25. Ang Presentasyon kay Juan Bautista sa Templo.

Abril 5 at 6, 1944.

¹Ito ang aking nakikita sa gabi sa pagitan ng Miyerkules at Huwebes ng Semana Santa.

Nakita ko si Zachariah, si Elizabeth, si Maria at si Samuel bumababa mula sa isang komportableng karo, kung saan ang maliit na asno ni Maria ay nakatali din. Si  Maria ay karga ang maliit na Juan at si Samuel ay hila ang isang kordero at isang basket na may laman ng isang kalapati. Bumaba sila sa dating establero, na maaaring ang tinitigilang lugar ng lahat ng mga peregrinong patungo sa Templo, na iiwanan ang kanilang mga sasakyang hayop.

Si Maria ay tinawag ang may-ari at tinanong kung may dumating mula sa Nazareth noong makalawang araw o noong maaga ng araw na iyon. «Wala, babae» tugon ng maliit na matandang lalaki. Si Maria ay nasorpresa, ngunit walang sinasabing kahit ano.

Ginawa Niya si Samuel na ihanda ang Kanyang maliit na asno, at pagkatapos sinamahan Niya ang dalawang maedad na magulang, at pinaliliwanag Niya ang pagka-antala ni Jose: «Maaaring napigilan siya ng kung anong bagay. Ngunit tiyak na darating siya ngayong araw.» Kinuha Niya ulit ang bata mula kay Elizabeth kung kanino Niya ito binigay kanina, at lahat sila lumakad patungo sa Templo.

²Si Zachariah ay tinanggap nang may parangal ng mga guwardiya, at binabati at kinakamayan ng ibang mga pari. Napakakisig niya ngayong araw, sa kanyang pamparing mga kapa at sa kanyang lugod ng isang masayang ama. Nagmumukha siyang isang patriyarka. Sa palagay ko si Abraham ay maaaring naging katulad niya noong nagbubunyi siya sa paghahandog kay Isaac sa Panginoon.

Nakita ko ang seremonya ng presentasyon ng bagong Israelita at ang puripikasyon ng kanyang ina. Ang seremonya ay mas marangya kaysa ng kay Maria, sapagkat ang mga pari ay pinagdiwang ito nang solemne para sa anak ng isa pang pari. Lahat sila ay nag-umpukan sa paligid ng grupo ng mga babae at ng bata, at masayang nanonood sa kanila.

Ang ilan ding mausyosong mga tao ay lumapit at napapakinggan ko ang kanilang mga komentaryo. Dahil si Maria ang may-hawak sa bata habang pumupunta sila sa itinalagang lugar, iniisip ng mga tao na Siya ang ina.

Ngunit ang isang babae ay nagsabi: «Hindi iyan posible. Hindi ba ninyo nakikita na Siya ay buntis? Ang bata ay mga ilang araw pa lamang ang edad at siya ay buntis na.»

«Datapwat» pagpuna ng isa pa «tanging Siya lamang ang maaaring ang ina. Yung isang babae ay matanda na. Maaaring siya ay isang kamag-anak. Ngunit tiyak na hindi siya maaaring ang ina sa kanyang edad.»

«Sundan natin sila, malalaman natin kung sino ang tama.»

At ang kanilang pagkasorpresa ay lumaki pang lalo noong makita nila na si Elizabeth ang gumaganap sa ritwal ng puripikasyon: hinahandog niya ang humuhuning kordero sa holokausto at ang kalapati para sa kasalanan.

«Siya ang ina. Hindi ba’t sinabi ko sa inyo?»

«Hindi!»

«Oo.»

Ang mga tao ay nagbubulung-bulungan, hindi pa rin makapaniwala. Labis silang bumubulong na ang isang panapós na «Ssst!» ay narinig mula sa grupo ng mga paring nasa ritwal. Sila ay tahimik sa loob ng isang sandali, ngunit nagbulungan muli nang mas malakas noong si Elizabeth, nagniningning sa banal na pagmamalaki, ay kinuha ang bata at kumilos papalapit sa Templo upang gawin ang presentasyon sa Panginoon.

«Siya iyon!»

«Laging ang ina ang gumagawa ng pag-aalay.»

«Anong himala kaya ito?»

«Magiging ano kaya ang batang iyon, na pinagkaloob sa babaeng iyon sa gayon katandang edad?»

