26. Si Maria ng Nazareth Nililinaw ang Bagay kay Jose.

Mayo 31, 1944.

¹Pagkaraan ng limampu’t tatlong mga araw ang Ina ay pinakita muli ang Kanyang Sarili sa bisyon na ito na Kanyang sinabi na isama ko sa aklat na ito. Ang lugod ay nanibago sa akin. Sapagkat ang makita si Maria ay ang magkaroon ng lugod.

²Nakikita ko ang maliit na lootan sa Nazareth. Si Maria ay naghahabi sa lilim ng isang napakakapal na púno ng mansanas punung-puno ng mga bunga na nagsisimula nang mamula at napakamalarosas at bilugan na nagmumukha silang mga pisngi ng mga bata.

Ngunit si Maria ay hindi malarosas kailanman. Ang magandang kulay na nagpaningning sa Kanyang mga pisngi sa Hebron ay nawala na. Ang Kanyang mukha ay kasing putla ng garing, tanging ang Kanyang mga labì lamang ang isang kurbá ng maputlang kurales. Sa ibaba ng Kanyang nakababang mga pilikmata ay may dalawang maiitim na anino at ang Kanyang mga mata ay magà na tila Siya ay umiyak. Hindi ko makita ang Kanyang mga mata, sapagkat nakatungo ang Kanyang ulo, disidido sa Kanyang ginagawa, sa katunayan naririnig ko ang Kanyang buntung-hininga na katulad ng isang taong nalulungkot sa puso.

Siya ay nakadamit ng pulos puti, sa maputing linen, sapagkat ngayon ay napakainit, sa kabila na ang kasariwaan, na naroroon pa rin, ng mga bulaklak ay nagagawa akong maintindihan ko na ngayon ay umaga. Ang Kanyang ulo ay walang saklob, at ang sinag ng araw na nakikipaglaro sa mga dahon ng puno ng mansanas, na nagagalaw ng napakabanayad na ihip-ng-hangin, ay nakalalampas hanggang sa maitim na kulay-kapeng lupa ng taniman ng mga bulaklak at gumagawa ng maliliit na siklo ng liwanag sa olandesang ulo ni Maria, upang ang Kanyang buhok ay nagmumukhang katulad ng purong ginto.

Wala kahit anong ingay ang maririnig mula sa bahay o mula sa mga kapitbahay. Maririnig lamang ng isa ang lagaslas ng munting daloy ng tubig na bumababa patungo sa malaking tangke sa ibaba ng lootan.

³Si Maria ay nabigla ng isang malakas na disididong pagkatok sa pinto. Ibinaba Niya ang sulidan at ang ikiran at tumayo upang buksan ang pinto. Bagamat ang Kanyang damit ay maluwag at malapad hindi nito naitatago ang kabilugan ng Kanyang balakang.

Si Jose ay nakatayo sa harapan Niya. Si Maria ay namutla, sa Kanya ring mga labì. Ang Kanyang mukha ay labis na walang dugo na ito ay nagmumukhang isang ostiya. Tinitingnan ni Maria si Jose nang may malungkot na nagtatanong na mga mata. Si Jose ay tinitingnan Siya nang may nangungusap na mga mata. Sila ay kapwa tahimik, tinitingnan ang isa’t isa. Pagkatapos sinabi ni Maria: “Sa oras na ito, Jose? Mayroon ka bang kailangan na kahit ano? Ano ang gusto mong sabihin sa Akin? Pasok.»

Si Jose ay pumasok at isinara ang pinto. Siya ay tahimik pa rin.

«Magsalita, Jose. Ano itong kailangan mo sa Akin?»

«Ibig kong patawarin Mo ako.» si Jose ay yumuyuko na tila gusto niyang lumuhod. Ngunit si Maria, Na laging napaka-matimpiin sa paghipo sa kanya, ay hinawakan siya nang disidido sa kanyang mga balikat at pinatigil siya.

Ang mukha ni Maria ay namumula at namumutlang salit-salitan nang mabilis, sa isang sandali ito ay lahat pula at kaagad pagkatapos ito ay kasing puti ng niyebe, katulad nang dati. «Gusto mong patawarin kita? Wala Akong dapat na ipatawad sa iyo, Jose. Ako lamang ay bagkus magpapasalamat ulit sa iyo para sa lahat na ginawa mo rito habang Ako ay nasa malayo at para sa iyong pagmamahal para sa Akin.»

