243. Si Juan ay Inuulit ang Talumpati na Ginawa ni Jesus sa Bundok ng Tabor.

Agosto 5, 1945.

Inaakyat nilang lahat ang mas maiikling landas patungo sa Nazareth. Ang mga panabi ng kaburulan ng Galilee ay tila kalilikha pa lamang ng pinaka-umagang iyon, sapagkat ang bagyo kamalian pa lamang ay nahugasan nang husto ang mga ito at ang mga hamog ay pinananatili ito na nagniningning at luntian, upang ang lahat ay maningning sa maagang sikat ng araw. Ang hangin ay napakalinaw upang ang lahat na mga detalye ng humigit-kumulang malalayong bundok ay makikita at dito ay may malalim na mararamdaman ng kasariwaan at pagkabuhay-na-buhay.

Nang marating nila ang tuktok ng isang burol nasisiyahan sila sa paghanga sa tanawin ng lawa, na napakaganda sa purong liwanag ng umaga. Hinahangaan nila itong lahat, katulad ni Jesus. Ngunit si Maria ng Magdala ay kaagad ibinaling ang kanyang paningin sa ibang direksiyon naghahanap ng isang bagay. Ang kanyang mga mata ay tumigil sa mga tuktok ng bundok na nasa hilagang kanluran, ngunit parang hindi niya makita ang kanyang hinahanap.

Si Susanna, na katabi niya, ay nagtanong: «Ano ang iyong hinahanap?»

«Ibig kong makilala ang bundok kung saan natagpuan ko ang Guro.»

«Tanungin mo Siya.»

«O! Hindi mahalaga na gambalain Siya. Siya ay nakikipagusap kay Judas ng Kerioth.»

«Anong tao nga si Judas!» bulong ni Susanna. Hindi siya nagsasalita ng iba pa, ngunit… ang iba pa ay malinaw na naiintindihan.

«Ang bundok na iyon ay tiyak na hindi sa kalsadang ito. Ngunit dadalhin kita roon isang araw, Martha. Noon ay pagsikat ng araw, katulad na katulad ngayon, at napakarami noon ng bulaklak… At napakaraming tao… O! Martha! At nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpakita sa harapan ng lahat sa nakakahiyang damit na iyon at kasama ang mga kaibigan na iyon…  Hindi, hindi ka maaaring masaktan ng mga salita ni Judas. Karapat-dapat ako nito. Karapat-dapat ako ng bawat mga salitang iyon. At ang kasalukuyang paghihirap ay aking pagbabayad-kasalanan. Ang lahat ay nakakaalaala at ang lahat ay tama sa pagsasabi sa akin ng katotohanan. At kailangan kong maging tahimik. O! Kung ang isa ay nag-iisip lamang bago magkasala! Ang nananakit sa akin ngayon ay ang aking pinakamabuting kaibigan, sapagkat natutulungan niya akong pagbayaran ang aking kasalanan.»

«Ngunit hindi ibig sabihin niyan na siya ay walang nagawang mali. Ina, ang Inyong bang anak ay totoong nasisiyahan sa taong iyon?»

«Tayo ay kailangan na magdasal nang mabuti para sa kanya. Iyan ang sinasabi Niya.»

Si Juan ay iniwan ang mga apostol upang pumunta at tulungan ang mga babae sa isang mahirap na daanan, kung saan ang kanilang mga sandalyas ay nadudulas dahil ang landas ay puno ng makikinis na bato, katulad ng mapula-pulang mga pisara, at na may makintab na matitigas na damo, na napakapeligroso dahil kailangan ng mga paa na kumapit dito. Ang Zealot ay ginaya si Juan at ang mga babae ay nakalampas sa mahirap na lugar sumasandal sa kanila.

«Ito ay kung baga mahirap na daan. Ngunit wala ritong alikabok at walang mga nagdaraan. At ito ay mas maikli» sabi ng Zealot.

«Alam Ko ito, Simon» sabi ni Maria. «Pumunta Ako sa maliit na nayon na iyon sa kalahatian pataas sa burol, kasama ang Aking mga pamangkin nang si Jesus ay pinalayas sa Nazareth» sabi ng Banal na Birhen na may pagbuntung-hininga.

