258. Si Jesus at ang Kanyang Pinsan na si Santiago sa Kanilang Pagbabalik Mula sa Mount Carmel.

Agosto 21, 1945.

Iniiwan ni Jesus ang maliit na kapatagan sa Mount Carmel at bumababa sa mahamog na mga landas sa mga kakahuyan na nagiging mas buháy gawa ng mga siyap ng ibon at ng mga tinig sa kaagahan ng sikat ng araw na nagpapalamuti sa silangang tabi ng bundok. Nang matunaw ng araw ang singaw ng init, ang buong kagandahan ng kapatagan ng Esdraelon ay naipakikita kasama ang mga lootan at mga ubasan nito lahat naiipon sa paligid ng mga kabahayan. Ito ay nagmumukhang katulad ng isang alpombra, halos lahat berde, na may kaunting manilaw-nilaw na mga oasis na nakakalatan ng pulang mga pulu-polô, kung saan ang mga butil ay inani at ang mga amapola ay kumikislap, isang alpombra na napaliligiran ng triyanggulong tapyas ng Mount Carmel, Mount Tabor at Mount Hermon (Little Hermon) at ng marami pang malalayong bundok, na ang mga pangalan nito ay hindi ko alam, na nagtatago sa Jordan at nakakaugnay patungong timog-silangang sa mga bundok ng Samaria. Si Jesus ay tumigil at tuminging nag-iisip sa lahat na lugar na iyon ng Palestina.

Si Santiago ay tinitingnan Siya at nagsabi: «Tinitingnan ba Ninyo ang kagandahan ng rehiyon na ito?»

Oo, iyan din. Ngunit mas higit pa sa kung ano pa man iniisip Ko ang tungkol sa mga paglalakbay at ang tungkol sa pangangailangan ng pagpapadala ng mga disipulo nang walang ano mang pag-antala upang magawa ang tunay na gawaing misyonaryo, at hindi lamang limitado sa gawain katulad ng ating nagawa na ngayon. Maraming mga lugar kung saan hindi pa Ako kilala at ayaw Kong iwanan ang kahit alin na lugar na walang nalalaman tungkol sa Akin. Iyan ang isang pag-aalala na laging nasa Aking isip: ang kumilos at gawin ang lahat, habang magagawa Ko pa…»

«Paminsan-minsan may nangyayari na nag-aantala sa Inyo.»

«Kaysa antalahin Ako nagagawa nilang baguhin Ko ang Aking pupuntahan; sapagkat ang mga paglalakbay na ating ginagawa ay hindi kailanman walang kabuluhan. Ngunit napakarami pa ang dapat na gawin… At dahil din pagkatapos na mawala sa isang lugar nakikita Ko na maraming puso ang bumabalik sa kung saan sila nagsimula, at kinailangan Kong magsimula ulit.»

«Oo, ang kawalang-interes ng mga kaluluwa, ang kanilang pagbabago-bago at pagkagusto sa masamâ ay nakakalungkot at nakakainis.»

«Nakakalungkot, oo, ngunit huwag sabihing nakakainis. Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman nakakainis. Kailangan na makaramdam tayo ng habag hindi pagkainis sa kaawa-awang mga kaluluwa.  Kailangan na lagi tayong may puso ng isang ama, o ng isang mabuting mabuti. Ang isang mabuting ama ay hindi kailanman naiinis sa mga sakit ng kanyang mga anak. Hindi tayo kailangan na magkaroon ng isang antipatiya para sa kaninuman.»

«Jesus, matanong ko nga Kayo ng ilan? Hindi ako natulog kagabi. Ngunit nag-isip ako nang husto habang pinagmamasdan ko Kayong natutulog. Batang-bata Kayong tingnan kung Kayo ay natutulog. Aking kapatid! Kayo ay ngumingiti, na ang Inyong ulo nakapatong sa Inyong nakaluping braso, katulad-na-katulad ng hitsura ng isang maliit na bata. Nakikita ko Kayo nang mabuti sa maliwanag na sinag-ng-buwan kagabi. At ako ay nag-isip. At maraming mga katanungan ang tumaas mula sa aking puso…»

«Sabihin sa Akin.»

«Sinasabi ko: kailangan na tanungin ko si Jesus kung papaano namin itatayo ang organisadong katawan na iyon, na tinawag Ninyong Simbahan, at kung saan ay may mga herarkiya, kung ito’y naintindihan ko nang wasto, iniisip kung gaano kami kawalang-kakayahan. Maaari bang sabihin Ninyo sa amin kung ano ang kailangan naming gawin, o kailangan bang gawin namin ito mismo?»

