247. Sa Bethlehem sa Galilee.

Agosto 9, 1945.

Gabi na nang marating nila ang Bethlehem sa Galilee. Kitang-kita na ito ang kapalaran ng mga bayan na may parehong pangalan na mapalatag sa alun-alon ng mga burol, natatakpan ng berde, mga kakahuyan, mga parang kung saan ang mga kawan ay nanginginain, bumababa sa mga kural sa gabi. Ang kalangitan ay mapula pa pagkatapos ng maluwalhating paglubog ng araw, na katatapos pa lamang, at ang ere ay puno ng mga pastoral na mga awit ng mga kampanilya at ng nanginginig na mga paghuni, na sinasamahan ng masayang pagsisigawan ng mga bata at ng mga tinig ng mga ina tinatawag sila.

«Judas ni Simon, sumama ka kay Simon at maghanap ng matutuluyan para sa atin at para sa mga kababaihan. May paupahang matutuluyan sa sentro ng nayon at tatagpuin namin kayo roon.»

Habang si Judas at si Simon ay isinasagawa ang utos, si Jesus ay bumaling sa Kanyang Ina at nagsabi: «Sa pagkakataong ito hindi ito magiging katulad ng isa pang Bethlehem. Makakakita Kayo ng mapagpapahingahan, Inay. Kakaunting mga tao ang gumagala sa panahong ito ng taon at ngayon ay walang edikto.»

«Sa panahong ito ay maganda rin matulog sa mga parang o kasama ng mga pastol na ito at ng maliliit na tupa» at si Maria ay ngumingiti sa Kanyang Anak at sa ilang maliliit na pastol na mga tumititig sa Kanya nang may pag-uusyuso.

Siya ay ngumingiti sa isang pamamaraan na ang isa sa kanila ay siniko ang isa pa at bumulong sa kanya: «Maaaring ito ay Siya» at siya ay lumapit, nakatitiyak sa sarili, nagsasabing: «Aba Ginoong Maria, napupuno ng grasya. Ang Panginoon ba ay Inyong kasama?»

Si Maria ay tumugon na may mas lalo pang matamis na ngiti: «Ayon ang Panginoon» at itinuturo Niya si Jesus, Na tumalikod upang magsalita sa Kanyang mga pinsan, sinasabihan sila na magbigay ng mga limos sa mahihirap na lumalapit sa kanila na may mapanimdim na mga kahilingan. At si Maria ay hinipo nang malumanay ang Kanyang Anak nagsasabi sa Kanya: «Anak, ang maliliit na pastol na ito ay hinahanap Ka at nakilala nila Ako. Hindi Ko alam kung papaano…»

«Si Isaac ay maaaring napunta rito at nag-iwan ng pabango ng pagbubunyag. Bata, halika rito.»

Ang maliit na pastol, isang maliit na morenong bata, mga labindalawa o labing-apat na taong gulang, malakas subalit payat, na may napakaitim na maningning na mga mata, at isang balumbon ng maitim na buhok, nakabalabal ng balat ng tupa – at siya sa akin ay tila isang batang kopya ng Precursor – ay nilalapitan si Jesus ngumingiting masaya, na tila siya ay nararahuyo.

«Kapayapaan sa iyo, bata. Papaano mo nakilala ang Aking Ina?»

«Sapagkat tanging ang Ina lamang ng Tagapagligtas ang maaaring magkaroon ng gayong ngiti at hitsura. Ako ay sinabihan: “Ang hitsura ng isang anghel, mga matang katulad ng mga bituin at isang ngiti na mas matamis pa kaysa sa halik ng isang ina, kasing tamis ng Kanyang pangalan, na ito ay Maria, napakabanal upang makayuyuko sa bagong-panganak na Diyos”. Iyan ang aking nakita sa Kanya at binati ko Siya sapagkat hinahanap ko Kayo. Kami ay naghahanap para sa Inyo, Panginoon, at… hindi ako naglakas loob na batiin Kayong una.»

«Sino ang nagsalita sa inyo tungkol sa Amin?»

«Si Isaac, mula sa isa pang Bethlehem, at siya ay nangako na dadalhin niya kami sa Inyo sa taglagas.»

«Si Isaac ba ay napapunta rito?»

«Siya ay naririto pa sa lugar na ito kasama ang maraming mga disipulo. At siya ay nagsalita sa amin mga pastol. At kami ay naniwala sa kanyang mga salita, Panginoon: pahintulutan Ninyo kami na sambahin Kayo katulad ng ginawa ng aming mga kasamahan nang banal na gabing iyon» at habang lumuluhod siya sa alikabok ng daan, siya ay bumanggit ng isang sigaw sa iba pang mga pastol na pinatigil ang kanilang mga kawan sa geyt ng bayan (geyt masabi lang, sapagkat ito ay hindi may-pader na bayan), kung saan doon din tumigil si Jesus, naghihintay sa mga kababaihan upang pasukin ang bayan nang magkakasama.

Ang maliit na pastol ay sumisigaw: «Ama, mga kapatid at mga kaibigan, natagpuan namin ang Panginoon. Halikayo at sambahin Siya.»

