245. Sa Loob ng Sinagoga sa Nazareth sa Araw ng Sabbath.

Agosto 7, 1945.

Kami ay nasa loob muli ng sinagoga sa Nazareth, ngunit sa araw ng Sabbath.

Nabasa na ni Jesus ang kuwentong may moral laban kay Abimelech at nagtatapos sa pamamagitan ng mga salitang: «“Harinawang ang apoy ay dumating mula sa matinik na palumpong at sunugin ang mga cedar ng Lebanon”». Pagkatapos Kanyang iniabot ang rolyo sa pangulo ng sinagoga.

«Hindi na ba Ninyo babasahin ang iba pa? Kailangan na basahin Ninyo, upang sana maintindihan nila ang kuwentong may aral» sabi ng pangulo.

«Hindi na kinakailangan. Ang mga araw ni Abimelech ay napakalayo. Gagamitin Ko ang matagal nang kuwento sa kasalukuyang panahon.

Makinig, sambayanan ng Nazareth. Nalalaman na ninyo ang aral na moral ng kuwento laban kay Abimelech, dahil kayo ay naturuan ng inyong pangulo ng sinagoga, na sa mga araw na ito ay naturuan ng isang rabbi, na natuto rin mula sa isa pang rabbi at patuloy na ganito para sa mga nakaraan, laging sa pamamagitan ng parehong pamamaraan at parehong mga kongklusyon. Makaririnig kayo ng ibang moral mula sa Akin. At hinihingi Ko sa inyo na gamitin ang inyong katalinuhan at huwag maging katulad ng mga lubid ng isang kalo ng balon, na, hanggang sa ito ay magasta, ay tumatakbo mula sa kalo pababa sa tubig, at pagkatapos mula sa tubig pabalik sa kalo, na hindi kailanman nagbabago. Ang tao ay hindi isang lubid o isang mechanical na gamit. Ang tao ay pinagkalooban ng talino at kailangan na gamitin ito para sa kanyang sarili, ayon sa mga pangangailangan at sirkunstansiya. Sapagkat kung ang titik ng salita ay eternal, ang sirkunstansiya ay nagbabago. Mga mahihinang guro ang mga ayaw ng problema o ng kasiyahan ng paghahango sa bawat pagkakataon ng bagong mga turo, na siyang ang espiritu na laging nakapaloob sa marunong na lumang mga salita. Sila ay magiging katulad ng mga alingawngaw, na bagkus makapag-uulit lamang, kahit na dosi-dosenang beses, ng parehong salita, na hindi kailanman nagdadagdag ng isang salita ng kanilang sarili.

«Ang sangkatauhan – ang kagubatan sa katotohanan – kung saan ang lahat na uri ng mga punungkahoy, mga palumpong at mga yerba ay naiipon, ay nangangatawan sa sangkatauhan – ay nararamdaman ang pangangailangan na mapangunahan ng isa na aangkinin sa kanyang sarili ang lahat na kaluwalhatian at kahit pa ang mas malaking pasanin ng awtoridad at responsibilidad para sa kasayahan o di-kasayahan ng kanyang mga nasasakupan: isang tao na siyang mananagutan sa kanyang mga nasasakupan, sa kanyang kalapit na mga bayan, at kung ano ang mas nakakatakot, sa Diyos. Sapagkat totoo na ang mga korona at ang panlipunan na kalamangan, maging ano pa man ang mga ito, ay ipinagkakaloob ng mga tao, ngunit ito ay ipinahihintulot ng Diyos, na kung wala ang Kaninong pagpapakababa walang pantaong kapangyarihan ang maipipilit. Ito ang kapaliwanagan ng biglang di-inaakalang mga pagbabago ng mga dinastiya, na tinitingnan na walang katapusan at ng mga kapangyarihan na tila hindi magagalaw, at na, kapag sila ay napasobra sa limitasyon sa pagpaparusa o sa pagsusubok sa mga tao, ito ay pinababagsak ng mga tao din na iyon, sa kapahintulutan ng Diyos, at nagiging wala bagkus alikabok o, kung minsan, dumi ng kanal.

