267. Si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Pagmamahal.

Setyembre 1, 1945.

Si Jesus kasama si Manaen sa tabi Niya ay lumabas sa bahay ng balo nagsasabing: «Kapayapaan sa iyo at sa iyong pamilya. Tayo ay magkikita muli pagkatapos ng Sabbath. Paalam, munting Jose. Makapaglalaro ka at magpahinga bukas, pagkatapos tutulungan mo Akong muli. Bakit ka umiiyak?»

«Natatakot ako na hindi na Kayo babalik ulit…»

«Lagi Kong sinasabi ang katotohanan. Ngunit nalulungkot ka ba nang labis na Ako ay aalis?»

Ang bata ay tumango.

Si Jesus ay hinahaplos siya nagsasabing: «Ang isang araw ay kaagad lilipas. Makakasama mo ang iyong ina at mga kapatid bukas. At makakasama Ko ang Aking mga apostol at Ako ay magsasalita sa kanila. Nang nakaraang mga araw nagsalita Ako sa iyo upang maturuan ka kung papaano magtrabaho, Ako ay pupunta na ngayon sa kanila upang maturuan sila kung papaano magturo at maging mabuti. Hindi ka magiging masayang kasama Ako, ang tanging bata kasama ng napakaraming mga lalaki.»

«O! magiging masaya ako sapagkat kasama ko Kayo.»

«Ganyan, babae! Ang iyong anak ay katulad ng marami, at sila ang pinakamabuti. Ayaw niya Akong iwanan. Maipagkakatiwala mo ba siya sa Akin hanggang makalawa bukas?»

«O! Panginoon! Ibibigay ko silang lahat sa iyo! Sila ay magiging ligtas sa Inyo katulad ng sila ay nasa Langit… At ang batang ito, na madalas kasama ang kanyang itay kaysa sa iba, ay naghirap nang labis. Kasama niya ang kanyang itay nang sandaling… Kita Ninyo?... Wala siyang ginawang iba bagkus ang umiyak at manabik sa ama. Huwag kang umiyak, anak. Sabihin mo sa Panginoon kung hindi totoo ang aking sinasabi. Guro, upang maginhawahan siya lagi kong sinasabi sa kanya na ang kanyang ama ay hindi nawala, bagkus pumunta lang sa malayo nang sandali.»

«Na siyang totoo. Iyan ay iksakto katulad ng sinasabi ng iyong ina, munting Jose.»

«Ngunit hindi ko na siya makikita muli hanggang ako ay mamatay. At ako ay isa pa lamang bata. Kung ako ay maging kasing tanda na ni Isaac, gaano katagal akong maghihintay?»

«kaawa-awang bata! Ngunit ang oras ay lumilipad.»

«Hindi, Panginoon. Ang aking ama ay patay na nang tatlong linggo, at tila napakatagal na sa akin… Hindi na ako makapagpapatuloy na wala siya…» at siya ay lumuluha nang tahimik ngunit labis na nakakaawa.

«Kita Ninyo? Siya ay laging ganyan. Lalo na kapag hindi siya abala sa isang bagay na interesado siya. Ang Sabbath ay isang pahirap. Natatakot ako na siya ay mamamatay…»

«Hindi. Mayroon Akong isa pang batang lalaki na isang ulila sa ama at ina. Siya ay nangayayat at malungkot. Ngayon, naninirahan kasama ang isang mabuting babae sa Bethsaida at nakatitiyak na siya ay nakahiwalay sa kanyang mga magulang, siya ay yumabong muli kapwa sa kanyang katawan at kaluluwa. Ganyan din ang mangyayari sa iyong anak, kapwa dahil sasabihin Ko sa kanya, at sapagkat ang panahon ay dakilang tagapagpagaling, at dahil din siya ay kakalma rin kapag makita niya na ikaw ay hindi na nag-aalala tungkol sa pang-araw-araw na pagkain. Paalam, babae. Ang araw ay lumulubog na at kailangan Ko nang umalis. Halika, Jose. Magpaalam ka na sa iyong ina, sa iyong maliliit na kapatid at pagkatapos tumakbo upang makaabot sa Akin.»