At ang mga pastol ay dumating nagsisiksikan kasama ang kanilang mga kawan sa paligid ni Jesus at pinakikiusapan nila Siya na huwag pumunta sa iba pang lugar bagkus tanggapin ang kanilang abang bahay, na hindi kalayuan, bilang Kanya Mismong tirahan at ng Kanyang mga kaibigan. «Iyon ay isang maluwang na kural» nagpapaliwanag sila «sapagkat ang Diyos ay pinoprotektahan sila at doon ay may mga silid at mga beranda puno ng mabangong mga dayami. Ang mga silid ay para kay Inay at sa Kanyang mga kapatid na babae, sapagkat sila ay mga babae. Ngunit mayroon din isa para sa Inyo. Ang iba pa ay makatutulog kasama namin sa mga beranda, sa mga dayami.»

«Ako ay mananatiling kasama rin ninyo. At ako ay makapagpapahingang mas maganda pa kaysa kung Ako ay matutulog sa silid ng isang hari. Ngunit lumakad tayo at sabihan sina Judas at Simon muna.»

«Ako ang lalakad, Guro» sabi ni Pedro at siya ay umalis kasama si Santiago ni Zebedeo.

Sila ay tumigil sa tabi ng daan hinihintay ang pagbalik ng apat na apostol.

Ang mga pastol ay tinitingnan si Jesus na tila Siya ay Diyos na sa Kanyang kaluwalhatian. Ang mga mas bata ay totoong nasisiyahan at tila sila ay humihiling upang maitanim sa kanilang mga isipan ang bawat detalye tungkol kay Jesus at Maria, Na yumuko na upang haplusin ang ilang mga tupa, na mga ikinukuskos ang kanilang mga ulo sa mga tuhod ni Maria at humuhuni.

«May isa noon, sa bahay ng Aking kamag-anak na si Elizabeth, na madalas dilaan ang Aking mga tirintas sa tuwing nakikita Ako. Tinawag Ko iyon na “kaibigan”, sapagkat iyon ay Aking kaibigan, katulad-na-katulad ng isang bata, at pumupunta iyon sa Akin sa tuwing magagawa ito nito. Ang isang ito ay nagpapaalaala sa Akin tungkol doon na may mga mata niyon na magkaiba ng kulay. Huwag ninyong patayin ito! Ang iba rin ay pinahintulutan na mabuhay dahil sa pagmamahal niyon sa Akin.»

«Iyan ay isang inahin na tupa Babae, at ipagbibili sana namin iyan, dahil sa magkaibang kulay ng mga mata nito at sa palagay ko napakahinang makakita ang isa sa kanila. Ngunit pananatilihin namin iyan kung ibig Ninyo.»

«O! oo! Ayaw Kong patayin ang kahit alin na maliliit na tupa… Sila ay napakainosente at sa pamamagitan ng kanilang katulad-ng-bata na mga tinig tila tinatawag nila ang kanilang mga ina. Maiisip Ko na pumapatay Ako ng isang sanggol kung kailangan Kong pumatay ng isa sa mga ito.»

«Ngunit, Babae, kung ang lahat na mga kordero ay kailangang mabuhay, mawawalan tayo ng silid para sa atin sa lupa» sabi ng pinakamatandang pastol.

«Alam Ko. Ngunit iniisip Ko ang kanilang kirot, at ng kirot ng kanilang mga ina. Sila ay labis na umiiyak kapag ang kanilang maliliit na tupa ay kinukuha mula sa kanila. Kamukha nila ang tunay na mga ina, katulad namin. Hindi Ko matiis na makita ang sinuman na naghihirap, bagkus pinupunit nito ang Aking puso na makita ang isang ina na pinahihirapan. Iyan ay ibang kapighatian kahit sa alin pang iba, sapagkat ang gulat para sa pagkawala ng isang anak ay pinupunit hindi lamang ang aming mga puso at mga utak, bagkus ang aming pinaka-sinapupunan. Kaming mga ina ay laging kaisa sa aming mga anak. At pinipigtal kami nito nang husto, kapag kinukuha sila sa amin.» Si Maria ay hindi na ngumingiti, bagkus mga luha ang nagniningning sa Kanyang mga mata at tinitingnan Niya si Jesus, Na nakikinig sa Kanya at tinitingnan Siya, habang inilalagay Niya ang kanyang kamay sa braso ni Jesus, na tila natatakot Siya na baka kunin sa tabi Niya ang Kanyang Anak.

Ang isang abay na armadong mga lalaki ang dumating mula sa isang maalikabok na daan: anim na mga lalaki kasama ang ilang mga tao na mga sumisigaw. Ang mga pastol ay tiningnan at bumulong ng kung ano sa isa’t isa. Pagkatapos kanilang tiningnan si Maria at si Jesus.

Ang pinakamatanda ay nagsabi: «Kung gayon mabuti na hindi Kayo pumasok sa Bethlehem ngayon.»

«Bakit?»

«Sapagkat ang mga tao na ito, na dumaan patungo sa bayan, ay lumakad upang agawin ang isang anak mula sa kanyang ina.»

«O! Ngunit bakit?»

«Upang patayin siya.»

«O! hindi! Ano ang kanyang nagawa?»

