249. Si Jesus Nákatagpo ang mga Disipulo sa Sicaminon.

Agosto 11, 1945.

Sa pampang ng malalim na agos ng tubig natagpuan ni Jesus si Isaac kasama ang maraming kilala at di-kilalang mga disipulo. Sa mga kilala na ay naroon: ang pangulo ng sinagoga ng Clear Water, si Timoneus; si Jose ng Emmaus, ang isang inakusahan ng insesto; ang binata na hindi naglibing sa kanyang ama upang sundan si Jesus; si Stephen; si Abel, ang ketongin na pinagaling sa Korazim kasama ang kanyang kaibigan na si Samuel; si Solomon, ang mágbabalsa ng Jerico, at marami pang iba, na kilala ko, ngunit hindi ko maalaala nang kahit kaunti kung saan ko nakita sila o ang kanilang mga pangalan. Maraming mga mukha ang totoong kilala ko, ngunit bilang mga mukha lamang ng mga disipulo. At may iba pang mga tao na naibalik sa Diyos ni Isaac o ng mga nabanggit na mga disipulo at sila ay sumusunod sa pinakagrupo umaasang matatagpuan si Jesus.

Ang kanilang pagkikita ay magiliw, malugod at mapaggalang. Ang mga mata ni Isaac ay sumisinag sa lugod, nang tinitingnan niya ang Guro at ipinakikita niya ang kanyang bagong kawan at bilang isang gantimpala hiningi niya kay Jesus na magsalita ng ilang mga salita sa kanyang mga tao.

«May alam ka bang kahit anong lugar na tahimik kung saan tayo ay maaaring mag-ipun-ipon?»

 «Sa katapusan ng pulilan ay may isang disyertong baybayin, na may ilan na mga barungbarong ng mga mangingisda, na walang laman sa panahong ito ng taon sapagkat ang mga iyon ay hindi malinis at dahil din na ang panahon ng pangingisda ng mga isdang aasnan ay tapos na at ang mga mangingisda ay pumunta sa Syro-Phoenician upang manlakaya ng mga kabibing murex. Marami sa kanila ang naniniwala na sa Inyo sapagkat napakinggan nila Kayo na nagsalita sa mga bayan sa may dagat o dahil nakatagpo sila ng mga disipulo, at ibinigay nila sa amin ang maliliit na bahay upang makapagpahinga roon. Pumupuna kami roon pagkatapos ng isang misyon. Sapagkat marami ang kailangan na gawin sa lugar na iyon. Iyon ay lubos na naparumi ng napakaraming mga bagay. Ibig kong pumunta sa kasing layo ng Syro-Phoenician, at magagawa ko iyan sa pamamagitan ng dagat, sapagkat ang dalampasigan ay sinusunog ng araw at imposibleng pumunta roon nang naglalakad. At ako ay isang pastol, hindi isang mandaragat, at sa pagitan ng aking mga tao wala ni isa na makapanlalayag.»

Si Jesus, Na nakikinig nang maasikaso, ngumingiting bahagya, itinutungo ang Kanyang ulo nang kaunti, dahil Siya ay napakataas kompara sa maliit na pastol na, katulad ng isang sundalo, nag-uulat ng tungkol lahat sa kanyang heneral, ay tumugon: «Ang Diyos ay tinutulungan ka dahil sa iyong kababaang-loob. Kung Ako ay kilala rito ito ay dahil sa iyo, Aking disipulo, at hindi dahil sa sino pa mang iba. Tatanungin na natin ngayon ang mga lalaki ng lawa kung sa akala nila malalayag nila ang dagat, at kung posible, tayo ay pupunta sa Syro-Phoenician.» At Siya ay tumalikod hinahanap sina Pedro, Andres, Santiago at si Juan, na nagsasalitang pakaway-kaway sa ilang mga disipulo, habang si Judas ay mainit na binabati si Stephen, at ang Zealot, si Bartolomeo at si Felipe ay malapit sa mga kababaihan. At iba pang apat ay kasama ni Jesus.

Ang apat na mangingisda ay dumating kaagad. «Ginaganahan ba Kayong maglayag sa dagat?» tanong ni Jesus.

Ang apat ay nagkatinginan nang nagtataka. Si Pedro ay kinukusot ang kanyang buhok habang iniisip ang tungkol sa bagay. Pagkatapos siya ay nagtanong: «Ngunit saan? Sa laot? Kami ay mga isdang tabang…»

«Hindi, sa tabi ng baybayin, hanggang sa layo ng Sidon.»

«H’m! Sa palagay ko maaaring gawin iyan. Anong masasabi ninyo?»

«Sa palagay ko rin. Dagat o lawa, iyan ay gayon pa rin: tubig» sabi ni Santiago.

«Hindi: mas magiging maganda pa iyan at mas madali» bulalas ni Juan.

