268. Ang Pakikipagtalo sa mga Pariseo at ang Pagdating ng Ina at mga Kapatid na lalaki ni Jesus.

Setyembre 2, 1945

Ang tagpo ay gayon din katulad ng nakaraang bisyon. Si Jesus ay nagpapaalam sa balo, hawak ang maliit na Jose sa kamay at Kanyang sinasabi sa balo: «Walang darating bago pa Ako makabalik, maliban kung sila ay mga Hentil. Ngunit panatilihin dito hanggang sa araw pagkatapos ng bukas ang sinuman na darating, sinasabihan na Ako ay tiyak na mapupunta rito.»

«Gagawin ko, Guro. At kung mayroon man mga maysakit, tatanggapin ko sila katulad ng itinuro Ninyo sa akin.»

«Paalam, kung gayon, at kapayapaan sa iyo. Halika, Manaen.»

Mula sa maikling paguusap na ito naintindihan ko na ang mga maysakit at di-masasayang tao ay sa pangkalahatan pumupunta sa Guro sa Korazim at na si Jesus ay nag-eebanghelyo hindi lamang sa pamamagitan ng pagtatrabaho bagkus sa pamamagitan ng mga himala. At kung ang Korazim ay wala pa rin pakialam, ang talagang ibig-sabihin nito na ito ay isang di-mabubukid na lupa. Subalit si Jesus ay naglalakad dito, nakikipagpalitan ng mga pagbati sa mga bumabati sa Kanya, na tila walang nangyayaring anuman, at pagkatapos ipagpapatuloy ang Kanyang pakikipagusap kay Manaen, na hindi makatiyak kung siya ay aalis muli patungong Machaerus o mananatili rito ng isa pang linggo…

… Pansamantala sa loob ng bahay sa Capernaum sila ay naghahanda para sa Sabbath. Si Mateo umiika pa rin nang kaunti ay binabati ang kanyang mga kasamahan, nagbibigay ng tubig at sariwang prutas, nagtatanong tungkol sa kanilang misyon.

Si Pedro ay itinaas ang kanyang ilong nakikita ang ilang mga Pariseo na palakad-lakad na malapit sa bahay: «Ibig nilang lasunin ang ating Sabbath. Halos gusto ko nang puntahan ang Guro upang sabihin sa Kanya na pumunta sa Bethsaida at kung gayon mabitin ang kanilang mga plano.»

«At sa palagay mo ang Guro ay gagawin iyan?» tanong ng kanyang kapatid.

«At saka, naririyan ang kaawa-awang kapus-palad na naghihintay para sa Kanya sa silid sa ibaba» wika ni Mateo.

«Madadala natin siya sa Bethsaida sa pamamagitan ng bangka, at ako, o kung sinuman, ay makalalakad at salubungin ang Guro» sabi ni Pedro.

«Hindi iyan masamang idea…» sabi ni Felipe, na gustung-gustong pumunta sa Bethsaida kung saan naroroon ang kanyang pamilya.

«Mas lalo pang iyan, dahil tingnan, ang kanilang pagbabantay ay pinalakas na ng mga eskriba. Lumakad na tayo kaagad. Dadalhin mo ang maysakit, dumaan sa pangkusinang-hardin at papalayo sa likuran ng bahay. Dadalhin Ko ang bangka sa “fig well” at si Santiago ay ganyan din ang gagawin. Si Simon Zealot at ang mga kapatid ni Jesus ay lalakad upang salubungin ang Guro.»

«Hindi ako lalakad kasama ang inalihang lalaki» proklama ng Iskariote.

«Bakit hindi? Natatakot ka ba na ang dimonyo ay baka kumapit sa iyo?»

«Huwag mo akong gambalain, Simon ni Jonah. Sinabi ko na hindi ako aalis at hindi ako aalis.»

«Lumakad kasama ang mga pinsan upang tagpuin si Jesus.»

«Hindi.»

«Ugh! Pumunta sa pamamagitan ng bangka.»

«Hindi.»

«Bueno, ano itong ibig mo? Ikaw ay laging sagabal…»

«Ibig kong manatili rito, sa kinaroroonan ko. Hindi ako natatakot kaninuman at hindi ako lalayas. Maging ano pa man ang Guro ay hindi magiging masaya sa ganyan. At magkakaroon na naman ng isa pang sermon kinagagalitan tayo, at wala akong intensiyon na makuha ito dahil sa pagkakamali mo. Makakalakad kayo. Mananatili ako rito upang mag-ulat…»

«Siguradong hindi! Ito man ay ang lahat o walang sinuman» sigaw ni Pedro.

«Kung gayon walang sinuman, sapagkat ang Guro ay naririto na. Naririto Siya dumarating» sabi nang seryoso ng Zealot, nakatingin sa ibaba sa daan.

Si Pedro, na kitang-kita na hindi nasisiyahan, ay bumulung-bulong sa kanyang balbas. Ngunit siya ay bumaba upang salubungin si Jesus kasama ang iba. Pagkatapos na mabati Siya, sinabihan nila Siya tungkol sa bulag at pipi na inalihan ng dimonyo, na maraming oras nang naghihintay para sa Kanya kasama ang kanyang mga kamag-anak.