Si Jesus ay nagtatanong din ng ganyang tanong at ang mga apostol ay nag-ipun-ipon upang makapakinig.

«Ang mayaman na si Joel ay natagpuang patay sa daan sa bundok: siya ay pinatay. Siya ay bumabalik mula sa Sicaminon na may dalang malaking pera. Ngunit siya ay hindi pinatay ng mga mandarambong sa daan, sapagkat ang pera ay naroroon pa rin. Ang katulong, na sumasama sa kanya, ay nagsabi na ang kanyang panginoon ay nagsabi sa kanya na mauna na at sabihan ang mga kamag-anak tungkol sa kanilang pagbalik, at sa daan nakita niya ang binata, na kanila na ngayong papatayin, patungo sa lugar kung saan ang lalaki ay napatay. At dalawang lalaki ng bayan ay ngayon nanunumpa na nakita nila ang binata na nilusob si Joel. Ang mga kamag-anak ngayon ni Joel ay hinihingi ang kanyang kamatayan. At kung siya ay mamamatay tao…»

«Hindi ba ninyo iniisip na siya nga?»

«Hindi sa palagay ko posible ito. Ang binata ay matanda lamang nang kaunti sa isang bata, siya ay mabuti, at laging kasama ang kanyang ina, sa dahilan na siya lamang ang kanyang tanging anak at siya ay isang balo at isang banal na namumuhay na tao. Siya ay may kaya. Hindi siya nag-aabala sa mga babae. Siya ay hindi palaaway o tanga. Kung gayon bakit siya papatay?»

«Baka siya ay may ilang mga kaaway.»

«Sino? Si Joel, ang pinatay na lalaki, o si Abel, ang inaakusahan?»

«Ang huli.»

«Ah! Hindi ko malalaman… Ngunit… Hindi, hindi ko malalaman.»

«Maging prangko, mamâ.»

«Panginoon, iyan ang isang bagay na aking pinag-iisipan, at si Isaac ay nagsabi sa amin na hindi kami kailangan na mag-isip ng masama tungkol sa aming kapwa.»

«Ngunit ang isa ay kailangan na magkaroon ng lakas ng loob na magsalita upang mailigtas ang isang inosenteng tao.»

«Kung ako ay magsalita, tama man o mali ako, kailangan kong umalis dito, sapagkat sina Aser at Jacob ay makapangyarihan.»

«Magsalita nang walang takot. Hindi ka kakailanganin na umalis.»

«Panginoon, ang ina ni Abel ay bata pa, maganda at marunong. Si Aser ay hindi marunong, ni hindi si Jacob. Ang una ay nagugustuhan ang balo at ang huli… ang lahat sa bayan ay nalalaman na ang huli ay natutulog sa kama ni Joel. Sa palagay ko ay…»

«Nakikita Ko. Tayo na, Aking mga kaibigan. Kayong mga kababaihan ay manatili rito kasama ang mga pastol. Ako ay babalik kaagad.»

Si Jesus ay naglalakad na nang mabilis patungo sa sentro ng bayan. Ang mga pastol ay hindi matiyak kung ano ang kanilang gagawin, ngunit iniwan nila ang mga kawan sa mga batang pastol, na mananatili kasama ang mga kababaihan, maliban sa Banal na Birhen at kay Maria ni Alfeo, na sumunod kay Jesus at sila ay lumakad upang tagpuin ang apostoladong grupo.

Sa ikatlong kalsada tinatawid ang pangunahing daan sa Bethlehem nasalubong nila ang Iskariote, si Simon, si Pedro at si Santiago, na paparating patungo sa kanila pakaway-kaway at sumisigaw.

«Anong teribleng bagay, Guro! At gaano kasakit!» bulalas ni Pedro na ganap na nababalisa.

«Isang anak na lalaki inagaw sa kanyang ina upang patayin, at ipinagtatanggol niya siya katulad ng isang ayena. Ngunit siya ay isang babae laban sa mga armadong kalalakihan» dagdag ni Simon Zealot.

«Maraming bahagi ng kanyang katawan ay dumudugo na» sabi ng Iskariote.

«Giniba nila ang kanyang pinto sapagkat siya ay naglagay ng mga harang» hinuha ni Santiago ni Zebedeo.

«Pupuntahan Ko ang ina.»

«O! oo! Kayo lamang ang makapagpapaginhawa sa kanya.»

Sila ay lumiko sa kanan, pagkatapos kaliwa, patungo sa sentro ng bayan. Maaaring makita na ngayon ang nananabik na maligalig na pulutong na sumisiksik sa bahay ni Abel, at ang makabagbag damdamin, mala-halimaw, mabangis, at nakakaawa ding pagsigaw ng isang babae ay maririnig.

Ang babae ay nakikipaghamok pa rin para sa kanyang anak sa mga guwardiya, humahawak ang isang kamay, na isang katulad ng isang pangalmot, sa labí ng ginibang pinto, at sa sinturon ng kanyang anak ang isa pang kamay at kanyang may-kabangisang kinakagat ang sinuman na magtatangkang luwagan ang kanyang hawak, sa kabila ng pinapalo nila siya nang ilang beses at hinihila nang napakalupit ang kanyang buhok upang mapatingala ang kanyang ulo. Kapag hindi siya nangangagat siya ay sumisigaw: «Pabayaan siya! Mga mamamatay tao! Siya ay inosente! Nang gabing mamatay si Joel siya ay nasa higaan katabi ko! Mga mamamatay tao! Mga maninirang-puri! Mga mabahong talipandas!»

