273. Si Jesus Naglakad sa Tubig.

Marso 4, 1944.

Dapit-hapon na, halos gabi na, sapagkat halos hindi ko na makita ang landas na paakyat sa isang maliit na burol na may mga punungkahoy, na sa aking palagay ay mga punong olibo. Ngunit napakahina ng liwanag na hindi ako makatiyak. Ang mga puno ay hindi matataas, ngunit madahon at pilipit, nagmumukhang mga olibo.

Si Jesus ay nag-iisa. Nakasuot Siya ng isang puting tunika at isang madilim na asul na manta. Umaakyat Siya ay pinapasok ang isang taniman. Humahakbang Siya nang disidido. Hindi Siya naglalakad nang mabilis, ngunit habang Siya ay humahakbang, malayo ang Kanyang naaabot na hindi nagmamadali. Naglalakad Siya hanggang narating Niya ang isang klaseng natural na beranda nakikita mula rito ang lawa, na mapayapa at tahimik sa liwanag ng mga bituin na nagsisiksikan na sa kalawakan katulad ng maniningning na mata. Ang katahimikan ay napalilibutan si Jesus nang nakapagpapahingang yakap. Naihihiwalay Siya nito mula sa mga pulutong at mula sa lupa, ginagawa Siyang makalimutan Niya ang mga ito at makasama ang kalangitan.

Siya ay nananalangin sa Kanyang kinasanayan na hitsura: nakatayo na ang mga kamay nakaunat katulad sa sang krus. May isang puno ng olibo sa Kanyang likuran at
Siya ay tila naipako na sa madilim na katawan ng puno. Matangkad na katulad Niya, ang madahon na puno ay kaunti lamang ang taas sa Kanya at pinapalitan nito ang nakasulat sa Krus sa pamamagitan ng isang salita na katunog sa Kristo. Doon: «Hari ng mga Hudyo». Dito: «Prinsipe ng Kapayapaan». Ang mapayapang puno ng olibo ay nagsasalita nang katotohanan sa mga nakaiintindi dito. Siya ay nananalangin nang matagal. Pagkatapos Siya ay naupo sa paanan ng puno, sa ibabaw ng makapal na nakausling ugat, at ipinagpatuloy ang Kanyang kinasanayang aktitud na ang mga kamay magkakapit at ang Kanyang mga siko nakapatong sa Kanyang mga tuhod. Siya ay nagninilay-nilay, tungkol sa ano kayang paguusap ang kinahantungan Niya sa Kanyang Ama at sa Espiritu, ngayon na Siya ay nag-iisa at ganap na napapasa-Diyos. Diyos kasama Diyos.

Sa palagay ko maraming oras ang dumaan nang gayon sapagkat nakikita ko na ang mga bituin ay nagbago ng pusisyon at marami ang nasa kanluran na.

Nang ang paglitaw ng liwanag, o kung baga ng bahid ng liwanag, sapagkat hindi pa ito matatawag na liwanag, ay makita sa malayong orisonte, may isang buga ng hangin na umuga ang mga punong olibo. Ito ay kumalma. Ito ay nagsimulang bumuga ulit at mas malakas pa at naging marahas-na-marahas pa sa mas maiikling pagitan. Ang liwanag ng bukanliwayway, na kasisimula pa lamang, ay nahihirapan na makalabas dahil sa masa ng maiitim na ulap, na sumakop sa kalangitan, tinutulak ng palakas pa nang palakas na hangin. Ang lawa ay hindi na rin kalmante. Sa palagay ko naghahanda ito ng isang bagyo katulad ng nakita ko na sa isang bisyon. Ang ingay ng madahon na mga sanga at ang atungal ng tubig ay ngayon pinupuno ang ere, na kamakailan lamang ay napakakalmante.

Si Jesus ay napukaw sa Kanyang pagninilay. Siya ay tumayo at tumingin sa lawa. Tinititigan Niya ito sa liwanag ng natitirang mga bituin at ng nahihirapang bukanliwayway at nakita ang bangka ni Pedro, na naghihirap nang husto na marating ang kabilang baybayin, ngunit hindi nito magawa. Si Jesus ay itinaas ang Kanyang manta pabalot sa Kanyang sarili at itinaas na tila isang kaputsa ang laylayan ng Kanyang manta, na maka-aabala sa Kanyang pagkilos, at Siya ay tumakbong pababa, hindi patungo sa daan na Kanyang kinuha pag-akyat, bagkus patungo sa napakatarik na landas, na magdadala sa isa nang tuwiran sa lawa.