Sinabi Ko: ang mga tao ay nararamdaman ang pangangailangan na maghalal ng isang tao na aangkinin sa kanyang sarili ang lahat na responsibilidad sa kanyang mga nasasakupan, sa mga kalapit bansa at sa Diyos, na siyang ang pinaka-nakakikilabot sa lahat. Sapagkat kung ang hukom ng kasaysayan ay nakakatakot at ang mga interes ng mga tao ay nagsisikap nang walang mangyari na baguhin ito, sapagkat ang mga pangyayari sa hinaharap at ang mga tao ay ibabalik ito sa orihinal na teribleng katotohanan, ang hukom ng Diyos ay mas lalo pang walang-lubag, sapagkat ito ay hindi naaapektuhan ng kahit anong pamimilit maging ano pa man ito, ni hindi ito napaiilaliman ng mga pagbabago ng katatawanan o opinyon, katulad na ang mga tao ay napaiilaliman, at higit sa lahat ito ay hindi napaiilaliman ng maling paghuhusga. Kung gayon ang mga inihalal na mga pinuno ng mga sambayanan at mga tagapaggawa ng kasaysayan ay kailangan na kumilos na may kabayanihan ng mga santo, upang hindi mabantog na masasama sa hinaharap ng mga siglo at maparusahan ng Diyos magpakailanman.

Ngunit bumalik tayo sa apologue ni Abimelech. Kung gayon ang mga punungkahoy ay ginusto na magkaroon ng isang hari at pumunta sa punong olibo. Ngunit ang huli, bilang isang sagradong punungkahoy at konsagrado sa sobrenatural na paggamit dahil sa langis nito na nasusunog sa harapan ng Panginoon at na siyang ang nangingibabaw na elemento sa mga ikapu at mga sakripisyo, at pumoporma sa banal na balsamo upang malangisan ang altar, mga pari at mga hari, at para sa mga katangian nito masasabi Ko na ito ay halos nakagagawa ng himala at sa gayon ginagamit kapwa sa malulusog at sa mga may sakit na katawan, ang punong olibo ay tumugon: “Papaano ko magagawang biguin ang aking sobrenatural na bokasyon upang pababáin ang aking sarili sa makamundong mga bagay?”

O! gaano kagiliw ang tugon ng punong olibo! Bakit hindi ito natututunan at inuulit ng lahat na mga pinili ng Diyos sa isang banal na misyon, sila man lamang? Sapagkat sa katotohanan ito ay kailangan na sabihin ng bawat tao bilang isang tugon sa mga mungkahi ng dimonyo, sapagkat ang bawat tao ay hari at isang anak ng Diyos, pinagkalooban ng kaluluwa, na nagpapagawa sa kanya na isang makaharing dibinong anak, tinawag sa isang sobrenatural na patutunguhan. Ang kanyang kaluluwa ay isang altar at isang tahanan. Ang altar ng Diyos, ang tahanan kung saan ang Makalangit na Ama ay bumababa upang tanggapin ang pagmamahal at pagpipitagan ng Kanyang anak at nasasakupan. Ang bawat tao ay may kaluluwa, at sa dahilan na ang bawat kaluluwa ay isang altar, ang bawat tao ay sa gayon isang pari, isang tagapag-alaga ng altar at sa Leviticus ito ay nakasulat: “Ang Pari ay kailangan na huwag niyang lapastanganin ang kanyang sarili.” Ang tao, kung gayon, ay kailangan na tumugon sa mga panunukso ng Dimonyo, ng mundo at ng laman: “Makatitigil ba ako sa pagiging espirituwal at abalahin ang aking sarili sa materyal na makasalanang mga bagay?”.

Ang mga punungkahoy pagkatapos ay pumunta sa puno ng igos, inaanyayahan ito na maghari sa kanila. Ngunit ang puno ng igos ay tumugon: “papaano ko tatalikuran ang aking katamisan at ang aking napakagaling na prutas upang maging inyong hari?”