«Hindi ko alam kung papaano mo nasasabi iyan» tugon ng kanyang kapatid.

«Iyan ay ang kanyang kagiliwan para sa dagat. Siya na nagmamahal sa isang bagay, nakikita ang lahat na perpeksiyon sa bagay na iyan. Kung umibig ka sa isang babae nang ganyan, ikaw ay magiging perpektong asawa» sabi ni Pedro nagbibiro inuuga siya nang may paggiliw.

«Hindi, sinasabi nang ganyang sapagkat sa Ashkelon nakita ko na ang mga pagmamanyobra ay ganoon din at ang pamamangka ay napakasuwabe» tugon ni Juan.

«Bueno, tayo na, kung gayon!» bulalas ni Pedro.

«Ngunit, mas mabuti na na may kasama ng isang tagarito. Wala tayong karanasan sa lugar na ito at ang hitsura ng kalaliman nito» wika ni Santiago.

«O! Ni hindi ko iisipin ang tungkol diyan. Kasama natin si Jesus! Noon hindi pa ako nakatitiyak, ngunit pagkatapos na pakalmahin Niya ang lawa! Tayo na sa Sidon kasama ang Guro. Baka may ilang mabuti na kailangang gawin doon» sabi ni Andres.

«Bueno, tayo ay pupunta. Kukunin ninyo ang mga bangka bukas. Sabihan si Judas ni Simon na ibigay sa inyo ang lukbutan.»

At ang lahat ay nagsama-sama, ang mga apostol at mga disipulo – at hindi na kailangang sabihin kung gaano kasaya ang marami, lalo na ang mga kilalang-kilala na kay Jesus – bumalik sila sa kanilang dinaanan patungo sa bayan, at naglakad paikot sa mga panabi, hanggang sa marating nila ang dulo ng pulilan, na nakausli patungo sa dagat katulad ng nakakilong braso. Ang ilang maliliit na bahay doon, nakakalat sa makitid na mabatong baybayin, ay nangangatawan sa pinakadukha at nabawasan sa bilang na ikapat na bahagi ng bayan, na pinaninirahan lamang nang panaka-naka.

Ang mga pader ng maliliit na hugis-kubiko na mga bahay ay naubos na ng alat at edad at lahat ito ay nakasarado. Nang binuksan ito ng mga disipulo, naipakita nito ang kulay-usok na paghihirap at ang pinaka-esensiyal na mga kagamitan.

«Naririto ang mga ito. Ito ay hindi maganda, ngunit malinis at komportable» sabi ni Isaac, na siyang nagmamaybahay sa mga ito.

«Ang abang mga bagay ay tiyak na hindi magaganda. Ang Clear Water ay isang  makaharing palasyo sa pagkumpara. At may mga ilan na nagreklamo!...» bulong ni Pedro.

«Ngunit ang mga ito ay tunay na kayamanan para sa amin.»

«Siyempre! Ang pinaka-importanteng bagay ay ang magkaroon ng isang bubungan sa iyong ulo at ang magmahalan sa isa’t isa, O! tingnan, naririyan ang aming Juan! Kumusta ka? Nasaan ka?»

Ngunit si Juan ng Endor, bagama't ngumingiti kay Pedro, ay tumakbo upang batiin si Jesus Na tumugon sa kanya sa pamamagitan ng napakamay-kabaitan ng mga salita.

«Hindi ko siya pinasama sapagkat hindi mabuti ang kanyang pakiramdam… Mas ginusto kong manatili siya rito. Napakagaling niya sa mga mamamayan at sa mga nagtatanong ng impormasyon tungkol sa Mesiyas…» sabi ni Isaac.

Ang mamâ na galing sa Endor sa katotohanan ay mas payat kaysa dati. Ngunit ang kanyang hitsura ay mapayapa. Ang kanyang pangangayayat ay nagawang noble ang kanyang mga katangian, upang iisipin ng isa na siya ay isa nang tao na apektuhan na ng dobleng martiryo ng laman at kaluluwa.

Si Jesus ay pinagmamasdan siya at nagtanong: «Hindi ba mabuti ang iyong pakiramdam, Juan?»

«Ako ay hindi mas malala pa kaysa nang bago ko Kayo nakita. At iyan ay sa ganang tungkol sa aking katawan. Ang tungkol sa aking kaluluwa, sa palagay ko ako ay nakapanunumbalik mula sa aking pekulyar na mga sugat.»

Si Jesus ay tinitingnan ang kanyang mapayapáin na mga mata at ang hungkag na mga sentido ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano. Ipinatong Niya ang Kanyang isang kamay sa kanyang balikat habang pinapasok ang isang maliit na bahay kasama siya, kung saan sila ay nagdala ng mga palanggana ng tubig alat upang mahugasan ang kanilang mga pagod na paa at mga pitsel ng malalamig na tubig upang mapawi ang kanilang pagkauhaw, habang sa labas inilalagay nila ang mesa sa ibabaw ng isang tabla nalililiman ng isang napakaabang balag ng mga gapang na halaman.

