261. Sa Bahay Nina Dora at ni Felipe.

Agosto 24, 1945.

Si Jesus ay pabalik patungong Nazareth sa tabi ng isang landas na paliku-liko sa mga burol, pinakikinabangan ang lilim ng mga taniman ng mga olibo at mga lootan na nakakalat sa mataba at maayos na binubukid na rehiyon.

Ngunit nang marating Niya ang sangandaan, kasanga ang daan patungong Ptolemais, Siya ay tumigil at nagsabi: «Tayo ay tumigil sa bahay na iyon, kung saan Ako nagpahinga noon, kakain tayo, at habang ang araw ay sinusundan ang daan nito, tayo ay magsama-sama bago tayo maghiwa-hiwalay muli. Tayo ay magpapatungong Tiberias, ang Aking Ina at si Maria ay pupunta sa Nazareth, si Juan at si Ermasteus sa Sicaminon.»

Dumaraan sa isang taniman ng mga olibo ibinaling nila ang kanilang mga hakbang patungo sa isang mababang malaking bahay ng mga magbubukid, adornado ng pangkaraniwang mga puno ng igos, at punó ng mga bitin ng isang baging na umaakyat sa nasa-labas na hagdanan at ikinakalat ang mga sanga nito sa ibabaw ng terasa.

«Kapayapaan sa inyo Ako ay naririto na muli.»

«Halikayo, Guro. Kayo ay laging tinatanggap. Pagkalooban nawa Kayo ng Diyos ng kapayapaan at ang Inyong mga kaibigan.» tugon ng isang maedad na lalaki na tumatawid sa bakuran may dala-dalang isang yakap ng mga maliliit na sangang panggatong Pagkatapos siya ay sumigaw: «Sarah! Sarah! Ang Guro ay naririto kasama ang Kanyang mga disipulo Magdagdag ng harina sa iyong tinapay!»

Ang isang babae natatakpan ng harina ay lumabas mula sa isa sa mga silid: siya ay halatang nagbibistay, sapagkat may hawak pa siyang isang pambistay na may ilan na ipa sa loob; siya ay lumuhod sa harapan ni Jesus ngumingiti.

«Kapayapaan sa iyo, babae. Dinala Ko sa iyo ang Aking Ina. Katulad ng ipinangako Ko sa iyo. Naririto Siya. At ito ay ang Kanyang hipag, at ina nina Santiago at Judas. Nasaan sina Dina at Felipe?»

Ang babae, pagkatapos na mabati ang dalawang Maria, ay tumugon: «Si Dinah ay nagkaroon ng kanyang pangatlong sanggol ng babae kahapon. Kami ay medyo malungkot, sapagkat hindi pa kami nabibigyan ng isang pamangkin. Ngunit kami ay masaya rin, tama ba iyon, Matias?»

«Oo, sapagkat siya ay isang magandang sanggol na babae at siya ay laging ang aming dugo. Ipakikita namin siya sa Inyo. Si Felipe ay lumakad upang ibalik sina Anna at Naomi mula sa kanyang matandang mga magulang, ngunit babalik siya kaagad.»

Ang babae ay bumalik sa kanyang paghuhurno habang ang lalaki, pagkatapos na mailagay ang mga panggatong sa hurno, ay inasikaso ang mga panauhin, binibigyan sila ng mga upuan at bagong gatas, kung gusto nila, o prutas at mga olibo, kung mas gusto nila iyon.

Ang silid sa baba ay malamig at malilim, malaking katulad nito at may dalawang pintuan, isa sa harapan at isa pa sa likuran, ang una bilang nalililiman ng malaking puno ng igos, ang huli ng isang mataas na bakod-na-halaman ng korteng-bituin na mga bulaklak, na nakakatulad ang mirasol sa hugis, ngunit may mas maliliit na korola. Kung gayon isang esmeraldang berdeng liwanag ang pumapasok sa silid, at ito ay malaking kaginhawahan sa mga mata na pinagod ng malakas na sikat ng araw. May mga bangkito at mga mesa sa silid, na baka ang isa kung saan ang mga babae ay nag-iikid at naghahabi at ang mga kalalakihan nag-aayos ng mga gamit sa pagbubukid o nag-iimbak ng kanilang harina at prutas, na tila ito ang lumalabas sa pamamagitan ng maliliit na biga na maraming kawing at tabla nakalagay sa mga kabinet, sa tabi ng mahahabang baul sa tabi ng mga pader. Ang malamuymoy na mga tira-tira ng linen o hemp ay nagmumukhang mga laylay na mga tirintas nakabitin sa pinturado-sa-karburo na pader, at ang isang piraso ng maningning na pulang tela nakaunat sa ibabaw ng walang-takip na habihan ay tila napasasaya ang buong silid sa pamamagitan ng marangyang malugod na kulay nito.

Ang maybahay na babae, na nakatapos na sa kanyang paghuhurno, ay bumalik at nagtanong sa mga panauhin kung ibig nilang makina ang bagong panganak na sanggol.

