257. Si Jesus Ibinubunyag kay Santiago ni Alfeo ang Kanyang Apostoladong Misyon sa Hinaharap.

Agosto 20, 1945.

Ito ay ang parehong oras nang sumunod na araw.

Si Santiago ay nasa bitak pa ng bundok at nakaupong lubos na nakapamaluktot, na ang kanyang ulo halos nasa kanyang mga tuhod, na nakataas at yakap ng kanyang mga kamay. Siya ay kung hindi nakalublob sa pagninilay-nilay ay natutulog. Hindi ko alam kung alin. Siya ay tiyak na hindi nagmamalay kung ano ang nangyayari sa paligid niya, ibig sabihin, ang pag-aaway ng dalawang malaking ibon, na dahil sa isang pribadong dahilan ay matinding nagduduwelo sa maliit na parang. Sasabihin ko na sila ay mga tandang sa bundok, o mga ibon na grouse o pheasant, sapagkat kasing laki sila ng mga tandang na manok, na may iba-ibang mga balahibo, ngunit wala silang mga palong, bagkus isang helmet ng laman lamang, kasing pula ng kurales, sa ibabaw ng kanilang mga ulo, at sa kanilang mga pisngi, at matitiyak ko sa iyo¹ na kung ang kanilang mga ulo ay maliliit, ang kanilang mga tuka ay maaaring katulad ng bakal na mga pantusok. Ang mga balahibo ay lumilipad sa ere at ang dugo bumabagsak sa lupa sa nakakatakot na ingay, na nagawa nitong matapos ang lahat na pagsipol, pagkatal at paghuni sa pagitan ng mga sanga. Baka ang maliliit na ibon ay pinanonood ang mabangis na paglalabanan. Si Santiago ay hindi makarinig ng kahit ano.

Si Jesus ay hindi nakaririnig at bumababa mula sa tuktok ng burol na Kanyang inakyat bago ngayon at pinapalakpak ang Kanyang mga kamay nagawa Niyang mapaghiwalay ang dalawang magkatunggali, na lumipad na may dumadaloy na dugo, ang isa patungo sa panabi ng bundok, ang isa pa patungo sa isang púno ng terebinto sa tuktok, kung saan nililinis ang nagulong mga balahibo nito.

Si Santiago ay hindi tinataas ang kanyang ulo kahit na sa ingay na nagawa ni Jesus, Na naglalakad pa nang kaunti nang ngumingiti at tumitigil sa gitna ng maliit na parang. Ang Kanyang puting tunika ay tila namantsahan ng pula sa kanang tabi, napakatapang na pagkapula ng paglubog-ng-araw. Ang kalangitan ay tila umaapoy. Ngunit si Santiago ay hindi maaaring natutulog, sapagkat nang kaagad bumulong si Jesus, bumulong lamang Siya ng: «Santiago, halika rito», itinaas niya ang kanyang ulo mula sa kanyang mga tuhod, pinalaya ang kanyang mga tuhod sa kanyang pagkakayakap dito, tumayo at pumunta kay Jesus. Tumigil siya sa ilang mga hakbang mula sa harapan niya at tiningnan Siya.

Si Jesus ay sinuklian ang sulyap, nang seryoso ngunit sabay na pinalalakas ang loob niya, sa pamamagitan ng isang ngiti, na hindi pinorma ng Kanyang mga labì o ng Kanyang mga mata, ngunit ito ay makikita. Tinititigan Niya si Santiago, na tila ibig Niyang mabasa ang pinakamaliit na reaksiyon at emosyon ng Kanyang pinsan at apostol, na, nakararamdam katulad nang nakaraang araw, na siya ay makatatanggap ng isang pagbubunyag, ay namumutla at lalong namumutla pa hanggang sa siya ay kasing puti ng kanyang linen na tunika nang itinaas ni Jesus ang Kanyang mga kamay at ipinatong ito sa kanyang mga balikat, at nananatiling ganyan na ang mga kamay nakaunat. Pagkatapos si Santiago ay nagmumukha katulad lamang ng isang sagradong ostiya. Tanging ang kanyang malumanay na madilim na kulay-kapeng mga mata at ang kanyang kulay-kapeng balbas lamang ang nagbibigay ng ilang kulay sa kanyang may-hinihintay na mukha.

«Santiago, Aking kapatid, nalalaman mo ba kung bakit gusto kitang kasama rito, nang tayong dalawa lamang, upang makausap ka pagkatapos ng maraming oras ng pananalangin at pagninilay-nilay?»

