255. Si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Pag-asa.

«Kami ay mga Galilean na mga peregrino patungong Mount Carmel» tugon sa katauhan ng lahat ni Santiago ni Zebedeo, na kasabay ng kanyang mga mangingisdang kasamahan ay nag-uunat ng mga paa upang maalis ang pangangalay. Ang Iskariote at si Mateo ay kagigising pa lamang sa damuhan kung saan sila nahiga, habang ang mas mga nakatatanda, bilang pagod-na-pagod, ay natutulog pa rin. Si Jesus ay nagsasalita kay Juan ng Endor at kay Ermasteus, habang nasa malapit ang Banal na Birhen at si Maria ni Clopas, ngunit hindi nagsasalita ang mga ito.

Ang mga tagapagpisa ng mga ubas ay nagtanong: «Galing ba kayo sa malayo?»

«Ang Caesarea ay ang aming huling tinigilan. Bago diyan kami ay nasa Sicaminon at mas malayo pa. Kami ay nanggaling sa Capernaum.»

«O! mahabang paglalakbay sa panahon na ito! Ngunit bakit hindi kayo pumunta sa aming bahay? Iyon ay nasa banda roon, kita ninyo? Nabigyan sana namin kayo ng malamig na tubig upang mapalamigan ang inyong mga sarili, at ilang pagkain, pangkabukiran na pagkain, ngunit mabuti. Halina kayo.»

«Kami ay papaalis na sana. Gantimpalaan sana kayo ng Diyos gayunpaman.»

«Ang Mount Carmel ay hindi aalis sakay ng isang chariot na apoy katulad ng ginawa ng propeta» sabi ng isang magbubukid medyo seryoso.

«Wala nang mga chariot na nanggagaling sa Langit upang alisin ang mga propeta. Wala nang mga propeta sa Israel. Sinasabi nila na si Juan ay patay na» sabi ng isa pang magbubukid.

«Patay? Mula pa kailan?»

«Iyan ang sinabi sa amin ng ilang mga tao na nanggaling sa ibayo pa ng Jordan. Pinagpitaganan ba ninyo siya?»

«Kami ay kanyang mga disipulo.»

«Bakit ninyo siya iniwanan?»

«Upang sundan ang Kordero ng Diyos, ang Mesiyas Na aming ibinabalita. Mga mamâ, Siya ay nasa Israel pa. At mahigit pa sa isang chariot na apoy ang kakailanganin upang ilipat Siya nang karapat-dapat sa Langit. Hindi ba kayo naniwala sa Mesiyas?»

«Siyempre naniniwala kami! Nagpasya kami na lumakad at hanapin Siya kapag tapos na ang pag-aani. Sinasabi nila na Siya ay masigasig sa pagtupad sa Batas at na Siya ay pumupunta sa Templo sa itinakdang mga kapistahan. Kami ay malapit nang pumunta para sa mga Tabernakulo at mananatili sa Templo araw-araw upang makita Siya. At kung hindi namin Siya makita, lalakad kaming hahanapin Siya hanggang sa makita namin Siya. Sa dahilan na kilala ninyo Siya, sabihin sa amin: totoo ba na Siya ay nasa Capernaum sa halos lahat ng oras? Totoo ba na Siya ay matangkad, bata pa, maputla, makinang ang buhok at na ang Kanyang tinig ay iba sa tinig ng bawat ibang tao, dahil nahihipo nito ang mga puso ng mga tao at kahit mga hayop at mga punungkahoy ay nakikinig sa tinig Niya?»

«Nahihipo nito ang bawat puso, maliban sa mga puso ng mga Pariseo, Gamala. Sila ay naging mas marahas.»

«Sila ay ni hindi mga hayop. Sila ay mga dimonyo, kasama na ang isa na ang pangalan ay dala ko. Ngunit sabihin sa amin: totoo ba na Siya ay napakabait na Siya ay nagsasalita sa lahat, upang mapaginhawahan ang lahat, upang mapagaling ang mga sakit at maibalik muli ang kalooban sa Diyos ng mga makasalanan ?»

