244. Si Jesus sa Nazareth.

Agosto 6, 1945.

Ang unang bahay na tinigilan ni Jesus sa Nazareth ay ang bahay ni Alfeo. Papasok na sana sa pangkusinang-hardin nang masalubong Niya si Maria ni Alfeo. Na patungo sa pontanya may dala-dalang dalawang tansong mga amphora.

«Kapayapaan sa iyo, Maria!» sabi ni Jesus, niyayakap ang Kanyang kamag-anak, na, mapagbuhos ng pagmamahal katulad ng dati, ay hinahalikan Siya sumisigaw sa tuwa.

«Ito ay tiyak na isang mapayapang malugod na raw, aking Jesus, sapagkat dumating Ka! O! aking pinakamamahal na mga anak! Gaano kasaya ang inyong ina na makita kayo!» at kanyang hinahalikan ang kanyang malalaking batang mga lalaki na mga nasa likuran ni Jesus. «Kayo ay titirang kasama ko ngayon, hindi ba? Kasisindi ko pa lamang ng hurno para sa tinapay. At ako ay papunta sa pontanya, sapagkat ayaw kong mapatigil ang aking paggawa ng tinapay.»

«Inay, kami ang lalakad» sabi ng kanyang mga anak kinukuha ang mga amphora.

«Gaano sila kabait, hindi ba, Jesus?»

«Oo, napakabait nila» patotoo ni Jesus.

«sa iyo rin, hindi ba? Sapagkat kung minamahal Ka nila nang mas kulang kaysa sa pagmamahal sa akin, hindi sila magiging mahal ko.»

«Huwag kang matakot, Maria. Sila ay walang iba bagkus lugod para sa Akin.»

«Nag-iisa Ka ba? Si Mary ay bigla na lamang umalis… Nakasama rin sana ako. May kasama Siyang isang babae… Isang disipulo?»

«Oo, kapatid na babae ni Martha.»

«O! Pagpalain ang Diyos! Nagdasal ako nang labis para diyan. Nasaan siya?»

«Naroroon siya, parating siya kasama ng Inay, ni Martha at ni Susanna.»

Ang mga kababaihan sa katunayan ay kaliliko pa lamang sa kanto, sinusundan ng mga apostol. Si Maria ni Alfeo ay tumakbo upang salubungin sila at siya ay bumulalas: «Gaano ako kasaya na makasama ka bilang isang kapatid! Kailangan kong sabihin “anak na babae” sapagkat ikaw ay bata pa at ako ay matanda na. Ngunit tatawagin kita sa pangalan na napakamahal sa akin dahil tinatawag ko ang aking Maria sa pangalan na iyan. Halika, aking mahal, maaaring pagod ka… Ngunit ikaw ay tiyak na masaya» at kanyang hinahalikan si Maria ng Magdala hinahawakan siya sa kamay na tila ibig niyang mas maramdaman ni Maria ng Magdala na minamahal niya siya. Ang sariwang kagandahan ni Maria ay mas nakatatawag-pansin kapag siya ay malapit sa kung baga hapong hitsura ng mabuting si Maria ni Alfeo.

«Kayong lahat ay maninirahang kasama ko ngayon. Hindi ko kayo paaalisin» at na may hindi sinasadyang pagbuntung-hininga ng kanyang kaluluwa, ang pangungumpisal ay nakatakas sa kanya: «Ako ay laging malungkot! Kapag ang aking hipag ay wala rito, ang aking mga araw ay malungkot at mapanglaw.»

«Ang inyo bang mga anak na lalaki ay wala rito?» tanong ni Martha.

Si Maria ni Alfeo ay namula at nagbuntung-hininga: «Sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa, oo. Sila ay naririto pa rin. Ang maging isang disipulo ay nagdudugtong at naghahati… Ngunit dahil sumama ka, Maria, sila ay sasama rin» at pinupunas niya ang isang luha. Tinitingnan niya si Jesus Na pinagmamasdan siya na naaawa at nagsisikap siya na ngumiti at nagtanong: «Matagal nangyari iyon, hindi ba?»

«Oo, Maria, ngunit makikita mo iyan na mangyayari.»