Si Santiago ay tila nahihirapan na makasagot, dahil siya ay lubos na naaantig. Ngunit sa wakas siya ay tumugon sa mababang tinig: «Upang bigyan ako ng espesyal na leksiyon; o ng tungkol sa hinaharap o dahil ako ang pinakamahina sa lahat. Pinasasalamatan ko Kayo mula sa sandaling ito, kahit na kung iyan ay para sa isang pagpuna. Ngunit, maniwala sa akin, aking Guro at aking Panginoon, kung ako ay makupad at walang-kakayahan, ito ay dahil sa likas na kakulangan, hindi sa di-mabuting kalooban.»

«Ito ay hindi isang pagpuna bagkus isang leksiyon para sa panahon kung saan hindi na ninyo Ako makakasama. Sa loob ng mga nakaraang buwan ikaw ay nag-iisip sa iyong puso tungkol sa kung ano ang Aking sinabi sa iyo isang araw, sa paanan ng bundok na ito, nang Ako ay nangako na pupunta rito kasama ka, hindi lamang upang magsalita tungkol sa propetang si Elijah at pagmasdan ang walang-hangganang dagat na nagniningning sa banda roon, bagkus upang magsalita sa iyo tungkol sa isa pang dagat, na mas malaki, mas pabagu-bago at di-mapagkakatiwalaan kaysa sa isang ito, na sa ngayon ay nagmumukhang katulad ng pinakpanatag sa lahat na mga dagat, ngunit sa loob ng kaunting oras baka lunukin nito ang mga bangka at mga tao sa masibang kagutuman nito. At lagi mong iniuugnay ang Aking sinabi sa iyo noon sa idea na ang iyong pagpunta rito ay may ilang kaugnayan sa iyong kapalaran sa hinaharap… Sa katunayan ikaw ay paputla nang paputla pa, dahil nababatid mo na ito ay isang mabigat na kapalaran, isang pamana na punó ng gayong pananagutan upang mapanginginig nito kahit na ang isang bayani. Isang pananagutan at isang misyon na kailangang gawin sa pamamagitan ng lahat na kabanalan na posible sa isang tao upang hindi mabigo ang kalooban ng Diyos.

Huwag kang matakot, Santiago. Hindi Ko gusto ang iyong kasiraan. Kung kaya't kung ikaw ay Aking tinalaga diyan, ibig sabihin nito nalalaman Ko na hindi ka magkakaroon ng kahit anong kapinsalaan mula diyan, bagkus tanging sobrenatural na lugod lamang. Makinig, Santiago. Ipahinga mo ang iyong puso, sa pamamagitan ng isang mabuting pag-abandona ng iyong sarili sa Akin, upang sana mapakinggan at maalaala mo ang Aking mga salita. Hindi na tayo muli makapag-iisa nang katulad ngayon at na ang ating mga kaluluwa handang-handa na tayo ay magka-intindihan.

Ako ay aalis isang Araw, katulad ng bawat tao na may limitadong panahon ng pananatili sa lupa. Ang Aking pamamalagi ay magtatapos sa isang paraan na hindi katulad sa pagtatapos ng panahon ng mga tao, ngunit ito ay magtatapos pa rin, at hindi na ninyo Ako makakasama, maliban sa pamamagitan ng Aking Espiritu na, matitiyak Ko sa iyo, hindi kayo kailanman iiwanan. Ako ay aalis pagkatapos na maibigay sa inyo ang kakailanganin upang magkaroon ng progreso ang Aking Doktrina sa mundo, pagkatapos na makumpleto ang Sakripisyo at makakuha ng Grasya para sa inyo. Sa pamamagitan ng Grasya na iyan at ng Apoy na nagbibigay-ng-karunungan magagawa ninyo kung ano ang inyong tinitingnan ngayon na kabaliwan at kapangahasan kahit sa imahinasyon man lamang. Ako ay aalis at kayo ay mananatili. At ang mundo na hindi nakaintindi sa Kristo ay hindi maiintindihan ang mga apostol ng Kristo. Kayo kung gayon ay uusigin at paghihiwa-hiwalayin bilang ang pinaka panganib sa kagalingan ng Israel. Ngunit sa dahilan na kayo ay Aking mga disipulo kailangan na maging masaya kayo na danasin ang mga pagpapahirap na dinanas ng inyong Guro. Isang araw sa buwan ng Nisan sinabi Ko sa iyo: “Ikaw ang matitira sa mga propeta ng Panginoon”. Ang iyong ina, sa pamamagitan ng espirituwal na ministeryo, ay halos naintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Ngunit bago ito magkatotoo para sa Aking mga apostol, ito ay magkakatotoo hinggil sa iyo. Santiago, ang lahat ay itataboy, maliban sa iyo, at iyan hanggang sa tawagin ka ng Diyos sa Kanyang Langit. Mananatili ka sa lugar kung saan ikaw ay mapipili ng Diyos sa pamamagitan ng salita ng iyong mga kapatid, ikaw, na inapo ng maharlikang lahi, sa maharlikang siyudad, upang itaas ang Aking setro at magsalita ng tungkol sa totoong Hari. Ng Hari ng Israel at ng mundo, ayon sa isang mataas na pagiging-hari na walang sinuman ang nakaintindi maliban sa kung kanino ito binunyag.

