264. Mga Tagubilin sa mga Apostol sa Pagsisimula ng Kanilang Apostolado.

Agosto 28,1945.

Si Jesus ay nakaupo sa mesa sa loob ng bahay sa Capernaum kasama ang lahat Niyang mga disipulo, na ang ibig sabihin si Judas ay sumama na sa kanyang mga kasamahan pagkatapos na magawa niya ang kanyang tungkulin. Ngayon ay gabi. Ang liwanag ng naglalahong araw ay pumapasok sa pintuan at sa maluluwang na nakabukas na mga bintana na sa pamamagitan nito posibleng makita ang purpura ng paglubog ng araw na nagbabago sa pagiging di-tunay na biyoletang-pula, na ang mga hangganan nito ay naglalaban-laban malulukot sa pagiging isang pisarang biyoleta na mamumutla sa pagiging kulay abo. Nagpapaalaala sa akin ito tungkol sa isang papel na itinapon sa apoy: ito ay aapoy at kaagad kapag tumigil na ito sa pagkasunog, ang mga gilid ay malulukot at nagiging isang mabigat na medyo asul na kulay, na maglalaho sa halos maputing malaperlas na kulay abo.

«Mabanas ngayon» wika ni Pedro, itinuturo ang isang malaking ulap na nakukulayan nito ang kanluran ng gayong mga kulay. «Mabanas. Ngunit walang ulan. Iyan ay hindi ulap, iyan ay ulap. Ngayong gabi ako ay sa bangka matutulog, kung mas malamig.»

«Hindi. Ngayong gabi tayo ay pupunta sa taniman ng mga olibo. Kailangan Kong magsalita sa inyo. Si Judas ay nakabalik na. Panahon na para sa Akin na magsalita sa inyo. May nalalaman Akong isang mahangin na lugar, kung saan tayo ay magiginhawahan. Tumayo kayo at lumakad na tayo.»

«Malayo ba ito?» nagtatanong sila pinupulot ang kanilang mga manta.

«Hindi. Ito ay napakalapit. Nasa loob ng isang pukol ng bato sa pamamagitan ng tirador mula sa huling bahay. Maaari ninyong iwanan ang inyong mga manta. Ngunit magdala ng pampadikit na kahoy at ng pangkaskas upang makita natin ang ating daan sa pagbabalik.

Sila ay lumabas mula sa silid sa taas at bumababa nagpapaalam sa maybahay na lalaki at sa kanyang asawa na mga kinalulugdan ang malamig na hangin sa terasa. Si Jesus ay naglalakad ng nang disidido sa kasalungat na direksiyon mula sa lawa at, pagkatapos na matawid ang nayon, Siya ay nagpapatuloy nang mga dalawa o tatlong daang yarda papaloob sa taniman ng mga olibo sa unang maliit na burol sa likuran ng nayon. Tumigil Siya sa ibabaw ng isang nakausling lupa na dahil sa pusisyon nito libre sa mga harang ang isa ay kalulugdan ang lahat na hanging posible sa mabanas na gabing ito.

«Tayo ay maupo, at makinig nang mabuti sa Akin. Ang panahon ng pag-eebanghelyo ay dumating na. Ako ay halos kalahati na sa Aking pakikihalubilo sa publiko inihahanda ang mga puso para sa Aking Kaharian. Panahon na ngayon na ang Aking mga apostol ay sumali na rin sa paghahanda ng Aking Kaharian. Iyan an ginagawa ng mga hari kapag nagpasya sila na manakop ng isang kaharian. Una sila ay nag-iimbestiga at nilalapitan ang mga tao upang makita ang kanilang reaksiyon at magawa silang sumang-ayon sa plano na kanilang isinasakatuparan. Pagkatapos pinalalaki nila ang kanilang paghahandang trabaho sa pamamagitan ng mga maaasahang mensahero na ipinadadala sa bansa kanilang sasakupin. At nagpapadala sila nang parami pa nang parami hanggang sa ang lahat na pangheograpiya at pangmoral na mga detalye ng buong bayan ay alam na. Pagkatapos nito ang hari ay kukumpletuhin ang kanyang gawain sa pagpoproklama ng kanyang sarili bilang hari ng bansang iyon at kinukoronahan nang ganyan. At maraming dugo ang pinadanak upang mangyari iyan. Sapagkat ang tagumpay ay laging pinagbubuhusan ng dugo…»

«Kami ay nakahanda nang makipaglaban para sa Inyo at ibuhos ang aming dugo» pangako ng mga apostol sa pamamagitan ng iisang pagsang-ayon.

«Hindi Ako magpapadanak ng dugo maliban ng sa Banal na Isa at ng mga santo.»

«Ibig ba Ninyong simulan ang Inyong pananakop nagsisimula sa Templo, nilulusob ito sa oras ng pagsasakripisyo?...»

«Huwag tayong malayo, Aking mga kaibigan. Sasabihan kayo tungkol sa hinaharap sa tamang panahon. Ngunit huwag kayong manginig sa takot. Tinitiyak Ko sa inyo na hindi Ko babalisahin ang mga seremonya sa pamamagitan ng isang marahas na pagsugod. Subalit sila ay mababalisa at magkakaroon ng isang gabi kung saan ang takot ay mapipigilan nito ang ritwal na panalangin. Ang takot ng mga makasalanan. Ngunit Ako ay magiging nasa kapayapaan nang gabing iyan. Sa kapayapaan kapwa sa Aking espiritu at sa Aking katawan. Isang tunay na maginhawang kapayapaan…»

Si Jesus ay tinitingnan ang Kanyang mga apostol nang isa-isa at ito ay pareho pa rin katulad na kung tiningnan Niya ang gayon ding pahina nang labindalawang ulit at basahin nang labindalawang ulit ang iisang salita na nakasulat dito: di-pagka-unawa. Siya ay ngumiti at nagpapatuloy.

