274. Ang mga Gawa ng Korporyal at Espirituwal na Awa.

Setyembre 8, 1945.

Si Jesus ay nasa kapatagan ng Korazim, sa mas mataas na bahagi ng Jordan, sa pagitan ng mga lawa ng Gennesaret at Merom. Ang kabukiran ay puno ng mga ubasan at ngayon ay pagpipiga ng mga ubas.

Maaaring matagal-tagal na Siya roon, sapagkat ang mga disipulo na mga nasa Sicaminon ay nakasama na sa Kanya sa umagang ito, at kabilang dito ay naroroon sina Stephen at Hermas. Si Isaac ay humihingi ng paumanhin sa hindi kaagad nakapunta nang mas maaga, sapagkat, sinasabi niya, ang bagong mga disipulo at ang kanyang di-pagiging nakatitiyak kung isasama sila o hindi ay nakagawa ng antala. «Ngunit» sinabi niya «ang daan patungo sa Langit ay nakabukas sa lahat na may mabubuting kalooban at ang dalawang ito, bagama't sila ay mga tinuturuan ni Gamaliel, ay tila gayon nga.»

«Tama ka at nagawa mo ang tamang bagay. Dalhin sila dito.»

Si Isaac ay umalis at bumalik kasama ang dalawang disipulo.

«Kapayapaan sa inyo. Ang apostoladong salita ba ay tila totoo sa inyo na kayo ay nagpasyang sumama na rito?»

«Oo, at ang Inyo higit sa lahat. Huwag Ninyo kaming paalisin, Guro.»

«Bakit Ko gagawin iyon?»

«Sapagkat kami ay mga disipulo ni Gamaliel.»

«Ano kung gayon? Pinararangalan Ko ang dakilang Gamaliel at ibig Kong mapapunta siya sa Akin, sapagkat karapat-dapat siya nito. Iyan na lang ang kulang niya upang maging perpekto ang kanyang karunungan. Ano ang kanyang sinabi sa inyo nang iniwan ninyo siya? Sapagkat tiyak na nagpaalam kayo sa kanya.»

«Oo, sinabi niya sa amin: “Kayo ay masuwerte na kayo ay nakapaniniwala. Magdasal,  na sana ako ay makalimot upang makaalaala”»

Ang mga apostol na nag-umpuk-umpukan nang may-pag-uusisa sa paligid ni Jesus, ay nagkatinginan at nagtanong bumubulong: «Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang gusto niya? Ang makalimot upang makaalaala”?»

Si Jesus ay napakinggan ang kanilang bulung-bulungan at nagpaliwanag: «Ibig niyang makalimutan ang kanyang karunungan upang matutunan ang Akin. Ibig niyang makalimutan na siya ay ang rabbi na Gamaliel upang maalaala na siya ay isang anak ng Israel na naghihintay sa Kristo. Ibig niyang makalimutan ang kanyang sarili, upang maalaala ang Katotohanan.»

«Si Gamaliel ay hindi di-makatotohanan, Guro» tugon ni Hermas nang may pagpapa-umanhin.

«Hindi, hindi siya. Ngunit ang paghahalu-halo ng pantaong mga salita ang di-makatotohanan. Mga salita na kumukuha sa lugar ng Salita. Kailangan na kalimutan ninyo ang mga ito, inaalisan ang inyong mga sarili ng mga ito at pumunta sa Katotohanan nang kasing puro ng mga birhen upang maramtan muli at matamnan. Ang kababaang-loob ay kinakailangan para diyan. Ang kahirapan…»

«Kung gayon, kami rin ay kailangan na makalimot…»

«Walang duda. Kailangan na kalimutan ninyo ang lahat na tungkol sa tao. At alalahanin kung ano ang tungkol sa Diyos. Halikayo. Magagawa ninyo ‘yan.»

«Gusto namin gawin iyan» patotoo ni Hermas.

«Namuhay na ba kayo bilang mga disipulo?»

«Oo, nagawa na namin. Mula nang araw na mapakinggan namin na pinatay si Juan Bautista. Ang balita ay kumalat nang napakabilis sa Herusalem, kung saan iyon ay ipinamalita ng mga kortesano at mga komandante ni Herodes. Ang kanyang kamatayan ay gumising sa amin g pagkakatulog» tugon ni Stephen.

«Ang dugo ng mga martir ay laging isang bagong buhay para sa mga natutulog na tao, Stephen. Tandaan iyan.»

«Oo, Guro. Magsasalita ba Kayo ngayon? Nagugutom ako para sa Inyong salita.»

«Ako ay nakapagsalita na. Ngunit magsasalita Ako muli, at labis, sa inyo mga disipulo. Ang inyong mga kasamahan, ang mga apostol, ay nakapagsimula na sa kanilang misyon, pagkatapos ng karapat-dapat na preparasyon. Ngunit sila ay hindi sapat para sa mga pangangailangan ng mundo. At ang lahat ay kailangan na gawin sa tamang panahon. Ako ay katulad ng isa na mayroong katapusan at kailangan na gawin ang lahat sa loob ng takdang panahon. Hinihingi Ko sa inyong lahat na tulungan Ako, at sa ngalan ng Diyos nangangako Ako ng tulong at isang maluwalhating hinaharap sa inyo.»

«Oo, Guro. Ang puso ng mga Hudyo ay mas tigang pa kaysa sa isinumpang malaking lambak. Ako ay tumakas hinahanap Kayo.»

«At ang iyong pagkapari?»

«Ang ketong ay pinalayas ako mula dito sa unang pagkakataon. Ang mga tao, sa ikalawang beses, sapagkat minamahal ko Kayo. Ang Inyong Grasya ay hinila ako sa Sarili Nito: sa Inyo. Pinaalis din ako Nito, mula sa isang nilapastangang lugar patungo sa isang puro. Napalinis Ninyo ako, Guro, kapwa sa aking katawan at sa aking kaluluwa. At kung ano ang puro ay hindi malalapitan o kailangan na huwag lapitan kung ano ang di-puro. Magiging isang pananakit ito sa Kanya, Na nagpadalisay.»

«Ang iyong paghusga ay mahigpit, ngunit hindi di-makatarungan.»