At si Jesus ay umalis.

«At ano na ang Inyong sasabihin sa mga apostol ngayon?»

«Na Ako ay mayroong matandang disipulo at isang bago.»

«Sila ay lumakad lampas sa Korazim na nagsisimula nang mabuhayan sa mga tao.

Ang isang grupo ng mga tao ay pinatigil si Jesus: «Kayo ba ay aalis? Hindi ba Kayo mananatili para sa Sabbath?»

«Hindi. Ako ay magpapatungong Capernaum.»

«Hindi Kayo nagsalita ng kahit isa sa loob ng isang linggo. Kami ba ay hindi karapat-dapat ng Inyong salita?»

«Hindi ba Ako nagbigay sa loob ng anim na araw ng pinakamabuting salita?»

«Kailan? Kanino?»

«Sa lahat. Mula sa pagawaang mesa ng karpintero. Sa loob ng maraming araw Ako ay nagtuturo na ang ating kapwa ay kailangan na mahalin at tulungan sa lahat na posibleng pamamaraan, lalo na kung ang iyong kapwa ay mahina, katulad ng mga kaso ng mga balo at mga ulila. Paalam, sambayanan ng Korazim. Pag-isipan ang leksiyon Kong ito sa araw ng Sabbath.» At si Jesus ay lumakad muli, iniiwan ang mga mamamayan nalilito.

Ngunit ang bata, na nakaabot kay Jesus tumatakbo, ay napukaw ang pag-uusisa ng mga tao na pinatigil muli ang Guro nagtatanong: «Kukunin ba Ninyo ang anak ng balo? Bakit?»

«Upang turuan siya na maniwala na ang Diyos ay isang Ama at na sa Diyos makikita niya ang kanyang nawawalang ama. At na baka mayroon din dito na naniniwala, sa lugar ng matandang Isaac.»

«May tatlong lalaki na galing sa Korazim kasama sa Inyong mga disipulo.»

«Kasama ng Aking mga disipulo. Wala rito. Ang isang ito ay mapupunta rito. Paalam.»

At na ang bata sa pagitan Niya at ni Manaen naglakad Siya nang mabilis lampas sa kabukiran patungong Capernaum, nagsasalita kay Manaen.

Narating nila ang Capernaum pagkatapos na makarating ang mga apostol. Sila ay mga nakaupo sa terasa sa lilim ng balag, sa paligid ni Mateo, na ang sugat ay hindi pa magaling, pinaaalam siya tungkol sa kanilang mga kabayanihan. Lumingon sila sa magagaang kaskas ng mga sandalyas sa maliit na hagdanan at nakita nila ang magandang ulo ni Jesus na palitaw nang palitaw mula sa maliit na pader ng terasa. Sila ay nagtakbuhan patungo sa Kanya, Na ngumingiti… at sila ay natulala nakikita ang isang kaawa-awang bata sa likuran ni Jesus. Si Manaen ay inaakyat ang mga baytang sa kanyang magarbong purong puting linen na tunika, na nagiging mas maganda pa gawa ng isang mamahaling sinturon, gawa ng tinina sa matingkad-na-pula na tunika, na napakamakintab upang magmistulang isang seda, nakabitin mula sa kanyang mga balikat katulad ng isang hilang tali, at gawa ng kanyang byssus na takip-sa-ulo na napipigilan ng isang manipis na gintong diyadema, isang may-ukit na manipis na plantsa, na naghahati sa kanyang noo at nabibigyan siya ng dating na isang Ehipsiyo. Ang kanyang presensya ay napigilan ang pagdagsa ng mga tanong na, bagaman, ay malinaw na nasasaad ng mga mata ng mga apostol. Pagkatapos na mabati ang isa’t isa, habang nakaupo malapit kay Jesus, ang mga apostol ay nagtanong: «At sino ito?» itinuturo ang bata. «Ito ang huli Kong nasakop. Ang munting si Jose, isang karpintero katulad ng dakilang si Jose, na siyang Aking ama. At kung gayon mahal-na-mahal sa Akin, katulad na Ako ay sa kanya. Tama ba iyon, munting bata? Halika rito upang sana maipakilala kita sa mga kaibigan Kong ito na ang tungkol sa kanila ay napakinggan mo na Akong nagsalita nang labis. Ito ay si Simon Pedro: ang pinakamabait na tao sa mga bata na naririyan. Ito ay si Juan: isang malaking bata na magsasalita sa iyo tungkol sa Diyos kapag naglalaro din. At ito ay si Santiago kanyang kapatid, seryoso at mabuti katulad ng mas panganay na kapatid. At ito ay si Andres, kapatid ni Simon: makakasundo mo siya kaagad, sapagkat siya ay mababa-ang-loob katulad ng isang tupa. At ito ay si Simon ang Zealot: minamahal niya nang labis ang mga walang-amang mga bata na sa palagay Ko maglalakbay sa buong mundo maghahanap para sa kanila, kung siya ay hindi Ko kasama. Pagkatapos naririto si Judas ni Simon at kasama niya nariyan si Felipe ng Bethsaida at si Natanael. Kita mo kung papaano ka nila tingnan? Sila ay may mga anak din at mahal nila ang mga bata. At naroroon ang Aking mga kapatid na sina Santiago at Judas. Minamahal nila ang lahat na minamahal Ko at kung gayon mamahalin ka nila. Ngayon pumunta tayo kay Mateo, na ipinaghihirap ang mga aguniya ng kanyang paa, subalit siya ay hindi nagagalit sa bata na naglalarong malikot nakatama sa kanya ng kanyang matalas na pangkaskas na bato. Tama ba iyon, Mateo?»

