250. Sa Tyre, si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Pagpupursige.

Agosto 12, 1945.

Maaga ng umaga nang si Jesus ay nakarating sa harapan ng isang bayan sa may dagat. Apat na bangka ang sumusunod sa sinasakyan Niyang bangka. Ang bayan ay kakaibang nakausli sa dagat, na tila ito ay itinayo sa isang tangway. O kung baga: tila ang isang tulay na lupa ay pinag-uugnay nito ang bahaging nakausli sa dagat sa bahagi na umuunat sa tabi ng baybayin. Kamukha nito ang isang dambuhalang kabute, nakikita mula sa dagat, na ang korona nito nakalatag sa mga alon, ang mga ugat sa ilalim ng baybayin, ang tangway bilang ang tangkay. May dalawang daungan, sa magkabila: ang isa sa hilaga, ay mas malapad at puno ng maliliit na mga bangka; sa isa, sa timog, na mas protektado, ay may malalaking barko dumarating at umaalis.

«Kailangan na pumunta tayo sa banda roon» sabi ni Isaac, itinuturo ang mas maliliit na bangka. «Iyan ang lugar kung nasaan naroroon ang mga mangingisda.»

Naglakad sila paikot ng isla at nakikita ko na ang tangway ay isang artipisyal, isang uri ng dam gawa sa pinagtabi-tabing mga bato iniuugnay ang maliit na isla sa pinakalupa. Maluho silang magtayo nang mga araw na iyon! Nakikita ko mula sa gawang ito at mula sa bilang ng mga bangka sa mga daungan na ang bayan ay mayaman at aktibung-aktibo sa pangangalakal. Sa likuran ng bayan, sa kabila ng isang patag na lugar, may ilan-ilan na maririkit tingnan na mga burol, at ang Great Hermon at ang kabit-kabit na mga bundok ng Lebanon ay makikita sa napakalayo sa likuran. Naintindihan ko rin na ito ang isa sa mga bayan na makikita mula sa Lebanon.

Ang bangka ni Jesus ay ngayon pumapasok na sa daungan, sa angklahan na may bubong, sapagkat hindi ito dumadaong, bagkus ang mga lalaki ay nagsasagwan nang paatras at paharap hanggang makita ni Isaac ang kanyang mga hinahanap at tinawagan niya sila sa tuktok ng kanyang boses. Dalawang magandang bangka ng pangingisda ang lumalapit sa kanila at ang mga tauhan ay niyukuan ang maliliit na bangka ng mga disipulo.

«Ang Guro ay kasama namin, aking mga kaibigan. Halikayo, kung ibig ninyong mapakinggan ang Kanyang mga salita. Ngayong gabi babalik Siya sa Sicaminon» sabi ni Isaac.

«Kami ay pupunta kaagad. Saan kami pupunta?»

«Sa isang tahimik na lugar. Ang Guro ay hindi bababa sa Tyre o sa bayan sa pinakalupa. Siya ay magsasalita mula sa bangka. Kung kaya’t pumili ng isang may lilim at protektadong lugar.»

«Sundan ninyo kami patungo sa bato. May mga tahimik na may lilim na maliliit na isla roon. Makadadaong din kayo.»

At sila ay pumunta sa isang isla sa bangin, sa unahan pa sa hilaga. Ang napakatarik na bangin ay nakapagpoprotekta sa araw. Ito ay isang malungkot na lugar: tanging mga ibong-dagat at mga kalapating-gubat lamang ang namumuhay dito: sila ay lumilipad para sa kanilang mga pananalakay sa dagat at pagkatapos babalik sa kanilang mga pugad sa mga bato, humuhuning malalakas. Ilan pang mga bangka ang sumama sa nangungunang bangka at kung gayon naporma ang isang maliit na plota. Sa dula ng munting bay ay may maliit na baybayin. Ito ay tunay ngang isang peke na baybayin: isang maliit na kudradong liwasan nakakalatan ng mga bato. Makalalaman ito ng mga sandaan katao.

Sila ay dumaong ginagamit ang isang malaking patag na bato na nakausli mula sa malalim na tubig katulad ng isang maliit na natural na balsa at nag-ipun-ipon sila sa maliit na mabatong baybayin, nagkikislapan sa asin. Sila ay mga payat na morenong mga lalaki, mga sunog sa araw at ng dagat. Ang kanilang maiikling pang-ilalim na mga damit ay naiiwang walang takip ang kanilang maliliksi ang maninipis na mga galamay. Sila ay maliwanag na ibang lahi mula sa mga Hudyo ng kasalukuyang panahon, ngunit ang pagkakaiba ay hindi masyadong halata hinggil sa mga Galilean. Masasabi ko na ang mga Syro-Phoenician na mga iyon ay mas nakakatulad ang dating mga Pilisteo kaysa ang kanilang mga taga-kalapit-bayan. Iyon man lamang na aking nakikita.