Iyan ay ang mga araw kung kailan ka mangangailangan ng lakas, pagpupursige, pasyensiya at walang-hangganang katusuhan. Kinakailangan mong maging makatarungan sa pamamagitan ng karidad at ng dalisay na simpleng pananampalataya ng isang bata, ngunit kasabay na matalisik katulad ng nagiging isang tunay na guro upang masuportahan ang pananampalataya na inaatake sa maraming mga puso ng napakaraming kaaway, at upang mapatunayang mali ang mga pagkakamali ng mga huwad na Kristiyano at ang mga paliguy-ligoy na doktrina ng lumang Israel, na ngayon ay bulag at mas lalo pang magiging bulag pagkatapos na mapatay ang Liwanag at pipilipitin ang mga salita ng mga propeta pati ang mga tagubilin ng Ama mula kung Kanino Ako nanggaling, upang makumbinsi ang mundo at ang sarili, upang mabigyan ang sarili ng kapayapaan, na Ako ay hindi ang Isa na siyang binabanggit ng mga patriyarka at mga propeta. Sila sa halip ay sasabihin na Ako ay isang mahirap na tao, isang baliw, isang nananaginip, ayon sa mas mabubuti, isang inalihan na erehe, ayon sa pinakamalalala sa lumang Israel.

Nakikiusap Ako sa iyo kung gayon na maging isa pang Ako. Hindi, hindi iyan imposible! Iyan ay posible. Kailangan na ilagay mo sa isip mo ang iyong Jesus, ang Kanyang mga kinikilos, Kanyang mga sinasabi, Kanyang mga ginagawa. Kinakailangan mong maging tinunaw sa Akin, na tila ikaw ay humiga sa putik na molde na ginagamit ng mga nagtutunaw ng mga metal upang makorte sila. Ako ay magiging laging naririyan, labis na naririyan at buháy kasama ninyo, Aking mga matatapat, na magagawa ninyong makaisa Ako ng inyong mga sarili at maporma ang isa pang Ako, kung gugustuhin lamang ninyo. Ngunit ikaw, na nakasama Ko mula pa noong ating pinakamaagang kabataan at nakatanggap ng pagkain ng Karunungan mula sa mga kamay ni Maria, kahit bago mo pa man tinanggap ito mula sa Akin, ikaw na pamangkin ng pinaka-makatarungang tao na nagkaroon ng Israel, kailangan na ikaw ay maging isang perpektong Kristo…»

«Hindi ko magagawa, hindi ko magagawa, Panginoon! Ibigay Ninyo ang gawaing iyan sa aking kapatid. Ibigay iyan kay Juan, kay Pedro Simon, sa isa pang Simon. Ngunit hindi sa akin, aking Panginoon! Bakit sa akin? Ano ang aking nagawa upang marapatin iyan? Hindi ba Ninyo nakikita na ako ay isang kaawa-awang tao na nakagagawa ng isang bagay lamang: iyan ay, ang mahalin Kayo at matatag na maniwala sa kung ano ang sinasabi Ninyo?»

«Ang karakter ni Judas ay napakalakas. Makagagawa siya nang maganda kung saan ang paganismo ay kailangan na mabuwag. Hindi rito, kung saan ang mga kailangan na makumbinsi sa pananampalatayang Kristiyano  ay naniniwala na sila ay absulutong tama, dahil sila ay kasama na sa sambayanan ng Diyos. Hindi rito, kung ang kukumbinsihin, bagama't naniniwala sa Akin, ay panghihinaan-ng-loob pagdaan ng mga mangyayari. Sila ay kailangan na makumbinsi na ang Aking Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito, bagkus ito ay ang ganap na espirituwal na Kaharian ng Langit, na ang panimula nito ay isang Kristiyanong pamumuhay, ibig sabihin, isang pamumuhay kung saan ang espirituwal na mga kahalagahan ang siyang nangingibabaw.