«O! hindi, Guro. Siya ba ang anak ng balo?»

«Oo, siya nga. Siya ay napakagaling, ngunit siya ay naging napakalungkot.»

«O! kaawa-awang bata! Gagawin kitang tawagin ang maliit na Santiago at kayo ay maglalaro» at si Mateo ay hinahaplos siya kinukuha siya na mapalapit sa kanya sa pamamagitan ng isang kamay.

Si Jesus ay tinapos ang introduksiyon kay Tomas, na, praktikal katulad niya, ay kinumpleto ito sa pag-alok sa bata ng isang buwig ng ubas na kanyang pinitas sa balag.

«Ngayon kayo ay magkakaibigan na» hinuha ni Jesus, nauupo muli habang ang bata ay kinakain ang kanyang mga ubas tumutugon kay Mateo na pinananatili siyang malapit sa kanya.

«Ngunit saan Kayo nagpunta nang nag-iisa nang buong linggo?»

«Sa Korazim, Simon ni Jonah.»

«Alam ko. Ngunit ano ang Inyong ginawa? Pumunta ba kayo kay Isaac?»

«Si Isaac na ang nakatatanda ay patay na.»

«Kung gayon?»

«Hindi ba sinabi sa inyo ni Mateo?»

«Hindi. Sinabi lamang niya na Kayo ay nasa Korazim mula pa nang kami ay umalis.»

«Si Mateo ay mas magaling kaysa sa iyo. Nakapananahimik siya, ngunit hindi mo mapigil ang iyong pag-uusyuso.»

«Hindi lamang ang akin. Ang sa lahat.»

«Bueno: pumunta Ako sa Korazim upang magturo ng makatotohanang karidad.»

«Makatotohanang karidad? Ano ang ibig Ninyong sabihin?» tanong ng marami.

«May isang balo sa Korazim na may limang anak at isang matandang may sakit na babae. Ang kanyang asawa ay bigla na lamang namatay sa kanyang pagawaang mesa, nag-iiwan ng paghihirap at di-tapos na mga pagawa. Ang Korazim ay hindi nakakita ng isang katiting na habag para sa di-masayang pamilya na iyon. Pumunta Ako upang tapusin ang trabaho at…»

Nagkaroon ng kagulo. Ang iba ay nagtatanong, ang iba nagpoprotesta, ang iba kinagagalitan si Mateo sa pagpapahintulot nito, ang iba humahanga at iba namumuna. Ang masama ang karamihan ay nagpoprotesta o namumuna.