Si Jesus ay tumugon: «Tiyak na pagpapalain Ko siya.»

Si Maria sa halip ay tumayo nagsasabing: «Ako ay sasama at batiin ang ina.»

Ang lahat na babae ay lumabas.

«napakakomportable rito» sabi ni Bartolomeo na malinaw na pagod-na-pagod.

«Oo, tahimik at malilim. Magtatapos tayo na matutulog.» patotoo ni Pedro, na inaantok na.

«Sa loob ng tatlong araw tayo ay mauuwi nang matagal-tagal. Kayo ay makapagpapahinga sapagkat mag-eebanghelyo kayo sa mga kapitbahay» sabi ni Jesus.

«At papaano Kayo?»

«Ako ay mananatili sa Capernaum sa karamihan ng oras, pumupunta sa Bethsaida paminsan minsan. At Aking eebanghelyuhin ang mga sasama sa Akin doon Pagkatapos sa buwan ng Tishri magsisimula ulit tayong lumabas. Pansamantala, tuturuan Ko kayo sa gabi…»

Si Jesus ay naging tahimik sapagkat nakikita Niya na ang tulog ay nagagawa ang Kanyang mga salita na walang-silbi. Iniiling Niya ang Kanyang ulo ngumingiti, habang pinagmamasdan ang grupo napangibabawan ng pagod at mga natutulog sa kahit papaano komportableng mga pusisyon Nagkaroon ng labis na katahimikan sa loob ng bahay at sa maaraw na kabukiran Ito ay nagmumukhang isang engkantadong lugar. Si Jesus ay pumunta sa pintuan malapit sa halamang-bakod ng mga bulaklak at sa pamamagitan ng mga sanga Kanyang pinagninilay-nilayan ang magiliw na mga burol ng Galilee, natatakpan ng kulay-abong walang-galaw na mga puno ng olibo.

Isang magaang paghilahod ang narinig sa itaas ng Kanyang ulo kasabay ang isang di-tiyak na pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Si Jesus ay tumingala at ngumiti sa Kanyang Ina Na bumababa hawak sa Kanyang mga braso ang isang maputing maliit na bungkos mula kung saan tatlong maliliit na pulang bagay ang lumabas: isang ulo at dalawang buháy na maliliit na mga kamao.

«Tingnan Mo, Jesus, anong gandang bata! Siya ay medyo katulad Mo nang Ikaw ay isang araw pa lamang ang gulang. Ang Iyong buhok ay napakaolandesa, na tila wala Kang kahit isa, kung iyon ay hindi kahit noon itaas sa magagaang kulot katulad ng isang medyo lanang ulap, at Ikaw ay kasing pula ng isang rosas din. At, tingnan, tingnan, ngayon na ibinuka na niya ang kanyang maliliit na mata rito sa lilim at siya ay naghahanap para sa dibdib ng kanyang ina, ang kanyang mga mata ay madilim na asul, katulad ng sa iyo.. O! mahal! Ngunit wala Akong gatas, Aking munting mahal, Aking munting rosas, Aking munting kalapati!» At ang Ating Ginang ay inuugoy ang sanggol na tumigil na sa pag-iyak, kumakalagkag katulad ng isang maliit na kalapati.

«Inay, ginawa rin ba Ninyo iyan sa Akin?» tanong ni Jesus pinagmamasdan ang Kanyang Ina pinatutulog ang bata na ang Kanyang pisngi nakadiin sa maliit na olandesang ulo.

«Oo, Anak. Ngunit tinatawag kitang “Aking maliit na tupa”. Maganda siya, hindi ba?»

«Totoong maganda at malakas. Ang kanyang ina ay ipagmamalaki siya.» patotoo ni Jesus, Na nakayuko rin pinagmamasdan ang tulog ng inosenteng bata.

«Sa halip ay hindi… Ang kanyang asawa ay galit sapagkat ang lahat na anak ay babae. Totoo na ang mga lalaki ay mas mabuti para sa mga bukid na mayroon tayo. Ngunit iyan ay hindi kasalanan ng ating mga anak na babae…» sabi na may pagbuntung-hininga ng maybahay na babae na kararating lang.

«Sila ay bata pa. Hayaan silang magmahal at magkakaroon din sila ng lalaki» sabi ng Panginoon nakatitiyak.

«Naririto na si Felipe… Magiging malungkot na siya ngayon…» ungol ng balisang babae At sa mas malakas na tinig sinabi niya: «Ang Rabbi ng Nazareth ay naririto.»

«Nalulugod akong makita Siya. Kapayapaan sa Inyo, Guro.»

«At sa iyo, Felipe. Nakita Ko ang iyong magandang anak. Nakatingin pa Ako sa kanya, sapagkat siya ay totoong kapuri-puri Ang Diyos ay pinagpapalà ka ng magaganda, malulusog at mabubuting anak. Kailangan na maging napakamapagpasalamat ka sa Kanya… Hindi ka ba tumutugon sa Akin? Ikaw ay tila naiinis…»

«Ako ay umaasa na iyon ay lalaki!»

