254. Pagpapaalam kay Maria ng Magdala, kay Martha at kay Sintike.

Agosto 17, 1945.

At sila ay nasa kanilang paglalakbay muli, pagawing silangan, patungong kabukiran.

Ang mga apostol at ang dalawang disipulo ay ngayon kasama ni Maria ni Clopas at ni Susanna, mga ilang yarda sa likuran ni Jesus, Na kasama ang Kanyang Ina at ang dalawang kapatid na babae ni Lazarus. Si Jesus ay abala sa pagsasalita. Ang mga apostol sa halip ay tahimik. Nagmumukha silang pagod o pinanghihinaan ng loob. Ang kanilang atensiyon ay ni hindi nakukuha ng kagandahan ng kabukiran, na totoong maganda, na may malumanay na alun-alon sa buong kapatagan katulad ng maraming berdeng mga unan sa ilalim ng mga paa ng isang higanteng hari at ang mga munting burol nito ay kumakalat dito at doon, pinapasakalyehan ang kabit-kabit na mga bundok ng Mount Carmel at Samaria. Kapwa ang kapatagan, na siyang nangingibabaw na bahagi ng kabukiran, at ang maliliit na may-dekorasyon na mga burol at ang inalun-alon na lupa, ay ganap na natatakpan ng mga naglalabasang bulaklak at puno ng nahihinog na mga prutas. Maaaring ito ay isang maayos na napatutubigan na lugar, sa kabila ng pusisyon nito at ng panahon, sapagkat ito ay labis na masagana upang magkulang sa tubig Ngayon ko naintindihan kung bakit ang kapatagan ng Saron ay madalas na banggitin nang may pananabik sa Banal na mga Iskriptura. Ngunit ang pananabik na iyan ay hindi sinasaluhan ng mga apostol, na nagmumukhang kahit papaano ay nagmumukmok, ang tanging mga tao na nagmumukhang ganyan, sa magandang araw na ito at sa magandang kabukiran na ito.

Ang konsular na daan, na maayos ang pagmantini, ay tinatawid ang pinakamatabang lupa katulad ng isang puting ribon at sa kaagahan ng umaga kung saan ang isa ay madalas makasalubong ng mga magbubukid may dalang mga makakain at mga manlalakbay patungong Caesarea. Ang isa sa mga magbubukid, pinasusunod ang isang linya ng mga asno kargado ng mga sako, na nakaabot sa mga apostol at napilitan sila na tumabi upang maparaan ang karabana ng mga asno, ay nagtanong nang may-kayabangan: «Ang Kishon ba ay naririto?»

«Malayo pa sa likuran» tugon ni Tomas nang walang gana, at bumulong sa pagitan ng kanyang mga ngipin: «Ikaw na istupido!»

«Siya ay isang Samaritano at tama na iyan!» tugon ni Felipe.

Sila ay naging tahimik muli. Pagkaraan ng mga ilang yarda, na tila tinatapos niya ang isang panloob na talumpati, si Pedro ay nagsabi: «Para sa anong kahalagahan iyon! Sulit ba na puntahan ang lahat na daan na iyon?»

«Siyempre! Bakit tayo pumunta sa Caesarea kung hindi Siya nagsalita kahit isang salita? Akala Ko may balak Siyang gumawa ng ilang magandang mga himala upang makumbinsi ang mga Romano. Sa halip…» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Inilantad tayo sa pangungutya, iyon lamang» wika ni Tomas.

Ang Iskariote ay pinalala ang sitwasyon nagsasabing: «At ginagawa Niya tayo na maghirap. Ngunit gusto Niya ang Siya ay iniinsulto at sa akala Niya gusto rin natin iyan.»

«Sa katunayan si Maria ni Theophilus ang siyang naghirap sa kasong ito» wika ng Zealot nang kalmante.

«Maria! Maria! Si Maria ba ang naging sentro ng sansinukuban? Siya lang ang tanging isang naghihirap, ang tanging bayani, ang tanging nag-iisang kailangang protektahan Kung nalaman ko lamang, naging magnanakaw na lang ako at isang mamamatay tao upang maging ang tinututukan ng labis na pangangalaga» bugso ng Iskariote.

«Sa katotohanan nang huling punta natin sa Caesarea at gumawa Siya ng himala at nag-ebanghelyo, ininis natin Siya sa pagsasaad ng ating di-pagkakontento sapagkat gayon ang Kanyang ginawa» wika ng pinsan ng Panginoon.