«Kapag dumating na ang panahon, sasabihin Ko sa inyo kung sino ang ulo nito. Habang Ako ay nakakasama ninyo, sasabihin Ko sa inyo ang sari-sari’t iba’t ibang mga grupo nito kasama ang mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga apostol, mga disipulo at mga babaeng disipulo. Sapagkat ito ay hindi maiiwasan. Ngunit sa dahilan na gusto Kong igalang at sundin ng mga disipulo ang mga apostol, ang mga apostol kung gayon ay kailangan na mahalin at maging mapasensya sa mga disipulo.»

«At ano ang kailangan naming gawin? Ituro Kayo lagi at wala nang iba?»

«Iyan ay kinakailangan. Pagkatapos kakailanganin ninyong mag-absuwelto sa ngalan Ko at magpalá, magpapasok muli sa Grasya, pangasiwaan ang mga Sakramento na Aking itatatag…»

«Ano ang mga ito?»

«Sila ay mga sobrenatural at espirituwal na mga pamamaraan, na ipamimigay sa pamamagitan din ng materyal na pamamaraan, na gagamitin upang makumbinsi ang mga tao na ang pari ay totoo ngang may ginagawang isang bagay. Nalalaman ninyo na ang tao ay hindi naniniwala maliban na nakikita niya. Lagi siyang nangangailangan ng isang bagay upang masabi sa kanya na may isang bagay. Iyan kung bakit, kapag gumagawa Ako ng mga himala, pinapatong Ko ang Aking mga kamay, o gumagamit Ako ng laway, o nagbibigay Ako ng isang mumo ng isinawsaw na tinapay. Makagagawa Ako ng himala sa pamamagitan ng simpleng isip lamang. Ngunit sa palagay ba ninyo sa ganyang kaso sasabihin ba ng mga tao: ‘Ginawa ng Diyos ang himala.”? Sasabihin nila: “Ang imbalido ay gumaling sapagkat panahon na niya na gumaling.” At ibibigay nila ang merito ng paggaling sa doktor, o sa mga gamot, o sa pisikal na lakas ng imbalido. Ganyan din ang mangyayari sa mga sakramento: mga panrelihiyon na pormalidad upang maipamigay ang Grasya, o ibigay itong muli, o palakasin ito sa mga naniniwala. Si Juan, halimbawa, ay madalas na ilubog ang nagkasala sa tubig upang mangahulugan ng kalinisan mula sa pagkakasala. Sa katunayan ang pagpapahiya ng sarili sa pangungumpisal ng kanyang nagawang kasalanan ay mas may-pakinabang kaysa sa tubig na naipanghuhugas lamang ng katawan. Magkakaroon din Ako ng binyag, Aking binyag, na hindi magiging isang simbolo lamang, bagkus totoong malilinisan ang isang kaluluwa mula sa orihinal na kasalanan at maibigay ulit dito ang espirituwal na estado na mayroon sina Adan at Eba bago ang kanilang pagkakasala, isang estado na ngayon ay labis na napaunlad, sapagkat ito ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng mga merito ng Tao-Diyos.»

«Ngunit… ang tubig ay hindi bumababa sa isang kaluluwa! Ang kaluluwa ay espirituwal. Sino ang makahihipo nito sa isang bagong panganak na sanggol, sa isang adulto o sa isang matandang tao? Wala.»

«Kita mo, tinatanggap mo na ang tubig ay isang materyal na paraan, na walang epekto sa isang espirituwal na bagay? Kung gayon ito ay hindi ang tubig, bagkus ang salita ng pari, isang miyembro ng Simbahan ng Kristo, na ikinunsagra sa kanyang serbisyo, o ang salita ng isa pang naniniwala, na maaaring pumalit sa kanya sa pambihirang mga kaso, ang gagawa ng himala ng panunubos sa binibinyagan na tao mula sa orihinal na kasalanan.»

«O sige. Ngunit ang tao ay gumagawa ng kanyang sariling mga kasalanan… Sino ang mag-aalis ng ibang mga kasalanan?»

«Ito ay laging ang pari, Santiago. Kung ang isang adulto ay bininyagan, pati ang iba pang mga kasalanan niya ay maaalis din kasama ng orihinal na kasalanan. Kung ang isang tao ay nabinyagan at nakagawa siya ng mga kasalanan, ang pari ay aabsulbihan siya sa ngalan ng Diyos Na Isa at sang-tatlo at sa pamamagitan ng mga merito ng Nagkatawang-Tao na Salita, katulad ng ginagawa Ko sa mga nagkakasala.»

«Ngunit Kayo ay banal! Kami…»

«Kailangan na kayo ay maging banal sapagkat hinihipo ninyo ang banal na mga bagay at pinangangasiwaan ninyo kung ano ang pag-aari ng Diyos.»