«Naniniwala ba kayo diyan?»

«Oo, naniniwala kami. Ngunit ibig namin na masabihan ninyo na mga sumusunod sa Kanya. O! sana madala ninyo kami sa Kanya!»

«Ngunit mayroon kayong mga ubasan na dapat tingnan.»

«Ngunit mayroon din kaming mga kaluluwa na kailangang alagaan, at mas mahahalaga pa ito kaysa sa aming mga ubasan. Siya ba ay nasa Capernaum? Sa sapilitan makapagmamartsa kaming lalakad at makabalik sa loob ng sampung araw…»

«Ang Isa Na inyong hinahanap ay nasa banda roon. Siya ay nagpahinga sa loob ng inyong ubasan at ngayon nagsasalita sa isang matandang iyon at isang binata, at ang Kanyang Ina at kapatid na babae ng Kanyang Ina ay katabi Niya.»

«Ang Isang iyon… O!... Ano ang ating gagawin?»

Sila ay nanigas sa pamamangha. Lahat sila ay puro mata nakatingin sa Kanya. Ang lahat ng kanilang lakas ay nasa kanilang mga mata.

«Bueno? Kayo ay sabik-na-sabik na makita Siya, at ngayon kayo ay hindi kumikilos? Kayo ba ay naging asin?» sabi ni Pedro tinutulak sila.

«Hindi… ito ay… Ngunit ang Mesiyas ba ay simpleng-simple?»

«Ano ba ang inyong inaasahan sa Kanya na maging? Nakaupo sa isang kumikislap na trono nakasuot ng makaharing manta? Inisip ba ninyo na Siya ay isang bagong Ahasuerus?»

«Hindi. Ngunit… napakasimple, at Siya ay napakabanal!»

«Mamâ, Siya ay simple dahil lang na Siya ay banal. Bueno, ito ang ating gawin… Guro! Mapasyensiya, halikayo at gumawa ng isang himala. May ilang mga lalaki rito na naghahanap sa Inyo, ngunit sila ay nanigas nakikita Kayo. Halikayo at ibalik sa kanila ang pagkilos at pagsalita.»

Si Jesus, Na tumalikod nang Siya ay tinawag, ay tumayo ngumingiti at pumunta sa mga tagapag-alaga ng mga ubas, na ang mga hitsura ay matigas-na-matigas na tila sila ay natatakot.

«Kapayapaan sa inyo. Kailangan ba ninyo Ako? Naririto Ako» At ginawa Niya ang dating paggalaw ng Kanyang mga kamay, na Kanyang itong inuunat na tila inaalay ang Kanyang Sarili.

Ang mga tagapag-alaga ay bumagsak sa kanilang mga tuhod at nananatiling tahimik.

«Huwag matakot. Sabihin ninyo sa Akin ang gusto ninyo.»

Inaalok nila ang kanilang mga basket na puno ng mga ubas, na hindi nagsasalita.

Si Jesus ay hinahangaan ang magagandang ubas, at nagsasabing: «Salamat» iniunat ang Kanyang kamay at kumuha ng isang buwig at nagsimulang kainin ito.

«O! Kataastaasang Diyos! Siya ay kumakain katulad natin!» sabi nang may pagbuntung-hininga ng isa na nagngangalang Gamala.

Hindi posible na hindi tumawa sa gayong wika. Si Jesus ay ngumiti rin nang kitang-kita at halos ipaumanhin ang Sarili, sinabi Niya: «Ako ang Anak ng tao!»

Ang Kanyang pagkilos ay napangibabawan ang kanilang pagkakatulog sa kasiyahan, at si Gamala ay nagsalita: «Hindi ba Kayo papasok sa aming bahay, hanggan man lang sa panalanging gabi? Kami ay marami, sapagkat kami ay pitong magkakapatid na lalaki kasama ang aming mga asawa at mga anak, at pagkatapos ay nariyan ang mga matatanda na mga naghihintay sa kamatayan sa kapayapaan.»

