265. Si Juan Bautista Pinadala ang Kanyang mga Disipulo Upang Tanungin si Jesus Kung Siya ang Mesiyas.

Agosto 29, 1945.

Si Jesus ay nag-iisa kasama si Mateo, na, bilang nasaktan ang kanyang paa, hindi nakaalis at nakapagturo kasama ng iba. Ang mga inbalido at mga tao na nananabik na mapakinggan ang doktrina ng Ebanghelyo ay nagsiksikan sa terasa at sa libreng lugar ng pangkusinang-hardin, upang pakinggan si Jesus at tumanggap ng tulong.

Si Jesus ay tinatapos ang pagsasalita nagsasabing: «Napagnilayan natin nang magkakasma ang dakilang pangungusap ni Solomon: “Ang pinakadakilang lakas ay nakasalalay sa pagkakaroon ng labis na hustisya” at ngayon Akin kayong hinihikayat na magkaroon ng ganyang kalabisan ng hustisya, sapagkat iyan ay pera upang makapasok sa Kaharian ng Langit. Maging kasama ng Aking kapayapaan at sana mapasainyo ang Diyos.» Pagkatapos Kanyang hinarap ang mga mahihirap at ang mga may sakit – sa maraming kaso ang parehong tao ay kapwa mahirap at may sakit – at Siya ay may-kabaitan na nakikinig kung ano ang kanilang sinasabi sa Kanya, tumutulong Siya sa pamamagitan ng pera, nagpapayo ng mga salita, nagpapagaling sa kanila sa pagpapataw ng Kanyang mga kamay at sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Si Mateo, na nasa tabi Niya, ay siyang namamahala ng limos sa pera.

Si Jesus ay maasikasong nakikinig sa isang mahirap na balo na umiiyak pinaaalam sa Kanya ang biglaang pagkamatay ng kanyang asawa, na isang karpintero, sa kanyang mesang pagawaan, mga ilang araw pa lamang ang nakararaan: «Ako ay tumakbo rito hinahanap Kayo, at ang lahat na kamag-anak ng aking namatay na asawa ay inaakusahan ako ng pagiging pabaya at may matigas-na-puso at ngayon ako ay kanilang isinusumpa. Ngunit ako ay pumunta rito sapagkat alam ko na Kayo ay nakapagpapabangon ng mga tao mula sa kamatayan at nalalaman ko rin na kung natagpuan ko Kayo, ang aking asawa ay nakabangon muli. Ngunit Kayo ay wala rito… Dalawang linggo na siyang nailibing… at ako ay naririto kasama ang aking limang anak… Ang aming mga kamag-anak ay kinapopootan ako at hindi ako tinutulungan. Mayroon akong ilan na mga puno ng olibo at mga baging. Ang mga ito ay kakaunti lamang, ngunit magbibigay sa akin ang mga ito ng tinapay sa mga buwan ng taglamig, kung mapapanatili ko lamang ang mga ito hanggang man lamang anihan. Ngunit ako ay walang pera, sapagkat ang aking asawa ay may sakit nang matagal-tagal at nagtrabaho nang kakaunti lamang at siya ay kumakain at umiinom nang labis upang masuportahan ang kanyang sarili. Madalas niyang sabihin na ang alak ay nakakatulong sa kanya… ngunit nagdala iyon ng dobleng problema dahil pinatay siya nito at naubos nito ang lahat na naipon na pera, na kakaunti na dahil sa kanyang gawa. May tinatapos siyang isang kariton at isang baul at mayroon siyang pagawang dalawang kama, ilang mga mesa at mga istante. Ngunit ngayon… ang mga iyon ay hindi tapos at ang aking batang lalaki ay wala pang walong taong gulang. Mawawala sa akin ang pera… Kailangan kong ipagbili ang mga gamit at ang kahoy. Hindi ko maipagbibili ang kariton at ang baul nang gayon, bagama't sila ay halos tapos na, at kakailanganin kong ibigay ang mga iyon bilang panggatong. At ang pera ay hindi sasapat, sapagkat ako, ang aking matandang ina, na may sakit din, at ang limang bata ay pito lahat… ipagbibili ko ang ubasan at ang mga punong olibo… Ngunit alam naman Ninyo kung ano ang katulad ng mundo… Pipigain ka nila kapag alam nila na nangangailangan ka. Sabihin Ninyo sa akin, ano ang aking gagawin? Ibig kong maitago ang gawaan na mesa at ang mga gamit para sa aking anak na lalaki, na nakapagtatrabaho na nang kaunti sa kahoy… at ibig kong mapanatili ang lupa upang ikabuhay at bilang isang dote para sa aking mga anak na babae…»

Si Jesus ay nakikinig sa lahat ng iyon nang ang kalituhan ng pulutong ay binalaan Siya na mayroong nangyayari. Siya ay tumalikod at nakita ang tatlong lalaki na naniniko upang makaraan sa pulutong. Hinarap Niya muli ang balo upang tanungin siya: «Saan ka nakatira?»