Marami ang lumalapit sa isang mababa ang loob at mabait na tao upang siya’y maging hari nila. Hindi labis dahil hinahangaan nila ang kanyang kabaitan, ngunit dahil umaasa sila na sa pagiging napakabait siya ay lalabas pagdating ng araw na isang hari na kanilang paglalaruan, mula kung kanino makakakuha sila ng kahit na ano na gustuhin nila at na kanilang maaabuso ayon sa gusto nila. Ngunit ang kabaitan ay hindi kahinaan. Iyan ay kabutihan. Iyan ay makatarungan, matalino, matatag. Huwag kailanman pagkamalan ang kabaitan na kahinaan. Ang una ay birtud, ang huli ay kapintasan. At dahil ito ay isang birtud nabibigyan ang mga nagtataglay nito ng isang matuwid na konsiyensya, na nagagawa silang malabanan ang pantaong mga panghihingi at mga panggaganyak, tinatangka ang mapayuko sila sa makamundong mga interes, na hindi mga interes ng Diyos, nananatiling matapat sa kanilang patutunguhan, anuman ang mangyari. Ang may mabait na kaisipan na tao ay hindi kailanman nagtataboy ng mga pamumuna sa pamamagitan ng kapaitan, ni hindi niya kailanman tatanggihan nang may-kagaspangan ang mga humihingi sa kanya ng tulong. Sa kabaligtaran, ngumingiting nakikiramay lagi niyang sasabihin: “Iwanan ninyo ako sa aking mapayapang kapalaran. Ako ay naririto upang paginhawahan kayo at tulungan kayo, ngunit hindi ako maaaring maging hari, ayon sa inyong mga inaasahan, sapagkat ako ay interesado sa iisang pagkahari lamang, para sa kapakanan ng inyong kaluluwa at akin: espirituwal na pagkahari”.

Ang mga punungkahoy ay pumunta sa baging at hiningi rito na siya ang maging kanilang hari. Ngunit ang baging ay tumugon: “Papaano ko tatalikuran ang pagiging katuwaan at lakas upang sumama at mamuno sa inyo?”

Ang maging hari ay laging nagdadala sa espirituwal na kapanglawan, kapwa dahil sa mga responsibilidad at ng paninisi ng konsiyensya, sapagkat ang isang hari na hindi nakagagawa ng kasalanan at hindi nagagawa ang kanyang sarili na makaramdam ng paninisi ng konsiyensya ay mas bihira pa kaysa sa isang itim na brilyante. Ang kapangyarihan ay nakapanrarahuyo habang nagniningning ito mula sa malayo katulad ng isang parola, ngunit kapag narating ito ng isa, mababatid ng isa na ito ay hindi isang bituin bagkus isang mahinang liwanag lamang ng isang alitaptap. Higit pa rito, ang kapangyarihan ay bagkus isang lakas na natatalian ng multitud ng mga lubid ng libu-libong mga interes ipinaikot sa paligid ng isang hari: ang mga interes ng mga kortesano, ng mga kaalyado, ng mga kamag-anak at mga personal na mga interes. Ilang mga hari ang nanunumpa sa kanilang sarili habang pinapahiram ng langis: “Magiging wala akong kikilingan” at pagkaraan hindi magawa ang ganito? Katulad ng isang malakas na punungkahoy, na hindi nagrerebelde laban sa unang yakap ng nahuhubog o manipis na ivy nagsasabing: “Ito ay napakanipis na hindi ito makagagawa ng kapinsalaan sa akin”, sa kabaligtaran ito ay nasisiyahan na mapuno nito at maging ang protektor nito sinusuportahan ang pag-akyat nito, kung kaya’t ang isang hari, madalas, masasabi Kong lagi, ay bumibigay sa unang yakap ng interes ng isang kortesano, ng isang kaalyado, o isang personal na interes o ng isang kamag-anak, na lumalapit sa kanya at siya ay nasisiyahan na maging kanilang lubhang-mapagbigay na protektor. “Walang anuman ito!” sinasabi niya, kahit na kung ang kanyang konsiyensya ay binabalaan siya: “Mag-ingat!” At kanyang iniisip na wala itong mapipinsala ni hindi ang kanyang kapangyarihan o ang kanyang mabuting pangalan. Ang punungkahoy din ay pinaniniwalaan ito. Ngunit ang araw ay dumating nang ang ivy, lumalago sa lakas at sa haba, nagiging mas matakaw sa pagsipsip ng pagkain ng lupa at nagiging mas nananabik na makaakyat at magapi ang araw at liwanag, ay niyayakap, sanga sa sanga, ang buong malaking punungkahoy, pinangibabawan ito, sinakal ito at pinatay ito. At iyon ay napakanipis! At ang punungkahoy ay napakalakas!