«Ngunit ang mundo ay maganda mula rito. Naroroon ang Tabor sa banda roon, at ang Hermon, at sa hilaga ang mga bundok ng Arbela, at sa banda roon, sa likuran, ang dakilang Hermon. Nakakalungkot na ang dagat ay hindi makita katulad na ito ay nakikita mula sa Tabor» sabi ni Juan.

«Nakarating ka ba roon?»

«Oo, kasama ang Guro.»

«Si Juan, sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa kawalang-hangganan, ay nagkaroon ng dakilang lugod para sa amin, sapagkat sa tuktok ng bundok si Jesus ay nagsalita tungkol sa Diyos nang napakamarubdob na hindi pa kami nakarinig ng katulad niyon noon. At pagkatapos ng makatanggap ng labis, nakakuha kami ng isang malaking kombersiyon. Makikilala mo rin ang lalaki, Maria. At ang iyon espiritu ay mas mapapalakas nang higit pa sa lakas niyan ngayon. Nakatagpo kami ng isang lalaki na napatigas ng kapootan, naging malupit gawa ng taos na pagsisisi at si Jesus ay ginawa siyang isang tao na, natitiyak ko, magiging isang dakilang disipulo. Katulad mo, Maria. Sapagkat, makatitiyak ka na ang aking sinasabi sa iyo ay totoo, tayong mga makasalanan ay mas bumibigay sa Kabutihan, na bumabalot sa atin, sapagkat nararamdaman natin ang pangangailangan na mapatawad kahit na ng ating mga sarili» sabi ng Zealot.

«Totoo iyan. Ngunit napakabait mo naman na sabihin “tayong mga makasalanan”. Ikaw ay isang kaawa-awang kapus-palad, hindi makasalanan.»

«Tayong lahat ay makasalanan, ang iba mas pa o mas kulang, at siya na nag-iisip na siya ay hindi masyadong makasalanan, ay ang isa na mas maaaring maging isang makasalanan, kung siya ay hindi pa ganyan. Tayong lahat ay makasalanan. Ngunit ang malalaking nagkakasala ay ang mga nakaaalam kung papaano maging kasing absuluto sa Kabutihan katulad na sila ay absuluto sa kasamaan.»

«Ang iyong nagpapaginhawang mga salita ay isang malaking kaluwagan sa akin. Ikaw ay laging nagiging isang ama sa mga anak ni Theophilus.»

«At katulad ng isang ama ako ay nagsasaya sapagkat kayong tatlo ay mga kaibigan ni Jesus.»

«Saan ninyo nakita ang disipulong iyon na dati ay isang malaking makasalanan?»

«Sa Endor, Maria. Si Simon ay ibig na ibigay ang lahat na merito ng napakaraming magagandang bagay sa aking mithiin na mapagnilayan ang karagatan. Ngunit kung si Juan na mas matanda ay pumunta kay Jesus iyan ay hindi merito ng hangal na batang Juan. Iyon ay merito ni Judas ni Simon» sabi ng anak ni Zebedeo ngumingiti.

«Napabalik-loob ba niya siya sa Diyos?» tanong ni Martha na may pagdududa.

«Hindi. Ngunit ginusto niyang pumunta sa Endor at…»

«Oo, upang tingnan ang kuweba ng manggagaway… Si Judas ni Simon ay isang napakakakaibang uri… Ang isa ay kailangang tanggapin siya kung ano siya… Siyempre!... At si Juan ng Endor ay dinala kami sa kuweba at pagkatapos nanatiling kasama namin. Ngunit aking mahal na anak, ang merito ay sa iyo pa rin, sapagkat kung wala ang iyong mithiin para sa kawalang-hangganan hindi sana tayo nakapunta roon at si Judas hindi sana minithi ang pumunta sa kakaibang pagsisiyasat na iyon .»

«Ibig kong malaman kung ano ang sinabi ni Jesus sa Bundok ng Tabor… dahil ibig kong makilala ang bundok kung saan ko Siya nakita» buntung-hininga ni Maria ng Magdala.

«Ang bundok ay ang isa kung saan ang araw ay tila tumataas, dahil sa pagkislap ng isang sanaw doon, na siyang nag-iipon ng tubig galing sa bukal at ginagamit ito ng mga kawan. Kami ay nasa mas mataas pa ng kung saan ang tuktok ay tila pinaghiwalay katulad ng isang may dalawang panusok na tinidor nagsusubok na tusukin ang mga ulap at dalhin ito sa ibang lugar. Ang tungkol sa talumpati ni Jesus, sa palagay ko si Juan ay mauulit ito sa inyo.»