«Sa Korazim, malapit sa daan patungo sa Warm fountain. Isang mababang bahay sa pagitan ng dalawang puno ng igos.»

«Mabuti. Ako ay pupunta at tatapusin ang kariton at ang baul at ipagbibili mo iyon sa mga nagpagawa niyon. Hintayin mo Ako bukas sa pagsikat ng araw.»

«Ano? Magtatrabaho Kayo para sa akin!» ang babae ay nabubulunan sa pagtataka.

«Ipagpapatuloy Ko ang Aking gawain at dadalhan kita ng kapayapaan. At sa pansamantala magbibigay Ako ng leksiyon tungkol sa karidad sa mga walang-puso na mga tao ng Korazim.»

«Oo! Sila ay mga walang puso! Kung ang matandang Isaac lamang ay naroroon! Hindi niya ako pababayaan na mamatay sa gutom. Ngunit siya ay bumalik na kay Abraham…»

«Huwag umiyak. Huwag mag-alala. Naririto ang iyong kakailanganin para sa ngayon. Ako ay darating bukas. Humayo sa kapayapaan.»

Ang babae ay yumuko upang halikan ang Kanyang tunika at siya ay medyo napagaanan nang siya ay umalis.

«Tatlong ulit na banal na Guro, maaari ko ba Kayong batiin?» tanong ng isa sa tatlong lalaki na kararating pa lamang at tumigil nang magalang sa likuran ni Jesus, naghihintay para sa Kanyang na paalisin ang babae, at kung gayon napakinggan ang pangako ni Jesus. Ang lalaki na bumati kay Jesus ay si Manaen.

Si Jesus ay tumalikod at ngumingiti nagsabi: «Kapayapaan sa iyo, Manaen! Kung gayon naalaala mo Ako?»

«Lagi, Guro. At ako ay nagplano na pumunta upang makita Kayo sa bahay ni Lazarus p sa Hardin ng Gethsemane at makasama Kayo. Ngunit si Juan Bautista ay nahuli bago ang Paskuwa. Siya ay nahuli muli gawa ng kataksilan at ako ay natatakot na si Herodias ay baka iutos na patayin ang banal na tao habang wala si Herodes, na pumunta sa Herusalem para sa Paskuwa. Si Herodias ay tumatangging pumunta sa Zion para sa Kapistahan nagsasabing hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. Totoo na siya ay may sakit… ng kapootan at kahalayan… Ako ay nasa Machaerus upang kontrolan ang sitwasyon at mabantayan ang masamang babae na may kakayahan na pumatay sa pamamagitan ng kanyang sariling kamay… At hindi niya ginagawa sapagkat natatakot siya na mawala sa kanya ang pagtingin ni Herodes na… kung hindi man siya natatakot siya ay kumbinsido, ay ipinagsasanggalang si Juan, pinananatili ang kanyang pagkilos sa gawing manatili lamang si Juan sa kulungan. Si Herodias ngayon ay natakasan na ang naniniil na init sa Machaerus at pumunta siya sa isang kastilyo ng kanyang sariling ari-arian. Kung kaya’t ako ay naparito kasama ang mga kaibigan kong ito at mga disipulo ni Juan. Ipinadala niya sila upang sana matanong Kayo ng ilang mga katanungan. At sumama ako sa kanila.»

Nang ang pulutong ay napakinggan ang lalaki na nagsalita tungkol kay Herodes at naintindihan nila kung sino ang nagsasalita, nagsiksikan sila sa paligid ng maliit na grupo ni Jesus at ng tatlong kalalakihan.

«Ano ang ibig ninyong itanong sa Akin?» tanong ni Jesus pagkatapos nang makipagpalitan ng pagbati sa dalawang asetikong mga personahe.

«Mas mabuti pang ikaw ang magsalita, Manaen, dahil nalalaman mo ang lahat at ikaw ay mapagkaibigan» sabi ng isa sa dalawa.

