269. Ang Balita Tungkol sa Pagpatay kay Juan bautista.

Setyembre 4, 1945.

Si Jesus ay nagpapagaling ng ilang maysakit; si Manaen lamang ang naroroon. Sila ay nasa bahay sa Capernaum sa malilim na pangkusinang-hardin, maaga nang umaga. Si Manaen ay hindi suot ang kanyang mamahaling sinturon o ang manipis na metál sa kanyang noo. Ang kanyang tunika ay nahahawakang mahigpit ng isang delanang kordon at ang kanyang panakip sa ulo ng isang manipis na kapirasong tela. Si Jesus ay walang takip sa ulo, katulad na Siya laging ganito, kapag nasa bahay.

Pagkatapos na mapagaling at mapaginhawahan ang mga may sakit na mga tao, si Jesus ay umakyat sa itaas kasama si Manaen at kapwa sila naupo sa hamba ng bintana na nakaharap sa bundok, sapagkat ang araw sumisikat sa kabilang tabi ng bahay at ito ay napakainit, bagama't hindi na ngayon ang kainitan ng tag-init.

«Ang pagpipiga ng mga ubas ay malapit nang magsimula» sabi ni Manaen.

«Oo. Pagkatapos ay magiging kapistahan na ng mga Tabernakulo… at pagkatapos malapit na ang taglamig. Kailan mo iniisip na umalis?»

«H’m… Hindi na ako kailanman aalis… Ngunit aking iniisip ang tungkol kay Juan Bautista. Si Herodes ay mahina. Kung ang isa ay nalalaman kung papaano siya maimpluwensyahan na maging mabuti, kung hindi siya maging mabuti, nananatili siya kung man lamang… hindi uhaw sa dugo. Ngunit tanging kakaunting mga tao lamang ang nagpapayo sa kanya nang may-karunungan. At ang babaeng iyon!... Ang babaeng iyon!... Ngunit ibig kong manatili dito hanggang ang Inyong mga apostol ay makabalik. Hindi dahil labis kong pinagkakatiwalaan ang aking sarili… ngunit may ilan pa akong mga pabigat… bagama't ang pabor na kinalulugdan ko dati ay lumiit nang labis mula nang mabatid nila na sinusundan ko na ngayon ang daan ng Kabutihan. Ngunit hindi na bale ito. Ibig kong magkaroon ng sapat na lakas ng loob upang magawa kong maiwanan ang lahat at sundan Kayo nang ganap, katulad ng Inyong mga disipulo na Inyong hinihintay. Ngunit ako kaya ay magtatagumpay kailanman? Kami na hindi ng pangkaraniwang mga tao ay nahihirapan sa pagsunod sa Inyo. Bakit?»

«Sapagkat ang mga galamay ng inyong kaawa-awang kayamanan ay napipigilan kayo.»

«Subalit, may nalalaman akong ilang mga tao na hindi eksaktong mayayaman, bagkus may pinag-aralan o magkakaroon ng pinag-aralan, at sila ay hindi rin dumarating.»

«Sila rin ay may mga galamay ng kaawa-awang mga kayamanan na nagpipigil sa kanila. Ang isa ay hindi lamang mayaman sa pera. Naririyan ang kayamanan ng kaalaman. Kakaunti ang makapangungumpisal kasama si Solomon: “Banidad ng mga banidad. Ang lahat ay banidad”, pangungumpisal na ipinagpatuloy at pinalawak hindi labis sa materyal bagkus sa kalaliman nito sa Qohelet. Naaalaala mo ba ito? Ang pantaong siyensiya ay banidad sapagkat upang madagdagan ang pantaong kaalaman lamang “ay aguniya at kirot ng espiritu at siya na pinararami ang siyensiya at pinararami ang gayong aguniya”. Sasabihin Ko sa iyong totoo na ganyan iyan. At sasabihin Ko rin sa iyo na hindi ito magiging ganito kung ang pantaong siyensiya ay suportado at nakokontrolan ng sobrenatural na karunungan at ng banal na pagmamahal sa Diyos. Ang pagpapakasarap ay banidad, sapagkat hindi ito tumatagal, bagkus mabilis na mawala pagkatapos na umapoy, nag-iiwan ng mga abo at kawalang-laman. Ang mga kayamanan na inimpok sa pamamagitan ng sari-sari’t iba't ibang pamamaraan ay banidad para sa tao na mamamatay, dahil iiwanan niya ito sa ibang mga tao at hindi niya mapaaalis ang kamatayan sa pamamagitan nito. Ang babae ay banidad, kapag siya ay tinitingnan na isang “babae” at minimithi na ganyan. Kung kaya’t maghihinuha tayo na ang tanging isang bagay na hindi banidad ay ang banal na takot sa Diyos at ang pagsunod sa Kanyang mga utos, iyan ang karunungan ng tao, na hindi lamang laman, bagkus may ikalawang kalikasan: ang espirituwal na kalikasan. Ang sinuman na nakapangangatwiran nang ganyan ay papayag, makapagpupumiglas sa bawat galamay ng kaawa-awang kayamanan at makakakilos nang malaya patungo sa Araw.»