Si Jesus ay pinabayaan na kumalma ang bagyo katulad nang ito ay nagsimula at bilang isang tugon sinabi Niya: «Ako ay babalik sa araw pagkatapos ng bukas. At gagawin Ko iyan hanggang makatapos Ako. At umaasa Ako na kayo man lang ay makakaunawa. Ang Korazim ay isang saradong buto ng prutas na wala ng mikrobyo nito. Kayo man lang ay kailangan na may mga buto na may mga mikrobyo.

Bata, ibigay mo sa Akin ang walnut na ibinigay sa iyo ni Simon at makinig din sa Akin.

Nakikita ba ninyo ang nuwes na ito? Gagamitin Ko ito sapagkat wala Akong ibang mga buto ng prutas, ngunit upang maintindihan ang parabula, isipin, halimbawa, ang mga bunga ng pino o palmera, ang pinakamatitigas na bunga, o ang mga buto ng olibo… Sila ay matitigas na mga lalagyan, ganap na sarado, walang mga bitak, na solidong kahoy. Nagmumukha silang mga kahon ng mahika, na maaaring mabuksan sa pamamagitan ng karahasan lamang. Ngunit kung ang isa sa kanila ay itinapon sa lupa nang di-sinasadya at ang isang nagdaraan ay naibaon ito sa lupa natatapakan ito, anong mangyayari? Ang kahon ay magbubukas at magkakaugat at magkakadahon. Papaano iyan nangyari sa pamamagitan nito mismo? Kakailanganin natin na hampasin iyan ng martilyo upang iyan ay mabuksan, sa halip walang anumang hampas nagbubukas ito nang sarili nito mismo. Ang buto kayo ay isang mahika? Hindi. Ito ay may kalamnan. O! isang malatang bagay kompara sa matigas na bao. Subalit pinakakain nito ang mas maliit pang bagay: ang mikrobyo. At iyan ang panikwat na magpupuwersa, magbubukas nito at magpapalabas sa isang tanim na may mga ugat at mga dahon. Bilang isang eksperimento, magbaon ng ilang buto ng prutas at maghintay. Makikita ninyo na ang ilan ay magkakaugat, ang iba hindi. Bunutin ang mga hindi nagkaugat. Buksan ito sa pamamagitan ng pamukpok at makikita ninyo na sila ay mga butong walang laman. Kung gayon hindi ang pagkabasa ng lupa o ang init nito ang nagbubukas sa buto. Bagkus ito ay ang kalamnan, o kung baga, ang kaluluwa ng kalamnan: ang mikrobyo, na sa pamamaga, umaaktong isang panikwat at bubuksan ang buto.

Iyan ang parabula. Ngayon gamitin natin ito sa ating mga sarili.

Ano ang Aking ginawa na hindi sana ginawa? Tayo ba ay nagkaintindihan sa isa’t isa nang kakaunti lamang na hindi natin naintindihan na ang pagkukunwari ay isang kasalanan at na ang mga salita ay katulad lamang ng hangin kung ito ay hindi nasasamahan ng aksiyon? Ano ang lagi Kong sinasabi sa inyo? “Magmahalan sa isa’t isa. Ang pagmamahal ay ang alituntunin at ang sekreto ng kaluwalhatian”. At Ako, Na nagtuturo, Ako ba ay kailangan na walang karidad? Ako ba kung gayon ay kailangan na magtatag ng halimbawa ng isang di-makatotohanan na guro? Hindi, kailanman!

Aking mga kaibigan! Ang ating katawan ay katulad ng matigas na buto, kung saan ang kalamnan ay nakapaloob: ang ating kaluluwa, at sa loob nito ay naroon ang mikrobyo na Aking inilagay. Iyan ay gawa sa maraming elemento, ang pinaka-elemento bilang ang karidad. Ito ay umaaktong ang panikwat upang mabuksan ang buto at mapalaya ang espiritu mula sa mga nagpipigil na bagay at maisama muli ito sa Diyos, Na siyang Karidad.