«Guro, ang di-magagandang bagay sa pamilya ay nalalaman ng mga namumuhay sa loob ng pamilyang iyan at kailangan na banggitin lamang sa mga tao na may matutuwid na kaisipan. Kayo ay ganyan, at maging ano pa man ito ay nalalaman Ninyo. Wala akong pagsasabihan na iba. Dito tayo ay: Kayo, ang mga apostol, ako at dalawa na nakakaalam din katulad Ninyo at ako. Kung gayon…»

«O sige. Ngunit… O! Ikaw ay naririto rin? Ang kapayapaan ay mapasaiyo. Pumunta ka ba upang mag-abot ng mas marami pang pagkain?»

«Hindi. Ako ay pumunta upang makakain ng ilan ng Inyong pagkain.»

«Ang iyo bang ani ay nasira?»

«O! hindi. Hindi ito kailanman naging marami. Ngunit, aking Guro, hinahanap ko ang isa pang tinapay at ibang ani: ang Inyo. At isinama ko ang ketongin na Inyong pinagaling sa loob ng aking mga bukid. Siya ay bumalik sa kanyang panginoon. Kapwa siya at ako ay may isang panginoon na susundan at paglilingkuran: Kayo.»

«Halikayo: isa, dalawa, tatlo, apat… Isang mabuting ani! Ngunit inisip na ba ninyo ang tungkol sa inyong pusisyon sa Templo? Alam n’yo, at alam Ko… at hindi na Ako magsasalita pa.»

«Ako ay isang malayang tao at makasasama ako sa sino man na ibig ko» sabi ni Juan, ang pari.

«Gayon din ako» sabi ng huling dumating: si Juan, ang eskriba, na namigay ng tinapay sa paanan ng Bundok ng mga Beatitude noong Sabbath.

«At kami ay malaya din» sabi nina Hermas at Stephen.

At dagdag pa ni Stephen: «Magsalita sa amin, Panginoon. Hindi namin alam kung anong talaga ang aming misyon. Ibigay Ninyo sa amin ang pinakamaliit na kakailanganin upang magawa kaming makapaglingkod kaagad sa Inyo. Ang iba pa ay darating na lang habang sinusundan namin Kayo.»

«Oo. Sa Bundok Kayo ay nagsalita tungkol sa mga Beatitude. At iyon ay isang leksiyon para sa amin. Ngunit ano ang aming gagawin tungkol sa ibang mga tao, sa aming ikalawang pagmamahal, ang pagmamahal para sa aming kapwa?» tanong ni Juan, ang eskriba.

«Nasaan si Juan ng Endor?» ang tanging tugon ni Jesus.

«Siya ay nasa banda roon, Guro, kasama ang mga tao na mga napagaling.»

«Papuntahin siya rito.»

Si Juan ng Endor ay dumating kaagad. Ipinatong ni Jesus ang Kanyang kamay sa balikat ni Juan bilang isang espesyal na pagbati at nagsabi: «Naririto na tayo. Magsasalita na Ako ngayon. Ngunit ibig Ko kayo, na nagtataglay ng isang banal na pangalan, na mapunta sa harapan Ko. Ikaw, aking apostol; ikaw, isang pari; ikaw, isang eskriba; ikaw, Juan ni Juan Bautista; at panghuli, ikaw, upang makumpleto ang pagkakasunud-sunod ng mga grasya na ipinagkaloob ng Diyos. At kung ikaw ay ang huli na Aking binanggit, nalalaman mo na ikaw ay hindi ang huli sa Aking puso. Isang araw Ako ay nangako sa iyo ng isang talumpating ito. Maririnig mo na ito ngayon.»

At si Jesus, katulad ng Kanyang kinasanayan, ay inakyat ang isang maliit na nakabukol na lupa, upang ang lahat ay sana makita Siya, at ang limang Juan ay nasa unang hanay, sa Kanyang harapan. Sa likuran nila ay naroroon ang isang grupo ng mga disipulo na kahalo ang mga pulutong na mga nanggaling sa bawat bahagi ng Palestina naghahanap ng kalusugan o doktrina.

«Ang kapayapaan ay sana mapasainyong lahat at mapasainyo ang karunungan.

Makinig. Isang araw, isang matagal nang araw, Ako ay tinanong ng isang lalaki kung at hanggang saan kinaaawaan ng Diyos ang mga nagkakasala. Isang makasalanan ang nagtanong niyan, at bagama't siya ay napatawad na hindi siya makapaniwala na ang Diyos ay pinatawad na siya nang lubusan. At Aking pinaginhawahan ang kanyang kabalisahan sa pamamagitan ng mga parabula, tiniyak at ipinangako Ko sa kanya na alang-alang sa kanya lagi Akong magsasalita tungkol sa awa, upang ang kanyang nagsisising puso, na umiiyak sa loob katulad ng isang nawawalang bata, ay maramdaman nang tiyak ang pagiging nasa mga kamay na ng kanyang Ama sa Langit.

Ang Diyos ay Awa sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig. Ang isang lingkod ng Diyos ay kailangan na maging maawain upang magaya ang Diyos.

Ginagamit ng Diyos ang awa upang maakit Niya ang Kanyang mga anak na nailigaw. Ang isang lingkod ng Diyos ay kailangan na gamitin ang awa bilang pamamaraan upang madalang pabalik sa Diyos ang mga taong nagabayan nang mali.

Ang alituntunin ng pagmamahal ay sapilitan para sa lahat. Ngunit iyan ay tatlong ulit na ganyan sa mga lingkod ng Diyos. Walang makasasakop sa Langit kung ang isa ay hindi nagmamahal. Iyan lang ang kinakailangan na masabi sa mga naniniwala. Ngunit sa mga lingkod ng Diyos sasabihin Ko: “Hindi ninyo magagawa ang mga naniniwala na masakop ang Langit kung hindi ninyo sila mamahalin nang perpektong pagmamahal”. At sino kayo na nagsisiksikan sa paligid Ko? Ang karamihan sa inyo ay mga anak ng Diyos na nagtatangka sa perpektong pamumuhay, sa banal, mahirap, maningning na pamumuhay ng lingkod ng Diyos at ng ministro ng Kristo. At alin ang inyong mga katungkulan sa ganyang mga pamumuhay ng mga lingkod at mga ministro? Ang kumpletong pagmamahal para sa Diyos at kumpletong pagmamahal para sa inyong kapwa. At inyong tatangkain ay ang makapaglingkod. Papaano? Sa pagdadala ulit sa Diyos ng mga ninakaw mula sa Diyos ng mundo, ng laman, ng dimonyo. Sa pamamagitan ng anong pamamaraan? Sa pamamaraan ng pagmamahal. Pagmamahal, na maaaring maging aktibo sa sanlibong pamamaraan, at may iisang pakay lamang: ang magawa ang mga tao na magmahal.