At ang binata, na hawak-hawak sa balikat ng mga armadong lalaki at hinihila sa mga braso, ay tumatalikod nahihintakutan at sumisigaw: «Inay, inay! Bakit ako kailangan na mamatay kung wala akong nagawang anuman?»

Siya ay isang matangkad na magandang bata-pang lalaki, na may maitim na malumanay na mga mata, at maitim na alun-alon na buhok. Ang kanyang pinunit na mga damit ay ipinakikita ang mura pang maliksing katawan ng isang kabataan.

Si Jesus sa tulong ng mga sumama sa Kanya, ay ipinipilit ang Kanyang daan sa gitna ng pulutong, na kasing siksik katulad ng bato, at narating ang nakakaawang grupo sa tamang sandali lamang nang ang pagod nang babae ay nailayo mula sa pintuan at hinihila sa mabatong daan, katulad ng isang sako, nakatali sa katawan ng kanyang anak. Ngunit iyon ay tumagal lamang ng ilang mga yarda. Ang isang mas marahas na haltak ay napunit ang kamay ng babae sa pagkakahawak sa sinturon ng batang lalaki at ang babae ay bumagsak lupasay sa lupa hinahampas ang daan sa pamamagitan ng kanyang mukha, na dumurugo nang husto. Ngunit siya ay bumangon sa kanyang mga tuhod, inuunat ang kanyang mga kamay, habang ang kanyang anak, na hinihila na nang mabilis palayo, hanggang sa maipahihintulot ng mga pulutong, dahil bumubukas sila nang may kahirapan, napalaya ang kanyang kaliwang kamay at ikinakaway ito, pumipilipit at sumisigaw: «Inay! Paalam! Alalahanin, kayo man lamang, na ako ay inosente!» Ang babae ay tinitingnan siya na may nakatitig na mga mata, pagkatapos siya ay hinimatay at bumagsak sa lupa.

Si Jesus ay tumigil sa harapan ng mga humahawak. Tumigil nang sandali. Inuutusan Ko kayo!» ang Kanyang hitsura ay walang ipinahihintulot na pagtutol.«Sino Ka?» agresibong tanong ng isang mamamayan na nasa grupo. «Hindi Ka namin kilala. Tumabi at kami ay paraanin upang mapatay sana namin siya bago gumabi.»

«Ako ay isang Rabbi. Ang pinakadakila. Sa ngalan ni Jehovah tigil, kung hindi hahampasin Niya kayo ng kidlat» Pansamantala Siya ay tila hahampas ng kidlat. «Sino ang mga saksi laban sa taong ito?»

«Ako, siya at siya» tugon ng lalaking nagsalita kanina.

«Ang iyong testimonya ay walang bisa sapagkat iyon ay kasinungalingan.»

«Papaano Mo masasabi iyan? Nakahanda kami na panumpaan ito.»

«Ang iyong panunumpa ay isang kasalanan.»

«Kami ay nagkakasala? Tayo ba?»

«Ikaw ang nagkakasala. Katulad sa inaalagaan mo ang iyong kahalayan at ang iyong kapootan, katulad na ikaw ay sakim sa kayamanan, katulad na kayo ay mga mamamatay tao, kung gayon kayo ay mga manloloko rin. Ipinagbili ninyo ang inyong mga sarili sa Dumi. Kayo ay may kakayahan ng kahit anong maruming gawain.»

«Mag-ingat kung papaano Ka magsalita! Ako ay si Aser…»

«At Ako ay si Jesus.»

«Ikaw ay hindi tagarito. Ikaw ay ni hindi isang pari o isang hukom, Ikaw ay wala. Ikaw ay isang banyaga.»

«Oo, Ako ang Banyaga sapagkat ang lupa ay hindi ang Aking Kaharian. Ngunit Ako ay Hukom at Pari. Hindi lamang ng maliit na bahaging ito ng Israel, bagkus ng buong Israel at ng buong mundo.»

«Tayo na! tayo na! Tayo ay nakikipagtalo sa isang baliw na tao» sabi ng isang saksi at itinulak niya si Jesus nang malakas upang mapatabi Siya.

«Hindi ka gagawa ng isa pang hakbang» pagkulog ni Jesus, na ang Kanyang mahestuwosong hitsura ay nakapagpapatigil at nakapagpaparalisa, katulad na ito ay nakapagbibigay ng buhay at lugod kapag ginusto Niya. «Hindi kayo gagawa ng isa pang hakbang. Hindi ninyo pinaniniwalaan ang Aking sinasabi? Bueno, tumingin. Walang alikabok ng Templo rito, o tubig galing doon, ni walang mga salitang isinulat sa pamamagitan ng tinta upang magawang mapait ang tubig, na isang paghuhukom sa paninibugho at pakikiapid¹. Ngunit Ako ay naririto. At Ako ay maggagawad ng paghuhukom.» Ang tinig ni Jesus ay labis na nakapanunuot na ito ay katunog ng isang trumpeta.