Ang karidad ay hindi lamang ang pagbibigay ng mga limos o mga nakapagpapaginhawang mga salita. Ang Karidad ay napangyayari sa pamamagitan ng pagkakawanggawa lamang. Huwag isipin na ito ay isang patudyong na pananalita. Ako ay walang pera at ang mga salita ay hindi sasapat sa kasong ito. May pitong tao na nasa bingit ng pagkagutom at pagdurusa. Ang kawalang-pag-asa ay iniuumang na ang maitim na mga panaklaw nito upang manakmal at manakal. Ang mundo ay umaatras na nang marahas at makasarili sa harapan ng kasawiang-palad na ito. Ang mundo ay pinatutunayan na hindi nito naintindihan ang mga salita ng Guro. Ang Guro ay nag-ebanghelyo sa pamamagitan ng mga gawa. Ako ay may kakayahan at malayang gawin ito. At iyon ay katungkulan Ko, sa katauhan ng mundo, na mahalin ang kaawa-awang mga abang iyon na hindi minahal ng mundo. Iyan ang Aking ginawa.

Mapupuna pa ba ninyo Ako? O kailangan Ko bang punahin kayo, sa presensya ng isang disipulo na hindi nagdalawang-isip na pumunta sa gitna ng mga pinaglagarian at mga pinagkataman upang hindi maiwanan ang Guro at siya, natitiyak Ko, ay mas nakumbinsi Ko nakikita Akong nakayuko sa isang piraso ng kahoy, kaysa kung nakumbinsi siya nakikita Ako na nakaupo sa isang trono, at nasa presensya ng isang bata, na nakadama sa Akin kung ano nga Ako, sa kabila ng kanyang kamangmangan, ang kasawiang-palad na nagpapurol sa kanyang isip, at ng katotohanan na wala siyang nalalaman tungkol sa Mesiyas na kung ano nga talaga Siya. Hindi ba kayo nagsasalita ng kahit ano? Huwag na kayo ay mapapahiya lamang kapag itinataas Ko ang Aking tinig upang itama ang maling mga idea. Ginagawa Ko ito dala ng pagmamahal. Ngunit magsikap na magkaroon kayo sa loob ninyo ng mikrobyo na nagpapabanal at nakapagbubukas sa buto. O kung hindi kayo ay magiging laging mga walang-pakinabang na mga nilikha. Kailangan na kayo ay handa na gawin kung ano ang Aking ginawa.

Walang trabaho ang kailangan na mabigat para sa inyo alang-alang sa inyong kapwa, o upang madala ang isang kaluluwa sa Diyos. Ang trabaho, maging ano pa man ito, ay hindi kailanman nakapagpapahiya. Samantalang ang mababang aksiyon, kawalang-katapatan, di-totoong mga panunumpa, kagaspangan, pag-aabuso ng kapangyarihan, usurya, paninirang-puri, kahalayan ay nakapanghihiya. Nakapanghihiya sila ng tao. Subalit ginagawa ang mga ito nang walang pagkahiya ng mga nagsasabi din na sila ay perpekto at tiyak na naiiskandalo nakikita Akong gumagawa sa lagari at martilyo. O! Isang pamukpok! Ang hamak na martilyo, kung ginagamit upang maibaon ang mga pako sa kahoy upang makagawa ng isang piraso ng muwebles na kikita ng pagkain para sa mga ulila, gaano nagiging kadakila ito! Ang martilyo, bagama't hamak, kung ito ay nasa Aking mga kamay para sa isang banal na pakay ay hindi na lalabas na ganyan at gaano ito aasamin ng lahat na nalugod na sumisigaw na sila ay naiiskandalo dahil diyan!

O! tao: kailangan na ikaw ay maging liwanag at katotohanan, gaano ka kadilim at kasinungaling! Ngunit kayo, man lamang, ay magsikap na maintindihan kung ano ang Kabutihan! Kung ano ang Karidad. Kung ano ang Pagsunod. Sasabihin Ko sa inyong totoo na malaki ang bilang ng mga Pariseo. At sila pa nga ay kasama sa mga nakapaligid sa Akin.»