«Ang problema ay hindi natin alam kung ano ang gusto natin… Kung gumawa Siya ng isang bagay, bumubulung-bulong tayo, kung gawin Niya ang kasalungat na bagay, bumubulung-bulong pa rin tayo. Tayo ay puno ng mga kapintasan» sabing seryoso ni Juan.

«O! Naririyan ang isa pang marunong na tao nagsasalita! Isang bagay ang tiyak: walang mabuti ang nagawa nang matagal-tagal.»

«Walang mabuti, Judas? Ano ang tungkol sa griyegong babae, at si Ermasteus, at si Abel, at si Maria, ngunit…»

«Hindi sa ganyang mga walang-silbi na maitatatag Niya ang Kaharian» balik-sabi ng Iskariote, na nararahuyo ng idea ng maagang tagumpay.

«Judas, pakiusap na huwag husgahan ang mga ikinikilos ng aking Kapatid. Iyan ay isang katawa-tawang pagkukunwari. Ang isang bata na ibig husgahan ang kanyang guro, o kailangan kong sabihin: ang isang walang-silbi ibig na mailagay sa isang mataas na luklukan» sabi ni Tadeo, na may kaparehong pangalan at may walang-pagkalupig na matinding pag-ayaw para sa kanyang kapangalan.

«Salamat sa iyo sa pagtawag mo sa akin na isang bata. Sa katunayan, pagkatapos na manirahan nang napakatagal sa Templo akala ko ako man lang ay titingnan na nasa edad na» tugon ng Iskariote na may patamâ.

«Gaano nakaka-antok ang paguusap na ito!» sabi ni Andes na may buntung-hininga.

«totoo! Sa halip na nagkakaisa, habang tayo ay namumuhay nang magkakasama, tayo ay nahahati. Subalit sa Sicaminon sinabi Niya sa atin na kailangan natin na kaisa tayo sa kawan… papaano tayo kailanman magiging ganyan, kung tayo ay hindi nagkakaisa bilang mga pastol?» wika ni Mateo.

«Kung gayon tayo ay hindi kailangan na magsalita? Hindi tayo kailanman magbabanggit ng ating mga idea? Hindi sa palagay tayo mga alipin.»

«Hindi, Judas, tayo ay hindi mga alipin. Ngunit tayo ay hindi karapat-dapat na sundan Siya, sapagkat hindi natin Siya naiintindihan» sabi nang mapayapa ng Zealot.

«Naiintindihan ko Siya nang mabuti.»

«Hindi. Hindi mo Siya naiintindihan, at katulad mo, ang mga pumupuna sa Kanya, ay hindi rin Siya naiintindihan… Ang makaintindi ang ibig sabihin ang sumunod na walang paguusap-usap pa, sapagkat ang isa ay kumbinsido ng kabanalan ng gabay sabi n Zealot.

«Ah! Ang sinasabi mo ay ang maintindihan ang Kanyang kabanalan! Ang tinutukoy ko ay ang Kanyang mga salita. Ang Kanyang kabanalan ay di-pinagdudahan at hindi mapagdududahan» ang Iskariote ay nagmadaling nagsabi.

«Mahihiwalay mo ba ang isa sa isa? Ang isang santo ay laging may Karunungan, at ang kanyang mga salita ay maganda.»

«Totoo iyan. Ngunit gumagawa Siya ng nakasasamang mga bagay. Dahil sa kalabisan ng Kanyang kabanalan. Sumasang-ayon ako. Ngunit ang mundo ay hindi banal, at gumagawa Siya ng problema para sa Kanyang Sarili. Ngayon, halimbawa, sa palagay mo ba na ang Pilisteo at ang griyegong babaeng iyon ay makagagawa para sa atin ng kahit anumang kabutihan?»

«Kung ako ay makakasamâ, aalis ako sabi ni Ermasteus, na napapahiya. «Ako ay sumama sa idea na maparangalan Siya at ginagawa ang tamang bagay.»

«Mapamimighati mo Siya sa pag-alis dahil sa rason na ito�� si Santiago ni Alfeo ay tumugon sa kanya.

«Magkukunwari ako na nagbago ang aking isip. Magpapaalam na ako sa Kanya… at ako ay aalis.»