Habang ang agaw-dilim ay dumarating at ang dagat ay ibinubulong ang panggabing mga panalangin na ang alon dumadagsa sa mabatong baybayin, magandang makita si Jesus na naghahapunan kasama ang kababaihan at ang mga apostol, nakaupo sa magaspang na tabla, habang ang iba, nakaupo sa lupa, o sa mga upuan o mga basket na nakataob, ay pinoporma ang pabilog sa paligid ng pinakamesa.

Ang kainan pagkaraan ay natapos at ang mesa nalinis nang mabilis, sapagkat iilan lamang ang mga pinggan, para lamang sa mas importanteng mga panauhin. Ang dagat ay naging indigo na itim sa walang-bituin na gabi. At ang lahat na mahestad nito ay lumilitaw sa malungkot ngunit masolemneng oras na ito, tipikal sa mga baybaying dagat.

Si Jesus, na ang Kanyang mataas na puting pigura ay nangingibabaw sa padilim-nang-padilim na mga anino, ay tumayo mula sa mesa at nagpatungo sa gitna ng apostoladong grupo, habang ang mga kababaihan ay umaalis. Si Isaac at isa pang lalaki ay nagsisindi ng maliliit na apoy sa baybay upang makapanliwanag at mapanatiling malayo ang mga grupo ng lamok, na maaaring nanggagaling sa malapit na mga latian.

«Kapayapaan sa inyong lahat.

Ang awa ng Diyos ay pinagtagpo tayo bago ang nakatakdang oras, nagbibigay ng nagsusuklian na lugod sa ating mga puso. Tiningnan Ko ang lahat ng inyong mga puso, na mabubuti sa moral, katulad na ito ang pinatutunayan ng inyong pagiging naririto, naghihintay para sa Akin, naporma sa Akin, ngunit hindi pa perpekto sa espirituwal katulad na ito ang pinalalabas ng ilan ng inyong mga reaksiyon na nagpapakita na ang lumang tao ng Israel ay nananatili pa rin sa inyo kasama ang lahat niyang mga idea at mga prehuwisyo, at ang bagong tao, ang tao ni Kristo kasama ang malawak, maningning na maawaing mentalidad ni Kristo ay hindi pa lumilitaw mula sa kanya, katulad ng isang paruparo mula sa larba nito.  Huwag kayong mapahiya kung sinuri Ko kayo at tiningnan ang lahat ng inyong mga lihim. Ang isang tagapagturo ay kailangan na makilala ang lahat ng kanyang mga mag-aaral upang maituwid ang lahat ng kanilang kakulangan, at maniwala sa Akin, na kung siya ay isang mabuting tagapagturo, siya ay hindi maiinis sa mas nagkukulang na mga mag-aaral, sa kabaligtaran mas lalo niya silang titingnan, upang mapaunlad sila. Nalalaman ninyo na Ako ay mabuting Guro. At ngayon tingnan na natin ang mga reaksiyon at mga prehuwisyo na iyon, ating tingnan nang magkakasama ang rason kung bakit tayo naririto, at dahil sa lugod na ating nararanasan sa pagiging magkakasama, pagpalain natin ang Panginoon, Na laging nakakakuha ng isang pangkalahatang ikabubuti mula sa indibidwal na ikabubuti.

Napakinggan Ko mula sa inyong sariling mga labì kung gaano ninyo hinahangaan si Juan ng Endor, at ang inyong paghanga ay mas kapansin-pansin pa sapagkat ipinakikita niya na siya ay isang nagsisising makasalanan at sa kanyang nakaraan at pangkasalukuyang kalagayan niya ibinabasi ang argumento ng kanyang pagtuturo sa mga ibig niyang madala sa Akin. Totoo: siya ay dating makasalanan. Ngayon siya ay isang disipulo. Marami sa inyo ngayon ang nakapunta sa Mesiyas sa pamamagitan ng kanyang merito. Nakikita ninyo kung gayon na ang Diyos ay naglilikha ng bagong sambayanan ng Diyos sa pamamagitan lamang ng mga pamamaraan na iyon na siyang kinasusuklaman ng lumang tao ng Israel.

Hinihingi Ko sa inyo ngayon na magpigil sa paghuhusga nang mali sa presensya ng isang kapatid na babae, na hindi maintindihan ng lumang Israel na maging isang disipulo. Sinabihan Ko ang mga kababaihan na umalis at magpahinga. Hindi Ko gustung-gusto na sila ay makapagpahinga katulad na gustung-gusto Ko na mabigyan Ko kayo ng isang banal na maingat na pag-unawa tungkol sa kanyang kombersiyon at sa gayon mapigilan kayo na makagawa ng pagkakasala laban sa pagmamahal at hustisya, at iyan kung bakit ibinigay Ko ang utos na iyon, na tiyak na nakapagpalungkot sa kanila.

