266. Si Jesus Nagtatrabaho Bilang Isang Karpintero sa Korazim.

Agosto 31, 1945.

Si Jesus ay nagtatrabaho nang masigasig sa isang pagawaan ng isang karpintero. Tinatapos Niya ang isang gulong. Ang isang maselan na malungkot na bata ay tinutulungan Siya nag-aabot ng gamit na ito o iyon sa Kanya. Si Manaen, bagama't isang walang-ginagawang mánonood, ay hinahangaan Siya nakaupo sa isang bangkito malapit sa isang pader.

Si Jesus ay inalis ang Kanyang magandang linen na tunika at isinuot ang isang mas madilim, na kitang-kita na hindi sa Kanya, dahil ito ay umaabot lamang sa kalahatian ng Kanyang mga binti. Ito ay isang overall, malinis bagama't may mga tagpi, na maaaring pag-aari ng namatay na karpintero.

Si Jesus ay pinasasaya ang bata sa pamamagitan ng mga ngiti at mababait na salita, tinuturuan siya kung ano ang kailangan niyang gawin upang maihanda ang glue nang mabuti at mapakintab ang mga panabi ng baul.

«Hindi Kayo natagalan na matapos iyan, Guro» sabi ni Manaen tumatayo at hinihipo ng kanyang isang daliri ang mga molde ng natapos na baul na pinakikintab ng bata sa pamamagitan ng isang likido.

«Iyan ay halos tapos na!...»

«Sana makuha ko ang ginawa Ninyong ito. Ngunit ang bibili ay pumunta na at tila nagkaroon na siya ng ilang karapatan… Napalungkot Ninyo siya. Umaasa siya na makukuha niya ang lahat upang masuklian ang kaunting pera na kanyang ipinahiram. Ngayon kailangan niyang kunin ang kanyang mga gamit at wala nang iba. Kung siya ay isang naniniwala sa Inyo… Ang mga ito ay magiging isang walang-katumbas na halaga sa kanya. Ngunit napakinggan ba Ninyo?...»

«Hayaan mo siya. Sa kabilang dako may ilang mga kahoy dito, at ang babae ay malulugod na gamitin ang mga iyan at kumita nang kaunti. Magbigay ka ng order para sa isang baul at gagawin Ko iyan para sa iyo…»

«Totoo, Guro? Talaga bang ibig pa Ninyong magtrabaho?»

«Hanggang wala nang kahoy na matira. Ako ay isang maingat na manggagawa» nagsasalita Siyang ngumingiti nang prangko.

«Isang baul na ginawa Ninyo! O! Anong isang alaala! Ngunit ano ang aking ilalagay sa loob niyan?»

«Kahit na anong maibigan mo, Manaen. Iyan ay isang baul lamang.»

«Ngunit ginawa Ninyo!»

«Kung gayon? Ang Ama ay ginawa rin ang tao., ginawa Niya ang lahat na mga tao. At ano ang inilagay ng tao sa loob ng sarili niya, ano ang inilalagay ng mga tao sa sarili nila?» si Jesus ay nagsasalita habang nagtatrabaho, pakilus-kilos sa paligid naghahanap ng kakailanganing mga gamit, naghihigpit ng mga gato, nagbabarena, nag-iikot, ayon sa kung ano ang kailangan.

«Naglagay kami ng mga kasalanan sa aming sarili. Totoo iyan.»

«Kita mo! At makatitiyak ka na ang tao na nilikha ng Diyos ay mas mahalaga pa kaysa sa isang baul na ginawa Ko. Huwag kailanman paghaluin ang mga bagay at mga kilos. Ang Aking baul ay gawin mo lamang isang alaala para sa iyong kaluluwa.»

«Ibig sabihin?»

«Ibigay mo sa iyong espiritu ang turo na nakuha mo mula sa kung ano ang Aking ginawa.»

