252. Pag-alis sa Sicaminon. Ang Banal Na Birheng Maria at ang Espirituwal na Maternidad.

Agosto 14,1945.

Gabi pa rin, isang magandang gabi na may namumutlang buwan, nang si Jesus, ang mga apostol at ang mga kababaihan, sina Juan ng Endor at si Ermasteus, ay matahimik na iniiwan si Isaac, ang tanging nag-iisa na gising, at naglakad nang paalis sa tabi ng baybayin. Ang ingay ng kanilang mga hakbang ay tanging ang kaunting pag-ingit ng mga graba na napipisa ng kanilang mga sandalyas, at walang sinuman ang nagsasalita hanggang sa sila ay makalayo ng mga lang metro sa huling bahay. Ang mga taong natutulog dito, o ang mga nasa bahay bago nito, ay tiyak na hindi nag-aalam tungkol sa matahimik na pag-alis ng Panginoon at ng Kanyang mga kaibigan. May labis na katahimikan. Tanging ang dagat lamang ang nagsasalita sa buwan na malapit nang lumubog sa kanluran at sinasabi nito sa buhangin ang mga kuwento tungkol sa mga kalaliman nito sa pamamagitan ng mahabang alon sa taib, na nagsisimula nang lisanin ang panipis-nang-panipis na puwang sa baybayin.

Sa pagkakataon na ito ang mga kababaihan ang nasa harapan, kasabay si Juan, ang Zealot, si Judas Tadeo at si Santiago ni Alfeo, na tumutulong sa kanila na makalampas sa maliliit na bato na nakakalat dito at doon, na basa at madulas din gawa ng kahalumigmigan ng gabi. Ang Zealot ay kasama si Maria ng Magdala, si Juan si Martha, habang si Santiago ni Alfeo ay inaalalayan ang kanyang ina at si Susanna, at si Tadeo ay hindi isinusuko sa kaninuman ang karangalan na kunin sa kanyang malakas na kamay – na nakakatulad ng kay Jesus – ang maliit na kamay ni Maria upang matulungan Siya sa mahihirap na lugar. Ang bawat isa ay nagsasalita sa mababang tinig sa kanyang kasama. Lahat sila ay tila ibig na igalang ang tulog ng Lupa.

Ang Zealot ay nakikipagusap nang mainitan kay Maria ng Magdala at nakikita ko na si Simon ay iniuunat ang kanyang mga kamay nang kahigit pa sa minsan, ibig sabihin: «iyan ‘yan at wala tayong magagawa tungkol diyan» ngunit hindi ko mapakinggan ang sinasabi nila dahil sila ay malayo sa lahat.

Si Juan ay nagsasalita sa kanyang kasama paminsan-minsan lamang, itinuturo ang dagat at ang Mount Carmel, na ang kanlurang tabi nito ay nagmumukhang maputi sa liwanag ng buwan. Baka nagsasalita siya tungkol sa daan na kanilang kinuha nang nakaraan, iniikutan ang Mount Carmel sa kabilang tabi.

Sa Santiago rin, na nasa pagitan ni Maria ni Alfeo at ni Susanna ay nagsasalita tungkol sa Mount Carmel. Sinasabi niya sa kanyang ina: «Si Jesus ay nangako sa akin na aakyat kami roon nang mag-isa lamang kaming dalawa at sasabihin sa akin lamang ang isang bagay.»

«Ano ang ibig Niyang sabihin sa iyo, anak? Maaari mo bang sabihin sa akin, pagkatapos?»

«Inay, kung iyon ay isang lihim, hindi ko masasabi sa iyo» tugon ni Santiago ngumingiti nang kanyang ngiti na napakagiliw; ang kanyang pagiging kamukha ni Jose, ang esposo ng Birhen, ay kapansin-pansin kapwa tungkol sa kanyang mga katangian at lalo na sa kanyang mapanatag na kabaitan.

«Walang mga lihim para sa isang ina.»

«Sa katunayan wala ako. Ngunit kung si Jesus ay ibig Niya ako roon, nag-iisa upang magsasalita sa akin, ibig sabihin nito ayaw Niya na may ibang tao na makaaalam ng Kanyang sasabihin sa akin At kayo, inay, ay ang aking mahal na ina, na labis kong minamahal, ngunit si Jesus ay mas mataas sa inyo, katulad na mas mataas ang Kanyang kalooban. Ngunit, pagdating ng panahon, tatanungin ko Siya kung maaari kong ulitin ang Kanyang mga salita sa inyo. Masaya na ba kayo?»