Si Mateo ay nagpapaliwanag: «Katulad niya ang isang walang-kilos na katawan. Itinapon niya ang kanyang sarili sa ilang mga walang-laman na sako at hindi na gumalaw mula noon. Ang kanyang mga kamag-anak ay umaasa sa Inyo. Halikayo at magpalamig at tutulungan Ninyo siya saka na.»

«Hindi. Pupunta Ako sa kanya kaagad. Nasaan siya?»

«Sa loob ng silid sa ibaba, malapit sa hurno. Inilagay ko siya sa loob kasama ang kanyang mga kamag-anak, sapagkat maraming mga Pariseo at mga eskriba, na tila mga naghihintay…»

«Oo, at mas mabuti nang huwag silang pasayahin» pabulong ni Pedro.

«Si Judas ni Simon ba ay wala rito?» tanong ni Jesus.

«Siya ay nananatili sa loob ng bahay. Kailangan niyang gawin ang salungat sa ginagawa ng iba» pabulong ulit ni Pedro.

Si Jesus ay tiningnan siya ngunit hindi siya kinagalitan. Lumakad Siya kaagad pagawing bahay, ipinagkakatiwala ang bata kay Pedro lamang, na hinahaplos siya kinukuha kaagad mula sa kanyang malapad na bigkis sa baywang ang isang pito nagsasabing: «Isa sa iyo at isa para sa aking anak. Dadalhin kita sa kanya bukas na gabi. Nakakuha ako ng isang pastol upang ipagawa iyan sa kanya pagkatapos na magsalita ako sa kanya tungkol kay Jesus.»

Si Jesus ay pinasok ang bahay, binati Niya si Judas na tila abala sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina, at pagkatapos tumuloy Siyang tuwiran sa isang klase na mababang madilim na imbakan sa tabi ng hurno.

«Gawin ang maysakit na lumabas» utos ni Jesus.

Ang isang Pariseo, na hindi taga-Capernaum, ngunit ang kaninong kasupladuhan ay mas malala pa kaysa sa mga lokal na mga Pariseo, ay nagsabi: «Siya ay walang sakit, siya ay sinasakop ng dimonyo.»

«Iyan ay isa pa ring sakit ng espiritu…»

«Ngunit ang kanyang mga mata at dila ay nakatali…»

«Iyan ay laging isang sakit ng espiritu na umaabot sa mga galamay at mga sangkap ng katawan. Kung Ako ay pinahintulutan mong makatapos malalaman mo na iyan ang ibig kong sabihin. Ang lagnat ay nasa dugo kapag ang isa ay may sakit, ngunit pagkatapos ng dugo inaatake nito ang bahaging ito o iyon ng katawan.»

Ang Pariseo ay hindi malalaman kung ano ang isasagot at naging tahimik.

Ang inalihang tao ay dinala sa harapan ni Jesus. Siya ay walang galaw. Si Mateo ay hindi nagkamali. Ang mamâ ay labis na napipigilan ng dimonyo.

Ang mga tao ay nag-iipun-ipon pansamantala. Hindi kapani-paniwala kung papaano, lalo na sa mga oras na tatawagin kong paglilibang, ang mga tao ay mabilis sa pag-ipun-ipon kung saan mayroong mapapanood. Ang mga kilalang-kilala ng Capernaum ay naroroon na ngayon, at kasama rito ay apat na Pariseo, si Jairus ay naroroon din, at, sa isang sulok, na may pagdadahilan na nangangasiwa ng kaayusan, ay naroon ang Romanong Senturyon, at mga mamamayan mula sa ibang mga bayan kasama niya.

«Sa ngalan ng Diyos, iwanan ang mga mata at dila ng taong ito! Gusto Ko ‘yan! Iwanan siya! Hindi ka na pinahihintulutan na hawakan siya. Lumayas!» sigaw ni Jesus inuunat ang Kanyang mga kamay habang binibigay ang utos.

Ang himala ay nagsimula na may isang alulong ng galit ng dimonyo at natapos na may isang sigaw sa tuwa ng gumaling na tao na sumisigaw: «Anak ni David! Anak ni David! Banal at Hari!»

«Papaano nalaman ng taong ito na Siya ang nagpagaling sa kanya?» tanong ng isang eskriba.

«Ang lahat na ito ay palabas! Ang mga taong ito ay binayaran upang magawa iyon!» sabi ng isang Pariseo ikinikibit ang mga balikat.

«Sino? Kung walang anuman sa iyo na tanungin kita» tanong ni Jairus.

«Ikaw, din.»

«At para sa anong pakay?»

«Upang magawa ang Capernaum na sikat.»