Ang pangungumbinsi ay nakakamit sa pamamagitan ng matatag na kabaitan. Kapahamakan sa mga nananakal ng mga tao upang makumbinsi nila sila. Sasabihin nila: “”oo” sa ngayon, upang makalaya sa pananakal. Ngunit sila ay tatakas nang walang lingun-lingon at tatanggihan nila ang kahit ano pa mang karagdagang paguusap, kung sila ay hindi masasama, bagkus naililigaw lamang. Ngunit kung sila ay masasama o simpleng mga panatiko, sila ay tatakas upang kumuha ng armas at papatayin ang mapangibabaw na namimilit ng mga doktrina na iba sa kanilang doktrina. At kayo ay mapalilibutan ng mga panatiko. Magkakaroon ng mga panatiko sa pagitan ng mga Kristiyano at sa pagitan ng mga Israelita. Ang una ay aasahan kayo na gumawa ng malakas na pagkilos o kukunin nila ang awtoridad mula sa inyo upang sila  mismo ang gagawa ng malakas na pagkilos. Sapagkat ang lumang Israel, na may katigasan at mga restriksiyon nito, ay pakikisayin pa nito ang nakalalason na buntot nito sa pagitan nila. Ang huli ay magmamartsang laban sa inyo at sa iba pa, na tila sila ay may ipinaglalaban na isang banal na pakikidigma upang maipagtanggol ang lumang Pananampalataya, ang mga simbolo at ang mga seremonya nito. At kayo ay mapupunta sa gitna ng masalimuot na karagatan.

Ganyan ang kapalaran ng mga namumuno at ikaw ang mamumuno sa lahat na kasapi sa Herusalem na nadala sa Kristiyanismo ng iyong Jesus. Kailangan na malaman mo kung papaano magmahal nang perpekto upang makapamuno sa kanila nang may kabanalan. Kakailanganin mong kontrahin ang iyong puso sa harapan ng mga armas at mga anatema ng mga Hudyo, at huwag manlaban sa pamamagitan ng iba pang mga armas at mga anatema. Huwag kailanman mangahas na gayahin ang mga Pariseo sa paghuhusga sa mga Hentil bilang mga dumi. Ako ay naparito rin para sa kanila, sapagkat ang pagpapahiya ng Diyos sa pagkuha ng laman na maaaring mamatay ay magiging wala sa proporsiyon kung ito ay ginawa para sa Israel lamang. Sapagkat habang totoo na ang Aking Pagmamahal ay magagawa Akong magkatawang-tao nang may lugod para sa kaligtasan ng kahit isang kaluluwa lamang, ang Hustisya, na isang dibinong perpeksiyon din, ay hinihingi na ang Walang-Hangganan ay ipahiya para sa isang walang-hangganan din: para sa Sangkatauhan. Kailangan na maging mabait ka rin sa kanila, upang hindi sila lumayas, pinananatili ang iyong sarili sa pagiging matatag tungkol sa Aking doktrina, subalit nakikisama sa ibang mga porma ng pamumuhay na iba sa atin at sa materyal na mga bagay, na hindi makasasamâ nang kahit ano sa mga kaluluwa. Ngunit makikipagtalo ka nang matindi sa iyong mga kapatid tungkol diyan, sapagkat ang Israel ay nababalot ng mga pagsasabuhay na mga panlabas lamang at walang kabuluhan, dahil ang mga ito ay hindi nakapagpapabago ng mga kaluluwa. Ikaw sa halip ay kailangang asikasuhin mo ang tungkol sa espiritu