262. Ang lalaki na may Naagnas na Kamay.

Agosto 26, 1945.

Si Jesus ay pumapasok sa sinagoga ng Capernaum, na unti-unting nagsisiksikan sa mga naniniwala, sapagkat ngayon ay Sabbath. Ang lahat ay lubos na nasorpresa nakikita Siya. Lahat sila ay itinuturo Siya bumubulong at ang iba ay hinihila ang tunika ng apostol na ito o iyon nagtatanong kung kailangan sila nakabalik sa bayan, sapagkat walang nakakaalam na sila ay nakabalik na.

«Dumaong kami sa “fig well” nanggagaling ng Bethsaida, upang maiwasan na makapaglakad nang labis kaysa sa itinakda, aking kaibigan tugon ni Pedro kay Uriah, ang Pariseo, na, nararamdaman na nasaktan bilang tinatawag na “kaibigan”, ng isang mangingisda, ay umalis nang naiinis at sinamahan ang kanyang mga kabaro sa unang hanay.

«Huwag mo silang biruin, Simon!» babala ni Andres

«Biruin sila? Nagtanong siya at tumugon ako nagsasabing iniwasan natin na maglakad upang maigalang ang Sabbath.»

«Sasabihin nila na tayo ay nagtrabaho sa loob ng bangka…»

«Magtatapos sila sa pagsasabi na tayo ay nagtrabaho sa pamamagitan ng paghinga! Tanga! Ang bangka, ang hangin at ang mga alon ang nagtrabaho, hindi tayo na naglayag sa loob ng bangka.»

Si Andres ay tinanggap ang sermon at nanahimik.

Pagkatapos ng paunang mga panalangin panahon na upang basahin ang isang pasahe at ipaliwanag ito. Ang pangulo ng sinagoga ay hiningi kay Jesus na gawin ito, ngunit si Jesus ay itinuro ang mga Pariseo nagsasabing: «Gawin na gawin nila ito.» Ngunit sa dahilan na ayaw nilang pumayag, Siya ay napilitan ng magsalita.

Si Jesus ay binabasa ang isang pasahe mula sa unang Aklat ng mga Hari, na nagbabanggit kung papaano si David pinagtaksilan ng mga tauhan ni Ziph, na nagbigay alam kay Saul na siya ay nasa Gibeah. Si Jesus ay iniabot pabalik ang rolyo at nagsimulang magsalita.

«Laging kasamaan ang labagin ang mga alituntunin ng karidad, ospitalidad at katapatan. Ngunit ang tao ay hindi nag-aalinlangan na gawin ito na may lubos na walang-pakialam. Mayroon tayo rito ng dobleng episodyo ng ganyang paglabag at ng resultang pagpaparusa ng Diyos. Ang pagkilos ng mga tauhan ni Ziph ay nakapanloloko. Si Saul ay ganyan din. Ang una ay nananadya sa kanilang intensiyon na mapapunta sila sa mga grasya ng mas malakas sa dalawa. Ang huli ay napakasamâ sa intensiyon na mawala ang piniling hari ng Panginoon. Sila kung gayon ay magkasama sa pamamagitan ng kanilang pagkamakasarili. At ang huwad na makasalanang hari ng Israel ay nangahas na tumugon sa hamak na mungkahi binabanggit ang Panginoon: “Pagpalain nawa kayo ng Panginoon”.

Pangungutya sa Hustisya ng Diyos! Kaugaliang pangungutya! Kadalasan ang Pangalan ng Panginoon at ang Kanyang pagpapalà ay pinananawagan bilang isang gantimpala o garantiya para sa kasamaan ng tao. Ito ay nakasulat: “Hindi mo bibigkasin ang Pangalan ng Panginoon nang walang katuturan”. At mayroon pa bang mas walang katuturan, o kung baga, mas masama pa kaysa bigkasin ito upang gumawa ng isang krimen laban sa kapwa ng isa? Subalit sa kabila nito ito ay ang kasalanan na mas madalas na ginagawa nang may walang-pakialam pati ng mga laging nauuna sa mga pagpupulong sa Panginoon, sa mga seremonya at pagtuturo. Tandaan na isang kasalanan ang mag-imbestiga, ang pumuna at maghanda ng lahat upang makasira sa kapwa ng isa. Kasalanan din na gawin ang ibang tao na mag-imbestiga, mamuna at maghanda ng lahat upang ang ibang mga tao ay makapanira ng kapwa. Nagpapakahulugan ito na naitulak ang iba na magkasala sa panunukso sa kanila na may mga gantimpala o takutin sila na may paghihiganti.

