246. Ang Ating Ginang Tinuturuan si Maria ng Magdala.

Agosto 8, 1945.

«Saan tayo titigil, aking Panginoon?» tanong ni Santiago ni Zebedeo, habang sila ay naglalakad dumaraan sa isang bangin sa pagitan ng dalawang burol, na ang mga panabi nito ay nilinang at berde mula sa paanan hanggang sa tuktok.

«Sa Bethlehem sa Galilee. Ngunit sa loob ng maiinit na oras tayo ay titigil sa bundok mula kung saan natatanaw ang Meraba. Upang ang iyong kapatid ay masisiyahan muli nakikita ang dagat» at si Jesus ay ngumingiti. Pagkatapos Siya ay naghinuha: «Tayong mga lalaki ay makalalayo pa, ngunit kasama natin ang mga babaeng disipulo na sumusunod sa atin, at bagama't hindi sila kailanman nagrereklamo, kailangan na huwag natin silang papagurin nang labis-labis.»

«Hindi sila kailanman nagrereklamo. Totoo iyan. Mas nakakiling pa tayong magreklamo» pagsang-ayon ni Bartolomeo.

«At sa kabila nito sila ang mas hindi sanay sa buhay na ganito…» sabi ni Pedro.

«Baka iyan kung bakit kinabubuhayan nila ito nang buong kalooban» sabi ni Tomas.

«Hindi, Tomas. Ginagawa nila ito nang buong kalooban dala ng pagmamahal. Makatitiyak ka na ni hindi ang Aking o ang ibang mga maybahay, katulad ni Maria ni Alfeo, ni Salome at ni Susanna ay iiwanan ang kanilang mga tahanan nang buong kalooban upang pumunta sa mga daan ng mundo at kasama ng mga tao. At si Martha at si Johanna, kapag ang huli ay sasama na rin, bilang hindi sanay sa ganitong pagod, ay hindi iyan gagawin ng buong kalooban kung hindi sila tinutulak ng pagmamahal. Ang tungkol kay Maria ng Magdala tanging isang malaking pagmamahal lamang ang makapagbibigay sa kanya ng lakas upang malampasan ang pahirap na ito» sabi ni Jesus.

«Bakit Ninyo siya inutusan na sumama kung gayon, kung nalalaman Ninyo na ito ay isang pahirap» tanong ng Iskariote. «Hindi ito nakakabuti sa kanya o sa atin.»

Walang iba bagkus ang maliwanag na di-mapasisinungalingang pagpapakita ng kanyang pagbabago ang makapagkukumbinsi sa mundo. At si Maria ay ibig na makumbinsi ang mundo tungkol diyan. Ang kanyang pakikipaghiwalay sa nakaraan ay naging ganap na. Ito ay kumpleto na.»

«Iyan ay malalaman pa rin. Maaga pa para sabihin na ganyan. Kapag ang isa ay nasanay na sa isang uri ng pamumuhay, mahirap na humiwalay dito. Ang mga pakikipagkaibigan at ang galimgim ay dinadala tayong pabalik dito» sabi ng Iskariote.

«Nakararamdam ka ba ng galimgim, kung gayon, para sa dati mong pamumuhay?» tanong ni Mateo.

«Ako… hindi. Sinasabi ko lang. Ako ay ako ay… isang tao, mahal ko ang Guro at… sa maikling pananalita, mayroon ako sa loob ko ng mga elemento na nakakatulong sa akin upang manatiling na sa aking pakay. Ngunit siya ay isang babae, at anong babae! At kahit na kung siya ay napakatatag, hindi kailanman napakaganda na siya ay kasama natin. Kung tayo ay makasalubong ng ilang mga rabbi, mga pari o importanteng mga Pariseo, baka makatitiyak ka na ang kanilang mga sasabihin ay hindi kasiya-siya. Kapag iniisip ko ang tungkol diyan, namumula ako hindi pa man.»

«Huwag mong salungatin ang iyong sarili, Judas. Kung ikaw ay totoong nakipagkalas na sa iyong nakaraan, ayon sa sinasabi mo, bakit ikinalulungkot mo nang labis na ang isang kaawa-awang kaluluwa ay kailangan na sundan tayo upang makumpleto ang kanyang kombersiyon sa Kabutihan?»