lamang, at kailangan mong turuan ang iba na ganyan din ang gawin. Huwag umasa na mababago ng mga Hentil ang kanilang mga kinasanayan nang bigla na lamang. Ni hindi mo rin mababago ang sa iyo sa isang dagok lamang. Huwag manatiling naka-angkla sa iyong bato. Sapagkat ang mamulot ng labí sa dagat at dalhin ito sa dahikan at kortehin ulit ito para sa bagong pamumuhay, kinakailangan na magpalaot at huwag manatiling walang galaw. At kailangan mong lumakad at maghanap ng labí . May ilan sa paganismo at sa Israel din. Sa ibayo ng walang-hangganang dagat ay naririyan ang Diyos, Na ibinubukas ang Kanyang mga kamay sa lahat ng Kanyang mga nilikha, maging sila man ay mayaman dahil sa kanilang banal na pinagmulan, katulad ng mga Israelita, o mahirap, dahil sila ay mga pagano. Sinabi Ko: “Mamahalin ninyo ang inyong kapwa”. Ang inyong kapwa ay hindi lamang ang inyong kamag-anak o kababayan. Ang mga Hyperborean din, na ang mga mukha ay di-kilala sa inyo, ay inyong kapwa, gayon din ang tao na ngayon ay hinahangaan niya ang pagsikat ng araw sa mga rehiyon na hindi ninyo nalalaman, o ang tao na naglalakbay sa kamangha-manghang mga kabit-kabit ng bundok na natatakpan ng niyebe sa Asya, o umiinom ng tubig sa isang ilog na dumadaloy sa di-kilalang mga kakahuyan sa gitnang Aprika. At kung ang isang sumasamba sa araw ay lumapit sa iyo, o isa na ang kaninong diyos ay ang matakaw na buwaya, o isa na naniniwala na siya ay Karunungan na nagkatawang-tao, na naiintindihan ang Katotohanan, ngunit hindi nito masakyan ang Perpeksiyon, o ni hindi rin niya binibigay ito bilang Kalusugan sa kanyang mga matatapat na tagasunod, o kung ang isang isinukang mamamayan ng Roma o ng Athena ay lumapit sa iyo nakikiusap: “Bigyan mo ako ng kaalaman tungkol sa Diyos”, hindi mo sasabihin at kailangan na huwag mong sabihin sa kanila: “Tinatanggihan kita sapagkat iyan ay magiging paglalapastangan na dalhin ka sa Diyos”. Ilagay sa isip na hindi nila nalalaman, samantalang ang Israel ay alam. Ngunit sa kabila nito maraming tao sa Israel ang mga idolatra at magiging mas idolatra at malupit pa kaysa sa pinaka-barbarong idolatra sa mundo, at sila ay hindi magsasakripisyo ng mga biktimang tao sa ganito o sa gayong diyus-diyusan, bagkus sa kanilang mga sarili, sa kanilang pagmamalaki, na sabik sa dugo pagkatapos na masunog sila ng di-mapatid na pagkauhaw, pagkauhaw na tatagal hanggang sa katapusan ng mga siglo. Ang teribleng pagkauhaw na iyan ay maaaring  mawala lamang sa pamamagitan ng pag-inom muli at nang may pananampalataya ng kung ano ang maygawa nito. Ngunit magiging katapusan na ng mundo pagdating ng pagkakataon na iyan, sapagkat ang Israel ay ang magiging huli na magsasabi: “Naniniwala kami na Kayo ay ang Diyos at ang Mesiyas”, sa kabila ng lahat ng mga katibayan na naibigay Ko at ibibigay tungkol sa Aking Dibinidad.