«Ibig kong tandaan ang mga salitang iyan. Gaano Ninyo ako binigyan ng labis sa loob ng mga nakaraang araw na ito! Makababalik na ako ngayon sa pangit na Korteng iyon, na tila maningning lamang sa mga tanga, at tila makapangyarihan at malaya, samantalang ito ay paghihirap, kulungan at kadiliman, at makababalik na ako na may isang tagong kayamanan na magagawa akong mamuhay nang mas mabuti sa paghihintay sa pinakamaganda. Ngunit mararating ko kaya kailanman ang pinakamagandang iyan, na siyang ang maging ganap na sa Inyo?»

«Oo, mararating mo.»

«Kailan? Sa sunod na taon? Saka na? O kapag ang katandaan ay nagawa na akong marunong?»

«Mararating mo iyan sa loob ng kakaunting mga oras sa pagiging espirituwal na may-gulang at pagiging perpekto sa pagloob.»

Si Manaen ay tinitingnan Siya nang mapag-isip, may-pagtatanong… Ngunit hindi na siya nagtatanong ng iba pang katanungan.

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos sinabi ni Jesus: «Nalapitan mo na ba kahit minsan si Lazarus ng Bethany?»

«Hindi, Guro. Masasabi kong hindi. Kung kami ay nagkita sa ilang mga okasyon, hindi ko masasabi na iyon ay dahil sa pagkakaibigan. Alam N’yo na… Ako ay na kay Herodes at si Herodes ay laban sa kanya… Kung kaya't…»

«Si Lazarus ay makikita ka na ngayon sa Diyos, lampas sa mga ganoong bagay. Kailangan na masikap ka na malapitan siya, bilang kapwa disipulo.»

«Gagawin ko iyan, kung iyan ang ibig Ninyo…»

Ang balisang mga tinig ay naririnig sa hardin. Sila ay mga balisang nagtatanong: «Ang Guro! Ang Guro! Naririto ba Siya?»

Ang ma-armoniya na tinig ng maybahay na babae ay tumugon: «Siya ay nasa itaas. Sino ba kayo? Mga taong may sakit?»

«Hindi. Mga disipulo ni Juan at kailangan namin si Jesus ng Nazareth.»

Si Jesus ay dumungaw sa bintana nagsasabing: «Kapayapaan sa inyo… O! kayo ito. Pasok kayo!»

Sila ay ang tatlong mga pastol na si Juan, Matthias at Simon. «O! Guro!» nagsasalita silang nakatingin sa itaas at pinakikita ang kanilang namimighating mga mukha. Ni ang pagkakita kay Jesus ay hindi sa kanila nakapagpasaya.

Si Jesus ay iniwanan ang silid at lumabas upang tagpuin sila sa terasa. Si Manaen ay sinusundan siya. Sila ay nagkatagpo kung saan ang hagdanan ay nagpápatuloy na sa maaraw na terasa.

Ang tatlong lalaki ay lumuhod hinahalikan ang sahig. Pagkatapos si Juan ay nagsalita sa katauhan nilang lahat: «Tanggapin na Ninyo kami ngayon, Panginoon, sapagkat kami ngayon ay Inyo nang pamana» at mga luha ang bumababa sa mga mukha ng mga disipulo at sa kanilang mga kasamahan.

Si Jesus at si Manaen ay napabigkas ng iisang sigaw lamang: «Si Juan?»