«Makakalimutan mong tanungin Siya…»

«Hindi, inay Hindi ako kailanman nakakalimot, kahit na kung kayo ay malayo sa akin. Sa tuwing nakakakita ako o nakaririnig ako ng isang maganda, lagi kong sinasabi: “Sana ang akin inay ay naririto!”»

«Mahal ko! Bigyan mo ako ng halik, anak» si Maria ni Alfeo ay naantig. Ngunit ang emosyon ay hindi nakapapatay ng pag-uusyoso. Pagkatapos ng pananahimik nang mga ilang sandali, gumawa siya ulit ng panibagong pagtatangka: «Sinabi mo: ang Kanyang kalooban. Kung gayon nalalaman mo na ang ibig Niyang sabihin sa iyo ay ang Kanyang kalooban. Sige na, masasabi mo sa akin kahit man lang iyan Sinabi Niya iyan sa iyo sa presensya ng lahat.»

«Sa katunayan ako ay nag-iisang kasama niya, sa unahan ng iba pa» sabi ni Santiago ngumingiti.

«Ngunit ang iba ay naririnig kayo.»

«Wala Siyang sinabing labis sa akin, inay. Pinaalalahanan Niya ako ng tungkol sa mga salita at sa panalangin ni Elijah sa Mount Carmel: “Sa lahat na mga propeta ng Panginoon, ako lamang ang natira”. “Pakinggan ako, upang ang mga taong ito ay sana kilalanin na Kayo ang Panginoong Diyos”.»

«At ano ang ibig Niyang sabihin?»

«Gaano karaming bagay ang big ninyong malaman, inay! Pumunta kayo kay Jesus, kung gayon, at sasabihin Niya sa inyo» tugon ni Santiago, upang maiwasan ang kanyang nakapanghihiyang mga katanungan.

«Baka ang ibig Niyang sabihin, sa dahilan na si Juan Bautista ay nahuli, Siya ang tanging propeta na naiwan sa Israel at na ang Diyos ay kailangan na mapanatili Siya nang matagal, upang ang mga tao ay sana maturuan» sabi ni Susanna.

«H’m! Hindi ako maniniwala na si Jesus ay makikiusap na mapanatili nang mahabang panahon. Wala Siyang hinihingi para sa Kanyang Sarili… Sige na, mahal na Santiago! Sabihin sa iyong ina.»

«Ang pag-uusyuso ay isang kakulangan, inay; ito ay walang kabuluhan, mapanganib, kung minsan iyan ay nakapamimighati. Gumawa ng isang magandang kilos ng pagpapahiya…»

«Aha! Ang ibig ba Niyang sabihin na ang iyong kapatid ay makukulong, at papatayin siguro?!» tanong ni Maria ni Alfeo, na ganap na nababalisa.

«Si Judas ay hindi ang “lahat na propeta”, inay, kahit na kung, sa ganang inyong pagmamahal, ang bawat anak ninyo ay ang buong mundo…»

«Iniisip ko rin ang tungkol sa iba… sapagkat kayo ay tiyak na makakasama sa mga propeta sa hinaharap. Kung gayon… kung ikaw lamang ang matitira… kung ikaw lamang ang matitira, ibig sabihin ang iba, na ang aking Judas… O!...» si Maria ni Alfeo ay iniwan sina Santiago at Susanna, at tumakbo siyang pabalik mabilis, na tila siya ay isang bata-pang babae, hindi pinakikinggan ang katanungan na tinatanong sa kanya ni Tadeo.

Nakarating siya sa grupo ni Jesus katulad ng isang hinahabol. «Aking Jesus… Ako ay nagsasalita sa aking anak… tungkol sa sinabi Mo sa kanya… tungkol sa Mount Carmel… tungkol kay Elijah… tungkol sa mga propeta… Sinabi Mo… na si Santiago ang tanging matitira… At ano ang mangyayari kay Judas? Siya ay aking anak, alam Mo?» nagsasalita siya na humahangos dahil sa kanyang paghihirap ng kalooban at ng kanyang pagtakbo.

«Alam Ko, Maria At alam Ko rin na ikaw ay masaya na siya ay Aking disipulo. Nakikita mo na nasa iyo ang lahat na karapatan ng isang ina, at nasa Akin ang lahat na iyan bilang Guro at Panginoon.»

«Totoo iyan… totoo iyan…ngunit si Judas ay ang aking bata!...» at si Maria, nakini-kinita ang hinaharap, ay napabugsong umiyak.