«Hindi mo sasabihin sa Akin na ikaw ay di-makatarungan sa pag-aakusa sa inosenteng bata ng pagiging isang babae o na ikaw ay magiging matigas sa iyong asawa?» tanong nang mahigpit ni Jesus.

«Ginusto ko ang isang batang lalaki! Para sa Panginoon at para sa aking sarili!» bulalas ni Felipe na may pagtampo.

«At sa palagay mo ba makakakuha ka ng isa sa pamamagitan ng kawalang-katarungan at rebelyon? Nabasa mo ba kaya ang kaisipan ng Diyos? Ikaw ba ay mataas sa Kanya upang sana sabihin mo Kanya: “Gawin iyan sapagkat iyan ang makatarungan”? Ang babaeng disipulo Kong ito ay walang anak, halimbawa. Subalit sinabi niya sa Akin: “pinagpapalà ko ang aking kabaugan na nagbibigay sa akin ng mga pakpak upang masundan Kayo”. At ang disipulong ito, ang ina ng apat na anak na lalaki, ay nananabik na sana ang lahat na apat sa kanila ay hindi na maging sa kanya Tama ba iyon, Maria at Susanna? Napapakinggan mo ba sila? At ikaw, bagama't may-asawa ka pa lamang nang iilan na taon sa isang mabungang babae, at pinagpalà ng tatlong buko ng rosas na naghahanap ng iyong pagmamahal, ikaw ay nagagalit? Kanino? Bakit? Ayaw mong sabihin sa Akin? Bueno, sasabihin Ko sa iyo: sapagkat ikaw ay makasarili. Ibulsa mo ang iyong masamang damdamin. Ibukas mo ang iyong mga kamay sa batang ito na ipinanganak ng iyong binhi at mahalin siya. Halikana! Kunin mo siya!» at si Jesus ay kinuha ang maliit na bungkos ng linen at inilapag ito sa mga braso ng bata-pang ama. Pagkatapos Siya ay nagpatuloy sa pagsasalita: «Pumunta ka sa iyong asawa, na umiiyak, at sabihin mo sa kanya na minamahal mo siya. O ang Diyos ay totoong hindi ka bibigyan ng anak na lalaki. Sinasabi Ko sa iyo. Lakad!...»

Ang lalaki ay umakyat sa silid ng kanyang asawa.

«Salamat sa Inyo, Guro!» bulong ng biyanang babae. «Siya ay napakagaspang mula pa kahapon…»

Ang lalaki ay bumaba pagkaraan ng ilang mga sandali at nagsabi: «Ginawa ko iyon, aking Panginoon Pinasasalamatan niya Kayo. At sinabi niya sa akin na hingin sa Inyo na pangalanan ang bata sapagkat… sa aking di-makatarungang galit nagpasya ako ng isang pangalan na napakapangit…»

«Tawagin mo siyang Maria. Siya ay sumipsip ng mapait na mga luha kasama ang unang patak ng gatas, na mapait din dahil sa iyong kagaspangan, kung kaya’t maaari siyang tawaging Maria at si Maria ay mamahalin siya. Tama ba iyon, Inay?»

«Siyempre, kaawa-awang maliit na mahal At napakaganda niya at siya ay tiyak na magiging mabait at magiging isang maliit na bituin ng Langit.»

Bumalik sila sa malaking silid kung saan ang mga apostol ay mahimbing ang tulog, maliban kay Judas, na tila nasa alanganin.

«Kinailangan mo ba Ako, Judas?» tanong ni Jesus.

«Hindi, Guro. Maiistorbo ko Kayo sapagkat wala ako sa kondisyon na magdasal Baka… baka hindi mabuti ang aking pakiramdam at iyan ay nagpapabalisa sa akin…»

«Manatili ka rito, kung gayon Wala Akong pinipilit na sinuman Paalam. Paalam, mga babae Inay, kapag magising si Juan ng Endor, ipadala Ninyo siya sa Akin, nang mag-isa.»

«Oo, Anak. Kapayapaan sa iyo.»

Si Jesus ay lumabas, Sina Maria at Susanna ay yumuko upang pagmasdan ang damit sa habihan. Si Maria ay naupo na ang Kanyang mga kamay nasa Kanyang lapi, medyo nakayuko. Baka Siya ay nagdarasal din. Si Maria ni Alfeo pagkaraan ay napagod sa pagmasid sa ginagawa. Naupo siya sa pinakamadilim na sulok at pagkaraan nakatulog. Si Susanna ay naisip na iyon ay magandang idea at ginaya siya.

Tanging sina Maria at Judas lamang ang gising: ang una ay lubos na nakalubog sa Kanyang mga naiisip, ang huli tinitingnan Siya nang may malalaking mata, na hindi kailanman iniiwan Siya. Sa katapusan siya ay tumayo nilalapitan Siya nang dahan-dahan at walang-ingay. bagama't siya ay tiyak na isang magandang lalaki, binibigyan niya ako ng pakiramdam na siya ay isang malapusa o isang ahas na nilalapitan ang biktima nito, hindi ko alam kung bakit. Baka dahil hindi ko siya gusto, ang aking pakiramdam ang kanyang mga pinakahakbang ay madaya at delikado... Tinawag niya Siya sa mababang tinig: «Maria!»