Nang marating Niya ang baybayin na hinahampas ng mga alon, na nag-iiwan ng mga bula sa mabatong baybayin, nagpatuloy Siya sa paglakad nang mabilis, na tila Siya ay naglalakad hindi sa ibabaw ng masalimuot ng likidong elemento, bagkus sa makinis na solidong daanan sa lupa. Siya ngayon ay naging isang liwanag. Ang lahat na malabong liwanag na nanggagaling pa sa iilan na mga bituin at sa mabagyong bukanliwayway ay tila nag-iipun-ipon sa Kanya, katulad ng mga kislap sa paligid ng Kanyang balingkinitang katawan. Siya ay lumilipad sa ibabaw ng mga alon, sa ibabaw ng mabulang mga taluktok at ng madilim na mga lupi sa pagitan ng mga alon, na ang Kanyang mga kamay nakaunat nang paharap, habang ang Kanyang manta ay lumulubo sa paligid ng Kanyang mga pisngi at pumapayagpag hangga’t maari, mahigpit na nakabalot sa Kanyang katawan, katulad ng isang pakpak.

walks on waterAng mga apostol ay nakita Siya at sumigaw sa takot, sigaw na nadala ng hangin patungo kay Jesus.

«Huwag matakot, Ako ito.» Ang tinig ni Jesus, bagama't salungat sa direksiyon ng hangin, ay nadalang malinaw sa ibabaw ng lawa.

«Kayo nga ba ito, Guro?» tanong ni Pedro. «Kung Kayo nga ito, sabihin sa akin na pumunta at salubungin Kayo, naglalakad sa ibabaw ng tubig katulad Ninyo.»

Si Jesus ay ngumiti: «Halika» sinabi Niyang simple, na tila ang ibig sabihin na ang maglakad sa tubig ay isang natural na bagay sa mundo.

At si Pedro, ang kalahating katawan hubad, ibig sabihin nakasuot lamang ng isang maikling walang-manggas na tunika, ay tumalon sa labas ng bangka at naglakad patungo kay Jesus.

Ngunit nang siya ay mga limampung yarda na mula sa bangka at gayon din mula kay Jesus, siya ay nahintakutan. Magpahanggang ngayon ang bugso ng kanyang pagmamahal ay nasuportahan siya. Ngayon ang kanyang kalikasan ng pagiging tao ay napangibabawan siya at… kinatakutan niya ang para sa kanyang sarili. Katulad ng isang nasa madulas na tinutuntungan, o mas mabuti pa, sa ibabaw ng isang kumunoy, nagsimula siyang sumuray, maghapuhap, lumubog. At habang mas naghahapuhap at natatakot, mas lalo siyang lumulubog.

Si Jesus ay tumigil at tinitingnan siya. Siya ay seryoso at naghihintay. Ngunit hindi Siya nag-aabot ng kamay kahit isa; ang Kanyang mga bisig ay nakatiklop at hindi Siya gumagawa ng kahit isang pagkilos o nagbibigkas ng kahit isang salita.

Si Pedro ay lumulubog. Ang kanyang mga talampakan, mga binti, mga tuhod ay nawawala. Ang tubig ay umaabot na sa kanyang baywang. Ang takot ay nasa kanya nang mukha. Ang takot ay pinaparalisa na rin ang kanyang kaisipan. Siya ay walang iba bagkus laman natatakot na malunod. Ni hindi na siya nag-iisip ng kahit lumangoy. Wala. Siya ay napanghawakan na ng takot.

Sa wakas nagpasya siyang tumingin kay Jesus. At kaagad nang nakita niya Siya, ang kanyang isip ay nagsimulang mangatwiran at nakita kung nasaan ang kaligtasan. «Guro, aking Panginoon, iligtas Ninyo ako.»

Si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga kamay at na tila dala Siya ng hangin o ng mga alon, nagmadali Siya patungo sa apostol at iniunat ang Kanyang kamay nagsasabing: «O! anong tao na may napakaliit na pananampalataya. Bakit mo Ako pinagdudahan? Bakit ginusto mong gawin iyon sa pamamagitan ng iyong sarili?»