«Bueno, Guro. Kailangan na maging nagpapasyensiya Kayo kung dala ng kalabisan ng pagmamahal ang mga disipulong ito ay tumitingin nang nagsususpetsa sa Kanya Na kanilang pinaniniwalaan na siyang kalaban o ang mangangagaw ng puwesto ng kanilang panginoon. Ang Inyong mga disipulo ay ganyan din ang ginagawa pati na rin ang kay Juan. Ito ay isang mauunawaang paninibugho na nagpapatunay sa lahat na pagmamahal ng mga disipulo sa kanilang mga panginoon… Ako ay… walang-kinikilingan, at ang mga ito na kasama ko ay makapagpapatotoo tungkol diyan, sapagkat kilala ko Kayo at si Juan at minamahal ko kayong kapwa na may katarungan, upang, bagama't minamahal ko Kayo para sa kung ano Kayo, pinili kong isakripisyo ang aking sarili at manatiling kasama si Juan, sapagkat iginagalang ko rin siya para sa kung ano siya, at sa kasalukuyan, sapagkat siya ay nasa mas mapanganib na kalagayan kaysa sa Inyo. Ngayon, gawa ng kanilang pagmamahal, na pinaaapoy ng mga Pariseo sa pamamagitan ng kanilang kapootan, nakarating sila na pagdudahan na Kayo ay ang Mesiyas. At kanilang sinabihan si Juan iniisip na mapupuno nila siya ng lugod sa pagsasabing: “Sa ganang amin ikaw ang Mesiyas. Wala nang maaari pang maging mas banal pa kaysa sa Inyo”. Ngunit si Juan ay pinagalitan sila tinatawag sila una sa lahat na mga tagapaglapastangan, at pagkatapos, matapos na kagalitan sila, ipinaliwanag niya nang mas may kabaitan ang sari-sari at iba't ibang mga katotohanan na nagpapatunay na Kayo ang totoong Mesiyas. Panghuli, nang kanyang nabatid na hindi pa sila kumbinsido, kinuha niya ang dalawa sa kanila, ang mga ito rito, at nagsabi: “Pumunta sa Kanya at sabihin sa Kanya sa ngalan ko: ‘Kayo ba ang Isa Na parating, o kami ay maghihintay para sa isa pa?’”. Hindi niya pinadala ang mga pastol na mga disipulo, sapagkat naniniwala sila at walang mangyayari na sila ang ipadala. Ngunit pumili siya sa mga nagdududa na papuntahin sila sa Inyo, upang ang kanilang mga salita ay maalis ang mga pagdududa ng kanilang mga kasamahan. Dinala ko sila rito upang makita ko na rin Kayo. Iyan lang. Nakikiusap ako sa Inyo na alisin ang kanilang pagdududa.»

«Ngunit huwag Ninyong isipin na kami ay malupit sa Inyo, guro! Ang mga salita ni Manaen ay baka magawa Kayong isipin ang ganyan. Kami… kilala na namin si Juan Bautista nang maraming taon at lagi namin siyang nakikita na banal, asetiko, inspirado. Kayo… nakilala lang namin Kayo sa pamamagitan ng mga salita ng ibang mga tao. At nalalaman Ninyo kung ano ang halaga ng mga salita ng tao… Nagtatayo sila at naninira ng katanyagan at nagpupuri sa kaibhan sa pagitan ng mga nagbubunyi at ng mga nanggigiba, katulad na ang mga ulap ay napoporma at natutunaw sa pamamagitan ng magkakaibang mga hangin.»

«Alam Ko. Nababasa Ko sa inyong mga kaluluwa at ang inyong mga mata ay nababasa ang katotohanan sa kung ano ang nakapaligid sa inyo, katulad na katulad na ang inyong mga tainga ay napakinggan ang Aking pakikipagusap sa balo. Iyon ay sapat na sana na makumbinsi kayo. Ngunit sasabihin Ko sa inyo: tingnan ninyo ang mga nakapaligid sa Akin. Wala diyan mayaman, o masayahin o iskandalosong mga tao; bagkus mahihirap, may sakit, matapat na mga Israelita lamang na nananabik na makilala ang Salita ng Diyos. Wala nang iba. Ang lalaking ito, ang isang iyon, ang babaeng ito, at ang maliit na batang babaeng iyon, ang matandang lalaking iyon, ay may mga sakit nang sila ay pumunta rito, at ngayon sila ay matino at malusog. Tanungin sila at sasabihin nila sa inyo kung ano ang problema nila, papaano Ko sila pinagaling at kung ano na ang kanilang pakiramdam ngayon. Gawin iyan. At sa pansamantala Ako ay magsasalita kay Manaen» at si Jesus ay papaalis na sana.

«Hindi, Guro. Hindi namin pinagdududahan ang Inyong mga salita. Bigyan lang Ninyo kami ng katugunan na madadala kay Juan, upang sana malaman niya na kami ay nagpunta rito, at sa lakas nito sana makumbinsi niya ang aming mga kasamahan.»