«Ano ang kailangan mo sa Akin, Judas?» si Maria ay tinanong siya nang may-kabaitan tinitingnan siya nang Kanyang napakamapagmahal na mga mata.

«Ibig kong makausap Kayo…»

«Gawin mo. Nakikinig Ako.»

«Hindi rito… ayaw kong may sinumang makarinig sa akin… Maaari bang lumabas Kayo roon nang sandali? Malilim din pati roon…»

«Tayo na... Ngunit tingnan. Lahat sila ay natutulog… Makapagsasalita ka rin dito» sabi ng Banal na Birhen. Ngunit Siya ay tumayo at lumabas bago sa kanya sumasandal sa mataas na mabulaklak na halamang-bakod.

«Ano ang kailangan mo sa Akin, Judas?» nagtanong Siyang muli, tinititigan ang apostol na lumalabas na medyo balisa at nahihirapan na magsalita. «Hindi ba mabuti ang iyong pakiramdam? O nakagawa ka ng isang mali at hindi mo malaman kung papaano sasabihin? O ang pakiramdam mo nasa punto ka na gumawa ng isang mali at ito ay mabigat para sa iyo na tanggapin na ikaw ay tinutukso? Magsalita, anak. Katulad na ginamot Ko ang iyong katawan, gagamutin Ko ang iyong kaluluwa. Sabihin mo sa Akin kung ano ang nagpapabalisa sa iyo, at kung magagawa Ko tutulungan kita. Kung hindi Ko magagawa Mismo, sasabihin Ko kay Jesus. Kahit na kung nakagawa ka ng grabeng kasalanan, patatawarin Ka niya kung ipakiki-usap Ko sa Kanya. Totoo, si Jesus ay patatawarin ka rin kaagad.. Ngunit baka nahihiya sa Kanya, ang guro Ako ay isang ina… Hindi Ko ginagawa ang sinuman na makaramdam na mahiya…»

«Hindi, hindi Ninyo ginagawa iyan, sapagkat Kayo ay isang ina at Kayo ay mabuti. Kayo ay kapayapaan sa lahat sa amin. Ang pakiramdam ko… ako ay balisang-balisa. Ako ay may napakasamang ugali, Maria. Hindi ko alam kung ano ang nasa aking dugo at sa aking puso… Paminsan-minsan hindi ko na mapigilan ang mga ito… at pagkatapos nagagawa ko ang pinaka-kakaiba sa lahat… at pinakamalalang mga bagay.»

«Kahit na kung si Jesus ay malapit sa iyo, hindi mo mapigilan ang tukso?»

«Oo. At ako ay naghihirap dahil diyan, maniwala sa akin. Ganyan iyan. Ako ay isang kaawa-awang kapus-palad.»

«Magdarasal Ako para sa iyo, Judas.»

«Hindi iyan sapat.»

«Gagawin Ko ang makatarungang mga tao na magdasal para sa iyo na hindi sinasabi sa kanila kung para kanino iyon.»

«Hindi iyan sapat.»

«Gagawin Ko ang mga bata na magdasal. Napakarami nila na pumupunta sa Akin, sa Aking pangkusinang-hardin, katulad ng maliliit na ibon naghahanap ng butil. At ang Aking mga haplos at mga salita na sinasabi Ko sa kanila ay butil sa kanila. Nagsasalita Ako sa kanila ng tungkol sa Diyos… At sila, maliliit na inosenteng kaluluwa, ay mas gusto iyan kaysa mga laro at mga kuwento. Ang panalangin ng mga bata ay kaaya-aya sa Panginoon.»

«Hindi kailanman katulad ng sa Inyo. Ngunit iyan ay hindi pa rin sapat.»

«Sasabihan Ko si Jesus na magdasal sa Ama para sa iyo.»

«Hindi pa rin iyan sasapat.»

«Ang higit pa diyan ay imposible! Ang panalangin ni Jesus ay natatalo rin pati mga dimonyo…»

«Oo, ngunit si Jesus ay hindi lagi nananalangin. At ako ay bumabalik sa pagiging ako… Si Jesus ay laging sinasabi ang ganyan, Siya ay aalis isang araw. Kailangan kong isipin ang tungkol sa panahon na ako ay mag-iisang wala Siya. Si Jesus ngayon ay ibig na ipadala kami na mag-eebanghelyo. Natatakot akong lumakad kasama ang kaaway kong ito, na siyang ang aking sarili, upang ikalat ang salita ng Diyos. Gusto ko kaagad na ako ay perpekto na.»

«Ngunit, anak, kung pati si Jesus ay hindi magtagumpay, sino ang magtatagumpay kailanman?»