Si Jesus ay lumalapit sa baybayin at nagsimulang magsalita.

«Nababasa natin sa Aklat ng mga Hari na ang Panginoon ay inutusan si Elijah na pumunta sa Zarephath ng mga Sedonian noong tagtuyot at paghihikahos sa pagkain na ipinaghirap ng Lupa sa loob ng mahigit tatlong taon. Ang Panginoon ay hindi nagkukulang sa pamamaraan upang pahupain ang pagkagutom ng propeta kahit saang lugar, ni hindi Niya pinadala ang siya sa Zarephath dahil sa ang bayan na iyon ay mayaman sa pagkain. Sa kabaligtaran, namamatay na sila sa pagkagutom doon. Bakit kung gayon pinadala ng Diyos si Elijah ang Tishbite?

Mayroon sa Zarephath na isang babae na may relihiyosong puso . Siya ay isang balo, isang banal na namumuhay na babae, ang ina ng isang batang lalaki; ang babae ay mahirap at nag-iisa, sa kabila nito hindi siya kailanman nagrebelde laban sa nakapanghihilakbot na kaparusahan, ni hindi siya makasarili sa kanyang pagkagutom, o suwail. Ibig ng Diyos na pakinabangin siya sa pagkakaloob sa kanya ng tatlong himala. Isa para sa tubig na dinala niya sa nauuhaw na tao, isa para sa maliit na hiwa ng tinapay na kanyang ginawa sa ilalim ng mga abo, nang siya ay may sandakot na harina na lamang na naiiwan, isa para sa ospitalidad na kanyang inialok sa propeta. Ang propeta ay binigyan siya ng tinapay at langis, ibinigay sa kanya ang buhay ng kanyang anak na lalaki at ang kaalaman tungkol sa salita ng Diyos.

Makikita ninyo na ang isang mapagkawanggawang aksiyon ay hindi lamang nakapagpapapawi ng gutom ng mga katawan o nakapag-aalis ng kapighatian para sa isang kamatayan, bagkus itinuturo nito sa kaluluwa ang karunungan ng Panginoon at binibigyan Niya kayo ng salita ng Karunungan. Ang isang mabuting gawa ay nadala ang salita ng Panginoon sa lupain na ito, kung saan ang salita ay hindi pumupunta. Maikukumpara Ko kayo sa nag-iisang babae sa Zarephath na tumanggap sa propeta. Sapagkat kung Ako ay nagpunta sa bayan, ang mayayaman at malalaking tao ay hindi Ako tatanggapin, ang abaláng mga mangangalakal at mga mandaragat ay hindi Ako papansinin at ang Aking pagpunta rito ay naging walang halaga sana.

Ako ngayon ay aalis at sasabihin ninyo: “Ngunit ano tayo? Sandakot na mga lalaki. Ano ang mayroon tayo? Isang patak ng karunungan”. Subalit sasabihin Ko sa inyo: “Ipinagkakatiwala Ko sa inyo ang gawain ng pagbabalita ng tungkol sa oras ng Tagapagtubos”. Iniiwan Ko kayo inuulit ang mga salita ni Elijah, ang propeta: “Ang banga ng harina ay hindi mauubusan. Ang langis ay hindi mauubos hanggang sa pagdating ng isa na magbibigay sa inyo nito nang labis-labis”.

Nagawa na ninyo iyan. Sapagkat may mga Phoenician dito sa pagitan ninyo na nanggaling pa sa ibayo ng Mount Carmel. Na ang ibig sabihin kayo ay nakapagsalita katulad ng kayo ay napagsalitaan. Makikita ninyo kung gayon na ang sandakot na harina at ang sampatak ng langis ay hindi naubos, bagkus sa halip dumami. Magpatuloy na palaguin ito. At kung iniisip ninyo na kakaiba na ang Diyos ay pinili kayo para sa gawain na ito, sa dahilan na sa palagay ninyo wala kayong kakayahan na gawin ito, ulitin ang salita ng dakilang pagtitiwala: “Gagawin ko kung ano ang sinasabi mo sa akin, nagtitiwala sa iyong salita”.»