«Kung gayon kailangan ba namin na binyagan ang parehong tao nang makailang beses, katulad ng ginagawa ni Juan, sa katunayan nagkakaloob siya ng paglubog sa tubig nang kasing dami beses ng pagpunta ng tao sa kanya?»

«Ang binyag ni Juan ay nakapagpapadalisay lamang sa pamamagitan ng kababaang-loob ng tao na nilubog sa tubig. Sinabi Ko na sa inyo. Hindi na ninyo bibinyagan ang tao na nabinyagan na, maliban na siya ay bininyagan sa pamamagitan ng isang pormularyo ng mga humiwalay-sa-simbahan at hindi sa pamamagitan ng apostoladong pormularyo, na kung ganoon ang ikalawang binyag ay kailangan na ibigay, depende sa malinaw na hiling ng tao na bibinyagan, kung siya ay adulto, at depende sa isang maliwanag na salita na ang taong bibinyagan ay ibig na maging miyembro ng totoong Simbahan. Sa lahat na iba pang kaso, upang mabigyan ang isang kaluluwa ng pakikipagkaibigan at kapayapaan sa Diyos, gagamitin ninyo ang mga salita ng pagpapatawad nakadugtong sa mga merito ng Kristo, at ang kaluluwa na lumapit sa inyo na may totoong pagsisisi at may kababaang-loob na pangungumpisal, ay mapapatawad.»

«At kung ang isang tao ay hindi makakapunta dahil malala ang kanyang sakit na hindi siya makagalaw? Mamamatay ba siya sa kasalanan? Ang takot ba para sa paghuhukom ng Diyos ay maidadagdag sa kahirapan ng kanyang aguniya?»

«Hindi. Ang pari ay pupunta sa namamatay na tao at magbibigay ng absulusyon. Sa katunayan bibigyan niya ang taong iyon ng isang mas sapat na porma ng absulusyon, hindi isang komprehensibo na absulusyon, bagkus isang absulusyon para sa bawat pándamáng-sangkap, na sa pamamagitan nito ang tao sa pangkalahatan ay nagkakasala. Mayroon tayo sa Israel ng Sagradong Langis, ginawa ayon sa mga pamamaraan na binigay ng Kataastaasan, na sa pamamagitan nito ang altar, ang Pontipise, ang mga pari at mga hari ay kinokonsagra. Ang tao ay totoong isang altar. At siya ay nagiging hari sa pamamagitan ng pagkapili sa kanya na ilagay sa isang trono sa Langit; siya kung gayon ay maikokonsagra sa pamamagitan ng langis ng Unsiyon. Ang Banal na Langis ay kukunin kasama ang iba pang mga ritwal ng kultong Israelita at isasama sa Aking Simbahan, ngunit sa ibang mga paggamit. Sapagkat hindi lahat sa Israel ay masamâ at kailangang tanggihan. Hindi lamang, bagkus, marami sa mga alaala ng lumang mga ginagamit ay mapupunta sa Aking Simbahan. At ang isa rito ay ang Langis ng Unsiyon, na gagamitin din sa Simbahan upang ikonsagra ang mga altar, ang mga Pontipise, lahat na pansimbahan na mga herarkiya, mga hari at mga naniniwala, kapag sila ay nagiging mga prinsipe at tagapagmana ng Kaharian, o kung kailangan nila ang pinakamalaking tulong upang makaharap sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga katawan at mga pandama na nalinisan ng lahat ng mga kasalanan. Ang grasya ng Diyos ay matutulungan kapwa ang kaluluwa at ang katawan, kung ito ang gugustuhin ng Diyos para sa kapakanan ng may-sakit na tao. Ang isang katawan ay hindi laging nakakalaban sa mga sakit dahil ang kapayapaan nito ay nababalisa ng konsiyensya at dahil sa kagagawan ni Satanas, na sa pamamagitan ng pagkamatay ng maysakit umaasa na makakakuha siya ng isang kaluluwa sa kanyang kaharian at masisira niya ang pag-asa ng mga maiiwanan. Ang maysakit ay daraan mula sa pagkakahawak ni Satanas at sa internal na emosyon patungo sa isang mapayapang estado, sa pamamagitan ng katiyakan ng pagpapatawad ng Diyos, na magdadala rin sa paglayas ni Satanas. At sa dahilan na ang regalo ng Diyos ay sinamahan sa ating unang mga ninuno ng regalo ng pagkamanhid sa mga sakit at sa lahat ng porma ng kapighatian, ang maysakit na naibalik sa Grasya nang kasing galíng katulad ng Grasya ng isang bagong-panganak na sanggol na naging kristiyano sa pamamagitan ng Aking binyag, ay maaaring gumaling. Ang maysakit ay matutulungan din ng mga panalangin ng kanyang mga kapatid, na obligadong magkaroon ng hindi lamang pisikal bagkus higit sa lahat espirituwal na habag sa mga imbalido, upang makakuha ng kapwa pisikal at espirituwal na kaligtasan para sa kanilang kapatid.  Ang panalangin sa katunayan ay isang porma ng himala, Santiago. Ang panalangin ng isang makatarungan na tao, katulad na nakita mo kay Elijah, ay maaaring napaka makapangyarihan.»

