagpilit ng isang Romano.

«Mas mabuti pang sumama ka sa akin at sundan Siya. Tumigil sa pagiging mga hayop at maging mga tao man lamang.»

Isang koro ng tawanan at panunuya ang kanilang tugon.

Tanging isang maedad na Romano lamang ang nagsabi: «Igalang ang babae. Siya ay malaya na gawin ang gusto niya. Ipinagtatanggol ko siya.»

«Makinig sa demagogo! Ang alak ba kagabi ay nabalisa ka?» tanong ng isang binata.

«Hindi. Siya ay isang may hipokondriya sapagkat ang kanyang likod ay sumasakit» tugon ng isa pa.

«Pumunta ka sa Nazarene at sabihin sa Kanya na kamutin iyan para sa iyo.»

«Ako ay pupunta upang sabihan Siya na kaskasin ang dumi na napulot ko sa pakikisama sa inyo» tugon ng maedad.

«O! si Crispus ay naging marumi sa edad na animnapu» sabi ng marami tumatawa, habang pinaiikutan nila siya.

Ngunit ang lalaking nagngangalang Crispus ay hindi nag-aalala ng pinagtatawanan at nagsimula siyang maglakad sa likuran ni Maria ng Magdala at narating nila si Jesus Na tumigil sa loob ng lilim ng isang magandang gusali na nakauukupa sa dalawang tabi ng liwasan na may mga beranda at mga bangkito.

At si Jesus ay kinakaharap na ang isang eskriba na nagagalit sa Kanya sa pagpunta sa Tiberias na may ganyang mga kasama.

«At bakit ka naririto? Napakalayo kung tungkol sa Tiberias. At sasabihin Ko rin sa iyo na may mga kaluluwa rin na ililigtas sa Tiberias, hindi, mas pa rito kaysa sa iba pang lugar« tugon ni Jesus.

«Hindi sila maililigtas: sila ay mga Hentil, mga pagano, mga makasalanan.»

«Ako ay naparito para sa mga makasalanan. Upang gawin na makilala ng lahat ang Totoong Diyos. Ng lahat. Ako ay naparito rin para sa iyo.»

«Hindi ako nangangailangan ng mga guro at mga manunubos. Ako ay puro at nag-aral.»

«Sana nag-aral kang sapat upang maintindihan ang iyong sariling katayuan!»

«At Ikaw upang malaman kung gaano makasasamâ sa iyo ang samahan ng mga puta.»

«Pinatatawad din kita sa katauhan niya. Sa kanyang kababaang-loob nakansela niya ang kanyang kasalanan. Nadoble mo ang iyo sa iyong pagmamalaki.»

«Ako ay walang mga kasalanan.»

«Nasa iyo ang kapital na kasalanan. Ikaw ay walang pagmamahal.»

Ang eskriba ay nagsabi: «Raca!» at umalis.

«Ito ay kasalanan ko, Guro!» sabi ni Maria ng Magdala. At nakikita ang maputlang mukha sa Banal na Birhen siya ay umungol: «Patawarin Ninyo ako. Nagagawa ko ang Inyong Anak na insultuhin. Ako ay lalayo…»

«Hindi. Mananatili ka kung nasaan ka. Gusto Ko iyan»  sabi ni Jesus sa matalas na tinig. Ang Kanyang mga mata ay kumikislap na may mahestad at may gayong awtoridad na nanggagaling sa Kanyang buong pagkatao na halos imposible na tingnan Siya!  Dagdag Niya pagkatapos nang mas may-kabaitan: «Manatili ka sa kinaroroonan mo. Kung mayroon  na hindi makatiis nang malapit sa iyo, hayaan siyang umalis, nang sarili niya mismo.»

At si Jesus ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanlurang bahagi ng bayan.

«Guro!» tawag ng matabang maedad na Romano na nagsanggalang kay Maria ng Magdala.

Si Jesus ay tumalikod.

«Tinatawag Kayo nila na Guro, at tinatawag ko Kayo nang ganyan din. Ako ay nananabik na mapakinggan Kayong magsalita. Ako ay medyo pilosopo at medyo makamundong makasalanan. Ngunit baka makagagawa Kayo ng isang matapat na tao sa akin.»

