259. Si Pedro Nagsasalita sa mga Magbubukid ni Doras Tungkol sa Pagmamahal na Siyang ang Kaligtasan.

Agosto 22, 1945.

«Aking mahal na mga kaibigan, ano ang inyong ginagawa malapit sa apoy na ito?» tanong ni Jesus nang matagpuan Niya ang Kanyang mga disipulo sa palibot ng isang mabuting nagagatungang apoy, na lumalagablab sa maagang mga anino ng gabi sa sangahan ng mga daan sa kapatagan ng Esdraelon.

Ang mga apostol ay nagulat, dahil hindi nila Siya nakitang dumating, at nakalimutan nila ang apoy upang mabati ang Guro. Ang kamukha nila ay tila napakatagal na nilang hindi Siya nakita. Sila ay nagpaliwanag pagkatapos: «Makinig! Naayos namin ang pinag-aawayan ng isang magkapatid mula sa Jezreel at kontentung-kontento sila na kami ay binigyan nila ng isang tupa tig-isa sila. Nagpasya kaming lutuin ang dalawa at ibigay ito sa mga tauhan ni Doras. Si Micah ni Johanan ang nagkatay at naghanda nito at amin na itong iihawin. Ang Inyong Ina ay umalis kasama sina Maria at Susanna upang sabihan ang mga tauhan ni Doras na pumunta rito pagkatapos ng panalanging gabi, kapag ang tagapangasiwa ay umuwi upang uminom ng alak Ang mga babae ay hindi nakakakuha ng labis na pansin… Nagsikap kami na makita silang nagkukunwaring mga maglalakbay na mga dumaraan sa mga bukid, ngunit hindi kami nakagawa nang mabuti. Nagpasya kaming mag-ipun-ipon dito ngayong gabi at magsalita… nang kaunti pa, para sa kanilang mga kaluluwa, at makontento rin ang kanilang mga katawan, katulad ng Inyong ginawa nang nakaraan. At ngayon na Kayo ay nandito na mas magiging maganda pa ito.»

«Sino ang magsasalita?»

«Bueno… Tigkakaunti ang bawat isa… hind pormal. Wala kaming kakayahan na makagawa ng higit pa, dahil din si Juan, ang Zealot at ang Inyong kapatid ay ayaw na magsalita. Si Judas ni Simon at si Bartolomeo ay hindi rin nananabik na magsalita… Nag-away-away pa nga kami tungkol diyan… sabi ni Pedro.

«Bakit ang limang iyon ayaw magsalita?»

«Si Juan at si Simon dahil sinasabi nila na hindi tama na sila lagi ang nagsasalita Ang Inyong kapatid dahil gusto niya na ako ang magsalita at nagsasabi na kung hindi ako kailanman magsimula… Si Bartolomeo dahil… dahil natatakot siya na baka siya makapagsalita nang napakaesperto at baka hindi siya magtagumpay sa pagkumbinsi ng mga tao. Nakikita Ninyo na iyon ay mga dahilan…»

«At ikaw, Judas ni Simon, bakit ayaw mong magsalita?»

«Sa gayon din na mga rason katulad ng sa iba! Para sa lahat na mga rason na iyon: sapagkat tama naman silang lahat…»

«Maraming mga rason. Ngunit wala ni isa na tinuran. Ako na ngayon ang magpapasya, at ang Aking pasya ay hindi mapakikiusapan Ikaw, Simon ni Jonah, ang magsasalita, katulad ng sinabi na mabuti ni Tadeo. At ikaw, Judas ni Simon, ay magsasalita rin. Sa gayon, ang isa sa maraming mga dahilan, ang isang alam ng Diyos at alam mo, ay mawawala na.»

«Guro, maniwala sa akin, wala nang iba pa…» si Judas ay nagsisikap na sumagot.