«O! gaano kasamang iniluluha mo ang iyong mga luha! Ngunit ang puso ng isang ina ay pinatatawad sa lahat. Halika rito, Maria. Huwag umiyak. Pinaginhawahan kita minsan dati. Sa pagkakataon din na iyon nangako Ako sa iyo na ang iyon kapighatian ay makakakuha ng dakilang mga grasya mula sa Diyos, para sa iyo, para sa iyong Alfeo, para sa iyong mga anak…» si Jesus ay iniakbay ang Kanyang kamay sa balikat ng Kanyang tiya kinakabig siyang malapit sa Kanya… Sinabihan Niya ang mga nasa malapit sa Kanya: «Pumunta kayo sa unahan…» Nang Siya ay nag-iisa na lamang kasama si Maria ni Clopas, Siya ay nagpatuloy sa pagsasalita: «At Ako ay hindi nagsabi ng kasinungalingan. Si Alfeo ay namatay pinananawagan Ako. Sa gayon ang bawat pagkakautang niya sa Diyos ay nakansela. Iyon ay ang iyong kapighatian na nakakuha ng kombersiyon na iyon sa kanyang di-naintindihan na kamag-anak, sa Mesiyas Na hindi niya kinilala dati. Ang iyong kasalukuyang kapighatian ay makukuha ang iyong nag-aalangang Simon at ang iyong matigas na si Jose upang gayahin ang iyong Alfeo.»

«Oo, ngunit… Ano ang Iyong gagawin kay Judas, sa aking Judas?»

«Mamahalin Ko siya nang higit pa kaysa minamahal Ko siya ngayon.»

«Hindi, hindi. May pagbabanta sa mga salitang iyan O! Jesus! O! Jesus!...»

Ang Banal na Birhen ay bumalik upang paginhawahan ang Kanyang hipag, bagama't hindi pa Niya nalalaman kung ano ang kanyang ipinamimighati, at nang malaman Niya, sapagkat nang makita siya ni Maria sa tabi, siya ay umiyak pa nang lalo at sinabihan Siya, ang Ating Ginang ay namutla kaysa sa buwan.

Si Maria ni Alfeo ay umungol: «Maaari bang sabihan mo Siya, hindi, hindi, hindi kamatayan para sa aking Judas…»

Ang Ating Ginang, Na maputlang-maputla, ay nagsabi sa kanya: «At magagawa Ko ba iyan sa katauhan mo, kung hindi Ako humihingi ng kaligtasan mula sa kamatayan para sa Aking sariling Anak? Maria, sabihin kasama Ko: “Masusunod ang Inyong kalooban, Ama, sa Langit, sa Lupa at sa mga puso ng mga ina”. Ang gawin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng kapalaran ng ating mga anak ay ang nakapanunubos na martiryo nating mga ina… ano pa man ang mangyari… Walang nagsasabi na si Judas ay papatayin, o papatayin bago ka pa mamatay. Gaano magiging mabigat para sa iyo ang iyong kasalukuyang panalangin, na sana siya ay mabuhay sa pinakamatandang edad, kung sa Kaharian ng Katotohanan at Pagmamahal, makikita mo ang lahat sa liwanag ng Diyos at sa iyong ginawang-espirituwal na maternidad. Matitiyak Ko na ikaw pagdating diyan, kapwa bilang isang pinagpalang kaluluwa at isang ina, ay gugustuhin mo ang iyong Judas na maging katulad ng Aking Jesus sa Kanyang kapalaran ng Tagapagtubos, at gugustuhin mong makasama mo siyang muli kaagad, magpakailanman. Sapagkat isang pahirap para sa isang ina ang mawalay sa kanyang mga anak. Isang napakalaking pahirap, na sa palagay Ko magtatagal, bilang nananabik na pagmamahal, sa Langit din, kung saan tayo tatanggapin.»

Ang pag-iyak ni Maria, napakalakas sa maagang pagsikat ng araw, ay nagawa ang lahat na bumalik, upang malaman kung ano ang nangyari, at napakinggan nila kung gayon ang mga salita ng Banal na Birhen at ang lahat ay naantig.

Si Maria ng Magdala ay bumulong umiiyak: «At binigyan ko ang aking ina ng ganyang pahirap kahit dito sa Lupa.»

Ai(sino si Ai Ai delas Alas?) Martha ay umiyak nagsasabing: «Ang mapawalay ay nakapamimighati kapwa sa mga ina at sa mga anak.»