«Huwag, Guro. Huwag Ninyong sabihin iyan! Kami… ito ay dahil minamahal namin Kayo na ayaw namin ang ilang mga bagay!...»

«Iyan ay dahil wala pa kayong naiintindihan na anuman. Ako ay nakapagsalita na sa inyo tungkol sa Pananampalataya at Pag-asa at hindi Ko na inisip na ano pa man na bagong salita ay kakailanganin pa upang magsalita Ako sa inyo tungkol sa Karidad, sapagkat labis ang lumalabas mula sa Akin na kayo ay dapat natigmak na ito. Ngunit nakikita Ko na nalalaman lamang ninyo iyan sa pangalan, na hindi nalalaman ang tungkol sa kalikasan at porma nito. Katulad na nalalaman lamang ninyo ang buwan.

Naaalaala ba ninyo nang sinabi Ko sa inyo na ang Pag-asa ay katulad ng pahalang-ng-krus ng may-kabaitang pamatok na nagsusuporta sa Pananampalataya at Karidad, at iyon ay ang bitayan ng sangkatauhan at ang trono ng kaligtasan? Naalaala ninyo? Ngunit hindi ninyo naintindihan ang Aking mga salita sa totoong ibig sabihin ng mga ito. Bakit hindi kayo nagtanong ng panlilinaw? Ibibigay Ko ito sa inyo. Iyon ay isang pamatok sapagkat napipilit nito ang isang tao na ibaba ang kanyang kahunghangang pagmamalaki sa ilalim ng bigat ng eternal na mga katotohanan. At iyan ay ang bitayan ng ganyang pagmamalaki. Ang tao na umaasa sa Diyos kanyang Panginoon ay walang pag-iwas na ipinahihiya ang kanyang pagmamalaki na ibig siyang iproklama nito na “diyos” nito at kinikilala na siya ay wala at ang Diyos ang lahat, na siya ay walang magagawa at ang Diyos ay nagagawa ang lahat., na siya-tao ay pansamantala na alikabok at ang Diyos ay eternidad Na nagtataas sa tao sa mas mataas na antas at naggagantimpala sa tao ng eternidad. Ang tao ay ipinapako ang kanyang sarili sa krus upang marating ang Buhay. Ang mga apoy ng Pananampalataya at Karidad ay ipinapako siya sa kanyang krus, ngunit ang Pag-asa, na nasa gitna ng una at ng huli, ay nagpapataas patungo sa Langit. Ngunit, tandaan ang leksiyon: kung nagkukulang sa karidad, ang trono ay walang liwanag at ang katawan, hindi nakapako sa kabilang tabi, ay lalawit patungo sa putik at hindi na makikita ang Langit. Ito kung gayon ay nakakansela ang nakakabuting mga epekto ng Pag-asa at magtatapos na ginagawa ring baog ang Pananampalataya, sapagkat kung ang isa ay nakatikal sa dalawa ng tatlong teolohikal na mga birtud, ang isa ay hahantong sa pananamlay at sa nakamamatay na ginaw.

Huwag tanggihan ang Diyos kahit na sa pinakamaliliit na bagay. At ang tanggihan na tulungan ang kapwa ng isa sa pamamagitan ng makahentil na pagmamalaki ay ang tanggihan ang Diyos.

Ang Aking doktrina ay isang pamatok na nambabaluktot sa nagkasalang sangkatauhan; ito ay isang malyete na nagwawasak sa matigas na bao upang mapalaya ang espiritu. Ito ay isang pamatok at isang martilyo nga. Subalit siya na tumatanggap nito ay hindi nakararamdam ng kapaguran na ibinibigay ng lahat na iba pang mga doktrina at lahat na iba pang pantao na mga bagay. At siya na pinababayaan ang sarili na mahampas nito ay hindi nararamdaman ang kirot ng pagiging winawasak sa kanyang pantao na kaakuhan, na nakararamdam ng sarap na pagpapalaya.