Ngunit si Pedro ay pinutol siya kaagad nagsasabing: «O! Aking Panginoon! Papaano ako makapagsasalita sa Inyong presensya? Hindi ko kailanman magagawa! Natatakot ako na baka pagtawanan Ninyo ako…»

«Ayaw mong maging nag-iisa; ayaw mong makasama Ako… Ano ang gusto mo?»

«Tama Kayo. Ngunit… Ano ang aking sasabihin?»

«Naririyan na ang iyong kapatid parating dala ang mga tupa Tulungan siya, at habang niluluto ninyo iyan, pag-isipan mo iyan. Ang lahat ay nakakatulong upang makakuha ng isang paksa.»

«Pati ang isang tupa sa tuhugan?» tanong ni Pedro hindi makapaniwala

«Oo. Kung gayon sumunod.»

Si Pedro ay napahugot ng malalim na buntung-hininga, isang tunay na nakakaawang buntung-hininga, ngunit hindi tumugon. Siya ay lumakad patungo kay Andres at tinutulungan siyang ayusin ang mga tupa sa isang matalas na kahoy na gagamiting tuhugan, at kanya silang pinagmamasdan niya na may gayong mabigat na hitsura, na nagmumukha siyang isang hukom na nasa punto na nang paggawad ng pasya.

«Judas ni Simon, tayo na at salubungin ang mga babae» utos ni Jesus. At Siya ay umalis dumaraan sa tigang na mga bukid ni Doras. «Judas, ang isang disipulo ay hindi kinasusuklaman ang hindi kinasusuklaman ng kanyang Guro» sinabi Niya pagkaraan nang kaunti nang hindi nag-aaksaya ng mga salita.

«Guro, hindi ako nasusuklam. Ngunit katulad ni Bartolomeo, sa pakiramdam ko hindi ako maiintindihan, at mas ginusto ka na huwag magsalita.»

«Si Natanael ay natatakot na baka hindi niya magawa ang Aking minimithi, na siyang ang makapagbigay ng liwanag at makapagpagaan ng mga puso. Siya ay may pagkakamali din, sapagkat nagkukulang siya ng kompiyansa sa Panginoon. Ngunit mas lalo ka nang nasa pagkakamali, sapagkat hindi ka natatakot ng baka hindi maintindihan, bagkus kinaiinisan mo na maintindihan ka ng mga abang magbubukid, na mga mangmang tungkol sa lahat na bagay, maliban sa birtud. Nilalampasan nila ang marami sa inyo, sa katunayan, kung birtud ang paguusapan. Wala ka pang naiintindihan ng kahit ano, Judas. Ang Ebanghelyo ay totoo ngang Mabuting Balita dinala para sa mahihirap, sa mga maysakit, sa mga naghihirap at sa mga alipin. Pagdating ng araw iyan ay ibibigay din sa iba. Ngunit iyan ay ibibigay para lamang makatulong at makapagpagaan sa mga naghihirap mula sa lahat na klase ng kasawiang-palad.»

Si Judas ay iniyuko ang ulo ngunit hindi tumugon.

Ang Banal na Birhen, si Maria ni Clopas at si Susanna ay lumitaw parating mula sa isang palumpungan.

«Binabati Ko Kayo, Inay! Kapayapaan sa inyo, mga babae!»

«Anak! Pumunta Ako sa mga… kaawa-awang kapus-palad na iyon. Ngunit Ako ay binigyan ng balita na nagawa Ako na hindi maghirap nang labis. Si Doras ay binitiwan ang lupain na ito at kinuha ito ni Johanan. Ito ay hindi paraiso. Ngunit hindi na ito impiyerno. Ang tagapamahala ay sinabihan ang mga magbubukid ngayon. Siya ay dumating kinuha nakasakay sa kanyang mga kariton ang lahat na butil hanggang sa kahuli-hulihan, at kung gayon walang naiwan sa lahat kahit na ano para makain. At sa dahilan na ang tagapamahala ni Johanan ay may pagkain para lamang sa kanyang mga tauhan, ang mga magbubukid ni Doras ay maiiwanan ng wala para sa pagkain Ang mga tupang iyon ay totoong sa kaganahan loob ng Diyos!»