«Huwag mong ipahiya ang iyong katalinuhan sa pagsasalita ng walang katuturan at ang iyong dila sa pagpaparumi diyan sa pamamagitan ng mga kasinungalingan. Nalalaman mo na iyan ay hindi totoo, at kailangan na mabatid mo na ikaw ay nagsasalita ng walang katuturan. Kung ano ang nangyari rito ay nangyari sa maraming lugar sa Israel. Kung gayon maaaring may isang nagbabayad kahit saan? Hindi ko nalaman na ang pangkaraniwang mga tao sa Israel ay napakayaman! Sapagkat ikaw, at kasama mo ang lahat na matataas, ay tiyak na hindi nagbabayad para diyan. Kung ayon ang pangkaraniwang tao ang nagbabayad, bilang ang mga tanging nagmamahal kay Jesus.»

«Ikaw ay ang pangulo ng sinagoga at minamahal mo Siya. Naririyan si Manaen. Sa Bethany ay naririyan si Lazarus ni Theophilus. Sila ay hindi mga pangkaraniwang tao.»

«Ngunit sila ay matatapat, at ako ay matapat din. At hindi kami nandaraya ng sinuman, hindi. Lalo na tungkol sa pananampalataya. Hindi namin pinangangahasan ang paggawa niyan, sapagkat kinatatakutan namin ang Diyos at aming naintindihan kung ano ang kaaya-aya sa Diyos: katapatan.»

Ang Pariseo ay tinalikuran si Jairus at kanilang inaatake ang mga kamag-anak ng napagaling na tao: «Sino ang nagsabi sa inyo na pumunta rito?»

«Sino? Maraming tao, na mga napagaling na, o kanilang mga kamag-anak.»

«Ngunit ano ang kanilang binigay sa inyo?»

«Binigay? Ang katiyakan na siya ay mapagagaling Niya.»

«Siya ba ay totoong may sakit?»

«O! Pailalim na mga isip! Sa isip ba ninyo ang lahat na ito ay pagpapanggap lamang? Kung hindi ninyo mapaniwalaan ito pumunta kayo sa Gadara at magtanong tungkol sa kasawiang-palad ng pamilya ni Anna ni Ismael.»

«Ang nagagalit na mga tao ng Capernaum ay nasa kaguló, habang ang ibang Galilean, na mga nanggaling sa malapit sa Nazareth ay nagsabi: «Subalit sa kabila nito Siya ay ang anak ni Jose, ang karpintero!»

Ang mga mamamayan ng Capernaum, bilang matapat kay Jesus, ay sumigaw: «Hindi. Siya ay kung ano ang sinabi Niya at kung ano ang sinabi ng gumaling na tao: “Anak ng Diyos at Anak ni David”.»

«Huwag mong dagdagan ang pagkakagulo ng populasyon sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi!» sabi ng isang eskriba nang walang pakundangan.

«At ano Siya, kung gayon, ayon sa inyo?»

«Isang Beelzebub!»

«Ugh! Mga dila ng mga ahas. Mga manlalapastangan! Kayo ay inalihan! Mga taong walang puso! Kayo ang aming kasiraan. Ibig din ba ninyong ipagkait sa amin ang lugod ng Mesiyas? Mga usurero! Mga tigang na bato!» Isang tunay na kaguluhan!

Si Jesus, Na nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig, ay lumitaw sa pamasukan sa tamang sandali upang mapakinggan muli ang luma nang katangahang akusasyon ng mga Pariseo: «Siya ay isang Beelzebub sapagkat ang mga dimonyo ay sinusunod Siya. Ang dakilang Beelzebub, na siyang Kanyang ama, ay tinutulungan Siya at nakapagpapalayas Siya ng mga dimonyo sa pamamagitan lamang ng tulong ni Beelzebub, ang prinsipe ng mga dimonyo.»

Si Jesus ay binaba ang dalawang baytang ng pamasukan at lumapit. Siya ay tumigil na tuwid, mahigpit at kalmante sa harapan ng grupo ng mga eskriba at mg Pariseo at tinititigan sila na may matalas na mga mata nagsalita Siya sa kanila:

«Sa lupa din nakikita natin na ang isang kaharian na nahahati sa dalawang magkasalungat na partido ay nagiging mahina sa loob at madaling atakihin at sirain ng kalapit na mga bansa na gagawin nila itong alipin. Sa lupa din nakikita natin na ang isang bayan na nahahati sa magkakasalungat na bahagi ay hindi umuunlad at ganyan din sa mga pamilya, na ang mga miyembro nito ay nahahati-hati ng magkakaparehong poot. Ito ay bumabagsak na pira-piraso at nagiging isang walang-silbing katiting, na wala rin pakinabang kahit kanino, at nagiging katatawanan ng kapwa mga mamamayan. Ang pagkakasundu-sundo ay katusuhan maliban sa pagiging kinakailangan. Sapagkat napananatili nito ang mga tao na maging mga independiyente, malakas at mapagmahal. Ang mga makabayan, mga mamamayan, mga magkakamag-anak ay kailangang isipin ang tungkol diyan kapag para sa kapritso ng isang indibidwal na kalamangan sila ay matutukso na magkaroon ng mga pagkakahiwalayan o gagawa ng mga pag-aabuso, na laging piligroso sapagkat iyan ay alternatiba sa mga partido at sumisira ito sa pagmamahal. At ang ganyang katusuhan ay isinasagawa ng mga panginoon ng mundo. Isipin ang Roma sa di-mapasisinungalingang kapangyarihan nito, na napakasakit sa atin. Ang Roma ay pinaghahari ang mundo. Ngunit sila ay napag-iisa ng isang isip at isang kalooban: “ang maghari”. Kahit na sa pagitan nila ay hindi mawawalan ng pagkakaiba-iba, mga pagkamuhi, mga rebelyon. Ngunit ang mga ito ay nasa ilalim. Sa ibabaw sila ay iisang bloke, walang mga bitak o mga kagulumihanan. Lahat sila ay iisa ang gustong bagay at sila ay matagumpay dahil diyan. At sila ay magiging matagumpay hangga’t iisang bagay lamang ang gusto nila.