Ang mga mata ni Pedro ay nagniningning sa mga luha at ang Zealot ay nagsabi kay Bartolomeo: «Magandang mga salita upang ipaliwanag kung ano ang magiging maternidad ng isang pinagpalang kaluluwa!»

«At kung papaano titingnan ang mga bagay ng isang pinagpalang ina: sa liwanag ng Diyos at ng kanyang ginawang-espirituwal na maternidad… Hindi ka makakahinga na tila hinaharap mo ang isang maningning na misteryo» tugon ni Natanael.

Ang Iskariote ay nagsabi kay Andres: «Ang Maternidad ay natatanggalan ng lahat ng nararamdamang bigat at nagkakaroon ng mga pakpak… kapag isinasalarawan nang ganyan. Tila nakikita na natin ang ating mga ina na nabago na ang anyo sa pagiging di-maiisip na kagandahan.»

«Totoo iyan. Ang ating ina, Santiago, ay mamahalin tayo nang ganyan. Naiimahina mo ba kung gaano magiging kaperpekto ang kanyang pagmamahal?» sabi ni Juan sa kanyang kapatid at tanging siya lamang ang ngumiti nang maningning, labis na naantig siya sa kaisipan na ang kanyang ina ay makapagmamahal nang perpekto.

«Humihingi ako ng paumanhin nakagawa ako ng labis na kaguluhan» nagpapaumanhin si Santiago ni Alfeo. «Ngunit binigyan niya ng labis na kahulugan ang aking sinabi… Maniwala Ka, Jesus.»

«Alam Ko, alam Ko. Ngunit Maria ay tinatrabaho ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang sarili, at iyon ay isang partikular na mabigat na bigwas ng sinsel. Ngunit makapag-aalis iyon ng labis na patay na bigat» sabi ni Jesus.

«Halina kayo, inay, tigil na ng pag-iyak. Nalulungkot ako na kinailangan ninyong maghirap katulad ng isang kaawa-awang maliit na babae na walang nalalaman tungkol sa katiyakan ng Kaharian ng Diyos. Kayo ay hindi katulad ng ina ng magkakapatid na Macabeo» sabi ni Tadeo kinagagalitan siya nang mahigpit, ngunit niyayakap siyang kasabay at hinahalikan ang kanyang ubaning ulo. «Kayo ay katulad ng isang maliit na batang babae na natatakot ng mga anino at ng mga kuwentong sinabi sa kanya upang takutin siya. Subalit nalalaman ninyo kung saan ninyo ako makikita: kay Jesus. Anong isang ina! Kailangan na umiyak kayo kung kayo ay sinabihan na, sa hinaharap, ako ay magiging isang traydor kay Jesus, o isa na mag-aabandona sa Kanya, o magiging isang isinumpang kaluluwa. Sa kasong iyan sang-ayon ako. Kailangan ninyong umiyak ng dugo. Ngunit, sa tulong ng Diyos, hindi ko kayo kailanman bibigyan ng ganyang kalalim na kapighatian, inay. Ibig kong makasama kayo magpasawalanghanggan kailanpaman…»

Ang paninita una, at ang sumunod na mga haplos ay nagpatigil sa mga luha ni Maria ni Alfeo, na ngayon ay kung baga nahihiya tungkol sa kanyang kahinaan.

Ang liwanag, sa paglipat mula sa gabi patungo sa araw, ay naglaho, sapagkat ang buwan ay lumubog na, ngunit ngayon ay hindi pa kaumagahan. Ngayon ay agaw-dilim. Ngunit kaagad pagkatapos ang liwanag ay nagsimulang ipilit ang sarili: sa una ito ay malatingga, pagkatapos abuhin, pagkatapos malaberde, pagkatapos maputi-puti na may malaasul na mga bakas, at sa wakas maliwanag, katulad ng di-materyal na plata, at nagagawa nitong mas madaling maglakad sa basang malatisa na baybayin, mula kung saan ang dagat ay umatras, habang kaaya-ayang pagnilay-nilayan ang dagat na nagiging maputlang asul at nasa punto na magningning na may mga mukha ng mga batong-hiyas. At pagkatapos ang ere ay isinama ang platang kulay nito sa isang mas madilim at mas madilim na rosas, hanggang sa ang ginintuang rosas ng pagsikat ng araw ay naging isang mapula-pulang rosas na mga ulan sa dagat, sa mga mukha, sa kabukiran, na may patingkad-nang-patingkad na kaibhang mga kulay, na nararating ang perpektong tugatog, na aking tinitingnan na siyang pinakamagandang araw, kapag ang araw na lumalabas mula sa silangang orisonte, ay ikinakalat ang unang mga sinag nito sa mga bundok at mga burol, mga kakahuyan, mga parang at sa maluwang na mga abot ng dagat at kalawakan, pinatitingkad ang bawat kulay, maging ito man ay ang kaputian ng niyebe, o ang malayong mga bundok ng indigo na nagiging jasper na berde, o ang cobalt na kalawakan tumatabang upang makahalo ng rosas, o sapiro na may mga ugat ng jade at nalinyahan ng mga perlas ng dagat. At ngayon ang dagat ay isang tunay na kahanga-hangang pangyayari ng kagandahan. Ito ay hindi patay sa di-nakakaganang kakalmahan, hindi ito kinukusot ng bangis ng hangin, bagkus ito ay mahestuwosong buháy sa nagngingitiang maliliit na maninipis na alon, namamarkahan lamang ng mga paglagaslas na nakokoronahan ng isang munting ituktok ng bula.