«Iyon ay sa kagandahang-loob din ng Diyos na ang mga tauhan ay hindi na pag-aari ni Doras. Nakita namin ang kanilang mga bahay… Mga kulungan ng baboy» sabi ni Susanna na kitang-kita na naiskandalo.

«Ang mahihirap na tao ay masayang-masaya!» hinuha ni Maria ni Clopas.

«Ako ay masaya rin. Mas magiging mabuti ang kanilang kalagayan kaysa dati» tugon ni Jesus patungo sa mga apostol.

Si Juan ng Endor ay sumama sa Kanya may dala-dalang mga pitsel ng tubig, na kanyang dinadala kasama si Ermasteus. «Ang mga tauhan ni Johanan ay ibinigay ang mga iyan sa amin» paliwanag niya, pagkatapos na mabati nang magalang si Jesus.

Lahat sila ay pumunta sa lugar kung saan nila iniihaw ang dalawang tupa sa isang makapal na ulap ng malangis na usok. Si Pedro ay patuloy na iniikot ang kanyang tuhugan at sa pansamantala tinitingnan niya ang mga na isip niya. Si Judas Tadeo sa halip, ay naglalakad nang pauli-uli, nakalublob sa pakikipagusap yakap ang baywang ng kanyang kapatid Ang tungkol sa mga ibang apostol ang iba ay nagdadala ng mga panggatong na kahoy, ang iba… naghahanda ng mesa, nagdadala ng malalaking bato upang gamitin na mga upuan o isang mesa. Hindi ko alam.

Ang mga magbubukid ni Doras ay dumating. Sila ay mas payat at masasama ang hitsura higit pa kailanman. Ngunit sila ay masasaya! Sila ay mga dalawampu ang bilang at wala silang kasama kahit bata o babae. Mahihirap na tao mga nag-iisa…

«Kapayapaan sa inyong lahat at ating pagpalain ang Panginoon sa pagbibigay sa inyo ng isang mas mabuting panginoon. Ating Siyang pagpalain para sa pagbago ng isang tao na nakagawa sa inyo ng labis na paghihirap. Tama ba iyon? Kayo ba ay masaya, matandang itay? Ako ay masaya rin. Mas madalas Akong makakapasyal dala ang bata. Sinabihan ba kayo nila? Kayo ay umiiyak sa lugod, hindi ba? Halikayo rito, huwag matakot…» sinabi Niya nagsasalita sa lolo ni Marjiam, na yumuyuko hinahalikan ang Kanyang kamay at umiiyak ay bumulong: «Wala ang ipinakikiusap na iba sa Kataastaasan. Pinagkalooban Niya ako ng higit pa sa aking hinihingi. Ibig ko na ngayong mamatay na kung hindi baka ang paghihirap nang napakatagal ay mapangibabawan akong muli.»

Ang mga magbubukid, na kung baga napapahiya nakakasama ang Guro, ay pagkaraan nagkaroon ng lakas ng loob, at nang ang dalawang tupa ay inihain sa malapad na mga dahon na inayos sa ibabaw ng malalaking bato na dinala bago ngayon, at ang mga parti-parte ay ipinamigay, na ang bawat isa nito ay ipinatong sa isang malapad na tinapay-na-keyk na nagsisilbi din na isang plato, nagpahingalay sila sa kanilang kasimplehan at kumain sila na may gana, pinupuno ang kanilang kagutuman, pagkatapos na nagpakagutom nang matagal: pinag-uusapan nila ang mga nakaraang pangyayari.

