260. Si Jesus sa mga Magbubukid ni Johanan: “Ang Pagmamahal ay Pagsunod”.

Agosto 23, 1945.

Hindi pa pagsikat ng araw. Si Jesus ay nakatayo sa gitna ng nasirang lootan ni Doras: mga hilera ng nalanta o nalalantang mga punungkahoy, na marami sa mga ito ay pinutol na o binunot. Sa paligid Niya ay ang mga magbubukid ni Doras at ni Johanan at ang mga apostol, ang ilan mga nakatayo, ang ilan mga nakaupo sa mga itinumbang mga puno.

Si Jesus ay nagsisimula nang magsalita: «Isa pang araw at isa pang pag-alis At hindi lamang Ako ang mag-isang aalis. Kayo ay mga aalis din, kung hindi sa materyal, sa moral, dahil kayo ay pupunta sa isa namang panginoon. Kayo kung gayon ay isasama sa ibang mabuti at banal na mga magbubukid, at popormahin ninyo ang isang pamilya, kung saan kayo ay makapagsasalita ng tungkol sa Diyos at tungkol sa Kanyang Salita, na hindi na kailangan na magtago upang gawin ito. Magtulungan sa isa’t isa sa pananampalataya, magtulungan sa isa’t isa, tiisin ang mga pagkakamali ng isa’t isa at palakasin ang isa’t isa.

Iyan ay pagmamahal. At napakinggan ninyo mula sa Aking mga apostol kagabi, bagama't sa magkaibang pamamaraan, na ang pagmamahal ay kaligtasan. Si Simon Pedro sa pamamagitan ng kanyang simpleng may-kabaitan na salita ay nagawa kayong mag-isip kung papaano ang pagmamahal mababago ang inyong mabigat na kalikasan sa pagiging isang sobrenatural na kalikasan, kung papaano ang isang tao na walang pagmamahal ay maaaring maging marumi at makapagpaparumi, katulad ng kinatay na hayop na hindi niluto, o maaari siyang maging walang-pakinabang katulad ng kahoy na nabulok sa tubig na hindi masusunog sa isang apoy, at kung papaano ang pagmamahal nagagawa ang isang tao na mamuhay sa atmospera ng Diyos at sa gayon siya ay nakalalabas sa pagkabulok at nagiging may-pakinabang sa kanyang kapwa. Sapagkat, maniwala sa Akin, Aking minamahal na mga anak, ang pagmamahal ay ang dakilang lakas ng Sansinukuban Hindi Ako kailanman mapapagod sa pagsasabi sa inyo. Ang lahat na kasawiang-palad sa lupa ay nanggagaling sa kakulangan ng pagmamahal, nagsisimula mula sa kamatayan at mga sakit nagawa ng kakulangan sa pagmamahal nina Adan at Eba para sa Kataastaasang Panginoon.

Sapagkat ang pagmamahal ay pagsunod. Siya na hindi sumusunod ay isang rebelde. Siya na isang rebelde ay hindi minamahal siya na laban kung kanino siya nagrerebelde. Saan nanggagaling ang ibang pangkalahatan at partikular na mga kasawiang-palad, katulad ng mga digmaan o ng pagbagsak ng mga nag-aaway-away na mga pamilya? Mula sa pagkamakasarili, na isang paghihiwalayan. At ang pagkasira ng kasaganaan sa pamamagitan ng kaparusahan ng Diyos ay sinusundan ng pagbagsak ng mga pamilya. Sapagkat darating ang araw na ang Diyos ay hahampasin siya na namumuhay na walang pagmamahal.

Alam Ko na pinagsasabi-sabi rito – at dahil sa ganyang mga sabi-sabi Ako ay kinapopootan ng iba, tinitingnan na may natatakot na mga puso ng iba, o pinananawagan bilang isang bagong kaparusahan o pinagpapasyensiyahan sa takot ng isang kaparusahan – alam Ko na pinagsasabi-sabi rito na iyon ay ang Aking tingin na nagawang maisumpa ang mga bukid na ito. Iyon ay hindi ang Aking tingin: bagkus ang pinarusahang pagkamakasarili ng isang di-makatarungan at malupit na tao. Kung ang Aking mga mata ay kailangan na sunugin ang lupa ng lahat ng napopoot sa Akin, napakakaunting berde ang matitira sa Palestina! Hindi Ko kailanman ipinaghihiganti ang Aking Sarili para sa masamang kalooban na ipinakikita sa Akin, bagkus ipinauubaya Ko sa Ama ang mga may-katigasan na nagpapatuloy sa kanilang kasalanan ng pagkamakasarili sa kanilang kapwa at may-paglalapastangan na kanilang tinutuya ang alituntunin ng pagmamahal, at habang nagsisikap ang isa na mahikayat sila sa pagmamahal, sa pamamagitan ng mga salita at nauukol na mga gawa, mas lalo silang nagiging mas malupit. Lagi Kong ibig na itaas ang Aking kamay at sabihin sa nagsisising kaluluwa: “Pinatatawad kita. Humayo sa kapayapaan”. Ngunit hindi Ko sasaktan ang Pagmamahal sa pagsasang-ayon sa di-mababagong karahasan. Laging ilagay iyan sa isip, upang makita ang mga bagay-bagay sa tamang liwanag at pasinungalingan ang mga kuwentu-kuwento, na laging iba sa katotohanan, maging ito man ay ikinuwento dala ng pagpipitagan o ng galít na tákot.