Si Maria ng Magdala, ang malaking makasalanan, na walang idadahilan para sa kanyang kasalanan, ay bumalik sa Panginoon. At mula kanino siya makaaasa ng pananampalataya at awa kung hindi mula sa Diyos at mula sa mga lingkod ng Diyos? Ang buong Israel, at kasama ng Israel ang mga banyaga na nakakasama natin, na nakakikilala sa kanya nang husto at naghuhusga sa kanya nang napakahigpit, ay pinupuna at minamaliit ang kanyang resureksiyon, ngayon na siya ay hindi na ang kanilang kasabwat sa bisyo.

Resureksiyon. Iyan ang eksaktong salita. Ang ibangon ang laman mula sa kamatayan ay hindi ang pinakamalaking himala. Iyan ay isa lamang relatibang himala sapagkat iyan ay nakatalagang kanselahin isang araw ng kamatayan. Hindi Ako nagbibigay ng inmortalidad sa mga na ang laman ay Aking ibinangon mula sa kamatayan, ngunit nagbibigay Ako ng eternidad sa mga nanunumbalik ang kasiglahan ng kanilang mga kaluluwa. At habang ang isang tao, na ang katawan ay patay, ay hindi idinudugtong ang kanyang  kalooban sa Akin upang mabuhay muli at kung gayon wala siyang merito, may matatag na kalooban sa isang tao na nanunumbalik nang espirituwal, hindi, ang kanyang kalooban ay unang naroroon. At siya kung gayon ay may merito.

Hindi Ko sinasabi ito upang pangatwiranan ang Aking Sarili. Ako ay magpapaliwanag ng Aking aksiyon sa Diyos lamang. Ngunit kayo ay Aking mga disipulo. At ang bawat isa sa inyo ay kailangan na isa pang Jesus. At wala sa inyo ang kailangan na maging mangmang o maging ang may kagagawan ng kahit alin sa mga may malalalim na kaugnayan na mga pagkakamali, upang marami ang makakaisa ng Diyos sa pangalan lamang.

Ang lahat ay maaaring maging isang mabuting aksiyon.  Pati rin ang tila hindi masyadong magiging ganyan. Kapag ang bagay ay ipresenta sa kalooban ng Diyos, kahit na kung ito ay ang pinakatulog, malamig at marumi, ito ay maaaring maging buháy, umaapoy na purong kagandahan.

Bibigyan Ko kayo ng halimbawa hango sa aklat ng mga Macabeo. Nang si Nehemiah ay pinabalik sa Herusalem ng hari ng Persia, nagpasya sila na mag-alay ng mga sakripisyo sa pinadalisay na altar sa itinayong-muli na Templo.  Naalaala ni Nehemiah na nang sila ay nabihag ng mga Persiyano, ang mga pari na itinalaga sa ritwal ng pagsamba sa Diyos ay madalas nilang dalhin ang apoy ng altar at itago sa isang lihim na lugar, sa ibaba ng lambak, sa isang napakalalim na tuyong balon, at ginagawa nila itong napakaingat at lihim na lihim upang sila lamang ang nakaaalam kung nasaan ang sagradong apoy. Dahil naalaala ni Nehemiah ang lahat na iyan, pinakiusapan niya ang mga inapu ng mga paring iyon na pumunta sa lugar na ang mga pari, bago mamatay, ay nasabi sa kanilang mga anak, na sinabi naman sa kanilang mga anak, ipinapasa ang lihim mula sa ama patungo sa anak, at kunin ang sagradong apoy upang sindihan ang apoy para sa sakripisyo. Ngunit nang ang mga anak ay bumaba sa lihim na balon, hindi nila nakita ang apoy, at sa halip ang nakita nila ay makapal na tubig, isang bulok, mabaho, mabigat na putik, na tumagas sa ibaba roon mula sa baradong mga kanal ng nasirang siyudad ng Herusalem. At sinabihan nila si Nehemiah, na nagsabi naman sa kanila na kumuha ng ilan ng tubig na iyon at dalhin ito sa kanya. Pagkatapos na mailatag ang mga gatong na kahoy sa altar at ang mga biktima sa ibabaw nito, winisikan niya nang husto ang lahat ng maputik na tubig. Ang mga tao ay nagtaka at ang mga pari naiskandalo, ngunit sila ay nanood at ginawa ang lahat nang magalang, sa dahilan lamang na ito ay si Nehemiah na nagsabi sa kanila. Ngunit gaano nalulungkot ang kanilang mga puso! At gaano sila pinanghinaan ng loob! Katulad na ang maulap na kalangitan ay ginagawang malungkot ang araw, ang kawalang-katiyakan ay nagawa rin na malungkot ang mga tao. Ngunit ang araw ay sumulpot mula sa mga ulap at ang sinag nito ay bumaba sa altar at ang mga gatong na kahoy na winisikan ng maputik na tubig ay umapoy, na pagkaraan ay tinupok nito ang sakripisyo, habang ang mga pari ay binibigkas ang mga dasal na isinulat ni Nehemiah, inaawit ang pinakamagagandang himno ng Israel, hanggang sa ang buong sakripisyo ay naubos. At upang makumbinsi ang mga pulutong na ang Diyos ay nakagagawa ng mga himala sa pamamagitan ng pinaka-di-angkop na mga bagay, kapag ito ay ginagamit para sa isang matuwid na pakay, iniutos ni Nehemiah na iwisik ang natitirang tubig sa malalaking bato. At nang kaagad mawisikan ang mga bato, ito ay umapoy at nasunog sa malaking liwanag na nanggagaling sa altar.