Babantayan mo at titiyakin na ang pananampalataya ng mga Kristiyano ay hindi maging walang-kabuluhan. Ito ay magiging walang-kanbuluhan kung ang nilalaman nito ay mga salita lamang o pagkukunwaring mga pagsasabuhay. Ang espiritu ang nagpapasigla. Walang espiritu sa basta na lamang na pagkilos o sa mga pagsasabuhay katulad ng ginagawa ng mga Pariseo, na walang iba bagkus paimbabaw na pananampalataya at hindi totoong pananampalataya. Anong mapapala ng isang tao na umaawit ng mga papuri sa Diyos sa mga kongregasyon ng mga naniniwala, kung ang bawat pagkilos niya ay isang pagsumpa sa Diyos, Na hindi nagiging katatawanan ng ganyang naniniwala, bagkus sa Kanyang paternidad, laging pinananatili ang Kanyang mga karapatan ng Diyos at Hari?

Magbantay at tiyakin na walang sinuman na kukuha ng pusisyon na hindi sa kanya. Ang Liwanag ay ibibigay ng Diyos ayon sa iyong sitwasyon. Ang Diyos ay hindi ka kailanman pababayaan nang walang Liwanag. Maliban kung ang Grasya ay namatay sa iyo gawa ng pagkakasala. Marami ang magugustuhang matawag na: “guro”. Iisa lamang ang inyong Guro: Siya Na nagsasalita sa iyo; at iisa lamang ang Iyong Sinyora: ang Simbahan, na nagpapalawig sa Akin. Sa Simbahan ang magiging mga guro ay ang mga ikinunsagra sa pamamagitan ng espesyal na pagtatalaga na makapagturo. Ngunit sa pagitan ng mga naniniwala magkakaroon ng ilan na sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at ng kanilang sariling kabanalan, ibig-sabihin dahil sa kanilang mabuting kalooban, mapangingibabawan ng ipu-ipo ng Karunungan at sila ay magsasalita. Magkakaroon ng iba, na hindi mga marurunong mismo ngunit mga maaamong instrumento sa mga kamay ng mga artisano, at sila ay magsasalita sa ngalan ng Artisano, inuulit, katulad ng mabubuting anak, kung ano ang sinabi ng Ama na sabihin nila, bagama't hindi nila naiintindihan ang ganap na ibig-sabihin ng mga salitang kanilang sinasabi. At panghuli magkakaroon ng mga magsasalita na tila sila ay mga guro, at ang kanilang galíng sa pagsasalita ay maloloko ang simpleng mga tao, ngunit sila ay magiging mapagmalaki, matigas ang puso, seloso, masungit, sinungaling at mahalay. Habang sinasabi Ko sa inyo na tanggapin ang mga salita ng marurunong sa Panginoon at ng makalangit na mga anak ng Banal na Espiritu, tinutulungan sila na maintindihan ang lalim ng dibinong mga salita, sapagkat kung sila ay ang mga nagtataglay ng Dibinong Tinig, kayo,  Aking mga apostol, ay laging ang magiging mga tagapagturo ng Aking Simbahan, at kailangan na tulungan ninyo ang mga sobrenatural na pagod-na sa pakikipagtalik sa lubos na kasiyahan at sa matinding kayamanan na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos na sana madala nila ito sa kanilang mga kapatid, kung kaya’t sinasabi Ko sa iyo: tanggihan ang huwad na mga salita ng huwad na mga propeta, na ang mga pamumuhay ay hindi ayon sa Aking doktrina. Ang isang banal na pamumuhay, ang kahinahunan, kadalisayan, karidad at kababaang-loob ay hindi kailanman magkukulang sa marunong at maliliit na tinig ng Diyos. Ito ay laging kulang sa iba.

Magbantay at tiyakin na hindi magkakaroon ng mga paninibugho at paninira, o pagtatampo o mithiin ng paghihiganti sa kongregasyon ng mga naniniwala. Magbantay at tiyakin na ang laman ay hindi mangingibabaw sa espiritu. Siya, na ang kanyang espiritu ay hindi pinipigilan ang katawan, ay hindi makatatagal sa mga pang-uusig.

Santiago, nalalaman Ko na gagawin mo ito, ngunit mangako ka sa iyong Kapatid na hindi mo Ako bibiguin.»

«Ngunit, aking Panginoon! Natatakot ako ng iisang bagay lamang: na ako ay walang kakayahan na gawin ito. Aking Panginoon, nakikiusap ako sa Inyo, ibigay Ninyo ang gawain na iyan sa iba.»

«Hindi, hindi Ko magagawa…»

«Si Simon ni Jonah ay minamahal Kayo, at minamahal Ninyo siya…»

«Si Simon ni Jonah ay hindi si Santiago ni David.»

«Si Juan! Si Juan, ang marunong na anghel, gawin Ninyo siya na Inyong lingkod dito.»

«Hindi Hindi Ko magagawa. Ni si Simon o si Juan ay hindi nagtataglay ng kawalan na iyan, na, bagama't, ay napakaimportante sa mga tao: pagiging kamag-anak. Ikaw ay Aking kamag-anak. Pagkatapos na tanggihan na kilalanin Ako, ang mabuting bahagi ng Israel ay magsisikap na mapatawad sila ng Diyos at ng kanilang mga sarili at gagawa ng pagsisikap na makilala ang Panginoon Na kanilang isinumpa noong panahon ni Satanas, at mararamdaman nila na sila ay napatawad na, at kung gayon magiging malakas na pumunta sa Aking Daan, kung ang isa sa Aking kadugo ay nasa Aking lugar. Santiago, dakilang mga bagay ang pinangyari sa bundok na ito. Dito ang apoy ng Diyos ay tinupok hindi lamang ang holokausto, ang kahoy at ang mga bato, bagkus pati ang alikabok at ang pinakatubig na nasa kanal. Santiago, naniniwala ka ba na ang Diyos ay magagawa ulit ang ganyang bagay, sinusunog at tinutupok ang lahat na pagiging materyal ng tao-Santiago upang makagawa ng isang Santiago-apoy ng Diyos? Tayo ay matagal nang nagsasalita habang ang lumulubog na araw ay pinaaapoy ang ating mga tunika. Sa palagay mo ba na ang kaningningan ng karosa na kumuha kay Elijah, ay katulad nito o nakahihigit o nagkukulang sa kinang?»

