270. Ang Paglisan Pagawing Tarichea.

Setyembre 5, 1945.

Si Jesus ay bumalik sa bahay nang gabing-gabi na. Pinasok Niya ang hardin nang matahimik. Tumingin Siya nang sandali sa look ng madilim na kusina. Tiningnan Niya ang dalawang silid kung nasaan naroroon ang mga pansapin at mga kama. Dito ay wala ring mga nakahiga. Tanging ang mga pinagbihisan, nakatambak sa sahig, ang nagsasabi na ang mga apostol ay nakabalik na. Ang bahay ay tahimik-na-tahimik na tila rito ay walang nakatira.

Si Jesus, gumagawa ng mas wala pang ingay kaysa sa anino, ay dahan-dahan na inakyat ang maliliit na mga baytang, puting-puti sa kaputian ng buwan, at nakarating sa terasa. Siya ay naglalakad dito. Siya ay tila isang multo na kumikilos sa paligid, isang maningning na multo. Sa maputing maliwanag na sinag ng buwan, Siya ay nagmumukhang mas payat at mas matangkad. Itinaas Niya nang isang kamay ang kurtina ng pintuan ng silid sa itaas. Ito ay nanatiling nakababa mula pa nang ang mga disipulo ni Juan ay pinasok ito kasama si Jesus. Sa loob ay naroroon ang mga apostol, mga nakaupo rito at doon, magkakagrupo o nag-iisa, kasama ang mga disipulo ni Juan at si Manaen; naroroon din si Marjiam natutulog na ang ulo nakapatong sa mga tuhod ni Pedro. Ang buwan ay pinaliliwanagan ang silid sa pamamagitan ng makislap na mga sinag na dumaraan sa maluwang na nakabukas na mga bintana. Walang sinuman ang nagsasalita. At walang sinuman ang natutulog, maliban sa bata, na nakaupo sa isang sapin sa sahig.

Si Jesus ay pumapasok nang tahimik at si Tomas ang unang nakakita sa Kanya. «O! ang Guro!» bumulalas siyang nagulat.

Ang lahat ay natauhan. Si Pedro, sa kanyang kasayahan, ay nasa punto na na tumayo nang bigla, ngunit kanyang naalaala ang bata at siya’y dahan-dahan na tumayo, ipinapatong ang maitim na ulo ni Marjiam sa kanyang upuan, at kung gayon ang siyang nahuling makarating kay Jesus, habang ang Guro, sa pamamagitan ng tinig ng isang naghirap nang labis, ay tumutugon kina Juan, Santiago at Andres, na binabanggit ang kanilang mga kalungkutan sa Kanya: «Naiintindihan Ko. Ngunit tanging siya lamang na hindi naniniwala ang malulungkot dahil sa kanyang kamatayan. Hindi tayo, na nakaaalam at naniniwala. Si Juan ay hindi na nakahiwalay sa atin. Nakahiwalay siya dati. Hindi, pinaghiwalay niya tayo. Kasama Ko, o kasama niya. Hindi ganyan ngayon. Kung nasaan siya, naroroon Ako. Siya ay malapit sa Akin.»

Si Pedro ay ipinilit ang kanyang ubaning buhok na makasingit sa mga mas nakababata at siya’y nakita ni Jesus: «Ikaw ay umiiyak din, Simon ni Jonah?» At si Pedro sa pamamagitan ng tinig na mas paos pa kaysa dati: «Oo, Panginoon. Sapagkat ako ay disipulo rin ni Juan. At pagkatapos… Nang nakalipas na bispiras ng Sabbath ako ay nagrereklamo na ang presensya ng mga Pariseo ay papapaitin ang ating Sabbath! Ito ay tunay ngang mapait na Sabbath! Dinala ko ang bata, upang magkaroon ng masaya-sayang Sabbath… Sa halip…»

«Huwag panghinaan ng loob, Simon ni Jonah. Si Juan ay hindi nawala. Inuulit Ko rin iyan sa iyo. At bilang kapalit nagkaroon tayo ng tatlong naperpektong mga disipulo. Nasaan ang bata?»