Si Jose ay tinitingnan Siya, at nakakakita ako ng dalawang malalaking luha na nabubuo sa sulok ng kanyang malalalim na mata, ito ay nananatili roon na tila ito ay nasa labì ng isang plorera, at ito ay gumulong pababa sa kanyang mga pisngi at sa kanyang balbas. «Patawarin Mo ako, Maria. Pinagdudahan Kita. Ngayon alam ko na. Hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng isang kayamanang ganyan. Nagkukulang ako sa karidad, inakusahan Kita sa loob ng aking puso, inakusahan Kita nang di-makatarungan, sapagkat hindi ko hiningi sa Iyo na sabihin Mo sa akin ang katotohanan. Nagkasala ako laban sa batas ng Diyos, sapagkat hindi Kita minahal katulad ng pagmahal ko sa aking sarili...»

«O! hindi! Hindi ka nagkasala!»

«Oo, nagkasala ako, Maria. Kung ako ang inakusahan ng isang krimen na ganyan, ipinagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit Ikaw... hindi ko binigay sa Iyo ang posibilidad na ipagtanggol ang Iyong Sarili, sapagkat gagawa na ako ng isang pasya nang hindi Ka tinatanong. Ako’y naging di-makatarungan sa Iyo, sapagkat sinaktan Kita ng aking pagsospetsa. Ang nag-iisang pagsospetsa din ay isang pananakit, Maria. Ang nagsosospetsa ay hindi nag-aalam. At hindi Kita kinilala katulad ng siyang dapat ginawa ko. Ngunit para sa dusa na ipinaghirap ko... tatlong araw ng pagdurusa, patawarin mo Ako, Maria.»

«Wala Akong dapat na ipatawad sa iyo. Sa kabaligtaran, hinihingi Ko na patawarin mo Ako para sa kirot na nagawa Ko sa iyo.»

«O! Oo. Iyong ay isang malaking kirot! Anong pahirap! Tingnan! Sinabihan ako ngayong umaga na ang aking mga sentido ay may mapuputing buhok at ang aking mukha kumulubot. Ang nakaraang mga araw na ito ay mahigit pang sampung taon ng aking buhay! Ngunit bakit, Maria, naging napaka-mababang-loob Mong itinago ang Iyong kaluwalhatian sa akin, Iyong esposo, at dahil diyan napagsuspetsahan Kita?»

Si Jose ay hindi nakaluhod, ngunit nakayuko siyang napakababa na siya ay mistulang nakaluhod na rin, at si ⁴Maria ay ipinatong ang Kanyang maliit na kamay sa kanyang ulo at ngumingiti. Tila inaabsulbihan Niya siya. At Siya ay bumulong: «Kung hindi Ako nagpakababang-loob sa pinaka perpektong paraan, hindi Ako naging karapat-dapat  na dalhin ang Hinihintay na Isa, Na darating upang magbayad para sa kasalanan ng pagmamalaki na sumira sa tao. At pagkatapos Ako ay sumunod... Ang Diyos ay hiningi ang gayong pagsunod. Labis ang Aking ibinuhos diyan... dahil sa iyo, dahil sa kirot na ipaghihirap mo. Ngunit Ako ay bagkus kailangan na sumunod. Ako ang Utusan ng Panginoon, at ang mga katulong ay hindi pinag-uusapan ang mga utos na kanilang tinatanggap. Isinasagawa nila ito, Jose, kahit na kung makagagawa ito ng mapapait na luha.»  Si Maria ay lumuluha nang tahimik habang nagsasalita. Napakatahimik na si Jose, nakayukong katulad niya, ay hindi ito napupuna hanggang ang isang luha ay bumagsak sa sahig.

Siya kung gayon ay itinaas ang kanyang ulo at – ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ginawa ito – idiniin niya ang maliliit na kamay ni Maria sa kanyang madidilim na malalakas na kamay at hinahalikan niya ang dulo ng malarosas na balingkinitan na mga daliri na umuusling katulad ng sariwang mga buko ng isang púno ng melokoton mula sa siklong naporma ng kanyang sariling mga kamay.