«Humayo at iulat ito kay Juan: “Ang bingi ay nakarinig, ang batang babaeng ito ay dati bingi at pipi. Ang pipi ay nakapagsalita; at ang lalaking iyon ay pipi mula pa nang kanyang kapanganakan. Ang bulag ay nakakita”. Mamâ, halika rito. Sabihin sa mga taong ito kung ano ang problema mo» sabi ni Jesus kinukuha sa kamay ang isang mahimalang pinagaling na lalaki.

Ang mamâ ay nagsabi: «Ako ay isang kantero at ang isang balde na puno ng apog ay bumagsak sa aking mukha. Sinunog nito ang aking mga mata. Ako ay apat na taon na na nasa kadiliman. Ang Mesiyas ay binasa ang aking tuyong mga mata sa pamamagitan ng Kanyang laway at ito ay naging mas sariwa kaysa nang ako ay dalawampung taong gulang. Pagpalain nawa Siya para rito.»

Si Jesus ay nagpapatuloy: «At kasama ang bulag, ang bingi, ang pipi na mga pinagaling, ang lumpo ay nakalakad nang tuwid, ang pilay nakatakbo. Sa banda roon ay ang matandang lalaking iyon, kani-kanina lamang siya ay nakabaluktot, ngayon siya ay kasing tuwid ng isang puno ng palma, at kasing liksi ng isang gasela. Ang pinakamalalang mga sakit ay napagaling. Babae, ano ang problema mo kanina?»

«Ako ay may problema sa aking suso sa pagbibigay ng labis na gatas sa matatakaw na bunganga. At ang aking sakit ay kumain hindi lamang sa aking suso bagkus sa aking buhay din. Ngayon tingnan» at binubuksan ang kanyang damit pinakikita niya ang kanyang malusog na mga suso at dinagdag niya: «Sila ay iisang malaking sugat, katulad ng inyong makikita mula sa aking tunika na may mga nana pa. Ngayon ako ay uuwi na upang magbihis ng malinis na damit at ang pakiramdam ko ay malakas at ako ay masaya. Samantalang kahapon lamang ako ay namamatay at ako ay dinala rito ng maawaing mga kaibigan, at ako ay masayang-masaya… dahil sa aking mga anak na malapit nang maiwang walang ina. Eternal na papuri sa Tagapagligtas!»

«Napakinggan ninyo? At matatanong ninyo ang pangulo ng sinagoga ng bayan na ito ng tungkol sa pagkabuhay muli ng kanyang anak na babae, at sa inyong pagbabalik patungo sa Jericho, pumunta kayo sa Naim, at ipagtanong ang bata-pang lalaki na nabuhay muli sa presensya ng buong bayan nang siya ay ilalagay na nila sa kanyang libingan. Magagawa ninyo kung gayon na iulat na ang mga patay na tao ay bumangon muli mula sa kamatayan. Malalaman ninyo mula sa maraming lugar sa Israel na malaking bilang ng mga ketongin ang napagaling, ngunit kung ibig ninyong pumunta sa Sicaminon makakakita kayo ng marami kabilang sa mga disipulo, kung hahanapin ninyo sila. Sabihin kay Juan, kung gayon, na ang mga ketongin ay nalinis. At sabihin sa kanya, katulad ng inyong nakikita, na ang Ebanghelyo ay naibalita sa mahihirap. At pagpalain ang mga hindi maiiskandalo sa Akin. Sabihin ‘yan kay Juan. Sabihin sa kanya na pinagpapalà Ko siya ng lahat ng Aking pagmamahal.»

«Salamat sa Inyo, Guro. Pagpalain pati rin kami, bago kami umalis.»

«Oo, hindi kayo makaaalis sa ganitong init ng panahon. Manatili rito, kung gayon, bilang Aking mga panauhin, hanggang sa gabi. Pamumuhayan ninyo nang isang araw ang buhay ng Guro na ito Na hindi si Juan, ngunit nagmamahal kay Juan sapagkat nalalaman Niya kung sino siya. Halikayo sa bahay. Malamig doon at mapanunumbalik kayo. Paalam, Aking mga tagapakinig. Ang kapayapaan ay sumainyo» at pagkatapos na mapaalis ang pulutong pinasok Niya ang bahay kasama ang tatlong panauhin…

… Kung ano ang kanilang sinabi sa isa’t isa sa loob ng nakababanas na oras ay hindi ko alam. Ang aking nakikita na ngayon ay ang pag-alis patungong Jericho ng dalawang disipulo. Si Manaen ay tila mananatili, sapagkat hindi nila inilabas ang kanyang kabayo kasabay ang dalawang malakas na asno sa may daanan sa pader ng bakuran. Ang dalawang mensahero ni Juan, pagkatapos na yumuko nang ilang beses sa Guro at kay Manaen, ay sumakay sa kanilang mga asno at tumingin pabalik sumasaludo hanggang sila nawala sa pagliko sa isang sulok.