«Ano kayang tanda iyan?»

«Hindi ba ninyo alam?» sabi ng isa, na kararating pa lamang naghihingalo. «Iyan ay ang anak ni Zachariah, ang pari ng sambahayan ni Aaron, ang isang naging pipi noong nag-aalay siya ng insenso sa loob ng Santuwaryo.»

«Iyan ay isang misteryo! Isang misteryo! At ngayon siya ay nagsasalita muli! Ang kapanganakan ng kanyang anak ang nag-alis ng tali sa kanyang dila.»

«Ano kaya ang espiritu na nagsalita sa kanya at nagparalisa sa kanyang dila upang masanay siyang tahimik tungkol sa mga lihim ng Diyos!»

«Iyan ay isang misteryo! Anong lihim na katotohanan ang nalalaman ni Zachariah?»

«Ang kanya bang anak ay magiging ang Mesiyas na hinihintay ng Israel?»

«Siya ay pinanganak sa Judaea. Hindi sa Bethlehem at hindi ng isang birhen. Hindi siya maaaring ang Mesiyas!»

«Sino siya, kung gayon?»

Ngunit ang katugunan ay nananatili sa katahimikan ng Diyos at ang mga tao ay naiwan sa kanilang pag-uusyoso.

Ang seremonya ay tapos na. Ang mga pari ay ngayon malugod na nagbibigay ng mga papuri sa ina at sa kanyang sanggol. Ang tanging isa na halos hindi napupuna, hindi lamang, bagkus, iniiwasan nang halos may pagkasuklam nang malaman nila ang Kanyang kalagayan, ay si Maria.

³Pagkaraan ng lahat na mga pagbati, ang karamihan sa kanila ay pumunta na sa kalsada. Gusto ni Maria na pumunta sa establero upang tingnan kung si Jose ay nakarating na. Hindi pa siya nakarating. Si Maria ay bigo at nag-aalala.

Si Elizabeth ay nag-aalala tungkol sa Kanya. «Makapananatili kami rito hanggang man lamang tanghali, pagkatapos kailangan na naming umalis, upang makarating sa bahay bago gumabi. Napakabata pa niya na nasa labas sa gabi.»

At si Maria, kalmante at malungkot, ay nagsabi: «Mananatili Ako sa isa sa mga yarda ng Templo. Pupuntahan Ko ang Aking mga tagapagturo... hindi Ko alam. Gagawa Ako ng kahit ano.»

Si Zachariah ay nagmungkahi na tinanggap kaagad bilang isang mabuting sulusyon: «Pumunta tayo sa mga kamag-anak ni Zebedeo. Si Jose ay tiyak na maghahanap para sa Iyo doon. Kung siya man ay hindi pumunta roon, magiging mas madali para sa Iyo na makakita ng sinuman na makakasama sa Iyo papunta sa Galilee, sapagkat ang mga mangingisda mula sa Gennesaret ay laging pauli-uli sa bahay na iyon.»

Kinuha nila ang maliit na asno at pumunta sila sa mga kamag-anak ni Zebedeo, na siya ring ang mga tao na tinuluyan nina Jose at Maria noong nakaraang apat na buwan.

Mabilis ang pagdaan ng mga oras, ngunit walang tanda ni Jose. Si Maria ay pinipigilan ang Kanyang pamimighati inuugoy ang sanggol, ngunit hindi maitatago na Siya ay nag-aalala. Bagamat napakainit na ang lahat ay pinagpapawisan, hindi Niya inaalis ang Kanyang manta, pinangangalagaan na mapagtakpan ang Kanyang kalagayan.

⁴Sa wakas. si Jose ay naibalita ng isang malakas na pagkatok sa pinto. Ang mukha ni Maria ay nagningning, naging masayahin muli.

Si Jose ay binabati Siya, sapagkat Siya ang unang lumakad at sumalubong sa kanya at bumati sa kanya nang magalang. «Ang pagpapalà ng Panginoon ay nasa Iyo, Maria!»

«At sa iyo, Jose. At papuri sa Panginoon na ikaw ay nakarating! Dito, sina Zachariah at Elizabeth ay papaalis na, upang makarating sa bahay bago gumabi.»