«Siguradong hindi! Hindi ka aalis. Hindi tama na ang Guro ay mawalan ng isang matapat na disipulo dahil sa kainitan ng ulo ng ibang mga tao» tugon kaagad ni Pedro.

«Kung ibig niyang umalis dahil sa napakaliit, ibig sabihin niyan hindi siya nakatitiyak sa kanyang sariling kalooban. Kung kaya’t hayaan siyang umalis» pagpilit ng Iskariote.

Si Pedro ay nawalan ng pagpipigil: «Nangako ako sa Kanya, nang ibinigay Niya sa akin sa Marjiam, na ako ay magiging paternal sa lahat, at nalulungkot ako na sirain ko ang aking pangako. Ngunit pinipilit mo ako. Si Ermasteus ay naririto at mananatili rito. Nalalaman mo ba ang kailangan kong sabihin sa iyo? Na ikaw ang nagpapabalisa sa kalooban ng ibang mga tao at ginagawa silang magduda. Ikaw ang isa na gumagawa ng mga paghihiwalayan at kawalang-kaayusan. Iyan kung ano ikaw Nakakahiya ka.»

«Ano ka ba? Ang protektor ng…»

«Oo. Tamang-tama ka. Alam ko ang ibig mong sabihin. Ako ang protektor ng Nakatalukbong na babae, ni Juan ng Endor, ni Ermasteus, ng alipin, ng sino pa mang naporma ni Jesus at hindi isa sa mga mariringal na mapasiklab na mga halimbawa ng Templo, na mga pinorma sa pamamagitan ng sagradong lusong at mga sapot ng Templo, ang mga pinabanguhang mitsa na may latak ng mga lampara ng Templo, ang mga katulad mo, sa ibang pananalita, maliban na ako ay naging isang hangal, ang Guro ay mahigit pang labis kaysa sa Templo at ikaw ay kulang…» siya ay sumigaw nang napakalakas upang ang guro ay tumigil at tumalikod at maglalakad na sanang pabalik, iiwanan ang mga kababaihan.

«Narinig Niya! Siya ay mamimighati!» sabi ng apostol na si Juan. «Hindi, Guro. Huwag Kayong pumarito. Kami ay naguusap-usap… upang patayin ang inip ng paglalakbay» sabi agad ni Tomas.

Ngunit si Jesus ay nanatiling hindi gumagalaw upang Siya ay maabutan nila.

«Ano ang inyong pinag-uusapan? Kailangan Ko bang sabihin sa inyong muli na ang mga babaeng disipulo ay nalalampasan kayo?» Ang Kanyang may-kabaitan na paninita ay nahipo ang kanilang mga puso. Sila ay naging tahimik at itinungo ang mga ulo. «aking mga kaibigan. Huwag maging ang dahilan ng iskandalo sa mga ipinanganganak sa Liwanag ngayon pa lamang! Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang imperpeksiyon ninyo ay mas nakasasama sa katubusan ng isang hentil o isang makasalanan, kaysa sa lahat ng mga pagkakamali ng paganismo?»

Walang tumutugon sapagkat hindi nila malaman kung ano ang kanilang sasabihin upang mapangatwiranan ang kanilang mga sarili o upang maiwasan ang sila ay magturuan.

Ang bagon ni Lazarus ay malapit sa isang tulay sa ibabaw ng isang tuyong ilog. Ang dalawang kabayo ay nanginginain sa makapal na damuhan sa mga pampang ng ilog, na baka natuyuan kamakailan pa lamang at sa gayon ang mga pampang ay makapal pa sa mga damo. Ang katulong ni Martha at isa pang lalaki, baka ang drayber, ay nasa kanal din ng ilog, habang ang mga babae ay nasa loob ng bagon, na ganap na natatakpan ng isang makapal na takip na may mga tuyong balat ng mga hayop, na mga nakabitin katulad ng makakapal na kurtina hanggang sa sahig ng bagon. Ang mga babaeng disipulo ay lumalakad patungo roon, at ang katulong na siyang nakaunang makakita sa kanila, ay pinaalam ang yaya, habang ang isang pang lalaki ay dinadala ang mga kabayo sa panulay.