Ang isa sa kanila ay nagsasabi: «Lagi ko noong minumura ang mga balang, mga daga at nga langgam. Ngunit mula ngayon magmumukha silang mga mensahero ng Panginoon sa akin, sapagkat sa kagagawan nila na tayo umaalis sa impiyerno.» At bagama't ang paghambing ng mga langgam at mga balang sa anghelikal na mga pangkat ay medyo kakatuwa, walang tumatawa sapagkat lahat sila ay nadarama ang matrahedyang mga sirkunstansiya na nakatago sa mga salitang iyon.

Ang apoy ay napaliliwanagan ang asamblea, ngunit ang kanilang mga mukha ay hindi tinitingnan ang apoy. Ang lahat na mata ay nakatingin sa mukha ni Jesus, at naalis lamang nang sandali nang si Maria ni Alfeo, na abala sa paggawa ng mga parte, ay naglagay na mas marami pang karne sa mga patag na mga tinapay na keyk ng mga gutom na magbubukid, at natapos ni Maria ang kanyang ginagawa sa pagbabalot ng dalawang inihaw na paa sa ilang mga malalapad na dahon at nagsabi sa lolo ni Marjiam: «Dalhin ninyo ito. Magkakaroon din kayong lahat ng sansubo bukas. At ang tagapamahala ni Johanan pansamantala ay magbibigay ng kahit ano.»

«Ngunit papaano kayo…»

«Mas kakaunti ang aming dadalhin. Kunin ninyo iyan ,mamâ.»

Sa dalawang tupa walang naiwan bagkus ang mga ngatngating buto at ang mapilit na amoy ng tumulong taba na nasusunog pa sa apoy, na namamatay na at ang liwanag nito ay pinapalitan na ng liwanag ng buwan.

Ang mga tauhan din ni Johanan ay sumali na rin sa iba. Panahon na upang magsalita sa kanila.

Ang asul na mga mata ni Jesus ay tumingin sa itaas sa paghahanap kay Judas na nakaupo malapit sa isang punungkahoy, medyo nakatago sa lilim. At nang makita Niya na si Judas ay nagkukunwaring hindi siya makaintindi, tumawag Siya sa malakas na tinig: «Judas!». Si Judas ay napilitan na tumayo at lumapit. «Huwag mong itago ang iyong sarili Pakiusap na mag-ebanghelyo sa lugar Ko. Ako ay pagod-na-pagod. Maging ano pa man, kung Ako ay hindi nakarating ngayong gabi, ang isa sa inyo ay kinakailangan na magsalita!»

«Guro… Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin… Ako man lang ay tanungin Ninyo ng ilang mga tanong.»

«Hindi para sa Akin na itanong sa iyo iyan. Mga lalaki, ano ang inyong gustong mapakinggan o maipaliwanag sa inyo?» tinanong Niya pagkatapos ang mga magbubukid.

Ang mga kalalakihan ay nagkatinginan sa isa’t isa… hindi sila makatiyak… Sa wakas ang isang magbubukid ay nagtanong: «Nakaalam kami tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon at tungkol sa Kanyang kagandahang-loob. Ngunit kakaunti ang aming nalalaman tungkol sa Kanyang doktrina. Baka ngayon ay matututo na kami nang kaunti pa, bilang na kay Johanan na kami. Ngunit nananabik kaming malaman ang mga esensiyal na bagay na kailangan naming gawin upang makarating sa Kaharian na ipinangangako ng Mesiyas. Sa dahilan na kami ay praktikal na walang nagagawa, makakarating ba kami roon?»

