242. Sa Loob ng Bahay sa Cana.

Agosto 4, 1945.

Sa loob ng bahay sa Cana ang pagsasaya para sa pagdating ni Jesus ay kulang lamang nang kaunti kompara sa pagsasaya sa mahimalang kasalan. Ngayon ay walang mga tagatugtog, walang mga panauhin, ang bahay ay walang adorno ng mga bulaklak at mga evergreen, walang mga mesa na nakalagay para sa mga panauhin, ni walang kahit isang tagapamahala malapit sa mga paminggalan at mga batong banga, puno ng alak. Ngunit ang pagmamahal ay nalalampasan ang lahat at ito ay binibigay sa tamang porma at sukat, ibig sabihin, hindi sa panauhin, Na maaari din na isang malayong kamag-anak, ngunit isa pa rin na tao, bagkus sa Guro na Panauhin na ang Kaninong tunay na Kalikasan ay alam na at kinikilala at ang Kaninong Salita ay pinagpipitaganan bilang isang bagay na banal. Ang mga puso sa Cana, kung gayon, ay minamahal nang buong sarili nila ang Dakilang Kaibigan, Na lumitaw sa Kanyang linen na tunika sa pamasukan ng hardin, sa berde ng hardin at pula ng paglubog ng araw, pinagaganda ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang presensya, ipinaaabot ang Kanyang kapayapaan hindi lamang sa mga puso kung kanino Niya ipinatutungkol ang Kanyang pagbati, bagkus pati rin sa mga bagay.

At ito nga ay tila ganyan na ang isang belo ng masolemneng malugod na kapayapaan ay nailalatag saan man tumingin ang Kanyang mga asul na mata. Ang kadalisayan at kapayapaan ay dumadaloy mula sa Kanyang mga mata, karunungan mula sa Kanyang mga labì at pagmamahal mula sa Kanyang puso. Ang akin nang sasabihin ay baka magmukhang imposible sa nagbabasa ng mga pahinang ito. Subalit, ang parehong lugar din na ito, na bago sa pagdating ni Jesus ay isang ordinaryong lugar, o isang abalang lugar na di isinasama ang posibilidad ng kapayapaan, isang lugar na sana ngayon ay walang mga pagkilos ng pagtatrabaho, ay naging noble kaagad nang lumitaw si Jesus, at ang mga pagkilos ay naging nasa ayos at hindi pinipuwera ang posibilidad ng sobrenatural na mga kaisipan kahalo ng manual na pagtatrabaho. Hindi ko alam kung nagawa ko ang aking sarili na maliwanag.

Si Jesus ay hindi kailanman naging matamlay, ni kahit kung Siya ay mas naiinis sa isang bagay na nangyari sa Kanya, bagkus Siya ay laging mahestuwosong maringal at naipaaabot ang isang sobrenatural na karingalan sa lugar kung saan Siya gumagalaw. Si Jesus ay hindi kailanman  isang masayahing tao o isang reklamador tumatawang may-kagaspangan o nagmumukhang may hipokondriya, ni kahit na sa mga sandali ng pinakamagandang kasiyahan o pinakamatinding kalungkutan. Ang Kanyang ngiti ay imposibleng magaya. Walang pintor ang kailanman makakaguhit nito. Ito ay katulad ng isang liwanag na nagmumula sa Kanyang puso, isang maningning na liwanag sa mga oras ng pinakamalaking lugod dahil ang isang kaluluwa ay natubos o lumalapit sa Perpeksiyon: sasabihin kong isang malarosas na ngiti, kapag sinasang-ayunan Niya ang kusang mga gawa ng Kanyang mga kaibigan o mga disipulo at kinasisiyahan ang kanilang pakikisama; isang asul na anghelikal na ngiti, upang manatili sa bukid ng mga kulay, kapag yumuyuko Siya sa mga bata upang makinig sa kanila, maturuan sila at pagkatapos pagpalain sila; isang ngiti na pinalulungkot ng habag kapag tinitingnan Niya ang mga paghihirap ng laman o ng espiritu; panghuli isang dibinong ngiti, kapag nagsasalita Siya tungkol sa Kanyang Ama o Ina, o tinitingnan ang o nakikinig sa Kanyang Kadali-dalisayang Ina.