«Ang Iyong mensahero ay dumating sa Nazareth, noong ako ay nasa Cana, may ginagawa roon. Ako ay nasabihan kamakalawang gabi. At umalis ako kaagad. Ngunit bagamat naglakbay ako nang hindi tumitigil, náhuli ako, sapagkat nawalan ng isang sapatos ang asno. Pakiusap na patawarin ako.»

«Ako ang dapat patawarin mo, sapagkat nawala Ako sa Nazareth nang napakatagal na panahon! Ngunit tingnan mo, sila ay masayang-masaya na nakasama nila Ako, na Ako ay nagpasyang pasayahin sila hanggang ngayon.»

«Mabuti ang nagawa Mo, Babae. Nasaan ang sanggol?»

Pinasok nila ang silid kung saan si Elizabeth ay pinasususo ang maliit na Juan, bago umalis. Si Jose ay binabati ang mga magulang sa katatagan ng bata, na sumisigaw at sumisipa, na tila pinapalo nila siya, sapagkat inihiwalay nila siya sa dibdib ng kanyang ina upang maipakita kay Jose. Silang lahat ay tumatawa sa kanyang pagprotesta. Ang mga kamag-anak din ni Zebedeo, na pumasok dala ang sariwang prutas, gatas at tinapay para sa lahat, at isang malaking trey ng isda, ay tumatawa at sumama sa pag-uusap.

⁵Si Maria ay nagsasalita nang napakakaunti. Siya ay nakaupong walang ginagawa at tahimik sa Kanyang maliit na sulok, ang Kanyang mga kamay nasa ibabaw ng Kanyang lapi sa ilalim ng Kanyang manta. Nang Siya ay umiinom ng isang tasa ng gatas, at kumakain ng isang bungkos ng kulay-gintong mga ubas na may isang maliit na tinapay, napakakaunti din Niyang magsalita, at halos hindi gumagalaw. Ang mga tingin Niya kay Jose ay isang magkahalong kirot at tanong.

Tinitingnan din niya Siya. At pagkaraan ng ilang sandali, niyuyukuan ang Kanyang balikat, tinanong niya Siya: «Ikaw ba ay pagod o masama ang pakiramdam Mo? Nagmumukha Kang maputla at malungkot.»

«Nalulungkot Ako na iiwanan Ko ang maliit na Juan. Sanay na Ako sa kanya. Nahawakan Ko siya sa Aking dibdib nang kaunting mga minuto lamang pagkatapos na maipanganak siya...»

Panahon na para kay Zachariah na umalis. Ang bagon ay tumigil sa pintuan at lahat sila ay pumunta roon. Ang dalawang magpinsan ay nagyakapan nang magiliw. Hinahalikan ni Maria ang sanggol nang maraming beses bago siya bitawan sa lapi ng kanyang ina, na nakaupo na sa bagon. Siya pagkatapos ay nagpaalam kay Zachariah, at humingi sa kanya na pagpalain Siya. Noong lumuluhod Siya sa harapan ng pari, ang Kanyang manta ay dumalusdos mula sa Kanyang mga balikat, at ang Kanyang pigura ay nalantad sa maliwanag na liwanag ng hapon ng tag-init. Hindi ko alam kung napuna ni Jose ang Kanyang pigura sa sandaling ito, sapagkat abalá siya sa pagpapaalam kay Elizabeth. Ang bagon ay umalis.

⁶Si Jose ay bumalik ulit sa bahay kasama si Maria, Na naupo muli sa madilim na sulok. «Kung walang anuman sa Iyo ang paglalakbay sa gabi, minumungkahi ko na umalis tayo paglubog ng araw. Napakainit sa araw. Ang gabi sa halip ay malamig at tahimik. Iyan ay sinasabi ko para sa Iyo, sapagkat ayaw ko na magkaroon Ka ng sunstroke. Walang kaibahan sa akin kung mapunta ako sa nanununog na araw. Ngunit Ikaw...»

«Ayon sa ibig mo, Jose. Sa palagay Ko rin mas mabuting maglakbay sa gabi.»