Tingnan ang halimbawang iyan ng pantaong may-pagkakahugpong na katusuhan at sabihin: kung ang mga anak ng mundong ito ay katulad niyan, ano ang magiging katulad ni Satanas? Ang mga Romano ay mga dimonyo, sa ganang atin. Ngunit ang kanilang hentil na satanismo ay wala kompara sa perpektong satanismo ni Satanas at ng kanyang mga dimonyo. Sa kanilang eternal na kaharian, na walang panahon, walang katapusan, walang mga limitasyon sa pagiging tuso at kasamaan, kung saan sila ay nagsasaya sa pagiging nakasasamâ sa Diyos at sa mga tao, at ang maging nakasasamâ ay ang kanilang pinakabuhay at ang kanilang tanging malupit na nakasasakit na kasiyahan lamang, naabot nila na may isinumpang perpeksiyon ang pagsasama-sama ng kanilang mga espiritu sa iisang kalooban: “maging nakasasamâ”. Ngayon kung, katulad ng inyong sinasabi, upang maipahiwatig ang pagdududa tungkol sa Aking kapangyarihan, si Satanas ay ang tumutulong sa Akin sapagkat Ako ay isang maliit na Beelzebub, ibig bang sabihin nito na si Satanas ay nahahati laban sa kanyang sarili at sa kanyang mga dimonyo, kung pinalalayas niya sila sa mga taong kanyang sinakop? At kung siya ay nasa di-pagkakaintindihan sa kanyang mga tagasunod, tatagal ba ang kanyang kaharian? Hindi, hindi iyan ganyan. Si Satanas ay napakatuso at hindi sinasaktan ang kanyang sarili sa mga puso ng mga tao. Ang tinatangka ng kanyang buhay ay ang “makapagnakaw – makapanira – makapagsinungaling – makapanakit – makapambalisa”. Ang manakaw ang mga kaluluwa ng Diyos at ang kapayapaan ng mga tao. Ang makasira sa mga anak ng Ama pinamimighati Siya. Ang makapagsinungaling upang makapanligaw. Ang makasakit upang makapagsaya. Ang makapambalisa sapagkat siya ay ang walang-kaayusan at hindi na makapagbabago. Siya ay eternal sa kanyang pagiging dimonyo at sa kanyang mga pamamaraan.

Ngunit sagutin ang katanungan na ito: kung Ako ay nagpapalayas ng mga dimonyo sa ngalan ni Beelzebub, sa kaninong pangalan nagpapalayas ng mga dimonyo ang inyong mga anak? Pumapayag ba kayong tanggapin ninyo na sila ay nagpapalayas ng mga dimonyo sa pangalan din ni Beelzebub? Kung sasabihin ninyo iyan, sasabihin nila na kayo ay mga maninira ng pangalan. At kung ang kanilang kabanalan ay gayon na lamang na sila ay hindi papatol sa inyong mga akusasyon, ikukundina ninyo ang inyong mga sarili nangungumpisal na sa palagay ninyo marami kayong mga dimonyo sa Israel, at ang Diyos ay huhusgahan kayo sa pangalan ng mga anak ng Israel na inakusahan ninyo ng pagiging mga dimonyo. Kung gayon kahit sino ay makapanghuhusga, sa katunayan sila ang inyong magiging mga hukom, kung saan ang pasya ay hindi naibuyo ng pantaong pamimilit.

Kung, sa halip, dahil ito ang totoo, na Ako ay nagpapalayas ng mga dimonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, iyan ay katibayan na ang Kaharian ng Diyos at ang Hari ng Kaharian na iyan ay pumunta sa inyo. Aling Hari ang may ganyang kapangyarihan na walang katunggaling puwersa ang nakapanlalaban. Sa ganyan Ako nang-oobliga at namimilit sa mga mangangamkam ng mga anak ng Aking Kaharian na umalis sa lugar na kanilang inokupa at ibalik sa Akin ang biktima upang maari Ko ito. Hindi ba't ganyan ang ginagawa ng isa na ibig pumasok sa isang bahay na pinaninirahan ng isang makapangyarihang tao, upang kunin ang kanyang pag-aari, tama o mali man na kinuha? Ganyan. Siya ay papasok at tatalian siya, pagkatapos mapagnanakawan na niya ang bahay. Tinatalian ko ang maitim na anghel na kumuha ng kung ano ang Akin, at kinukuha Ko mula sa kanya ang mabuti ari-arian na kanyang ninakaw sa Akin. At Ako lamang ang makagagawa niyan, sapagkat Ako lamang ang Malakas na Isa, ang Ama ng hinaharap na siglo, ang Prinsipe ng Kapayapaan.»