«O! Simon! Posible ba para sa isang bata na ulitin ang mga salita ng Diyos?»

«Hindi, hindi iyan para sa isang bata. Iyan ay para sa iyo. Subukan. Upang masiyahan ang iyong mga kapatid at ako, dahil minamahal kita.»

Si Juan ay namumula nang labis nang nagsisimula siyang ulitin ang talumpati ni Jesus.

«Sinabi Niya: “Naririto ang walang-hangganang pahina kung saan ang mga agos ay isinusulat nito ang salita: ako ay ‘naniniwala. Isipin ang kawalang kaayusan ng Sansinukuban bago ang Tagapaglikha nagpasyang utusan ang mga elemento at ayusin sila sa isang maganda pagsasama-sama, na nagbigay sa tao ng lupa at kung ano ang nilalaman nito at inadornohan ang langit ng mga bituin at mga planeta. Walang naroroon dati: ni wala bilang isang walang-hugis na bagay, o bilang sistema na may kaayusan.

Ang Diyos ay ginawa ito. Una, ginawa Niya ang mga elemento. Sapagkat sila ay kinakailangan, bagama't kung minsan sila ay tila nakapipinsala. Ngunit laging tandaan ito: walang maliit na patak ng hamog, gaano man ito kaliit, na walang mabuting rason sa pagiging naririyan, walang insekto, gaano man ito kaliit at kawalang-halaga, na wala ng mabuting rason nito sa pagiging siya nga. At gayon din naman walang higanteng bundok na bumubuga mula sa mga bituka nito ng apoy at nagbabagang mga bato, na walang mabuting rason nito para maging nandiyan. At walang bagyo na walang isang rason. At mula sa mga bagay hanggang sa mga tao, walang pangyayari, walang luha, walang lugod, walang kapanganakan, kamatayan,  walang kabaugan at mabungang maternidad, walang mahabang buhay may-asawa o maagang pagiging balo, walang kamalasan ng mga kalamidad at mga sakit, o kasaganaan sa kayamanan at kalusugan, na walang mabuting rason nito sa pagiging naririyan, kahit na kung hindi ito lumalabas na ganyan sa kakulangan ng pagtingin at sa pagmamalaki ng mga tao, na mga nakakakita at naghuhusga sa pamamagitan ng mga katarata at mga ulap tipikal sa mga di-perpektong mga bagay. Ngunit ang Mata ng Diyos, ang walang-hangganang Kaisipan ng Diyos, ay nakakakita at nakaaalam. Ang lihim ng pamumuhay nang malaya mula sa baog na mga pagdududa, na nakapanggagalit, nakapang-uubos at nakapanlalason sa mga araw sa lupa, ay ang maniwala na ang Diyos ay ginagawa ang lahat para sa isang mabuting matalinong rason, na ang Diyos ay ginagawa kung ano ang Kanyang ginagawa para sa pagmamahal, hindi para sa walang-damdamin na intensiyon na makapagparusa alang-alang sa makapagparusa.

Ang Diyos ay nilikha ang mga anghel. At ilan sa kanila, na mga ayaw maniwala na ang lebel ng kaluwalhatian kung saan sila inilagay ay mabuti, ay nagrebelde at sa pamamagitan ng kanilang mga pag-iisip na natigang ng kakulangan ng pananampalataya sa kanilang Panginoon, ay nagtangkang salakayin ang di-maaabot na trono ng Diyos. Inilaban nila ang kanilang salu-salungat na di-makatarungang pesimistang mga kaisipan sa magkakatugmang mga rason ng matatapat na anghel, at ang pesimismo, na pagkukulang ng pananampalataya, ay nabago ang kanilang mga espiritu ng liwanag sa pagiging mga espiritu ng kadiliman.

Pinagpalà ang mga tao na sa magpakailanman kapwa sa Langit at sa lupa ay binabasi ang kanilang mga pag-iisip sa isang pagpapalagay na ganap na naliwanagang pagka-maasahin!  Hindi sila magkakamali, sa ganang kanilang mga espiritu man lamang, sa dahilan na sila ay magpapatuloy na umasa at higit sa lahat mahalin ang Diyos at ang kanilang kapwa, at kung gayon mananatili sa Diyos hanggang sa katapusan ng mga siglo!