⁵«Ngayon kakailanganin natin na isaayos ang para sa...» si Jose ay hindi nagsasalita ng iba pa, ngunit tinitingnan ni Jose ang katawan ni Maria at Siya ay naging purpura at naupong bigla, upang maiwasan ang Kanyang pigura na malantad sa mga matang nakatinging sa Kanya. «Kailangan na tayo ay magmadali. Pupunta ako rito... Kukumpletuhin natin ang kasal... Sa susunod na linggo. Maayos ba iyan?»

«Anuman ang gawin mo ay tama, Jose. Ikaw ang ulo ng pamilya, Ako ang iyong lingkod.»

«Hindi. Ako ang Iyong lingkod. Ako ang masayang lingkod ng aking Panginoon Na lumalaki sa Iyong sinapupunan. Ikaw ay pinagpala sa lahat na mga babae sa Israel. Ngayong gabi pasasabihan ko ang aking mga kamag-anak. At pagkatapos... kapag ako ay naririto, magtatrabaho tayo upang ihanda ang lahat para tanggapin... O! papaano ko tatanggapin ang Diyos sa loob ng aking bahay? Ang Diyos... sa aking mga bisig? Mamamatay ako sa lugod!... Hindi ako kailanman mangangahas na hipuin Siya! Hindi ko kailanman magagawang...!»

«Magagawa mo, katulad na magagawa Ko, sa pamamagitan ng grasya ng Diyos.»

«Ngunit Ikaw ay... Ako ay isang abang kaawa-awang tao, ang pinaka-aba sa mga anak ng Diyos!...»

«Si Jesus ay darating sa atin, mahihirap na tao, upang gawin tayong mayaman sa Diyos. Darating Siya sa ating dalawa, sapagkat tayo ang pinaka-dukha at tinatanggap natin ito. Magbunyi, Jose. Ang Sambahayan ni David ay nasa kanya ang Haring matagal nang hinihintay at ang ating tahanan ay magiging mas maringal pa kaysa sa palasyo ni Solomon, sapagkat ang Langit ay mapupunta rito at makakabahagi tayo sa Diyos sa lihim ng kapayapaan na mararanasan ng mga tao pagdating ng araw. Siya ay lálaki sa pagitan natin, ang ating mga bisig ang magiging duyan ng Tagapagtubos at ang ating pagtatrabaho ang gagawa ng tinapay para sa Kanya... O! Jose! Maririnig natin ang tinig ng Diyos tinatawag tayo “ama at Ina!” O!...» Si Maria ay umiiyak sa tuwa. Gayong masasayang luha!

At si Jose, na ngayon nakaluhod na sa paanan ni Maria, ay umiiyak na ang kanyang ulo halos hindi makita sa malapad na damit ni Maria na sumasayad sa sahig.

Ang bisyon ay nagtatapos dito

                                                                -----------------------------------

mary sinab

⁶Sinasabi ni Maria:

«Walang sinuman ang dapat na magkamali sa pagbigay ng interpretasyon sa Aking pamumutla. Iyon ay hindi nagawa ng pagkataong takot. Sa isang pantaong pananaw maaaring inasahan Kong pagbabatuhin Ako hanggang sa mamatay. Ngunit ako ay hindi natakot dahil diyan. Ako ay naghihirap noon dahil sa paghihirap ni Jose. Ni hindi rin Ako nababalisa noon ng kaisipan na baka niya Ako akusahan. Nalulungkot lamang Ako at natatakot na baka siya magkulang sa karidad kung siya ay mamimilit sa kanyang akusasyon. Iyan kung bakit lahat ng Aking dugo ay mabilis na napapunta sa Aking puso noong makita Ko siya. Iyon ay ang sandali na kahit na ang isang makatarungang tao ay baka makapanakit sa Katarungan sa pamamagitan ng pananakit sa karidad. At Ako ay labis-labis sanang nabalisa kung ang isang makatarungang tao ay nakagawa ng isang pagkakamali dahil hindi pa siya kailanman nagkamali.

⁷Kung Ako ay hindi nagpakamababang-loob sa pinaka sukdulang hangganan, katulad ng sinabi Ko kay Jose, hindi Ko sana minarapat ang pagdadalang-tao sa Kanya sa loob Ko, Siya Na pinababába ang Sarili: ang Diyos, sa kahihiyan ng pagiging isang tao upang makagawa ng pagbabayad-sala para sa pagmamalaki ng lahi ng tao.