Ang mga tao ay nagsiksikan upang makakita. Tanging ang Banal na Birhen at si Maria ni Alfeo lamang ang nanatili upang tulungan ang ina na hinimatay.

«At ito ang Aking hukom. Bigyan Ako ng isang kurot ng alikabok mula sa daan at isang patak ng tubig sa isang banga. At habang ito ay dinadala sa Akin, kayo na nag-aakusa, at ikaw na inakusahan, tumugon sa Akin. Ikaw ba ay inosente, anak? Sabihin itong prangko sa Akin Na iyong Tagapagligtas.»

«Ako ay inosente Panginoon.»

«Aser, maisusumpa mo ba na ikaw ay nagsalita bagkus ng katotohanan?»

«Sinusumpa ko ito. Ako ay walang dahilan na magsinungaling, Isinusumpa ko ito sa altar. Sana bumaba ang apoy mula sa Langit at sunugin ako kung ako ay hindi nagsasabi ng katotohanan.»

«Jacob, maisusumpa mo ba na ikaw ay sinsiro sa pag-aakusa at na walang lihim na motibo na nagtutulak sa iyo na magsinungaling?»

«Isinusumpa ko kay Jehovah. Tanging ang akin lamang pagmamahal para sa pinaslang na kaibigan ang nag-uudyok sa akin na magsalita. Ako ay walang personal na sama ng loob laban sa kanya.»

«At ikaw, katulong, maisusumpa mo ba na nagsabi ka ng katotohanan?»

«Isusumpa ko ito nang sanlibong beses, kung kinakailangan! Aking panginoon, aking kaawa-awang panginoon!» at kanyang tinatakpan ang kanyang ulo sa pamamagitan ng kanyang manta.

«Mabuti. Naririto ang tubig at naririto ang alikabok. At ito ang salita. “Banal na Ama at Kataastaasang Diyos, maggawad ng pasya sa katotohanan sa pamamagitan Ko, upang sana ang buhay at karangalan ay maibigay sa inosenteng tao at sa naghihinagpis na ina, at angkop na kaparusahan sa mga hindi inosente. Ngunit dahil sa grasya, na Aking kinalulugdan sa Inyong mga mata, papangyarihing hindi ang apoy o kamatayan, bagkus isang mahabang pagbabayad-kasalanan ang dumating sa kanila na mga nakagawa ng kasalanan”.»

Binibigkas Niya ang mga salitang ito nakaunat ang Kanyang kamay sa ibabaw ng pitsel, katulad ng ginagawa ng mga pari sa altar, sa loob ng Misa at pag-aalay. Pagkatapos Kanyang inilubog ang Kanyang kanang kamay sa pitsel at sa pamamagitan ng Kanyang basang kamay winiwisikan Niya ang apat na lalaki na hinuhusgahan at ginagawa ang bawat isa na uminom ng isang patak na tubig: una ang bata at pagkatapos ang iba pa. Pagkatapos Kanyang itiniklop ang Kanyang mga braso sa Kanyang dibdib at tinitingnan sila.

Ang mga pulutong din ay tumitingin, ngunit pagkaraan ng kaunting mga sandali sila ay sumigaw at itinapon ang kanilang mga sarili pababa, na ang kanilang mga mukha nasa lupa. Ang apat na kalalakihan pagkatapos, na nakalinya, ay nagkatinginan at sumigaw din: ang bata dala ng pagtataka, ang iba dala ng takot sapagkat nakita nila ang kanilang mga mukha natatakpan ng biglaang ketong, samantalang ang bata ay hindi tinatalaban nito. Ang katulong ay itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus, Na tumabi, katulad ng lahat, kasama ang mga sundalo, at kinukuha ang batang Abel sa kamay inilayo Niya siya, upang hindi siya mahawa malapit sa tatlong ketongin. At ang katulong ay sumigaw: «Hindi! Hindi! Patawarin Ninyo ako! Ako ay isang ketongin! Binayaran nila ako upang antalahin ang aking panginoon hanggang gabi, upang sana mapatay nila siya sa tagong daan. Ginawa nila ako na alisin kong sadya ang sapatos ng mola. Tinuruan nila ako kung papaano magsinungaling magsasabi na ako ay umuna. Sa halip ako ay kasama nila pinapatay siya. At sasabihin ko rin sa Inyo kung bakit nila ginawa iyon. Sapagkat natuklasan ni Joel na si Jacob ay umiibig sa kanyang bata-pang asawa at sapagkat si Aser ay ibig ang ina ng batang ito at tinanggihan siya ng ina. Kung kaya’t gumawa sila ng kasunduan na iligpit si Joel at si Abel nang sabay at pagkatapos magkaroon ng magandang panahon sa mga babae. Nasabi ko sa Inyo ang lahat. Linisin Ninyo ako ng aking ketong! Abel, ikaw ay mabuti, magdasal para sa akin!»