«Dala ng pagmamahal, Guro. Ginagawa ko ang lahat dala ng pagmamahal, din: para sa Inyo.»

«Pagandahin mo pa ang iyong pagmamahal, kung gayon. Ang pagmamahal, upang totoong maging ganyan, ay kailangan na maging hindi esklusibo. Kung ang isa ay nakapagmamahal lamang ng isang bagay, ang isa ay hindi na makapagmamahal ng iba pa, kahit na kung ang isa ay minamahal ng kanyang minamahal. Ang perpektong pagmamahal ay minamahal, na may ukol na bahagdan, ang lahat na sangkatauhan at ang mga hayop at mga gulay din, mga bituin at tubig, sapagkat nakikita nito ang lahat sa Diyos. Mag-ingat: ang esklusibong pagmamahal ay kadalasan makasarili. Magsikap kung gayon na mahalin ang lahat na iba pa dala ng pagmamahal.»

«Oo, Guro.»

Ang paksa ng talakayin ay sa pansamantala nagpapatuloy sa tabi ni Maria kasama ang iba pang mga babae, at siya ay walang alam ng pagiging ang dahilan ng labis na paguusap-usap.

Narating nila at dumaraan sila sa nayon ng Japhia, ngunit wala sa mga mamamayan nito ang nagpapakita ng interes na sundan ang Guro o pigilan Siya. Kung kaya’t sila ay nagpapatuloy at sa dahilan na ang mga apostol ay lumalabas na nag-aalala tungkol sa kawalang-pakialam ng lugar si Jesus ay nagsisikap na mapakalma sila.

Ang lambak ay tumatakbo sa isang pakanluran na direksiyon at ang isa pang nayon ay makikita na nakalatag sa paanan ng isa pang bundok. Ang nayon, na aking napapakinggan na tinatawag na Meraba, ay wala rin pakialam. Tanging ilang mga bata lamang ang lumalapit sa mga apostol, habang sila ay umiigib ng tubig mula sa isang malinaw na pontanya nakasandal sa isang bahay. Si Jesus ay hinahaplos sila at tinatanong ang kanilang mga pangalan, at ang mga bata ay tinatanong Siya, kung sino Siya at saan Siya patungo. Ang isang matanda, baluktot, halos bulag na lalaki ay nilapitan din sila at iniunat ang kanyang kamay upang tumanggap ng mga limos, na sa katunayan ay binibigay sa kanya.

Bumalik ulit sila sa paglalakad, inaakyat ang isang burol, ang isang nakalatag sa lambak, kung saan dumaraan ang maliliit na ilog nito, ngayon naging patak-patak na tubig o naging mga bato nasunog ng araw. Ngunit ang daan ay maganda at tumatakbo sa loob ng mga taniman ng mga punong olibo muna at pagkatapos sa ilalim ng ibang mga punungkahoy, na ipinagkakabit-kabit ang kanilang mga sanga at napoporma ang isang berdeng galerya sa ibabaw ng daan. Narating nila ang tuktok, na nakokoronahan ng isang kakahuyan ng nagkakaluskusan na mga puno ng “ash”, kung ako ay hindi nagkakamali. At sila ay naupo roon upang makapagpahinga at makakain nang kaunti. At habang kumakain at nagpapahinga, kinalulugdan nila ang kaaya-ayang tanawin, sapagkat ang tanawin ay maganda, na ang kabit-kabit na mga bundok ng Mount Carmel nasa kanilang kaliwa, gawing kanluran. Ito ay napakaberdeng bulubundukin na kabit-kabit, kung saan ang pinakamagandang mga kulay ng berde ay naroroon. At kung saan nagtatapos ang bundok, ay naroroon ang dagat, isang nagniningning, bukas, na walang-katapusang dagat, umuunat pahilaga na ang ibabaw nito medyo nakukusot ng maliliit na alon, hinuhugasan ang mga baybayin, na mula sa lungos na naporma ng huling pagsanga-sanga ng Mount Carmel ay umuunat patungong Ptolemais at iba pang mga bayan at pagkatapos maglalaho sa alimuom malapit sa Syro-Phoenician na dalampasigan. Hindi posibleng makita ang dagat pagawing timog ng lungos ng Carmel, sapagkat ito ay naitatago ng kabit-kabit ng mga bundok, na mas mataas kaysa sa burol kung naiipon ang apostoladong grupo.