Ating tingnan ang ating magandang Jordan. Gaano nakapangingibabaw ito sa Jericho! Ngunit ito ba ay ganito sa mga pinagmumulan nito? Hindi. Ito ay isa lamang patak-patak ng tubig at nanatili sana itong ganito kung ito ay laging nag-iisa. Sa halip mula sa mga bundok at mga burol sa tigkabilang tabi ng lambak nito, libu-libong mga sapa o batis, nag-iisa o nasasamahan ng iba pang maliliit na agos ng tubig, ang dumadaloy patungo sa kanal nito, at ito ay palago pa nang palago mula sa malaplatang asul na daloy napakaganda at nakalulugod sa kabataan nito hanggang sa ito ay naging ang malaking sagradong payapang ilog, dumadaloy katulad ng isang kalawakang-asul na ribon sa pagitan ng matatabang esmeraldang mga pampang nito.

Ganyan ang pagmamahal. Ito sa simula ay isang mumunting daloy sa pagitan ng mga sanggol sa Daan ng Buhay, na makaiiwas lamang sa grabeng mga kasalanan sa takot sa kaparusahan, ngunit sa susunod, habang patuloy sila sa daan ng perpeksiyon, maraming sapa ng pangunahing birtud na ito, sa pamamagitan ng kalooban ng pagmamahal, ay lalabas mula sa magaspang, tigang, mapagmalaki, malupit na mga bundok ng sangkatauhan at ang lahat ay makatutulong upang ito ay tumaas at bumulwak: ang mga kapighatian at lugod, katulad na sa mga bundok ang nagyelong niyebe at ang araw na tumutunaw nito, ay pinoporma ang mga ilog. Ang lahat ay makatutulong upang mabuksan ang daan para sa kanila: kababaang-loob, pati ang pagsisisi. Ang lahat ay makapagsisilbing makapagdala sa kanila sa panimulang ilog. Sapagkat ang isang kaluluwa, naitulak sa Daan na iyan, ay gugustuhin na masira ang kaakuhan nito, at magsusumikap na makataas muli hinihila ng Araw-Diyos, pagkatapos na maging maganda, napakalaki, may-benepisyong ilog.

Ang mga sapa na sumusuporta sa nagsisimulang daloy ng tubig ng nakasisindak na pagmamahal, ay, bukod sa mga birtud, mga gawain na itinuturo ng mga birtud sa mga tao na gawin: mga gawin, na bilang mga daloy ng pagmamahal, ay mga gawain ng awa. Ating tingnan ang mga ito na magkakasama. Ang ilan ay nalaman na sa Israel, ang ilan ay gagawing malaman ninyo sa pamamagitan Ko, sapagkat ang Aking batas ay ang perpeksiyon ng pagmamahal.

Ang pakanin ang nagugutom.

Ito ay katungkulan dala ng pasasalamat at pagmamahal. At isang katungkulan ng paggaya. Ang mga anak ay mapagpasalamat sa kanilang ama para sa tinapay na kanyang kinikita para sa kanila. At kapag sila ay malalaki na, ginagaya nila siya sa pagkita sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho ng tinapay para sa kanilang sariling mga anak at para sa kanilang ama, na ngayon hindi na makapagtrabaho, dahil sa kanyang edad, isang madamdaming makatarungang ganti sa kabutihang tinanggap. Ang ikaapat na utos ay nagsasabi: “Igalang ang inyong ama’t ina”. Napararangalan ng isa ang kanilang katandaan sa pagtitiyak na hindi sila magmamakaawa para sa tinapay ng iba. Ngunit ang unang utos ay nauuna sa ikaapat: “Mahalin ang inyong Diyos nang inyong buong sarili”. Ang mahalin ang Diyos sa Kanyang Sarili at ang mahalin Siya sa inyong kapwa ay ang maging perpekto. Ang isa ay minamahal Siya sa pagbibigay ng tinapay sa mga nagugutom, inaalaala kung ilang beses Niyang binubusog ang kagutuman ng tao sa pamamagitan ng mga himala.

Ngunit na hindi na tinitingnan ang mga kaloob ng manna at ng mga pugo, ating tingnan ang patuloy na himala ng trigo, na sumisibol sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos Na nagbibigay sa mga tao ng mga lupa na angkop na mabukid at Kanyang binabago at kinokontrol ang mga hangin, ulan, init, mga panahon, upang ang butil ay maging tainga ng trigo at ang trigo tinapay. At hindi ba isang himala ng Kanyang awa ang katotohanan na sa pamamagitan ng sobrenatural na liwanag tinuruan Niya ang Kanyang nagkasalang anak na ang mataas na manipis na damo, na sa dulo ay may ginintuang mga tainga ng butil na nag-aamoy init-ng-araw, nakabalot sa matigas na pangibabaw ng matinik na mga kaliskis, ay pagkain, na kailangang pitasin ng tao, bayuhin, masahin at ihurno? Ang Diyos ay itinuro ang lahat na ito sa tao. At itinuro Niya sa kanya kung papaano ito pitasin, balatan, bayuhin, masahin at lutuin. Naglagay Siya ng mga bato malapit sa mga tainga at tubig malapit sa bato at sa pamamagitan ng repleksiyon ng tubig at ng araw nasindihan Niya ang unang apoy sa lupa at ang hangin ay nagdala ng ilang butil ng trigo sa apoy na naihaw nag-amoy nang masarap, upang sana maintindihan ng tao na ang trigo ay mas masarap kung inihaw sa apoy, kaysa kung ito ay nasa tainga, katulad ng kinakain ng mga ibon, o binabad sa tubig, pagkatapos na mapulbos, katulad ng isang malagkit na masa. Ngayon na kumakain kayo ng masarap na tinapay na niluto sa hurno ng pamilya, hindi ba ninyo tinitingnan kung gaanong awa ang ipinakita sa pagkamit ng labis na perpeksiyon sa pagluluto, at gaano umunlad ang kaalaman ng tao mula sa unang tainga na nginuya katulad ng ginagawa ng mga kabayo, hanggang sa tinapay ng mga araw ngayon? At sa pamamagitan nino? Ng Tagapagbigay ng tinapay. At ganyan din ang tungkol sa lahat na klase ng pagkain, na sa pamamagitan ng may pakinabang na kaliwanagan, nagawa ng tao na maihiwalay sa ibang mga tanim at mga hayop, na mga ikinalat ng Tagapaglikha sa ibabaw ng lupa, isang lugar ng makaamang pagpaparusa para sa Kanyang nagkasalang anak.