Binabalaan Ko kayo na iyan ay kasalanan. Binabalaan Ko kayo na ang ganyang pagkilos ay pagkamakasarili at kapootan. At nalalaman ninyo na ang kapootan at pagkamakasarili ay mga kaaway ng pagmamahal.  Binabalaan Ko kayo sapagkat Ako ay nag-aalala tungkol sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat minamahal Ko kayo. Sapagkat ayaw Kong kayo ay nasa pagkakasala. Sapagkat ayaw Kong kayo ay maparusahan ng Diyos katulad ng nangyari kay Saul, na ang kaninong bayan ay nasira ng mga Pilisteo, habang hinahabol niya si David upang bihagin siya at patayin siya. Sinasabi Ko sa inyong totoo na iyan ay laging ang mangyayari sa mga nananakit ng kanilang kapwa. Ang kanilang tagumpay ay tatagal katulad ng damo sa parang. Iyan ay darating kaagad, ngunit kaagad iyan na matutuyo at yayapakan ng paa ng walang-pakialam na mga nagdaraan. Samantalang ang mabuting kilos at matapat na pamumuhay ay tila nahihirapan na lumago at ipilit ang mga sarili. Ngunit kapag ang mga ito ay naperpekto bilang mga kaugalian ng pamumuhay ang mga ito ay magiging malakas na madahon na mga punungkahoy, na walang bagyo ang makabubunot o kainitang araw na makapagtutuyo.. Totoo, siya na matapat sa Batas, totoong matapat, ay nagiging isang malakas na punungkahoy, na hindi nahuhutok ng masisimbuyong damdamin o nasusunog ng apoy ni Satanas.

Ako ay nakatapos. Kung mayroon mang sinuman na ibig na magsalita ng kahit na ano, hayaan siyang gawin ito.»

«Nagtatanong kami sa Inyo kung Kayo ay nagsalita tinutukoy kaming mga Pariseo.»

«Ang sinagoga kaya ay puno ng mga Pariseo? Kayo ay apat, at mayroon ditong daan-daan katao Ang Aking salita ay para sa lahat.»

«Ngunit ang pagpapahiwatig ay maliwanag.»

«Tunay nga, hindi pa kailanman nalaman na ang isang tao ay inaakusan ang sarili dahil lamang na ang suspetsa ay naipukol sa kanya ng isang katulad na pangyayari! Ngunit iyan ang inyong ginagawa. Bakit ninyo inaakusahan ang inyong sarili kung hindi Ko kayo inaakusahan? Alam ba ninyo na kayo ay kumikilos katulad ng sinabi Ko? Ako ay hindi Ko alam. Ngunit kung ganyan nga kayo, baguhin ang inyong mga pamamaraan. Sapagkat ang tao ay mahina at baka magkasala. At ang Diyos ay patatawarin siya kung siya ay taos-pusong magsisisi at ayaw nang magkasala ulit. Ngunit ang magpumilit sa kasamaan ay dobleng kasalanan kung saan ay walang kapatawaran.»

«Hindi kami nakagawa ng ganyang kasalanan.»

«Bueno, huwag magdamdam tungkol sa Aking mga salita.»

Ang argumento ay tapos na. At ang pag-awit ng mga himno ay pinupuno ang sinagoga. Ang pagpupulong ay tila magtatapos na nang walang ano pa man na pangyayari, nang si Joachim, ang Pariseo, ay nakakita ng isang lalaki sa pulutong at kinawayan ito na pumunta sa unang hanay sa harapan. Ang lalaki ay mga limampung taong gulang at may nangangayayat na bisig at sa dahilan na ang sakit na to ay nasira ang kanyang mga muskulo, ang kanya ring kamay ay apektado at mas maliit ito kaysa sa isa.