«Sa banda roon, Guro. Siya ay natutulog…»

«Hayaan siyang makatulog» sabi ni Jesus tinitigilan ang maliit na maitim na ulo na natutulog nang mapayapa. At nagtanong Siyang muli: «Kumain na ba kayo ng hapunan?»

«Hindi, Guro. Kami ay naghihintay para sa Inyo at kami ay nag-aalala dahil sa antala Ninyo, dahil hindi namin malaman kung saan namin Kayo hahanapin… at tila pati Kayo ay nawala na rin sa amin.»

«Marami pa tayong oras na magkakasama-sama. Bueno, ihanda na ang hapunan, sapagkat pagkatapos tayo ay pupunta sa ibang lugar. Kailangan Kong makapag-isa kasama ang mga kaibigan, at kung tayo ay naririto bukas, mapaliligiran tayo ng mga tao.»

«At sinusumpa ko sa Inyo na hindi ko sila pagpapasensyahan, lalo na ang mga ahas na mga kaluluwa ng mga Pariseong iyon. At malas nila kung may makakatakas na ngiti sa kanila tungkol sa atin sa loob ng sinagoga!»

«Maging mabait, Simon!... Inisip Ko na rin ang tungkol diyan. Iyan kung bakit bumalik Ako upang isama Ko kayo.»

Ang pagkabalisa sa kanilang mga mukha ay mas makikita sa pamamagitan ng liwanag na maliliit na lampara na sinindihan sa dalawang magkabilang dulo ng mesa. Tanging si Jesus lamang ang mahestuwosong masolemne at si Marjiam ay ngumingiti sa kanyang tulog.

«Ang bata ay kumain na ng kanyang hapunan» paliwanag ni Pedro.

«Mas mabuti nang hayaan siyang makatulog, kung gayon» sabi ni Jesus.

Sa gitna ng Kanyang mga disipulo iniaalay Niya at iniaabot ang tipid na pagkain, na kinain nang walang gana. At ang hapunan ay natapos kaagad.

«Sabihin na sa Akin ngayon kung ano ang inyong ginawa…» sabi ni Jesus nagpapasigla.

«Ako ay sumama kay Felipe sa kabukiran ng Bethsaida at kami ay nag-ebanghelyo at nagpagaling ng isang may sakit na batang lalaki» sabi ni Pedro.

«Sa katunayan si Simon ang nagpagaling sa kanya» sabi ni Felipe, na ayaw na mapunta sa kanyang sarili ang kaluwalhatian na hindi naman para sa kanya.

«O! Panginoon! Hindi ko alam kung papaano ko nagawa iyon. Nanalangin ako nang marubdob, nang buong puso ko, sapagkat ako ay lubos na naawa sa batang may sakit. Pagkatapos pinahiran ko siya ng langis, kinuskos ko siya ng aking magaspang na mga kamay… at siya ay gumaling. Nang makita ko siya na nagkakulay at ibinuka ang mga mata, ibig sabihin, nang makita ko siyang nanumbalik, ako ay halos nahintakutan.»

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo na hindi nagsasalita.

«Si Juan ay pinamangha ang mga tao nang pagpapalayas sa isang dimonyo. Ngunit kinailangan kong magsalita» sabi ni Tomas.

«Ang Inyong kapatid na si Judas ay ginawa rin iyan» wika ni Mateo.

«Si Andres din» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Si Simon Zealot, sa halip, ay pinagaling ang isang ketongin. O! siya ay hindi natakot na hipuin siya! At sinabi niya sa akin: “Huwag matakot. Sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, walang pisikal na sakit ang makahahawa sa atin”» sabi ni Bartolomeo.

«Tama ka, Simon. At ano ang tungkol sa inyong dalawa?» tanong ni Jesus kay Santiago ni Zebedeo at sa Iskariote, na nasa mas malayu-layo, ang una nakikipagusap sa tatlong mga disipulo ni Juan, ang huli bilang nag-iisa at nagmumukmok.

«O! wala akong ginawa» sabi ni Santiago. Ngunit si Judas ay gumawa ng tatlong magagandang himala: isang bulag, isang paralitiko, isang inalihan na lalaki. Para siyang isang baliw sa akin. Ngunit iyan ang sinasabi ng mga tao…»

«At pinahahaba mo ang iyong mukha, kung ikaw ay tinulungan ng Diyos nang labis?» bulalas ni Pedro.