Si Judas ay tumugon: «Kayo ay totoong nasa napakahirap na kalagayan. Ang lahat sa inyo at sa paligid ninyo ay nagtutulung-tulong upang mailayo kayo sa Kaharian Ang kakulangan ng kalayaan na makapunta sa Guro kailanman ninyo gustuhin, ang inyong kalagayan na mga katulong ng isang panginoon, na, kung hindi isang ayena katulad ni Doras, ay, hanggang sa aming nalalaman, isang Molossian na aso na pinananatili ang kanyang mga katulong na mga preso, ang inyong paghihirap at kalumbayan, ay hindi paborableng mga kalagayan para mapili kayo sa Kaharian. Sapagkat mahirap para sa inyo na hindi magkaroon ng mga pagtatampo at sama ng loob, pamumuna at paghihiganti para sa tao na nagtatrato sa inyo nang napakahirap. At ang pinaka-esensiyal ay ang mahalin ang Diyos at ang kapwa natin. Kung hindi diyan ay walang kaligtasan. Kailangan na kayo ay mapagbantay upang mapanatili ninyo ang inyong mga puso na walang-tutol na nagpapailalim sa kalooban ng Diyos, na ibinubunyag sa inyo sa inyong kapalaran, at tiisin ang inyong panginoon nang may-tiyaga na hindi kailanman nagkukusang manghusga na tiyak na walang-kabaitan sa inyong panginoon, o magsaad ng pasasalamat para sa inyong… inyong… Sa madaling salita, dapat huwag ninyong isipin ang inyong kalagayan, upang maiwasan ang mga pakiramdam ng paghihimagsik na siyang papatay sa pagmamahal. At siya na hindi nagmamahal ay hindi mararating ang kaligtasan, sapagkat nalalabag niya ang unang alituntunin. Ngunit halos nakatitiyak ako na kayo ay maliligtas sapagkat nakikita ko na kayo ay may mabubuting kalooban nakakabit sa inyong mababait na kaluluwa, na nagbibigay daan sa pag-asa na kayo ay makapagpipigil na mapoot at mithiin ang paghihiganti. ano pa man ang mangyari ang awa ng Diyos ay napakalaki na Kanyang ipadadala kung ano ang kakulangan pa para sa inyong perpeksiyon.»

Nagkaroon ng katahimikan. Si Jesus ay iniyuko ang Kanyang ulo nang labis upang ang Kanyang hitsura ay hindi makikita; ngunit ang mga mukha ng iba pa ay makikita at ang mga sinasaad nito ay tiyak na hindi masaya. Ang mga magbubukid ay mas lalong nagmumukhang malulungkot kaysa dati, ang mga apostol at ang mga babae ay tila nasorpresa at halos natakot.

«Magsisikap kami na mapigilan ang bawat kaisipan laban sa pasensya at pagpapatawad» ang matanda ay tumugon nang may kababaang-loob.

Ang isa pang magbubukid ay nagsabi na may buntung-hininga: «Totoong mahirap para sa amin na marating ang perpeksiyon ng pagmamahal, sapagkat malaking bagay na na hindi kami naging mga mamamatay-tao ng mga nagpapahirap sa amin! Ang isang kaluluwa ay naghihirap nang napakalaki, at kahit na kung hindi ito napopoot, nahihirapan itong magmahal, katulad ng mga nangayayat na bata na nahihirapan na lumaki…»

«Hindi, mamâ. Ako, sa halip, ay iniisip na sa dahilan lamang na kayo ay naghirap nang labis na hindi nagiging mga mamamatay-tao at mapaghimagsik, ang inyong mga kaluluwa ay nagmamahal nang mas malakas kaysa ng amin. Kayo ay nagmamahal nang hindi ninyo napupuna ito» sabi ni Pedro upang paginhawahan sila.