«Tayo na. Tawagin ang inyong mga kasama at sumama sa amin. Inay, sumama Kayo ni Maria.»

At si Jesus ay lumakad sa likuran ng mga magbubukid na mga tumayo na at mga naglalakad nang medyo patagilid upang makita Siyang lumalakad. Ang landas ay makitid at tumatakbo sa pagitan ng mga punungkahoy na itinatali sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga baging.

Kaagad nilang narating ang bahay, o kung baga ang mga bahay, sapagkat may ilang mga bahay pinoporma ang isang liwasan na may malaking para-sa-lahat na bakuran sa gitna, kung saan may isang balon. Ang pamasukan ay sa pamamagitan ng isang mahabang koridor, na nagsisilbing isang lobi at nakasara sa gabi na may mabigat na pinto.

«Kapayapaan sa bahay na ito at sa mga nakatira rito» sabi ni Jesus pumapasok at itinataas ang Kanyang kamay upang magpala, at pagkatapos ibinaba ito upang haplusin ang isang maliit na halos-hubad na bata, na tumitingin sa Kanyang nang nasisiyahan: siya ay maganda sa kanyang maliit na walang-manggas na kamiseta, na nalaglag na sa kanyang bilugang balikat; siya ay nakapaa, na ang isang daliri nasa kanyang bunganga at isang mumo ng tinapay, nilagyan ng langis, sa kabilang kamay.

«Iyan ay si David, ang anak na lalaki ng aking pinakabatang kapatid» paliwanag ni Gamala, habang ang isa pang tagapag-alaga ng mga ubas ay pinasok ang bahay sa kabila upang paalamin ang mga tao na nasa loob nito, pagkatapos siya ay lumabas at pinasok ang isa pa at patuloy pa, upang ang mga mukha ng bawat edad ay dumungaw at umalis, at pagkatapos lumabas pagkatapos ng maikling pagpasok sa kubeta.

May isang matanda na nakaupo sa lilim ng isang panilungan, natatakpan ng isang napakalaking punungkahoy, at may hawak siyang isang tungkod sa kanyang mga kamay . Ni hindi niya itinataas ang kanyang ulo, na tila walang kahit ano na nakapag-iinteres sa kanya.

«Siya ay ang aming ama» paliwanag ni Gamala. «Siya ay isa sa mga matatanda ng pamamahay, sapagkat ang asawa ni Jacob ay dinala rin dito ang kanyang ama, nang siya ay naiwan na mag-isa na lang, pagkatapos nariyan ang matandang ina ni Leah, na siyang pinakabatang asawa. Ang aming ama ay bulag. Ang kanyang mga mata ay natatakpan ng isang belo. Labis na sikat ng araw sa bukid! Labis na init mula sa lupa! kaawa-awang ama! Siya ay malungkot na malungkot. Ngunit napakabuti niya. Siya ay naghihintay ngayon para sa kanyang mga apo, na siyang tanging lugod niya.

Si Jesus ay pumunta sa matanda. «Pagpalain ka nawa ng Diyos, tatay.»

«Nawang ibigay muli ng Diyos sa Inyo ang Inyong pagpapalà, sinuman Kayo» tugon ng matanda itinataas ang kanyang ulo patungo sa tinig.

«Ang inyong kapalaran ay hindi kaaya-aya, hindi ba?» tanong ni Jesus nang may-kabaitan, sumisenyas sa iba na huwag magsalita kung sino ang nagsasalita.

«Ito ay nanggaling sa Diyos, pagkatapos ng labis na kabutihan na Kanyang ibinigay sa akin sa loob ng aking mahabang buhay, Katulad na tinanggap ko ang kabutihan mula sa Diyos kailangan kong tanggapin din ang kamalasan ng aking paningin. Matapos man ang lahat, ito ay hindi eternal. Ito ay matatapos sa sinapupunan ni Abraham.»