«Abel, pumunta ka sa iyong ina, upang kapag siya ay magising, makita sana niya ang iyong mukha at kung gayon bumalik sa buhay na masaya. At kayo… Kailangan Kong sabihin sa inyo: “Mangyari sa inyo ang inyong ginawa”. At iyan ay magiging makataong hustisya. Ngunit ipinagkakatiwala Ko kayo sa isang sobrenatural na pagbabayag-kasalanan. Ang ketong, na inyong kinamumuhian, ay iniligtas kayo na hulihin at patayin katulad ng nararapat sa inyo. Sambayanan ng Bethlehem, tumabi kayo, magbukas kayo, katulad ng ginawa ng tubig dagat, at pabayaan ang mga taong ito na makapunta sa kanilang mahabang pagkakakulong. Isang nakapanghihilakbot na kaparusahan! Mas nakapanghihilakbot pa kaysa sa biglang kamatayan. Ang dibinong awa ay pinagkalooban sila ng posibilidad na makagawa ng paghuhusto, kung gugustuhin nila. Lakad!»

Ang mga pulutong ay nagsiksikan sa tabi ng mga pader ng mga bahay iniiwan ang gitna ng daan na libre, at ang tatlong lalaki, natatakpan ng ketong na tila sila ay matagal nang may sakit na ketong, ay nagpatungo sa bundok, naglalakad nang magkakasunod, Sa katahimikan ng papalapit na agaw liwanag, kapag ang mga ibon at mga hayop ay nagiging tahimik, tanging ang kanila lamang na mga pag-ungol ang maririnig.

«Padalisayin ang kalsada sa pamamagitan ng maraming tubig, pagkatapos na sindihan ng mga apoy iyan. At kayo, mga sundalo, lumakad at iulat na ang hustisya ay naigawad na ayon sa pinakaperpektong Batas ni Moses.» At si Jesus ay magpapatungo na kung saan ang Kanyang Ina at si Maria ni Clopas ay tinutulungan pa ang babae na nanunumbalik na sa sarili nang unti-unti, habang ang kanyang anak ay hinahaplos at hinahalikan ang malalamig na kamay ng kanyang ina.

Ngunit ang sambayanan ng Bethlehem na may halos nahintakutan na respeto ay pinakikiusapan Siya: «Magsalita sa amin, Panginoon. Kayo ay totoong makapangyarihan. Kayo ay tiyak ang Isa Na binanggit ng isang lalaki na pumunta rito ibinabalita ang Mesiyas.»

«Ako ay magsasalita sa inyo ngayong gabi, malapit sa kural ng mga pastol. Ako ay lalakad na upang paginhawahan ang ina ni Abel.»

At Siya ay pumunta sa babae, na nakaupo sa lapi ni Maria ni Alfeo at nakapanunumbalik na sa kanyang ulirat. Tinitingnan niya ang nagmamahal na mukha ng Ating Ginang Na ngumingiti sa kanya, ngunit walang siyang ganap na nalalaman tungkol sa sitwasyon hanggang ang kanyang mga mata ay napapunta sa may maitim na buhok na ulo ng kanyang anak nakayuko sa nanginginig niyang mga kamay, at siya ay nagtanong: «Ako ba ay patay na rin? Ito ba ang Limbo?»

«Hindi, babae. Ito ay ang Lupa. Ito ay ang iyong anak nailigtas mula sa kamatayan. At ito ay si Jesus, ang Aking Anak, ang Tagapagligtas.»

Ang unang reaksiyon ng babae ay simpleng pantao. Pinalakas niya ang kanyang sarili at sumandal papaharap upang kunin ang nakayukong ulo ng kanyang anak sa kanyang mga kamay, nakikita niya na siya ay ligtas at maayos, hinahalikan niya siya nang husto, umiiyak, tumatawa, inuulit ang lahat na posibleng alagang mga pangalan upang maisaad ang kanyang lugod.

«Oo, inay, oo. Ngunit ngayon tumingin, hindi sa akin, sa Kanya, sa Kanya Na nagligtas sa akin. Pagpalain ang Panginoon.»

Ang babae, napakahina pa rin upang makatayo o makaluhod, iniunat ang kanyang nanginginig na dumurugong mga kamay at kinukuha ang kamay ni Jesus hinahalikan at binabasa ito ng mga luha.

Si Jesus ay inilalapat ang Kanyang kaliwang kamay sa kanyang ulo nagsasabi sa kanya: «Maging masaya. Sa kapayapaan. At maging laging mabuti. At ikaw din, Abel.»

«Hindi, aking Panginoon. Ang buhay ng aking anak at ang akin ay sa Inyo, sapagkat niligtas Ninyo ang mga ito. Payagan siyang sumama sa Inyong mga disipulo, katulad ng matagal na niyang ginugusto, mula ng sila ay mapunta rito. Inaalay ko siya sa Inyo nang may labis na lugod at nakikiusap ako sa Inyo na pahintulutan ako na sundan ko siya, upang paglingkuran siya at ang mga lingkod ng Diyos.»

«At papaano ang iyong bahay?»