«Siya ay pinatay na…»

Ang salita ay bumagsak katulad ng isang malakas na mapurol na ingay, na nakapampalunod sa bawat ingay ng mundo. Subalit iyon ay binigkas sa isang mababang tinig. Ngunit pinanigas nito kapwa ang nagsasalita at ang mga nakikinig. At ang lupa, nang mapakinggan ito at bilang nahihintakutan, ay tila pinipigil ang bawat ingay, ganyang ang sandali ng pananahimik at ganap na kawalang-galaw ng mga hayop, ng madadahong mga sanga, ng hangin. Ang mga kalapati ay tumigil sa paghuni, ang mga blackbird ay pinigil ang kanilang musikal na mga awit, ang koro ng mga ibong pipit ay napatigil, at ang paghuni ng mga kuliglig ay biglang naging tahimik, na tila ang pakana nito ay nasira na di-inaasahan, habang ang hangin, na humahaplos sa mga dahon ng mga baging at mga punungkahoy, ginagawa silang lumagaslas katulad ng seda at ginagawa ang mga poste na lumangutngot, ay ganap na tumahimik.

Si Jesus ay namutlang katulad ng garing habang ang Kanyang mga mata ay lumaki nangingintab. Ibinukas Niya ang Kanyang mga bisig nagsasabi, at ang Kanyang tinig ay malalim sa pagsisikap na patatagin ito: «Kapayapaan sa martir ng hustisya at sa Aking Precursor.» Itiniklop Niya ang Kanyang mga kamay, iniipon ang Kanyang mga naiisip sa panalangin, nakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos at sa espiritu ni Juan Bautista.

Si Manaen ay hindi naglalakas loob na gumawa ng pagkilos. Sa kabaligtaran kay Jesus, siya ay namumula nang marubdob na may bugso ng galit. Pagkatapos siya ay naging tuod at ang kanyang pagkabalisa ay naibubunyag ng mekanikal na paggalaw ng kanyang kanang kamay kinukusot ang kordon ng kanyang tunika, at ng kanyang kaliwang kamay na di-sinasadyang kinakapa ang kanyang punyal… at si Manaen ay iniiling ang kanyang ulo kinahahabagan ang kanyang mahinang isip na hindi na makaalaala na kanyang tinalikdan na ang kanyang mga armas upang maging «ang disipulo ng Mababang-loob na Guro, malapit sa Mababang-loob na Mesiyas.»

Si Jesus ay ibinukang muli ang Kanyang bunganga at mga mata, ang Kanyang hitsura, ang Kanyang mga mata, ang Kanyang tinig ay ipinagpapatuloy ang Kanyang dibinong mahestad na kinaugalian na Niya. Tanging ang isang malalim na kalungkutan lamang na pinahinahon ng kapayapaan ang umaaligid sa Kanya. «Halika at sabihin sa Akin. Mula ngayon kayo ay sa Akin na.» At dinala Niya sila sa silid, isinasara ang pinto at medyo isinasara ang mga kurtina, upang magkaroon ng mahinang liwanag at isang atmospera ng konsentrasyon sa paligid ng kapighatian at ng kagandahan ng kamatayan ni Juan Bautista, at upang makaporma ng isang partisyon sa pagitan ng ganyang perpeksiyon ng buhay at ng tiwaling mundo. «Magsalita» sinasabihan Niya sila.

Si Manaen ay naninigas pa rin. Siya ay malapit sa grupo ngunit hindi bumibigkas ng isang salita.

«Iyon ay ang gabi ng kapistahan… Ang pangyayari ay hindi inaasahan… Tanging dalawang oras pa lamang bago kinonsulta ni Herodes si Juan at pinaalis niya siya nang may-kabaitan… At kaunting sandali bago ang … pagpatay, ang martiryo, ang krimen, ang pagluluwalhati, si Herodes ay nagpadala ng isang katulong na may malamig na prutas at pambihirang mga alak para sa nakukulong. Si Juan ay ipinamigay ang lahat sa amin… hindi niya kailanman binago ang kanyang paghihigpit ng sinturon… kami lamang ang tanging mga naroroon, salamat kay Manaen, kami ay nasa loob ng palasyo bilang mga katulong sa kusina at mga tagapaglinis ng mga kuwadra. At iyon ay isang grasya sapagkat lagi naming nakikita ang aming Juan… si Juan at ako ay nasa kusina, habang si Simon ay pinangangasiwaan ang mga kuwadra tinitiyak na ang mga nag-aalaga ng mga kabayo ay tinitingnan nang mabuti ang mga kabayo ng mga panauhin… Ang palasyo ay puno ng mahahalagang tao, mga komandante ng militar at mga maginoo mula sa Galilee. Si Herodias ay isinara ang sarili sa kanyang mga silid pagkatapos ng mainitang pakikipag-away sa umaga kay Herodes…»

Si Manaen ay nakialam: «Ngunit kailangan bumalik ang ayena?»