Si Jesus ay tinititigan siya nagsasabing: «Iniiwanan Ko ang bayan kung saan ang mababang kahayupan ng tao ay naghahari at ang panunuya ay mas malakas.» At nagpatuloy Siya sa paglalakad.

Ang mamâ ay sinusundan siya na may kahirapan at pinagpapawisan, sapagkat si Jesus malalaki ang hakbang at siya ay mataba at kung baga matanda na at napudpod ng mga bisyo. Si Pedro ay lumingon at sinabihan si Jesus.

«Hayaan siyang maglakad. Huwag mo siyang intindihin.»

Pagkaraan ng kaunting sandali ang Iskariote ay nagsabi: «Ngunit ang taong iyon ay sinusundan. Hindi ito tama!»

«Bakit? Dala ng awa o may iba bang dahilan?»

«Kaawaan siya? Hindi. Sapagkat sa mas malayo pa ay naroroon ang eskriba at iba pang mga Hudyo sumusunod sa atin.»

«Pabayaan lang sila. Mas mabuti pa kung kinaawaan mo siya sa halip na kinaawaan mo ang iyong sarili.»

«Kayo, Guro.»

«Hindi: ang sarili mo, Judas. Maging prangko sa pagkilala sa iyong sariling mga nararamdaman at sa pagkukumpisal nito.»

«Totoong naaawa din ako sa maedad. Mahirap, alam Ninyo, na makaabot sa Inyo!» sabi ni Pedro pinagpapawisan.

«Laging mahirap na sundan ang Perpeksiyon, Simon.»

Ang mamâ ay sinusundan sila na hindi napapagod, nagsisikap na manatiling malapit sa mga babae, kung kanino, gayunman, hindi siya nagsasalita.

si Maria ng Magdala ay umiiyak nang tahimik sa ilalim ng kanyang belo.

«Huwag kang umiyak, Maria» sabi ng Ating Ginang pinagiginhawahan siya at inaakay siya sa kamay. «Pagdating ng araw ang mundo ay igagalang ka. Ang unang mga araw ay ang pinakamasakit sa lahat.»

«O! Ito ay hindi para sa akin! Ito ay dahil sa Kanya! Hindi ko kailanman patatawarin ang aking sarili kung ako ang dahilan ng problema para sa Kanya. Napakinggan ba Ninyo ang sinabi ng eskriba? Ako ay makasasamâ sa Kanya.»

«kaawa-awang anak! Hindi mo ba nalalaman na ang mga salitang iyon ay matagal nang sumisirit sa paligid Niya katulad ng napakaraming ahas bago mo pa inisip na pumunta sa Kanya? Si Simon ay nagsabi sa Akin na inakusahan nila Siya ng ganyan kahit nang nakaraan pang taon, sapagkat pinagaling Niya ang isang babaeng ketongin, minsan isang makasalanan, na Kanyang nakita lamang nang ginagawa Niya ang himala at hindi na nakita pang muli kailanman, at mas matanda pa kaysa sa Akin, at Ako ang Kanyang Ina. Hindi mo ba nalalaman na kinailangan Niyang umalis sa Clear Water sapagkat ang isang kaawa-awang kapatid ninyo ay pumunta roon upang matubos? Papaano nila Siya maaakusahan kung Siya ay walang kasalanan? Sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. At saan nila makikita ang mga ito? Sa Kanyang misyon sa pagitan ng mga tao. Ang Kanyang mabuting gawa ay ginagamit bilang katibayan ng Kanyang kasalanan. Anuman ang kailangang gawin ng Aking Anak, lagi nilang titingnan iyan na isang kasalanan. Kung Siya ay magreretiro sa isang tagong lugar, magkakasala Siya sa pagpabaya sa sambayanan ng Diyos. Kung Siya ay pumunta sa mga tao, Siya ay nagkakasala ng paggawa nito. Siya ay laging may kasalanan, sa ganang sa kanila.»

«Kung gayon, sila ay kapout-poot na masasama!»