«O! Panginoon! Ang isa bang bumangon mula sa kamatayan ay may pareho pa ring mga damdamin katulad ng bago siya mamatay? Si Myrtha ay nakabalik mula sa kamatayan at nakalabas sa impiyerno sa pamamagitan Ninyo. Sa bayan na ito baka mapunta pa ako hanggang sa kapootan ang mga nagpahirap sa akin sa pamamagitan ng aking anak. At Kayo ay nagtuturo ng pagmamahal. Alam ko. Kung gayon hayaan ang kaawa-awang Myrtha na mahalin ang Tanging Isa Na karapat-dapat ng pagmamahal, at hayaan siyang mahalin niya ang Kanyang misyon at ang Kanyang mga katulong. Ngayon lang ako ay pagod at hindi ko magagawang sundan Kayo. Ngunit pahintulutan ako, aking Panginoon, na gawin iyan kaagad kapag ako ay malakas na. Susundan ko Kayo at makakasama ang aking Abel…»

«Susundan mo ang iyong anak at Ako. Maging masaya at sa kapayapaan ngayon. Kasama ang Aking kapayapaan. Paalam.

… Ang isang siga ay nagpapaliwanag sa pulong. Maraming tao ang mga nakaupo nang pabilog ang naghihintay para kay Jesus na dumating at magsalita sa kanila. Pansamantala sila ay pinag-uusapan ang tungkol sa mga nangyari nang araw. Si Abel ay naroroon din at marami ang bumabati sa kanya nagsasabing ang lahat ay naniwala sa kanyang inosensiya.

Ang binata ay hindi makaiwas bagkus ang tumugon ng: «Ngunit nakahanda pa rin kayo na patayin ako! Kahit na kayo, na mga bumati sa akin sa may pintuan ng aking bahay, sa pinaka-oras nang si Joel ay pinatay» At dinagdag niya: «Ngunit pinatatawad ko kayo sa ngalan ni Jesus.»

Si Jesus ay ngayon parating na mula sa kural patungo sa kanila: matangkad, nakakápa ng puti, napaliligiran ng mga apostol, sinusundan ng mga pastol at ng mga kababaihan.

«Kapayapaan sa inyong lahat.

Kung ang Aking pagkapunta rito ay nakapagsilbi upang maitatag ang Kaharian ng Diyos sa pagitan ninyo, pagpalain ang Panginoon. Kung ang Aking pagkapunta rito nakapagsilbi upang gawin ang inosensiya na magningning, pagpalain ang Panginoon. Kung ang Aking pagkapunta rito sa tamang oras upang napigilan ang isang krimen ay nakapagsisilbi rin sa pakay na mabigyan ang tatlong nagkasala ng posibilidad na matubos ang kanilang mga sarili mismo, pagpalain ang Panginoon. Sa lahat na maraming mga bagay na ang araw na ito ay ginawa tayong magnilay-nilay, at ating pagninilay-nilayan habang ang gabi ay bumababa upang balutin sa kadiliman nito ang lugod ng dalawang puso at ang pagsisisi ng tatlo pang iba – at sa kadiliman nito itinatago nito, katulad sa loob ng isang basal na belo, ang malugod na mga luha ng una at ang mapapait na luha ng huli, na, bagaman nakikita ng Diyos – may isang bagay na nagpapakita na walang kahit na ano ang walang-pakinabang sa kung ano ang ibinigay ng Diyos bilang Kanyang Batas.

Ang Batas na ibinigay ng Diyos, sa pangalan, ay istriktong pinaiiral sa Israel. Ngunit sa katunayang pangyayari ay hindi. Ang Batas ay sinusuri, binibiyak, tinatadtad hanggang sa abot na nagagawa ito na mamatay sa pamamagitan ng pagpapahirap ng walang-kabuluhang pagpapaliguy-ligoy. Ngunit katulad ng isang katawan na ginawang momya na walang buhay, walang paghinga at walang pag-ikot ng dugo, sa kabila na ito ay nagmumukhang isang katawan na walang galaw sapagkat mahimbing na tulog, kung kaya’t ang Batas ay walang buhay, walang paghinga, walang dugo sa napakaraming mga puso. Ang isa ay makauupo sa ibabaw ng isang momya katulad sa isang bangkito. Ang isa ay makapagpapatong ng mga bagay sa isang momya, katulad ng mga damit, kahit pa dui, kung gugustuhin ng isa, at ang momya ay hindi magrerebelde, sapagkat ito ay walang buhay. gayon din naman maraming tao na ginagawang bangkito ang Batas, isang lugar kung saan makapagpapatong ng mga bagay o pakawalan ang kanilang dumi, nakatitiyak na hindi ito magrerebelde sa kanilang mga konsiyensya, na mga patay na.

Maikukumpara Ko ang malaking bahagi ng Israel sa nanigas na mga kakahuyan na makikita ng isa na nakakalat sa lambak ng Nilo at sa disyerto ng Ehipto. Sila noon ay mga kakahuyan, mga kakahuyan ng mga buháy na mga punungkahoy, sinusustenahan na may katas, kumakaluskos sa hangin, may magagandang dahon, mga bulaklak at mga prutas. Ginawa nila ang lugar kung saan sila sumulpot na isang maliit na makalupang paraiso, mahal sa tao at sa mga hayop, na nakalimot tungkol sa katigangan ng disyerto, sa nanununog na pagkauhaw na nagagawa ng buhangin sa tao, nilalagos ang kanyang lalamunan ng umaapoy na alikabok. Nakalimutan nila ang walang-awang araw na nagpapatigas sa mga patay sa loob ng maikling panahon, inaalis ang kanilang mga laman at ginagawa itong alikabok, iniiwan ang malilinis na kalansay na nakaunat sa buhangin, napakalinis upang ito ay magmukhang tila pinakintab ng isang matiyagang manggagawa. Nakakalimutan nila ang lahat sa loob ng berdeng kumakaluskos na mga lilim, mayaman sa tubig at prutas, na nakapagpapanibago at nakapagpapaginhawa sa kanila at nagbibigay sa kanila ng enerhiya para sa bagong mga paglalakbay.