«Ang Inyong karidad, kababaang-loob, aktibidad, pagkatapos… Ang mga birtud na ito, tama ba iyon?»

«Oo. At gawin mo rin ang ganyan sa hinaharap.»

«Oo, Guro. Ngunit gagawan ba Ninyo ako ng isang baul?»

«Oo, gagawan kita. Ngunit sa dahilan na tinitingnan mo pa rin iyan na isang alaala, pagbabayarin kita para diyan bilang alaala. Kung gayon masasabi nila na minsan man lamang Ako ay naging sakim sa pera… Ngunit nalalaman mo kung para kanino ang pera… Para sa maliliit na mga ulilang ito…»

«Sabihin Ninyo sa akin anuman ang gusto Ninyo. Ibibigay ko ito sa Inyo. Mapangangatwiranan man lang niyan ang aking paupu-upo rito habang Kayo, ang anak ng Diyos, ay nagtatrabaho.»

«Sang-ayon: “Na may pawis sa iyong kilay, kakainin mo ang iyong tinapay”.»

«Ngunit iyan ay sinabi para sa nagkasalang tao. Hindi para sa Inyo!»

«O! Isang araw Ako ay magiging ang Nagkasalang Isa at mapupunta sa Akin ang lahat na mga kasalanan ng mundo. Isasama Ko iyan pag-alis Ko, sa una Kong pag-alis.»

«At sa palagay ba Ninyo ang mundo ay hindi na ulit magkakasala?»

«Kailangan hindi na. Ngunit lagi yan magkakasala. Iyan kung bakit ang bigat na mapupunta sa Akin ay magiging isa na bumibiyak sa Aking puso. Sapagkat kailangan Kong dalhin ang mga kasalanan na ginawa mula sa panahon ni Adan pababa hanggang sa oras na iyan, at ang mga kasalanan mula sa oras na iyan hanggang sa katapusan ng mundo. Pagbabayarang-kasalanan Ko ang lahat alang-alang sa tao.»

«Gayunpaman ang tao ay ayaw Kayong maintindihan at ayaw Kayong mahalin… Sa palagay ba Ninyo ang Korazim ay lilingon sa Inyo dahil sa banal na tahimik na leksiyon na ibinibigay Ninyo sa pamamagitan ng trabahong ginagawa Ninyo para matulungan ang isang pamilya?»

«Hindi, hindi sila lilingon. Sasabihin nila: «Mas ginusto Niyang magtrabaho para patayin ang oras at itago ang pera para sa Kanyang sarili”. Ako ay wala nang pera. Naibigay Ko na ang lahat. Lagi Kong binibigay ang lahat na mayroon Ako, hanggang sa huling maliit na sentimos, at Ako ay nagtrabaho upang ipamigay ang pera.»

«At papaano ang pagkain para sa Inyo at kay Mateo?»

«Maibibigay iyan ng Diyos.»

«Ngunit binigyan Ninyo kami ng makakain.»

«Siyempre.»

«Papaano Ninyo nagawa iyon?»

«Tanungin mo ang maybahay.»

«Gagawin ko, kaagad kapag nakabalik na tayo sa Capernaum.»

Si Jesus ay ngumingiti nang malumanay sa Kanyang magandang balbas.

Sa katahimikan na sumunod tanging ang pag-agitit lamang ng gato na naghihigpit sa dalawang piraso ng isang gulong ang maririnig.

Pagkatapos si Manaen ay nagtanong: «Ano ang Inyong iniisip na gagawin Ninyo bago ang Sabbath?»

«Pupunta Ako sa Capernaum at maghihintay sa mga apostol. Nagpasya kami na magkita tuwing bispiras ng Sabbath at magkasama-sama sa araw ng Sabbath. Pagkatapos bibigyan Ko sila ng mga tagubilin, at kung si Mateo ay magaling na magkakaroon ng anim na dalawahan na lalabas para mag-ebanghelyo. Kung hindi… Ibig mo bang sumama sa kanila?»