Si Pedro na kumapit nang nanginginig sa kamay ni Jesus, ay hindi tumugon. Tinitingnan lamang niya Siya upang malaman kung Siya ay nagagalit, kahalo ang natitirang takot at ang nangingibabaw na pagsisisi.

Ngunit si Jesus ay ngumingiti sa kanya at hinawakan siya nang mabuti sa pupulsuhan, hanggang narating nila ang bangka at sumakay. Pagkatapos iniutos ni Jesus: «Magtungo sa baybayin. Basang-basa siya.» At Siya ay ngumingiti tinitingnan ang napahiyang disipulo.

Ang mga alon ay kumalma ginagawang madali ang pagdaong at ang bayan na nakita kanina mula sa itaas ng burol ay ngayon nakikita na sa kabila ng baybayin.

Ang bisyon ay natapos dito.

                                                -------------------------------------------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Maraming beses ni hindi na Ako naghihintay na tawagin, kapag nakikita Ko ang Aking mga anak na nanganganib. At maraming beses Ako ay pumupunta upang tulungan ang isang anak na walang utang-na-loob sa Akin.

Kayo ay tulóg o kayo ay napangingibabawan ng mga alalahanin at mga pagkabalisa sa buhay. Ako ay nagmamasid at nagdarasal para sa inyo. Ako ang Anghel ng lahat ng mga tao at tinitingnan Ko kayo at walang mas nakapamimighati sa Akin kaysa ang ka-imposiblehan na makialam dahil sa tinatanggihan ninyo ang Aking pakikialam, sapagkat mas gusto pa ninyo na kumilos sa pamamagitan ng inyong mga sarili, o, mas malala pa, tinatawag ninyo ang Kasamaan na isa na tulungan kayo. Katulad ng isang ama na naririnig ang kanyang anak na nagsasabi sa kanya: “Hindi ko kayo minamahal, hindi ko kayo kailangan. Umalis kayo sa aking bahay”, Ako ay napapahiya at naghihirap Ako nang mas mahigit pa kaysa ng maghirap Ako gawa ng Aking mga sugat. Ngunit kung hindi kayo nagsasabi sa Akin: “Lumayas”, at kayo ay nakakalimot lamang dahil sa mga alalahanin sa buhay, diyan Ako ang Eternal na Bantay nakahandang pumunta bago pa man Ako tawagin. At kung Ako ay naghihintay sa inyo na magsalita ng isang salita, katulad ng paminsan-minsan ginagawa Ko, iyon ay para lamang mapakinggan kayo na tinatawag Ako.

Gaano kaganda, gaano katamis ang mapakinggan ang mga tao na tinatawag Ako. Ang mapakinggan na nakakaalaala sila na Ako ay ang “Tagapagligtas”. Hindi Ko babanggitin ang walang-hangganang lugod na nangingibabaw at nagpapataas sa Akin kapag may isang nagmamahal sa Akin at tinatawagan Ako kahit wala siyang pangangailangan. Tinatawag niya Ako sapagkat minamahal niya Ako nang higit pa sa kanyang pagmamahal kanino pa man sa mundo at napupuno ng lugod, katulad Ko, tanging sa pagtawag lamang: “Jesus, Jesus”, katulad ng mga bata na tumatawag: “Inay, inay” at nalalasahan nila ang katamisan ng pulot sa kanilang mga labì, sapagkat ang simpleng salitang “inay” ay mayroon sa sarili nito ng lasa ng mga halik ng isang ina.