Ang Paraiso ay napalaya na mula sa mga mapagmalaking mga pesimista na mga nakakakita ng madidilim na mga tabi rin sa pinakamaningning na mga salita ng Diyos, katulad na ang mga pesimista sa lupa ay tumitingin sa madidilim na tabi rin ng pinakamalinaw na mga gawa ng mga tao at sa pagmimithi na maibukod sila sa isang hiwalay na tore, sa dahilan na tinitingnan nila ang kanilang mga sarili na siyang ang tanging mga perpekto, isinusumpa nila ang kanilang sarili sa isang madilim na bartulina, na nagtatapos sa madilim na kaharian ng impiyerno, ang kaharian ng Pagtanggi. Sapagkat ang pesimismo ay Pagtanggi pa rin.

Kung kaya’t nilikha ng Diyos ang Sansinukuban. At sa dahilan na upang maintindihan ang maluwalhating misteryo ng Aming pagiging Isa at sang-tatlo kinakailangan ng isa na maniwala at maintindihan na ang Salita ay naroroon na mula sa simula at kasama ang Diyos, pinagsama sa pamamagitan pinakaperpektong Pagmamahal, Na mailalalin lamang ng dalawa Na mga Diyos, bilang, bagaman, Iisa lamang; kung gayon, upang makita ang sangnilikha sa kung ano talaga ito, kinakailangan na tingnan ito na may mga mata ng pananampalataya sapagkat sa pagiging gayon nito, katulad na ang isang anak ay tinataglay ang di-mabuburang salamin ng kanyang ama, kung gayon ang sangnilikha ay mayroon sa  loob mismo nito ng di-mabuburang salamin ng Tagapaglikha nito. Makikita natin pagkatapos na sa simula ay naroon ang kalangitan at ang lupa at pagkatapos ang liwanag, na maikukumpara sa pagmamahal. Sapagkat ang liwanag ay kasiyahan, katulad na ang pagmamahal ay kasiyahan. At ang liwanag ay ang atmospera ng Paraiso. At ang di-korporyal na Naroroon, Na siyang ang Diyos, ay Liwanag at siyang ang Ama ng bawat may-talino, madamdamin, materyal, espirituwal na liwanag, kapwa sa Langit at sa lupa.

Sa simula ay naroroon ang kalangitan at ang lupa at para sa kanila ang liwanag ay ibinigay at sa pamamagitan ng liwanag ang lahat na iba pa ay ginawa. At katulad na sa kataastaasang Langit ang mga espiritu ng liwanag ay inihiwalay mula sa mga espiritu ng kadiliman, kung gayon sa sangnilikha ang liwanag ay inihiwalay mula sa kadiliman at ang Araw at Gabi ay ginawa at iyan ang unang araw ng paglilikha, kasama ang umaga at gabi nito, ang katanghalian at hatinggabi nito. At nang ang ngiti ng Diyos, ibig sabihin ang liwanag, ay dumating muli pagkatapos ng gabi, diyan ang kamay ng Diyos, ang Kanyang makapangyarihan kalooban, umunat sa walang-hugis na walang laman na lupa, at sa kalangitan kung saan ang mga tubig ay gumagala, isa sa mga malalayang elemento na nasa ganap na kaguluhan, at ginusto nito na ang papawirin ay ihiwalay ang walang-kaayusang paggala ng mga tubig sa pagitan ng kalangitan at ng lupa, upang ito ay maging isang kisame para sa pamparaisong kaluwalhatian, isang maglilimita sa superior na mga tubig, at sa gayon ang mga baha ay hindi bumaba sa kumukulong mga metal at mga atoma, iniaanod at inihihiwalay kung ano ang pinagsasama ng Diyos.