Ang bawat kaluluwa ay isang sagradong apoy na inilagay ng Diyos sa altar ng puso ng tao upang sana sunugin nito ang sakripisyo ng buhay sa pamamagitan ng pagmamahal para sa Tagapaglikha ng buhay. Ang bawat buhay ay isang holokausto, kung gagamitin nang maayos, at ang bawat araw ay isang sakripisyo na kailangan ialay nang may-kabanalan. Ngunit ang mga magnanakaw ay dumarating, ang mga mapaniil ng tao at ng kaluluwa ng tao. Ang apoy ay bumabagsak sa malalim na balon, hindi sa pamamagitan ng kahit anong banal na pangangailangan, bagkus sa pamamagitan ng nakatalagang kahangalan. At nailubog ng lahat na kanal ng mga lungga ng bisyo, ito ay nagiging mabigat na bulok na putik, hanggang sa ang isang pari ay bumaba sa ilalim at itaas ang putik sa sikat ng araw, ilalagay iyan sa holokausto ng kanyang sariling sakripisyo. Sapagkat – at tandaan ito – ang kabayanihan ng tao na siya ay makabalik sa Diyos ay hindi sasapat: ang kabayanihan din ng nagdadala sa kanya nang pabalik sa Diyos ay kinakailangan. Hindi, bagkus ang huli ay kailangan na mauna sa una, sapagkat ang mga kaluluwa ay naililigtas sa pamamagitan ng ating sakripisyo. Sapagkat sa gayon tayo ay magtatagumpay na gawin ang putik na maging apoy at ang Diyos huhusgahan na perpekto at kaaya-aya sa Kanyang kabanalan ang sakripisyo na inaalay.

Pagkatapos, sa dahilan na hindi pa sapat na makumbinsi ang mundo na ang nagsisising putik ay mas maalab masunog kaysa sa pangkaraniwang apoy, kahit na kung ito ay konsagradong  apoy, na nagsisilbi lamang na makasunog ng kahoy at mga biktima, ibig sabihin, nasusunog na materyal, ang nagsisising putik pagkatapos ay magiging napakalakas upang mapa-aapoy at masusunog nito kahit na mga bato, mga di-nasusunog na materyal. Hindi ba kayo nagtatanong kung saan nanggagaling ang ganyang katangian ng putik? Hindi ninyo alam? Sasabihin Ko sa inyo: sapagkat sa init ng pagsisisi humahalo sila sa Diyos, apoy sa apoy; tumataas na apoy, bumababang apoy; apoy na inaalay ang sarili nang nagmamahal, apoy na binibigay ang sarili nang nagmamahal; yakap ng dalawang nagmamahalan at nagkatagpo, nagsama pinoporma ang iisang bagay na lamang. At dahil ang apoy ng Diyos ay ang mas malaki, ito ay umaapaw, hihigit, lalagos, sisipsip at ang apoy ng nagsisising putik ay hindi na ang relatibang apoy ng isang nilikhang bagay, bagkus ito ay ang walang-hangganang apoy ng Di-nilikhang Bagay: ng Kataastaasan, Pinaka Makapangyarihan, Walang-hangganang Diyos.