«Ang bahay ay nalinis nang mabuti. At ang maliit na lootan. Ang mga bulaklak ay magaganda, katulad ng makikita Mo. Parating Ka ng nasa oras lamang upang makita silang lahat na namumulaklak. Ang puno ng mansanas, ang puno ng igos, ang mga baging ay lahat punó ng bunga katulad ng hindi pa nakita dati, at kinailangan kong maglagay ng tukod sa granada, sapagkat ang mga sanga nito ay lahat punung-puno ng mga bungang nasa kagulangan, isang bagay na hindi pa kailanman nasaksihan sa panahong ito ng taon. Ang puno ng olibo... Magkakaroon Ka ng maraming langis. Ito ay namulaklak sa isang mahimalang paraan, at wala ni isang bulaklak ang nasayang. Ang lahat na mga bulaklak ay ngayon maliliit na olibo. Kapag sila ay nagkagulang, ang púno ay magmimistulang punó ng maiitim na perlas. Walang isa pang lootan ang kasing ganda sa buong Nazareth. Ang Iyong mga kamag-anak din ay nasorpresa. Sabi ni Alfeo ito ay isang himala.»

«Ang iyong kamay ang siyang trumabaho nito!»

«O! hindi! Kaawa-awang ako! Ano ang maaari kong nagawa? Inalagaan ko ang mga puno at binigyan ko ng ilang tubig ang mga bulaklak... Alam Mo ba? Nagtayo ako ng isang pontanya para sa Iyo sa ibaba sa dulo, malapit sa gruta, at naglagay ako ng isang malaking tangke doon. Kung kaya't hindi Mo na kinakailangan na lumabas upang kumuha ng tubig. Pinababa ko ang tubig mula sa bukal na nasa itaas ng lootan ng olibo ni Mateo. Ito ay dalisay at sagana. Nagpababa ako ng isang maliit na agos ng tubig patungo sa Iyo. Naghukay ako ng isang maliit na padaluyan sa lupa, tinakpan ko ito nang mabuti, at ngayon ang tubig ay bumababa na, umaawit katulad ng isang lira. Hindi ako masaya noon na kailangan Mo pang pumunta sa pontanya ng nayon, at pagkatapos dala-dalang pabalik ang mga banga punó ng tubig.»

«Salamat sa iyo, Jose. Napakabait mo!»

Sina Jose at Maria ay ngayon tahimik na, na tila sila ay napagod. At si Jose ay naiidlip din. Si Maria ay nagdarasal.

⁷Ngayon ay gabi na. Ang maybahay ay namimilit na sila ay kailangan na kumain ng kahit ano bago lumakad. Si Jose, sa katunayan, ay kumakain ng ilang tinapay at isda, habang si Maria ay kumakain lamang ng ilang gatas at prutas.

Pagkatapos sila ay lumakad. Pinuntahan nila ang kanilang mga asno. Itinali ni Jose ang maliit na kahon ni Maria sa kanyang siyá, katulad ng kanyang ginawa noong papunta sila sa Herusalem. At bago si Maria sumakay sa Kanyang asno, tiniyak ni Jose na ang Kanyang siyá ay maayos na nakatali. Nakikita ko na si Jose ay tinitingnan si Maria noong sumasakay Siya sa Kanyang siyá. Ngunit hindi siya nagsasalita ng kahit ano. Ang kanilang paglalakbay ay nagsimula nang ang unang mga bituin ay nagsimulang kumislap-kislap sa kalangitan .

Nagmadali sila patungo sa mga geyt ng bayan upang marating ito bago ito magsara. Nang sila ay makalabas sa Herusalem, at kinuha ang pinakadaan patungong Galilee, ang malinis na kalangitan ay nagsisiksikan na sa mga bituin. May solemneng katahimikan sa kabukiran. Maririnig lamang ng isa ang ilang mga ruwinsensor na umaawit, at ang bagsak ng mga paa ng dalawang asno sa matigas na daan, na nasunog ng araw.

                                                                ------------------------------------

mary sinab

⁸Sinasabi ni Maria:

«Ito ay ang bispiras ng Huwebes Santo. Ang ilang mga tao ay baka isipin na ang bisyon na ito ay wala sa lugar. Ngunit ang iyong pamimighati ng mangingibig ng Aking Jesus Na Ipinako-sa-Krus ay nasa iyong puso at mananatili iyan diyan kahit na kung ang isang matamis na bisyon ay pinakita sa iyo. Iyan ay katulad ng kawalang-sigla na lumalabas mula sa isang apoy, na apoy pa rin ngunit hindi na apoy. Ang apoy ay apoy, hindi ang kawalang-sigla na lumalabas mula diyan. Walang beatipiko o mapayapang bisyon ang makapag-aalis ng kapighatian na iyan sa iyong puso. At tingnan ito bilang isang bagay na mamahalin, mas mamahalin pa kaysa sa iyong sariling buhay. Sapagkat iyan ang pinakadakilang regalo na maipagkakaloob ng Diyos sa isang naniniwala sa Kanyang Anak. Mahigit pa rito, ang Aking bisyon ay hindi pampagulo, sa lahat ng kapayapaan nito, sa mga pag-aalaala ng linggong ito.