«Linawin sa amin kung ano ang ibig Mong sabihin ng pagsasabing: “Ama ng hinaharap na siglo”. Sa palagay Mo ba mabubuhay Ka hanggang sa bagong siglo at, sa mas kalokohan pa, sa palagay Mo ba na Ikaw, isang mahirap na tao, ay makalilikha ng panahon? Ang panahon ay pag-aari ng Diyos» tanong ng eskriba.

«At ikaw ba, isang eskriba, ay tinatanong Ako? Hindi mo ba nalaman na magkakaroon ng siglo na magkakaroon ng isang pagsisimula ngunit walang katapusan, at na iyan ay magiging Akin? Ako ay magtatagumpay diyan iniipon sa paligid Ko ang mga anak nito at sila ay mabubuhay sa magpasawalanghanggan katulad ng siglo na Aking malilikha at Akin na itong nililikha, binibigyan ang espiritu ng tunay na kahalagahan nito mataas sa laman, sa mundo, at mataas sa pang-impiyernong mga anghel na Aking pinalalayas sapagkat nagagawa Ko ang lahat. Kung kaya’t Aking sinasabi na ang mga hindi Ko kasama ay laban sa Akin, at ang mga hindi nag-iipon kasama Ko, ay kakalat. Sapagkat Ako ay Siya Na Ako nga. At siya na hindi naniniwala diyan, na naihayag na, ay nagkakasala laban sa Banal na Espiritu, na ang Kaninong salita ay ibinalita ng mga propeta, at iyan ay ni hindi huwad o mali, at kailangang paniwalaan nang walang panlalaban.

At sasabihin Ko sa inyo: ang mga tao ay patatawarin sa lahat, lahat ng kanilang mga kasalanan at ang kanilang panlalapastangan. Sapagkat nalalaman ng Diyos na ang tao ay hindi lamang espiritu, bagkus laman din at ang kanyang laman, kapag natukso, ay napapailalim sa biglaang panghihina. Ngunit ang panlalapastangan laban sa Espiritu ay hindi patatawarin. Siya na nakapagsalita laban sa Anak ng tao ay mapatatawad pa, sapagkat ang bigat ng laman na nagbabalot sa Aking Katauhan at ang tao na nagsasalita laban sa Akin, ay makapanliligaw pa. Ngunit siya na nakapagsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi mapatatawad, ni hindi sa buhay na ito o sa buhay sa hinaharap, sapagkat ang Katotohanan ay kung ano ito: malinaw, banal, di-mapasisinungalingan at ipinahiwatig sa espiritu sa isang pamamaraan na hindi ito makapanliligaw. Tanging ang mga nagkakamali lamang ay ang nananadyang magkamali. Ang pasinungalingan ang Katotohanan na binigkas ng Banal na Espiritu ay ang pasinungalingan ang Salita ng Diyos at ang Pagmamahal na ibinibigay ng salitang iyan alang-alang sa mga tao. At ang kasalanan laban sa Pagmamahal ay hindi pinatatawad.

Ang bawat punungkahoy ay namumunga ng prutas nito. Namumunga ang sa inyo, ngunit ang inyong prutas ay hindi mabuti. Kung magbibigay kayo ng isang mabuting puno upang maitanim ito sa lootan, iyan ay mamumunga ng mabuting prutas; kung magbigay kayo ng masamang puno, at prutas na ibubunga nito ay masama at ang lahat ay magsasabi: “Ito ay hindi mabuting punungkahoy”. Sapagkat ang puno ay nakikilala sa bunga nito. At papaano ninyo naiisip na nakapagsasalita kayo nang mabuti, kung kayo ay masama? Sapagkat ang bunganga ay nagsasalita ng kung ano ang nagpupuno sa puso nito. Sapagkat ito ay dala ng labis-labis na nasa loob natin, na tayo ay kumikilos at nagsasalita. Ang isang mabuting tao ay kumukuha ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabubuting tagong kayamanan; ang isang masamang tao ay kumukuha ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang tagong kayamanan at siya ay nagsasalita at umaasal nang naaayon sa kung ano ang nasa loob niya.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang kawalang-magawa ay makasalanan. Ngunit mas mabuti nang maging walang-magawa kaysa gumawa ng masasamang bagay. At sasabihin Ko rin sa inyo na mas mabuti pang manahimik kaysa ng magsalita nang kawalang magawa at nang may-kasamaan. Kahit na kung ang maging tahimik ay maging walang-magawa, gawin iyan kaysa magkasala sa pamamagitan ng inyong mga dila. Titiyakin Ko sa inyo na sa Katapusan ng Mundo ang kadahilanan ay hihingiin para sa bawat salita na binigkas nang kawalang-magawa sa mga tao, at na ang mga tao ay pangangatwiranan ng mga salitang kanilang binigkas, at sa pamamagitan ng kanilang mga salita sila ay ikukundina. Mag-ingat, kung gayon, sapagkat bumibigkas kayo ng maraming salita na mahigit pa kaysa sa walang-magawa, dahil hindi lamang walang-magawa ang mga ito bagkus nakasasamâ, at binibigkas upang makapagpalayas ng mga puso mula sa Katotohanan na nagsasalita sa inyo.»