«Ako ay umaasa noon… Pagkatapos niyan si Simon… Ngunit napakinggan niya ang tungkol sa ibang… mga bagay at siya ay nagdadalawang-isip muli. Mahalin siya gayunpaman, Jesus!»

«Mapagdududahan mo ba iyan?»

Habang si Maria ay nagsasalita naghahanda siya ng ilang pampalamig para sa mga peregrino, hindi pinakikinggan ang mga salita ng lahat tinitiyak sa kanya ni hindi sila nangangailangan ng anuman.

«Iwanan natin ang mga kababaihan sa kapayapaan» sabi ni Jesus at naghinuha Siya: «At tayo ay maglakad sa nayon.»

«Kayo ba ay aalis? Ang ibang mga anak ay baka sumama.»

«Ako ay nandito buong araw bukas. Kung kaya’t magkakasama tayo. Pupunta na Ako ngayon upang tingnan ang Aking mga kaibigan. Kapayapaan sa inyo, mga babae. Paalam, Inay.»

Ang Nazareth ay nasa estado na ng kaguluhan dahil sa pagdating ni Jesus at kasama pa si Maria ng Magdala. Ang ilan ay nagmadali sa bahay ni Maria ni Alfeo, ang iba sa bahay ni Jesus at sa dahilan na ang huli ay sarado lahat sila ay bumabalik patungo kay Jesus Na tinatawid ang Nazareth pagawi sa sentro ng nayon. Ang bayan ay lagi nang masama ang pagtanggap sa Guro. Ang ibang tao ay mapanuya, ang iba di-maniwala, ang iba ay lantarang malupit na kitang-kita sa ilan na masasakit na wika: sinusundan nilang lahat ang dakilang Anak ng Nazareth dala ng pag-usyuso, walang pagmamahal, at hindi nila Siya naiintindihan. Kahit na sa mga tanong na kanilang tinatanong sa Kanya ay walang pagmamahal, bagkus di-paniniwala at panunuya. Ngunit Siya ay nagkukunwari na hindi Niya napupuna at tutugon nang may-kabaitan at malumanay sa mga nakikipagusap sa Kanya.

«Ikaw ay nagbibigay sa lahat, ngunit para Kang isang anak na walang anumang kaugnayan sa Inyong amangbayan, sapagkat wala Kang binibigay dito.»

«Naririto Ako upang ibigay sa inyo kung ano ang inyong hinihingi.»

«Ngunit mas gusto Mo na wala rito. Kami kaya ay mas malalaking nagkakasala kaysa sa iba?»

«Walang makasalanan, gaano man siya kalaki, na hindi Ko pinababalik-loob sa Diyos. At hindi kayo mas malala kaysa sa iba.»

«Gayunpaman, hindi Mo sinasabi na kami ay mas mabuti kaysa sa iba. Ang isang mabuting anak ay laging sinasabi na ang kanyang ina ay mas mabuti kaysa sa sino pa mang ibang ina, kahit na kung siya ay hindi naman talaga. Ang Nazareth kaya ay isang ina-sa-labas sa iyo?»

«Wala Akong sinasabing ano pa man. Kung hindi posible na sabihin na ang isa ay mabuti, at kung ang isa ay ayaw na magsinungaling, ang maging tahimik ay ang makaridad na panuntunan hinggil sa iba at sa sarili. Ngunit kayo ay kaagad papupurihan kung kayo ay pumunta lamang sa Aking doktrina.»

«Kung gayon ibig Mong Ikaw ay kahangaan?»

«Hindi, pakinggan lamang at paniwalaan, para sa ikabubuti ng inyong mga kaluluwa.»

«Magsalita, kung gayon! Kami ay makikinig sa iyo.»

«Sabihin ninyo sa Akin kung tungkol saan ibig ninyo Ako na magsalita.»

Ang isang may katamtaman ang edad ay nagsabi: «Makinig. Ibig kong Kayo ay sumama sa akin at ipaliwanag ang isang bagay sa akin.»

«Ako ay pupunta kaagad, Levi.»

At sila ay pumunta sa sinagoga habang ang mga tao ay nag-iipun-ipon sa likuran ng Guro at ng pangulo ng sinagoga. Ang sinagoga pagkaraan ay nagsisiksikan sa tao.