«Tama kayo. Mas malala ito kung ang inyong kaluluwa ang bulag.»

«Ako ay laging nagsikap na mapanatili ang paningin niyan na perpekto.»

«Papaano ninyo nagawa iyan?»

«Kayo na nagsasalita ay bata pa. Ang Inyong tinig ay sinasabi sa akin. Kayo kaya ay katulad ng pangkasalukuyang mga bata-pang tao na lahat bulag, sapagkat sila ay mga walang relihiyon, eh? Mag-ingat, iyan ay malaking kamalasan na hindi maniwala at hindi gawin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin. Ang isang matanda ay nagsasabi sa Inyo, aking bata. Kung kalimutan mo ang Batas, magiging bulag Kayo kapwa sa lupa at sa susunod na buhay. Hindi Ninyo makikita ang Diyos kailanpaman. Sapagkat ang araw ay darating kung saan ang Tagapagtubos ng Mesiyas ay bubuksan ang mga tarangkahan ng Diyos para sa atin. Ako ay napakatanda na na makita ang araw na iyan sa lupa. Ngunit makikita ko iyan mula sa sinapupunan ni Abraham. Iyan kung bakit hindi ako nagrereklamo ng anuman. Sapagkat umaasa ako na sa pamamagitan ng aking kadiliman nakapagbabayad-kasalanan ako sa anumang di-kaayun-ayon na nagawa ko sa Diyos, at na sana marapatin ko Siya sa eternal na buhay. Ngunit Kayo ay bata pa. Maging matapat, aking anak, upang sana makita Ninyo ang Mesiyas. Sapagkat ang panahon ay malapit na. si Juan Bautista ay iyan ang sinabi. Makikita Ninyo Siya Ngunit kung ang Inyong kaluluwa ay bulag magiging isa Kayo sa mga binabanggit ni Isaiah. Mayroon Kayong mga mata, ngunit hindi Kayo makakakita.»

«Ibig ba ninyong makita Siya, tatay?»tanong ni Jesus inilalapat ang isang kamay sa kanyang maputing ulo.

«Ibig ko Siyang makita, siyempre. Ngunit mas gusto ko nang umalis na hindi Siya nakikita, kaysa sa kailangan ko Siyang makita at ang aking mga anak ay hindi Siya makikilala. Nasa akin pa ang lumang pananampalataya at sapat na iyan para sa akin. Sila… O! ang mundo sa mga araw na ito…»

«Tatay, tingnan kung gayon ang Mesiyas, at sana ang gabi ng inyong buhay ay makoronahan ng kasiyahan» at ang kamay ni Jesus ay dumalusdos mula sa puting ulo patungo sa kanyang noo hanggang sa may-balbas na babâ, na tila hinahaplus-haplos Niya siya, at sa pansamantala Siya ay yumuyuko upang maging kapantay Niya ang kanyang halos-agnas na mukha.

«O! Kataastaasang Panginoon! Ngunit ako ay nakakakita! Nakakakita ako… Sino Kayo, na may di-kilalang mukhang ito, na, kahit papaano, ay nakikilala ko, na tila nakita ko na Kayo?... Ngunit… O! Gaano ako katanga! Kayo Na nagbigay sa akin ulit ng aking paningin ay ang Mesiyas! O!» Ang matanda ay umiiyak sa ibabaw ng mga kamay ni Jesus, na kanyang niyakap, tinatakpan ito ng mga luha at mga halik.

Ang lahat na mga kamag-anak ay nasa kaguluhan.

Si Jesus ay pinalaya ang Kanyang mga kamay at Kanyang hinahaplus-haplos ang matanda muli nagsasabing: «Oo, Ako ito. Halikayo, upang sana malaman ninyo ang Aking mga salita at ang Akin ding mukha.» At Siya ay nagpatungo sa isang maliit na hagdanan, na magdadala sa isang malilim na terasa ganap na natatakpan ng isang makapal na balag. Ang lahat ay sinusundan Siya.