«Kung kaya’t nagpasya Ako na ipadala kayo upang sana kayo ay makapasok pa nang mas malayo at mas malawak kaysa ng magagawa ng Aking sarili. Ngunit para sa prudensyal na mga rason titiyakin Ko na may pagkakaiba sa inyong pamamaraan ng pag-eebanghelyo at ng Akin, sapagkat ayaw Kong mailagay kayo sa napakahirap na mga sitwasyon, na maaaring napakamapanganib para sa inyong mga kaluluwa at katawan, at dahil din ayaw Kong mapasama ang Aking sariling gawa. Hindi pa kayo perpekto sa punto na makalapit sa sinuman na hindi kayo nasisira o hindi makasira, at lalo nang hindi pa kayo makabayani sa punto na harapin ang mundo sa kapakanan ng Idea, hinaharap ang paghihiganti ng mundo. Kung kaya’t, kapag kayo ay umiikot nagtuturo tungkol sa Akin, huwag pumunta sa pagitan ng mga Hentil, at huwag pasukin ang mga bayan ng mga Samaritano, bagkus puntahan ang mga nawawalang tupa ng bahay ng Israel. Marami ang kailangan na gawin sa pagitan nila, sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga pulutong na sa akala ninyo ay napakarami sa paligid Ko, ay ang kasandaan na bahagi ng mga naghihintay pa para sa Mesiyas ng Israel at hindi nila Siya kilala, ni hindi nila nalalaman na Siya ang namumuhay sa pagitan nila. Dalhan sila ng pananampalataya sa Akin at ng kaalaman tungkol sa Akin. Sa inyong daan magturo sabihin: “Ang Kaharian ng Langit ay malapit na”. Gawin iyan na inyong pinakabasihang pagbabalita sinusuportahan ang lahat ng inyong pagtuturo… Napakinggan na ninyo Ako nang labis nagsasalita tungkol sa Kaharian! Ang tanging inyong gagawin ay ang ulitin ang Aking sinabi sa inyo. Ngunit ang tao upang maakit at makumbinsi ng espirituwal na katotohanan, ay nangangailangan ng materyal na kabaitan, na tila siya ay isang eternal na bata na hindi mag-aaral ng isang leksiyon o matututo ng isang pangangalakal kung hindi siya aakitin ng isang matamis mula sa kanyang ina, o isang gantimpala mula sa kanyang guro sa paaralan, o ng kanyang tagapagturo tungkol sa pangangalakal. Upang kayo ay magkaroon ng pamamaraan na paniwalaan at hanapin, pagkakalooban ko Kayo ng regalo ng paggawa ng mga himala…»

Ang mga apostol ay napatayo, maliban kay Santiago ni Alfeo at kay Juan, sumisigaw, nagpoprotesta, naging malikot, ang bawat isa kumikilos ayon sa kanyang pag-uugali. Totoo, ang tanging isa na palakad-lakad sa idea ng paggawa ng mga himala ay ang Iskariote, na may kahangalan ng isang huwad at may-pagkamakasariling motibo ng pansariling interes ay bumulalas: «Panahon na na kailangan natin na magawa iyan upang magkaroon ng pinakamaliit na awtoridad sa mga pulutong!»

Si Jesus ay tinitingnan siya ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano. Sina Pedro at ang Zealot na nagsasabing: «Hindi, Panginoon! Hindi kami karapat-dapat ng labis! Iyan ay para sa mga santo», ay nasasalungat si Judas, dahil sabi ng Zealot: «Bakit nangangahas kang punahin ang Guro, ikaw na hibang na tao?» at dagdag ni Pedro: «Ang pinakamaliit na awtoridad? At ano ang ibig mo upang makagawa ng mahigit pa kaysa paggawa ng mga himala? Ibig mo bang maging Diyos din?» Mayroon ka ba ng kati na nagkaroon si Lucifer?»

«Katahimikan!» utos ni Jesus. At Siya ay nagpatuloy: «May isang bagay na mas dakila pa kaysa sa mga himala at nakapagkukumbinsi rin nang ganoon kahusay sa mga pulutong, ngunit mas marubdob at mas matibay: isang banal na pamumuhay. Ngunit kayo ay malayo diyan, at ikaw, Judas, ay mas malayo kaysa sa iba. Ngunit hayaan Akong makapagsalita sapagka’t ang Aking tagubilin ay mahabang tagubilin.