«Hindi. Sila ay may-katigasan-ng-ulo na mga bulag sa Liwanag. Ang Aking Jesus ay ang Eternal na Napagkakamalang Isa. At Siya ay lalu’t lalo pang magiging ganyan.»

«At hindi ba Kayo niyan napamimighati? Kayo ay tila mapanatag sa akin.»

«Manahimik. Ang pakiramdam Ko ang Aking puso ay tila nakabalot sa umaapoy na tinik. At sa tuwing Ako ay hihinga Ako ay tinutusok ng mga ito. Ngunit kailangan na hindi Niya malaman! Nagsisikap Ako na lumabas na mapanatag, upang masuportahan Siya ng Aking kapanatagan. Kung ang Kanyang Ina ay hindi Siya napapaginhawahan, saan ang Aking Jesus makakakita ng kaginhawahan? Sa kung kaninong dibdib Niya maisasandal ang Kanyang ulo na hindi nasusugatan o sinisiraan sa paggawa nito? Tama lamang na Ako, kinalilimutan ang mga tinik na pumupunit sa Aking puso at ang mga luha na Aking iniinom sa Aking mga oras ng pag-iisa, ay maglatag ng isang malambot na mapagmahal na manta, isang ngiti, ano pa man ang mangyari, upang mapanatili Siyang mas tahimik… mas tahimik, hanggang, hanggang sa ang alimbukay ng kapootan ay maging isang bagay na walang kahit na ano ang makatutulong. Ni hindi ang pagmamahal ng Kanyang Ina…» Dalawang luha ang dumaloy sa maputlang mukha ni Maria.

Ang dalawang magkapatid, labis na naaantig, ay tiningnan Siya. «Ngunit kami ay naririto at minamahal namin Siya. Pagkatapos ang mga apostol…» sabi ni Martha upang paginhawahan Siya.

«Oo, kayo ay naririto. At mayroon Siyang mga apostol… Sila ay labis pang inferior sa kanilang gagawin… At ang Aking kapighatian ay mas malalim sapagkat nalalaman Ko na nalalaman Niya ang lahat…»

«Kung gayon nalalaman Niya na pumapayag ako na sumunod, kahit na sa ialay ko ang aking sarili mismo, kung kinakailangan?» tanong ni Maria ng Magdala.

«Alam Niya. Ikaw ay isang malaking lugod para sa Kanya sa Kanyang mahirap na daan.»

«O! Ina!» at si Maria ng Magdala ay kinuha ang kamay ni Maria at hinahalikan ito nang lubos.

Ang Tiberias ay nagtatapos sa mga hardin ng gulay sa paligid ng bayan. Sa kabila nito ay ang maalikabok na daan na magdadala sa Cana; sa isang tabi ay may mga lootan, sa kabila mga parang at mga bukid natuyo ng araw tag-init.

«Tayo ay kumain ng kaunti habang nagpapahinga» sabi ni Jesus. «May bubon sa banda roon at may isang magbubukid malapit doon. Lumakad at tanungin siya kung maaari tayong makahingi ng kaunting tubig.»

Si Juan at si Tadeo ay lumakad. Sila ay bumalik na may pitsel tumutulo sa tubig, sinusundan ng magbubukid na nag-aalok ng ilang magagandang igos.

«Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos ng mabuting kalusugan at masaganang ani.»

«Harinawang protektahan Kayo ng Diyos. Kayo ang Guro, hindi ho ba?»

«Ako nga.»

«Kayo ba ay magsasalita rito?»

«Walang tao rito na gusto Akong magsalita.»

«Gusto ko, Guro. Mas hinihiling ko iyan kaysa sa tubig na napakabuti kapag ang isa ay nauuhaw» sigaw ng Romano.

«Ikaw ba ay nauuhaw?»

«Oo, uhaw na uhaw. Sinundan ko Kayo mula sa bayan.»

«Ang mga pontanya ng malalamig na tubig ay hindi nagkukulang sa Tiberias.»