«Ako ay nakapag-papakababang-loob din.» tugon ng Iskariote.

«At kami ay naging mga panauhin ng isang Pariseo. Ako ay medyo napapahiya. Ngunit alam ni Judas kung papaano sila harapin at totoong napabait niya ang Pariseo. Noong unang araw siya ay ilag, ngunit pagkatapos… Tama ba iyon, Judas?»

Si Judas ay tumango na hindi nagsasalita.

«Mabuti. At makagagawa kayo nang mas mabuti at mas mabuti pa. Tayo ay magkakasama-sama sa susunod na linggo. Pansamantala… Simon… lumakad at ihanda ang mga bangka. Ikaw, din, Santiago.»

«Para sa lahat, Guro? Hindi tayo lahat madadala.»

«Hindi ka ba makakakuha ng isa pa?»

«Oo, kung tatanungin ko ang aking bayaw. Lalakad ako.»

«Lakad. At bumalik kaagad kapag handa ka na. At huwag kang magsalita sa kanila nang labis.»

Ang apat na mangingisda ay umalis. Ang iba ay bumababa upang kunin ang kanilang mga manta. Si Manaen ay nananatiling kasama ni Jesus. Ang bata ay patuloy sa pagtulog.

«Guro, malayo ba ang pupuntahan Ninyo?»

«Hindi Ko pa alam… Sila ay mga pagod at nalulungkot. Ako ay gayon din. Iniisip Ko ang pumunta sa Tarichea, sa kabukiran, upang makapag-isa sa kapayapaan…»

«Naririyan ang aking kabayo, Guro. Ngunit kung ako ay Inyong pahihintulutan, sasama ako sinusundan ang lawa. Magtatagal ba Kayo roon?»

«Baka buong linggo, ngunit hindi lalampas pa.»

«Kung gayon, sasama ako. Guro, pagpalain Ninyo ako sa unang pag-alis na ito. At paginhawahan ng pabigat ang aking puso.»

«Alin, Manaen?»

«Nakukonsiyensiya ako sa pag-iwan kay Juan. Baka kung ako ay naroroon…»

«Hindi. Iyon ay ang kanya nang oras. At siya ay tiyak na nasisiyahan na nakikita ka niya na pumunta sa Akin. Huwag hayaan iyan na makapagpabalisa sa iyo. Hindi, magsikap na alisin kaagad at nang maayos ang tanging pabigat na mayroon ka: ang kahiligan na maging tao. Maging espirituwal, Manaen. Magagawa mo. May kakayahan ka na maging ganyan. Paalam, Manaen. Ang Aking kapayapaan ay mapasaiyo. Mamaya lamang nasa Judea na kami.»

Si Manaen ay lumuhod at pinagpapalà siya ni Jesus. Pagkatapos Kanya siyang itinaas Niya at hinahalikan.

Ang iba ay bumalik at nagpalitan ng mga pagpapaalam, kapwa ang mga apostol at ang mga disipulo ni Juan. Ang mga mangingisda ang nahuling mga dumating.

«Handa na kami, Guro. Makalalakad na tayo.»

«Mabuti. Magpaalam kay Manaen na mananatili rito hanggang bukas na gabi. Ayusin ang mga pagkain, magdala ng ilang tubig at tayo na. Huwag masyadong gumawa ng ingay.»

Si Pedro ay yumuko upang gisingin si Marjiam.

«Hindi, pabayaan siya. Baka siya umiyak. Kakargahin Ko siya» sabi ni Jesus at Kanyang dahan-dahan na pinulot ang bata na umiimik nang kaunti, ngunit likas na pinaginhawahan ang sarili sa mga bisig ni Jesus.