Hindi ko kailanman nakita Siya na may hipokondriya, ni hindi sa mga oras ng mapait na pagpapasakit. Sa loob ng pagpapahirap ng pagiging pinagtataksilan, sa loob ng aguniya nang Siya nagpawis ng dugo, at ang silakbo ng Kanyang pasyon, kung ang kalungkutan ay natatalo ang matamis na sigla ng Kanyang ngiti, hindi sapat nitong makansela ang kapayapaan, na isang katulad ng diyademang nagniningning na may makalangit na mga batong-hiyas sa Kanyang makinis na noo at nagbibigay liwanag sa Kanyang dibinong pagkatao. Ni hindi ko Siya kailanman nakita na magbabad sa labis-labis na kasiyahan. Hindi Siya laban sa masarap na tawanan, kapag ito ang hinihingi ng okasyon, ngunit kaagad Niyang ipinagpapatuloy ang Kanyang nobleng kapanatagan. Ngunit kapag Siya ay tumatawa, Siya ay mahimalang nagmumukhang mas bata, hanggang sa magmukhang katulad ng isang dalawampung taong gulang na lalaki at ang mundo ay tila namumulaklak sa pamamagitan ng Kanyang maganda, masarap, malakas, mahimig na tawa. Ni hindi ko rin masasabi na nakita ko Siyang ginagawa ang mga bagay nang nagmamadali. Kung Siya man ay kumikilos o nagsasalita, ginagawa Niya ito nang napakakalma, na hindi, gayunman, nagiging makupad o walang-sigla. Baka ganito dahil, matangkad katulad Niya, Siya ay nakahahakbang nang malalaki, na hindi tumatakbo, upang makalayo at naaabot din Niya ang malalayong bagay na hindi kinakailangan na tumayo upang makuha ito. Kahit na ang paraan ng Kanyang pagkilos ay tiyak na maginoo at mahestuwoso.

At ano ang tungkol sa Kayang tinig? Bueno: napakinggan ko Siyang magsalita sa loob ng halos dalawang taon, subalit kung minsan nawawala sa akin ang diwa ng Kanyang talumpati dahil nagiging abala ako sa pag-aaral sa Kanyang tinig. At si Jesus, napakamay-kabaitan at mapasyensiya, ay uulitin kung ano ang sinabi Niya at titingnan Niya ako ng Kanyang ngiti ng mabuting Guro upang matiyak na walang nawawala sa Kanyang diktasyon dahil sa aking kasiyahan sa pagtatamasa at pakikinig sa Kanyang tinig at sa pag-aaral sa tunog at ganda nito. Ngunit pagkatapos ng dalawang taon ako ay wala sa pusisyon na sabihing iksakto kung ano ang tunog nito. Ngunit ako ay laging di nakatitiyak kung ito ay isang malakas na tenor na tinig o isang perpektong baritonong tinig na may napakalawak na nasasakop na tinig. Sasabihin ko na ito ay ang huli sapagkat ang Kanyang tinig kung minsan ay nakukuha ang katulad ng tanso na mga nota, suwabe at napakalalim, lalo na kung nagsasalita Siya sa isang nagkakasala upang dalhin siya muli sa Grasya o binabanggit Niya ang mga pagkakalisya ng tao sa mga pulutong. Ngunit kapag sinusuri o sinusumpa Niya ang mga ipinagbabawal na bagay o ipinakikita Niya ang pagkukunwari ng mga tao, ang tansong mga nota ng Kanyang tinig ay nagiging mas maliwanag; at ang mga ito ay kasing talas ng dagundong ng kulog kapag ipinipilit Niya ang Katotohanan o ang Kanyang kalooban at ang mga ito ay nanginginig katulad ng isang yero ng ginto na hinampas ng isang kristal na pamukpok kapag inaawit Niya ang mga papuri ng Awa o pinararangalan ang gawa ng Diyos; ngunit ang uri ng Kanyang tinig ay pinaka-kaibig-ibig kapag Siya ay nakikipagusap sa o nagsasalita tungkol sa Kanyang Ina. Ang tinig ni Jesus ay diyan tunay puno ng pagmamahal: ang mapitagang pagmamahal ng isang anak, at ang pagmamahal ng Diyos Na pinupuri ang Kanyang pinakaperpektong gawa. At ginagamit Niya ang gayon ding tunog, bagama't hindi napakalakas, kapag nakikiusap Siya sa Kanyang mga paborito, sa mga nagbalik-loob sa Diyos at sa mga bata. Ang Kanyang tinig ay hindi kailanman napagod, ni hindi sa napakahabang mga talumpati, sapagkat nakukulayan at nakukumpleto nito ang Kanyang mga naiisip at mga salita, binibigyan ng diin ang kanilang kapangyarihan o kabaitan, ayon sa kaso.