Ang mga Pariseo at mga eskriba ay nagkukunsultahan at pagkatapos, nagkukunwaring mga mababait, ay nagtanong: «Guro, mas madaling maniwala kapag may nakikita ang isa. Bigyan Ninyo kami, kung ganoon, ng isang tanda upang kami ay makapaniwala na Kayo ay kung ano ang sinasabi Ninyo na Kayo.»

«Nakikita ninyo na mayroon sa loob ninyo ng kasalanan laban sa Banal na Espiritu, Na makailang beses na itinuro Ako sa inyo bilang ang Salitang Nagkatawang-Tao. Salita at Tagapagligtas, Na dumating sa inihulang panahon, pinangunahan at sinundan ng mga tanda na mga ipinopresiya, at pinangyayari kung ano ang sinabi ng Espiritu.»

Sila ay tumugon:«Naniniwala kami sa Espiritu, ngunit papaano kami makapaniniwala sa Inyo maliban kung makakita kami ng isang tanda sa pamamagitan ng aming mga mata?»

«Papaano kayo makapaniniwala sa Espiritu na ang Kaninong mga ginagawa ay espirituwal, kung hindi kayo naniniwala sa ginagawa Ko na nadarama ng inyong mga mata? Ang Aking buhay ay puno ng mga ito. Hindi pa ba sapat iyon? Hindi, hindi pa. Sinasabi Ko iyan Mismo. Hindi pa iyan sapat. Iisang tanda lamang ang ibibigay sa mapangalunyang masamang henerasyon na ito na naghahanap ng isang tanda: ang tanda ng propetang si Jonah. Sa katunayan katulad na si Jonah ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw, gayon din ang Anak ng tao ay mapapaloob nang tatlong araw sa loob ng mga bituka ng lupa. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga Ninevites ay babangon sa Araw ng Paghuhukom katulad ng lahat na mga tao, at sila ay magrerebelde laban sa henerasyon na ito at ikukundina ito. Sapagkat sila ay nagtika sa pagtuturo ni Jonah, ngunit kayo ay hindi. At mayroon dito na mas dakila pa kaysa kay Jonah. At gayon din ang Reyna ng Timog ay babangon at tatayo laban sa inyo at ikukundina kayo, sapagkat siya ay pumunta mula sa mga dulo ng kalupaan upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At mayroong mas dakila pa kay Solomon dito.»

«Bakit Ninyo sinasabi na ang henerasyon na ito ay mapangalunya at masama? Ito ay hindi mas masama kaysa ng iba. May gayon ding mga santo diyan katulad ng sa iba. Ang istruktura ng Israel ay hindi nagbabago. Sinasaktan Ninyo kami.»

«Sinasaktan ninyo ang inyong sarili sa panunugat sa inyong mga kaluluwa, sapagkat inaalis ninyo ito mula sa Katotohanan, at kung gayon mula sa Kaligtasan. Ngunit tutugon Ako sa inyo gayunpaman. Ang henerasyon na ito ay banal lamang sa mga damit at panlabas na hitsura. Ito ay hindi banal sa panloob. Mayroon sa Israel ng parehong mga pangalan ibig sabihin parehong mga bagay. Ngunit walang katunayan ng mga bagay. Mayroong parehong mga ugali, mga damit at mga ritwal. Ngunit ang kanilang mga espiritu ay nawawala. Kayo ay mapangalunya sapagkat tinanggihan ninyo ang sobrenatural na pagkakakasal sa Dibinong Batas at inyong pinakasalan, sa ikalawang mapangalunyang pakikipag-isa, ang batas ni Satanas. Kayo ay tinuli lamang sa isang mahinang parte. Ang inyong mga puso ay hindi na mga tuli. At kayo ay masama sapagkat ipinagbili ninyo ang inyong sarili sa Kasamaang Isa. Ako ay nakapagsalita na.»

«Sinasaktan Ninyo kami nang matindi. Ngunit, kung ganyan iyan, bakit hindi Ninyo palayain ang Israel mula sa dimonyo nito upang ito ay sana maging banal?»