Pinatay nila ang mga lampara. Lumabas sila isinasara ang pinto. Sila ay bumaba at sa pamasukan sila ay nagpaalam muli kay Manaen, at pagkatapos, sa isang linya, sa daan na naliliwanagan ng buwan pumunta sila sa lawa: isang dambuhalang malaplatang salamin sa ilalim ng buwan na nasa pinakatuktok. Ang tatlong lampara na nasa unahan ng mga bangka, na mga nasa tubig na, ay nagmumukhang tatlong mapupulang patak sa tahimik na salamin. Sumakay sila, inaayos ang mga sarili sa loob ng mga bangka, ang mga mangingisda bilang siyang huling mga sumakay. Si Pedro at isang katulong ay nasa bangka kung saan nakasakay si Jesus, si Juan at si Andres nasa ikalawa, si Santiago at isang katulong sa ikatlo.

«Saan tayo pupunta, Guro?» tanong ni Pedro.

«Sa Tarichea. Kung saan tayo dumaong pagkatapos ng himala sa mga Gadarene. Hindi na ngayon magiging maputik. At magiging tahimik.»

Si Pedro ay iniladlad ang mga layag at ang dalawang bangka ay naglalayag sa loob ng alimbukay ng bangka ni Pedro. Walang nagsasalita. Tanging nang sila ay nasa laot na at ang Capernaum ay nawala na sa paningin sa liwanag ng buwan at ang mga bagay ay halos iisang hitsura na lamang sa loob ng malaplatang alikabok, si Pedro ay nagsabi, na tila nagsasalita siya sa timon: «At ako ay natutuwa. Maghahanap sila sa atin, mahal ko, at salamat sa iyo hindi nila tayo makikita.»

«Kanino ka nagsasalita, Simon?» tanong ni Bartolomeo.

«Sa aking bangka. Hindi mo ba nalalaman na siya ay katulad ng isang nobya para sa isang mangingisda? Gaano ako nagsasalita sa kanya! Mahamog sa lawa sa gabi!...»

«Oo, totoo iyan. Makinig. Simon. Halika rito. Ibig Kong magsalita sa iyo.»

Si Pedro ay ipinagkatiwala ang timon sa katulong sa bangka at pumunta kay Jesus.

«Sinabi Ko Tarichea. Ngunit maganda rin na mapunta roon pagkatapos ng Sabbath upang makapagpaalam muli kay Manaen. Hindi ka ba makakakita ng isang lugar sa malapit kung saan tayo makapananatili sa kapayapaan?»

«O! Guro! Sa kapayapaan para sa atin o para rin sa mga bangka? Para sa mga bangka kailangan natin na pumunta sa Tarichea o sa ilang daungan sa ibang baybayin. Ngunit kung tinutukoy Ninyo ay ang para sa atin, sapat na ang pumunta sa loob ng mga kakahuyan sa ibayo ng Jordan, kung saan tanging mga mababangis na hayop lamang ang makakakita sa Inyo… o baka isang matandang mangingisda na nagbabantay sa mga lambat. Maiiwanan natin ang mga bangka sa Tarichea. Makararating tayo roon sa pagsikat ng araw at makaaalis tayo nang mabilis sa ibayo ng piyordo. Madaling lusungin ito sa panahong ito ng taon.»

«Mabuti. Iyan ang gagawin natin…»

«Ang mundo ay iniinis din Kayo, eh! Mas gusto Ninyo ang isda at mga lamok, eh? Tama Kayo.»

«Hindi Ako iniinis nito. Ang isa ay hindi kailangan na mainis. Ngunit ayaw Ko na magsimula ka ng iskandalo at ibig Ko na makatagpo ng kaginhawahan sa inyo sa Sabbath.»

«Aking Guro!...» Si Pedro ay hinahalikan ang noo ni Jesus at umalis na pinupunas ang isang malaking luha na namimilit na tumulo at dumaloy sa kanyang balbas. Bumalik siya sa timon nagpapagawing disidido sa timog, habang naglalaho ang liwanag ng buwan habang ito ay nagtatago sa likuran ng isang burol, itinatago ang malaking mukha nito sa paningin ng mga tao, ngunit nagagawa pang maputi ang kalawakan sa pamamagitan ng liwanag nito at ang lawa malaplata sa silangang dalampasigan. Ang iba ay madilim na indigo na mahirap makita sa liwanag ng lampara ng unahan ng bangka.

160611

 

 


Sunod na kabanata