Kung kaya't ang magbigay ng makakain sa nagugutom ay isang panalangin ng pagpapasalamat sa Panginoon at Ama, na pumupuno sa ating pagkagutom, at ito ay paggaya sa Ama, na ang Kanino pagkakatulad ay lubus-lubusang ipinagkaloob sa atin, at na atin itong patuloy na palalaguin sa paggagaya sa Kanyang pagkilos.

Ang magbigay ng maiinom sa nauuhaw.

Naisip na ba ninyo kung ano ang mangyayari kung ang Ama ay hindi pinababagsak ang ulan sa lupa? At kung sinabi Niya: “Dahil sa inyong malupit na kawalang-kabaitan sa mga nagugutom patitigilin Ko ang mga ulap na bumaba sa lupa” makapagpoprotesta ba tayo o makapanunumpa? Ang tubig, higit pa sa trigo, ay pag-aari ng Diyos. Sapagkat ang trigo ay binubukid ng tao, ngunit ang Diyos lamang ang nagbubukid sa mga bukid ng mga ulap, na bumababa bilang mga ulan o hamog, ulap o niyebe, tinutustusan ang mga bukid at mga tangke, pinupuno ang mga ilog at mga lawa, nagbibigay ng matitirahan sa mga isda, na nagpapaginhawa sa kagutuman ng tao kasama ang iba pang mga hayop. Kung may magsabi sa inyo: “Bigyan ako ng maiinom” masasabi ba ninyo sa kanya: “Hindi. Ang tubig na ito ay akin at hindi ko maibibigay ito sa iyo”? Mga sinungaling! Sino sa inyo ang nakagawa ng isang patak ng niyebe o isang patak ng ulan? Sino sa inyo ang nakapagpasingaw ng isang diyamanteng hamog sa pamamagitan ng kanyang astral na init? Walang sinuman. Ang Diyos ay gumagawa niyan. A kung ang tubig ay bumababa mula sa kalangitan at tumataas muli roon, iyan ay dahil kinokontrol ng Diyos ang bahaging iyan ng sangnilikha katulad ng Kanyang pagkontrol sa iba pa.

Ibigay, kung gayon, ang malamig na tubig ng mga bukal ng lupa, o ang purong tubig ng inyong bubon, o ang tubig na pumupuno sa inyong mga tangke, sa mga nauuhaw. Iyan ay ang tubig ng Diyos. At iyan ay para sa lahat. Ibigay iyan sa mga nauuhaw. Para sa maliit na ganyang gawa, na hindi ninyo pagkakagastahan ng pera at walang kasangkot na pagtatrabaho maliban sa pag-aabot ng isang kopa o isang pitsel, sasabihin Ko sa inyo na tatanggap kayo ng gantimpala sa Langit. Sapagkat, hindi ang tubig, bagkus ang mapagkawanggawang aksiyon ang dakila sa mga mata at paghusga ng Diyos.

Ang maramtan ang mahihirap.

Hubad, nakakahiya, nakakaawang mga paghihirap ay dumaraan sa mga daanan ng lupa: nangungulilang matatandang tao, mga taong naimbalido ng sakit o kasawiang palad, mga ketongin na bumabalik sa pamumuhay sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoon, mga balo napabibigatan ng mga anak, mga taong napagkaitan ng bawat kaginhawahan gawa ng mga aksidente, mga inosenteng maliliit na ulila. Kung titingnan ng Aking mga mata ang kalawakan ng lupa, makakakita Ako kahit saan ng mga tao na hubad o natatakpan ng mga basahan, na halos hindi maprotektahan ang kanilang kadisentehan ngunit hindi sila maprotektahan sa lamig. At ang lahat na mahihirap na taong iyan ay tumitingin na may nalulumbay na mga mata sa mayayamang tao na dumaraan nakasuot ng malalambot na damit at komportableng mga sapatos. Nalulumbay na mga mata at kabaitan sa mabubuting tao, nalulumbay na mga mata at kapootan sa mga taong hindi masyadong mabubuti. Bakit hindi ninyo tulungan ang kanilang kalungkutan, ginagawa ang mabubuti na maging mas mabubuti pa, sa pamamagitan ng inyong pagmamahal, at sinisira ang kapootan sa mga hindi masyadong mabubuti?

Huwag sabihin: “May sapat lamang ako para sa aking sarili”. Katulad sa kaso ng tinapay, laging may sobra sa kung ano ang kinakailangan sa mga hapag-kainan at sa mga damit ng mga tao na hindi ganap na napagkaitan. Sa pagitan ng mga nakikinig sa Akin ngayon, may mahigit isa na sa mga pinaglumaang damit nagpagawa ng mga damit para sa isang ulila o isang mahirap na bata at mula sa lumang sapin ng kama nagpagawa ng mga lampin para sa isang inosenteng bata na walang magamit at mayroon isa, isang pulubi, na sa loob ng maraming taon ay ibinahagi ang may-kahirapan na pinaglimusan na tinapay, sa isang ketongin na hindi makalalabas at makapanghihingi ng tinapay sa mga pintuan ng mayayamang tao. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang ganyang maawaing mga tao ay hindi ninyo matatagpuan sa mga mayayaman, bagkus sa mahihirap na may-kababaang-loob na mga hanay ng mga tao na sa pamamagitan ng kanilang sariling karanasan ay alam kung gaano kasakit ang karukhaan.