«Kayo, Ina! Hayaan Ninyo na manatili akong kasama Kayo nang sandali. Ang mga pagano at mga puta ay nanirahang kasama Kayo. Kung gayon ako ay makapaninirahan din. Kung ayaw Ninyo ako kung saan Kayo naninirahan, sa gabi ako ay aalis at matutulog sa bahay ni Alfeo at ni Maria ni Clopas, ngunit sa araw ako ay kasama Ninyo at ng mga bata. Nang nakaraan sinubukan kong gawin ang mga bagay sa pamamagitan ng aking sarili lamang, at nagawa kong malala ang sitwasyon. Kung ako ay pumunta sa Herusalem, marami akong masasamang kaibigan at sa kalagayan ko ngayon, kapag ang aking pakiramdam ay ganito, ako ay nagiging kanilang katatawanan… Gayon din kung ako ay pumunta sa iba pang mga bayan. Ang tukso ng daan ay sinusunog ako ng isang ito na mayroon na ako. Kung ako ay pumunta sa Kerioth, sa bahay ng aking ina, ako ay nagiging alipin ng pagmamalaki. Kung ako ay pumunta sa isang malungkot na lugar, ang katahimikan ay nilalansag ako sa pamamagitan ng mga tinig ni Satanas. Ngunit kung ako ay nakakasama Kayo, O! ang aking pakiramdam magiging iba ito!... Payagan Ninyo ako na pumunta! Sabihin kay Jesus na ipagkaloob sa akin ito! Ibig ba Ninyo ako na mawala? Natatakot ba Kayo sa akin? Ako ay tinitingnan Ninyo na may hitsura ng isang nasugatan na gasela na walang lakas na naiwan upang matakasan ang mga humahabol dito. Ngunit hindi ko Kayo sasaktan. Ako ay may ina rin… at minamahal ko Kayo nang higit pa kaysa sa kanya. Maawa Kayo sa isang makasalanan, Maria! Tingnan: ako ay umiiyak sa paanan Ninyo… Kung ako ay tanggihan Ninyo, baka ito na ang kamatayan kong espirituwal…» at si Judas ay totoong umiiyak sa paanan ni Maria; tinitingnan Niya siya at ang Kanyang mga mata ay punung-puno ng awa at pagdurusa kahalo ng takot. Siya ay maputlang-maputla.

Ngunit Siya ay humakbang nang isa papunta sa harapan, sapagkat Siya ay halos lumubog sa tabi ng halamang bakod upang manatiling malayo kay Judas na lumalapit nang napakalapit sa Kanya, at ipinatong Niya ang isang kamay sa maitim na buhok ni Judas. «Manahimik, kung hindi maririnig ka nila! Ako ay magsasalita kay Jesus. At kung pumayag Siya… pupunta ka sa bahay Ko. Pinababayaan Ko ang opinyon ng mundo. Hindi niyan masusugatan ang Aking kaluluwa. Ako ay mahihintakutan lamang ng may pagkukulang sa Diyos. Ang paninirang puri ay mapanlalamig Ako. Walang magsasalita ng masama tungkol sa Akin sapagkat nalalaman ng Nazareth na ang anak na babae nito ay hindi gumagawa ng iskandalo sa Kanyang bayan. ano pa man ang mangyari, mangyari ang maaaring mangyari, Ako ay nananabik na sana mailigtas mo ang iyong kaluluwa. Pupunta na Ako kay Jesus. Kapayapaan sa iyo.» At tinakpan Niya ang Kanyang sarili ng Kanyang belo, na puti katulad ng Kanyang damit at naglalakad Siya nang mabilis sa landas na maghahatid sa isang maliit na burol natatakpan ng mga punong-olibo.

Hinahanap Niya ang Kanyang Jesus at natagpuan Siya nakalubog sa pagninilay-nilay.

«Anak, Ako ito… Makinig sa Akin!»

«O! Inay! Naparito ba Kayo upang magdasal kasama Ko? Anong lugod at kaginhawahan ang dala Ninyo sa Akin!»

«Ano iyon Anak? Naghihirap ba ang Iyong kaluluwa? Nalulungkot Ka? Sabihin Mo sa Iyong Ina!»

«Nasabi na Ninyo, naghihirap at nalulungkot. Hindi labis gawa ng gawain o ng mga paghihirap na nakikita Ko sa mga puso, bagkus ng pagiging di-mababago ng Aking mga kaibigan. Ngunit ayaw Kong maging di-makatarungan sa kanila. Isa lamang ang inaalala Ko: si Judas ni Simon…»

«Anak, Ako ay naparito upang magsalita sa iyo tungkol sa kanya…»

«May ginawa ba siyang mali sa Inyo? Pinamighati ba niya Kayo?»

«Hindi. Ngunit naaawa Ako sa kanya katulad na Ako ay maaawa kung makakita Ako ng isang labis na naapektuhan-ng-sakit na tao… kaawa-awang anak! Gaanong may-sakit ang kanyang kaluluwa!»