At kung minsan ako ay nananatiling walang kibo, na ang panulat nasa aking kamay, nakikinig, at pagkatapos mapupuna ko na Siya ay nakalayo na, at na imposible nang makahabol sa Kanya… at mananatili akong walang kibo, at si Jesus ay may-kabaitan na uulitin ang mga salita. Ganyan din ang Kanyang ginagawa kapag ako ay napuputol, upang turuan ako na matiyagang tiisin ko ang mga nakaiinis na mga bagay o mga tao, at ginagawa ko Siyang maintindihan Niya kung gaano «nakakainis» sila kapag inaalisan nila ako ng kaligayahan sa pakikinig kay Jesus…

Ngayon, sa Cana, pinasasalamatan Niya si Susanna para sa ospitalidad na kanyang ipinagkaloob kay Aglae. Sila ay nag-iisa sa ilalim ng isang balag na puno ng mga ubas na mga nahihinog na. Ang lahat na iba pa ay nasa loob ng kusina, pinalalamigan ang kanilang mga sarili.

«Ang babae ay napakabuti, Guro. Siya ay tiyak na hindi pabigat sa amin. Tinutulungan niya ako sa tuwing maglalaba ako, maglilinis ng bahay noong Paskuwa, na tila siya ay isang katulong, at matitiyak ko sa Inyo na nagtatrabaho siya katulad ng isang alipin upang matulungan akong matapos namin ang aming mga damit para sa Paskuwa. Siya ay mahinahon at umaalis sa tuwing may tao na darating sa bahay; at nagsisikap siya na hindi siya nag-iisa kahit na sa aking asawa. Halos hindi siya nagsasalita sa presensya ng pamilya at kakaunti lang kumain. Gumigising siya tuwing umaga upang linisin ang kanyang sarili bago gumising ang mga lalaki at lagi kong natatagpuan na nakasindi ang apoy at ang bahay ay malinis. Ngunit kapag kami ay nag-iisa nagtatanong siya sa akin tungkol sa Inyo at nakikiusap sa akin na turuan ko siya ng mga salmo ng ating relihiyon. Madalas niyang sabihin: “Upang makapagdasal ako katulad ng pagdasal ng Guro”. Nakatapos na ba siya sa paghihirap ngayon? Sapagkat labis siyang naghirap. Natatakot siya ng lahat at nagbubuntung-hininga at umiiyak nang labis. Siya na ay masaya na ngayon?»

«Oo, sa sobrenatural na pananaw at malaya sa takot. Siya ay nasa kapayapaan. At nagpapasalamat Ako sa iyo para sa kabutihan na ginawa mo sa kanya.»

«O! aking Panginoon. Anong kabutihan? Trinato ko siya na may pagmamahal sa Inyong pangalan, sapagkat iyon lamang ang aking magagawa. Siya ay isang kaawa-awang kapatid. Nadama ko iyan. At minahal ko siya, dala ng pasasalamat sa Kataastaasan Na nagpanatili sa akin sa Kanyang Grasya.»

«At nakagawa ka nang labis kaysa kung nagturo ka sa Bel Nidrasc. Ngayon mayroon kang isa pa rito. Nakilala mo ba siya?»

«Sino ang hindi sa kanya nakakikilala?»

«Wala, totoo iyan. Ngunit ikaw at ang distrito rito ay hindi kilala ang ikalawang Maria, ang isa na laging magiging matapat sa kanyang bokasyon. Lagi. Hinihingi Ko sa iyo na paniwalaan iyan.»