Maraming mga tao ng Capernaum ang nag-ipun-ipon upang makita ang pag-alis sapagkat ang balita tungkol sa pagdalaw ng mga disipulo ni Juan at ang tungkol sa tugon ni Jesus sa kanila ay kumalat sa nayon at sa palagay ko nakarating din sa kalapit na mga bayan. May nakikita akong mga tao mula sa Bethsaida at Korazim, na ipinakilala ang kanilang sarili sa mga mensahero ni Juan, nakikiusap tungkol sa kanya at na maalaala niya – sila ay baka mga disipulo ni Juan Bautista – na ngayon ay mga naguusap-usap kasama ang mga tao ng Capernaum, gumagawa ng kanilang mga komentaryo. Si Jesus ay papasok na sa bahay habang nakikipagusap kay Manaen na nasa tabi Niya. Ngunit ang mga tao ay nagsisiksikan sa paligid Niya, nananabik na makita ang kinikilalang kapatid ni Herodes at ang kanyang magalang na pakikitungo kay Jesus, at upang makausap din si Jesus.

Naroroon din si Jairus, ang pangulo ng sinagoga. Ngunit, pasalamat sa Diyos, wala ritong mga Pariseo. At itong si Jairus ang nagwika: «Si Juan ay matutuwa! Nagpadala Kayo sa kanya hindi lamang ng mahabang katugunan, bagkus, sa pagpapanatili sa kanila rito, naturuan rin Ninyo sila at nakakita sila ng isang himala.»

«At iyon ay hindi isang maliit na himala, din!» bulalas ng isang lalaki.

«Sinadya ko sa araw na ito na dalhin dito ang aking maliit na anak na babae, upang sana makita nila. Siya ay hindi pa naging ganitong napakalusog at isang malaking kaluguran para sa kanya na makalapit sa kanyang Guro. At napakinggan ba Ninyo ang kanyang tugon: “Hindi ko maalaala kung ano ang kamatayan. Ngunit naaalaala ko na ang isang anghel ay tinawag ako at dinala niya ako sa paningning nang paningning na liwanag na sa dulo nito ay naroroon si Jesus. At hindi ko Siya nakikita ngayon katulad nang nakita ko Siya noon sa pamamagitan ng aking kaluluwa na bumabalik sa akin. Kayo at ako ay ngayon nakikita ang Tao. Ngunit ang aking kaluluwa ay nakita ang Diyos Na nakasarado sa loob ng Tao”. At gaano siya naging napakabuti mula noon! Siya ay mabuti dati. Ngunit ngayon siya ay isang tunay na anghel. Ah! Masasabi nila kung ano ang ibig nila, ngunit sa ganang akin, walang ibang banal bagkus Kayo!»

«Ngunit si Juan ay banal din» sabi ng isang lalaki ng Bethsaida.

«Oo, ngunit siya ay napakamahigpit.»

«Hindi higit pa sa iba kaysa sa kanyang sarili mismo.»

«Ngunit hindi siya gumagawa ng mga himala at sinasabi nila na siya ay nag-aayuno upang maging katulad ng isang salamangkero.»

«Gayunpaman siya ay isang santo» at ang walang kuwentang pag-aaway ay kumalat sa pagitan ng pulutong.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang kamay iniuunat ito sa pangkaraniwang paghingi ng katahimikan at pakikinig kung ibig Niyang magsalita. Ang pulutong ay naging tahimik kaagad.

Si Jesus ay nagsasabi: «Si Juan ay banal at dakila. Huwag tingnan ang kanyang pamamaraan ng pagkilos o ang kakulangan ng mga himala. Sasabihin Ko sa inyong totoo: “Siya ay isang dakila sa Kaharian ng Diyos”. Siya ay magpapakita roon sa lahat ng kanyang kadakilaan.