Humayo, kung gayon, pinagagaling ang mga maysakit, nililinis ang mga ketongin, ibinabangon ang mga katawan at mga espiritu mula sa kamatayan, sapagka’t ang mga katawan at mga espiritu ay maaaring magkasakit, maging ketongin, mga patay din. At nalalaman na ninyo kung papaano ginagawa ang himala: sa pamamagitan ng isang pamumuhay ng pagsisisi, marubdob na pananalangin, sinsirong mithiin na mapaluwalhatian ang kapangyarihan ng Diyos, malalim na kababaang-loob, buhay na karidad, umaalab na pananampalataya, at sa pamamagitan ng pag-asa na walang kahit na anong uri ng kahirapan ang makapambabalisa. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang lahat ay posible sa mga may ganyang mga birtud. Ang mga dimonyo rin ay lalayas sa harapan ng Pangalan ng Panginoon binibigkas ninyo, kung mayroon kayo sa loob ninyo ng Aking sinabi. Ang kapangyarihang iyan ay ibinibigay sa inyo sa pamamagitan Ko at ng inyong Ama. Walang pera ang makabibili nito. Tanging ang amin lamang Kalooban ang nagkakaloob nito. Dahil ibinibigay iyan sa inyo nang kusa at libre, kung gayon kusa at libreng ibigay iyan sa iba, sa mga nangangailangan. Kapahamakan sa inyo kung pinababa ninyo ang kaloob ng Diyos sa paggamit nito upang mapuno ang inyong mga lukbutan. Iyan ay hindi ninyo kapangyarihan, iyan ay kapangyarihan ng Diyos. Gamitin iyan, ngunit huwag ariin iyan, nagsasabing: “Ito ay akin”. Katulad na iyan ay ibinibigay sa inyo, kung gayon maaaring kunin iyan mula sa inyo. Si Simon ni Jonah kani-kanina pa lamang ay nagsabi kay Judas ni Simon: “Mayroon ka ba ng katí na nagkaroon si Lucifer?” Nakapagbigay siya ng tamang pagtawag. Ang magsabi: “Ginagawa ko kung ano ang ginagawa ng Diyos sapagkat ako ay katulad ng Diyos” ay ang gayahin si Lucifer. At ang kanyang kaparusahan ay alam na alam. Alam na alam din kung ano ang nangyari sa dalawang kanunu-nunuan na sa makalupang paraiso ay kumain ng ipinagbabawal na prutas, sa pamamagitan ng panunukso ng Mainggiting Isa, na ibig na makapangkulong pa ng mas maraming di-masayang kaluluwa sa kanyang Impiyerno, bukod sa mga mapagrebeldeng mga anghel na mga naroroon na, ngunit pati rin sa pamamagitan ng kanilang sariling kati ng perpektong pagmamalaki. Ang tanging prutas na kayo ay pinahihintulutan na makakuha mula sa inyong ginagawa, ay ang mga kaluluwa na inyong makukuha para sa Panginoon sa pamamagitan ng himala at inyong ibibigay sa Panginoon. Iyan ang inyong pera. Wala nang iba pa. Kalulugdan ninyo ang inyong kayamanan sa susunod na buhay.

Humayo na walang kayamanan. Huwag kayong magdala ng ginto, o plata, o pera sa inyong mga lukbutan, o mga bag ng paglalakbay na may dalawa o mahigit pa na tunika o reserbang sapatos, o tungkod ng peregrino, o mga armas. Sapagkat sa pansamantala ang inyong apostoladong mga pagdalaw ay maiikli at sa tuwing gabi ng Sabbath tayo ay magkikita at makapagpapalit kayo ng inyong pinagpawisang mga damit na hindi kailangan na magdala ng reserba. Walang tungkod ang kinakailangan sapagkat mas magandang maglakad nang wala iyan, at kung ano ang may-pakinabang sa mga burol at mga kapatagan ay iba sa kung ano ang may-pakinabang sa mga disyerto at sa matataas na bundok. Walang armas ang kailangan. Ang mga armas ay may pakinabang sa mga tao na walang alam kung ano ang banal na karukhaan o dibinong kapatawaran. Wala kayong mga kayamanan na kailangan protektahan at ipagsanggalang sa mga mananakaw. Ang tanging magnanakaw na inyong katakutan ay si Satanas. At siya ay natatalo ng pagpupursige at panalangin, hindi ng espada at mga punyal. Patawarin ang mga nananakit sa inyo. Kung may magnanakaw sa inyo ng inyong manta, ibigay din sa kanya ang inyong tunika. Kung kayo ay mananatiling ganap na hubad gawa ng inyong kaamuan at katikalan sa mga kayamanan, hindi ninyo maiiskandalo ang mga anghel ng Panginoon o ang walang-hangganang kabasalan ng Diyos, sapagkat ang inyong karidad ay daramtan ang inyong hubad na mga katawan ng ginto at ang inyong kaamuan ay aadornohan kayo katulad ng isang panali sa baywang, habang ang inyong kapatawaran sa magnanakaw ay magbibigay sa inyo ng isang makaharing manta at korona. Kayo kung ganoon ay mas maganda pa ang damit kaysa sa isang hari: hindi nang narurumihang mga damit, bagkus ng di-maglalahong materyal.

Huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong pagkain. Laging magkakaroon kayo ng kung ano ang tama para sa inyong kalagayan at sa inyong ministeryo, sapagkat ang isang manggagawa ay laging karapat-dapat ng pagkain na iniaalok sa kanya. At kung ang mga tao ay hindi mag-uubaya sa kanilang manggagawa, ang Diyos ay mag-uubaya. Napatunayan Ko na sa inyo na ang ipamuhay at ituro ito ay hindi kinakailangan na ang inyong mga tiyan ay puno ng pagkain. Iyan ay may pakinabang sa mga di-malinis na hayop na ang pakay sa buhay ay ang tumaba at pagkatapos katayin upang patabain ng mga tao. Ngunit kailangan na patabain ninyo ang inyong mga kaluluwa at ang mga kaluluwa ng ibang mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng karunungan. At ang Karunungan ay ibinubunyag sa mga isip na hindi napapurol ng pagtutungga at sa mga puso na tinutustusan ng sobrenatural na pagkain. Kayo ay hindi kailanman naging mahusay magsalita katulad nang pagkatapos ng pagreretiro sa bundok. At pagkatapos kinakain lamang ninyo kung ano ang kinakailangan upang mabuhay. Subalit sa katapusan ng pagreretiro kayo ay naging kasing lakas at masayahin katulad na hindi pa kayo naging ganyan dati. Hindi ba’t totoo iyan?