«Guro, papaano ang gagawin namin sa mga hentil dito? Kilala namin ang mga taong ito sapagkat sila ay mga mangingisda, katulad namin. Kami ay nakikipagkapatiran sapagkat pareho ang aming ginagawa. Ngunit papaano ang iba?» tanong ng isang mangingisda ng Israel.

«Sinasabi mo na kayo ay nakikipagkapatiran dahil sa pareho ang ginagawa. Bueno, kung gayon, ang pareho bang pinanggalingan ay hindi kayo magagawang makipagkapatiran din? Ang Diyos ay nilikha kapwa ang mga Israelita at ang mga Phoenician. Ang mga mamamayan ng kapatagan ng Saron o ng Kataasang Judaea ay hindi iba sa mga mamamayan ng dalampasigang ito. Ang Paraiso ay ginawa para sa lahat na mga anak ng tao. At ang Anak ng tao ay dumating upang dalhin ang lahat na mga tao sa Paraiso. Magtagpo kung gayon sa iisang daan at magmahalan nang espirituwal sa isa’t isa katulad na nagmamahal kayo sa isa’t isa dahil sa mga rason ng inyong trabaho.»

«Si Isaac ay nagsabi sa amin ng maraming mga bagay. Ngunit ibig pa namin makaalam nang marami pa. Posible ba na kami ay magkaroon ng isang disipulo, bagama't napakalayo namin sa daan?»

«Ipadala Ninyo si Juan ng Endor, Guro. Napakagaling niya at sanay siya sa pakikisama sa mga pagano» mungkahi ni Judas ng Kerioth.

«Hindi. Si Juan ay mananatiling kasama natin» tugon ni Jesus nang disidido. Siya pagkatapos ay binalingan ang mga pastol: «Kailan magtatapos ang panlalakaya ng mga kabibing murex?»

«Sa unang mga pagbagyo sa taglagas. Ang dagat ay napakamasalimuot dito, pagkatapos.»

«Kayo ba ay babalik sa Sicaminon kung gayon?»

«Kami ay pupunta roon at sa Caesarea. Marami kaming tinutustusan na mga Romano.»

«Magagawa ninyo kung gayon na matagpuan ang mga disipulo. Sa pansamantala… magpursige.»

« Nakasakay sa aking bangka ay may isa na ayaw ko at pumunta siya rito halos sa Ngalan Ninyo.»

«Sino siya?»

«Isang binata mula sa Ashkelon.»

«Sabihin sa kanya na bumaba at pumunta rito.»

Ang lalaki ay pumunta sa bangka at bumalik kasama ang isang binata na tila napapahiya sa pagiging nasa gitna ng labis na atensiyon.

Ang apostol na si Juan ay nakilala siya. «Siya ay ang isa sa mga nagbigay sa amin ng mga isda, guro» at siya ay tumayo upang batiin siya. «Pumunta ka, Ermasteus? Nag-iisa ka ba?»

«Oo, nag-iisa ako. Sa Capernaum ako ay nahihiya… Nanatili ako sa baybayin, umaasa…»

«Ano?»

«Na makita ang iyong Guro.»

«At hindi pa sa iyo? Aking kaibigan, bakit ka pa nagdadalawang-isip? Halika sa Liwanag Na naghihintay sa iyo. Kita mo ba kung papaano Siya nanonood at ngumingiti sa iyo?»

«Papaano nila ako titiisin?»

«Guro, pakiusap na pumarito nang isang sandali.»

Si Jesus ay tumayo at pumunta kay Juan.

«Hindi siya naglalakas-loob na lumapit sapagkat siya ay isang banyaga.»

«Walang mga banyaga, sa ganang Akin. At ang iyong mga kasama? Hindi ba’t marami kayo?... Huwag kang mabalisa. Ikaw lanang ang nag-iisa na nagpursige. Ngunit Ako ay masaya rin dahil sa iyo na nag-iisa. Sumama ka sa Akin.»

Si Jesus ay bumalik sa Kanyang lugar kasama ang Kanyang bagong napanalunan. «Ating tiyak na ibibigay ang binatang ito kay Juan ng Endor» sabi Niya sa Iskariote. Pagkatapos Siya ay nagsasalita sa lahat.