Ang kaayusan ay nailagay sa kalangitan. At nagkaroon ng kaayusan sa lupa sa pamamagitan ng utos na ibinigay ng Diyos sa mga tubig na nakakalat sa lupa. At ang karagatan ay nagsimulang mabuo. Ayan na iyan. Dito, katulad ng sa papawirin ito ay nakasulat: ‘Ang Diyos ay Diyos’. ano pa man ang pagiging matalino ng tao, o ang kanyang pananampalataya o di-paniniwala, sa harapan ng pahina na ito, kung saan ang isang katiting ng kawalang-hangganan, na siyang ang Diyos, ay sumisinag, at kung saan naririyan ang ebidensiya ng Kanyang kapangyarihan, ang tao ay obligado na maniwala sapagkat walang pantaong kapangyarihan at walang natural na pagkakasundo ng mga elemento ang posible na maulit nito ang ganyang kababalaghan, ni hindi sa napakaliit na paraan. Ang tao ay obligado na maniwala hindi lamang sa kapangyarihan ng Diyos, bagkus sa Kanya ring kabutihan, katulad na sa pamamagitan ng dagat na iyan nagbibigay Siya ng pagkain at mga pamamaraan ng komunikasyon sa tao, nagbibigay Siya ng kapaki-pakinabang na mga asin, napalalamig Niya ang init ng araw at nagbibigay ng espasyo sa mga hangin, at butil sa mga lupa na magkakalayo sa isa’t isa, at nagagawa ito na umatungal katulad ng mga bagyo upang tawagan ang langgam – ang tao – sa Kawalang-Hangganang Isa, kanyang Ama, at binibigyan Niya ang tao ng posibilidad na maitaas ang kanyang sarili sa mas mataas na espera, pinagninilayan ang mas matataas na bisyon.

Tatlong bagay ang nagsasalita nang labis ng tungkol sa Diyos sa sangnilikha, na ganap na isang saksi ng Kanyang kapangyarihan: ang liwanag, ang papawirin at ang dagat. Ang astral at meteorological na kaayusan, na isang aninag ng dibinong Kaayusan; ang liwanag, na tanging ang Diyos lamang ang makapaglilikha; ang dagat, ang kapangyarihan na tanging ang Diyos lamang ang makapagkukulong sa loob ng matatag na mga hangganan, pagkatapos na likhain ito, at Kanya itong binigyan ng galaw at tinig, na hindi, gayunman, nasisira, bilang isang magulong walang-kaayusang elemento, ang lupa, na siyang nagdadala nito sa ibabaw nito.

Magbulaybulay sa misteryo ng liwanag, na di-mauubos. Itaas ang inyong mga mata patungo sa papawirin kung saan ang mga bituin at ang mga planeta ay nagliliwanag. Tingnan ang karagatan at isipin iyan kung para sa ano iyan. Iyan ay hindi isang pagkakahiwalay bagkus isang tulay sa pagitan ng mga tao na mga naninirahan sa ibang mga baybayin at bagama't hindi sila nakikita at nakikilala, ang isa ay kailangan maniwala na sila ay naririyan, sa simpleng dahilan lamang na ang dagat ay naririyan. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na walang pakinabang. Siya, kung gayon, ay hindi sana nilikha ang tila walang-hangganang dagat, maliban kung ito ay nalilimitahan ng ibang mga lupain sa ibayo ng orisonte, na pumipigil sa atin na makakita, mga lupain na kinaroroonan ng ibang mga tao, na lahat mga nanggaling sa iisa lamang na Diyos, at sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos ay nadala roon ng mga bagyo at mga agos, upang magkaroon ng mga tao sa mga kontinente at mga rehiyon. At ang dagat ay nagpapadala ng malayong mga panawagan sa pamamagitan ng mga alon nito, sa pamamagitan ng tinig ng mga alon nito at ng mga paglaki at pagliit ng tubig. Ito ay isang kaugnayan, hindi isang paghihiwalayan.