⁹Si Jose rin ay ipinaghirap ang kanyang pasyon. Ito ay nagsimula sa Herusalem noong mapuna niya ang Aking kalagayan. At ito ay tumagal ng ilang mga araw, eksaktong katulad ng nangyari ito kay Jesus at sa Akin. Ni hindi ito di-masyadong masakit para sa kanyang kaluluwa. At tanging dahil lamang sa kabanalan ng Aking makatarungan na esposo, iyon ay napanatili sa gayong isang marangal at lihim na porma, na halos hindi ito napuna sa loob ng maraming mga siglo.

O! ang aming unang Pasyon! Sino ang makararamdam sa matalik at tahimik na katindihan nito? Sino ang makapagsasalarawan ng Aking kirot noong mabatid Ko na hindi pa napapakinggan ng Langit ang Aking panalangin na ibunyag ang misteryo kay Jose?

Naintindihan Ko na hindi pa siya nag-aalam tungkol doon noong makita Ko na siya ay magalang pa rin sa Aking katulad ng dati. Kung nalaman na niya na dinadala Ko ang Salita ng Diyos, sinamba na sana niya ang Salitang nakapaloob sa Aking sinapupunan, sa pamamagitan ng mga pagkilos ng pagpipitagan na karapat-dapat sa Diyos at na hindi niya maaaring makalimutan na gawin, katulad na hindi Ko matatanggihan na tanggapin, hindi para sa Aking Sariling kapakanan, bagkus para sa Kanya Na nasa loob Ko at na Aking dinadala, katulad na dinala ng Kaban ng Alyansa ang batong batas at ang mga plorera ng manna.

Sino ang makasusukat sa Aking pakikibaka laban sa bagabag na nagsisikap na talunin Ako upang makumbinsi Ako na Ako ay umasa nang walang-kabuluhan sa Panginoon? O! sa palagay Ko iyon ay ang nagngangalit na kapootan ni Satanas! Nakaramdam Ako ng pagdududa na tumataas sa Aking likuran, at inuunat ang napakalamig na mga pangalmot nito upang ikulong ang Aking kaluluwa at mapigilan itong makapagdasal. Ang pagdududa ay napaka-mapanganib at nakamamatay sa espiritu. Ito ay nakamamatay sapagkat ito ang unang ahente ng nakakatakot na sakit na tinatawag na “kawalang-pag-asa”, na laban dito tayo ay kailangan na tumugon sa pamamagitan ng lahat ng ating lakas, upang ang ating mga kaluluwa ay hindi sana mamatay, at hindi sana mawala sa atin ang Diyos.

Sino ang totoong makapagsasabi sa kirot ni Jose, sa kanyang mga naiisip, sa kaguluhan ng kanyang mga nararamdaman? Katulad ng isang maliit na bangka na nakulong ng isang malaking bagyo, siya ay nasa ipuipo ng magkakalaban na mga idea, nasa isang kaguluhan ng mga repleksiyon, kung saan ang isa ay mas nakapanunusok at nakapananakit kaysa sa iba. Siya ay, sa lahat na mga hitsura, isang lalaking pinagtaksilan ng kanyang asawa. Nakikita niya ang kanyang magandang reputasyon at ang magandang pagtingin ng mundo sa kanya na gumuguho sa kapaligiran niya; dahil sa Kanya nakakakita siya ng nanunuyang mga daliri na tinuturo ang sarili niya at kinaaawaan ng mga mamamayan ng nayon. Higit sa lahat, nararamdaman niya na ang kanyang pagmamahal at pagtingin sa Akin ay bumagsak, hinampas na mamatay, sa harapan ng ebidensiya ng isang ginawa.