«Iyan ang sinasabi Ninyo. Nalalaman  Ninyo. Ako’y naniniwala.»

«Sabihin din: “Nagmamahal ako”. Alam Ko na mas mahirap na kaawaan at patawarin ang isa sa ating sariling kababayan, na nagkasala, kaysa sa isang may dahilan ng pagiging isang pagano. Ngunit kung ang ating kalungkutan na nakikita ang mga kataksilan sa loob ng pamilya ay matindi, mas patindihin pa ang ating habag at kapatawaran. Pinatawad Ko ang Israel ng lahat.» hinuha ni Jesus, dinidiin ang huling mga salita.

«At ako ay magpapatawad, sa ganang akin. Sapagkat sa palagay ko ang isang disipulo ay kailangan na gawin kung ano ang ginagawa ng Guro.»

«Ikaw ay nasa katotohanan at ang Diyos ay nagsasaya dahil diyan. Tayo na sa iba. Dumidilim na. Magandang magpahinga sa kapayapaan ng gabi.»

«Hindi ba Kayo magsasalita sa amin, Guro?»

«Hindi Ko pa alam.»

Sila ay pumunta sa kusina kung saan ang pagkain ang mga inumin ay naihanda na para sa hapunan.

Si Susanna ay lumapit sa harapan at medyo namumula siya ay nagsabi: «Maaari bang ang aking mga kapatid na babae ay umakyat sa itaas kasama ko? Kailangan nating ihanda ang mga mesa sapagkat pagkatapos kailangan nating ihanda ang mga higaan para sa mga kalalakihan. Magagawa ko itong mag-isa. Ngunit mas matatagalan ako.»

«Sasama rin Ako, Susanna» sabi ng Banal na Birhen.

«Hindi, sapat na kami at makakatulong pa ito sa amin upang magkakila-kilala, ang pagtatrabaho ay nakakatulong upang kami ay maging magkakapatid.»

Lumabas silang sabay-sabay habang si Jesus, pagkatapos na makainom ng kaunting tubig na may kaunting sirup – hindi ko alam kung ano iyon – ay pumunta at naupo kasama ang Kanyang ina, ang mga apostol at ang mga kalalakihan ng bahay, sa malamig na lilim ng balag, iniiwan ang mga katulong at ang maedad na maybahay na babae na libre upang tapusin ang paghahanda ng pagkain.

Ang tinig ng tatlong babaeng disipulo naghahanda ng mesa ay maririnig mula sa silid sa itaas. Si Susanna ay nagkukuwento tungkol sa himala na ginawa sa kanyang kasalan at si Maria ni Magdala ay tumugon: «Ang gawin ang tubig na maging alak ay malaking bagay, ngunit ang baguhin ang isang makasalanan sa pagiging babaeng disipulo ay mas malaki pa. Ipagkaloob ng Diyos na ako ay maging katulad ng alak na iyon: upang sana ako ang maging pinakamabuti.»

«Huwag kang magduda tungkol diyan. Binabago Niya ang lahat sa perpektong pamamaraan. Mayroon isa rito, at isang hentil pa, na ang kaninong damdamin at pananampalataya ay Kanyang binago. Mapagdududahan mo ba na ganyan din ang mangyayari sa iyo, na isa nang Israelita?»

«Isa? Bata pa?»

«Bata pa. Maganda.»

«At nasaan na siya ngayon?» tanong ni Martha.

«Tanging ang Guro lamang ang nakaaalam.»

«Ah! Bueno, siya ang isa na aking sinasabi sa iyo. Si Jesus ay kasama si Lazarus nang gabing iyon at napakinggan niya ang mga salita na binanggit tungkol sa kanya. Anong sarap ng amoy ang naroon sa silid? Ang mga kasuutan ni Lazarus ay nahawaan ng amoy na iyon sa loob ng mga ilang araw. Subalit sinabi ni Jesus na ang puso ng nagbalik-loob sa Diyos ay nalalampasan iyon sa pamamagitan ng pabango ng kanyang pagsisisi. Iniisip ko kung saan na kaya siya napunta. Baka sa kung saan na ligaw na lugar…»

«Siya ay malungkot, at siya ay isang estranghero. Ako ay naririto, at ako ay kilala. Siya ay nagbabayad-sala sa pag-iisa, ako… namumuhay sa mundo, sa pagitan ng mga nakakikilala sa akin. Hindi ko kinaiinggitan ang kanyang kapalaran, dahil kasama ko ang Guro. Ngunit umaasa ako na sana magaya ko siya isang araw, sa pagiging wala kahit na ano ng baka makagambala sa akin sa pagsunod Kanya.»