Ang mga oras ay nagdaraan sa loob ng lilim ng maaliwalas na nagkukuskusang mga kakahuyan. Ang iba ay natutulog, ang iba naguusap sa mababang tinig, ang iba nanunuod. Si Juan ay iniwan ang kanyang mga kasama at umakyat nang mataas hangga’t maaari upang magkaroon ng mas magandang pananaw. Si Jesus ay nagretiro sa isang palumpungan upang magnilay at magdasal. Ang mga kababaihan ay tumabi sa likuran ng isang linya ng halaman ng madreselba na nasa pamumulaklak at napalamigan na ang kanilang sarili sa isang munting bukal, na naging isang patak-patak ng tubig at pinoporma ang isang sanaw sa lupa, sa dahilan na ang tubig ay naging napakakaunti upang ito ay hindi makadaloy kung saan. Ang maedad na mga babae, bilang pagod, ay nakatulog, habang ang Banal na Birhen at si Susanna ay naguusap tungkol sa kanilang nasa-malayong mga bahay at si Maria ay nagsasabi na ibig Niyang makuha ang magandang palumpong na nasa pamumulaklak upang maadornohan ang Kanyang maliit na gruta.

si Maria ng Magdala, na pinalaylay ang kanyang buhok, dahil hindi niya matagalan ang bigat nito, ay itinaas ulit ito at nagsabi: «Pupunta ako kay Juan, ngayon na siya ay kasama na ni Simon, upang tingnan at dagat kasama sila.»

«Ako ay sasama rin» tugon ng Banal na Birhen.

Sina Martha at Susanna ay nananatiling kasama ng kanilang natutulog na mga kasamahan.

Upang marating ang dalawang apostol kinailangan nilang dumaan malapit sa palumpungan kung saan si Jesus ay nagretiro upang manalangin.

«Ang pagdarasal ay ang kapahingahan ng Aking Anak» bulong ni Maria.

si Maria ng Magdala ay tumugon: «Sa palagay ko iyan ay mahalaga rin para sa Kanya na mag-isa upang mapanatili ang Kanyang magandang kontrol, na inilalagay sa mahirap na mga pagsubok ng mundo. Alam ba Ninyo, Ina? Ginawa ko ang sinabi Ninyo sa akin. Tuwing gabi inihihiwalay ko ang aking sarili nang medyo matagal-tagal upang maibalik ko sa aking sarili ang kakalmahan, na nababalisa ng maraming bagay. At ang aking pakiramdam ay nagiging mas malakas pagkatapos.»

«Sa ngayon ang pakiramdam mo ay malakas, pagkaraan mararamdaman mong masaya ka. Maniwala ka sa Akin, Maria, kapwa sa kapayapaan at sa pakikibaka, sa lugod at sa kapighatian, ang ating espiritu ay nangangailangan na tumalon sa karagatan ng pagninilay-nilay upang itayong muli ang ginigiba ng mundo at ng mga pangyayari at upang makaabot ng sariwang lakas upang makaakyat nang pataas pa nang pataas. Sa Israel ginagamit at maling ginagamit natin ang bigkas na panalangin. Hindi Ko ibig sabihin na ito ay walang pakinabang o di-nakapagpapalugod sa Diyos. Ngunit sinasabi Ko na ang pagninilay-nilay, pag-iisip na pagtaas sa Diyos ay laging mas kapaki-pakinabang sa kaluluwa, sapagkat sa pagninilay-nilay tungkol sa Kanyang dibinong perpeksiyon at sa ating paghihirap, o sa paghihirap ng napakaraming kaawa-awang kaluluwa, hindi upang punahin sila bagkus maging mapagsaalang-alang sa kanila at maintindihan sila, at upang maging mapagpasalamat sa Diyos Na nagsuporta sa atin inilalayo tayo sa kasalanan, sa pagninilay-nilay nang ganyan, tayo ay tunay na nananagumpay sa pananalangin, ibig sabihin sa pagmamahal. Sapagkat ang panalangin, upang maging tunay na ganyan, ito ay kailangan na pagmamahal. Kung hindi ito ay paggalaw lamang ng mga labì kung saan ang kaluluwa ay wala.»