Marami ang nagrereklamo na siya ay noon at ngayon pa rin napakamahigpit katulad na lumabas na brusko. Sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ay nakapagtrabaho katulad ng isang higante upang maihanda ang mga daan ng Panginoon. At siya na nagtatrabaho nang katulad niyan ay walang panahon para sa kalambutan. Hindi ba’t inulit niya, nang siya ay nasa tabi ng Jordan, ang mga salita ni Isaiah, na sa pamamagitan nito siya at ang Mesiyas ay hinulaan: “Gawing ang lahat na mga lambak ay mapunuan, bawat bundok at burol mapatag, gawin na ang bawat bangin maging isang kapatagan, at ang mga tagaytay isang lambak” upang maihanda ang mga daan sa Panginoon at Hari? Totoong gumawa siya nang mahigit pa kaysa ang buong Israel upang maihanda ang Aking daan! At siya na kailangan na patagin niya ang mga bundok at punuan ang mga lambak at ituwid ang mga daan at gawin ang mga tagaytay na mga kapatagan ay bagkus makapagtatrabaho nang magaspang, sapagkat siya ay ang Prekursor at pinangungunahan niya Ako nang kaunting mga buwan at ang lahat ay kailangan na magawa bago ang Araw ay mataas na sa araw ng Panunubos. At ito ang oras, ang Araw ay tumataas upang suminag sa Zion at pagkatapos sa buong mundo. Si Juan ay naihanda ang daan katulad ng kailangan niyang gawin.

Ano ang inyong ipinunta sa disyerto na makita? Isang tambo na umuundayo sa bawat direksiyon ng ihip ng hangin? Ngunit ano ang ipinunta upang makita? Isang tao na nakabalot sa pinong malambot na mga damit? Ngunit ang mga ganyan ay nakatira sa mga palasyo ng mga hari, nakasuot ng pinong mga damit at iginagalang ng maraming mga katulong at mga alalay sa korte, at sila ay mga alalay mismo ng isang mahirap na tao. Mayroong isa rito. Tanungin ninyo siya kung siya ay hindi nasusuklam ng pamumuhay sa Korte at kung kanyang hinahangaan ang nag-iisang magaspang na bato na hinahampas nang walang-mangyari ng mga kidlat at hinahagupit ng mga ulan na yelo, at laban kung kanino ang hibang na mga hangin ay nagpapakahirap na gibain ito, habang nakatayo itong matatag, ipinipilit ang buong sarili patungo sa kalangitan, ipinoproklama ang lugod ng kataasan sa pamamagitan ng tuktok nito, tuwid katulad nito at matalas katulad ng isang tumataas na apoy. Iyan ay si Juan. Ganyan kung papaano siya nakikita ni Manaen, sapagkat naintindihan niya ang katotohanan ng buhay at kamatayan at nakakakita siya ng kadakilaan kung saan nga ito naroroon, kahit na kung ito ay itago sa ilalim ng mabangis na hitsura.

At ano ang nakita ninyo kay Juan nang kayo ay pumunta upang makita siya? Isang propeta? Isang santo? Sasabihin Ko sa inyo: siya ay higit pa sa isang propeta. Siya ay higit pa sa maraming mga santo, sapagkat siya ay ang isa ng tungkol kung kanino ito ay isinulat: “Tingnan, ipadadala Ko ang aking anghel upang ihanda ang Iyong daan sa harapan Mo”. Anghel. Isipin ito. Nalalaman ninyo na ang mga anghel ay purong mga espiritu nilikha ng Diyos sa Kanyang espirituwal na kalarawan at inilagay bilang isang kawing sa pagitan ng tao, ang perpeksiyon ng nakikita at materyal na nilikha, at ng Diyos, ang Perpeksiyon ng Langit at Lupa, tagapaglikha ng espirituwal na Kaharian at ng kaharian ng hayop. Kahit na sa pinakabanal na tao ay laging mayroong laman at dugo na pumoporma ng isang kalaliman sa pagitan niya at ng Diyos. At ang kalaliman ay lumalala sa ilalim ng bigat ng kasalanan na nagpapabigat din sa kung ano ang espirituwal sa loob ng tao. Kung kaya’t ang Diyos ay nilikha ang mga anghel, mga nilikha na umaabot sa ituktok ng sukatan ng sangnilikha, katulad na ang mga mineral ay nasa pinakailalim, mga mineral bilang ang mga alikabok na pumoporma sa lupa at mga di-organiko na mga materyal sa pangkalahatan. Sila ay mga malinaw na mga salamin ng Kaisipan ng Diyos, sumasang-ayon na mga apoy na tumatrabaho dala ng pagmamahal, nakahandang makaintindi, mabilis sa pagkilos, malaya sa pagloob katulad natin, ngunit ang kanilang ganap na banal na kalooban ay hindi pinapansin ang rebelyon at panggaganyak ng kasalanan. Ganyan ang mga anghel na sumasamba sa Diyos, Kanyang mga mensahero sa mga tao, ating mga protektor, na nagkakaloob sa atin ng Liwanag na sumisinag sa kanila at ng Apoy na kanilang naiipon habang sumasamba.