«Iiwanan mo ba Siya?»

«Hindi. Ngunit sinasabi Niya na Siya ay aalis. Ang aking kaluluwa pagdating niyan ay susundan Siya. Malalabanan ko ang mundo kasama Siya. Kung wala Siya matatakot ako ng mundo. Maglalagay ako ng disyerto sa pagitan ko at ng mundo.»

«At papaano ang tungkol kay Lazarus at ako? Ano ang gagawin namin?»

«Kung ano ang inyong ginawa sa inyong pamimighati. Mamahalin ninyo ang isa’t isa at mamahalin ako. At ng hindi namumula… Sapagkat pagdating niyan kayo ay mag-iisa na, ngunit malalaman ninyo na kasama ko ang Panginoon. At mamahalin ko kayo sa Panginoon.»

«Si Maria ay malakas at buo ang loob sa kanyang mga pasya» wika ni Pedro na nakarinig.

At ang Zealot ay tumugon: «Siya ay isang tuwid na espada katulad ng kanyang ama. Nasa kanya ang mga katangian ng kanyang ina, ngunit nasa kanya ang di-bibigay na espiritu ng kanyang ama.»

At ang binibini na may di-bibigay na espiritu ay tumatakbong pababa sa hagdanan upang sabihin sa mga kasama na ang hapunan ay nakahanda na.

Ang kabukiran ay naglalaho sa mapanatag na walang-buwan na gabi. Tanging ang mahinang liwanag lamang ng mga bituin ang nagpapakita sa madidilim na masa ng mga punungkahoy at sa mapuputing bahay. Wala nang iba pa. Ang ilan na mga ibong-gabi ay pumapayagpag nang tahimik sa paligid ng bahay ni Susanna, sa paghahanap ng mga langaw, na lumilipad malapit sa mga taong nakaupo sa terasa sa paligid ng isang lampara, na nagtatapon ng mahinang madilaw-dilaw na liwanag sa mga mukha ng mga nakapaikot kay Jesus. Si Martha, na maaaring nahihintakutan ng mga paniki, ay napapasigaw sa tuwing ang isang malaking ibong-gabi ay lilipad malapit sa kanya. Si Jesus sa halip ay abala sa mga gamugamo na naaatrak ng lampara at sa pamamagitan ng Kanyang mahabang kamay sinisikap Niya na mailayo sila sa lampara.

«Kapwa sila mga hangal na hayop» sabi ni Tomas. Ang una ay napagkakamalan tayo na mga gamugamo, ang huli ay napagkakamalan ang apoy na araw at nasusunog. Ni wala sila ni anino ng utak.»

«Sila ay mga hayop. Inaasahan mo ba sila na mangatwiran?» tanong ng Iskariote.

«Hindi. Ngunit ibig ko sila na magkaroon ng katutubong ugali man lamang.»

«Hindi posible sa kanila na magkaroon nito. Ang aking sinasabi ay ang mga gamugamo. Sapagkat sila ay namamatay pagkatapos ng unang pagsubok. Ang katutubong ugali ay napoporma at napauunlad sa pamamagitan ng masakit at di-inaasahang karanasan» wika ni Santiago ni Alfeo.

«At ano ang tungkol sa mga paniki? Kailangan na mayroon sila nito sapagkat nabuhay sila sa loob ng maraming taon. Sila ay mga hangal, iyon lang» balik-sabi ni Tomas.

«Hindi, Tomas. Hindi mahigit pa sa tao. Maraming beses ang mga tao ay nagmumukhang mga hangal na paniki. Sila ay lilipad, o kung baga papayagpag, katulad ng mga lasing, sa paligid ng mga bagay na makapamimighati lamang. Ito tayo: ang Aking kapatid ay nakahampas ng isa sa pamamagitan ng kanyang manta. Ibigay mo sa Akin iyan» sabi ni Jesus.