«Huwag Ninyo akong pagkamalan. Guro, o magkunwari na hindi ako naiintindihan. Sinundan ko Kayo upang pakinggan Kayo na magsalita.»

«Bakit?»

«Hindi ko alam kung bakit o papaano. Nangyari ito nakikita siya (at itinuturo si Maria ng Magdala). Hindi ko alam. May isang bagay na nagsabi sa akin: “Sasabihin Niya sa iyo ang hindi mo pa nalalaman”. At ako ay pumunta.»

«Bigyan ang mamâ ng ilang tubig at igos. Na sana mapanariwa niya ang kanyang katawan.»

«At papaano ang aking isip?»

«Ang mga isip ay napananariwa ng Katotohanan.»

«Iyan kung bakit ko Kayo sinundan. Naghanap ako para sa katotohanan sa pantaong kaalaman. Ang aking nakita ay kurupsiyon. Kahit na sa pinakamagandang mga doktrina may isang bagay na hindi mabuti. Ako ay labis na nawalan ng pag-asa upang ako ay nasuklam at isang nasusuklam na tao na walang hinaharap bagkus ang oras na aking isinasabuhay.»

Si Jesus ay tinititigan siya habang kinakain ang tinapay at mga igos na ibinigay ng mga apostol sa Kanya.

Ang kainan pagkaraan ay kaagad natapos.

Si Jesus, nakaupo pa rin, ay nagsimulang magsalita na tila Siya ay nagbibigay lamang ng simpleng leksiyon sa Kanyang mga apostol. Ang magbubukid din ay nananatili sa malapit.

«Marami ang mga naghahanap para sa Katotohanan sa buong buhay nila, na hindi ito nararating. Nagmumukha silang mga hangal na nananabik na makakita subalit kukuha ng tansong kukurap-kurap na lampara sa harapan ng kanilang mga mata at sila ay gagapang maghahanap na nanginginig kung kaya’t napapalayo nang napapalayo sa Katotohanan, o ito ay kanilang itatago sa pagtatapon sa ibabaw nito ng iba't iba at sari-saring mga bagay upang ang kanilang may-katangahang paghahanap ay nagbabago at nagagawang bumagsak. Walang iba bagkus iyan ang mangyayari sa kanila, sapagkat naghahanap sila para sa Katotohanan kung saan ang Katotohanan ay hindi maaaring mapunta. Upang matagpuan ang Katotohanan kailangan na isama ninyo ang katalinuhan sa pagmamahal at tingnan ang mga bagay-bagay hindi lamang sa pamamagitan ng marunong na mga mata, bagkus sa pamamagitan ng mabubuting mga mata. Sapagkat ang kagandahang-loob ay mas mahalaga kaysa karunungan. Siya na nagmamahal ay laging makatatagpo ng isang landas na magdadala patungo sa Katotohanan.

Ang magmahal ay hindi ibig sabihin na magkaroon ng kasiyahan sa laman o para sa laman. Iyan ay hindi pagmamahal. Iyan ay pagiging makalaman. Ang pagmamahal ay damdamin mula sa kaluluwa patungo sa kaluluwa, mula sa superior na bahagi patungo sa superior na bahagi, upang ang tao ay hindi nakikita sa kanya kasama ang isang alipin, bagkus ang ina ng kanyang mga anak, at wala nang iba pa, ibig sabihin, ang kabiyak na nakapoporma kasama ang lalaki ng isang buo, na may kakayahan na maging kapwa kamanglilikha ng buhay o mas marami pang buhay; ibig sabihin, ang kasama na siyang ang ina at kapatid na babae at anak na babae ng lalaki, na mas mahina pa kaysa sa isang bagong panganak na sanggol o mas malakas pa kaysa sa isang leon, ayon sa mga sirkunstansiya, at siya bilang ina, kapatid na babae at anak na babae ay kailangang mahalin na may makumpiyansang mapagprotektang paggalang. At ano pa man na hindi Ko sinasabi, ay hindi pagmamahal. Iyan ay bisyo. Iyan ay hindi nagdadala pataas, bagkus pababa: hindi patungo sa Liwanag, bagkus sa Kadiliman; hindi patungo sa mga bituin, bagkus patungo sa dumi. Kailangan na mahalin mo ang iyong babae upang makapagmahal sa iyong kapwa. At kailangan na mahalin mo ang iyong kapwa upang malaman kung papaano mahalin ang Diyos. At ang daan patungo sa Katotohanan ay natagpuan na.

