256. Si Jesus Umakyat sa Mount Carmel Kasama ang Kanyang Pinsan na si Santiago.

Agosto 19, 1945.

«Mag-ebanghelyo sa kapatagan ng Esdraelon hanggang sa Ako ay makabalik» si Jesus ay inuutusan ang Kanyang mga apostol sa isang maliwanag na umaga, habang kumakain sila ng kaunting pagkain, ilang tinapay at prutas, sa mga pampang ng Kishon.

Ang mga apostol ay lumalabas na hindi labis na ginaganahan, ngunit si Jesus ay pinagiginhawahan sila, sinasabihan sila kung papaano kikilos, at Siya ay naghinuha: «Anuman ang mangyari kasama ninyo ang Aking Ina. Bibigyan Niya kayo ng mabuting payo. Pumunta sa mga magbubukid ni Johanan, at sa Sabbath magsikap na magsalita sa mga magsasaka ni Doras. Bigyan sila ng ilang tulong at paginhawahan ang matandang kamag-anak ni Marjiam, binibigyan siya ng balita tungkol sa bata at sabihin sa kanya na dadalhin namin sa kanya ang kanyang apo para sa kapistahan ng mga Tabernakulo. Bigyan ng labis ang mga taong iyon, ang lahat na mayroon kayo. Sabihin sa kanila ang lahat na nalalaman ninyo, ibigay sa kanila ang lahat na pagmamahal na maibibigay ninyo, ang lahat na pera na mayroon tayo. Huwag matakot. Katulad sa ito ay daraan, ito ay darating. Hindi tayo kailanman mamamatay sa gutom, kahit na kung tayo ay mabuhay sa tinapay at prutas lang. At kung makakita kayo ng mga tao nangangailangan ng mga damit, bigyan sila ng ilan, ang Akin din. Hindi, ang Akin muna. Hindi tayo kailanman maiiwan na hubad. At higit sa lahat kung may masasalubong kayo ng kaawa-awang mga aba naghahanap para sa Akin, huwag silang pandirihan. Wala kayong karapatan na gawin iyan. Paalam, Inay Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos sa pamamagitan ng Aking mga labì. Lumakad na walang anumang takot. Halika, Santiago.»

«Hindi ba Ninyo dadalhin ang Inyong bag?» tanong ni Tomas nakikita na ang Panginoon ay paalis na hindi pinupulot ito.

«Hindi Ko kailangan iyan. Makapaglalakad Ako nang mas malaya.»

Si Santiago ay iniiwanan din ang kanya, sa kabila na ang kanyang ina ay nag-aksaya ng panahon na punuin iyon ng tinapay, keso at prutas.

Sila ay umalis sinusundan nang sandali ang pampang ng Kishon, pagkatapos sinimulan nilang akyatin ang unang mga dalisdis na patungo sa Mount Carmel at hindi na sila makita ng mga naiwan sa likuran.

«Ina, kami ngayon ay nasa Inyo nang mga kamay. Gabayan kami sapagkat… wala kaming kakayahan na makagawa ng kahit na ano» may kababaang-loob na pagtatapat ni Pedro.

Si Maria ay ngumingiti nang nagpapalakas-loob at nagsabi: «Ito ay napakasimple. Ang tanging gagawin lamang ninyo ay ang sundin ang Kanyang mga utos at magagawa ninyo ang lahat nang mabuti. Tayo na.»

Si Jesus ay umaakyat kasama ang Kanyang pinsan at hindi nagsasalita. Ni hindi rin si Santiago. Si Jesus ay nakalubog sa pag-iisip; si Santiago, na ang pakiramdam nasa bingit siya ng isang pagbubunyag, ay puno ng magalang na pagmamahal, ng espirituwal na panginginig at patingin-tingin paminsan-minsan kay Jesus, Na ang nag-iisip na kapita-pitagan m mukha ay nagniningning paminsan-minsan may ngiti. Si Santiago ay tinitingnan Siya katulad na titingnan niya ang Diyos hindi pa nagkakatawang-tao at nagniningning sa Kanyang kadaki-dakilaang mahestad. Ang mukha ng apostol, na nakakahawig ang hitsura ni San Jose, isang malakulay-kapeng hitsura, na, bagama't, may ilang pula sa itaas ng kanyang mga pisngi, ay nagiging maputla sa emosyon. Ngunit kanyang ginagalang ang pananahimik ni Jesus.

Inaakyat nila ang matarik na mga pampaikling landas, hindi nagbibigay ng pansin sa mga pastol na nagpapastol ng kanilang mga kawan sa berdeng mga parang sa ilalim ng mga puno ng mga holm-oak, mga terebinto, mga ash-tree at iba pang kakahuyan, at habang sila ay umaakyat hinahawi ng kanilang mga manta ang mga palumpong ng mga may-pulbos na sidra, o ginintuan na mga parang-walis na sidra, o esmeraldang mga lamuymoy na nakakalatan ng mga mirto na mga perlas, o mga nanginginig na mga kurtina ng granadilya at mabulaklak na mga tanim na clematis.