Si Santiago ni Zebedeo, na sa kanyang paanan ang nagulat na paniki ay bumagsak at ngayon papayá-payagpag sa sahig, ay pinulot ito sa pamamagitan ng dalawang daliri sa isa sa malaman na mga pakpak nito at hinahawakan itong nakataas, katulad ng isang maruming basahan, at inilagay sa lapi ni Jesus,

«Naririto ang hindi nagmamalay na hayop. Pabayaan lamang natin ito na mag-isa at makikita ninyo na iyan ay makapanunumbalik, ngunit hindi niya babaguhin ang kanyang mga ugali.»

«Isang pambihirang pagligtas, Guro. Napatay ko sana iyan» sabi ng Iskariote.

«Hindi. Bakit? Iyan ay may buhay din, at gusto niya iyan» tugon ni Jesus.

«Hindi sa palagay ko. Iyan ay kung hindi niya iyan nalalaman o hindi niya iyan gusto. Pinamimiligro siya niyan!»

«O! Judas! Judas! Gaano ka magiging mahigpit sa mga nagkakasala, sa mga tao. Ang mga tao rin ay nalalaman na sila ay may iisang buhay at isa pa at hindi sila nagdadalawang isip na ipamiligro kapwa ang isa at ang isa pa.»

«Mayroon ba kaming dalawang buhay?»

«Ang buhay ng katawan at ang buhay ng kaluluwa, nalalaman mo iyan.»

«Ah! Akala ko ang tinutukoy Ninyo ay ang reenkarnasyon. Ang ibang tao ay naniniwala diyan.»

«Walang reenkarnasyon. Ngunit may dalawang buhay. At sa kabila nito ang tao ay pinamimiligro kapwa ang dalawa. Kung ikaw ay Diyos papaano mo huhusgahan ang mga tao, na pinagkalooban ng pangangatwiran bukod sa katutubong ugali?»

«Mahigpit. Maliban kung ito ay isang tao na kulang sa pag-iisip.»

«Hindi mo ba titingnan ang mga sirkunstansiya na nagawa ang mga tao na maging baliw sa moral?»

«Hindi, hindi ko titingnan.»

«Kung gayon hindi ka magkakaroon ng awa sa sinuman na nakakikilala sa Diyos at nakaaalam sa Batas, ngunit sa kabila nito nagkakasala.»

«Hindi ako magkakaroon ng awa. Sapagkat ang tao ay kailangan na nakapagpipigil sa sarili.»

«Kailangan na makapagpigil siya.»

«Kailangan, Guro. Iyan ay isang di-mapatatawad na kahihiyan na ang isang adulto ay gumawa ng kung anong mga kasalanan, lalo na kung wala namang namimilit sa kanya.»

«Anong kasalanan ayon sa iyo?»

«Ang kasalanan ng pagiging makalaman una. Ang isa ay pinabababa ang kanyang sarili nang wala nang pag-asang makabalik sa dati…» Si Maria ng Magdala ay iniyuyuko ang kanyang ulo… Si Judas ay nagpapatuloy: «… at ang isa ay naparurumi rin ang iba, sapagkat may sumisingaw sa mga katawan ng di-dalisay na mga tao at napababalisa nito kahit na ang puro at pinipilit sila na gayahin ang di-puro…»

Habang iniyuyuko pa nang lalo ang ulo ni Maria ng Magdala, si Pedro ay nagsabi: «Hoy, ikaw! Huwag kang masyadong mahigpit! Ang Unang nagkasala ng ganyang di-mapatatawad na kahihiyan ay si Eba, at hindi mo sasabihin sa akin na siya ay naparumi ng di-purong singaw na nanggagaling sa isang mahalay na tao. Maging ano pa man ibig kong malaman mo, na sa ganang akin, ako ay hindi nababalisa kung ako ay nakaupo malapit sa isang mahalay na tao. Iyan ay kanyang sariling gawain…»

«Ang isa ay laging nahahawaan sa pagiging nasa malapit. Kung ang katawan ay hindi, ang kaluluwa ay nahahawaan, at iyan ang malala.»