«Kaunti lamang ang naintindihan ko sa sinabi Ninyo, ngunit ang naintindihan ko ay pinupuno ako ng malalim na paggalang para sa saserdotal na karakter ng Inyong mga pari. Kung naintindihan ko Kayo nang tama, magkakaroon kami ng maraming  pagkakatulad na punto sa Inyo: pagtuturo, absulusyon, mga himala. Tatlong mga sakramento kung gayon.»

«Hindi, Santiago. Ang pagtuturo at ang mga himala ay hindi mga sakramento. Ang mga Sakramento ay magiging mahigit pa: pito, katulad ng sagradong kandelabra ng Templo at ng mga regalo ng Espiritu ng Pagmamahal. At sa katunayan ang mga Sakramento ay mga regalo at mga apoy at pinagkakaloob sa tao upang siya ay sana magningas magpakailanman sa harapan ng Panginoon. Magkakaroon din ng isang Sakramento para sa pag-aasawa ng tao. At ito ay naipakita na sa banal na pag-aasawa ni Sarah, ang anak ni Raguel, pagkatapos na siya ay napalaya sa dimonyo. Ang Sakramento ay mabibigyan ang dalawang kinasal ng lahat ng tulong na kakailanganin upang mabuhay nang magkasama ayon sa batas at mga mithiin ng Diyos. Ang mag-asawa ay magiging ang mga ministro din ng isang ritwal: ang ritwal ng pagpaparami. Ang mag-asawa ay magiging ang mga pari din ng isang maliit na simbahan: ang kanilang pamilya. Sila ay kailangan kung gayon na maikonsagra upang makapagparami sa pamamagitan ng pagpapalà ng Diyos at upang makapagpalaki ng mga supling na magpapalâ sa Kabanalbanalang Pangalan ng Diyos.»

«At sino ang magkokonsagra sa mga pari?»

«Ako, bago Ko iwanan kayo. Pagkatapos, ikokonsagra ninyo ang mga susunod sa inyo at ang mga bubuuin ninyo sa inyong sarili upang mapalawig ang pananampalatayang Kristiyano.»

«Tuturuan Ninyo kami, hindi ba?»

«Ako at Siya Na Aking ipadadala sa inyo. Iyan ay magiging lakas at katalinuhan, pagpapatotoo sa Pananampalataya, iyan ay magiging banal na piyedad at takot, iyan ay magiging tulong sa payo at sobrenatural na karunungan, at iyan ay magiging pag-aari ng isang katarungan na sa pamamagitan ng kalikasan nito at kapangyarihan ay magagawa ang isang bata na tumatanggap nito na maging isang adulto. Ngunit hindi ninyo pansamantala maiintindihan iyan. Ngunit gagawin Niyang maintindihan ninyo: ang Dibinong Paraklito, ang Eternal na Pagmamahal, kapag dumating na ang sandali para sa inyo na tanggapin Siya. At gayon din naman, hindi ninyo pansamantala maiintindihan ang isa pang Sakramento. Napakataas nito na ito ay halos di-maintindihan sa mga anghel. Subalit kayo, mga tao, ay maiintindihan ito gawa ng pananampalataya at pagmamahal. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga magmamahal dito at magpapakain sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan nito, ay magagawa nilang mayapakan ang dimonyo nang may kabangisan. Sapagkat makakasama nila Ako pagkatapos niyan. Sikapin na ilagay sa isip ang mga bagay na ito, kapatid. Kakailanganin mong ulitin ito nang maraming beses sa iyong mga kasamahan at sa mga naniniwala. Malalaman mo nang lahat sa pamamagitan ng inyong dibinong ministeryo, ngunit makapagsasabi ka: “Sinabi Niya sa akin isang araw, bumababa mula sa Mount Carmel. Sinabi Niya sa akin ang lahat sapagkat magmula noon ako ay nakatalagang maging ang ulo ng Simbahan ng Israel”.»