At napuna niya na siya ay nakapagsalita at siya ay tumigil upang sabihin: «O! Guro!... Ngunit… Sinabi Ninyo na kailangan kong magsalita… at maghanap ng paksa kahit na sa mga tupa na aking iniihaw. At nagpatuloy akong pagmasdan sila upang makatagpo ng ilang mabuting salita para sa aming mga kapatid dito, at para sa kanilang kalagayan. Ngunit, dahil ako ay tanga, wala akong nakitang anuman na angkop, at hindi ko alam kung papaano, napuna ko na ako ay naglalagalag palayo sa aking mga naiisip, na hindi ko alam kung ang mga ito ay kakaiba, na sa gayong kaso ang mga ito ay tiyak na akin, o banal, at kung gayon nga, ang mga ito ay nanggaling mula sa Langit. Aking babanggitin ang mga ito, eksakto katulad nang dumating ito sa akin, at Kayo, Guro, ay ipaliliwanag ito sa akin o kagalitan ako, at kayo, aking mga kaibigan, ay pagpasyensiyahan ako. Ako ay tumitingin nang una sa apoy, at naisip ko: “Ngayon: saan gawa ang apoy? Galing sa kahoy. Ngunit ang kahoy ay hindi umaapoy nang sarili nito At kung ito ay hindi tuyo, hindi ito aapoy kahit papaano, sapagkat ang tubig ay nagagawa ito na mabigat at hindi ito masisindihan ng pampadikit ng apoy. At kapag ang kahoy ay patay, ito ay mabubulok at ang mga uod ay pupulbusin ito, ngunit hindi ito aapoy nang sarili nito. Ngunit kung ang isa ay aayusin ito nang tama at hinahawakan ang pampadikit at ang pangkaskas na bato malapit dito ito ay makagagawa ng kislap at matutulungan itong umapoy sa pag-iihip sa maninipis na sanga upang mapalaki ang apoy, sapagkat ang isa ay laging nagsisimula sa pinakamaliliit na bagay, pagkatapos ang apoy ay lalaki at magiging maganda at may pakinabang at magagawa ang lahat na umapoy, pati makakapal na kahoy”. At sinabi ko sa aking sarili: “Kami ay katulad ng kahoy. Hindi kami umaapoy nang sarili lamang namin. Ngunit kailangan namin na huwag kaming labis na mapuno ng mabigat na singaw ng laman at dugo, upang magawa ang kahoy na masindihan ng kislap. At kailangan namin na mithiin na masunog sapagkat kung mananatili kami na di-aktibo baka sirain kami ng masamang panahon at ng mga uod, ibig sabihin, ng sangkatauhan at ng dimonyo. Samantalang kung ibibigay namin ang aming sarili sa apoy ng pagmamahal, masisimulan nitong sunugin ang maninipis na sanga at tutupukin nito ito, at aking tinitingnan ang maliliit na sanga na siyang ang mga impeksiyon, pagkatapos ito ay lalago at paapuyin ang mas malalaking piraso ng kahoy, ibig sabihin ang mas malalakas na masisimbuyong damdamin. At tayo, bilang katulad ng kahoy, isang bagay na materyal, matigas, walang sigla, pangit pa nga, ay magiging maganda, di-materyal, maliksi, maningning na bagay na ang apoy ay ganyan nga. At iyan sapagkat ibinigay natin ang ating sarili sa pagmamahal, na siyang ang batong pangkaskas at ang pampadikit na magpapabago sa atin na mga kaawa-awang makasalanan sa pagiging mga anghel sa hinaharap at mga mamamayan ng Kaharian ng Langit”. At iyan ay isang kaisipan.»

Si Jesus ay naitaas nang kaunti ang Kanyang ulo at nakikinig na ang Kanyang mga mata nakasara at may anino ng isang ngiti sa Kanyang mga labì. Ang iba ay mga nakatingin, sila ay nasusorpresa pa rin ngunit hindi na natatakot.