«Nang makalawang araw. Di-inaasahan… nagsasabi sa monarka na hindi siya makapaninirahan na malayo sa kanya at mawala sa araw ng kanyang kapistahan. Isang ahas at manggagaway na katulad niya lagi, ginawa niya siyang katatawanan… Ngunit nang umagang iyon, bagama't si Herodes ay puno na ng alak at kahalayan, tinanggihan niyang ibigay kay Herodias ang kanyang hinihingi nang may malalakas na sigaw… Ngunit walang nakaaalam na iyon ay ang buhay ni Juan!... Si Herodias ay nananatiling nagrerebelde sa loob ng kanyang mga silid. Ibinalik niya kay Herodes ang makaharing mga pagkain na nasa mamahaling mga bandehado. Pinaiwan lamang niya ang isang mamahalin bandehado na puno ng prutas, sinuklian niya ang regalo ng isang amphora ng may-gamot na alak… May gamot… Ah! Ang kanyang mabisyong lasing na kalikasan ay sapat na na lasingin siya para sa krimen! Mula sa mga katulong na mga naghihintay sa mesa napag-alaman namin na pagkatapos ng sayaw ng mga mananayaw, hindi, sa kalahatian nito, si Salome ay nagmadaling nagpatungong sumasayaw sa lugar ng pinagsasayawan sa bulwagan. At ang mga mananayaw, sa presensya ng makaharing babae, ay tumabi sa mga pader. Sinabihan kami na ang kanyang sayaw ay perpekto. Mahalay at perpekto. Karapat-dapat sa mga panauhin… Si Herodes… O! baka panibagong mithiin ng insesto ang nangangasim sa kanyang puso! Si Herodes, pagkatapos ng sayaw, ay nagsalitang ganadung-ganado kay Salome: “Nakapagsayaw ka nang napakaganda! Sinusumpa ko sa iyo na karapat-dapat ka ng isang gantimpala. Sinusumpa ko na ibibigay ko ito sa iyo. Sinusumpa ko na ibibigay ko ang kahit na anong hingin mo sa akin. Isinusumpa ko ito sa harapan ng lahat. At ang salita ng hari ay matapat din kahit walang panunumpa. Hingin kung ano ang gusto mo”. At si Salome, nagkukunwaring nalilito, inosente at mahiyain, binabalot ang kanyang sarili sa mga belo nang may mahiyaing mga kilos pagkatapos ng labis na kakapalan ng mukha, ay nagsabi: “Pahintulutan ninyo ako, dakilang hari, na mag-isip nang sandali. Ako ay aalis at babalik ako pagkatapos, sapagka’t ang inyong kabunyian ay naantig ako”… at siya ay umalis pumupunta sa kanyang ina. Si Selma ay nagsabi sa akin na si Salome ay pumasok na tumatawa, nagsasabing: “Inay, nanalo ka! Ibigay ninyo sa akin ang bandehado”. At si Herodias na may sigaw ng pananagumpay ay inutusan ang alipin na ibigay kay Salome ang bandehado na kanyang itinabi kanina lamang, nagsasabing: “Lakad, at bumalik kasama ang kinapopootang ulo at daramtan kita ng mga perlas at ginto”. At si Selma ay nahintakutan at sumunod… Si Salome ay pinasok ulit ang bulwagan sumasayaw at pumunta upang magpatirapa sa paanan ng hari: “Naririto. Sa bandehadong ito na inyong pinadala sa aking ina bilang pagkilala na minamahal ninyo siya, ibig ko ang ulo ni Juan. At ako ay sasayaw muli, kung kinalulugdan ninyo ito nang labis. Isasayaw ko ang sayaw ng pananagumpay. Sapagkat ako ay nanalo! Natalo kita, hari! Natalo ko ang buhay, at ako ay masaya!” Iyan ang kanyang sinabi, at ang kanyang mga salita ay inulit sa amin ng mapagkaibigan ng tagadala ng mga kalis. At si Herodes ay napahiya, bilang nasa gitna ng dalawang mithiin: ang pangatawanan ang kanyang pangako, upang maging makatarungan. Ngunit hindi siya maaaring maging makatarungan, sapagkat siya ay di-makatarungan. Siya ay tumango sa tagapugot ng ulo ng mga sentensiyado na nakatayo sa likuran ng upuan ng hari, at kinuha niya mula sa nakataas na kamay ni Salome ang bandehado at mula sa bulwagan ng bangkete bumaba sa mas mabababang silid. Si Juan at ako ay nakita siyang tinawid ang bakuran… at pagkaraan nang kaunti narinig namin ang sigaw ni Simeon: “Mga mamamatay-tao!” at pagkatapos nakita namin ulit ang tagapugot na dumaan ulit na ang ulo nasa bandehado… si Juan ang Inyong precursor, ay patay na…»

«Simeon, masasabi mo ba sa Akin kung papaano siya namatay?» nagtanong si Jesus pagkaraan nang kaunting sandali.