Iyan ang katotohanan at kabuuan ng kung ano talaga ang malalaking makasalanan na nagbalik-loob sa Diyos, na lubos na iniukol ang mga sarili sa kanilang kombersiyon nang walang itinagong kahit na ano ng kanilang nakaraan, sinusunog ang kanilang sarili bilang  unang gawain, sa kanilang mas mabigat na bahagi, sa pamamagitan ng apoy na tumataas mula sa kanilang putik, na tumakbo patungo sa Grasya at hinipo ng Grasya. Sasabihin Ko sa inyong totoo na maraming bato sa Israel ang aatakihin ng apoy ng Diyos dahil sa umaapoy na mga pugon na ito, na aapoy pa nang aapoy, hanggang sa ang taong nilikha ay sukdulan nang matupok. At mula sa kanilang mga trono sa Langit patuloy pa nilang susunugin ang mga bato, ang pagkamaligamgam, pagka-di-nakatitiyak, kakimian ng Lupa, at bilang mga totoong sobrenatural na umaapoy na mga bubog kukolektahin nila ang Isa at sang-tatlo na mga liwanag upang pagtagpuin ang mga ito sa sangkatauhan at paapuyin ito sa Diyos.

Aking uulitin na hindi Ko kailangan na pangatwiranan ang Aking mga aksiyon, ngunit ibig Kong maintindihan ninyo ang Aking idea at gawin itong inyo. Ang isang maling idea, Pariseong suspetsa na mahahawahan ang Diyos sa pagdala sa Kanya ng isang nagsisising makasalanan ay kailangan na hindi kayo mapatigil sa ganyang gawain na siyang ang perpektong koronasyon ng misyon kung saan Ko kayo itinatalaga. Laging isaisip na Ako ay hindi nagpunta upang iligtas ang mga santo, bagkus ang mga makasalanan. At gawin din ang ganyan, sapagkat ang isang disipulo ay hindi mas mahalaga pa kaysa sa kanyang Guro, at kung hindi Ko pinandidirihan na akayin sa kamay ang mga maputik na latak ng Lupa na nakararamdam ng pangangailangan ng Langit, na sa wakas nakaramdam ito, at nagpupuri dadalhin Ko sila sa Diyos, sapagkat iyan ang Aking misyon, at ang bawat napanalunang kaluluwa ay pangangatwiran ng Aking engkarnasyon, na nagpahiya sa Aking Kawalang-hangganan, ni kayo ay hindi kailangan na mandiri sa paggawa nito, dahil kayo ay di-perpektong mga tao, at lahat kayo humigit-kumulang ay nakagawa ng imperpeksiyon, dahil katulad ninyo ang kalikasan ng inyong mga nagkakasalang kapatid, at inilagay Ko kayo sa ranggo ng mga tagapagligtas upang ang Aking gawain sa lupa ay sana magpatuloy magpasawalanghanggan, na tila Ako ay nagpapatuloy sa pamumuhay dito sa isang walang-katapusang pamumuhay.

At iyan ay magiging ganyan, sapagkat ang pagkakaisa ng Aking mga pari ay magiging katulad ng pinakamahalagang bahagi ng dakilang katawan ng Aking Simbahan, na Ako ang magiging nagpapakilos na Espiritu, at ang di-mabilang na mga butil ng mga naniniwala ay mag-iipun-ipon sa paligid ng mahalagang bahaging ito upang maporma ang iisa lamang na katawan, na tatawagin sa Aking Pangalan. Ngunit kung ang saserdotal na bahagi ay magkulang sa sigla makapamumuhay kaya ang di-mabilang na mga butil? Sa katotohanan, sa dahilan na Ako ay nasa katawan, maaari Kong paabutin ang Aking Buhay hanggang sa layo ng pinakamalayong mga butil, kinalilimutan ang nabarahan at walang-silbing mga daluyan at mga tangke, nag-aalinlangan na gampanan ang kanilang misyon. Sapagkat ang ulan ay bumabagsak saan man nito gustuhin at ang mabubuting butil, bilang may kakayahan sa sarili na mithiin ang buhay, ay maisasabuhay pa rin ang Aking Buhay. Ngunit ano ang kalalabasan ng Kristiyanismo? Isang saradong asamblea ng mga kaluluwa, ang isa malapit sa isa. Ang isa malapit sa isa subalit nakahiwalay gawa ng mga daluyan at mga tangke na hindi na sila pinag-uugnay, nagbibigay sa bawat butil ng mahalagang dugo na nanggagaling mula sa iisang sentro lamang. Bagkus magkakaroon ng humahating mga pader at mga bangin na sa ibabaw nito ang mga butil ay magkakatinginan, at sila ay magiging mararahas sa pantaong pamamaraan, magdadalamhati nang sobrenatural, nagsasabi sa kanilang mga espiritu: “Subalit sa kabila nito tayo ay magkakapatid at ganyan pa rin ang ating pakiramdam, bagama't tayo ay hinati-hati nila” Ito ay magiging isang pagkakálapit ng mga kaluluwa, hindi pagsasama o isang organismo. At ang Aking pagmamahal ay sisinag nang namimighati sa ganyang kasiraan…

Higit pa, huwag isipin na iyan ay para lamang sa pagkakahati-hati sa relihiyon. Hindi. Iyan ay para din sa lahat ng mga kaluluwa na nananatiling nag-iisa sapagkat ang mga pari ay tumatangging suportahan sila, pangalagaan sila, mahalin sila, nilalabag ang kanilang misyon, misyon na sabihin at gawin kung ano ang Aking sinasabi at ginagawa, ibig sabihin: “Halika sa Akin, lahat kayo, at dadalhin Ko kayo sa Diyos”.