Si Pedro ay nagpapatuloy sa pagsasalita nang mapayapa. «Isa pang kaisipan ang dumating sa aking isip tinitingnan ang mga tupa na naiihaw. Huwag sabihin na ang aking mga kaisipan ay pambata. Ang Guro ay sinabi sa akin na hanapin ang mga ito sa kung ano ang aking tinitingnan… At ako ay sumunod. Kung kaya’t ako ay nakatingin sa mga tupa at sinabi ko: “Ayan kayo. Sila ay dalawang inosenteng mababa-ang-loob na mga hayop Ang aming Banal na mga Iskriptura ay puno ng magigiliw na paghahambing sa mga tupa, kapwa upang maalaala Siya Na siyang ipinangakong Mesiyas at Tagapagligtas katulad ng ito ay naisimbolo sa Mosaic na tupa, at upang mapaalalahanan tayo na ang Diyos ay magkakaroon ng awa sa atin. Ganyan ang sinasabi ng mga propeta. Siya ay dumating upang pagsama-samahin ang kawan, matulungan ang nasugatang mga tupa at buhatin ang mga may pilay. Gaanong kabutihan! Sinasabi ko sa aking sarili. “Hindi kami dapat matakot sa isang Diyos Na nangangako sa amin, na mga kaawa-awang kapus-palad, ng labis na awa! Ngunit…”, sinasabi ko pa sa aking sarili, “kailangan namin na maging may mababang kalooban, mababang kalooban man lamang, dahil hindi na kami mga inosente Kailangan natin na maging may kababaang-loob at may pananabik na matupok ng pagmamahal. Sapagkat iyan ang pinakamaganda at iyan din ang kinalalabasan ng isang dalisay na maliit na tupa, pagkatapos na ito ay kinatay, kapag ito ay niluto sa isang apoy? Isang sirang bangkay. Ang apoy sa halik ay gagawin itong isang mabuting banal na pagkain”. At ako ay naghinuha: “Sa madaling pananalita, ang lahat na mabuting mga bagay ay nakakamtan sa pamamagitan ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay napagagaanan tayo ng pasanin ng pagiging tao, nagagawa tayo nitong maningning at may-pakinabang, nagagawa tayo nitong maging mabuti sa ating mga kapatid at mapagpasalamat sa Diyos. Naitataas nito ang ating mabuting natural na mga katangian sa lebel na nagtataglay ng pangalan ng sobrenatural na mga birtud. At siya na mabirtud ay banal, kung sino ang banal ay tinataglay ang Langit. Kung gayon hindi ang siyensiya o takot na nagbubukas sa daan ng perpeksiyon para sa atin, ito ay ang pagmamahal. Naititikal tayo nito mula sa kasamaan, kaysa ng takot sa kaparusahan, dahil sa pamamagitan nito ayaw nating mapamighati ang Panginoon. Nagagawa nito na kaawaan natin ang ating mga kapatid at mahalin sila sapagkat sila ay nanggaling sa Diyos. Kung gayon ang pagmamahal ay ang kaligtasan at ang pagpapakabanal ng tao”. Iyan ang aking naiisip habang pinagmamasdan ang aking iniihaw at sinusunod si Jesus. Patawarin ninyo ako kung iyon lamang. Ngunit ang mga kaisipan na iyon ay nakabuti sa akin. Inaalok ko sa inyo iyan umaasa na makabuti rin iyon sa inyo.»

Si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga mata, na nagniningning sa lugod. Iniunat Niya ang Kanyang isang braso at ipinatong ang Kanyang kamay sa balikat ni Pedro: «Sinasabi Ko sa iyong totoo na natagpuan mo ang mga salita na kailangan mong makita. Ang pagsunod at pagmamahal ay nagawa kang makita ito at ang kababaang-loob at ang mithiin na makapagbigay ng konsolasyon sa iyong mga kapatid ay magagawa ito na kasing daming mga bituin sa kanilang madilim na kalawakan. Pagpalain ka nawa ng Diyos, Simon ni Jonah.»

«Pagpalain nawa Kayo ng Diyos, Guro! Hindi ba Kayo magsasalita?»

«Ipagpapatuloy nila ang kanilang bagong paglilingkuran bukas. Pagpapalain Ko ang kanilang pagpapatuloy sa pamamagitan ng Aking salita. Humayo na ngayon sa kapayapaan at nawa ang Diyos ay mapasainyo.»

230511

 


Sunod na kabanata