⁸Pinakita Ko sa inyo ang tagpo na iyan na hindi binabanggit sa kahit alin na mga Ebanghelyo, sapagkat ibig Kong madala ang masyadong naililigaw na atensiyon ng mga tao sa mga kondisyon na esensiyal na makapagpapasayá sa Diyos at tanggapin ang Kanyang walang-tigil na pagtawag sa inyong mga puso.

Pananampalataya: Pinaniwalaan ni Jose nang walang-tanung-tanong ang mga salita ng makalangit na mensahero. Ginusto niya bagkus ang maniwala, sapagkat tapat siyang kumbinsido na ang Diyos ay mabuti, at sa dahilan na siya ay umasa sa Panginoon, hindi maaaring ang Panginoon ay naglaan para sa kanya ng pagpapahirap ng pinagtataksilan, binibigo at pinagtatawanan ng kanyang mga kapwa. Wala siyang hinihingi, bagkus ang maniwala sa Akin, sapagkat, bilang tapat, masakit para sa kanya na isipin na ang ibang mga tao ay hindi tapat. Siya ay nabuhay ayon sa Batas at ang Batas ay nagsasabi: “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmahal mo sa sarili mo”. Minamahal natin nang labis ang ating mga sarili na iniisip natin na tayo ay perpekto kahit na kung hindi. Hindi ba natin kung gayon mamamahal ang ating kapwa sa simpleng dahilan na sa akala natin siya ay may pagkakamali?

Di-nililimitahan na karidad: Isang karidad na alam kung papaano magpatawad, na gustong magpatawad, at nagpapatawad nang abante pinagpapaumanhinan nang buong puso ang mga imperpeksiyon ng ating mga kapwa. Kinakailangan na magpatawad kaagad, tinatanggap ang bawat di-perpektong maaaring mangyari.

Kababaang-loob, na di-nililimitahan katulad ng karidad. Kailangan na tanggapin ninyo na kayo ay maaaring magkamali kahit sa simpleng mga kaisipan, at kailangan na huwag kayong maging napaka-mapagmalaki na tatanggi kayong magsabi: “Nagkamali ako”, sapagkat ang ganyang pagmamalaki ay mas makasasamâ kaysa sa unang pagkakamali. Ang lahat ay nagkakamali, maliban sa Diyos. Sino ang makapagsasabi: “Hindi ako kailanman naging mali”? At may isang mas mahirap na kababaang-loob: ang isa na nakaaalam kung papaano manahimik tungkol sa magagandang bagay ng Diyos sa loob natin, kung kailan hindi kinakailangan na ipahayag ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian, upang hindi sana natin mapahina ang loob ng ating mga kapwa na hindi nakatanggap ng espesyal na mga regalong ganyan mula sa Diyos. Kung gugustuhin Niya, o! Kung gugustuhin lamang Niya, ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa Kanyang lingkod! Si Elizabeth ay “nakita” Ako para sa kung ano Ako noon, ang Aking esposo ay nakilala ako para sa kung ano Ako noon, noong panahon na para sa kanya na makaalam.

⁹Ipaubaya sa Panginoon ang pangangalaga na maiproklama kayo na Kanyang mga lingkod. Siya ay nananabik na gawin iyan, sapagkat ang bawat nilalang na tumataas sa isang partikular na misyon, ay isang kaluwalhatian na naidadagdag sa Kanyang walang-hangganang kaluwalhatian, at isang saksi ng kung ano ang tao, katulad na siya ay ginusto ng Diyos na maging: isang mas mababang perpeksiyon na nasasalamin ang Awtor nito. Manatili sa anino at sa katahimikan, kayo na minamahal ng Grasya, upang mapakinggan ninyo ang tanging salita ng “búhay”, upang sana maging karapat-dapat kayo na mapasainyo at sa loob ninyo ang Araw na eternal sumisinag.

O! Pinaka Pinagpalang Liwanag, Diyos, lugod ng Inyong mga lingkod, suminag sa Inyong mga lingkod na iyon na sana sila ay magdiwang sa kanilang kababaang-loob, pinupuri Kayo, tanging Kayo lamang, sapagkat pinagwawatak-watak Ninyo ang mapagmalaki ngunit itinataas ang mapagpakumbaba, na nagmamahal sa Inyo, sa karingalan ng Inyong Kaharian.»

(126) 141009/031013/033013

Sunod na kabanata.