Pagkatapos, para sa di-malamang dahilan, katulad ng mga isinumpang bagay, sila ay natuyo katulad ng mga punungkahoy na, pagkatapos mamatay, ay napakikinabangan pa rin sa pagpadikit ng apoy para sa tao, o mga siga upang maliwanagan ang gabi para sa mga peregrino malayo sa kanilang mga bahay. Ngunit ang mga iyon ay hindi nagsilbing mga pangkatong. Sila ay naging mga bato. Ang silica ng lupa ay tila nakaakyat mula sa mga ugat patungo sa katawan, sa mga sanga at mga dahon, na naging katulad ng mga alabastro, na matitigas at kasabay na malalambot din. Ngunit ang mas matitibay na mga sanga ay naroroon pa rin, sa malakas na mga katawan, upang maloko ang pagod na mga karabana. Sa katunayan sa nakasisilaw na repleksiyon ng araw o sa mala-multong sinag ng buwan, ang mga karabana ay nakikita ang mga anino ng tuwid na mga katawan ng punungkahoy na nangingibabaw sa mga talampas o sa ilalim ng mga lambak, na nakatatanggap ng tubig lamang sa panahon ng masaganang pagbaha, at sila ay magmamadali patungo sa guniguning mga kakahuyan, kapwa dahil ibig nilang makakita ng masisilungan, pampalamig, tubig at sariwang prutas, at dahil ang kanilang pagod na mga mata ay nasisilaw ng araw na sumisinag sa walang lilim na buhangin. Ang mga guniguning ito! Mapanlinlang na mga larawan ng buháy na mga katawan. Totoong presensya ng patay na mga bagay.

Nakita Ko sila. bagama't Ako ay matanda lamang nang kaunti sa isang sanggol, naaalaala Ko sila bilang ang isa sa pinakamalulungkot na bagay sa Lupa. Ganyan sila lumalabas sa Akin, hanggang nahipo Ko, naranasan Ko, at napagtimbang-timbang ang kalahatan ng malulungkot na bagay ng Lupa, sapagkat sila ay ganap na patay na mga bagay. Di-materyal na mga bagay, ibig sabihin patay na mga birtud at patay na mga kaluluwa. Ang una ay patay sa mga kaluluwa, ang huli ay patay dahil pinatay nila ang kanilang mga sarili.

Naririyan ang Batas sa Israel. Ngunit iyan ay naririyan katulad ng mga naging-batong mga punungkahoy sa disyerto na naging silica, kamatayan, pandaraya. Sila ang mga bagay na nakatalagang maluluma na walang anumang pakinabang. Hindi, sila ay makasásamâ, sapagkat lumilikha sila ng mga mala-tubig na panginorin na nang-aakit sa mga tao inililigaw sila mula sa tunay na mga oasis at kung gayon nagagawa sila na mamatay sa uhaw, gutom at kapanglawan. Sla ay kamatayan, kinukuha ang pansin ng iba sa kamatayan, katulad ng ating nababasa sa ilan na mga kuwento ng paganong mga alamat.

Nagkaroon kayo ng halimbawa ngayong araw ng tungkol sa kung ano ang Batas kapag ito ay ginawang bato sa loob ng isang kaluluwa na naging bato rin. Iyan ay lahat ng klaseng kasalanan at ang dahilan ng kamalasan. Harinawang magsilbi ito sa inyo na matuto kayo kung papaano mamuhay at gawing mabuhay sa loob ninyo ang Batas, sa integridad nito, na Aking napaliwanagan sa pamamagitan ng liwanag ng awa.

Ngayon ay kalaliman na ng gabi. Ang mga bituin ay nakatingin pababa sa atin at ang Diyos ay nakatingin din nang pababa sa atin. At na hindi pinipintasan ang di-masasayang tao na pinarusahan na ng Diyos, at walang kahit na anong pagmamalaki ng pagiging malaya sa gayong mga kasalanan, mangako sa Diyos at sa inyong mga sarili na hindi kayo mahuhulog sa katigangan ng isinumpang mga punungkahoy sa mga disyerto ng Ehipto at mga lambak.

Kapayapaan sa inyo.»

pinagpapalà Niya sila at pagkatapos Siya ay umalis patungo sa maluwang na bakuran ng kural, napaliligiran ng pangkabukirang mga beranda sa ilalim kung saan ang mga pastol ay nagkalat ng maraming dayami bilang mga higaan para sa mga katulong ng Panginoon.

 


¹Para sa detalye ng lumang ritwal ng Hudyo, tingnan Mga Bilang 5, 11-31.



Sunod na kabanata