Iyan kung nasaan ang Katotohanan, O! mga tao na naghahanap para rito. Ang Katotohanan ay Diyos. Diyan matatagpuan ang susi upang maintindihan ang kaalaman. Ang walang-pagkakamaling doktrina ay doktrina ng Diyos. Papaano masasagot ng tao ang lahat na mga katanungan kung ang Diyos ay hindi niya kasama upang ibigay sa kanya ng mga kasagutan? Sino ang makapagbubunyag ng mga misteryo ng sangnilikha, tanging ang at ang simpleng mga misteryo lamang na iyan, bagkus ang ating Kataastaasang Tagapaggawa, Na siyang gumawa sa sangnilikha? Sino ang makaiintindi sa buháy na kababalaghan, na siyang ang tao, ang nilikha na ang kaninong hayop na perpeksiyon ay isinama sa inmortal na perpeksiyon, na siyang ang kaluluwa, na sa pamamagitan nito tayo ay mga diyos, kung ang ating mga kaluluwa ay buháy, ibig sabihin malaya sa mga gawa na nagpapababa sa isang hayop, at na, sa kabila nito, ginagawa ng tao at na tungkol dito siya ay nagmamalaki?

O! mga tao, na naghahanap para sa Katotohanan, uulitin Ko ang mga salita ni Job sa inyo: “Kung mas matututo pa kayo,  tanungin ang baka, maghanap ng impormasyon mula sa mga ibon ng hangin. Ang mga gumagapang na bagay sa lupa ay bibigyan kayo ng mga leksiyon, at ang mga isda ng karagatan ay sasabihin sa inyo lahat”. Oo, ang lupa, ang mayabong na mabulaklak na lupa na ito, ang prutas na lumalaki sa mga punungkahoy, ang dumaraming mga ibon, ang mga hangin umiihip sa mga ulap, ang araw na sa loob ng mga siglo at mga millennia ay tumaas nang walang pagkakamali, ang lahat ay nagsasalita tungkol sa Diyos, ang lahat ay nagpapaliwanag tungkol sa Diyos, ang lahat ay nagbubunyag at natutuklasan ang Diyos.

Kung ang Siyensiya ay hindi nakabatay sa Diyos, iyang ay nagiging pagkakamali at hindi nagpapataas bagkus nagpapababa. Ang kaalaman ay hindi kurupsiyon kung ito ay relihiyon. Siya na ang kanyang kaalaman ay base sa Diyos ay hindi babagsak, sapagkat batid niya ang kanyang dignidad at naniniwala sa kanyang eternal na hinaharap. Ngunit kailangan na maghanap kayo para sa totoong Diyos, hindi para sa mga guniguni na hindi mga diyos, bagkus mga kabaliwan ng mga tao na mga nakabalot pa sa espirituwal na kamangmangan upang sila ay wala ni anino ng karunungan sa kanilang mga relihiyon o anino ng katotohanan sa kanilang pananampalataya.

Ang bawat panahon ay may kakayahan na maging marunong. Hindi, sa muli sa Job ay nakasulat: “Sa agaw-dilim ang isang katanghaliang araw ay tataas para sa iyo at kapag sa akala mo ang iyong katapusan ay dumating na, ikaw ay tataas katulad ng tala sa umaga. Mapupuno ka ng kompiyansa dahil sa pag-asa na naghihintay para sa iyo”.