«Naririto pa ang isang tanong na gusto kong itanong sa Inyo. Iniisip ko ang tungkol dito kagabi. Kinakailangan ko bang sabihin sa aking mga kasamahan: “Ako ang magiging ulo rito?” Hindi ko gusto ito. Gagawin ko ito kung sasabihin Ninyo sa akin. Ngunit hindi ko gusto ito.»

«Huwag matakot. Ang Paraklitong Espiritu ay bababa sa inyong lahat at maglalagay ng banal na mga kaisipan sa inyo. Magkakaroon kayo ng pare-parehong mga kaisipan para sa kaluwalhatian ng Diyos sa loob ng Kanyang Simbahan.»

«At magkakaroon pa ba ng mga… di kaaya-ayang mga diskusyon na nagkakaroon tayo ngayon? Kahit ba si Judas ni Simon ay hindi na magiging dahilan ng mga pagtatalu-talo?»

«Hindi na siya magiging dahilan, huwag mag-alala. Ngunit magkakaroon pa rin ng pagkakaiba-ibang mga opinyon. Iyan kung bakit Ko sinabi sa iyo: mag-ingat at magbantay, nang walang pagkapagod man lang, ginagawa ang iyong katungkulan hanggang sa katapusan.»

«Isa pang tanong, aking Panginoon. Papaano ako kikilos sa loob ng mga pag-uusig? Sa pamamagitan ng Inyong sinasabi, mukhang ako lamang sa Labindalawa ang tila matitira. Kung gayon ang iba ay lalayas upang maiwasan ang mga pang-uusig. At papaano ako?»

«Mananatili ka sa iyong lugar. Sapagkat kung kinakailangan na hindi kayong lahat mawala hanggang sa ang Simbahan ay mabuo nang mabuti, na nagbibigay katwiran sa pagkakawatak-watak ng maraming mga disipulo at ng halos lahat ng mga apostol, walang magiging katwiran ang iyong pag-alis at ang iyong pag-abandona sa Simbahan ng Herusalem. Hindi lang, bagkus, habang mas lumalaki ang panganib dito, mas lalong kailangan mong bantayan ito, na tila ito ay ang iyong pinakamamahal na anak na malapit nang mamatay. Ang iyong halimbawa ay magpapalakas sa mga kaluluwa ng mga naniniwala. At kakailanganin nila ito upang malampasan ang pagsubok. Habang mas lalo mo silang nakikitang humihina, mas lalo mo silang dapat suportahan sa pamamagitan ng awa at karunungan. Kung ikaw ay malakas, huwag maging walang-awa sa mahihinang tao. Suportahan sila nagsasabing: “Tinanggap ko ang lahat mula sa Diyos upang maging napakalakas. Kailangan na tanggapin ko ito nang mapagpakumbaba at kumilos nang may pagkawanggawa sa katauhan ng mga hindi masyadong nabiyayaan ng napakaraming kaloob ng Diyos”, at kailangan na ibahagi mo ang iyong lakas sa pamamagitan ng iyong salita, iyong tulong, iyong kakalmahan at halimbawa.»

«At kung sa mga naniniwala magkaroon ng ilang masasama, na siyang dahilan ng panganib at ng iskandalo sa iba, ano ang kailangan kong gawin?»

«Maging marunong kapag tinatanggap mo sila, sapagkat mas mabuti nang kakaunti at mabubuti, kaysa marami na hindi mabubuti. Alam mo ang lumang kuwento na may aral tungkol sa mabubuti at masasamang mansanas. Tiyakin na hindi rin ito mangyari sa iyong simbahan. Ngunit kung makatagpo ka ng mga tao na mga magtataksil din, magsikap sa bawat paraan na magawa silang magsisi, gumagamit ng mahihigpit na patakaran bilang panghuling remedyo. Ngunit kung ito ay tungkol sa maliliit na indibidwal na mga pagkakamali, huwag maging napakahigpit na madidismaya ang mga tao. Magpatawad, lagi... Ang isang puso ay mas madaling matubos sa pamamagitan ng pagpapatawad nakakabit sa mga luha at mapagmahal na mga salita kaysa sa pamamagitan ng panunumpa. Kung ang pagkakamali ay isang mabigat na pagkakamali, subalit ang resulta ng isang biglaang atake ni Satanas, at napakabigat na ang pakiramdam ng nagkamali ay ang umalis sa presensya mo, lumakad at hanapin ang nagkamali. Sapagkat siya ay isang kordero na nailigaw, at ikaw ang pastol. Huwag matakot na mapaliit mo ang iyong sarili sa paglakad sa mapuputik na landas, naghahanap sa mga sanaw at mga bangin. Ang iyong noo pagkatapos ay kokoronahan ng korona ng martir ng pagmamahal, at iyan ay magiging ang una sa tatlong mga korona... At kung ikaw mismo ay pagtaksilan, katulad na pinagtaksilan si Juan Bautista, at katulad ng marami pang iba, sapagkat ang bawat banal na tao ay may kanyang traydor, magpatawad. Patawarin ang taksil nang higit pa kaysa magpapatawad ka sa sino pa man na iba. Magpatawad katulad ng nagpatawad ang Diyos sa mga tao at katulad ng Siya ay magpapatawad. Tawaging “anak” muli, siya na magpapamighati sa iyo, sapagkat ganyan ang tawag sa iyo ng Ama sa pamamagitan ng Aking mga labì, at, sa katotohanan, walang tao ang hindi nakagawa ng mabigat na kapighatian sa Ama sa Langit...»