«At naaawa Kayo sa kanya? Hindi na ba Kayo natatakot sa kanya? Natatakot Kayo minsan…»

«Anak, ang Aking awa ay mas malaki kaysa sa Aking takot. At ibig Kong matulungan Ka at siya na mailigtas ang kanyang kaluluwa. Magagawa Mo ang lahat, at hindi Mo Ako kailangan. Ngunit sinasabi Mo na ang lahat ay kailangan na tumulong sa Kristo sa panunubos… at ang anak na iyon ay kailangang-kailangan na matubos!»

«Ano pa ang Aking magagawa sa kanya bilang karagdagan sa nagawa Ko na?»

«Wala Ka nang magagawa. Ngunit magagawa Mong gawin Ko Nakiusap siya na pahintulutan siyang makapanatili sa ating bahay sapagkat iniisip niya na mapalalayas niya ang kanyang halimaw doon… Iniiling Mo ang Iyong ulo? Ayaw Mo? Sasabihin Ko sa kanya…»

«Hindi, Inay. Hindi sa ayaw Ko. Iniiling Ko ang Aking ulo sapagkat nalalaman Ko na iyan ay walang silbi. Si Judas ay katulad ng isa na nalulunod at bagama't nalalaman niya na siya ay nalulunod, tinatanggihan niya dala ng pagmamalaki ang lubid na itinapon sa kanya upang madala siya sa baybayin Wala siyang kalooban na makapunta sa baybayin. Paminsan-minsan siya ay nahihintakutan na malunod at siya ay maghahanap at mangungusap ng tulong, kakapit siya sa lubid… at pagkatapos, napanghawakan muli ng pagmamalaki, aayawan niya ang tulong, tatanggihan ito, ibig niyang maging independiyente… at siya ay pabigat nang pabigat dahil sa maputik na tubig na lumulunok sa kanya. Ngunit sa dahilan na ayaw Kong mag-iwan ng kahit isang bato na hindi naibukas, mangyari din iyan, kaawa-awang Ina… Oo, kaawa-awang Ina, dahil nilalantad Ninyo ang Inyong Sarili, para sa pagmamahal sa isang kaluluwa, sa kirot ng pagiging nasa malapit sa Inyo… ang isang kinatatakutan Ninyo.»

«Hindi, Jesus. Huwag Mong sabihin iyan. Ako ay isang kaawa-awang babae sapagkat Ako ay nakapailalim pa rin sa mga pagkasuklam. Kagalitan Mo Ako. Karapat-dapat Ako nito. Kailangan Kong huwag mainis sa kaninuman, alang-alang sa iyo. Iyan kung bakit Ako ay isang kaawa-awang babae. O! sana maibalik Ko sa iyo si Judas na magaling na sa espiritu! Ang mabigyan Ka ng isang kaluluwa ay ang mabigyan Ka ng isang tagong-kayamanan. At ang tao na nagbibigay sa iyo ng isang tagong-kayamanan ay hindi kaawa-awa. Anak!... Pupunta ba Ako at sabihan si Judas na iyon ay maaari, na Ikaw ay pumapayag? Sinabi Mo minsan: “Ang araw ay darating kung kailan sasabihin Ninyo: ‘Gaano kahirap ang maging ang Ina ng Tagapagtubos’” Nasabi Ko na iyon noong minsan… para kay Aglae… Ngunit ano ang minsan lang? Ang Sangkatauhan ay napakarami! At Ikaw ang Tagapagtubos ng lahat na tao. Anak!...Anak!.. Katulad na dinala Ko ang maliit na sanggol sa Aking mga bisig upang dalhin siya sa iyo upang pagpalain, hayaan Mong dalhin Ko si Judas sa Aking mga bisig, upang sana madala Ko siya sa Iyong pagpapalà...»

«Inay.. Inay… Siya ay hindi karapat-dapat sa Inyo…»

«Jesus, nang Ikaw ay nagdadalawang-isip na ibigay si Marjiam kay Pedro, sinabi Ko sa iyo na iyon ay makakabuti para kay Pedro. Hindi Mo maipagkakaila na si Pedro ay naging isang bagong tao mula nang sandaling iyon… Hayaan Mong subukan Ko kay Judas.»

«Mangyari ang sa ibig Ninyo! At sana pagpalain Kayo para sa Inyong nagmamahal na intensiyon sa Akin at kay Judas! Ngayon tayo ay magdasal nang magkasama, Inay. Napakagandang manalangin kasama Kayo!...»

… Ang araw ay nagsisimula pa lamang na lumubog nang makita ko silang umalis mula sa bahay na nagbigay sa kanila ng ospitalidad.

Sina Juan ng Endor at si Ermasteus ay humiwalay kay Jesus nang kaagad marating nila ang daan. Si Maria kasama ang mga babae sa halip ay nagpapatuloy kasama ang Kanyang Anak sa isang daan sa loob ng taniman ng mga olibo sa mga burol. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari sa araw.

Si Pedro ay nagsabi: «Si Felipe ay totoong maaaring nababaliw! Halos hiwalayan na niya ang kanyang asawa at anak na babae, kung Kayo ay hindi napapunta roon upang gawin siyang makinig sa rason.»