«Para kang isang Pariseo! Mawalang galang na, kung gayon ang isa ay kailangan na magkulong sa isang kristal na tore at manatili roon, selyado.»

«Ngunit huwag maniwala, Simon, na makakatulong iyan sa iyo. Ang mga panunukso ay mas nakakatakot sa pangungulila» sabi ng Zealot.

«O! Bueno! Iyan ay magiging katulad ng mga panaginip. Walang pinsala» tugon ni Pedro.

«Walang pinsala? Hindi mo ba nalalaman na ang mga panunukso ay naghahatid sa pagninilay-nilay, ang pagninilay-nilay sa pakikipagkasundo na pagbigyan ang katutubong ugali na napukaw sa isa, at pagkatapos ang pakikipagkasundo ay nagbubukas sa daan ng pagpapapino ng kasalanan kung saan ang pagiging makalaman ay naikakabit sa kaisipan?» tanong ng Iskariote.

«Wala akong nalalaman tungkol sa lahat na iyan, aking mahal na Judas. Baka dahil hindi ako kailanman nagnilay-nilay, ayon sa sinasabi mo, tungkol sa ilan na mga bagay. Ngunit sa palagay ko napalayo tayo nang husto mula sa mga paniki at iyan ay mabuting gawa na ikaw ay hindi Diyos. Kung hindi mag-iisa ka sa Paraiso, kasama ang iyong kahigpitan. Ano ang masasabi Ninyo, Guro?»

«Sasabihin Ko na mabuti na huwag maging absuluto sapagkat ang mga anghel ng Diyos ay nakikinig sa mga salita ng tao at isinusulat ito sa eternal na mga aklat at baka ito ay hindi maging maganda isang araw na pagsabihan: “Mangyari sa iyo ang ayon sa iyong sariling paghukom”. Sasabihin Ko na kung Ako ay pinadala ng Diyos ibig sabihin nito ibig Niyang patawarin ang lahat na mga kasalanan na pinagsisisihan ng tao, dahil alam Niya na ang tao ay mahina, dahil kay Satanas. Judas, sabihin mo sa Akin: sumasang-ayon ka ba na kukunin ni Satanas ang isang kaluluwa upang maipilit ang gusto niya, na sa gayon sa mga mata ng Diyos gumaan ang kabigatan ng pagkakasala?»

«Hindi ako naniniwala. Si Satanas ay makapaninira bagkus sa inferior na bahagi.»

«Ikaw ay nanlalapastangan, Judas ni Simon» bulalas na magkasabay ng Zealot at ni Bartolomeo.

«Bakit? Sa anong paraan?»

«Pinasisinungalingan mo ang Diyos at ang Aklat. Nababasa namin doon na si Lucifer ay nakapamiminsala din sa superior na bahagi, at ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ay sinabi sa atin nang maraming beses» tugon ni Bartolomeo.

«Sinabi rin na ang tao ay may malayang kalooban. Na ang ibig sabihin na si Satanas ay hindi makapangangahas sa isip at mga pakiramdam ng tao. Kahit na ang Diyos ay hindi iyan ginagawa.»

«Hindi, ang Diyos ay hindi iyan ginagawa sapagkat ang Diyos ay Kaayusan at Katapatan. Ngunit ginagawa iyan ni Satanas, sapagkat siya ay ang Kawalang-Kaayusan at Kapootan» pilit ng Zealot.

«Ang kapootan ay hindi ang damdamin na salungat sa katapatan. Nagkakamali ka.»

«Tama ako sapagkat kung ang Diyos ay Katapatan at kung gayon hindi Siya nakakalimot sa Kanyang salita na pabayaan ang tao na malaya sa kanyang mga kilos, ang dimonyo ay hindi mapasisinungalingan ang ganyang salita, dahil hindi niya kailanman ipinangako ang malayang kalooban ng tao. Ngunit totoo na siya ay Kapootan kung kaya’t nilalabanan niya ang Diyos at ang tao, inaatake ang katalinuhang kalayaan ng tao, bukod sa kanyang katawan, pinabababa ang kalayaan ng pag-iisip na ganyan sa pagiging pagkaalipin ng mga inalihang tao, kung saan ang tao ay nagagawa ang mga bagay, na ayaw niyang gawin, kung tayo ay malaya kay Satanas» pananatili ng Zealot.