Ang Aking mga apostol ay nananagwan sinusunod ang Aking utos na sila ay pumunta at maghintay para sa Akin sa Capernaum. At Ako, pagkatapos ng himala ng mga tinapay, ay iniwanan Ko ang mga pulutong, nag-iisa, hindi dahil kinasusuklaman Ko sila o dahil Ako ay napapagod. Hindi Ko kailanman kinasuklaman ang mga tao, kahit kung sila ay naging masama sa Akin. Nagagalit lamang Ako kapag nakikita Ko na binabale-wala nila ang Batas o nilalapastangan nila ang bahay ng Diyos. Ngunit diyan ang interes ng Ama ay ang nasasangkot, hindi Ako. At Ako ay nasa lupa bilang ang una sa mga lingkod ng Diyos, upang paglingkuran ang Ama ng Langit. Hindi Ako kailanman napagod sa pagdedeboto ng Aking Sarili sa mga pulutong, kahit na kung nakikita Ko sila na napakapurol, makupad at makatao upang madismaya kahit na ang mga pinaka-may-kompiyansa sa kanilang mga misyon. Hindi, dahil lamang na sila ay napakalaki ang kakulangan pinararami Ko nang walang-hangganan ang Aking itinuturo, tinatrato Ko silang eksaktong katulad ng mga paurong na mga mag-aaral at ginagabayan ang kanilang mga espiritu sa pinaka-pundamental na mga pagtuklas at mga pagmumulat, katulad ng isang matiyagang guro sa paggabay sa walang-karanasang mga kamay ng mga mag-aaral upang maporma ang unang mga letra at kung gayon magawa silang makaintindi at makapagsulat. Gaanong pagmamahal ang ibinigay Ko sa mga pulutong! Inakay Ko sila sa laman upang dalhin sila sa espiritu. Nagsimula Ako sa laman din. Ngunit habang si Satanas sa pamamagitan ng laman ay nagdadala sa Impiyerno, Ako ay nagdadala sa Langit.

Ibig Kong mag-isa upang pasalamatan ang Ama para sa himala ng mga tinapay. Libu-libong tao ang napakain. Hinikayat Ko silang magsabi: “Salamat” sa Panginoon. Ngunit kapag natulungan na ang tao, nakakalimot na siyang magsabing “salamat”. Sinabi Ko ito sa katauhan nila. At pagkatapos… At pagkatapos Ako ay humalo sa Ama, para sa kung Kaninong pagmamahal Ako ay lubus-lubusan na namamanglaw. Ako ay nasa lupa, ngunit katulad ng isang walang-buhay na balat. Ang Aking kaluluwa ay nakatuon patungo sa Aking Ama, kung Kanino nakararamdam Akong sumandal, at sinabi Ko sa Kanya: “Minamahal Ko Kayo, Banal na Ama!” Iyon ay isang lugod sa Akin na sabihin sa Kanya: “Minamahal Ko Kayo”. Ang magsabi nang ganyan bilang isang Tao bukod bilang Diyos. Ipinahiya Ko ang Aking mga pakiramdam bilang Tao, habang inaalay Ko ang Aking mga pagtibok bilang Diyos. Ako ay tila naging isang batubalani na kumukuha sa lahat ng pagmamahal ng mga tao, ng mga tao na may kakayahan ng pagmamahal nang kaunti sa Diyos at kinukuha Ko ang lahat na ganyang pagmamahal at iniaalay Ko ito mula sa kaibuturan ng Aking puso. Tila Ako lamang ang tanging naroroon: Ako, ang Tao, ibig sabihin ang lahi ng sangkatauhan, nakikipagusap muli sa Diyos, sa kalamigan ng gabi, katulad noong inosenteng mga araw.

Ngunit bagama't ganap ang Aking kasayahan noon, sapagkat iyon ay ang kasayahan ng pagmamahal, hindi Ako nito nailayo sa mga pangangailangan ng mga tao. At nalaman Ko ang panganib ng Aking mga anak sa lawa. At iniwan Ko ang Pagmamahal alang-alang sa pagmamahal. Ang Karidad ay kailangan na mabilisan.

Napagkamalan nila Akong isang multo. O! gaano kadalas, Aking kaawa-awang mga anak, na napagkakamalan ninyo Akong isang multo, isang katatakutang multo! Kung lagi ninyo Akong iniisip makikilala ninyo Ako kaagad. Ngunit mayroon kayong ibang mga multo sa inyong mga puso, at iyan ang nagpapagawa sa inyo na kayo ay mahilo. Ngunit ginagawa Ko ang Aking Sarili na makilala. O! kung kayo ay nakikinig lamang sa Akin!

Bakit nalulunod si Pedro pagkatapos na makapaglakad nang gayon? Sinabi mo ito: sapagkat ang kanyang kalikasan ng pagiging tao ay napangibabawan ang kanyang espiritu.