Muli dito, katulad ng tubig at tinapay, tingnan na ang lana at linen na inyong idinadamit sa inyong mga sarili, ay nanggagaling sa mga hayop at mga tanim, na nilikha ng Ama hindi para sa mayayaman lamang, bagkus para sa lahat. Sapagkat ang Diyos ay iisang kayamanan lamang ang ibinigay sa tao: ang Kanyang Grasya, kalusugan at katalinuhan. Hindi ang maruming kayamanan, na siyang ang ginto, na inyong itinaas sa walang-silbing kadakilaan, habang sa pagiging isang metal ito ay hindi mas maganda pa kaysa sa iba at ito ay mas walang-pakinabang kaysa sa bakal, na inyong ginagawang mga pala at mga araro, mga paragos at mga karit, mga sinsel, mga martilyo, mga lagari at mga katam, banal na mga gamit para sa banal na mga pagtatrabaho. At inyo itong itinataas sa huwad na kadakilaan sa panunulsol ni Satanas, na nagpagawa sa inyo, mga anak ng Diyos, na maging mababangis na hayop. Ang Diyos ay ibinigay sa inyo ang mga kayamanan ng kung ano ang banal upang kayo ay maging banal na banal pa! Hindi ang pumapatay na kayamanang ito, na nagpapadanak ng labis na dugo at napakaraming luha.

At magbigay katulad na ito ay ibinigay sa inyo. Magbigay sa ngalan ng Panginoon, nang hindi natatakot na manatiling hubad. Mas mabuti nang mamatay gawa ng ginaw, pagkatapos na hubaran ang inyong mga sarili upang mabigyan ang isang pulubi, kaysa manigas sa lamig ang inyong mga puso, kahit na kung ito ay nababalot sa malalambot na damit, sa pamamagitan ng pagkukulang sa karidad. Ang init ng isang mabuting aksiyon na ginawa ay mas kaaya-aya kaysa sa kaginhawahan ng isang manta ng purong lana at ang naramtan na katawan ng mahihirap na tao ay nagsasalita sa Diyos nagsasabing: “Pagpalain ang mga nagbigay ng damit sa amin”.

Kung ang pagpuno sa katugunan ng mga nagugutom at ang pagpawi ng kanilang pagkauhaw at ang pagdamit sa mahihirap ay naidudugtong ang banal na kahinahunan at ang banal na hustisya sa pinakabanal na karidad, upang mabago ang kapalaran na ating di-masasayang kapatid sa pamamagitan ng ating kabanalan, kung ating ibinibigay kung ano ang kasobrahan natin, sa kapahintulutan ng Diyos, alang-alang sa mga pinagkaitan nito sa pamamagitan ng kasamaan ng tao o sa pamamagitan ng mga sakit, ang magbigay ng ospitalidad sa mga peregrino ay idinudugtong ang karidad sa kompiyansa at sa pagpapahalaga ng ating kapwa. At iyan ay isa ring birtud, alam ninyo. Isang birtud na nagsisimbolo ng katapatan, bukod sa karidad, sa mga nagtataglay nito. Sapagkat siya na matapat ay kumikilos nang matuwid, at sa dahilan na sa pangkalahatan iniisip natin na ang ibang tao ay kumikilos nang katulad natin, kung kaya't ang kompiyansa at kasimplihan naniniwala na ang mga salita ng ibang tao ay totoo, ay nagpapakita na siya na nakikinig sa kanila ay isa na nagsasalita ng katotohanan sa importante at maliliit na mga bagay at hindi nagdududa sa sinasabi sa kanya ng ibang mga tao.

Bakit kailangan ng isa na isipin ang tungkol sa peregrino na naghahanap ng matutuluyan: “At papaano kung siya ay isang magnanakaw o isang mamamatay-tao?”. Kapit-na-kapit ba kayo sa inyong kayamanan, upang matakot, dahil dito, sa bawat estranghero na dumarating sa inyong bahay? Kapit-na-kapit ba kayo sa inyong buhay upang manginig sa takot iniisip na kayo ay mapagkaitan nito? Ano? Sa palagay ba ninyo hindi kayo maipagsasanggalang ng Diyos laban sa mga magnanakaw? Ano? Natatakot ba kayo na ang nagdaraan ay isang magnanakaw, at hindi kayo natatakot sa masamang panauhin na ninanakawan kayo ng kung ano ang hindi mapapalitan? Ilan ang nagpapatuloy sa dimonyo sa loob ng kanilang mga puso! Masasabi Ko: lahat ay nagpápatuloy sa kapital na kasalanan, subalit walang natatakot dito. Ang kayamanan at buhay ba ay ang tanging mahahalagang bagay? Ang eternidad kaya ay hindi mas mahalaga pa dahil pinababayaan ninyo ang kasalanan na pagnakawan kayo nito o patayin ito? O kaawa-awang mga kaluluwa, pinagnakawan ng kanilang kayamanan at ibinigay sa mga mamamatay-tao, na tila sila ay mga walang-kuwentang bagay, habang ang mga bahay ay nakasarado at kinandaduhan, pinoprotektahan na may mga aso at mga kaha-de-yero ang mga bagay na hindi naman natin madadala kapag tayo ay mamatay!

Bakit kailan na makakita tayo ng isang magnanakaw sa bawat peregrino? Tayong lahat ay magkakapatid. Ang mga bahay ay kailangan na bukas sa mga kapatid na nagdaraan. Ang isa bang peregrino ay hindi kapareho ng ating dugo? Siyempre kapareho! Siya ay dugo ni Adan at ni Eba. Siya ba ay hindi natin kapatid? Bakit hindi? Ang Ama ay iisa lamang: ang Diyos, Na nagbigay sa atin ng magkakaparehong kaluluwa, katulad na ang ama ay nagbibigay lamang sa mga anak ng iisang kasal ng parehong dugo. Siya ba ay mahirap? Tiyakin na ang inyong espiritu, pinagkaitan ng pakikipagkaibigan ng Panginoon, ay hindi maging mas mahirap pa kaysa ng sa kanya. Ang kanya bang mga damit ay punit-punit? Tiyakin na ang inyong kaluluwa ay hindi sana mas punit-punit pa gawa ng kasalanan. Ang kanya bang mga paa natatakpan ng putik o alikabok? Tiyakin na ang inyong kaakuhan ay hindi mas gastado pa gawa ng mga bisyo, kaysa ng kanyang maruming sandalyas na nagasta ng labis na paglalakad. Ang kanya bang hitsura ay hindi kaaya-aya? Tiyakin na ang inyo ay hindi mas di-kaaya-aya sa mga mata ng Diyos. Siya ba ay nagsasalita ng banyagang wika? Tiyakin na ang wika ng inyong mga puso ay hindi di-naiintindihan sa siyudad ng Diyos.