Bakit nagsisikap kayo na mawala ito at palitan ito ng kung ano ang tingga at kirot? Kayong lahat ay mayroon kayo ng inyong mga kapighatian at inyong mga kahirapan. Ang lahat ng sangkatauhan ay may mga kapighatian at mga kahirapan, na kung minsan ay humihigit pa sa pantaong lakas. Mula sa mga batang katulad nito, na nagdadala na sa kanyang maliit na mga balikat ng isang mabigat na pasanin, na nambabaluktot sa kanya at nagpipigil sa kanyang mga labì na ngumiting katulad ng bata at mawala sa kanyang isip ang lahat na kawalang-pakialam na, sa isang pantaong pananaw, ay hindi kailanman pambata, sa matandang lalaki na kumikiling na sa sepulkro kasama ang lahat na mga kabiguan, problema, pasanin at mga sugat ng kanyang mahabang buhay. Subalit sa Aking Doktrina at sa Aking Pananampalataya ay naririyan ang kagaanan mula sa lahat na nakapananaig na mga pasanin. Iyan kung bakit ang tawag diyan ay “Ebanghelyo”. At siya na tinatanggap ito at sumusunod ay pagpapalain sa lupa dahil din nasa kanya ang Diyos na magpapaginhawa sa kanya at ang Mga Birtud na magpapadali at magpapaningning sa kanyang daan, na tila ang mga ito ay mabubuting mga kapatid na babae na, hinahawakan siya sa kamay na may mga lamparang may-sindi, pinaliliwanagan ang kanyang daan at ang kanyang buhay at inaawit ang eternal na mga pangako ng Diyos sa kanya, hanggang sa, binibitiwan sa kapayapaan ang kanyang pagod na katawan sa lupa, siya ay magising sa Paraiso.

Bakit, mga tao, ibig ninyong maging mga hapò, nag-iisa, pagod, bagót, desperado, kung kayo’y mapagagaanan at mapagiginhawahan? Bakit ibig rin ninyo, Aking mga apostol, na maramdaman ang pagkahapo, ang kahirapan, ang katindihan sa inyong misyon, samantalang sa pamamagitan ng pagsandal ng isang bata magkakaroon kayo ng masayahing sigasig, maningning na abilidad na magawa ito at makita at madama na ito ay mahigpit lamang para sa di-nagsisisi na hindi nakakikilala sa Diyos, habang sa mga naniniwala rito ito ay katulad ng isang ina na sumusuporta sa kanyang anak sa daan, itinuturo sa kanyang di-nakatitiyak na mga hakbang ang mga bato at mga tinik, ang mga pugad ng mga ahas at ang mga kanal, upang sana makita niya ang mga ito at makaiwas sa panganib?

Kayo ngayon ay mapanglaw. Ang inyong kapanglawan ay tunay na nagkaroon ng mamiserableng simula! Kayo ay mapanglaw una sa lahat dahil sa Aking kababaang-loob, na tila ito ay isang krimen laban sa Aking Sarili. At kayo ngayon ay naghihirap sapagkat inyong naintindihan na Ako ay inyong napamighati at na kayo ay napakalayo pa sa perpeksiyon. Ngunit tanging sa kakaunti lamang ang huling kapanglawan na ito ay wala ng pagmamalaki: ng pagmamalaki na nasaktan ng pagtitiyak na kayo ay mga wala pa rin, samantalang dala ng pagmamalaki ibig ninyong maging perpekto. Maging may kababaan na loobin lamang na tanggapin ang pamumuna at ipagtapat na kayo ay mali, nangangako sa inyong mga puso na ibig ninyo ng perpeksiyon para sa isang mas mataas pa kaysa sa pantaong pakay. At pagkatapos lumapit sa Akin. Itinatama Ko kayo, ngunit naiintindihan Ko at Ako ay mapagbigay.