Nagkaroon ng matagal na katahimikan habang tinatawid nila ang mga pastulan na maraming mga tupa ang nakakalat.

Sa wakas si Jesus ay nagtanong: «Wala ka na bang mga katanungan na itatanong sa Akin?»

«Wala, Jesus. At ngayong umaga naintindihan ko nang mas maliwanag ang aking napakalaking misyon…»

«Sapagkat hindi ka masyadong balisa kaysa kahapon. Kapag ang panahon mo ay dumating na, mas lalo ka pang magiging kalmante at mas makaiintindi ka pa.»

«Maaalaala ko ang lahat na mga bagay na ito… lahat… maliban sa…»

«Alin, Santiago?»

«Hindi masyado kung ano ang ayaw kong tingnan Kita kagabi nang hindi ako umiiyak. Kung ano ang hindi ko talagang alam kung sinabi Ninyo sa akin, at kung ito ay paniniwalaan ko kung talagang sinabi Ninyo; o kung ito ay isang pagkatakot sa pamamagitan ng dimonyo. Papaano Kayo magiging napaka kalmante kung… kung iyan ay talagang mangyari sa Inyo?»

«At ikaw ba ay magiging kalmante kung sabihin Ko sa iyo: “Na ang pastol ay hinihila ang kanyang sarili nang may kahirapan dahil sa kanyang napilay na paa. Subukan na pagalingin siya sa ngalan ng Diyos”?»

«Hindi, aking Panginoon. Ako ay mapapatigalgal iniisip na ako ay tinutuksong agawin ang Inyong lugar.»

«At kung iutos Ko sa iyo?»

«Gagawin ko ito dala ng pagsunod at hindi na ako mababalisa sapagkat malalaman ko na gusto Ninyo ito, at hindi ako matatakot ng wala akong nalalaman kung papaano ko ito gagawin. Sapagkat, kung pinadala Ninyo ako, tiyak na bibigyan Ninyo ako ng lakas na gawin ang gusto Ninyo…»

«Sinasabi mo nang ganyan, at tama ka. Makikita mo kung gayon na Ako, sa pagsunod sa Ama, ay laging nasa kapayapaan.»

Si Santiago ay tinutungo ang kanyang ulo umiiyak.

«Talaga bang gusto mong makalimot?»

«Ayon sa ibig Ninyo, aking Panginoon…»

«Mayroon kang dalawang pagpipilian: ang makalimot o ang makaalaala. Sa pagkalimot makakaginhawa ka sa kapighatian at sa pangangailangan na maging lubos na tahimik sa iyong mga kasamahan, ngunit maiiwan kang di-handa. Sa makaalaala magiging handa ka para sa iyong misyon, sapagkat upang hindi kailanman magreklamo at mapalakas sa espiritu nakikita ang kabuuan ng Kristo sa pinakamatingkad na liwanag, isang bagay lamang ang kinakailangan: ang maalaala kung ano ang ipinaghirap ng Anak ng tao sa Kanyang makalupang pamumuhay. Mamili ka.»

«Ang makapaniwala, makaalaala, makapagmahal. Iyan ang gugustuhin ko. At ang mamatay, hangga’t maaari kaagad, Panginoon…» At si Santiago ay nagpatuloy sa pag-iyak nang tahimik.  Kung hindi sa mga luha na nagniningning sa kanyang kulay-kapeng balbas, hindi makikita ng isa na siya ay umiiyak.

Si Jesus ay pinababayaan siyang makaiyak… Pagkatapos si Santiago ay nagtanong: «At kung sa hinaharap magpapahiwatig Kayong muli tungkol sa Inyong kamatayan bilang isang martir, sasabihin ko ba na nalalaman ko?»