«Mas makinang pa sapagkat iyon ay gawa sa makalangit na apoy?»

«Tingnan kung gayon kung ano ang kalalabasan ng isang puso, kung ito ay ginawang apoy upang mapunta sa sarili nito ang Diyos, sapagkat ibig ng Diyos na mapalawig ang Kanyang Salita itinuturo ang Ebanghelyo ng Kaligtasan.»

«Ngunit Kayo, Salita ng Diyos, eternal na Salita, bakit hindi Kayo manatili?»

«Sapagkat Ako ay Salita at Laman. Sa pamamagitan ng Salita kailangan Akong magturo, at sa pamamagitan ng Laman, manubos.»

«O! Aking Jesus, papaano Kayo manunubos? Ano ang kailangan Ninyong harapin?»

«Santiago, naaalaala mo ba ang mga propeta?»

«Ngunit hindi ba’t ang kanilang mga salita ay mga simbolo lamang? Kayo ba, ang Salita ng Diyos, ay maaaring pagmalupitan ng mga tao? Hindi kaya’t ang ibig sabihin nila na ang Inyong dibinidad, ang Inyong perpeksiyon ay pahihirapan ngunit wala nang mas hihigit pa diyan? Ang aking ina ay nag-aalala tungkol kay Judas at sa akin, ngunit ako ay nag-aalala tungkol sa Inyo at kay Maria, at tungkol din sa aming mga sarili mismo, sapagkat napakahina namin. Jesus, kung ang mga tao ay mapangibabawan Kayo, sa palagay ba Ninyo na ang marami sa amin ay maniniwala na Kayo ay may kasalanan, at dahil bigo, iaabandona Kayo?»

«Nakakatiyak Ako tungkol diyan. Magkakaroon ng kalituhan sa pagitan ng lahat ng Aking mga disipulo. Ngunit pagkatapos ang kapayapaan ay ang maghahari, at magkakaroon ng pagkakadikit-dikit ng lahat ng mas mabubuting bahagi, kung kanino ang nagpapalakas na marunong na Espiritu: ang Dibinong Espiritu ay bababa, pagkatapos ng Aking sakripisyo at ng Aking tagumpay.

«Jesus, upang hindi ako mapalayo at sana hindi maiskandalo sa nakapanghihilakbot na oras, sabihin sa akin: ano ang kanilang gagawin sa iyo?»

«Tinatanong mo Ako ng malaking bagay.

«Sabihin sa akin, Aking Panginoon.»

«Magiging isang pahirap sa iyo na malaman ito nang eksakto.»

«Hindi na bale. Para sa pagmamahal na nagbuklod sa atin…»

«Hindi ito kailangan na malaman.»

«Sabihin Ninyo sa akin at pagkatapos kanselahin Ninyo sa aking ala-ala hanggang sa oras na iyan ang kailangang mangyari. Pagkatapos ibalik Ninyo iyan sa aking ala-ala, kasama ang ala-ala ng oras na ito. Ako kung gayon ay hindi maiiskandalo at ako ay hindi magiging kaaway Ninyo sa kaibuturan ng aking puso.»

«Iyan ay magiging walang silbi, sapagkat ikaw din ay bibigay sa bagyo.»

«Sabihin Ninyo sa akin, aking Panginoon!»

«Ako ay aakusahan, pagtataksilan, mahuhuli, pahihirapan, ipapako sa krus.»

«Hindi! Sigaw ni Santiago namimilipit na tila siya ay hinampas upang mamatay. «Hindi!» ulit niya. «Kung gagawin nila iyan sa Inyo, ano ang gagawin nila sa amin? Papaano namin maipagpapatuloy ang Inyong gawain? Hindi ko matatanggap ang pusisyon na itinalaga Ninyo sa akin… Hindi ko matatanggap… Kapag Kayo ay mamatay, mamamatay din ako, bilang wala nang lakas. Jesus, makinig sa akin! Huwag Mo akong iwanan na wala Ka. Ipangako Mo sa akin iyan man lamang!»