Si Pedro ay lubos na taong “tao”. Kung iyon ay naging si Juan, hindi siya mangangahas nang kaagad-agad, ni hindi rin magbabago ang kanyang isip. Ang kadalisayan ay nagkakaloob ng kahinahunan at lakas. Ngunit si Pedro ay “tao” sa ganap na ibig sabihin ng salita.. Nananabik siya na mangibabaw, na ipakita na “walang” iba na nagmamahal sa Guro katulad niya, ibig niyang ipilit ang kanyang sarili, at dahil lamang na siya ay isa sa Aking mga disipulo, naisip niya na siya ay mataas sa kahinaan ng laman. Sa halip, ang kaawa-awang Simon, ang kanyang kinalabasan, nang siya ay sinubukan, ay malayo sa pagiging mataas. Ngunit iyon ay kinakailangan, upang siya ay sana maging ang isa na magpapalawig sa awa ng Guro sa sisibol na Simbahan.

Si Pedro ay hindi lamang napangibabawan ng takot para sa kanyang nanganganib na buhay, bagkus, katulad ng iyong sinabi, siya ay naging wala bagkus isang “nanginginig na lamang”. Hindi na siya nag-iisip, hindi na siya tumitingin sa Akin. Kayong lahat ay ganyan ang ginagawa. Habang mas nalalapit ang panganib, mas lalong gusto ninyo na gawin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng inyong mga sarili. Na tila may nagagawa kayo! Kailangan na huwag kayo kailanman na lumayo sa Akin, o isara ang inyong mga puso sa Akin o kung minsan isumpa Ako, katulad sa mga oras kung saan kailangan na kayo ay umasa sa Akin o tumawag sa Akin. Si Pedro ay hindi Ako sinusumpa. Ngunit kinakalimutan niya Ako at kinakailangan Kong ipilit ang Aking kalooban upang matawag ang kanyang espiritu sa Akin, upang sana tumingin siya sa kanyang Guro at Tagapagligtas.

Inaabsulbihan ko siya bago pa man ng kanyang kasalanan ng pagdududa, sapagkat minamahal Ko siya, dahil kapag ang mabiglain na tao na ito, ay makumpirmahan na sa grasya, magagawa niyang makapagpatuloy na wala nang ano pa man na kalituhan o kapaguran hanggang sa layo ng martiryo, at magiging walang-kapaguran sa pagtatapon ng kanyang mistikal na lambat upang makapagdala ng mga kaluluwa sa kanyang Guro. At kapag pinananawagan niya Ako, Ako ay hindi naglalakad, lumilipad Ako upang tulungan siya at mahawakan siyang mahigpit upang madala siya sa kaligtasan. Ang Aking pagpuna sa kanya ay isang malumanay na pagpuna sapagkat nauunawaan Ko ang mga bagay-bagay tungkol kay Pedro. Ako ang pinakamabuting tagapagtanggol at hukom na naririyan at nagkaroon kailanman. Sa katauhan ng lahat.

Naiintindihan Ko kayo, Aking kaawa-awang mga anak! At kahit na kung nagsasalita Ako ng isang salita ng pagpuna, ang Aking ngiti ay nababawasan ito. Minamahal Ko kayo. Iyan lang. Ibig Kong magkaroon kayo ng pananampalataya. At kung mayroon kayo nito, Ako ay darating at aalisin Ko kayo sa panganib. O! kung ang Mundo ay magsasabi: “Guro, Panginoon, iligtas Ninyo ako!” Isang sigaw, ng buong Mundo, ay sasapat na, at si Satanas at ang kanyang mga kakampi ay matatalo kaagad. Ngunit hindi ninyo nalalaman kung papaano magkaroon ng pananampalataya. Pinararami Ko ang pamamaraan upang madala kayo sa pananampalataya. Ngunit ang mga ito ay bumabagsak sa inyong mga putik katulad na ang bato ay bumabagsak sa putik ng isang latian at nalilibing doon.

Ayaw ninyong padalisayin ang tubig ng inyong mga kaluluwa, mas gusto ninyo na maging maruming putik. Hindi na bale. Ginagawa Ko ang Aking katungkulan bilang ang Eternal na Tagapagligtas. At kahit na kung hindi Ko maililigtas ang mundo dahil ayaw ng mundo na mailigtas, ililigtas Ko sa mundo ang mga tao na upang mamahal Ako, katulad na Ako ay dapat na mahalin, ay hindi na maging mga taga-mundo.»

240611

 

 


Sunod na kabanata