Pansamantala ang katulong na lalaki ay nagmamadali patungo sa kanyang mga sinyora yumuyuko sa lupa. Ang maedad na yaya, isang mabuting babae na may olibong kutis, ngunit kaaya-aya, ay bumababa nang madali mula sa bagon at pumunta sa kanyang mga sinyora Ngunit si Maria ng Magdala ay may sinabi sa kanya at ibinaling ang kanyang paghakbang patungo sa Banal na Birhen nagsasabing: «Patawarin Ninyo ako… Ngunit ang Aking lugod na makita siya ay napakalaki na wala akong nakitang iba Halikayo, banal na Ina. Ang araw ay nanununog. Malamig sa loob ng bagon.»

Ang lahat na babae ay sumakay dito hinihintay ang mga kalalakihan na malayo sa likuran. At habang sila ay naghihintay at si Sintike, na suot ang damit na suot kahapon ni Maria ng Magdala, ay hinahalikan ang mga paa ng kanyang mga sinyora, dahil ipinipilit niya na ganyan ang itatawag niya, bagama't sinasabihan nila siya na siya ay hindi nila alipin o katulong, bagkus kanilang panauhin sa ngalan ni Jesus, ang Birheng Maria ay ipinakikita ang maliit na parsela ng purpura nagtatanong kung papaano ang napakaikling mga sinulid maihahabi dahil ang mga ito ay hindi mabasa o maipilipit.

«Hindi ganyan ang paggawa niyan, Donna. Kailangan nilang pulbusin at gamitin katulad ng iba pang mga tina Iyon ay ang maliit na hibla ng kabibi, hindi isang buhok. Tingnan Ninyo kung gaano kalutong ito, ngayon na ito ay tuyo? Gawin Ninyong pulbos ito, salain, upang maalis ang lahat na mahahabang piraso, na mamantsa sa estambre o tela. Mas mabuting tinahin ang estambre nang nakasabid. Kapag nakakatiyak Kayo na iyan ay lahat pinong pulbos na, lusawan Ninyo iyan katulad ng kutsinilya, o saffron, o indigong pulbos o pulbos ng kahit ano pang ibang banakal, ugat o prutas at gamitin Ninyo iyan. Pakapitin ang tina sa pamamagitan ng malakas na suka sa huling pagkuskos Ninyo.»

«Salamat sa iyo, Naomi. Gagawin Ko ayon sa sinabi mo sa Akin. Ako ay nakapagburda na ng purpurang mga sinulid, ngunit iyon ay ibinigay sa Akin handa nang gamitin… Naririto na si Jesus. Panahon na na magpaalam, Aking mga anak. pinagpapalà Ko kayong lahat sa ngalan ng Panginoon. Humayo sa kapayapaan at dalhin ang kapayapaan at lugod kay Lazarus. Paalam, Maria. Tandaan na iniluha mo sa Aking dibdib ang iyong unang mga masasayang luha. Ako kung gayon ay ang iyong Ina sapagkat ang isang sanggol ay iniluluha ang kanyang unang mga luha sa dibdib ng ina nito. Ako ay ang iyong Ina at magiging laging ganyan. Anuman ang mabigat para sa iyo na sabihin din sa iyong pinakamabait na kapatid, sa pinakamapagmahal na yaya, halika at sabihin sa Akin. Lagi kitang maiintindihan. Anuman ang wala kang labas-loob na sabihin sa Aking Jesus, sapagkat may batik pa iyan ng pagiging tao, na ayaw Niya sa iyo, halika at sabihin sa Akin Ako ay laging makikinig sa iyo. At kung ibig mong paalamin Ako ng tungkol din sa iyong mga pananagumpay – ngunit mas gusto Kong sabihin mo sa Kanya, katulad ng mabangong mga bulaklak, sapagkat Siya ay ang Iyong Tagapagligtas, hindi Ako – Ako ay magsasayang kasama mo. Paalam, Martha Ikaw ngayon ay aalis nang masaya, at ang iyong sobrenatural na kasayahan ay tatagal. Kung gayon wala ka nang kailangan pang iba bagkus ang gumawa ng pag-unlad sa hustisya, sa kapayapaan na wala na ngayong nagpapabalisa sa iyo. Gawin mo iyan alang-alang kay Jesus, Na nagmahal sa iyo nang labis na minahal Niya ang iyong kapatid na iyong minamahal nang may ganap na pagmamahal. Paalam, Naomi. Lumakad na dala ang kayamanan na iyong natagpuan. Katulad na madalas mong busugin ang kanyang kagutuman sa pamamagitan ng iyong gatas, busugin mo ngayon ang iyong sarili, sa pamamagitan ng mga salita na sasabihin niya at ni Martha sa iyo, upang sana makita mo sa Aking anak ang higit pa kaysa sa isang tagatawas na nagpapalaya sa mga puso mula sa Kasamaan. Paalam, Sintike, bulaklak ng Gresya, nabatid mo sa pamamagitan ng sarili mo na may isang bagay na mahigit pa sa laman Mamulaklak ngayon sa Diyos at maging ang una ng bagong Gresyang mga bulaklak kay Kristo. Masayang-masaya Ako na iwanan kayo na nagkakaisa nang ganyan. pinagpapalà Ko kayo kasama ang Aking pagmamahal.»