«Payag ba ang Israel na gawin iyan? Hindi. Ang mga taong iyon na pumupunta rito upang makalaya sa dimonyo ay payag, sapagkat nararamdaman nila itong isang pabigat at kahihiyan. Ngunit hindi iyan ang inyong nararamdaman. At mapalalaya kayong walang-kabuluhan, sapagkat sa dahilan na hindi kayo nananabik na makaginhawa, mabibiktima kayo ulit kaagad at sa paraan na mas malakas. Sapagkat kung ang di-malinis na espiritu ay lumabas sa isang tao ito ay naglalagalag sa tuyong bayan sa paghahanap ng isang lugar na mapagpapahingahan at hindi ito makatagpo. Ang bayan ay hindi materyal na tuyo, sasabihin Ko sa inyo. Ito ay tuyo sapagkat palaban ito sa kanya dahil ayaw nitong tanggapin siya, katulad na ang tuyong lupa ay palaban sa binhi. Pagkatapos sasabihin niya: “Babalik ako sa bahay mula kung saan ako pinalayas nang sapilitan. At natitiyak ko na ako ay tatanggapin niya at papapagpahingahin”. Sa katunayan babalik siya sa nilukuban niya dati, at maraming beses niyang natagpuan ang tao na siya ay tinatanggap, sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na ang tao ay mas nangungulila para kay Satanas kaysa para sa Diyos at kung si Satanas ay hindi pinahihirapan ang kanyang katawan, hindi siya nagrereklamo sa panlulukob. Kung gayon ang dimonyo ay babalik at makikita na ang bahay ay walang laman, nawalisan, nalinisan, nangangamoy ng kadalisayan. Siya kung gayon ay aalis at magyayaya ng pito pang ibang mga espiritu, sapagkat ayaw na niyang mawala pa itong muli, at kasama ang pito pang espiritung ito na mas masasama pa kaysa sa kanya papasukin niya ang bahay at sila ay maninirahan doon. At ang kasalukuyang estado ng isang tao na napagbagong-loob minsan at napasamâ sa ikalawang beses ay mas malala pa kaysa dati. Sapagkat nalalaman na ngayon nang eksakto ng dimonyo kung gaano minamahal ng tao si Satanas at gaano siya walang utang-na-loob sa Diyos, at dahil din ang Diyos ay hindi babalik kung saan ang Kanyang mga grasya ay tinatapakan, at kung saan ang mga tao pagkatapos ng unang karanasan sa panlulukob, ay ibinubukas ang kanilang mga kamay para sa mas malakas panlulukob. Ang pagkahulog muli sa satanismo ay mas malala kaysa ang pagkahulog muli sa TB na napagaling nang minsan. Hindi ito magkakaroon ng pag-unlad o makakapanumbalik. Ganyan din ang mangyayari sa henerasyon na ito, na bagama’t nabago ni Juan Bautista ay ibig na bumalik sa pagkakasala sapagkat mahal nito ang Masamang isa at hindi Ako minamahal.»

Isang bulung-bulungan, na hindi ng pagsang-ayon o ng pagprotesta, ang maririnig sa pulutong na naging napakalaki na upang hindi lamang ang pangkusinang-hardin at ang terasa ang napuno, bagkus pati na rin ang kalsada. Ang mga tao ay nakaupong pabalagbag sa mababang pader, marami ang umakyat sa puno ng igos at sa mga puno ng mga katabing lootan, sapagkat ang lahat ay ibig na makarinig sa pagtatalo nila Jesus at ang Kanyang mga kaaway. Ang bulung-bulungan, katulad ng isang alon na mula sa bukas na dagat ay dumarating sa baybayin, dala ng isang bibig patungo sa isa pa ay narating ang mga apostol na mga nasa malapit kay Jesus, ibig sabihin, sina Pedro, Juan, ang Zealot at ang mga anak ni Alfeo. Ang iba sa mga apostol ay nasa terasa, ang iba nasa kusina, maliban kay Judas na nasa kalsada, kasama ng mga pulutong.

Sina Pedro, Juan, ang Zealot, ang mga anak ni Alfeo ay pinulot ang ibinubulong at nagsabi kay Jesus: «Guro, ang Inyong Ina ay naririto kasama ang Inyong mga kapatid. Sila ay nasa labas doon, sa kalsada, at hinahanap nila Kayo sapagkat ibig nilang makipagusap sa Inyo. Sabihin sa pulutong na umatras, upang sila ay makalapit sa Inyo, sapagkat isang malaking dahilan ang maaaring nakapagdala sa kanila rito hinahanap Kayo.»

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo at sa dulo ng pulutong nakita Niya ang naghihirap na mukha ng Kanyang Ina, Na nagsisikap na huwag umiyak, habang si Jose ni Alfeo ay nagsasalita sa Kanya nang balisa, at nakita Niya ang paulit-ulit na mariin na pagtangging pagkilos ng Kanyang Ina sa kabila ng pamimilit ni Jose. Nakikita rin Niya ang napapahiyang mukha ni Simon, na kitang-kitang namimighati at naiinis… Ngunit Siya ay hindi ngumingiti, ni hindi Siya nagbibigay ng utos. Pinabayaan Niya ang Namimighating Isa sa Kanyang paghihirap at ang Kanyang mga pinsan sa kinaroroonan nila.