«Hindi. Maging tahimik. Si Jose ay nagawang manahimik sa loob ng kanyang kapighatian ng isang nobyo noong inakala niya na ang kanyang nobya ay naging di-tapat sa kanya at tungkol sa mga misteryo ng paglilihi ni Maria bilang isang birhen at tungkol sa Aking Kalikasan. Gayahin siya. Iyon ay isang napakalaking lihim din. At iyon ay kinailangan na ilihim, sapagkat kung iyon ay naibulgar, dala ng pagmamalaki o ng kapabayaan, ang buong Panunubos ay napasapanganib sana. Si Satanas ay laging nasa pagmamasid at pagkilos. Tandaan iyan. Kung makapagsalita ka ngayon, masisira mo ang napakaraming tao at napakaraming mga bagay. Maging tahimik.»

«Mananahimik ako… at ito ay magiging isang dobleng pabigat…»

Si Jesus ay hindi tumutugon. Pinababayaan Niyang makaiyak nang libre si Santiago, natatakpan ng kanyang sariling linen na saklob-sa-ulo.

Nakasalubong sila ng isang lalaki na may dalang isang di-masayang bata nakatali sa kanyang likod.

«Siya ba ay anak mo?» tanong ni Jesus.

«Oo. Pinanganak siya na ganyan, at siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Ngayon, ang akin ding ina ay patay na, at kapag pumupunta ako sa aking trabaho, dinadala ko siya upang mabantayan siya. Ako ay isang tagaputol-ng-kahoy. Binababa ko siya sa damuhan, sa ibabaw ng aking manta, at habang nagpuputol ako ng mga kahoy, naglalaro siya ng mga bulaklak, kaawa-awang sawing-palad!»

«Iyan ay isang malaking kamalasan.»

«Oo, malaki. Ngunit kailangan nating tanggapin nang mapayapa kung ano ang gusto ng Diyos.»

«Paalam, lalaki. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

«Paalam. Kapayapaan sa Inyo.»

Ang lalaki ay umaakyat sa bundok, sina Jesus at Santiago ay nagpatuloy sa pagbabâ.

«Gaano karaming mga kamalasan! Umaasa ako na pagagalingin Ninyo siya» sabi ni Santiago na may isang buntung-hininga

Si Jesus ay hindi lumalabas na nakaririnig.

«Guro, kung nalaman ng lalaki na Kayo ay ang Mesiyas, baka hiningi niya sa Inyo na gumawa ng isang himala…»

Si Jesus ay hindi tumutugon.

«Jesus, pahihintulutan ba Ninyo akong bumalik at sabihin sa kanya? Nalulungkot ako para sa batang iyon. Ang aking puso ay lubos nang namimighati. Bigyan man lamang Ninyo ako ng lugod na makita ang maliit na bata na gumaling.»

«Makakalakad ka. Maghihintay Ako rito para sa iyo.»

Si Santiago ay tumakbong bumalik. Inabutan niya ang lalaki at tinawag niya siya. «Mamâ, tigil, makinig! Ang lalaking kasama ko ay ang Mesiyas. Ibigay mo sa akin ang iyong bata na sana madala ko siya sa Kanya. Makakasama ka rin, kung ibig mo, upang makita mo kung pagagalingin siya ng Guro.»

«Lakad, lalaki. Ang lahat na mga kahoy na ito ay kailangan kong putulin. Huli na ako dahil sa bata. At kung hindi ako magtatrabaho, wala akong pagkain. Ako ay mahirap, at malaki ang nagagasta ko sa kanya. Ako ay naniniwala sa Mesiyas, ngunit mas mabuti pa kung magsalita ka sa Kanya sa katauhan ko.»

Si Santiago ay yumuko upang kunin ang batang nakahiga sa damuhan.

«Mag-ingat» babala ng tagaputol-ng-kahoy. «Nasasaktan siya sa buong katawan.»

Sa katunayan, nang tinatangka pa lamang ni Santiago na kunin siya, ang bata ay umiyak nang nananaghoy.

«O! Gaano kasakit!» bulalas ni Santiago nang may pagbuntung-hininga.

«Isang nakapangingilabot na kirot» sabi ng tagaputol-ng-kahoy na ang kanyang lagari nasa isang katawan ng kahoy, at dagdag pa niya: «Hindi mo ba siya mapagagaling?»

«Hindi ako ang Mesiyas. Ako ay isa lamang disipulo…»

«Bueno? Ang mga doktor ay natututo sa ibang mga doktor. Ang mga disipulo ay natututo mula sa kanilang Guro. Sige na, maging mabuti. Huwag mo siyang gawin ng maghirap. Subukan mo. Kung gusto ng Guro na pumarito, pumunta na sana Siya. Pinadala ka Niya baka dahil ayaw Niyang pagalingin siya o dahil gusto Niya na pagalingin mo siya.»