Ganyang din ang sa mga hari. Ang unang pakikipagkumpromiso sa kanilang misyon, isang unang pagkikibit ng mga balikat sa mga tinig ng kanilang konsiyensya, sapagkat ang papuri ay kawili-wili at kagiliw-giliw ang maging hanapín na protektor, at ang sandali ay dumating nang ang hari ay hindi na makapamuno, bagkus ang mga interes ng ibang mga tao ang pumalit at ikinulong ang hari, binusalan siya at sinasakal siya, at kung sila ay naging mas malakas kaysa sa kanya, papatayin nila siya kapag makita nila na siya ay matagal mamatay. Ang isang pangkaraniwan din na tao, na isa pa ring hari sa kanyang espiritu, ay mawawala kung tatanggap siya ng mas mababang pagkahari dala ng pagmamalaki o kasakiman. At mawawala sa kanya ang espirituwal na kapanatagan na dumarating sa kanya galing sa kanyang pakikiisa sa Diyos. Sapagkat ang Dimonyo, ang mundo at ang laman ay nakapagbibigay ng isang madayang kapangyarihan at lugod, ngunit sa ikawawala ng espirituwal na kasiglahan na nanggagaling sa pakikiisa sa Diyos.

O! kasiglahan at lakas ng maralita sa espiritu, totoong karapat-dapat sa iyo na ang tao ay makapagsabi: “Papaano ko matatanggap na maging hari sa inferior na bahagi, kung ang aking pakikipag-alyansa sa iyo, mawawala sa akin ang aking panloob na lakas at lugod, ang Langit at ang totoong pagkahari nito?”. At ang mga pinagpalang mga maralita sa espiritu, na tinatangka lamang ang mapasakanila ang Kaharian ng Langit at minamaliit ang iba pang mga kayamanan na walang kaugnayan sa Kahariang iyon, ay makapagsasabi din: “Papaano tayo kailangan na mabigo sa ating misyon, na siyang ang makapagbigay ng hinog na nakapagpapalakas na mga katas at nakalulugod na mga katas para sa mapagkapatirin na sangkatauhan na namumuhay sa tigang na disyerto ng kahayupan at ang pagkauhaw ay kailangan na mapawi upang hindi ito mamatay at may pangangailangan na masustentuhan ng mahalagang mga katas katulad ng isang bata na walang nag-aalaga? Tayo ang mga yaya ng sangkatauhan na nawalan ng dibdib ng Diyos, at naglalagalag na baog at may sakit at mamamatay sa kawalang-pag-asa o pagpapahirap ng pinakamadilim na di-paniniwala, kung hindi nito matagpuan tayo na, may masayahing gawain ng mga malaya sa bawat makalupang kaugnayan, makapagkukumbinsi sa kanila na mayroon isang Buhay, isang Lugod, isang Kalayaan, isang Kapayapaan. Hindi natin maaaring talikdan ang ganyang Karidad para sa isang interes na mamiserable”.

Ang mga punungkahoy pagkatapos ay pumunta sa matinik na palumpong, na hindi sila tinanggihan. Ngunit nagtakda ito ng mahihigpit na patakaran. “Kung ibig ninyong ako ang inyong hari, kailangan na magpailalim kayo sa akin. Ngunit kung pagkatapos na maihalal ako, kayo ay hindi sumunod, gagawin ko ang bawat tinik ko na maging isang nanununog na pahirap at uubusin ko kayong lahat, kasama pati ang mga cedar ng Lebanon”.

Ganyan ang pagkahari na tinatanggap ng mundo bilang totoo! Ang arogansiya at kabangisan ay napagkakamalan ng bulok na sangkatauhan na tunay na pagkahari, samantalang ang kababaang-loob at kabutihan ay tinitingnan na kahangalang kahinaan na mga damdamin. Ang tao ay hindi nagpapasakop sa Diyos, ngunit nagpapasakop siya sa Kasamaan. Siya ay narahuyo nito at dahil dito siya ay sinusunog nito.

Iyan ang kuwentong may moral na aral tungkol kay Abimelech. Ngunit ngayon Ako ay magmumungkahi ng isa pa sa inyo. Hindi ito nagtutukoy sa isang malayo at nakaraang mga pangyayari. Bagkus sa mga pangkasalukuyang mga bagay at malapit.