Ang mabuting kalooban ay sapat na na matagpuan ang Katotohanan, na sa malapit na o sa ibang mga araw ay matatagpuan. Ngunit kapag ito ay natagpuan na, kapahamakan sa mga hindi susunod dito, bagkus gagayahin ang katigasan ng ulo ng sambayanan ng Israel, na, bagama't nag-aari na ng diwa upang makita ang Diyos, ibig sabihin, ang lahat na nakasulat sa Aklat tungkol sa Akin, ay hindi sumusuko sa Katotohanan, hindi, kinapopootan nila ito, iniipon sa kanilang mga isip at mga puso ang kabaugan ng poot at mga pormularyo. At hindi nila nalalaman na dahil sa kasobrahan ng bigat ang lupa ay bubuka sa ilalim ng kanilang mga hakbang, na sa akala nila ay mga hakbang ng mga nagtatagumpay, samantalang iyon ay mga hakbang ng mga alipin ng pormalidad, ng kapootan, ng pagkamakasarili. At sila ay lululunin at itatapon una ulo sa kalaliman kung saan doon pumupunta ang mga nananadyang magkasala ng isang paganismo na mas makasalanan pa kaysa sa Hentilismo na inangkin ng mga tao mismo upang magkaroon ng isang relihiyon kung saan nila maibabase ang kanilang pagkilos.

Sa dahilan na hindi Ko tinatanggihan ang mga nagsisisi kabilang sa mga anak ng Israel, hindi Ko rin tinatanggihan ang mga idolatra na naniniwala sa kung ano ang ibinigay sa kanila na paniwalaan at mga paloob na nangungusap: “Ibigay sa amin ang Katotohanan”.

Ako ay nakapagsalita na sa iyo. Magpahinga na tayo ngayon sa ilalim ng mga berdeng punungkahoy na ito, kung tayo ay pahihintulutan ng mamang ito. Tayo ay pupunta sa Cana sa gabi.»

«Panginoon, iniiwan ko Kayo.  Ngunit sa dahilan na ayaw kong lapastanganin ang karunungan na ibinigay Ninyo sa akin, iiwanan ko ang Tiberias ngayong gabi. Lalayo ako mula sa bayan na ito. Ako ay magreretiro sa baybayin ng Lucania kasama ang aking katulong. Ako ay may bahay doon. Binigyan Ninyo ako nang labis. Nabatid ko na hindi Kayo makapagbibigay ng labis pa sa matandang Epicurean. Ngunit ang naibigay Ninyo sa akin ay sapat na na magawa akong maitayo ko ang aking isip. At… manalangin sa Inyong Diyos para sa matandang Crispus. Siya lamang ang Inyong tanging tagapakinig sa Tiberias. Manalangin na sana mapakinggan ko Kayong muli, bago ako yakapin ni Libinita¹, upang, sa pamamagitan ng kakayahan na sa palagay ko malilikha ko sa loob ko, mas maintindihan ko sana Kayo at ang Katotohanan. Pagbati, Guro.» At siya ay sumaludo sa pamamaraang Romano.

Nang siya ay dumaraan malapit sa mga kababaihan na mga nakaupo sa medyo malayu-layo nang kaunti, siya ay yumuko kay Maria ng Magdala at nagsabi: «Salamat sa iyo, Maria. Mabuting bagay na nakilala kita. Naibigay mo ang hinahanap na tagong kayamanan sa iyong dating kasamahan sa pagpipiyesta. Kung ako ay makarating sa kinaroroonan mo na ngayon, utang na loob ko sa iyo iyan. Paalam.» At siya ay umalis.

si Maria ng Magdala ay idiniin ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib at ang kanyang mukha ay nagpapakita ng kababalaghan at sinag. Pagkatapos, pinilit niyang lumuhod sa harapan ni Jesus. «O! Panginoon! Kung gayon totoo na baka makadala ako ng mga tao patungo sa Kabutihan? Oh1 Aking Panginoon. Napakabait naman Ninyo!» At yumuyuko hanggang dumikit ang kanyang mukha sa lupa, hinahalikan niya ang mga paa ni Jesus at binabasa ito muli ng kanyang mga luha: mga luha ng pagpapasalamat ng isang dakilang mangingibig ng Magdala.

180411



¹ Sinaunang diyosa ng mga sepulkro ng Romano, na ang kaninong pangalan ay ginamit ng mga Latinong makata bilang kasing ibig-sabihin ng kamatayan.



Sunod na kabanata