«Umasa tayo na siya ay magpupursige sa kanyang pagsisisi at hindi na siya magkaroon ng isa pang atake ng masamang tiyempo laban sa mga babae. Matapos man ang lahat… ito ay dahil sa mga babae na ang mundo ay nagpapatuloy» sabi ni Tomas at marami ang tumatawa sa kanyang magaling na salita.

«Iyan ay totoong-totoo. Ngunit sila ay mas di-malinis kaysa sa atin…» tugon ni Bartolomeo.

«Hindi kailanman! Kung tungkol sa di-kalinisan… kami ay hindi rin mga anghel! Ngayon, ibig kong malaman kung pagkatapos ng Panunubos magiging laging ganyan pa rin sa mga kababaihan. Tinuturuan nila kami na parangalan ang mga ina, at tingnan na may malaking paggalang ang mga kapatid na babae, mga anak na babae, mga tiya, mga manugang-na-babae, mga hipag at pagkatapos… Anatema rito, anatema roon! Ang Templo ay imposible Maraming beses kami ay pinagbabawalan ng huwag lapitan sila… Si Eba ay nagkasala? Sang-ayon. Ngunit si Adan din ay nagkasala. Pinarusahan ng Diyos si Eba… at napakagrabe Hindi pa ba sapat iyon?»

«Tomas! Si Moses ay tinitingnan din ang mga babae na di-malinis.

«At si Moses, kung wala ang mga babae, ay nalunod sana… Ngunit, tingnan mo, Bartolomeo, bagama't ako ay hindi masyadong nag-aral katulad mo, dahil sa ako ay isa lamang platero ng ginto, paaalalahanan kita na si Moses ay binanggit ang di pagiging malinis ng mga babae upang mairespeto sana natin sila, hindi upang sabihin anatema sila.»

Ang debate ay nagiging masaya. Si Jesus, Na nasa unahan nila kasama ang mga babae at sina Juan at Judas Iskariote, ay tumigil at tumatalikod Siya ay sumali sa paguusap-usap: «Ang Diyos ay nasa harapan Niya ng isang sambayanan na sa moral at espirituwal ay amorpo at kontaminado ng pakikipag-ugnayan sa mga idolatra. Ibig Niyang gawin ang sambayanan na pisikal at espirituwal na malakas. Kung gayon ang mga alituntunin na Kanyang ibinigay ay mga tagubilin na makakabuti kapwa sa pisikal na lakas at sa moral na katapatan. Wala Siyang magagawang iba upang mapatigil ang kahalayan ng lalaki at kung gayon maiwasan ang pag-uulit ng mga kasalanan na nagawa ang lupa na mapalubog at ang Sodom at Gomorrah masunog. Ngunit sa hinaharap ang natubos na babae ay hindi na sisiilin katulad ngayon. Ang mga pagbabawal tungkol sa pisikal na kahinahunan ay mananatili, ngunit ang mga hadlang sa kanyang paglapit sa Panginoon ay maaalis. Inaalis Ko na ang mga ito ngayon upang maihanda ang unang mga babaeng pari para sa hinaharap na panahon.»

«O! Magkakaroon ba ng mga babaeng pari?! tanong ni Felipe na halos natigilan.

«Huwag na mapagkamalan mo Ako. Hindi sila magiging mga babaeng pari katulad ng mga lalaki, hindi sila magkokonsagra at hindi mag-uubaya ng mga kaloob ng Diyos, na wala pa kayong kakayahan na maintindihan. Ngunit mapapasáma sila sa saserdotal na grupo, tumutulong sa maraming mga pamamaraan sa pari para sa ikapapakinabang ng mga kaluluwa.»

«Sila ba ay magtuturo?» tanong ni Bartolomeo di-makapaniwala.

«Katulad na ang Aking Ina ay nagtuturo na.»

«Gagawin ba sila ng mga apostoladong perigrinasyon?» tanong ni Mateo.

«Oo, gagawa sila. Dadalhin nila ang pananampalataya nang napakalayo, at kailangan Kong tanggapin ito, nang may mas dakilang kabayanihan kaysa ng mga lalaki.»

«Gagawa ba sila ng mga himala?» tanong ng Iskariote tumatawa.

«Ang ilan ay gagawa rin ng mga himala. Ngunit huwag tingnan ang mga himala bilang ang esensiyal na bagay. Sila, bilang banal na mga babae, ay gagawa ng maraming himala ng kombersiyon sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin.»

«Bah! Ang mga babae ba ay magdarasal hanggang sa layo na makagawa ng mga himala!» bulung-bulong ni Natanael.

«Huwag maging makinig ang utak katulad ng isang eskriba, Bartolomeo. Ano ang panalangin ayon sa iyo?»

«Ang makausap ang Diyos sa pamamagitan ng mga pormularyo na pinaalam sa atin.»