«Ako ay nangako sa Aking mga disipulo na magsasalita tungkol sa pag-asa at Ako ay magkukuwento sa kanila ng isang parabula upang ipaliwanag ito. Ito ang parabula: ang matandang Israelitang ito. Ang Ama ng Langit ay binigyan Ako ng paksa upang maituro sa inyo ang lahat na birtud na sumusuporta sa Pananampalataya at Karidad, katulad ng mga bisig ng isang pamatok.

Isang matamis na pamatok. Ang bitayan na kahoy ng sangkatauhan katulad ng bisig ng krus, ang trono ng kaligtasan katulad ng suporta ng mabuting ahas na itinaas sa disyerto. Bitayan ng sangkatauhan. Tulay ng kaluluwa upang makalipad sa taas sa Liwanag. At ito ay inilalagay sa gitna, sa pagitan ng kinakailangang Pananampalataya at pinakaperpektong Karidad, sapagkat kung walang Pag-asa hindi maaaring magkaroon ng Pananampalataya at kung walang Pag-asa, ang Karidad ay namamatay. Ang Pananampalataya ay nagpapalagay ng di-nawawalang pag-asa. Papaano ang isa makapaniniwala na mararating niya ang Diyos kung siya ay hindi umaasa sa Kanyang Kagandahang-loob? Ano ang makapagsusuporta sa inyo sa loob ng inyong pamumuhay kung kayo ay hindi umaasa sa eternal na buhay? Papaano tayo makapamimilit sa hustisya kung hindi natin tinitingnan ang pag-asa na ang bawat mabuting gawa natin ay nakikita ng Diyos Na siyang maggagantimpala sa atin para diyan? Gayon din naman papaano ang Karidad mabubuhay sa loob natin kung tayo ay walang pag-asa? Ang Pag-asa ay nauuna sa Karidad at inihahanda ito. Sapagkat ang tao ay kailangan na umasa upang makapagmahal. Ang mga nawalan ng lahat na pag-asa, ay hindi makapagmamahal. Ito ang hagdanan, na gawa sa mga baytang at mga barandilya: Pananampalataya ang mga baytang, Pag-asa ang mga barandilya; sa tuktok ay nariyan ang Karidad patungo kung saan ang isa ay umaakyat sa pamamagitan ng dalawa pang iba. Ang tao ay umaasa upang makapaniwala, at naniniwala upang makapagmahal.

Ang taong ito ay alam kung papaano umasa Siya ay ipinanganak. Isang sanggol ng Israel katulad ng iba pa. Siya ay lumaki na may kaparehong turo katulad ng iba pa. Siya ay naging isang anak ng Batas katulad ng lahat na iba pa Siya ay naging isang lalaki, isang asawa, isang ama, tumanda, laging umaasa sa mga pangako na ginawa sa mga patriyarka at inulit ng mga propeta Sa kanyang katandaan ang mga anino ay pumunta sa kanyang mga mata, ngunit hindi sa kanyang puso, Ang pag-asa ay laging nakasindi sa loob nito. Pag-asa na makita ang Diyos. Ang makita ang Diyos sa susunod na buhay. At, sa pag-asa sa eternal na bisyon na iyan, ay mas isang mas malapít at mas mahal na pag-asa: “ang makita ang Mesiyas”. At sinabi niya sa Akin, hindi nalalaman kung sino ang bata-pang lalaki na nakikipagusap sa kanya: “Kung kalilimutan Mo ang Batas magiging bulag Ka kapwa sa lupa at sa Langit. Hindi mo makikita ang Diyos at hindi mo makikilala ang Mesiyas”. Siya ay nagsalita bilang isang marunong na tao.