Ang mga hayop ay nagpasyang maghalal ng isang hari para sa kanilang mga sarili. At sa dahilan na sila ay mga tuso naisip nila na maghalal ng isa na hindi mananakot sa kanila bilang malakas at mabangis. Kung gayon hindi nila isinali ang leon at lahat na mga miyembro ng pamilya ng mga pusa. Sinabi nila na ayaw nila ng may tukang mga agila o iba bang uri ng nambibiktimang mga ibon. Hindi nila pinagkakatiwalaan ang kabayo, na sa pamamagitan ng bilis nito aabutan sila at makikita kung ano ang kanilang ginagawa; at mas lalong hindi nila pinagkakatiwalaan ang asno, na nalalaman nila na napakamatiyaga, ngunit may sumpong na magalit nang biglaan at may malalakas na kuko. Sila ay nahintakutan sa idea na magkaroon ng isang unggoy bilang kanilang hari, sapagkat ang mga unggoy ay napakamatalino at mapaghiganti. Sa ilalim ng dahilan na ang ahas ay pinaburan si Satanas sa panunukso sa tao, sinabi nila na ayaw nila iyon na maging kanilang hari, sa kabila ng malamyos na mga kulay nito at ismarteng mga paggalaw nito. Sa katunayan ayaw nila nito sapagkat nalalaman nila ang tahimik na gapang nito, ang malakas na mga bisig nito at ang nakamamatay na epekto ng lason nito. Posible kayang piliin nila bilang hari ang isang toro o iba pang hayop na pinagkalooban ng matutulis na sungay? Hindi kailanman! “Ang mga dimonyo ay mayroon din nito” sabi nila. Ngunit sila ay nag-iisip: “Kung isang araw tayo ay magrebelde, uubusin tayo nito sa pamamagitan ng mga sungay nito”.

Pagkatapos ng labis na pagkakaltas, nakakita sila ng isang maliit na matabang puting kordero patalun-talon nang masaya sa isang berdeng parang, sumususo sa bilugang suso ng kanyang ina. Siya ay walang mga sungay at ang kanyang mga mata ay kasing amo ng Abril na kalangitan. Siya ay maamo at simple. At siya ay nakukontento ng lahat: ng tubig sa maliit na ilog kung saan siya madalas uminom inilulubog ang kanyang malarosas na maliit na nguso sa tubig, ng maraming-kulay na maliliit na bulaklak na nagpapasaya kapwa sa kanyang mga mata at panlasa; ng makapal na damo kung saan masarap na humiga kapag siya ay busog; ng mga ulap, na tila nagmumukhang kasing dami ng maliliit na tupa gumagala sa asul ng mga parang sa itaas doon, at inaanyayahan siyang maglaro tumatakbo sa bukid katulad ng ginagawa nila sa kalangitan; at higit sa lahat, nasisiyahan siya ng haplos ng kanyang ina, sa dahilan na pinahihintulutan pa siya na sumususo paminsan-minsan habang ang kanyang ina ay dinidilaan ang kanyang maputing balahibo ng malarosas na dila niya; ng ligtas na kural, na maayos na napoprotektahan laban sa mga hangin, at kasama ang malambot na mabangong kalat, kung saan masarap matulog sa tabi ng kanyang ina. “Siya ay nasisiyahan. Siya ay wala ni armas o lason. Siya ay walang-kamuwangan. Gawin natin siyang ating hari”. At ginawa nga nila. At sila ay ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay maganda at mabait, hinahangaan ng kalapit na mga tao at minamahal ng kanyang mga nasasakupan dahil sa kanyang matiyagang kababaang-loob.

Ang mga araw ay dumaan at ang kordero ay naging isang malaking tupa at nagsabi: “Ang panahon ay dumating na kung saan ako ay totoong kailangan na maghari. Ngayon ganap na nalalaman ko na ang aking misyon. Ang kalooban ng Diyos, Na nagpahintulot sa akin na mahalal na hari, ay hinubog ako para sa aking misyon at binigyan ako ng kakayahan na maghari. Kung gayon matuwid lamang na ipilit ko ito sa isang perpektong pamamaraan, at dahil din ayaw kung pabayaan ang mga kaloob ng Diyos”. At nang kanyang nakita na ang kanyang mga nasasakupan ay gumagawa ng mga bagay na laban sa moralidad, o sa karidad, kabaitan, katapatan, kahinahunan, pagsunod, paggalang, kasinupan, at sa iba pa, itinaas niya ang kanyang tinig upang bigyan sila ng babala. Ang kanyang mga nasasakupan ay tumawa sa kanyang may-karunungan at may-kabaitan na huni, na hindi sa kanila nakapanakot katulad ng atungal ng mga miyembro ng pamilya ng mga pusa, o ng sigaw ng mga buwitre kapag sila ay dumadagit ng isang biktima, o ng sirit ng isang ahas, o ang pagtahol ng isang nakakatakot na aso.