«Ipapangako Ko na Ako ay darating at gagabayan ka ng Aking Espiritu, pagkatapos na ang Aking maluwalhating Resureksiyon ay napalaya na Ako sa mga restriksiyon ng mga materyal. Ikaw at Ako ay magiging iisang bagay na ulit, katulad natin ngayon na ikaw ay nasa pagitan ng Aking mga bisig» Si Santiago sa katunayan ay nagsimula nang umiyak sa dibdib ni Jesus. «Huwag ka nang umiyak pa. Tayo na’t lumabas tayo sa maningning at masakit na oras ng katalikan na ito, katulad ng lumalabas ang isa mula sa anino ng kamatayan, inaalaala ang lahat maliban ang pagkamatay, ang pagkatakot na nagpapatigas dugo at tumatagal nang bagkus isang minuto, at bilang isang nangyari nang katotohanan ito ay tatagal nang magpasawalanghanggan. Halika hahalikan kita nang ganyan, upang matulungan kang makalimutan ang kabigatan ng Aking kapalaran bilang Tao. Maaalaala ang lahat na ito sa tamang sandali, ayon sa hiniling mo. Narito, hinahalikan Ko ang iyong mga labì na siyang uulit ng Aking mga salita sa sambayanan ng Israel, at ang iyong puso na kailangan magmahal katulad ng sinabi Ko sa iyo, at diyan, sa iyong sentido, kung saan ang buhay ay titigil kasama ang huling salita ng nagmamahal na pananampalataya sa Akin. Aking minamahal na kapatid Ako ay darating sa iyo at makakasama ka sa mga pagpupulong ng mga naniniwala, sa oras ng pagninilay-nilay, at sa mga oras ng panganib at sa oras ng iyong kamatayan! Walang sinuman, ni hindi ang iyong anghel, ang tatanggap ng iyong espiritu, sapagkat Ako ang tatanggap nito, na may halik, ganito…»

Nanatili silang magkaakap nang mahabang sandali at si Santiago ay tila nakatulog sa lugod ng mga halik ng Diyos na nakalimutan niya ang kanyang paghihirap. Nang itinaas niya ang kanyang ulo, siya ay naging si Santiago muli ni Alfeo, mapayapa at mabait, katulad-na-katulad ni Jose, ang esposa ni Maria. Siya ay ngumingiti kay Jesus, ang kanyang ngiti ay mas may-gulang, medyo malungkot, ngunit laging napakagiliw.

«Ating kunin ang ating pagkain, Santiago, at pagkatapos tayo ay matutulog sa ilalim ng mga bituin. Sa pagsikat ng araw tayo ay bababa patungo sa lambak… balik sa mga tao…» at si Jesus ay nagbubuntung-hininga… Ngunit tinatapos Niya ito na may ngiti: «… at kay Maria.»

«At ano ang kailangan kong sabihin sa aking ina, Jesus? At sa aking mga kasamahan? Magtatanong sila sa akin ng maraming katanungan…»

«Masasabi mo sa kanila ang lahat na sinabi Ko sa iyo, ginagawa kang tingnan mo ang mga sagot ni Elijah kay Ahab, sa mga tao sa bundok, pinagninilayan ang kapangyarihan ng isang tao na minahal ng Diyos upang kamtin kung ano ang ginugusto sa mga tao at sa lahat na mga elemento, ang kanyang sigasig, na umuubos sa kanya, para sa Panginoon, at kung papaano kita ginawang tingnan mo na sa pamamagitan ng kapayapaan at sa kapayapaan maiintindihan at mapaglilingkuran ng isa ang Diyos. Sasabihin mo sa kanila katulad ng sinabi Ko sa iyo: “Halikayo”, at katulad na inilagay ni Elijah ang kanyang manta kay Elisha, kung kayat sa pamamagitan ng manta ng karidad makakakuha ka para sa Panginoon ng bagong mga lingkod ng Diyos. At sa mga laging nag-aalala, sabihin na pinatingnan Ko sa iyo ang malugod na kalayaan mula sa mga nakaraang mga bagay, na pinakita ni Elisha, noong kanyang iniwan ang baka at ang araro. Sabihin sa kanila kung papaano Ko ipinangako sa iyo na kasamaan at hindi mabuti ang dumarating sa mga may gusto ng mga himala sa pamamagitan ni Beelzebub katulad na ito ang nangyari kay Ahaziah, ayon sa salita ni Elijah. At panghuli sabihin sa kanila kung papaano Ako nangako sa iyo na para sa magiging tapat hanggang kamatayan, ang nagpapadalisay na apoy ng Pagmamahal ay darating upang sunugin ang kanilang mga imperpeksiyon at dalhin silang tuwiran sa :Langit. Ang iba pa ay para sa iyo lamang.»

200511/012913



¹ Si Maria Valtorta ay pinatutungkulan ang kanyang confessor.

 



Sunod na kabanata