 «Ang isang grupo ng mga minero ay bumaba sa isang mina kung saan nalalaman nila na may ilang tagong-kayamanan na lubos na nakatago sa mga bituka ng lupa… At sila ay nagsimulang maghukay. Ngunit ang lupa ay matigas at ang pagtatrabaho mahirap. Marami ang napagod, itinapon ang kanilang mga piko at umalis. Ang iba ay pinagtatawanan ang kabo at tinatrato na halos isang tanga. Ang iba ay minumura ang kanilang kapalaran, ang trabaho, ang lupa, ang metal at sa bugso ng galit pinipiko nila ang mga bituka ng lupa nasisira ang mga ugat sa pagiging mga walang-pakinabang na maliliit na butil at nang makita nila na nakasira lamang sila nang walang kikitain, sila ay umalis din.

Tanging iisa lamang ang nanatili: ang pinakamapursiging isa. Piniko niya nang may-kabaitan ang matitigas na sapin-sapin ng lupa upang malagos ito nang walang nasisirang kahit anuman, gumawa siya ng iba't ibang pagsusuri, naghukay siya at nakaabot pa sa mas malalim. Ang isang magandang mahalagang ugat ay sa wakas natuklasan. Ang pagpupursige ng minero ay kung gayon nagantimpalaan at sa pamamagitan ng pinakapurong metal na kanyang natagpuan nakakuha siya ng maraming mga kontrata ng trabaho, isang dakilang kaluwalhatian at maraming suki, sapagkat ang lahat ay gusto ang metal na iyon, na tanging ang pagpupursige lamang ang makakakuha, samantalang ang mga tamad at galit ng mga tao ay walang nakuha.

Ngunit kapag ang ginto ay natagpuan na, ito rin ay kailangan na magpursige at magawang maaaring trabahuhin, upang maging maganda at handang magamit ng platero. Kung ang ginto, pagkatapos na mahukay, ay hindi pumayag na dumaan sa iba pang pagsasaayos, gaano pa man kasakit ito, mananatili itong isang magaspang na metal, hindi maaaring pandayan. Makikita ninyo kung gayon na ang unang kasigasigan ay hindi sapat upang maging matagumpay, maging bilang mga apostol o mga disipulo o mga naniniwala. Kinakailangan na magpursige.

Si Ermasteus ay maraming mga kasamahan, at sa unang sigasig lahat sila ay nangakong pupunta. Siya lang ang pumunta. Ako ay maraming mga disipulo at ang kanilang bilang ay lálaki. Ngunit kakaunti lamang sa kanila ang magpupursige hanggang sa katapusan. Pagpupursige! Iyan ay malaking salita. Para sa lahat na mabubuting bagay.

Kapag nagtatapon kayo ng lambat upang manghuli ng mga kabibing murex, ginagawa ba ninyo iyan nang minsan lang? Hindi. Maraming beses, mga ilang oras, ilang araw, buwanan, at payag kayong bumalik sa dating lugar sa susunod na taon, sapagkat ang inyong pagtatrabaho ay nagbibigay ng tinapay at kaginhawahan sa inyo at sa inyong mga pamilya. At kayo ba ay kikilos nang iba para sa mas importanteng mga bagay, katulad ng mga interes ng Diyos at ng inyong mga kaluluwa, kung kayo ay mga naniniwala; inyong mga interes at interes ng inyong mga kapatid, kung kayo ay mga disipulo? Sasabihin Ko sa inyong totoo na kinakailangan na magpursige hanggang sa katapusan, upang makakatas ng purpura para sa eternal na mga kasuutan.

At ngayon tayo ay manatili rito bilang mabubuting magkakaibigan hanggang sa panahon nang pagbabalik. Sa ganoon magkakakila-kilala tayo nang mabuti at magiging mas madaling matandaan ang isa’t isa…»

At sila ay kumalat sa maliit na mabatong bay, nagluluto ng mga kabibi at ng mga talangka na nahuli sa mga batuhan, at maliliit na isda nahuli ng maliliit na lambat. Ang iba ay natutulog sa tuyong mga damong-dagat sa loob ng mga kuweba na nabuksan sa bato sa pamamagitan ng mga paglindol o ng dagat, habang ang kalangitan at dagat ay isang nakasisilaw na asul naghahalikan sa orisonte. Ang mga ibong-dagat ay pauli-uli sa dagat at sa kanilang mga pugad sa mga bato, humuhuni at pumapayagpag ang mga pakpak, ang tanging mga ingay na mapapakinggan, kasabay ang paghuhugas ng dagat, sa nakababanas na mga oras ng tag-init na ito.

 090511/012913

 



Sunod na kabanata