Anuman ang bayan o lugar na inyong papasukin, hanapin kung sino ang karapat-dapat na tumanggap sa inyo. Hindi dahil ikaw ay si Simon, o si Judas, o si Bartolomeo, o Santiago, o Juan, at patuloy pa. Bagkus dahil kayo ay ang mga mensahero ng Panginoon. Kahit na kung kayo ay naging ang latak ng lipunan, o mga mamamatay tao, mga magnanakaw, mga publikano, ngunit ngayon kayo ay nagsisisi at nasa Aking paglilingkod, magiging karapat-dapat kayo ng respeto sapagkat kayo ay Aking mga mensahero. Magsasabi pa Ako ng mahigit. Sasabihin Ko: Kapahamakan sa iyo kung sa panlabas kayo ang nagmumukhang katulad ng Aking mga mensahero, habang sa panloob kayo ay kalunus-lunos na mga lingkod ni Satanas. Kapahamakan ang darating sa iyo! Ang impiyerno ay magiging napakaliit kompara sa karapat-dapat sa inyong panloloko. Ngunit kahit na kung kayo ay mga mensahero ng Panginoon sa mga mata ng publiko, at mga latak din ng lipunan, o mga publikano, mga magnanakaw, mga mamamatay-tao sa pamamaraan ng mahiwaga at ang mga tao sa kanilang mga puso iyan ang suspetsa o halos nakatitiyak tungkol diyan, kayo ay karapat-dapat pa rin ng parangal at paggalang, sapagkat kayo ay Aking mga mensahero. Ang mata ng tao ay kailangan na makakita lampas pa sa pamamaraan, at makita ang mensahero at ang patutunguhan na pakay, ibig sabihin ang Diyos at ang Kanyang gawa lampas sa kadalasang may-pagkakamaling pamamaraan. Tanging sa kaso lamang ng mabigat na kasalanan, sinasaling ang pananampalataya sa mga puso, gagawin Ko pansamantala, gagawin ng mga susunod sa Akin sa hinaharap, na putulin ang masamang galamay. Sapagkat hindi naaayon sa batas na ang mga kaluluwa ng mga naniniwala ay kailangan na mawala sa pamamagitan ng isang dimonyong pari. Hindi iyan kailanman magiging ayon sa batas, upang maitago ang mga sugat na umaapekto sa apostoladong katawan, upang pahintulutan ang magkáka-ganggrena na mga galamay na mamuhay sa loob nito, dahil ang kanilang nakakamuhing aspekto ay nakapagpapalayas sa mga tao at ang kanilang may sa dimonyong amoy ay nakalalason.

Kung gayon inyong titingnan kung alin ang pinakamatuwid na namumuhay na pamilya, kung saan ang mga babae ay alam kung papaano mamuhay na nag-iisa at ang mga moral ay basal. At papasukin ninyo ang bahay na iyan at manirahan diyan hanggang iwanan ninyo ang lugar. Huwag gayahin ang mga lalaking bubuyog, na pagkatapos na sipsipin ang bulaklak lilipat sa isang mas nakakabusog. Kayo man ay makarating sa pagitan ng mga tao na may magandang bahay at mayamang hapag-kainan, o kung kayo ay makarating sa isang abang pamilya, mayaman lamang sa birtud, manatili sa kinaroroonan ninyo. Huwag kailanman hanapin kung alin ang mas “maganda” para sa naglalahong katawan. Sa kabaligtaran, laging ibigay dito kung ano ang pinakamalala, pinananatili ang lahat na tama para sa espiritu. At kailanman posible ito, piliin ninyo ang ospitalidad ng mahirap. Sinasabi Ko sa inyo sapagkat mas mabuting gawin ito. Gawin ito upang hindi sila mapahiya at sa pag-alaala sa Akin, katulad Ko na mahirap at mananatiling mahirap at nagmamalaki Ako ng pagiging mahirap, at dahil din kadalasan ang mahirap ay as mabuti kaysa sa mayaman. Lagi kayong makatatagpo ng mahirap na tao na makatarungan, subalit pambihira lamang na makatagpo kayo ng isang mayamang tao na walang pagkakamali. Wala kayong dahilan sa pagsasabing: “Nakatagpo lamang ako ng kabutihan sa mga mayayaman” upang mapangatwiranan ang inyong mithiin para sa kasaganaan.