Itinungo ni Jesus ang Kanyang ulo at tiningnan ang pulutong, at tumutugon sa mga apostol na nasa malapit Niya, tumugon din Siya sa mga nasa malayo na mga nagsisikap na gawin ang dugo na mas mabigat pa kaysa katungkulan ng isa. «Sino ang Aking Ina? Sino ang Aking mga kapatid?» Siya ay tumitingin sa kapaligiran na may mahigpit na hitsura, habang ang Kanyang mukha ay naging maputla sa marahas na pagsisikap na kailangan Niyang gawin laban sa Kanyang sarili upang mailagay ang katungkulan nang mas mataas kaysa sa mga kaugnayan ng pamilya at dugo, at upang matanggihan ang Kanyang kaugnayan sa Kanyang Ina upang mapaglingkuran ang Kanyang Ama, at itinuturo nang may malaking pagkilos ang pulutong na nang-iipit sa Kanya sa loob ng mapulang liwanag ng mga sulò at ng malaplatang liwanag ng halos kabilugan ng buwan, sinabi Niya: «Ito ay ang Aking Ina at ito ang Aking mga kapatid na lalaki. Ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay ang Aking mga kapatid na lalaki at babae, sila ay ang Aking Ina. Wala na Akong iba pa. At ang Aking mga kamag-anak ay magiging ganyan kung sila ay ang unang gagawa ng kalooban ng Diyos nang may mas malaking perpeksiyon kaysa sa sino pa mang iba hanggang sa punto na ganap na isinasakripisyo ang iba pang kalooban o tawag ng dugo o ng damdamin.»

Ang mga pulutong ay bumulung-bulong nang mas malakas, katulad ng dagat na napagaspang ng biglang dagsa ng hangin.

Ang mga eskriba ay nagsimulang umalis nagsasabing: «Siya ay isang dimonyo! Tinatalikuran Niya ang Kanyang sariling dugo!»

Ang Kanyang mga kamag-anak ay lumapit nagsasabing: «Siya ay baliw! Pinasasakitan Niya ang Kanyang pinaka-Ina Mismo!»

Ang mga apostol ay nagsabi: «Ang Kanyang salita ay tunay na puno ng kabayanihan!»

Ang mga pulutong ay nagkumento: «Gaano Niya tayo kamahal!»

Sina Maria, Jose at Simon ay ipinipilit ang kanilang daan sa gitna ng pulutong nang may kahirapan. Habang si Maria ay ganap na may-kabaitan, si Jose ay galit-na-galit at si Simon ay ganap na napapahiya. Nakarating sila malapit kay Jesus.

Si Jose ay inatake Siya kaagad: «Ikaw ay baliw! Sinasaktan Mo ang lahat. Ni hindi Mo nirerespeto ang Iyong Ina. Ngunit ako ay naririto na ngayon at patitigilin kita. Totoo ba na Ikaw ay pagala-gala bilang isang manggagawa? Kung totoo iyan, bakit hindi Ka magtrabaho sa sarili Mong pagawaan, at kung gayon makapaglaan para sa Iyong Ina? Bakit Ka nagsisinungaling na ang Iyong gawain ay ang magturo, Ikaw na tamad at walang utang na loob na tao, kung nagtatrabaho ka para sa pera sa ibang mga tao? Sa palagay ko Ikaw ay totoong naaalihan ng isang dimonyo na nagliligaw sa iyo. Tumugon sa akin!»

Si Jesus ay tumalikod at kinuha ang maliit na Jose sa kamay, inilapit Niya siya sa Kanyang sarili at itinataas siya sa kanyang mga kilikili sinabi Niya: «Ako ay nagtrabaho upang makapaglaan ng pagkain para sa inosenteng batang ito at sa kanyang mga kamag-anak at makumbinsi sila na ang Diyos ay mabuti. Iyon ay isang sermon tungkol sa kababaang-loob at karidad para sa Korazim. At hindi lamang para sa Korazim. Bagkus pati rin sa iyo, Jose, Aking di-makatarungang kapatid. Ngunit pinatatawad kita sapagkat nalalaman Ko na ikaw ay nakagat ng mga ahas. At pinatatawad din kita, Simon, na napakapabagu-bago. Wala Akong dapat na ipagpatawad sa Akin Ina o ipagpatawad Niya, sapagkat ang Kanyang paghusga ay makatarungan. Hayaan ang mundo na gawin kung ano ang ibig nito. Ginagawa Ko kung ano ang gusto ng Diyos. At kasama ang pagpapalà ng Aking Ama at Ina Ako ay mas masaya kaysa kung Ako ay pinapurihan bilang isang hari ayon sa mundo. Halika, Inay. Huwag umiyak. Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang ginagawa. Patawarin sila.»

«O! Anak! Alam Ko. Alam Mo. Wala nang kailangan pang sabihin…»

«Wala nang kailangan pang sabihin maliban sabihin sa mga tao: “Humayo sa kapayapaan”.»

At si Jesus ay pinagpapalà ang pulutong, at hinahawakan si Maria nang Kanyang kanang kamay at si Jose ng Kanyang kaliwa, Siya ay naglakad patungo sa hagdanan at Siya ang unang umakyat dito.

090611

 

 


Sunod na kabanata