Tumataas silang iniiwan ang mga taong namumuhay sa kagubatan at mga pastol hanggang sa marating nila, pagkatapos ng nakakapagod na pag-akyat, ang tugatog ng bundok, o kung baga ang isang maliit na kapatagan malapit sa tuktok na kinoronahan ng nápakalalakíng mga puno ng terebinto, at napaliligiran ng isang tunay ng barandilya ng mga kagubatan, na ang paanan ay naporma ng mga tuktok ng iba pang mga punungkahoy sa panabi ng bundok, upang ang maliit na parang ay nila nakapatong sa isang lumalagaslas na suporta, nakahiwalay sa lahat na iba pa ng bundok, at kung baga naitatago ng mga sanga sa ibaba. Sa likuran nito ay may tuktok, na ang mga punungkahoy nito tumataas patungo sa kalawakan, na ang papawirin nasa itaas at ang nasa harapan ay ang walang-patid na orisonte namumula sa paglubog ng araw at umuunat nang walang katapusan sa kabila ng maningning na dagat. Ang isang bitak sa lupa, na hindi bumabagsak dahil lamang sa mga ugat ng nápakalalakíng mga puno ng terebinto na hinahawakan nito ito nang mabuti sa pusisyon, ay nakabuka sa bangin at halos sapat lamang ang lapad para sa isang tao na may normal ang laki. Ang landas ay lalo pang napakitid at napahaba sa pamamagitan ng ilang pabitíng mga halaman na tumubo sa mga silong.

Sabi ni Jesus: «Santiago, Aking mahal na kapatid, tayo ay titigil dito ngayong gabi, at bagama't ang ating mga katawan ay pagod, hinihiling Ko sa iyo na palampasin ang gabi sa pagdarasal. Ngayong gabi at buong araw bukas hanggang sa ganitong oras. Ang buong araw ay hindi kalabisan upang tanggapin kung ano ang ibig Kong ibigay sa iyo.»

«Jesus, aking Guro at Panginoon, lagi kong gagawin ang ibig Ninyo» tugon ni Santiago, na naging mas maputla pa nang si Jesus ay nagsimulang magsalita.

«Alam Ko. Tayo na at mamitas ng ilang blackberry at bilberry na makakain at mapalamigan ang ating sarili sa isang bukal na Aking naririnig sa ibaba nito Maaari mong iwanan ang iyong manta sa kuweba. Walang kukuha niyan.»

At kasabay ang Kanyang pinsan inikutan Niya ang bangin at namulot ng mga layas na prutas sa paligid ng mga palumpong na mga tumubo sa silong, at pagkatapos, mga ilang yarda pa pababa, sa katapat na tabi ng kanilang inakyatan, pinupuno nila ang kanilang mga prasko, ang tanging mga bagay na dinala nila, sa isang bumubulwak na bukal, na lumalabas mula sa isang masa ng magkakabuhol na mga ugat, at pinalalamigan nila ang kanilang mga sarili sapagkat napakainit pa rin ngayon sa kabila nang sila ay mataas. Pagkatapos sila ay umakyat ulit sa patag na lugar, at habang ang araw na lumulubog sa kanluran ay pinapupula ang bundok, kinakain nila ang kanilang napitas at uminom ng ilang tubig, ngumingiti sa isa’t isa katulad ng dalawang masayang bata o dalawang anghel. Nagsasalita lamang sila nang kaunti: isang alaala ng mga naiwan sa kapatagan sa ibaba, isang pagbulalas hinahangaan ang walang-hangganang kagandahan ng araw, ang mga pangalan ng dalawang ina… Wala nang iba pa.

Pagkatapos kinabig Niya malapit sa Kanya ang Kanyang pinsan at si Santiago ay kinuha ang kinaugaliang pusisyon ni Juan: ang kanyang ulo nakapahinga sa mataas na bahagi ng dibdib ni Jesus, ang isang kamay nakalawit, ang isa pa nasa kamay ng kanyang Pinsan. Sila ay nananatiling ganyan, habang sa agaw-dilim, ang mga ibon ay sumisiyap nang malakas sa palumpungan, ang pagbatinting ng mga kampanilya sa pastulan lumalayo at naglalaho sa malayo, at ang magaang ihip ng hangin kumakaluskos nang nanghahaplos sa mga tuktok ng punungkahoy, malamig at nakapagpapalakas pagkatapos ng init ng araw, at nangangako ng hamog sa gabi.

Sila ay nananatiling ganyan nang matagal, at sa palagay ko tanging ang kanila lamang mga labì ang tahimik, habang ang kanilang mga kaluluwa, mas aktibo magpakailanpaman, ay nasa sobrenatural na paguusap-usap.

160511

 

 



Sunod na kabanata