Kayo ay nagpapalit ng panginoon, ngunit hindi ninyo iiwanan ang lupang ito, na ang alagaan ito ay tila kabaliwan. Subalit sasabihin Ko sa inyo: gawin ninyo ang inyong katungkulan dito. Ginawa na ninyo ito magpahanggang ngayon sa takot sa malupit na kaparusahan. Gawin din ninyo ito ngayon, bagama't nalalaman ninyo na kayo ay hindi tatratuhin katulad ng nakaraan. Hindi, sasabihin Ko sa inyo: habang mas makatao kayong tinatrato, mas kailangan na magtrabaho kayo nang masugid at masaya, upang isukli ang pagiging-tao sa pamamagitan ng inyong gawa sa mga nagkakaloob sa inyo ng pagiging-tao. Sapagkat habang totoo na ang mga panginoon ay obligado na maging makatao sa kanilang napaiilaliman – inaalaala na tayong lahat ay kasapi ng iisang lahi at na ang lahat na tao ay ipinapanganak na hubad sa magkakaparehong paraan at namamatay na nabubulok nang parehong pamamaraan, siya man ay maging mayaman o mahirap, at na ang kayamanan ay hindi gawa ng mga nagtataglay nito, bagkus ng mga sa matapat o di-matapat na pamamaraan ay nag-ipon nito para sa kanila, at na ang isa ay hindi kailangan na ipagmalaki ito o gamitin ito upang masiil ang ibang tao, sa halip ang isa ay kailangan na gamitin ito na may pagmamahal, pag-iingat at hustisya upang hindi matingnan nang may-kahigpitan ng totoong Panginoon, Na siyang ang Diyos, Na hindi mabibili o matutukso ng mga alahas o gintong mga talento, bagkus maaaring magawa nating kaibigan lamang sa pamamagitan ng ating mabuting mga gawa – sapagkat habang ang lahat na iyan ay totoo, totoo rin na ang mga katulong ay obligado na maging mabuti sa kanilang mga panginoon.

Gawin ang kalooban ng Diyos, Na ibig kayo sa inyong abang kalagayan, na may kasimplehan at mabuting kalooban. Nalalaman ninyo ang parabula tungkol kay Dives. Nalalaman ninyo na hindi ginto, bagkus birtud ang ginagantimpalaan sa Langit. Ang birtud at pagpapailalim sa kalooban ng Diyos, ay nagagawa ang Diyos na kaibigan ng tao. Alam Ko na napakahirap na laging makita ang Diyos sa pamamagitan ng mga gawa ng mga tao, sapagkat ang inyong mga kaluluwa ay maaaring maudyukan na isipin na ang Diyos ay hindi mabuti. Ngunit kailangan na mapangibabawan ninyo ang kasamaan na nagawa sa inyo ng mga tao na natukso ni Satanas, at sa kabila ng hadlang na iyan na naghatid ng napakaraming luha, kailangan na makita ninyo ang katotohanan ng kapighatian at ang kagandahan nito. Ang kapighatian ay nanggagaling sa Kasamaan. Ngunit sa dahilan na ang Kabutihan ay hindi maaalis ng Diyos, habang ang kapangyarihan ng Kasamaan ay naririyan at ito ay ang pagsubok sa espirituwal na ginto ng mga anak ng Diyos, pinipilit Niya ito na magpalabas mula sa lason nito ng katas ng isang gamot na magbibigay ng eternal na buhay. Sapagkat ang kaanghangan ng kapighatian ay nakapagbabakuna sa mabubuting tao na may mga reaksiyon na nagagawa silang maging lalo pang espirituwal at maging banal.