«Ngunit naaayon ba sa batas na makiusap sa Diyos kung ang mga labì ng isa ay marumi pa sa napakaraming walang-pitagan na mga salita? Sa aking mga oras ng pagninilay-nilay, na aking ginagawa ayon sa itinuro sa akin Ninyo, aking pinakamagiliw na apostol, gumagawa ako ng karahasan sa aking puso, na ibig na magsabi sa Diyos: “Minamahal ko Kayo”…»

«Huwag! Bakit?»

«Sapagkat pakiramdam ko gumagawa ako ng isang mapaglapastangang handog sa pag-aalay ng aking puso…»

«Huwag mong gagawin iyan, Aking mahal na anak, Una sa lahat, ang iyong puso ay naikonsagra nang muli ng pagpapatawad ng Anak, at ang Ama ang nakikita ay ang kapatawaran lamang na iyan. Ngunit kahit na kung si Jesus ay hindi ka pa napatawad, at sa di-pinapansin na pangungulila, na maaaring kapwa materyal at moral, ikaw ay sumigaw sa Diyos: “Minamahal ko Kayo. Ama, patawarin ang aking mga kakulangan. Nalulungkot ako para sa mga ito sapagkat pinamimighati Kayo nito.” maniwala sa Akin, Maria, ang Amang Diyos ay aabsulbihan ka Niya Mismo a ang iyong sigaw ng pagmamahal ay magiging mahal sa Kanya. Ibigay mo ang iyong sarili sa pagmamahal. Huwag kang gumawa ng karahasan diyan. Hindi, gawin iyan kasing marahas katulad ng isang lagablab. Ang apoy ay tinutupok lahat na materyal, ngunit hindi nito sinisira kahit isang kapiyanggot ng ere. Sapagkat ang ere ay hindi materyal. Sa kabaligtaran napadadalisay nito ito mula sa katiting na mga labí na nilipad ng hangin at ginagawa itong mas magaan. Ang pagmamahal ay ganyan din ang ginagawa sa mga kaluluwa, Baka matupok nito nang mabilis ang materyal ng tao, kung ito ay ipahihintulot ng Diyos, ngunit hindi nito masisira ang kanyang espiritu. Sa halip daragdagan nito ang kasiglahan nito at gagawin iyan na mas dalisay at maliksi upang makataas sa Diyos. Nakikita mo ba si Juan sa banda roon? Siya ay isa lamang bata. Subalit siya ay isang agila. Siya ang pinakamalakas sa lahat na mga apostol. Sapagkat naintindihan niya ang sekreto ng lakas, ng espirituwal na paghubog: nagmamahal na pagninilay-nilay.»

«Ngunit siya ay puro. Ako… Siya ay isang bata. Ako…»

«Tingnan ang Zealot, kung gayon. Siya ay hindi isang bata. Siya ay namuhay, nakibaka, kinapootan. Tinatanggap niya ito nang prangko. Ngunit natuto siyang magnilay-nilay. At siya, rin, maniwala sa Akin, ay nasa mataas na. Kita mo? Sila ay naghahanapan sa isa’t isa, ang dalawang iyon. Sapagkat nararamdaman nila na sila ay magkatulad. Nakarating sila sa parehong perpektong edad ng espiritu at sa pamamagitan ng parehong pamamaraan: pag-iisip na panalangin. Sa pamamagitan nito ang bata ay naging lalaki sa kanyang espiritu at ang mamâ, matanda na at pagod na, ay nakapagpanumbalik sa isang malakas na pagkalalaki. At may nalalaman ka bang isa pa, na hindi nagiging apostol ay maka-uunlad nang labis, hindi, umunlad na nang labis, dahil sa kanyang natural na kiling sa pagninilay-nilay, na naging isang espirituwal na pangangailangan para sa kanya, dahil siya ay isang kaibigan ni Jesus? Ang iyong kapatid na lalaki.»