Si Juan ay tinawag na “anghel” ng propetikong salita. At sasabihin Ko sa inyo: “Sa lahat na mga anak na ipinanganak ng mga babae, ang mas dakila pa kay Juan bautista ay hindi kailanman nakita”. Gayunpaman ang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit ay magiging mas dakila pa kay Juan-tao. Sapagkat ang isa sa Kaharian ng Langit ay isang anak ng Diyos at hindi ng babae. Pagsikapan kung gayon na maging mga mamamayan ng Kaharian.

Ano ang inyong mga itinatanong sa isa’t isa?»

«Sinasabi namin: “Ngunit si Juan ba ay mapupunta sa Kaharian? At papaano siya mapupunta roon?”»

«Siya ay nasa Kaharian na sa kanyang espiritu at siya ay mapupunta roon pagkatapos ng kanyang kamatayan bilang isa sa mga pinakamaringal na mga araw ng eternal na Herusalem. At iyan dahil sa Grasya na nasa kanya na walang kahit anong diperensiya at sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban. Sapagkat siya ay dati at marahas pa rin laban sa kanyang sarili para sa isang banal na pakay. Mula kay Juan Bautista pataas ang Kaharian ng Langit ay pag-aari ng mga may kakayahan na masakop ito sa pamamagitan ng lakas na salungat sa Kasamaan, at ang marahas na kalooban ay nasasakop ito. Sapagkat ngayon ay nalalaman na kung ano ang dapat na gawin at ang lahat ay naibigay na para sa ganyang pananakop. Hindi ito ang panahon kung saan ang Batas at ang mga Propeta lamang ang nagsasalita. Sila ay nakapagsalita hanggang sa panahon ni Juan. Ngayon ang Salita ng Diyos ay nagsasalita at wala Siyang itinatago kahit isang katiting ng kung ano ang dapat na malaman para sa pananakop na ito. Kung gayon, kung kayo ay naniniwala sa Akin kailangan na tingnan ninyo siya bilang ang Elijah na siyang darating. Kung may sinuman na may mga tainga upang makarinig, gawin siyang makarinig. Anong pagsasalarawan ang makikita Ko para sa henerasyon na ito? Ito ay katulad ng mga bata na sumisigaw sa kanilang mga kasamahan habang sila ay nakaupo sa lugar ng palengke: “Kami ay tumugtog ng mga plawta para sa inyo at ayaw ninyong sumayaw, umawit kami ng mga punebre at ayaw ninyong umiyak”. Dahil si Juan ay dumating at siya ay ni hindi kumain o uminom at ang henerasyon na ito ay nagsasabi: «Nagagawa niya iyan sapagkat ang dimonyo ay tinutulungan niya”. Ang anak ng tao ay dumating, kumakain at umiinom at sila ay nagsasabi: “Naririto ang isang masiba at isang lasinggo, isang kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan”. Kung gayon ang kanyang mga anak ay binibigyan ng katarungan ang Karunungan! Sasabihin Ko sa inyong totoo na tanging ang mga bata lamang ang may kakayahan na makaunawa sa katotohanan, sapagkat walang malisya sa kanila.»

«Tama Kayo, Guro» sabi ng pangulo ng sinagoga. «Iyan kung bakit ang aking anak na babae, na wala pang malisya, ay nakikita Kayo katulad ng hindi namin Kayo nakikita. Gayunpaman ang bayan na ito at ang mga karatig-bayan ay umaapaw sa Inyong kapangyarihan, karunungan at kabaitan, at, kailangan kong tanggapin ito, sila ay umuunlad lamang sa kasamaan sa Inyo. Hindi nila baguhin ang kanilang mga pamamaraan. At ang kabutihan na ginagawa Ninyo sa kanila ay nangangasim sa pagiging kapootan laban sa Inyo.»

«Ano ang sinasabi mo, Jairus? Sinisiraan mo kami. Kami ay naririto sapagkat matapat kami sa Kristo» sabi ng isa na mula sa Bethsaida.