Ang kaluskos ng mga paa ay ngayon malapit na. Itinaas nila ang mabigat na kurtina at nakita si Jesus Na mga ilang talampakan mula sa bagon. Sila ay lumabas sa nakasusunog na araw, na nangangapoy pababa sa daan. Si Maria ng Magdala ay lumuluhod sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Pinasasalamatan ko Kayo, para sa lahat. At pinasasalamatan ko rin Kayo nang labis para sa ginawa Ninyo na magawa ko ang perigrinasyon na ito. Kayo lamang ang nagmamay-ari ng Karunungan. Ako ngayon ay aalis nawalan na ng mga labì ng Maria ng nakaraan. Pagpalain ako, aking Panginoon, upang mapalakas pa ako nang lalu't lalo pa.»

«Oo, pinagpapalà kita. Kalugdan ang pakikisama ng iyong kapatid na lalaki at babae at kasama sila pormahin mo ang iyong sarili nang labis at labis pa sa Akin, Paalam, Maria. Paalam, Martha. Sabihin kay Lazarus na pinagpapalà Ko siya. Ipinagkakatiwala Ko sa inyo ang babaeng ito. Hindi Ko siya ibinibigay sa inyo. Siya ay aking disipulo Ngunit ibig Kong ibigay ninyo sa kanya ang pagkakataon, gaano man kaliit, ng pagkaintindi sa Aking doktrina. Ako ay darating saka na. Naomi, pinagpapalà kita, at kayong dalawa rin.»

Sina Martha at Maria ay may mga luha sa kanilang mga mata. Ang Zealot ay binabati sila nang partikular inaabot ang isang sulat para sa kanyang katulong. Ang iba ay binabati silang lahat magkakasama. Ang bagon pagkatapos ay umalis.

«At ngayon lumakad na tayo at maghanap ng ilang malilim na lugar. Gabayan sana sila ng Diyos… Nalulungkot ka ba, Maria, na sila ay umalis na?» tinanong Niya si Maria ni Alfeo, na umiiyak nang tahimik.

«Oo, napakabuti nila…»

«Makikita natin silang muli kaagad. At sila ay lumaki sa bilang. Magkakaroon ka ng maraming kapatid na babae… o mga anak na babae, kung iyan ang gusto mo. Iyan ay lahat pagmamahal, maging iyan man ay maternal o págkakapatid» sabi ni Jesus pinagiginhawahan siya.

«Maliban na iyan ay hindi gagawa ng problema…» pabulong ng Iskariote.

«Problema na magmahalan sa isa’t isa?»

«Hindi Problema ng pagkakaroon ng mga tao ng iba't ibang lahi at pinagmulan.»

«Ibig mong sabihin si Sintike?»

«Oo, Guro. Gayunpaman siya ay pag-aari ng Romano at iyon ay mali na kunin ang pag-aari sa babae. Ang Romano ay magagalit sa atin at kinukuha natin para sa ating sarili ang kahigpitan ni Poncio Pilato.»

«Ano sa palagay mo ang pakialam ni Poncio Pilato kung ang isa sa kanyang mga tauhan ay nawalan ng isang alipin? Malalaman niya kung ano ang kahalagahan ng isang alipin. At kung siya ay pangkalahatan na matapat, ayon sa sinasabi nila na siya nga, sa loob ng bahay man lamang, sasabihin niya na ginawa ng babae ang tama na lumayas. Kung siya ay hindi matapat, sasabihin niya: “Tama iyon kay Valerian. Baka makita ko ang alipin”. Ang di-matatapat na tao ay walang pakiramdam sa mga paghihirap ng ibang mga tao. Ano pa man ang mangyari, kaawa-awang Poncio! Sa lahat ng problema na nagagawa natin para sa kanya, marami na siyang kinaaabalahan sa halip na aksayahin ang kanyang oras sa reklamo ng isang tao na pinabayaan ang kanyang alipin na makatakas» sabi ni Pedro. At marami ang nagsasabi na siya ay tama at tumatawa sa galit ng mahalay na Romano.