Ang kordero, na ngayon ay isa nang malaking tupa, ay hindi nilimitahan ang kanyang sarili sa paghuni. Pumunta siya sa mga nagkakasala upang dalhin silang muli sa kanilang mga tungkulin. Ngunit ang serpiyente ay pumuslit sa pagitan ng kanyang mga paa. Ang agila ay umalis na lumipad at kung gayon iniwan siya. Ang mga pusain ay itinulak siya sa tabi ng kanilang mga paang may kuko nananakot: “Sa ngayon ang aming mga malalambot na paang may kuko ay itinutulak ka lamang sa tabi. Ngunit nakikita mo ba kung ano ang naririto sa mga paang ito? Mga pangalmot”. Ang mga kabayo at katulad na mga hayop na mabilis tumakbo ay nagsimulang tumakbo sa paligid niya, pinaglalaruan siya. Ang malalakas na elepante at iba pang may makakapal na balat ay itinutulak siya sa paligid sa pamamagitan ng kanilang mga nguso, habang ang mga unggoy ay nagtatapon sa kanya ng mga bagay mula sa tuktok ng mga punungkahoy.

Ang kordero, na naging isang malaking tupa, sa wakas ay nagalit at nagsabi: “Ayaw kong gamitin ang aking mga sungay o ang aking lakas. Sapagkat ang aking leeg ay totoong malakas, at sa katunayan gagawin itong isang modelo upang pabagsakin ang mga panangga sa digmaan. Ayaw kong gamitin ito, sapagkat mas gusto kong gamitin ang pagmamahal at pangungumbinsi. Ngunit sa dahilan na ayaw ninyong bumigay sa ganyang mga armas, gagamit ako ng puwersa, sapagkat kung kayo ay nakakalimot sa inyong mga tungkulin sa akin at sa Diyos, ayaw kong makalimot sa aking tungkulin sa Diyos at sa inyo. Ako ay inihalal sa pusisyong ito ninyo at ng Diyos, upang magabayan kayo sa Hustisya at sa Kabutihan. At gusto ko ang Hustisya at Kabutihan, ibig sabihin Kaayusan, upang maghari rito”. At pinarusahan niya sa pamamagitan ng kanyang mga sungay, ngunit kaunti lamang, sapagkat siya ay mabait, ang isang matigas-ang-ulo na aso, na patuloy na nangmomolestiya sa kanyang mga kapwa at pagkaraan sa pamamagitan ng kanyang napakalakas na leeg giniba niya ang pinto ng kulungan kung saan ang isang makasariling baboy ay nagtago ng mga makakain sa ikasasama ng ibang mga hayop, at kanya ring binuwag ang liyana na palumpungan, na pinili ng dalawang mahalay na unggoy para sa kanilang ilegal na pagtatalik.

“Ang hari na ito ay naging napakalakas. Talagang ibig niyang maghari. At ibig niyang tayo ay mamuhay bilang marurunong na hayop. Iyan ay hindi ayon sa ating nagugustuhan. Kailangan na pababain natin siya sa trono” nagpasya sila. Ngunit ang isang tusong unggoy ay nagmungkahi: “Kailangan na gawin natin iyan sa ilalim ng pakitang dahilan ng isang makatarungang rason. Kung hindi sasamà ang ating hitsura sa ibang mga tao at tayo ay hindi gugustuhin ng Diyos. Kung gayon ating bantayan ang bawat ginagawa ng kordero, na naging isa nang malaking tupa, upang ang ating akusasyon ay lumabas na makatarungan”.

«Ako ang bahala tungkol diyan” sabi ng ahas. “At ako rin” sabi ng unggoy. Kung kaya’t hindi nila nilulubayan ng pagbabantay sa kordero, dahil ang isa ay gumagapang sa damo at ang isa ay nananatili sa tuktok ng mga punungkahoy, at sa tuwing gabi, kapag siya ay nagpapahinga na pagkatapos ng pagod sa kanyang misyon at upang isipin ang mga hakbang na kukunin at ang mga salitang gagamitin upang mapatigil ang paghihimagsik at mapangibabawan ang mga makasalanang ugali ng kanyang nasasakupan, ang lahat na mga hayop ay nag-ipun-ipon, maliban sa pambihirang eksepsiyon ng iilan na matatapat na mga nasasakupan, upang makinig sa ulat ng dalawang espiya at traydor. Sapagkat sila ay ganyan nga.