Lumapit sa Akin, kayo mga apostol, at lumapit sa Akin, kayo lahat na tao, na naghihirap sa pamamagitan ng materyal, moral, espirituwal na mga kapighatian. Ang mga huling ito ay nagawa ng katotohanan na hindi ninyo mapabanal ang inyong mga sarili ayon sa ibig ninyo para sa pagmamahal sa Diyos, na may agaran at walang pagbabalik sa Kasamaan. Ang daan ng pagpapakabanal ay mahaba at mahiwaga at kung minsan ito ay natatakpan na hindi nalalaman ng naglalakad, na naglalakad sa kadiliman, ng lasa ng lason sa kanyang bunganga at iniisip na hindi siya nakakausod at hindi nakakainom ng selestiyal na likido, at hindi nababatid na ang ganyang espirituwal na kabulagan ay isang elemento ng perpeksiyon.

pinagpalà, tatlong ulit na pinagpalà ang mga nagpapatuloy na lumakad na walang kinasisiyahan na liwanag at kabaitan at na hindi sumusuko dahil wala silang nakikita o naririnig, at hindi sila tumitigil sa pagsasabing: “Magpapatuloy ako hanggang pagkalooban ako ng Diyos ng ilang kasiyahan”. Sasabihin Ko sa inyo: ang pinakamadilim na daan ay bigla na lamang ang magiging pinakamabuting naliliwanagan na daan, na nagbubukas patungo sa selestiyal na mga tanawin. At ang lason pagkatapos na maalis ang lahat na panlasa para sa pantaong mga bagay ay magbabago sa pagiging makalangit na katamisan para sa matatapang na mga naniniwala, na takang-taka ay bubulalas: “Bakit ang lahat na ito? Bakit labis na kabaitan at lugod para sa akin?” Sapagkat sila ay nagpursige at ang Diyos ay hahayaan silang kalugdan nila sa lupa kung ano ang Langit.

Ngunit, pansamantala, halikayo sa Akin kayong lahat na nahapo at pagod, kayo, mga apostol, at kasama ninyo ang lahat na mga tao na naghahanap sa Diyos, na lumuluha dahil sa mga kapighatian ng mundo, na nahapo sa kanilang kalungkutan, at panunumbalikin Ko kayo. Ilagay ang Aking pamatok sa inyo. Iyan ay hindi mabigat. Iyan ay isang suporta. Yakapin ang Aking Doktrina katulad na yayakapin ninyo ang isang minamahal na nobya. Gayahin ang inyong Guro Na hindi nililimitahan ang Sarili sa pagpapalà nito, bagkus ginagawa kung ano ang itinuturo nito. Matuto mula sa Akin Na siyang mababa ang kalooban at may pusong mapagpakumbaba… Makatatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang kababaang-loob at ang pagpapakumbaba ay ipinagkakaloob nito ang kaharian kapwa sa lupa at sa Langit. Nasabi Ko na sa inyo na ang mga nagtatagumpay sa pagitan ng mga tao ay ang mga nananakop sa pamamagitan ng pagmamahal, at ang pagmamahal ay laging mababa ang loob at mapagpakumbaba. Hindi Ko kayo sasabihan na gawin ang mga bagay na lampas pa sa inyong lakas, sapagkat minamahal Ko kayo at ibig Ko kayo na makasama sa Aking Kaharian. Dalhin kung gayon ang Aking bandila at ang Aking uniporme at magsikap na maging katulad Ko at ayon sa itinuturo ng Aking Doktrina. Huwag matakot sapagkat ang Aking pamatok ay matamis at ang ito ay magaan, samantalang ang kaluwalhatian na inyong kalulugdan kung kayo ay magiging matapat sa Akin ay walang-hangganan na makapangyarihan. Walang-hangganan at eternal…

Akin kayong iiwanan nang matagal-tagal. Ako ay pupunta sa lawa kasama ang bata. Makakakita siya ng ilang mga kaibigan… Pagkaraan kakainin natin ang ating tinapay nang magkakasama. Halika, Jose, ipakikilala kita sa mga batang nagmamahal sa Akin.»

090611

 

 

 


Sunod na kabanata