Kapag pumapasok sa isang bahay batiin ang mga nakatira rito sa pamamagitan ng Aking pagbati, na siyang pinaka may-kabaitan na naririyan. Sabihin: “Kapayapaan sa inyo. Mapunta ang kapayapaan sa bahay na ito, o Mangyaring dumating ang kapayapaan sa bahay na ito”. Sa katotohanan, bilang mga mensahero ni Jesus at ng Ebanghelyo, dala ninyo ang kapayapaan at ang inyong pagpunta sa isang lugar ay upang gawing mapunta roon ang kapayapaan. Kung ang bahay ay karapat-dapat nito, ang kapayapaan ay darating at mananatili roon; kung ito ay hindi karapat-dapat nito, ang inyong kapayapaan ay babalik sa inyo. Kung kaya’t tiyakin na maging mapayapa kayo mismo, upang mapunta sa inyo ang Diyos bilang inyong Ama. Ang isang ama ay laging tumutulong. At sa pamamagitan ng tulong ng Diyos magagawa ninyo ang lahat at ang lahat nang mabuti.

Maaaring ganito, hindi, ito ay tiyak na mangyayari, na ang isang bayan o bahay ay hindi kayo tatanggapin o hindi makikinig sa inyong mga salita, bagkus palalayasin kayo o kutyain kayo o habulin kayo binabato kayo bilang nakasasawang mga propeta. Sa ganyang mga kaso diyan kayo mas lalong maging mga mapayapáin, mababa ang loob at maamo, bilang mga nagkaroon na ng ganyang mga birtud bilang kaugalian ng pamumuhay. Kung hindi mapangingibabawan kayo ng galit at makagagawa kayo ng kasalanan, naiiskandalo at dinadagdagan ang di-paniniwala ng mga ibig ninyong madala sa Diyos. Kung sa halip mapayapa ninyong tinatanggap ang insulto ng bilang pinalalayas, minamaliit, hinahabol, mapapasunod ninyo ang mga tao sa pamamagitan ng pinakamagandang sermon: ang tahimik na sermon ng tunay na birtud. Isang araw matatagpuan ninyo sa inyong daan ang mga kaaway ng kasalukuyan at magsasabi sila sa inyo: “Matagal na namin kayong hinahanap sapagkat ang inyong ikinikilos ay nakumbinsi kami tungkol sa Katotohanan na inyong binabalita. Pakiusap na patawarin kami at tanggapin ninyo kami bilang inyong mga disipulo. Sapagkat hindi namin nalalaman kung sino kayo noon, ngunit ngayon nalalaman na namin na kayo ay mga santo. At kung kayo ay mga santo, maaaring kayo ang mga mensahero ng isang santo, at kami ngayon ay naniniwala na sa Kanya”. Ngunit kapag iniiwanan ang bayan o ang bahay kung saan kayo hindi tinanggap, ipagpag ang alikabok sa inyong mga sandalyas, upang ang pagmamalaki at kagaspangan ng lugar na iyon ay sana hindi kumapit kahit na sa inyong mga suwelas. Sinasabi Ko sa inyong totoo: “Sa Katapusan ng Mundo ang Sodom at Gomorrah ay haharapin nang hindi kasing higpit”.

Ngayon: ipadadala Ko kayo katulad ng mga tupa sa pagitan ng mga lobo. Maging, kung gayon, kasing tuso katulad ng mga ahas subalit kasing di-nakapananakit katulad ng mga kalapati. Sapagkat nalalaman ninyo kung gaano ang mundo, kung saan totoong mas maraming lobo kaysa tupa, tinatrato rin Ako, at Ako ang Kristo. Naipagsasanggalang Ko ang Aking Sarili sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan at gagawin Ko ang ganyan hanggang sa oras ng pagdating ng pansamantalang pananagumpay ng mundo. Ngunit hindi ninyo taglay ang kapangyarihang iyan at mangangailangan kayo ng mas malaking kahinahunan at kasimplehan. Kung gayon mas malaking katalasan din, upang maiwasan na mahagupit at maikulong pansamantala.

Sa katunayan, sa kabila ng inyong sinasabi na payag kayong padaluyin ang inyong sariling dugo alang-alang sa Akin, wala kayong kakayahan sa kasalukuyan na harapin ang isang mapanuya at galit na sulyap. Ngunit ang araw ay darating kung kailan kayo ay magiging kasing lakas ng mga bayani laban sa mga pang-uusig, kahit mas malakas pa sa mga bayani at ang inyong kabayanihan, na hindi masakyan o maipaliwanag, ay tatawaging: “kabaliwan”. Hindi, iyan ay hindi magiging kabaliwan! Iyan ay magiging ang pagkakakilanlan, sa pamamagitan ng pagmamahal, ng tao kasama ang Tao-Diyos, at magagawa ninyo kung ano ang Aking nagawa na. Upang maintindihan ang kabayanihang ito kinakailangan na makita ito, pag-aralan ito at husgahan ito mula sa makalangit na lebel. Sapagkat ito ay isang bagay na sobrenatural na lampas sa lahat na mga limitasyon ng kalikasan ng tao. Mga hari, ang mga hari ng espiritu ay ang magiging Aking mga bayani, magpakailanman mga hari at mga bayani…

Sa mga araw na iyan aarestuhin kayo nila, maglalapat sila ng mga kamay sa inyo, kakaladkarin kayo nila sa harapan ng mga korte, ng mga komandante ng garison, ng mga hari, upang kayo ay husgahan at isumpa para sa malaking kasalanan, sa harapan ng mga mata ng mundo, ng pagiging mga lingkod ng Diyos, mga ministro at mga tagapag-alaga ng Kabutihan, mga guro ng birtud. At para sa gayon ding rason kayo ay ipahahagupit at parurusahan sa maraming pamamaraan at kahit ipapatay pa. At magbibigay kayo ng testimonya tungkol sa Akin sa mga hari, sa mga komandante ng garison, sa mga nasyon, nagsasalita sa pamamagitan ng inyong dugo na mahal ninyo ang Kristo, ang Totoong Anak ng Totoong Diyos.