Si Santiago ay nag-aalinlangan. Pagkatapos nagpasya siya. Siya ay tumayo at siya ay nagdarasal katulad ng nakikita niya si Jesus na nagdarasal. Sa huli nag-utos siya: «Sa ngalan ni Jesucristo, ang Mesiyas ng Israel at Anak ng Diyos, gumaling» at kaagad pagkatapos lumuhod siya nagsasabing: «O! Aking Panginoon, patawarin ako! Kumilos ako nang wala ng Inyong kapahintulutan! Ngunit ginawa ko ito dala ng awa para sa batang ito ng Israel. Maawa, aking Diyos! Sa kanya at sa akin, isang makasalanan!» at lumuha siya ng mapapait na luha sa ibabaw ng bata nakadipa sa damuhan. Ang kanyang mga luha bumabagsak sa pilipit na walang-buhay na mga paa.

Si Jesus ay bigla na lamang lumitaw sa daan. Ngunit walang nakakakita sa Kanya, sapagkat ang tagaputol-ng-kahoy ay nagtatrabaho. Si Santiago ay umiiyak at ang bata ay nakatingin sa kanya nang mausisa, at pagkatapos hinahaplos siya, siya ay nagtanong: «Bakit kayo umiiyak?» at inuunat niya ang kanyang maliit na kamay upang haplusin siyang muli, at nang hindi niya nababatid, siya ay naupong mag-isa, siya ay tumayo at niyayakap si Santiago upang paginhawahan siya. Ang sigaw ni Santiago ang nakagawa sa tagaputol-ng-kahoy na lumingon at pagkatapos nakita niya ang kanyang bata na nakatayong tuwid sa kanyang mga paa, na hindi na walang-buhay o pilipit. At tumatalikod nakita niya si Jesus.

«Ayón Siya!» siya ay sumisigaw nakaturo ang kamay sa likuran ni Santiago na tumalikod at nakita si Jesus nakatingin sa kanya nagniningning sa kaluguran.

«Guro! Hindi ko alam kung papaano nangyari iyon… kaawaan… ang lalaking iyon… ang batang ito… Patawarin ako!»

«Tumayo ka. Ang mga disipulo ay hindi mas mataas sa kanilang Guro ngunit magagawa nila kung ano ang ginagawa ng Guro, kapag ginagawa nila iyon para sa isang banal na dahilan. Tumayo at sumama sa Akin. Pagpalain nawa kayong dalawa at tandaan na ang mga lingkod ng Diyos ay nagagawa ang mga gawain ng Anak ng Diyos» at Siya ay umalis, hinihila si Santiago na nagpapatuloy sa pagsabi: «Papaano ko nagawa iyon? Hindi ko pa maintindihan. Papaano ako nakagawa ng isang himala sa ngalan Ninyo?»

«Sa pagiging maawain. Sa pamamagitan ng iyong mithiin na Ako ay mahalin ng inosenteng batang iyon at ng lalaking iyon na naniwala at nagduda ring kasabay. Si Juan ay gumawa ng isang himala malapit sa Jabneel dala ng pagmamahal, pinagagaling ang isang namamatay na lalaki na kanyang pinahiran ng langis habang nagdarasal. Nagpagaling ka rito sa pamamagitan ng iyong mga luha at ng iyong habag. At sa pamamagitan ng iyong pananampalataya sa Aking Pangalan.  Nakikita mo ba kung gaano kapayapa ang maglingkod sa Panginoon kapag ang isang disipulo ay may mabuting mga intensiyon? Ngayon tayo ay lumakad nang mabilis, sapagkat ang lalaking iyon ay sinusundan tayo. Hindi tama na ang iyong mga kasamahan ay malaman ang tungkol dito, sa pansamantala. Malapit Ko na kayong ipadala sa ngalan Ko… (isang malalim na buntung-hininga ni Jesus), dahil si Judas ni Simon ay nananabik na makagawa (isa pang mabigat na buntung-hininga). At makagagawa kayo. Ngunit hindi ito makabubuti sa lahat. Bilis, Santiago! Ang iyong kapatid, si Simon Pedro at ang iba pa ay maghihirap kung malaman nila ang tungkol dito, na tila ito ay may-kinikilingan. Ngunit hindi ito may-kinikilingan. Ito ay upang maihanda ang sinuman sa inyong labindalawa na maaaring may-kakayahan na makagabay sa iba. Pumunta tayo sa mabatong kanal ng ilog na natatakpan ng mga dahon. Ang lahat na bakas natin ay mawawala. Nalulungkot ka ba para sa bata? O! matatagpuan natin silang muli…»

230511/012913

 

 


Sunod na kabanata