«Mas gusto ko pang makasama Kayo, Guro… Ngunit maaari ko ba Kayong bigyan ng isang payo?»

«Sabihin mo sa Akin. Tatanggapin Ko iyan kung iyan ay makatarungan.»

«Huwag kailanman na Kayo ay nag-iisa. Marami Kayong mga kaaway, Guro.»

«Alam Ko. Ngunit sa palagay mo ba ang mga apostol ay malaking tulong, kung sakaling may piligro?»

«Minamahal Kayo nila, sa palagay ko.»

«Siyempre. Ngunit iyan ay hindi makakatulong. Kung ang Aking mga kaaway ay iniisip na hulihin Ako, sila ay darating na may mas malaking puwersa kaysa ng mga apostol.»

«Hindi na bale. Huwag Kayong mag-isa.»

«Sa loob ng dalawang linggo maraming disipulo ang sasama sa Akin. Ihahanda Ko sila upang ipadala rin sila na mag-ebanghelyo. Hindi na Ako magiging nag-iisa. Huwag mag-alala.»

Habang sila ay naguusap nang gayon, maraming mausyusong mamamayan ng Korazim ang dumating upang tingnan sila at pagkatapos umalis na hindi nagsasalita.

«Sila ay nagtataka nakikita Kayo na nagtatrabaho.»

«Oo. Ngunit hindi sila mababa ang loob na magsabi: “Ganyan Siya kung papaano kami turuan”. Ang pinakamabubuti na nagkaroon Ako rito ay kasama ang mga disipulo, maliban sa isang matandang lalaki na namatay. Hindi na bale. Ang isang leksiyon ay laging isang leksiyon.»

«Ano ang sasabihin ng mga apostol kapag malaman nila na Kayo ay nagtatrabaho?»

«Sila ay labing-isa, sapagkat si Mateo ay nasabi na ang kanyang iniisip. Magkakaroon ng labing-isang magkakaibang opinyon. At karamihan sa kanila ay sasalungatin Ako. Ngunit makakatulong ito sa Akin upang maturuan sila.»

«Papayagan ba Ninyo ako na sumama sa leksiyon?»

«Kung ibig mong manatili…»

«Ngunit ako ay isang disipulo, sila ay mga apostol.»

«Kung ano ang mabuti para sa mga apostol ay magiging mabuti rin para sa isang disipulo.»

«Baka sumama ang loob nila na pinaaalalahanan kung ano ang hustisya, sa presensya ko.»

«Makabubuti iyan para sa kanilang kababaang-loob. Manatili, Manaen. Kusa kitang pinananatiling kasama Ko.»

«At ako ay kusang sumasama sa Inyo.»

Ang babae ay ipinakita ang kanyang sarili at nagsabi: «Ang Inyong pagkain ay handa na, Guro. Ngunit Kayo ay nagtatrabahong labis…»

«Kinikita Ko ang Aking tinapay, babae. At… Naririto ang isa pang magpapagawa. Gusto rin niya ng isang baul. At magbabayad siya nang mabuti para diyan. Ang lugar kung saan mo tinatago ang mga kahoy ay mawawalan ng laman» sabi ni Jesus inaalis ang gastado nang apron na suot Niya, at lumalabas sa silid upang hugasan ang Kanyang Sarili sa isang palanggana na dinala ng babae para sa Kanya sa pangkusinang-hardin.

At kasama ang isa sa mga di-nakatitiyak na ngiti na lumabas ulit pagkaraan ng mahabang panahon ng matinding kapighatian, siya ay nagsabi: «Ang lugar para sa mga kahoy wala nang laman, ang bahay puno ng Inyong presensya at ang aking puso nasa kapayapaan. Hindi na ako natatakot sa bukas, guro. At Kayo… huwag matakot na baka makalimot kami sa Inyo.»

Pinasok nila ang kusina at ang lahat ay natapos.

090611

 

 

 


Sunod na kabanata