Si Jesus ay nakita siya. At napuna Niya ang pagsisiksikan upang ang Kanyang atensiyon ay napapunta sa lalaki. May pagkislap ngunit malinaw na tanda ng pagkainis at awa sa Kanyang mukha Ngunit hindi Niya iniiwasan ang dagok. Sa kabaligtaran hinaharap Niya ang sitwasyon nang may-paninindigan.

«Halika rito, sa gitna» utos Niya sa lalaki. At nang ang lalaki ay nasa harapan na Niya, si Jesus ay hinarap ang Pariseo at nagsabi: «Bakit mo Ako tinutukso? Hindi ba’t katatapos Ko pa lamang magsalita tungkol sa mga patibong at kapootan? At hindi ba’t kasasabi mo pa lamang ngayon: “Wala kami ng ganyang kasalanan”? Hindi ka ba sumagot sa Akin? Tugunan kahit ito man lamang: Naaayon ba sa batas na gumawa ng kabutihan sa araw ng Sabbath? Naaayon ba sa batas na magligtas ng buhay o pumatay? Hindi ka ba tumutugon? Ako ang tutugon sa katauhan mo at sa harapan ng lahat ng mga tao, na siyang makapaghuhusga nang mas mabuti kaysa sa inyo, sapagkat sila ay simple at malaya sa kapootan at pagmamalaki. Hindi legal na gumawa ng kahit na anong trabaho sa araw ng Sabbath. Ngunit sa dahilan na legal na magdasal, kung gayon legal na gumawa ng mabuti, sapagkat ang mabuti ay isang mas dakila pa sa pagdarasal kaysa mga himno at mga salmo na ating inawit. Ngunit ni sa araw ng Sabbath sa ibang araw pa man legal na gumawa ng kasamaan. At iyan ang iyong kagagawa pa lamang sa pag-iintriga na magawa ang lalaking ito rito na ni hindi taga-Capernaum at dalhin siya rito nang nakaraan dalawang araw, dahil nalalaman ninyo na Ako ay nasa Bethsaida at hinulaan ninyo na Ako ay pupunta sa Aking bayan. At ginawa ninyo iyan upang makita kung may makikita kayong bagay na magagamit laban sa Akin. At sa gayon nakagawa rin kayo ng pagkakasala na patayin ang inyong mga kaluluwa sa halip na iligtas ang mga ito. Ngunit, sa ganang Akin, pinatatawad Ko kayo at hindi Ko bibiguin ang pananampalataya ng taong ito, na sinabihan ninyo na pumarito sinasabihan na pagagalingin Ko siya, samantalang ibig ninyong maglatag ng patibong para sa Akin. Siya ay inosente sapagkat siya ay pumunta rito na walang ibang intensiyon bagkus ang mapagaling. At maging iyan. lalaki: iunat mo ang iyong kamay at humayo sa kapayapaan.»

Ang lalaki ay sumunod at ang kanyang kamay ay gumaling at katulad na ito noong isa pa Ginamit niya ito kaagad sa pagkuha ng laylayan ng manta ni Jesus hinahalikan ito nagsasabing: «Nalalaman Ninyo na wala akong nalalaman tungkol sa kanilang tunay na mga intensiyon Kung nalaman ko lamang, hindi ako pupunta, dahil mas gugustuhin ko pa na manatili akong may natutuyong kamay, kaysa maglingkod laban sa Inyo .Kung gayon huwag Kayong magkaroon ng sama ng loob laban sa akin.»

«Humayo sa kapayapaan, lalaki. Nalalaman Ko ang katotohanan at ang tungkol sa iyo tinitiyak Ko sa iyo ang Aking mabuting kalooban.»

Ang pulutong ay lumabas gumagawa ng mga komentaryo, at si Jesus ay lumabas na huli kasama ang Kanyang labing-isang apostol.

250511

 

 


Sunod na kabanata