Ang ahas ay magsasabi sa hari nito: «Sinusundan kita sapagkat minamahal kita, at kung makita kita na inaatake, ibig kong makapananggalang para sa iyo”. Ang unggoy ay madalas magsabi: “Gaano kita hinahangaan! Ibig kitang tulungan”. Tingnan: mula rito nakakakita ako ng mayroon gumagawa ng kasalanan sa kabila ng parang na iyon. Tumakbo ka roon”, pagkatapos magsasabi ito sa kanyang mga kasamahan: “Ngayon siya ay nakisalo sa bangkete ng ilang mga makasalanan. Nagkukunwari siya na pumunta roon upang maibalik sila sa Diyos, ngunit sa katunayan kasabwat siya sa lasingan nila”. At ang ahas ay nag-ulat: “Siya ay lumampas pa nga sa limitasyon ng kanyang sambayanan, dahil nilapitan niya ang mga paruparo, mga gamugamo at malaway na mga susò. Siya ay hindi matapat. Nakikipag-ayos siya sa di-purong mga banyaga”.

Iyan ang kanilang sinasabi sa likuran ng inosenteng kordero, at ang akala nila hindi niya nalalaman. Ngunit ang espiritu ng Panginoon, Na humubog sa kanya para sa kanyang misyon, ay pinaliwanagan din siya tungkol sa mga binabalak ng kanyang mga nasasakupan. Ang kordero ay maaaring lumayas sana na galit, isinusumpa sila. Ngunit siya ay mabait at may kababaang-puso. At siya ay puno ng pagmamahal. Ang kanyang pagkakamali ay ang nagmahal siya. At ang lalo pang mas malaking pagkakamali ay ang nagpursige siya sa kanyang misyon, nagmamahal at nagpapatawad, hanggang sa siya ay maaaring mamatay, upang magawa ang kalooban ng Diyos. O! Anong mga pagkakamali ito sa tao. Di-mapatatawad! Labis-labis upang ito ay isinumpa dahil sa kanila. “Patayin siya; upang tayo ay sana makalaya mula sa kanyang paniniil”. At ang ahas ay kinusa sa sarili ang pagpatay sa kordero sapagkat ang ahas ay laging ang traydor…

Iyan ang isa pang apologue. Nasa sa inyo ang maintindihan ito, sambayanan ng Nazareth! Dahil minamahal Ko kayo, ibig Ko kayo na manatili man lamang sa lebel ng isang marahas na sambayanan, na hindi na lumalampas diyan. Ang pagmamahal para sa lupa kung saan Ako dumating noong bata pa, at kung saan Ako lumaki nagmamahal sa inyo at minamahal, ay pinipilit Ako na magsabi sa inyong lahat: “Huwag kayong maging mahigit pa sa mararahas. Huwag hayaan ang kasaysayan na sabihin: ‘Ang Kanyang traydor at ang Kanyang di-makatarungang mga hukom ay nanggaling sa Nazareth’”.

Paalam. Maging matuwid sa paghuhusga at matatag sa pagloob. Ang una na birtud ay para sa inyong lahat, aking kapwa mga mamamayan. Ang huli ay para sa mga nasa pagitan ninyo na hindi nababalisa ng walang-katapatang mga kaisipan. Ako ay aalis na… Kapayapaan sa inyo.»

Si Jesus, na may pamimighati, na ang Kanyang ulo nakayuko, ay iniiwan ang sinagoga ng Nazareth, sa isang masakit na katahimikan, na nasira ng dalawa o tatlong boses lamang, nagpapahayag ng pagsang-ayon.

Siya ay sinusundan ng mga apostol. Ang mga anak ni Alfeo ay ang mga huli. At ang kanilang mga mata ay tiyak na hindi ang maamong mga mata ng isang kordero… Sila ay tumititig nang pagalit sa marahas na pulutong at si Judas Tadeo ay hindi nag-alangan na itanim ang kanyang sarili sa harapan ng kanyang kapatid na si Simon at magsabi sa kanya: «Akala ko ang aking kapatid ay mas matapat at isang may malakas na karakter.»

Si Simon ay iniyuko ang ulo at tahimik. Ngunit ang isa pang kapatid, sinusuportahan ng ibang mga mamamayan ng Nazareth, ay bumulalas: «Kailangan na mahiya ka sa pananakit sa iyong panganay na kapatid!»