Kapag kayo ay nasa kanilang mga kamay huwag mag-alala kung ano ang inyong itutugon at kung ano ang kailangan ninyong sabihin. Huwag mamighati pagdating niyan para sa sinuman, bagkus para sa hukom at sa mga nag-aakusa na nailigaw ni Satanas hanggang sa punto na maging bulag sa Katotohanan. Bibigyan kayo ng mga salita na inyong sasabihin sa oras na iyan. Ang inyong Ama ay ilalagay ang mga ito sa inyong mga labì sapagkat hindi kayo ang magsasalita upang mabago ang kalooban ang mga tao sa inyong Pananampalataya at maihayag ang Katotohanan, bagkus ang Espiritu ng Ama ang magsasalita sa loob ninyo.

Ang kapatid diyan ay pagtataksilan ang kapatid sa kamatayan, at ang ama ang kanyang anak, at ang mga anak ay maghihimagsik laban sa kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Huwag magulat o maiskandalo! Sabihin sa Akin: ayon sa inyo mas malaki bang krimen ang pumatay ng isang ama, ng isang anak, ng isang kapatid, o ng Diyos Mismo?»

«Ang Diyos ay hindi maaaring patayin» matalas na tugon ni Judas Iskariote.

«Totoo iyan. Siya ay isang walang-pagkalupig na Espiritu» patotoo ni Bartolomeo. At ang iba bagama't, hindi nagsasalita, ay lahat gayon din ang opinyon.

«Ako ay Diyos at Ako ay Laman» sabing kalmante ni Jesus.

«Walang nag-iisip na patayin Kayo» balik-sabi ng Iskariote.

«Pakiusap na tumugon sa Aking tanong.»

«Siyempre, mas malalang krimen ang pumatay sa Diyos!»

«Bueno: ang Diyos ay papatayin ng tao, sa Laman ng Tao-Diyos at sa kaluluwa ng mga mamamatay-tao ng Tao-Diyos. Kung gayon, sa dahilan na sila ay aabot hanggang sa gawin ang krimen na iyan, na hindi ang mga mamamatay-tao nahihintakutan nito, kung kaya’t ang mga krimen ng mga ama, ng mga kapatid at mga anak, laban sa mga anak, sa mga kapatid at mga ama ay magagawa.

Kayo ay kapopootan ng lahat ng tao dahil sa Aking Pangalan. Ngunit siya na tatayong matatag hanggang sa katapusan ay maliligtas. At kapag kayo ay inusig sa isang bayan, manilungan sa susunod na bayan. Hindi dala ng karuwagan, bagkus upang mabigyan ng panahon ang bagong-panganak na Simbahan ng Kristo na marating ang edad, hindi edad ng isang mahinang walang-kakayahan na di pa naibibitaw na bata, bagkus ng isang mas matanda ang edad kung saan mahaharap nito ang buhay at kamatayan na hindi natatakot ng Kamatayan. Hayaan na makaalis at mga pinapayuhan ng Espiritu na umalis. Katulad na Ako ay umalis nang Ako ay isa pa lamang bata. Totoo, ang lahat ng pagbabagu-bago ng kapalaran ng Aking makalupang pamumuhay ay mauulit sa Aking Simbahan. Lahat ito. Mula sa misteryo ng pagbubuo nito hanggang sa kaabahan ng unang mga panahon nito, hanggang sa pangangambala at mga patibong dala ng malulupit na mga tao, hanggang sa pangangailangan na makaalis upang makapagpatuloy na mamuhay, mula sa kasalatan at walang-tigil na pagtatrabaho, hanggang sa marami pang pangyayari na Aking ikinabubuhay ngayon, na Aking ipaghihirap pagdating ng araw, bago marating ang Aking eternal na tagumpay. Sa kabilang dako hayaang manatili ang mga pinapayuhan ng Espiritu na manatili. Sapagkat kahit na kung sila ay mapatay sila ay mabubuhay at magiging may-pakinabang sa Simbahan. Sapagka’t anuman ang ipayo ng Espiritu, ay laging mabuti.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na kayo at ang mga susunod sa inyo ay hindi pa mapupuntahan ang lahat na daan at lahat na mga bayan sa Israel bago dumating ang Anak ng Tao. Sapagkat gawa ng nakapanghihilakbot na kasalanan nito ang Israel ay maikakalat ng ipu-ipo katulad ng ipa, at maikakalat sa buong daigdig at mga daan-daan at mga libu-libong mga taon ang daraan bago ito maipon muli sa hapag-giikan ni Araunah ang Jebusite. Sa tuwing tatangkain ng Israel na magkasama-sama, bago ang itinakdang oras, mahuhuli itong muli ng ipu-ipo at ikakalat, sapagkat ang Israel ay kinailangan na umiyak para sa kasalanan nito para sa kasing dami ng mga siglo katulad ng mga patak ng dugo na dadaloy mula sa mga ugat ng Kordero ng Diyos Na isinakripisyo para sa mga kasalanan ng mundo. At ang Aking Simbahan, na hahampasin ng Israel sa Akin at sa Aking mga apostol at mga disipulo, ay kailangan na ibuka ang makainang mga bisig nito at sikapin na ipunin ang Israel sa ilalim ng manta nito, katulad ng ginagawa ng isang naglilimlim na inahin na manok sa kanyang mga sisiw. Kapag ang buong Israel ay nasa ilalim na ng manta ng Simbahan ni Kristo, diyan Ako darating. Ngunit iyan ay para sa hinaharap. pagusapan natin ang kasalukuyan.