Humayo sa kapayapaan, ngayon, at ang Diyos ay mapasainyo.»

Ang pulutong ay naghihiwa-hiwalay nang unti-unti, patungo sa kanilang maliliit na bahay.  Si Juan ng Endor din ay tumayo. Siya ay nagsusulat habang si Jesus ay nagsasalita, at upang makita ang kanyang isinusulat, uminit ang kanyang katawan malapit sa apoy.

Ngunit si Jesus ay pinatigil siya nagsasabing: «Manatili nang sandali kasama ang iyong Guro». At Kanya siyang pinalapit sa Kanyang Sarili hanggang silang lahat ay nakaalis. «Pumunta tayo hanggang sa layo ng batong iyon malapit sa tubig. Ang buwan ay mataas sa kalangitan at makikita natin ang ating daan.»

Si Juan ay pumayag na walang pagtutol. Sila ay lumayo sa mga kabahayan mga dalawang daang metro at sila ay naupo sa ibabaw ng isang napakalaking bato, na hindi ko alam kung iyon ay ang labí  ng isang daungan, o ang pinakadulong ramipikasyon ng isang bangin nahulog sa dagat, o ang labí  ng isa sa maliliit na bahay na nilulon ng tubig na sa loob ng mga siglo ay nakaabot sa baybayin. Nalalaman ko na samantalang mula sa maliit na baybayin posibleng makaakyat sa batong iyon, ginagamit ang mga uka at mga usli, na nagiging parang mga baytang, mula sa gawing dagat ang mukha ng bato ay isang matarik na bangin na nagtatapos sa asul na dagat. Dahil sa alon, ang kalahati ng bato ay napaliligiran ng tubig, na bumubulong at medyo hinahampas ang bato at pagkatapos uurong na may tunog ng isang malakas na buntung-hininga, magiging tahimik sa isang sandali, magsisimula ulit sa simula, na may regular na kilos at mga tunog ng sampal, pagbuntung-hininga at pananahimik nang sandali, katulad ng isang pinaikling tugtog. Sila ay naupo sa pinakataas ng bato na hinahampas ng dagat. Ang buwan ay gumagawa ng malaplatang daan sa ibabaw ng tubig at ang dagat ay nagmumukhang madilim na asul sa liwanag ng buwan, samantalang bago tumaas ang buwan, ito ay katulad ng isang malaking espasyo sa madilim na gabi.

«Juan, hindi mo ba sasabihan ang iyong Guro tungkol sa kung bakit naghihirap ang iyong katawan?»

«Nalalaman Ninyo, aking Panginoon. Ngunit huwag Ninyong sabihin: “ito ay naghihirap”. Sabihin: “ito ay tinutupok”. Iyan ang mas eksakto, at nalalaman Ninyo, at nalalaman din Ninyo na ito ay tinutupok na may kasiyahan. Salamat sa Inyo, Panginoon. Nakilala ko rin ang aking sarili sa putik na naging apoy. Ngunit hindi ako magkakaroon ng panahon na mapa-apoy ang mga bato. Ako ay malapit nang mamatay. Ako ay naghirap nang labis sa pamamagitan ng kapootan sa mundo at ako ay nagpupuring labis dahil sa pagmamahal ng Diyos. Ngunit hindi ko ikinalulungkot ang buhay. Baka magkasala ulit ako rito, o magkulang sa misyon na itinalaga Ninyo sa akin. Ako ay nagkulang na nang dalawang beses sa aking buhay. Sa aking misyon ng isang guro, sapagkat natagpuan ko sana kung ano ang kinakailangan upang naperpekto ko ang aking sarili at hindi ko sinanay ang aking sarili: sa aking misyon ng isang asawa, sapagkat hindi ko nagawang moldihin ang aking asawa… na maiintindihan. Dahil hindi ko magagawang perpekto ang aking sarili, hindi ko rin siya magagawang perpekto. Baka magkulang ako sa aking misyon bilang isang disipulo. At ayaw kong magkulang sa Inyo. Pagpalain kung gayon ang kamatayan kung ito ay dumating upang dalhin ako kung saan ang isa ay hindi na magkakasala pa! Ngunit kung ako ay hindi nakatalaga bilang nagtuturong disipulo, ako ay magiging isang biktimang disipulo, isang patutunguhan na mas nakakatulad ng sa Inyo. Sinabi Ninyo iyan ngayong gabi: “Sinusunog ang ating mga sarili bilang unang gagawin”.»