«Ang aking Lazarus?... O! Ina! Sa dahilan na marami Kayong nalalaman dahil ipinapakita ito sa Inyong ng Diyos, sabihin Ninyo sa akin, papaano ako tatratuhin ni Lazarus, sa una naming pagkikita? Noon siya ay mapang-alipustang tahimik. Ngunit ginawa niya iyon sapagkat ayaw kong tiisin ang ako’y pinupuna. Ako ay naging napakalupit sa aking kapatid na lalaki at kapatid na babae… Ngayon nababatid ko na ito. Ngayon na nalalaman na niya na siya ay makapagsasalita na, ano ang kanyang sasabihin sa akin? Ako ay natatakot sa kanyang prangkong paninita. O! tiyak na paaalalahanan niya ako ng lahat ng kapighatian na ako ang may kagagawan. Ibig kong lumipad kay Lazarus. Ngunit natatakot ako sa kanya. Madalas akong pumunta roon, at hindi ni ang mga alaala ng aking patay na ina, ang kanyang mga luha, na mainit pa sa mga bagay na kayang ginamit, mga luha na kanyang iniluha para sa akin, sa pamamagitan ng aking pagkakamali, ang makapagbalisa sa akin. Ang aking puso noon ay mapangutya, walang hiya, bingi sa bawat tinig, maliban sa “kasamaan”. Ngunit ngayon wala na ako ng malupit na lakas ng Kasamaan at ako ay nanginginig… Ano ang gagawin ni Lazarus sa akin?»

«Ibubuka niya ang kanyang mga kamay sa iyo at tatawagin ka niya, mas ng kanyang puso kaysa ng kanyang mga labì “aking mahal na kapatid”. Siya ay labis-na-labis na naporma sa Diyos upang siya ay bagkus makakakilos ng ganyan. Huwag kang matakot. Hindi siya magsasalita kahit isang salita tungkol sa iyong nakaraan. Iyan ay tanging ganyan lamang katulad sa Aking nakikita sa kanya, siya ay naroroon sa Bethany at ang kanyang mga araw ng paghihintay ay napakatagal para sa kanya, upang yakapin ka sa kanyang puso, upang papagsawain ang kanyang mapagkapatid na pagmamahal. Ang tanging iyong gagawin ay ang mahalin siya katulad ng pagmahal niya sa iyo upang kalugdan ang kasayahan ng pagiging ipinanganak ng iisang sinapupunan.»

«Mamahalin ko siya kahit na kung pagalitan niya ako. Karapat-dapat ako nito.»

«Ngunit ikaw ay mamahalin lamang niya, Wala nang iba pa.»

Sinamahan nila sina Juan at Simon na pinag-uusapan ang kanilang mga paglalakbay sa hinaharap at tumayong mapagpitagan nang ang Ina ng Panginoon ay dumating.

«Kami ay nagpunta rin dito upang papurihan ang Panginoon para sa magandang mga gawa ng Kanyang paglilikha.»

«Nakita na ba Ninyo kahit kailanman ang dagat, Inay?»

«O! Nakita Ko na. At bagama't noon ay mabagyo, iyon ay mas hindi balisa kaysa sa Aking puso, at hindi masyadong mapait kaysa sa Aking mga luha, ang Ako ay tumatakas sa tabi ng dalampasigan mula sa Gaza patungong Pulang Dagat, na ang Aking Anak nasa Aking mga bisig, at ang takot tungkol kay Herodes nasa likuran Ko. At nakita Ko iyan sa aming pagbabalik. At noon ay tagsibol kapwa sa lupa at sa Aking puso. Ang tagsibol ng aming pagbabalik. At si Jesus ay ipinalakpak ang Kanyang maliit na kamay, masayang katulad Niya nakakakita ng bagong mga bagay… At si Jose at Ako ay masaya rin, sa kabila na ang kabaitan ng Panginoon ay ginawang hindi masyadong mahirap ang aming pagkapatapon sa Matharea, sa sanlibong mga pamamaraan.»

At ang kanilang paguusap ay nagpapatuloy hanggang hindi na ako makakita o makarinig.

060511 

 



Sunod na kabanata