«Oo, tayo nga. Ngunit iilan ba tayo? Wala pang sandaan sa tatlong bayan na kailangan na nasa mga paanan ni Jesus. Sa mga wala rito, ang sinasabi ko ay ang mga kalalakihan, na kalahati ay marahas, ang isang kapat ay walang pakialam, sasabihin ko na na ang iba pa ay hindi makapupunta. Hindi ba iyan kasalanan sa mga mata ng Diyos? At ang ganyan bang kapootan at katigasan ng ulo sa kasamaan ay hindi parurusahan? Magsalita, guro, sapagkat nalalaman Ninyo, at kung Kayo ay tahimik iyan ay dala ng kabaitan, hindi ibig sabihin na hindi Ninyo nalalaman. Kayo ay mapasensya, at iyan ay napagkakamalan na kamangmangan at kahinaan. Magsalita, kung gayon at sana ang Inyong mga salita ay magising ang mga walang-pakialam man lamang, dahil ang masasama ay hindi magsisisi, bagkus sila ay pasama pa nang pasama.»

«Oo, iyan ay kasalanan. At iyan ay parurusahan. Sapagkat ang kaloob ng Diyos ay hindi kailanman dapat na kamuhian o gamitin na makagawa ng masama. Kapahamakan ang darating sa inyo, Korazim, kapahamakan ang darating sa inyo, Bethsaida, na ginagamit nang mali ang mga kaloob ng Diyos. Kung ang mga himala na ginawa sa inyo ay nangyari sa Tyre at sa Sidon, ang kanilang mga mamamayan ay nagsisi na at pumunta sa Akin matagal na nagsusuot ng mga sako na damit at nagbubudbod ng mga abo. Sasabihin Ko kung gayon na ang Tyre at Sidon ay haharapin nang mas may-habag kaysa sa inyo sa Katapusan ng Mundo. At ikaw, Capernaum, sa palagay mo ba ikaw ay papupurihan sa Langit dahil lamang binigyan mo Ako ng ospitalidad? Ikaw ay bababa sa impiyerno . Sapagkat kung ang mga himala na ibinigay Ko sa iyo ay ginawa sa Sodom, ito ay namumulaklak pa sana hanggang ngayon, dahil ito ay maniniwala sa Akin at magbabago. Kung kaya’t mas malaking habag ang ipakikita sa Sodom sa Araw ng Paghuhukom, sapagkat hindi nila nalaman ang Tagapagligtas at ang Kanyang salita, at kung gayon ang kanilang kasalanan ay hindi masyadong grabe, kaysa sa ipakikita sa iyo dahil nakilala mo ang Mesiyas at napakinggan ang Kanyang salita ngunit hindi mo binago ang iyong mga pamamaraan. Ngunit, sa dahilan na ang Diyos ay makatarungan, ang mga tao ng Capernaum, ng Bethsaida at ng Korazim na naniwala at nagiging banal sinusunod ang Aking salita, ay tatratuhin na may malaking pagka-awa. Sapagkat hindi tama para sa mga makatarungan na masangkot sa kasiraan ng mga makasalanan. Ang tungkol sa iyong anak na babae, Jairus, at ang sa iyo, Simon, at sa iyong anak na lalaki na si Zachariah, at iyong mga apo, Benjamin, sasabihin Ko sa inyo na nakikita na nila ang Diyos, sapagkat sila ay walang malisya. At nakikita ninyo kung papaano ang kanilang pananampalataya ay puro at aktibo, nakadugtong sa selestiyal na karunungan at sa mapagkawanggawang pagnanasa, na hindi taglay ng mga adulto.»

At si Jesus, tinitingnan ang kalawakan, na nagiging madilim na sa agaw-liwanag, ay bumulalas: «Pinasasalamatan Ko Kayo, Ama ng Langit at ng Lupa, sapagkat Inyong itinago ang mga bagay na ito sa marurunong at may-pinag-aralang mga tao at Inyong ipinaalam ang mga ito sa mga mabababa ang kalooban. Sapagkat iyan ang nakapagpapalugod sa Inyo. Ang lahat ay ipinagkaloob sa Akin ng Aking Ama, at walang nakakakilala sa Kanya bagkus ang Anak at ang mga pinagbunyagan nito ng Anak. At ibinunyag Ko ito sa maliliit, sa mga mabababa ang kalooban, sa mga puro, sapagkat ang Diyos ay ibinibigay ang Kanyang Sarili sa kanila, at ang katotohanan ay bumababa katulad ng binhi sa malayang lupa at ang Ama ay ibinubuhos ang Kanyang liwanag diyan upang sana iyan ay magka-ugat at tumubo. Tunay nga, ang Ama ay inihahanda ang mga kaluluwang ito ng mga bata ayon sa edad o ang mga bata ayon sa kalooban, upang sana malaman nila ang katotohanan at sana magsaya Ako sa kanilang pananampalataya.»

300511/012913

 


Sunod na kabanata