Ang pangulo ng sinagoga ay kumuha ng isang rolyo: «Si Solomon ay dinala ang anak na babae ng Paraon mula sa Citadel ni David pataas sa bahay na kanyang ipinatayo para sa kanya, sapagkat sinabi ni Solomon: “Ang aking asawa ay hindi kailangan na manirahan sa palasyo ni David hari ng Israel, sapagkat iyon ay napabanal nang ang arko ng Panginoon ay pinasok ito”. Ngayon ibig kong magkaroon ng Inyong opinyon tungkol sa bagay na ito, kung ang pagbabawal na iyon ay tama o hindi, at bakit.»

«Iyon ay walang duda na tama, sapagkat ang paggalang para sa bahay ni David, na napabanal nang ang arko ng Panginoon ay dinala sa loob noon, ay hinihingi iyon.»

«Ngunit sa dahilan na ang anak na babae ng Paraon ay asawa ni Solomon, siya ba kung gayon ay hindi karapat-dapat na manirahan sa loob ng bahay ni David? Ang asawa ba ay hindi naging, ayon sa salita ni Adan, “buto ng buto” ng kanyang asawa at “laman ng kanyang laman”? Kung gayon ito, papaano malalapastangan ng babae ang hindi nalalapastangan ng asawa?»

«Sa unang Aklat ni Ezra ito ay nakasulat: “Kayo ay nagkasala sa pagpakasal sa mga banyagang babae; nagdagdag kayo sa kasalanan ng Israel”. At ang isa sa mga dahilan ng idolatriya ni Solomon ay ang kanyang mga pagpapakasal sa mga banyagang babae. Sinabi ng Diyos: “Ang mga banyagang babae ay madadala ang inyong mga puso na maligaw hanggang sa magawa kayo na sundan ang banyagang mga diyos”. Nalalaman natin ang mga kinalabasan.»

«Ngunit siya ay hindi nailigaw dahil pinakasalan niya ang anak ng Paraon, sa katunayan nagpasya siya nang may-karunungan na ang babae ay dapat hindi manirahan sa banal na bahay.»

«Ang kabutihan ng Diyos ay hindi masusukat sa pamamagitan ng ating mga sukatan. Ang tao, pagkatapos ng isang pagkakamali, ay hindi nagpapatawad, bagama't siya mismo ay laging nagkakasala. Ang Diyos ay hindi nagmamatigas pagkaraan ng unang pagkakamali, ngunit hindi Niya pinahihintulutan ang tao na magpatuloy nang hindi pinarurusahan sa gayon ding kasalanan. Hindi Niya pinarurusahan kung gayon ang tao sa una niyang pagbagsak; Siya pagkaraan ay magsasalita sa kanyang puso. Ngunit Siya ay nagpaparusa kapag ang Kanyang kabutihan ay hindi nakapagpapabalik-loob, bagkus pinagkakamalan ng tao na isang kahinaan. Siya kung gayon ay naglalapat ng kaparusahan, sapagkat ang Diyos ay hindi kailangan na tuyain. Bagama't buto ng kanyang buto at laman ng kanyang laman, ang anak na babae ng Paraon ay nakapaglagay ng unang mikrobyo ng kurupsiyon sa puso ng Marunong na Hari, at nalalaman mo na ang isang sakit ay lumalabas hindi kapag may iisang mikrobyo lamang sa dugo, bagkus kapag ang dugo ay narumihan ng maraming mikrobyo na dumami mula sa una. Ang pagbagsak ng tao sa pagkakasala ay laging nagsisimula sa tila di-makasasamang kapabayaan. Pagkatapos ang pagsang-ayon sa kasamaan ay lumalaki. Pagkatapos ang isa ay masasanay sa pag-hindi-na-bale ng konsiyensya at sa pagpapabaya sa mga katungkulan at pagsunod sa Diyos at kung gayon sa unti-unti ang tao ay bumabagsak sa malalang mga kasalanan, kahit na sa idolatriya sa kaso ni Solomon, na nagpasimula sa pagkakahati-hati, na ang mga konsekwensiya nito ay naririyan pa rin hanggang ngayon.»