Napakaraming tao sa Israel ngayon na mga bulag. Sila ay walang pag-asa sapagkat ito ay pinatay ng kanilang paghihimagsik sa Batas, na laging isang paghihimagsik, kahit na kung natatakpan ng sagradong mga bistidura, kung ito ay hindi ang ganap na pagtanggap ng salita ng Diyos, sinabi Ko ng Diyos, hindi ng kalabisang mga istruktura na inilagay doon ng tao, na bilang napakarami at ganap na pantao, ay kinaliligtaan ng pinakang mga tao na naglagay niyon doon, at sinusunod nang walang damdamin, sapilitan, nananamlay, may-kabaugan ng iba. Sila ay wala nang pag-asa Ngunit kinukutya nila ang eternal na katotohanan. Kung gayon sila ay wala nang Pananampalataya o Karidad. Ang dibinong pamatok na ibinigay ng Diyos sa tao upang magawa niya sana ito na kanyang pagsunod at merito, ang makalangit na krus na ibinigay ng Diyos sa tao upang mapalayas ang mga serpiyente ng Kasamaan, na sana magawa niya ito na kanyang kalusugan, ay nawalan ng pahalang kahoy, ang isang nagsusuporta sa puting apoy at ang isang pula: Pananampalataya at Karidad, at ang kadiliman ay bumaba sa mga puso ng mga tao.

Ang matanda ay nagsabi sa Akin: “Isang malaking kamalasan ang hindi maniwala at hindi gawin kung ano ang sinabi sa atin ng Diyos”. Totoo iyan. Pinatototohanan Ko iyan. Mas malala pa iyan kaysa sa pagkabulag ng mga mata ng katawan, na maaaring pagalingin upang mabigyan ang isang makatarungang tao ng lugod na makita muli ang araw, ang mga parang, ang bunga ng lupa, ang mga mukha ng kanyang mga anak at mga apo, at higit sa lahat, kung ano ang inaasahan ng kanyang pag-asa: “Ang makita ang Mesiyas ng Panginoon”. Sana ang ganyang birtud ay buhay sa kaluluwa ng bawat tao sa Israel at higit sa lahat sa mga kaluluwa ng mga mas may-pinag-aralan sa batas. Hindi sasapat na napunta sa Templo o maging ng Templo, hindi sapat na malaman ang mga salita ng Aklat nang sa puso. Kinakailangan na gawin ang mga ito na siyang ang buhay ng ating pamumuhay sa pamamagitan ng tatlong dibinong birtud. Kayo ay may isang halimbawa: ang lahat ay madaling harapin kung saan ang mga ito ay buháy, kahit pa kamalasan. Sapagkat ang pamatok ng Diyos ay laging magaan, na nagpapabigat lamang sa katawan ngunit hindi pinamomroblema ang espiritu.

Humayo sa kapayapaan, kayo na mga namumuhay sa bahay na ito ng mga mabubuting Israelita. Humayo sa kapayapaan, matandang ama. Nasa inyo ang katiyakan na minamahal kayo ng Diyos. Tapusin ninyo ang inyong araw sa paglalapat ng inyong karunungan sa mga puso ng mga anak ng inyong sariling dugo. Hindi Ako makapananatili, ngunit ang Aking pagpapalà ay nananatili rito, sa pagitan ng mga pader na ito mayaman sa grasya katulad ng mga ubas ng ubasan na ito.»

At si Jesus ay ibig nang umalis. Ngunit kailangan Niyang manatili nang sapat lamang na matagal upang makilala ang tribung ito ng lahat na mga edad, at tanggapin ang ibig nilang ibigay sa Kanya, hanggang sa ang kanilang mga sako ng paglalakbay ay katulad ng mga nagpipintugan na mga balat-ng-kambing na baunan… Makukuha na Niya muli kung gayon ang daan, sa pamamagitan ng mas maikling landas na dumaraan sa ubasan, na ipinakita sa Kanya ng mga tagapag-alaga ng mga ubas, na humiwalay lamang sa Kanya nang marating nila ang pangunahing daan, natatanaw ang isang maliit na nayon kung saan si Jesus at ang Kanyang mga kaibigan ay makapagpapalipas ng gabi.

160511

 

 



Sunod na kabanata