«Oo, siya ay nananalangin… nasabi niya sa akin una dito: “Ang dalawang mensahero ay makababalik bago magtagal, at ang mga hindi naniniwala, ay maniniwala. Ngunit tandaan, kung ako ay hindi na buhay pagbalik nila, ako, sa punto na mamamatay, ay nagsasabi sa iyo: ‘Si Jesus ng Nazareth ay ang totoong Mesiyas’ upang sana maulit mo ito sa iba”. Siya ay laging iniisip Kayo… ang tagapugot ay pumasok. Ako ay napasigaw. Si Juan ay tumingala at nakita siya. Siya ay tumayo at nagsabi: “Makukuha mo lamang ang aking buhay. Ngunit ang walang-katapusang katotohanan ay na hindi legal ang gumawa ng mali”. At siya ay may ibig na sabihin sa akin nang ang tagapugot ay ihinampas ang kanyang mabigat na espada, habang si Juan ay nakatayo at ang ulo ay nalaglag mula sa katawan sa isang buhos ng dugo na nagpapula sa balat ng kambing habang ang kanyang manipis na mukha ay mamuti, ngunit ang kanyang mga nakabukang mata ay buhay pa at nag-aakusa. Ang ulo ay gumulong patungo sa aking paanan… At ako ay bumagsak na kasabay sa pagbagsak ng kanyang katawan, dahil hinimatay ako sa kapighatian… Pagkatapos… Pagkatapos na sinira ni Herodias ang hitsura nito, ang ulo ay itinapon sa mga aso. Ngunit amin itong kinuha kaagad at binalot namin ito sa isang mamahaling belo kasama ang katawan, at noong gabi binuo namin ang katawan at inilabas namin ito sa Machaerus. Inimbalsamo namin ito sa pagsikat ng araw sa loob ng isang palumpungan ng akasya sa tulong ng ibang mga disipulo… Ngunit ito ay kinuha muli sa amin upang pagtagatagain… sapagkat hindi ito masira ni Herodias at hindi niya mapatawad si Juan… At ang kanyang mga alipin, kinatatakutan ang kamatayan, ay mas mababangis pa kaysa mga jackal sa pagkuha sa ulo mula sa amin. Kung naroroon ka lamang, Manaen!...»

«Kung ako lamang ay naroroon… Ngunit ang ulong iyon ay ang maldisyon ni Herodias… Walang nakukuha mula sa kaluwalhatian ng Precursor, kahit na kung ang katawan ay pinaghiwa-hiwalay. Tama ba iyon, Guro?»

«Totoo iyan. Kahit na kung ang mga aso ay sinira ito, ang kanyang kaluwalhatian ay hindi magbabago.»

«Ni hindi ang kanyang salita, Guro. Ang kanyang mga mata, bagama't sinira sa porma, sa ilalim ng malaking sugat, ay nagsasabi pa rin: “Hindi ka pinahihintulutan”. Ngunit nawala na siya sa amin!» sabi ni Matias.

«At kami ngayon ay Inyo nang mga disipulo, sapagkat iyan ang kanyang sinabi, at sinabi niya sa amin na ito ay nalalaman na Ninyo.»

«Oo, maraming buwan na kayo na nasa Akin. Papaano kayo nakarating?»

«Naglakad; nang unti-unti. Iyon ay isang mahabang masakit na paglalakbay, sa init ng buhangin at ng araw, na pinalala pa gawa ng kapighatian. Naglakad kami sa loob ng mga dalawampung araw na…»

«Magpapahinga na kayo ngayon.»

Si Manaen ay nagtanong: «Si Herodes ba ay hindi nagtataka sa aking pagkawala?»