Kailangan na makakita kayo ng isang kapatid sa bawat peregrino. Tayong lahat ay mga peregrino patungo sa Langit at lahat tayo ay kumakatok sa mga pinto sa daan patungo sa Langit. At ang mga pinto ay ang mga patriyarka, ang mga makatarungan, ang mga anghel at mga arkanghel, na ating pinakikiusapan na tumulong at protektahan tayo, upang sana marating natin ang ating pupuntahan, na hindi napapagod at bumabagsak sa kadiliman ng gabi, sa tindi ng kasing lamig-ng-yelo na panahon, mga bibiktimahin ng mga tusong asong-gubat at mga jackal, ng masisimbuyong damdamin at mga dimonyo. At dahil ibig natin na ang mga anghel at mga santo ay magpakita sa atin ng kanilang pagmamahal sa pagbibigay sa atin ng matutuluyan at lakas upang makapagpatuloy sa ating daan, kung gayon ganyan din ang ating gawin sa mga peregrino sa lupa. At sa bawat pagkakataon na ibinubukas natin ang ating mga tahanan at ating mga kamay, binabati ang isang estranghero nang may matamis na salita ng isang kapatid, at iniisip ang Diyos, Na nakakakilala sa kanya, sasabihin Ko sa inyo na malayo na ang ating narating sa daan patungo sa Langit.

Ang dalawin ang maysakit.

Totoo, dahil ang mga tao ay mga peregrino, kung gayon sila ay maysakit. At ang sakit ng kaluluwa ay ang pinakagrabe, ito ay hindi nakikita at nakamamatay. Ngunit sa kabila nito ang mga tao ay hindi nasusuklam dito. Ang sugat na moral ay hindi nakasusuklam. Ang baho ng bisyo ay hindi nakasusuka. Ang kabaliwan ng pagka-maladimonyo ay hindi nakatatakot. Ang gangrena ng isang may ketong na espirituwal ay hindi napagkakasakit ang sinuman. Ang sepulkro na puno ng kabulukan ng tao na ang kaninong kaluluwa ay patay at nabubulok ay hindi nagagawa ang sinuman na tumakbo. Siya na lumalapit sa gayong karumihan ay hindi isinusumpa. Gaano ka-kaawa-awa at ka-kitid ang kaisipan ng tao! Ngunit sabihin ninyo sa Akin: alin ang mas may-halaga, ang espiritu o ang dugo at laman? Maparurumi ba ng materyal ang di-materyal sa pagkakalapit lamang? Hindi, sasabihin Ko sa inyo na hindi. Ang halaga ng espiritu ay walang-hangganan kompara sa laman at dugo, totoo iyan; ngunit ang laman ay hindi mas malakas pa kaysa sa espiritu. At ang espiritu ay maparurumi ng espirituwal na mga bagay, hindi ng materyal na mga bagay. Kung ang isang tao ay mag-alaga ng isang ketongin, ang kanyang espiritu ay hindi magiging ketongin; sa kabaligtaran, dahil sa kanyang karidad na isinasabuhay nang may kabayanihan, hanggang sa punto na inihihiwalay ang kanyang sarili sa lambak ng kamatayan dala ng habag para sa kanyang kapatid, ang bawat bakas ng kasalanan ay maaalis sa kanya. Sapagkat ang karidad ay absulusyon mula sa kasalanan at unang puripikasyon.

Laging ilagay sa isip ang sumusunod na prinsipyo: “Ano ang gusto kong gawin sa akin, kung ako ay katulad niya?” At kumilos katulad na ibig mong kumilos ang ibang tao sa katauhan mo. Ang Israel ay nasa kanya pa ang lumang mga batas. Ngunit ang araw ay darating, at ang pagdating nito ay hindi na napakalayo, kung kailan ang mga ay sasambahin, bilang simbolo ng absulutong kagandahan, ang imahe ng Isa, Na magiging ang materyal na pag-uulit ng Tao ng mga kapighatian ni Isaiah at ng Pinahirapan na Biktima ng salmo ni David, Na siyang magiging Tagapagtubos ng sangkatauhan, sapagkat ginawa Niya ang Kanyang sarili na maging katulad ng isang ketongin, at ang lahat na natigang ng uhaw, nagkasakit, napagod, umiiyak sa lupa ay magmamadali patungo sa Kanyang mga sugat katulad ng usa na nagmamadali sa mga bukal ng tubig, at aalisin Niya ang kanilang pagkauhaw, pagagalinging sila, panunumbalikin sila, pagiginhawahan ang kanilang mga kaluluwa at mga katawan, at ang pinakamabubuti sa naniniwala ay gugustuhin na maging katulad Niya, natatakpan ng mga sugat, dumadaloy ang dugo, hinahampas, kinukoronahan ng mga tinik, ipinapako sa krus, alang-alang sa mga tao na tutubusin, ipinagpapatuloy kung gayon ang gawain ng Hari ng mga hari at Tagapagtubos ng mundo.

Kayo, na mga Israel pa rin, ngunit nagsusuot na ng mga pakpak upang makalipad patungo sa Kaharian ng Langit, ay nagsisimula nang isipin, mula sa sandaling ito, ang bagong kaisipan at pagsaalang-alang na ito tungkol sa sakit, at habang pinagpapalà ang Diyos sa pagpapanatili sa inyo sa mabuting kalusugan, yumuyuko sa mga naghihirap at namamatay. Ang isa sa Aking mga apostol ay nagsabi isang araw sa kanyang mga kapatid: “Huwag matakot na hipuin ang mga ketongin. Walang sakit ang makahahawa sa atin sa kalooban ng Diyos”. Tama siya. Ang Diyos ay pinoprotektahan ang Kanyang mga lingkod. Ngunit kahit na kung kahoy ay mahawa kapag nagpapagaling ng mga maysakit, kayo ay ilalagay, sa susunod na buhay, kasama ng mga martir ng pagmamahal.

Ang dalawin ang mga nakukulong.