«Kung gayon sinasabi Ninyo na maging ingat-na-ingat at magkaroon ng pinakamalaking paggalang para sa mga banal na bagay?»

«Tiyak-na-tiyak.»

«Ngayon ipaliwanag din ito sa akin. Sinasabi Ninyo na Kayo ang Salita ng Diyos. Totoo ba ito?»

«Ako nga. Pinadala Niya Ako upang dalhin ang Ebanghelyo sa lahat na tao sa lupa at tubusin sila mula sa lahat nilang pagkakasala.»

«Kung gayon, kung Kayo ay totoong ang sinasabi Ninyo na Kayo, Kayo ay mas mahigit pa sa Arko. Sapagkat ang Diyos ay wala sa kaluwalhatian na nangingibabaw sa Arko, subalit Siya ay nasa loob Ninyo.»

«Tama ka, iyan ang katotohanan.»

«Bakit, kung gayon, nilalapastangan Ninyo ang Inyong Sarili?»

«At Ako ba ay iyong dinala rito upang sabihin iyan sa Akin? Ako ay nalulungkot para sa iyo, para sa inyo at para sa mga namilit sa iyo na Ako ay magsalita. Hindi Ko kailangan na pangatwiranan Ko ang Aking Sarili, sapagkat ang bawat pangangatwiran ay sinasadyang hindi maintindihan ng inyong kapootan. Ngunit magbibigay Ako ng pangangatwiran sa iyo na nag-aakusa sa Akin ng di-pagmamahal sa inyo at ng paglalapastangan sa Aking katauhan. Makinig. Alam Ko ang inyong ipinahihiwatig. Ngunit tumutugon Ako sa inyo: “Mali kayo”. Katulad na ibinubukas Ko ang Aking mga kamay sa mga namamatay upang maibalik sila sa buhay at tinatawag ang patay at ibinabalik sa kanila ang kanilang mga buhay, gayon din Aking ibinubukas ang Aking mga kamay sa mga mas totoong mamamatay na at sa mga mas totoong patay na: mga nagkakasala, upang dalhin sila sa eternal na Buhay at ibangon sila, kung sila ay mga bulok na, upang sila ay sana huwag nang mamatay muli. Ngunit magkukuwento Ako sa inyo ng isang parabula. Ang isang lalaki ay naging isang ketongin dahil sa kanyang maraming bisyo. Ang pantaong lipunan ay pinalayas siya sa grupo nito at ang lalaki, sa kahila-hilakbot na pangungulila, ay nagsimulang mag-isip tungkol sa kanyang kalagayan at sa kanyang mga kasalanan, na nagdala sa kanya sa ganyang kalagayan. Maraming taon ang dumaan nang ganyan at nang isunuko na niya ang umasa bigla na lamang siyang gumaling. Ang Panginoon ay nagkaroon ng awa sa kanya dahil sa kanyang maraming mga panalangin at mga luha. Ano ang ginagawa ng lalaki pagkatapos? Makababalik ba siya sa kanyang tahanan dahil kinaawaan siya ng Diyos? Hindi. Kailangan na ipakita niya ang kanyang sarili sa pari, na pagkaraan na iksaminin siya nang matagal-tagal, ay pinadalisay siya at ginawa siyang magsakripisyo ng dalawang ibong pipit. At pagkatapos na malabhan ang kanyang mga damit nang hindi lamang minsan, bagkus dalawang beses, ang lalaki ay bumalik sa pari dala ang ipinanutong walang-batik na mga kordero, ang inahing tupa, harina at langis. Ang pari pagkatapos ay pinasunod siya sa pintuan ng Tabernakulo. At ang lalaki ay sa wakas relihiyosong tinanggap ulit sa samahan ng sambayanan ng Israel. Ngunit sabihin sa Akin: nang siya ay pumunta sa pari sa unang pagkakataon, bakit siya pumunta?»

«Upang mapadalisay sa unang pagkakataon at kung gayon makapagpatuloy sa dakilang puripikasyon, na magpapatanggap sa kanya muli sa samahan ng banal na sambayanan!»

«Tama ka. Kung gayon hindi pa siya ganap na napadalisay?»