Ngunit si Jesus ay binabanggit ang bagay sa mas mataas na lebel. «Judas, alam mo ba ang Deuteronomio?»

«Tiyak ‘yan, Guro. At, hindi ako mag-aalinlangan na sabihin, katulad ng nalalaman ng kakaunting tao.»

«At ano sa tingin mo iyon?»

«Ang tagapagsalita ng Diyos.»

«Tagapagsalita. Kung gayon inuulit niyon ang salita ng Diyos.»

«Eksakto.»

«Nahusgahan mo iyon nang tama. Ngunit, kung gayon, bakit hindi mo iniisip na tama ang gawin ang ipinag-uutos nito?»

«Hindi ko kailanman sinabi iyan. Sa kabaligtaran! Nakita ko na labis natin iyan kinakaligtaan sa pagsunod sa bagong Batas.»

«Ang Bagong Batas ay ang bunga ng luma, ibig sabihin, ito ay ang perpeksiyon na tinamo sa pamamagitan ng punungkahoy ng Pananampalataya. Ngunit wala sa amin ang di-pumapansin dito, sa ganang nalalaman Ko, sapagkat Ako ang una na sumusunod dito at pumipigil sa iba na kalimutan ito.» Si Jesus ay napakatalas sa pagsasabi ng mga salitang ito. Siya ay nagpapatuloy: «Ang Deuteronomio ay di-magagalaw. Pati rin kapag ang Aking Kaharian ay magtagumpay, at ang Aking Kaharian kasama ang Bagong Batas at ang bagong mga alituntunin at mga sugnay nito, ang Deuteronomio ay laging gagamitin sa bagong mga dikta, katulad na ang kudradong mga bato ng makalumang mga gusali ay ginagamit para sa mga bagong gusali, sapagkat ito ay perpekto at nakagagawa ng napakalakas na mga pader Ngunit ang Aking Kaharian ay wala pa, at Ako, isang matapat na Israelita, ay hindi sinasaling o kinalilimutan ang Mosaic na Aklat. Iyan ang batayan ng Aking pagkilos at ng Aking itinuturo. Sa ibabaw ng batayan ng Tao at ng Guro, ang anak ng Ama ay inilalagay ang makalangit na konstruksiyon ng Kanyang Kalikasan at Karunungan. Sa Deuteronomio ay nakasulat: “Hindi mo ibibigay sa kanyang panginoon ang alipin na pumunta sa iyo Siya ay mamumuhay kasama mo, saan man ang gustuhin niya, siya ay mananatiling mapayapa sa isa sa inyong mga bayan at hindi mo siya momolestiyahin”. Ang dekretong ito ay ginagamit kahit saan kaso kung saan ang isang alipin ay napilitan na tumakas mula sa isang malupit na panginoon. Sa kaso Ko, sa kaso ni Sintike, ang pagtakas ay hindi patungo sa isang limitadong kalayaan, nagkusa patungo sa walang-limitasyon na kalayaan ng Anak ng Diyos. At ngayon na ang layang-layang na ito ay nakatakas sa patibong ng mangangaso, inaasahan mo ba Ako na ilalagay Ko siya muli sa loob ng isang lambat at ilagay siya sa kanyang kulungan upang maipagkait din sa kanya ang pag-asa, pagkatapos na kunin mula sa kanya ang kanyang kalayaan? Hindi, kailanman! pinagpapalà Ko ang Panginoon sapagkat, katulad na ang ating paglalakbay sa Endor ay nadala ang anak na ito pabalik sa Ama, gayon din ang ating pagdalaw sa Caesarea ay nadala ang babaeng ito sa Akin, upang sana madala Ko siya sa Ama Sa Sicaminon Ako ay nagsalita sa inyo tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya. Ngayon magsasalita Ako sa inyo tungkol sa liwanag ng Pag-asa. Ngunit ngayon tayo ay kumain na at magpahinga sa loob ng taniman na ito Sapagkat ang araw ay nanununog na tila ang impiyerno ay nakabukas.»

 160511

 

 

 

Sunod na kabanata