¹⁰Sa ganitong pagtingin, ang kanyang kabanalan ay sumisinag nang mas maningning kaysa ng Akin. At binibigay Ko ang saksi na ito nang may damdamin ng isang esposa, sapagkat gusto Kong mahalin ninyo ang Aking Jose, ang marunong, mahinahon, mapasyensiya at mabuting taong ito, na hindi nakahiwalay mula sa misteryo ng Panunubos, sa kabaligtaran, siya ay kakabit-na-kakabit dito, sapagkat naghirap siya para dito, inuubos ang kanyang sarili sa kapighatian para dito, inililigtas ang inyong Tagapagligtas sa pamamagitan ng kanyang sariling sakripisyo dahil sa kanyang kabanalan.

Kung siya ay hindi naging napakabanal, kumilos sana siya sa pagkataong pamamaraan, pinararatangan Ako bilang isang nangangalunya upang sana Ako ay pagbabatuhin, at ang Anak ng Aking pagkakasala ay dapat na mamatay kasama Ko. Kung siya ay hindi naging masyadong banal, hindi sana siya pinagkalooban ng Diyos ng Kanyang liwanag bilang gabay sa kanyang pagsubok. Ngunit si Jose ay banal. Ang kanyang dalisay na espiritu ay namumuhay sa Diyos. Ang kanyang karidad ay mainit at malakas. At dala ng karidad niligtas niya ang inyong Tagapagligtas para sa inyo, kapwa noong siya ay nagpigil sa pag-aakusa sa Akin sa mga nakatatanda at noong niligtas niya si Jesus sa Ehipto, iniiwan ang lahat nang may agarang pagsunod.

¹¹Ang tatlong araw ng pasyon ni Jose ay maikli sa bilang, ngunit malalim sa katindihan. At sila ay nakapanghihilakbot din para sa Akin, ang mga araw na iyon ng Aking unang pasyon. Sapagkat nalalaman Ko ang kanyang paghihirap, na hindi Ko mapagaanan, sa katunayan kinailangan Kong sundin ang utos ng Diyos Na nagsabi sa Akin: “Manahimik!”

At noong, pagkatapos na makarating kami sa Nazareth, nakita Ko siyang umalis nang may isang maikling pagpapaalam, at baluktot na tila siya ay tumanda sa loob ng isang maikling panahon, at napuna Ko na hindi na siya pumupunta sa Akin sa gabi katulad ng dati niyang ginagawa, diyan sasabihin Ko sa inyo, Aking mga anak, na ang Aking puso umiyak nang napakapait. Nakakulong sa loob ng Aking bahay, nag-iisa, sa loob ng bahay kung saan ang lahat ay nagpapaalaala sa Akin ng Anunsiyasyon at ng Engkarnasyon, at kung saan ang lahat ay nagpapaalaala sa Akin tungkol kay Jose, ikinasal sa Akin nang walang bahid na kabirhinan, kinailangan Kong labanan ang kawalang-pag-asa at ang pagpapakahulugan ni Satanas, at umasa, umasa, umasa. At magdasal, magdasal, magdasal. At patawarin, patawarin, patawarin ang pagsospetsa ni Jose, ang kanyang pagkabalisa at makatarungang kawalang-pag-asa.

Aking mga anak: kinakailangan na umasa, magdasal, magpatawad upang makuha ang pakikialam ng Diyos sa pabor natin. Kailangan na pamuhayan ninyo ang inyong mga pasyon, sapagkat karapat-dapat kayo nito gawa ng inyong mga pagkakasala. Matuturuan Ko kayo kung papaano ninyo ito malalampasan at gawin silang maging lugod. Umasa nang higit pa sa sukat. Magdasal nang may kompiyansa. Magpatawad upang mapatawad. Ang kapatawaran ng Diyos ay ang kapayapaan na inyong minimithi, Aking mga anak.

¹²Hindi na Ako magsasalita ng iba pa sa pansamantala. Magkakaroon ng katahimikan hanggang pagkatapos ng pananagumpay ng Muling-Pagkabuhay. Ngayon ay panahon ng Pasyon. Mahabag sa inyong Tagapagtubos. Makinig sa Kanyang mga iyak, at bilangin ang Kanyang mga sugat at mga luha. Ang una ay ipinaghirap, ang huli ay pinadaloy. Gawin ang bawat iba pang bisyon na mawala sa harapan ng isang iyan na nagpapaalaala sa inyo ng Panunubos na pinangyari sa kapakanan ninyo.»

(119) 131009/030913/033013

Sunod na kabanata.