Kung gayon maging mabuti, magalang, nagpapailalim. Huwag husgahan ang inyong mga panginoon. May Isa Na naghuhusga sa kanila.. Ibig Ko na ang tao na nag-uutos sa inyo na maging makatarungan, upang magawa ang inyong buhay na mas madali, at makakuha siya mismo ng eternal na buhay. Ngunit tandaan na habang mas bumibigat ang trabahong kailangang gawin, mas malaki ang merito sa mga mata ng Diyos. Huwag subukan na dayain ang inyong panginoon. Ang pera at mga makakain na nakuha sa pamamagitan ng pandaraya ay hindi nakapagpapayaman o nakapagpapakontento sa kagutuman ng sinuman. Gawin ang inyong mga kamay, mga labì at mga puso na maging dalisay. Magagampanan ninyo kung gayon ang mga Sabbath at mga banal na araw ng obligasyon na may grasya sa mga mata ng Diyos, kahit na kung kayo ay napilitan na magtrabaho sa mga bukid. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang inyong pagtatrabaho ay magiging mas mahalaga pa kaysa sa pagkukunwaring panalangin ng mga gumagawa ng kanilang tungkulin upang mapuri ng mundo, sapagkat sa katotohanan nalalabag nila ang alituntunin sa di-pagsunod sa Batas na nagpapanuto na ang bawat tao at ang lahat na miyembro ng kanyang pamilya ay kailangan na ipagdiwang ang Sabbath at mga kapistahan ng Israel para sa sarili nilang kapakanan. Sapagkat ang pananalangin ay hindi sa mga aksiyon, bagkus sa mga damdamin. At kung ang inyong mga puso ay minamahal ang Diyos sa banal na pamamaraan maipagdiriwang ng mga ito ang mga ritwal ng Sabbath at mga kapistahan, na ginagawa ng ibang mga tao na hindi ninyo maipagdiwang, nang mas mabuti kaysa sa kanilang ginagawa at sa ilalim ng bawat sirkunstansiya.

pinagpapalà Ko kayo at kayo ay Akin nang iiwanan sapagkat ang araw ay tumataas na at ibig Kong makarating sa mga burol bago ang init ng araw. Tayo ay magkikitang muli kaagad sapagkat ang taglagas ay hindi na malayo. Ang kapayapaan ay mapasainyong lahat, kapwa sa bago at sa dating mga katulong ni Johanan at nawang ang inyong mga puso maging mapanatag.»

At si Jesus ay naglakad dumaraan sa pagitan ng mga magbubukid at pinagpapalà silang isa-isa.

Sa likuran ng isang malapad na nalantang puno ng mansanas ay may isang lalaki na medyo nakatago. Ngunit nang si Jesus ay paparaan na sa pagkukunwari na hindi Niya siya nakikita, ang lalaki ay lumabas at nagsabi: «Ako ay ang tagapamahala ni Johanan Sinabi niya sa akin: “Kung ang Rabbi ng Israel ay dumating, gawin Siyang tumigil sa aking mga bukid at hayaan Siyang magsalita sa aking mga katulong. Gagawa sila nang mabuti para sa atin, sapagkat mabubuting bagay lamang ang itinuturo Niya”. At kahapon sumulat siya sa akin ipinaaalam sa akin na mula ngayon sila (at itinuturo niya ang mga tauhan ni Doras) ay kasama ko na, at ang mga bukid na ito ay pag-aari ni Johanan at sinabi niya: “Kung ang Rabbi ay dumating pakinggan ang Kanyang sinasabi at kilos nang naaayon. Huwag gawin na may kalamidad na dumating sa atin. Tambakan Siya ng mga parangal ngunit tingnan kung maaalis Niya ang sumpa sa lupa”. Sapagkat kailangan na malaman Ninyo na si Johanan ay binili ang lupa dala ng kabuwisitan. Ngunit sa palagay ko ito ay kanya nang pinagsisisihan. Malaking bagay na kung magagawa namin ito na isang pastulan…»

«Napakinggan mo ba Akong nagsalita?»

«Oo, Guro.»

«Nalalaman mo, kung gayon, kung papaano kumilos, kapwa ikaw at ang iyong panginoon, upang magkaroon ng pagpapalà ng Diyos. Sabihin mo sa iyong panginoon. At sa ganang sa iyo, luwagan mo ang kanyang mga utos, sapagkat nalalaman mo kung gaano sa katotohanan kabigat ang trabaho ng isang tao sa mga bukid at ikaw ay gustung-gusto ng iyong panginoon. Ngunit mas mabuti nang mawalan ka ng kanyang pabor at ng iyong pusisyon, kaysa mawalan ka ng iyong kaluluwa. Paalam.»

«Ngunit kailangan kong parangalan Kayo.»

«Ako ay hindi isang diyus-diyusan. Hindi Ko kailangan ang may-sinasadyang mga parangal upang magkaloob ng mga grasya. Parangalan mo Ako sa pamamagitan ng iyong kaluluwa, sa pagsasabuhay ng iyong narinig at mapaglilingkuran mo ang Diyos at ang iyong panginoon nang magkasabay.»

Si Jesus, sinusundan ng Kanyang mga apostol at ng mga babae, at pagkatapos ng mga magbubukid, ay tinatawid ang mga bukid at nagpapagawi sa mga burol, binabati muli ang lahat.

250511

 

  


Sunod na kabanata