«Hindi ako sumasang-ayon.»

«Ano ang mga inalihang tao kung gayon? Tinatanggihan mo ang ebidensiya ng mga pangyayari» sigaw ni Judas Tadeo.

«Ang mga inalihang tao ay bingi, o pipi o baliw. Sila ay hindi mahalay.»

«Iyan lamang ba ang bisyo na nasa isip mo?» pabalintunang tanong ni Tomas.

«Iyan ang pinakakaraniwan at ang pinakamababa.»

«Ah! Akala ko iyan ang isa na alam-na-alam mo» sabi ni Tomas tumatawa.

«Si Judas ay tumayo na tila ibig niyang magmarahas. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at siya ay pumunta sa ibaba at pagkatapos naglakad papalayo dumaraan sa mga bukid. Nagkaroon ng katahimikan… Pagkatapos sinabi ni Andres: «Ang kanyang idea ay hindi ganap na nagkakamali. Sa katunayan masasabi ng isa na si Satanas ay nananakop lamang ng mga pándamá: paningin, pandinig, pananalita at ng mga utak. Ngunit gayunpaman, Guro, papaano maipapaliwanag ang ibang masasamang kilos? Hindi ba iyan mga pananakop? Si Doras, halimbawa?...»

«Si Doras, katulad ng iyong sinasabi, upang hindi lumabas na walang pagkakawanggawa sa kaninuman, at sana gantimpalaan ka ng Diyos para diyan, o si Maria, katulad ng nalalaman natin lahat, at siya ang unang nakaaalam, pagkatapos ng maliwanag na walang-pagkakawanggawa na mga pahapyaw ni Judas, ay ang mga mas ganap na nasasakop ni Satanas, na pinaaabot ang kanyang kapangyarihan sa tatlong dakilang kapangyarihan ng tao. Ito ang pinaka-nakapaniniil at pinakatusong pananakop, mula kung saan ang tanging makakapumiglas lamang ay ang mga hindi masyadong napabába sa kanilang mga kaluluwa  upang sila ay nakaiintindi pa sa paanyaya ng Liwanag.  Si Doras ay hindi mahalay. Ngunit kahit pa ganyan, siya ay ayaw na lumapit sa Tagapagtubos. At nandiyan ang pagkakaiba. Ibig sabihin, habang sa kaso ng mga baliw, pipi, bingi, bulag na mga tao na inalihan ng dimonyo, ang kanilang mga kamag-anak ay nagsisikap at gumagawa ang kinakailangan na madala sila sa Akin, sa kaso ng mga ang espiritu na inalihan, tanging ang kanilang espiritu lamang ang makapaghahanap ng kalayaan. Iyan kung bakit sila ay pinatatawad bukod sa pinalalaya. Sapagkat ang kanilang kalooban ang nagsimulang lumaban sa pananakop ng dimonyo. At ngayon tayo ay lumakad na at magpahinga. Maria, sa dahilan na nalalaman mo kung ano ang mahuli, magdasal para sa mga ibinibigay ang kanilang sarili nang paminsan-minsan sa pagkilos ng Kaaway, gumagawa ng kasalanan at nakagagawa ng kapighatian.»

«Oo, aking Panginoon, Gagawin ko. At wala ng kahit anumang masamang kalooban.»

«Kapayapaan sa lahat. Ating iwanan dito ang dahilan ng labis na pagtatalu-talo. May kadiliman kasama ang kadiliman, sa labas, sa gabi. Ngunit tayo ay papasok sa loob upang matulog sa ilalim ng proteksiyon ng mga anghel.»

At Kanyang inilalapag sa bangkito ang paniki, na gumagawa ng unang pagtatangka na makalipad nang papalayo, at Siya ay umalis kasama ang mga apostol patungo sa silid sa itaas, habang ang mga kababaihan kasama ang maybahay na lalaki at ang maybahay na babae ay patungo sa ibaba.

030511

 



Sunod na kabanata