«Makakarating tayo sa Dora bago ang kainitan ng araw. At tayo ay aalis sa paglubog ng araw. Mga kapatid na babae, ang inyong nakakapagod na paglalakbay ay magtatapos sa Caesarea. At kami ay magkakaroon din ng pahinga. Ang inyong karwahe ay tiyak na naghihintay para sa inyo Tayo ay maghihiwalay…. Bakit ka umiiyak, Maria? Kailangan Ko bang makita ang mga Maria na umiiyak ngayon?» sabi ni Jesus kay Maria ng Magdala.

«Siya ay nalulungkot na iwanan Kayo» sabi ng kanyang kapatid nagpapaumanhin.

«Hindi ibig sabihin niyan na hindi na tayo magkikita muli at kaagad.»

Si Maria ay iniiling ang kanyang ulo. Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Ang Zealot ay nagpapaliwanag: «Siya ay natatakot na baka hindi niya magawang maging mabuti kung wala siya sa malapit sa Inyo. Natatakot siya ng… pagiging tuksuhin nang husto, kung Kayo ay wala sa malapit niya upang mapanatili ang dimonyo na malayo. Sinasabi niya iyan sa akin kani-kanina lamang.»

«Huwag kang matakot diyan. Hindi Ko kailanman inaalis ang grasya na Aking ipinagkaloob. Ibig mo bang magkasala? Hindi? Kung gayon huwag mag-alala Maging mapagbantay, siyempre, ngunit huwag matakot.»

«Panginoon… Ako ay umiiyak dahil sa Caesarea… Ang Caesarea ay puno ng aking mga kasalanan. Nakikita ko na ang mga ito ngayon… Ang aking pagiging-tao na kalikasan ay may labis na ipaghihirap…»

«Ako ay nalulugod tungkol diyan. Habang mas naghihirap ka, mas mabuti. Sapagkat pagkatapos hindi mo na ipaghihirap pa ang mga walang-silbing kirot na iyan. Maria ni Theophilus, pinaaalalahanan kita na ikaw ay ang anak na babae ng isang malakas na tao, na ikaw ay isang malakas na kaluluwa at ibig kitang gawin na pinakamalakas. Matitiis Ko pa ang kahinaan ng ibang mga babaeng disipulo, sapagkat sila ay laging naging mababa ang loob at mahiyain, kasama na ang iyong kapatid na babae. Ngunit hindi Ko gagawin ang ganyan sa kaso mo. Tatrabahuhin kita sa pamamagitan ng apoy at sa palihan ng bakal Sapagkat ang iyong karakter ay kailangan na harapin na ganyan, upang hindi masayang ang himala ng iyong kalooban at ng Akin. Dapat malaman mo iyan at ng mga tao na kasama sa mga naririto o wala rito na baka mag-isip na, dahil minahal kita nang labis, Ako ay baka maging mahina sa iyo. Pinahihintulutan kitang umiyak para sa pagsisisi at para sa pagmamahal. Ngunit wala nang iba pa. Malinaw ba iyan?» Si Jesus ay nakapangingibabaw at mahigpit.

Si Maria ng Magdala ay nagsisikap na malunok ang mga luha at mga hikbi at siya ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, hinahalikan ang mga paa ni Jesus at nagsisikap na mapatatag ang kanyang tinig nagsasabi: «Oo, aking Panginoon. Gagawin ko ang ibig Ninyo.»

«Tumayo kung gayon at maging kalmante.»

110511/012913

 



Sunod na kabanata