«Ehi! Hindi. Marami pang nawawala bago siya ganap na mapadalisay; hinggil sa kapwa, sa kanyang katawan at sa kanyang kaluluwa.»

«Papaano siya kung gayon nakapaglakas-loob na pumunta sa pari sa unang pagkakataon kung siya ay maruming-marumi, at sa ikalawang beses pumunta malapit sa Tabernakulo?»

«Sapagkat ang pari ay ang kinakailangang pamamaraan upang matanggap muli kasama ang mga buháy.»

«At ang Tabernakulo?»

«Sapagkat tanging ang Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan at iyan ang ating pananampalataya na ang Diyos ay naroroon sa Kanyang kaluwalhatian sa kabila ng Banal na Belo, namimigay ng Kanyang pagpapatawad mula sa panggagalingan na iyon.

«Kung gayon ang pinagaling na ketongin ay hindi pa malinis sa kasalanan nang nilapitan niya ang pari at ang Tabernakulo?»

«Hindi pa, tiyak na hindi pa!»

«Mga tao na may pilipit na mga kaisipan at di-sinsirong mga puso, bakit ninyo Ako inaakusahan, kung Ako, ang Pari at Tabernakulo, ay pinababayaan ang mga may espirituwal na ketong na makalapit sa Akin? Bakit may dalawa kayong sukatan ng paghuhusga? Oo, ang babae na nawala ay naririto ngayon kasama Ko, pati rin si Levi ang publikano, na naririto kasama ang kanyang bagong kaluluwa at ang kanyang bagong tanggapan at maraming iba pa rin, na mga dumating bago sila. Sila ay maaaring makapanatili sapagkat sila ay tinanggap nang muli sa samahan ng sambayanan ng Panginoon. Sila ay dinala sa Akin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos Na nagbigay sa Akin ng kapangyarihan na maghukom at magpatawad, magpagaling at magbangon ng mga tao mula sa kamatayan. Magkakaroon ng paglalapastangan kung sila ay magpatuloy sa kanilang idolatriya katulad ng ginawa ng anak na babae ng Paraon, ngunit wala ngayong paglalapastangan sapagkat niyakap nila ang doktrina na Aking dinala sa lupa at sa pamamagitan nito sila ay tumaas sa Grasya ng Panginoon. Mga tao ng Nazareth, na mga naglalatag ng mga patibong para sa Akin sa dahilan na hindi ninyo iniisip na posible na ang totoong Karunungan at Hustisya ng Salita ng Ama ay nasa Akin, sasabihin Ko sa inyo: “Gayahin ang mga makasalanan”. Totoong nalalampasan kayo nila sa paglapit sa Katotohanan. At sasabihin Ko rin sa inyo: “Huwag dumulog sa hamak na mga patibong upang salungatin Ako”. Huwag gawin iyan. Magtanong, at ibibigay Ko sa inyo ang kinakailangang Salita, katulad na ibinibigay Ko ito sa bawat lumalapit sa Akin. Tanggapin Ako bilang isang anak ng ating lupain na ito. Hindi Ako nagkikimkim ng sama ng loob laban sa inyo. Ang Aking mga kamay ay puno ng mga haplos at ang Aking puso ng mithiin na maturuan kayo at gawin kayong masaya. Ako ay nananabik na masiyahan kayo, na kung gugustuhin ninyo, ipagdiriwang Ko ang Sabbath kasama ninyo, itinuturo sa inyo ang Bagong Batas.»

May magkakasalungat na mga opinyon sa pagitan ng pulutong. Ngunit ang pag-uusyuso o pagmamahal ay nangingibabaw at marami ang sumisigaw: «Oo, naririto kami bukas at makikinig sa Inyo.»

«Magdarasal Ako na ang bawat hadlang na naniniil sa inyong mga puso ay sana maalis sa loob ng gabi. Upang ang bawat prehuwisyo ay sana maglaho at na may malayang mga kaisipan maintindihan sana ninyo ang Tinig ng Diyos na pumunta upang dalhin ang Ebanghelyo sa buong mundo, ngunit Aking mithiin na ang unang lugar na may kakayahan na tumanggap nito ay sana ang bayan kung saan Ako lumaki, Kapayapaan sa inyong lahat.

 070511

 



Sunod na kabanata