«Oo, nang una siya ay naiinis, pagkatapos siya ay nagalit. Ngunit nang ang kanyang galit ay kumalma, siya ay nagsabi: “Nabawasan ng isang hukom”. Iyan ang sinabi sa amin ng aming kaibigan na tagapagdala ng mga kalis.»

Sinabi ni Jesus: «Nabawasan ng isang hukom! Ang Diyos ang kanyang hukom at sapat na iyan. Tayo na sa ating pinagtutulugan. Kayo ay pagod at puno ng alikabok. Makikita ninyo ang mga damit at mga sandalyas ng inyong mga kasamahan. Kunin iyan, palamigan ninyo ang inyong mga sarili. Kung ano ang pag-aari ng isa ay pag-aari ng lahat. Matias, dahil ikaw ay matangkad, maisusuot mo ang isa sa Aking mga tunika. Saka na kami maglalaan. Ang Aking mga apostol ay darating bago gumabi, sapagkat ngayon ay ang bispiras ng Sabbath. Si Isaac ay darating sa sunod na linggo kasama ang mga disipulo, at pagkatapos sina Benjamin at Daniel ang darating; sina Elias, Jose at Levi ay mapupunta rito pagkatapos ng mga Tabernakulo. Panahon na para sa iba na samahan ang Labindalawa. Lakad at magpahinga na.»

Si Manaen ay dinala sila pagkatapos bumalik. Si Jesus ay nananatiling kasama si Manaen. Siya ay naupong nag-iisip, at maliwanag na nalulungkot, na ang Kanyang ulo nakapatong sa isang kamay. Ang Kanyang siko nasa ibabaw ng Kanyang tuhod bilang suporta. Si Manaen ay nakaupo malapit sa mesa at hindi gumagalaw. Siya ay nabubugnot. Ang kanyang mukha ay isang bagyo.

Pagkatapos ng mahabang sandali, si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo, tinitingnan siya at nagtanong: «At ano na ang iyong gagawin ngayon?»

«Hindi ko pa alam… Wala nang dahilan na manatili pang matagal sa Machaerus. Ngunit ibig kong manatili sa korte upang makaalam… ang maprotektahan Kayo ayon sa aking nalaman.»

«Mas mabuti pang sundan mo Ako nang walang pag-antala. Ngunit hindi kita pipilitin. Ikaw ay sasama, kapag ang lumang Manaen ay nasira na nang unti-unti.»

«Ibig ko rin kunin ang ulo na iyon mula sa babaeng iyon. Hindi siya karapat-dapat na makuha ito…»

Si Jesus ay may bahagyang pahiwatig ng isang ngiti at nagsabi nang prangko: «At hindi ka pa patay sa pantaong kayamanan. Ngunit ikaw ay mahal sa Akin gayunpaman. Alam Ko na hindi ka mawawala sa Akin kahit na kung Ako ay maghintay. Alam Ko kung papaano maghintay…»

«Guro, ibig kong ibigay sa Inyo ang aking kabutihang-loob upang mapaginhawahan Kayo… Sapagkat Kayo ay naghihirap. Nakikita ko iyan.»

«Totoo iyan. Ako ay naghihirap. Labis!»

«Dahil lamang kay Juan? Hindi sa palagay ko. Nalalaman Ninyo na siya ay nasa kapayapaan na.»

«Alam Ko na siya ay nasa kapayapaan na at nadarama Ko siyang malapit Akin.»

«Bueno, kung gayon?»

«Kung gayon!... Manaen, ano ang nauuna sa bukanliwayway?»

«Ang araw, Guro. Bakit Ninyo ako tinatanong?»

«Sapagkat ang kamatayan ni Juan ay pinangungunahan ang araw kung kailan Ako magiging ang Tagapagtubos. At ang pantaong bahagi sa Akin ay nanginginig tungkol sa idea,… Manaen, aakyat Ako sa bundok. Manatili ka rito upang tanggapin ang sinuman na darating at tulungan ang mga dumating na. Manatili hanggang Ako ay makabalik. Pagkatapos… magagawa mo anuman ang ibig mo. Paalam.»

At si Jesus ay iniwan ang silid. Unti-unti Siyang bumaba sa mga baytang ng hagdanan, tinawid ang pangkusinang-hardin at sa likuran nito kinuha Niya ang maliit na landas sa tabi ng naligalig na mga hardin, mga punong olibo, mga taniman ng mga puno ng mansanas at igos at mga ubasan at inakyat ang dalisdis ng isang maliit na burol kung saan Siya nawala sa paningin.

160611

 


Sunod na kabanata