«Juan, iyan ba ay isang kapalaran, na iyong ipinaghihirap o iyan ba ay isang alay na iyong ginagawa?»

«Isang alay, na aking ginagawa, kung ang Diyos ay hindi pinandidirihan ang putik na naging apoy.»

«Hindi Ako kailanman humahadlang sa mabubuting hangarin ng isang nagmamahal na kaluluwa. Ako ay naparito upang magturo sa pamamagitan ng aktuwal na mga pangyayari na ang paghihirap ay pagbabayad-kasalanan at ang kapighatian ay katubusan. Hindi Ko masasalungat ang Aking Sarili.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon. Iyan ang aking magiging misyon.»

«Ano ang iyon sinusulat, Juan?»

«O! Guro! Kung minsan ang lumang si Felix ay lumalabas muli kasama ang kanyang mga ugali ng isang tagapagturo. Iniisip ko si Marjiam. Mayroon siyang isang buong buhay upang ituro Kayo, ngunit dahil sa kanyang edad, siya ay wala rito upang mapakinggan ang Inyong sermon. Inisip ko na kailangan kong isulat ang ilan na mga tagubilin na ibinigay Ninyo sa amin at hindi niya napakinggan, sapagkat abala siya sa paglalaro, o siya ay nasa malayo kasama ang isa sa amin. May labis na karunungan sa Inyong mga salita, pati rin sa pinakamaliit na mga salita! Ang inyong kaswal na mga pakikipagusap ay isang leksiyon tungkol sa mga bagay sa araw-araw at sa bawat tao, tungkol sa pinakamaliliit na bagay sa buhay, na pagkatapos ng lahat ay ang pinaka-importante, sapagkat kung ito ay maiipon ito ay magiging isang malaking pasanin, na mangangailangan ng tiyaga, pagpupursige, pagtanggap na kailangan batahin nang may-kabanalan. Mas madaling gumawa ng isa lamang na dakilang makabayaning gawain kaysa sanlibong maliliit kung saan ang isang palagian na presensya ng birtud ay kinakailangan. Ngunit ang isa ay hindi makagagawa ng isang malaking gawain, kapwa sa kabutihan at sa kasamaan, nalalaman ko sa pamamagitan ng karanasan ang hinggil sa kasamaan, maliban kung ang isa ay makapag-iipon ng maliliit na mga gawain, na tila mga walang kuwenta. Ako ay nagsimulang pumatay nang, pagod na sa kalandian ng aking asawa, tiningnan ko siya nang masama sa unang pagkakataon. Isinulat ko ang Inyong maikling mga leksiyon para kay Marjiam. At ngayong gabi ibig kong isulat ang Inyong dakilang leksiyon. Iiwanan ko ang aking gawa sa bata, upang ako ay sana maalaala niya, ang matandang guro, at mapasakanya sana ang kung hindi’y hindi siya magkakaroon kailanman. Ang Inyong mga salita: isang magandang tagong-kayamanan para sa kanya. Pahihintulutan ba Ninyo ako?»

«Oo, Juan. Ngunit maging nasa ganap na kapayapaan, katulad ng dagat na ito. Kita mo? Napakainit para sa iyo na maglakad-lakad sa init ng araw, at ang buhay apostol ay totoong mahirap. Ikaw ay labis na nakipaglaban sa buhay. Ngayon ang Diyos ay tinatawag ka para sa Kanyang Sarili sa payapang liwanag ng buwan na ito na nagagawa ang lahat na kalmante at puro. Magpatuloy sa kabaitan ng Diyos. Masasabi Ko sa iyo: Ang Diyos ay nasisiyahan sa iyo.»

Si Juan ng Endor ay kinukuha ang kamay ni Jesus, hinahalikan ito at bumulong: «Subalit napakaganda na sabihin sa mundo: “Pumunta kay Jesus!”»

«Sasabihin mo iyan mula sa Paraiso, kung saan ikaw ay magiging isang umaapoy na bubog din. Tayo na, Juan. Ibig Kong mabasa kung ano ang iyong naisulat.»

«Naririto ito, Panginoon. At bukas ibibigay ko sa Inyo yung ibang rolyo kung saan ko isinulat ang ibang mga salita.»

Sila ay bumaba sa malaking bato, at sa loob ng isang napakalinaw na sinag ng buwan, na nagpabago sa mabatong baybayin sa pagiging plata, bumalik sila sa mga bahay. Sila ay nagpalitan ng pagpapaalam, si Juan lumuluhod, si Jesus pinagpapalà siya sa pamamagitan ng Kanyang kamay nakapatong sa kanyang ulo at binibigyan siya ng Kanyang kapayapaan.

 090511

 



Sunod na kabanata