«Hindi. Ikinahihiya kita. Ikinahihiya ko ang lahat sa inyo. Ang Nazareth ay hindi isang ina sa labas, bagkus isang pilipit na ina-sa-labas sa Mesiyas. Ngunit makinig sa aking hula. Luluha kayo ng sapat na luha na matustusan ang isang pontanya, ngunit hindi niyan mahuhugasan ang totoong pangalan ng bayan na ito at ng inyong sarili sa mga aklat ng kasaysayan. Nalalaman ba ninyo kung ano ang pangalan na iyan? “Kahangalan”. Paalam.»

Ang pagpapaalam ni Santiago ay mas malumanay: hinihiling niya para sa kanila ang liwanag ng karunungan. At sila ay lumabas kasama si Alfeo ni Sarah at ang dalawang bata-pang mga lalaki, na, kung hindi ako nagkakamali, ay ang dalawang drayber ng asno na sumabay sa mga asno na mga pupunta kay Johanna ni Chuza, nang siya ay malapit nang mamatay.

Ang mga pulutong, na nanatiling tulala, ay bumubulong: «Ngunit saan Siya nakakuha ng labis na karunungan?»

«At Papaano Siya nakagagawa ng mga himala? Sapagkat totoong nakagagawa Siya ng mga himala. Ang buong Palestina ay iyan ang pinag-uusapan.»

«Hindi ba’t Siya ang anak ni Jose, ang karpintero? Tayong lahat ay nakita Siya, sa mesa ng karpintero ng Nazareth, gumagawa ng mga mesa at mga kama, nagkukumpuni ng mga gulong at mga susi. Ni hindi Siya pumasok sa paaralan at ang Kanyang Ina ay ang tanging tagapagturo Niya.»

«Isang iskandalo na pinupuna rin ng aming ama» sabi ni Jose ni Alfeo.

«Ngunit ang inyong mga kapatid ay nakatapos din ng pag-aaral kay Maria ni Jose.»

«Eh! Ang aking ama ay mahina sa kanyang asawa…» tugon muli ni Jose.

«Kung gayon, pati ang kapatid ng iyong ama?»

«Hindi mo ba Siya nakikita?»

«O! Napakarami ang magkakamukha! Sa palagay ko Siya ay isa na nagsasabi na Siya nga, ngunit hindi Siya.»

«Nasaan si Jesus ni Jose, kung gayon?»

«Sa palagay mo ba ang Kanyang Ina ay hindi Siya makikilala?»

«Ang Kanyang mga kapatid na lalaki at mga babae ay naririto at lahat sila nagsasabi na Siya ay kanilang kamag-anak. Tama ba iyon, kayong dalawa?»

Ang dalawang anak ni Alfeo ay tumango sa pagpapatotoo.

«Bueno, kung gayon, Siya ay kung hindi baliw, Siya’y naaalihan, sapagkat ang Kanyang sinasabi ay hindi maaaring manggaling sa isang manggagawa.»

«Kailangan na huwag tayong makinig sa Kanya. Ang Kanyang sinasabing doktrina ay kung hindi pagdidiliryo, ito’y pagsasapi ng dimonyo.»

Si Jesus ay nakatayo sa liwasan naghihintay para kay Alfeo ni Sarah na nakikipagusap sa isang lalaki. At habang naghihintay Siya, ang isa sa mga drayber ng asno, na tumigil sa may pintuan ng sinagoga ay binigyan-alam Siya ng tungkol sa paninira na binigkas sa loob ng sinagoga.

«Huwag hayaan na mapamighati ka niyan. Ang isang propeta ay sa pangkalahatan hindi pinararangalan sa kanyang amangbayan o sa bahay. Ang tao ay napakatanga na naniniwala siya na ang isa ay kailangan na maging tagalabas ng mundong ito upang maging isang propeta. Ang kapwa kababayan at mga kamag-anak ay lahat mas nalalaman at naaalaala nang higit pa kaysa sino pa man ang kalikasan pantao ng kanilang kapwa kababayan o kamag-anak. Ngunit ang katotohanan ay laging nagtatagumpay. At ngayon Ako ay nagpapaalam sa iyo, Kapayapaan sa iyo.»

«Salamat sa Inyo, Guro, para sa pagpapagaling sa aking ina.»

«Karapat-dapat ka nito sapagkat naniwala ka. Ang Aking sambayanan dito ay hindi makakilos, sapagkat walang pananampalataya rito. Tayo na, Aking mga kaibigan. Tayo ay aalis bukas pagsikat ng araw.»

060511

 



Sunod na kabanata