Sa palagay ba ninyo mga kriminal lamang ang nasa galera? Ang isa sa mga mata ng pantaong hustisya ay bulag at ang iba ay naghihirap gawa ng problema sa paningin, kung kaya't napagkakamalan nito ang mga kamelyo bilang mga ulap at isang ahas ang isang mabulaklak na sanga. Ito ay nagpapasyang may pagkakamali. Lalo na kung ang mga nakaupo sa hukuman ay madalas nananadyang palabuin ang kaso, upang ito ay lalo pang makakita nang may-pagkakamali. Ngunit kahit na kung ang lahat na mga nakakulong ay mga magnanakaw at mga mamamatay-tao, mali para sa atin na maging mga magnanakaw at mga mamamatay-tao sa pagkakait sa kanila ng pag-asa ng kapatawaran sa pamamagitan ng ating pangungutya.

kaawa-awang mga preso! Hindi sila maglakas-loob na itaas ang kanilang mga mata sa Diyos, napabibigatan katulad nila ng kanilang mga krimen. Ang kanilang mga pabigat ay totoong nakasasakit sa kanilang mga kaluluwa higit pa sa kanilang mga paa. Kapahamakan sa kanila kung sila ay nawawalan ng pag-asa sa Diyos! Sa kanilang krimen laban sa kanilang kapwa magdadagdag sila ng kasalanan ng di-pag-asa sa kapatawaran. Ang galera ay pagbabayad-kasalanan, katulad ng pagkamatay sa bitayan. Ngunit hindi ito sasapat upang mabayaran kung ano ang dapat bayaran sa pantaong lipunan para sa krimen na ginawa. Kinakailangan din bayaran at higit sa lahat kung ano ang babayaran sa Diyos, upang makapagbayad-kasalanan at magkaroon ng eternal na buhay. Ngunit siya na nagrerebelde at nawawalan ng pag-asa, ay nakapagbabayad-kasalanan sa lipunan lamang. Gawin na ang sentensiyado o nakukulong ay magkaroon ng pagmamahal ng kanyang mga kapatid. Iyan ay magiging liwanag sa kadiliman. Iyan ay magiging isang tinig. Isang kamay na nakaturo nang pataas habang ang tinig ay nagsasabi: “Sana masabi sa iyo ng aking pagmamahal na ang Diyos ay minamahal ka, katulad na inilagay Niya ang pagmamahal na ito para sa iyo sa aking puso, aking sawing-palad na kapatid” at ang liwanag ay magagawa ang mga tao na makita nila ang Diyos, ang kanilang maawaing Ama.

Gawing kumilos ang inyong karidad nang mas may malaking rason upang mapaginhawahan ang mga martir ng kawalang-hustisya ng tao: kapwa ang lubos na inosente at ang mga naitulak ng isang malupit na lakas na pumatay. Huwag husgahan ang nahusgahan na. Hindi ninyo nalalaman kung bakit naitulak na pumatay ang isang tao. Hindi ninyo nababatid na maraming beses ang tao na pumapatay ay walang iba bagkus isang patay na tao, at isang robot na walang pangangatwiran, sapagkat ang isang pagpatay nang walang pagdanak ng dugo ay napagkaitan siya ng pangangatwiran nang may malupit na karuwagang pagtataksil. Alam ng Diyos. Iyan ay sapat na. Sa susunod na buhay maraming aliping-galera, mamamatay-tao at magnanakaw ang makikita sa Langit, samantalang marami, na tila mga pinagnakawan at pinatay, ang makikita sa Impiyerno, sapagkat sa katunayan ang nagsasabing sila’y mga nabiktima ay ang totoong mga magnanakaw ng kapayapaan, katapatan at pagtitiwala ng ibang tao at ang totoong mga mamamatay-tao ng mga puso. Sila ay mga biktima lamang sapagkat sila ang huling nahampas, pagkatapos na sila ay laging nanghahampas nang patago sa loob ng maraming taon. Ang pagpatay at pagnanakaw ay kasalanan. Ngunit sa pagitan ng isa na pumapatay at nagnanakaw dahil siya ay nadala ng iba sa ganyang mga krimen at pagkatapos nagsisi, at ang isa na nagtutulak sa iba na magkasala at hindi nagsisisi, ang huli ay parurusahan nang grabe, sapagkat nanunukso siya sa iba na magkasala at hindi nakukonsiyensiya.

Sa gayon, sa pamamagitan ng di-paghuhusga sa kanila, maging maawain sa mga nakukulong. Laging itanim sa isipan na kung ang lahat na mamamatay-tao at mga magnanakaw ay parurusahan, kakaunting kalalakihan at kababaihan ang hindi mamamatay sa mga galera at sa bitayan. Anong itatawag natin sa mga ina na mga naglihi ngunit ayaw na magluwal ng bunga ng kanilang sinapupunan? O! Huwag tayong maglaro ng mga salita! Tawagin natin sila nang prangko sa pamamagitan ng kanilang pangalan: “Mga mamamatay-tao”. Anong masasabi natin sa mga tao na nagnanakaw ng reputasyon at pusisyon ng ibang tao? Simple kung ano sila: “Mga magnanakaw”. Ano ang pangalan para sa mga kalalakihan at kababaihan, na mga nangangalunya o nagpapahirap sa kanilang mga kamag-anak hanggang sa sila ay makapatay o magpakamatay, at para sa malalakas sa lupa na nanggigipit sa kanilang nasasakupan at sa kagipitan nagiging marahas? Naririto ito: “Mga mamamatay-tao”. Bueno? Wala bang tumatakbo? Kung gayon nakikita ninyo na tayo ay namumuhay nang walang anumang alalahanin kasama ang mga kriminal, na mga nakaiwas sa hustisya, na nakikipagsiksikan sa mga bahay at mga bayan, nakikipagkuskusang-siko sa atin sa mga kalsada, natutulog sa mga otel na atin ding tinutuluyan, at nakikisalo sa ating pagkain. Gayunpaman, sino ang walang pagkakasala? Kung isusulat ng daliri ng Diyos sa pader ng silid kung saan umuusbong ang mga kaisipan ng tao, ibig sabihin sa mga noo ng tao, ang mga salita na magsasalarawan kung ano dati ang isa, kung ano siya ngayon at kung ano siya sa hinaharap, napakakaunti ang magtataglay ng salitang: “Inosente” nakasulat sa maniningning na titik. Ang ibang mga noo ay magtataglay ng mga salitang: “Mga nangangalunya” “Mga mamamatay-tao” “Mga magnanakaw” “Mga pumapatay” sa mga titik na kasing berde ng inggit, o kasing itim ng pagtataksil, o kasing pula ng krimen.