«Iyan at higit pa. Ang panalangin ay ang pakikipag-usap ng puso sa Diyos at iyan ay ang kailangan na maging ang ugali ng tao. Ang mga babae, dahil sa kanilang mas nag-iisang pamumuhay kaysa sa atin at dahil sa kanilang madamdaming mga pakultad na mas malakas kaysa sa ng atin, ay nakakiling sa ganyang pakikipagusap sa Diyos nang higit pa kaysa sa atin. Nakatatagpo sila rito ng kaginhawahan sa kanilang mga kapighatian, ng kaginhawahan sa kanilang gawain, na hindi lamang ang gawain sa loob ng buhay at sa panganganak, bagkus sa pagpapasyensiya din sa ating mga lalaki, nakatatagpo sila ng makapagpupunas sa kanilang mga luha at makapagdadala ng kapayapaan at lugod sa kanilang mga puso. Sapagkat nalalaman nila kung papaano makipagusap sa Diyos at mas malalaman pa nila nang mabuti sa hinaharap. Ang mga lalaki ay magiging mga higante sa doktrina, ang mga babae ay ang mga susuporta sa mga lalaki at sa mundo sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin, sapagkat maraming kasawiang-palad ay maiiwasan sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin at maraming mga kaparusahan ang hindi mangyayari. Sila kung gayon ay gagawa ng mga himala, di-makikita sa karamihang kaso at Diyos lamang ang nakaaalam, ngunit tunay.»

«Kayo rin ay gumawa ng di-nakikita ngunit tunay na himala ngayon. Tama ba iyon, Guro?» tanong ni Tadeo.

«Oo, kapatid.»

«Mas mabuti pang gumawa ng isang himala na nakikita» wika ni Felipe.

«Gusto mo bang pinalitan Ko ang maliit na batang babae sa pagiging isang lalaki? Ang isang himala ay totoong ang pagbabago ng kung ano ang nakatalaga, isang makabubuting kawalang-kaayusan, na gayon, na ipinagkakaloob ng Diyos upang pakinggan ang panalangin ng tao at kung gayon mapatunayan sa kanya na siya ay Kanyang minamahal, o na Siya ay Siya nga Na Siya. Ngunit sa dahilan na ang Diyos ay kaayusan hindi Niya sinisira ang kaayusan nang walang moderasyon Ang bata ay ipinanganak na isang babae, at isang babae siya mananatili.»

«Ako ay naghihirap nang labis ngayon umaga!» sabi ng Banal na Birhen na may buntung-hininga.

«Bakit? Ang walang pagmamahal na bata ay hindi sa iyo» sabi ni Susanna. At dagdag niya: «Kapag nakakakita ako ng sawing-palad na bata sinasabi ko: “Suwerte ko ako ay wala!”»

«Huwag kang magsalita nang ganyan, Susanna! Hindi iyan mapagkawanggawa. Masasabi Ko rin iyan sapagkat ang Aking tanging Maternidad ay lampas pa sa natural na mga batas. Ngunit hindi Ko sinasabi iyan, sapagkat lagi Kong iniisip: “Kung Ako ay hindi ginusto ng Diyos na maging isang birhen, baka ang binhing iyon ay sa Akin bumagsak, at Ako ang magiging ina ng di-masayang bata”, at kung gayon naaawa Ako sa kanilang lahat… Sapagkat sasabihin Ko: “Maaari siya ay naging aking anak”, at bilang isang ina ibig Ko na ang lahat na bata ay mabuti, malusog, minamahal at mapagmahal, sapagkat ang bawat ina ay iyan ang hinihiling para sa kanilang sariling mga anak» tugon ni Maria na may-kabaitan At si Jesus ay tila binabalot Niya Siya sa liwanag, napakaningning Niyang tinitingnan si Maria.

«Iyan kung bakit kinaaawaan Ninyo ako…» sabi ng Iskariote sa mababang tinig.

«Kinaaawaan Ko ang lahat. Kahit na kung ang isa ay ang mamamatay-tao ng Aking Anak Sapagkat iniisip Ko na siya ay ang pinaka may pangangailangan ng tulong… at ng pagmamahal. Sapagkat ang mundo ay tiyak na kapopootan siya.»

«Donna, kakailanganin Ninyo na magtrabaho nang mas mahirap ipinagtatanggol siya upang mabigyan siya ng panahon na makapagsisi… gagawin kong mawala siya kaagad…» sabi ni Pedro.

«Dito kung saan tayo maghihiwalay, Inay, ang Diyos ay sumainyo At sa iyo, Maria At sa iyo rin, Judas.» Sila ay nagpapalitan ng mga halik at idinagdag ni Jesus: «Tandaan na pinagkalooban kita ng malaking bagay, Judas. Gawin mong may pakinabang iyan at hindi makasasamâ sa iyo. Paalam.»

At si Jesus kasama ang labing-isang apostol ay umalis at si Susanna ay nagpatungong silangan sa mabilis na mga hakbang, habang si Maria, ang Kanyang hipag at ang Iskariote ay nagpatuloy sa daan.

250511

 

 


Sunod na kabanata