Ang kabalisahan na nagpapagawa kay Juan na nagkakaroon ng isang matamis na dalamhati ay ang panawagan ng malayong mga kapatid. Habang mas napangingibabawan ng espiritu ang laman, mas lalo itong may kakayahan na marinig ang mga tinig ng mga espiritu na mga nagkakaisa kahit na kung sila ay pinaghiwalay, katulad na ang mga sanga na sumulpot mula sa iisang ugat ay nagkakaisa kahit na kung ang isa ay hindi nakikita ang isa kung may harang na inilagay sa pagitan nila. Tingnan ang dagat sa pamamagitan ng mga mata na puno ng liwanag. Makikita ninyo ang mga lupain na ikinalat sa paligid ng mga dalampasigan, sa mga hangganan nito, at iba pang mga lupain sa loob nito at ang isang sigaw ay mararating kayo mula sa bawat isa sa kanila: ‘Halikayo. Dalhin ninyo sa amin  ang Liwanag na taglay ninyo. Ibigay ninyo sa amin ang Buhay na ibinigay sa inyo. Sabihin sa aming mga puso ang salita na hindi namin nakasanayan, ngunit nalalaman namin na siyang ang pundasyon ng sansinukuban: pagmamahal. Turuan kami na mabasa ang salita na nakikita namin na nakasulat sa walang-hangganang mga pahina ng papawirin at ng dagat.: Diyos. Paliwanagan kami sapagkat nararamdaman namin na mayroon diyan liwanag, na mas tunay pa kaysa sa liwanag na nagpapapula sa kalangitan at nagagawa ang dagat na kuminang katulad ng mga batong-hiyas. Dalhin sa aming kadiliman ang Liwanag na ibinigay ng Diyos sa inyo pagkatapos na likhain ito sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal, at ibinigay ito ng Diyos sa inyo para sa kapakanan ng lahat na mga tao, katulad na ibinigay Niya ang liwanag sa mga bituin upang sana maibigay nila ito sa lupa. Kayo ang mga bituin, kami ang alikabok. Ngunit pormahin kami katulad na ang Tagapaglikha ay pinorma ang lupa sa pamamagitan ng alikabok, upang sana ang tao ay malagyan ito ng mga tao sinasamba Siya ngayon at magpakailanman, hanggang sa ang oras ay dumating kung kailan wala nang lupa, bagkus ang Kaharian ay dumarating. Ang Kaharian ng liwanag, ng pagmamahal, ng kapayapaan, katulad na sinabi sa inyo ng buháy na Diyos, sapagkat kami ay mga anak din ng Diyos na ito, at hinihingi namin na makilala namin ang aming Ama’.

At matuto na maglakad sa mga daan ng kawalang-hangganan. Na walang takot at walang paniniphayo, sa mga tumatawag sa inyo at umiiyak. Sa mga magpapamighati din sa inyo sapagkat nararamdaman nila ang Diyos subalit hindi alam kung papaano sambahin ang Diyos, ngunit makakakuha din sila ng inyong kaluwalhatian sapagkat, habang mas nagtataglay kayo ng pagmamahal, dinadala sa Katotohanan ang mga tao na mga naghihintay na marating ito, mas magiging dakila kayo”.

Si Jesus ay sinabi iyan, ngunit mas maganda pa kaysa sa ginawa ko. Ngunit iyan man lamang ang Kanyang idea.»

«Juan, naulit mong iksakto ang sinabi ng Guro. Kinaligtaan mo lamang ang Kanyang sinabi tungkol sa iyong kakayahan na maintindihan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong kagandahang-loob sa pagbibigay ng iyong sarili. Ikaw ay mabuti, Juan. Ang pinakamabuti sa aming lahat! Nakarating na tayo sa katapusan ng ating paglalakbay na hindi napupuna ito. Nariyan ang Nazareth sa burol nito. Ang Guro ay tumitingin sa atin at ngumingiti. Puntahan na natin Siya kaagad upang pasukin ang nayon nang magkakasama.»

«Salamat sa iyo, Juan» sabi ng Ating Ginang. «Nakapagbigay ka ng malaking regalo sa iyong Ina.»

«Nagpapasalamat din ako, sa iyo. Nakapagbukas ka ng walang-hangganang mga orisonte sa kaawa-awang Maria…»

«Ano ang labis ninyong pinag-uusapan?» si Jesus ay tinatanong ang mga kararating pa lamang upang makasama Siya.

«Si Juan ay inulit ang Inyong talumpati sa Bundok ng Tabor. Nang perpekto. Kami ay nasiyahan.»

«Natutuwa Ako na ang Aking Ina ay narinig iyan, sapagkat ang dagat ay may kaugnayan sa Kanyang pangalan at ang Kanyang karidad ay kasing lawak ng karagatan.»

«Anak,  tinataglay Mo ang ganyang karidad bilang ang Tao, subalit sa kabila nito iyan ay wala kompara sa Iyong walang-hangganang karidad ng dibinong Salita. Aking matamis na Jesus!»

«Inay, lumapit Kayo sa Akin. Katulad ng hawak Ninyo Ako sa kamay nang tayo ay bumalik mula sa Cana o mula sa Herusalem, nang Ako ay maliit na bata pa.»

At sila ay nagtinginan sa pamamagitan ng mga mata na puno ng pagmamahal.

030511

 



Sunod na kabanata