Tandaan na ang disipulo ay hindi superior sa kanyang Tagapagturo, o ang alipin sa kanyang Panginoon. Sapat na para sa disipulo na maging katulad ng kanyang Tagapagturo, na isa nang di-minarapat na karangalan; at para sa isang alipin na maging katulad ng Kanyang Panginoon, at iyan ay isang sobrenatural na kagandahang-loob na pagkalooban kayo nito. Kung kanilang tinawag ang Maybahay na lalaki na Beelzebub, ano ang kanilang hindi sasabihin sa sambahayan? At ang mga alipin ba ay makapag-aalsa, kung ang Maybahay na lalaki ay hindi nagrerebelde, hindi napopoot o nanunumpa, subalit kalmante sa kanyang katarungan siya ay nagpapatuloy na magtrabaho, ipinaliliban ang paghuhukom sa ibang araw, kapag nakita na niya sila na matigas ang ulo sa Kasamaan, pagkatapos na sinubukan niya na kumbinsihin sila? Hindi. Ang mga alipin ay hindi magagawa kung ano ang hindi ginagawa ng Panginoon, bagkus magagaya nila Siya, tinitingnan na sila ay mga makasalanan, samantalang Siya ay walang kasalanan. Kung gayon, huwag matakot sa mga tatawag sa inyo na “mga dimonyo”. Ang katotohanan ay malalaman isang araw pagkatapos ito ay magiging malinaw kung sino ang “dimonyo”, kung ito ay kayo o sila.

Walang nakatago na hindi mabubulgar, at walang lihim na hindi malalaman. Kung ano ang Aking sinasabi sa inyo ngayon sa dilim at palihim, sapagkat ang mundo ay hindi karapat-dapat na malaman ang lahat na mga salita ng Salita, hindi pa ito karapat-dapat niyan at hindi pa panahon na sabihan ang mga hindi karapat-dapat, kapag ang panahon ay dumating na kung kailan ang lahat ay malalaman na, sabihan sa loob ng sikat ng araw, iproklama mula sa mga tuktok ng mga bahay kung ano ang Akin ngayong mas ibinubulong sa inyong mga kaluluwa kaysa sa inyong mga tainga. Sapagkat ang mundo pagdating ng araw na iyan ay nabinyagan na sa Dugo at magkakaroon na ng isang bandila laban kay Satanas na ang mundo, kung gugustuhin nito, ay maiintindihan nito ang mga lihim ng Diyos, habang si Satanas ay hindi na makapanunugat kaninuman maliban ang gustong makagat niya at mas gugustuhin pa ang kanyang kagat kaysa sa Aking halik. Ngunit ang karamihan ng mundo ay hindi gugustuhin na makaintindi. Tanging ang isang minoridad lamang ang magugustong makaintindi ng lahat upang masundan ang lahat ng Aking Doktrina. Hindi na bale. Sa dahilan na hindi posibleng maihiwalay ang minoridad na iyan mula sa di-makatarungang masa, ituro pa rin ang Aking Doktrina mula sa mga tuktok ng mga bahay, ituro ito mula sa mga tuktok ng mga bundok, sa walang-hangganang mga karagatan, sa mga bituka ng lupa. Kahit na kung ang mga tao ay hindi makikinig dito, ang mga ibon at mga hangin, ang mga isda at mga alon ay pupulutin ang dibinong mga salita at ang mga bituka ng lupa ay itatago ang mga alingawngaw nito upang ulitin ito sa mga bukal na nasa ilalim ng lupa, mga mineral at mga metal, at lahat sila ay magsasaya sa mga ito, sapagkat sila ay mga nilikha rin ng Diyos upang maging tuntungan ng Aking mga paa at lugod sa Aking puso.

Huwag matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit hindi mapatay ang kaluluwa, katakutan sa halip ang makakakuha ng inyong kaluluwa at ikakabit ito sa Katapusan ng Mundo sa inyong katawan na ibinangon mula sa kamatayan, upang itapon na magkasama sa apoy ng Impiyerno. Huwag matakot. Ang dalawa bang ibong pipit ay hindi ipinagbibili sa isang pera? Subalit, kung ang inyong Ama ay hindi ito pahihintulutan, wala ni isa sa kanila ang mahuhulog sa lupa sa kabila ng lahat ng mga patibong ng tao. Kung kaya’t huwag matakot. Ang Ama ay kilala kayo. Ang bawat buhok sa inyong ulo ay alam Niya. At kayo ay mga mas mahahalaga pa kaysa sa maraming ibong pipit! At sasabihin Ko sa inyo na kung may sinuman na kikilalanin Ako sa presensya ng mga tao, kikilalanin Ko siya sa presensya ng Aking Ama Na nasa Langit. Ngunit ang isa na di Ako kinikilala sa harapan ng presensya ng mga tao, hindi Ko siya kikilalanin sa presensya ng Aking Ama. Ang kilalanin ibig sabihin ang sumunod at magsabuhay; ang di-kilalanin ang ibig sabihin iabandona ang Aking daan dala ng karuwagan, o gawa ng tripleng pagkakiling sa pagkakasala, o hamak na kalkulasyon, o pagkakadikit sa isang kamag-anak na sumasalungat sa Akin. Sapagkat iyan ay mangyayari.

Huwag akalain na Ako ay pumunta upang magdala ng kapayapaan sa lupa at para sa lupa. Ang Aking kapayapaan ay mataas sa makasariling mga kasunduang pampayapaan para sa pang-araw-araw na mga pandaraya. Hindi kapayapaan ang Aking ipinunta para dalhin, bagkus isang espada. Isang matalas na espada upang putulin ang baging nagpipigil sa mga tao sa putik at mabuksan ang daan para sa sobrenatural na mga paglipad. Ako ay naparito upang iharap ang isang tao laban sa kanyang ama, ang isang anak na babae laban sa kanyang ina, ang isang manugang-na-babae laban sa kanyang biyanang babae. Sapagkat Ako ay Siya na naghahari at may bawat karapatan sa Kanyang nasasakupan. Sapagkat walang sinuman ang mas dakila kaysa sa Akin kung tungkol sa karapatan ng mga damdamin. Sapagkat ang lahat na pagmamahal ay nakasentro sa Akin at nagiging sa gayon mataas: Ako ay Ama, Ina, Asawa, Kapatid, Kaibigan, at minamahal Ko kayo bilang ganyan at bilang ganyan Ako ay dapat na mahalin. At kapag sinabi Ko: “Gusto Ko”, walang pagkakatali ang makapagpipigil at ang kaluluwang iyan ay Akin. Nilikha Ko iyan kasama ang Ama, inililigtas Ko iyan sa pamamagitan ng Aking Sarili, kung kaya’t may karapatan Akong mapasa-Akin iyan.

Ang tunay na mga kaaway ng tao ay mga tao, maliban sa mga dimonyo; at ang mga kaaway ng bagong tao, ng Kristiyano, ay ang kanyang mga kamag-anak sa bahay, kasama ang kanilang mga reklamo, kanilang mga pananakot o ang kanilang mga pagsamo. Ngunit mula ngayon sinuman ang mas ginugusto pa ang kanyang ama at ina kaysa sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin; siya na mas gusto pa ang kanyang anak na lalaki o babae kaysa sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin. Siya na hindi nagbubuhat ng kanyang krus araw-araw, komplikadong katulad nito, gawa sa pagpapaubaya, resignasyon, pagsunod, kabayanihan, kapighatian, pagkakasakit, pagluluksa, gawa sa kahit na ano na nagbubunyag sa kalooban ng Diyos o ng isang pagsubok sa tao, at hindi sumusunod na dala ito sa Aking mga yapak, ay hindi karapat-dapat sa Akin. Sinuman ang pinahahalagahan ang makalupang pamumuhay nang higit pa kaysa sa espirituwal na pamumuhay, ay mawawalan ng totoong Buhay. Sinuman ang nawawalan ng kanyang makalupang pamumuhay alang-alang sa Akin, ay makatatagpo ng isang eternal na masayang pamumuhay.

Sinuman ang tumatanggap sa inyo, tinatanggap Ako. Siya na tumatanggap sa Akin tinatanggap Siya Na nagpadala sa Akin. Ang sinuman na tumatanggap sa isang propeta bilang isang propeta, ay tatanggap ng gantimpala proporsiyonado sa karidad na inialok sa propeta, siya na tumatanggap sa isang makatarungang tao sapagkat siya ay makatarungan, ay tatanggap ng premyo proporsiyonado sa makatarungang tao. At rason ay siya na kumikilala sa isang propeta bilang ganyan, ay maaaring isang propeta mismo, ibig sabihin, napakabanal sapagkat siya ay taglay sa mga bisig ng Espiritu ng Diyos; at siya na kikilala sa isang makatarungang tao bilang ganyan ay pinatutunayan na siya mismo ay makatarungan, sapagkat ang magkakatulad na mga kaluluwa ay kilala ang isa’t isa. Kung gayon, ang bawat isa ay bibigyan ng gantimpala ayon sa hustisya.

At siya na nagbigay ng isang baso ng purong tubig sa isa ng Aking mga lingkod, kahit na kung siya ay ang pinakamaliit sa lahat – at mga lingkod ni Jesus ang lahat na Siya ang itinuturo sa pamamagitan ng kanilang banal na pamumuhay, at maaaring mga hari o mga pulubi, marurunong na tao o mga tao na walang nalalaman, matatandang tao at mga sanggol, sapagkat ang lahat na edad at lahat na grupo ay maaaring maging Aking mga disipulo – siya na nagbigay sa isang disipulo Ko ng kahit na isang baso ng tubig sa ngalan Ko at dahil siya ay Aking disipulo, sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ay hindi aalis na walang gantimpala.

Ako ay nakatapos na. Ngayon tayo ay magdasal at umuwi. Kayo ay aalis sa pagsikat ng araw ayon sa sumusunod: Si Simon ni Jonah kasama si Juan, si Simon Zealot kasama si Judas Iskariote, Si Andres kasama si Mateo, si Santiago ni Alfeo kasama si Tomas, si Felipe kasama si Santiago ni Zebedeo, ang Aking kapatid na si Judas kasama si Bartolomeo . Iyan ay para sa linggong ito. Bibigyan Ko kayo ng bagong mga tagubilin saka na. Tayo ay magdasal.

At sila ay nagdarasal sa malakas na mga tinig…

300511 

 


Sunod na kabanata