Kung gayon, na hindi nagmamalaki, maging maawain sa inyong mga kapatid, na sa pantaong pananaw ay naging di mas masuwerte kaysa sa inyo, at ngayon mga nasa galera pinagbabayaran kung ano ang hindi ninyo pinagbabayaran, bagama't may kagagawan din kayo ng gayon ding krimen. Ang inyong kababaang-loob ay uunlad sa paggawang ganito.

Ang ilibing ang patay.

Ang pagninilay-nilay tungkol sa kamatayan ay isang leksiyon para sa buhay. Ibig Kong isama kayong lahat bago ang kamatayan at sabihin sa inyo: “Magsikap na mamuhay bilang mga santo upang magkaroon ng kamatayan lamang na ito: isang pansamantalang pakikipaghiwalay ng katawan sa kaluluwa, upang bumangon nang maluwalhati pagkatapos nito magpakailanman, magkakasama sa isang sukdulang kasayahan”.

Lahat tayo ay ipinanganak na hubad. Lahat tayo ay mamamatay at ang ating mortal na labí ay nakatalagang mabulok. Maging mga hari o mga pulubi, mamamatay tayo katulad noong tayo ay ipinanganak. At kung ang karangyaan ng mga hari ay nagagawa ang kanilang mga labí na mapanatili nang matagal na panahon, ang pagkabulok ay ang patutunguhan pa rin ng patay na laman. Ano ang mga momya? Mga laman? Hindi. Sila ay mga materyal na napatigas ng resina, naging kahoy na materyal. Hindi ito inaatake ng mga uod, dahil ito ay nabago at nasunog ng mga esensiya, ngunit ito ay aatakihin ng mga uod-kahoy, katulad ng matatandang kahoy.

Ngunit ang alikabok ay nagiging alikabok muli, sapagkat iyan ang sinabi ng Diyos. Gayunpaman sa dahilan lamang na ang alikabok na iyan ay nababalot nito ang espiritu at ito ay binubuhay nito, katulad ng isang bagay na nakahipo ng kaluwalhatian ng Diyos – ganyan ang kaluluwa ng tao – kailangan na maghinuha tayo na iyan ay napabanal na alikabok, hindi naiiba sa mga bagay na nagkaroon ng kontakto sa Tabernakulo. Nagkaroon ng kahit isang sandali man lang kung saan ang kaluluwa ay naging perpekto: habang ito ay nililikha ng Diyos. At kung ang hitsura nito ay nasira ng Kasalanan, pinagkakaitan nito ito ng perpeksiyon, dahil sa pinanggalingan nito ito ay naggagawad pa rin ng kagandahan sa materyal at dahil sa kagandahan na nanggagaling sa Diyos, ang isang katawan ay adornado at karapat-dapat ng respeto. Tayo ay mga templo at bilang ganyan karapat-dapat tayong parangalan, katulad na ang mga lugar na tinigilan ng Tabernakulo ay laging pinararangalan.

Pagkalooban, kung gayon, ang patay ng karidad ng isang karangal-rangal na kapahingahan habang naghihintay ng resureksiyon, at sa magandang armoniya ng pantaong katawan pagnilay-nilayan ang dibinong isip at kamay na naglikha at nagmolde dito nang perpektung-perpekto at pagpitaganan ang gawa ng Panginoon sa mga labí din dito.

Ngunit ang tao ay hindi lamang laman at dugo. Siya ay kaluluwa at isip din. Ang huli ay naghihirap din, at kailangan na tulungan nang may-habag.

May mga mangmang na tao na nakagagawa ng mali dahil lamang hindi nila nalalaman ang mabuti. Ilan ang hindi naka-aalam o naka-aalam nang mali sa mga bagay ng Diyos at kahit sa moral na mga batas! Nakatitig silang katulad ng namamatay-sa-gutom na mga tao sapagkat walang pumupuno sa kanilang pagkagutom at bumabagsak sa panghihina gawa ng kakulangan ng nakapagpapalakas na katotohanan. Humayo at turuan sila sapagkat iyan ang dahilan kung bakit Ko kayo iniipon at kayo ay Aking ipadadala. Ibigay ang tinapay ng espiritu sa kagutuman ng mga espiritu. Ang turuan ang mangmang ay katulad, sa larangang espirituwal, sa pagpuno sa kagutuman ng mga nagugutom. At kung ang gantimpala ay ibinibigay para sa isang piraso ng tinapay na ibinigay sa isang nanghihinang katawan, upang sana ito ay hindi mamatay, ano ang gantimpalang ibibigay sa kanya na nagpupuno sa kagutuman ng isang espiritu sa pamamagitan ng eternal na katotohanan at binibigyan ito ng eternal na buhay? Huwag maging sakim tungkol sa inyong nalalaman. Iyan ay ibinigay sa inyo nang walang gastos o limitasyon. Ibigay iyan nang walang kasakiman, sapagkat iyan ay pag-aari ng Diyos, katulad ng tubig ng kalangitan at iyan ay kailangan na ibigay katulad na iyan ay ibinigay sa atin.

Huwag maging sakim o mapagmalaki tungkol sa inyong nalalaman. Bagkus magbigay nang may kababaang-loob na nagpapasalamat. At magbigay ng malinaw na mapagkawanggawang kaginhawahan ng panalangin sa mga buhay at sa mga patay na nauuhaw para sa mga grasya. Ang tubig ay kailangan na hindi ipagkait sa natutuyuan na mga lalamunan. Ano kung gayon ang kailangan na ibigay sa mga puso ng napahihirapang buháy na mga tao, at ano sa mga nagbabayad-kasalanan na kaluluwa ng mga patay? Mga panalangin, mga panalangin na mayabong sapagkat ang mga ito ay puno ng pagmamahal at espiritu ng pagpapakahiya.

Ang panalangin ay kailangan na totoo, hindi mekanikal katulad ng ingay ng isang gulong sa kalsada. Ang ingay ba o ang gulong ang nagpapagalaw sa isang kariton? Ito ay ang gulong na pinupudpod ang sarili upang mapakilos ang kariton. Ganyan din ang tungkol sa mekanikal na binibigkas na panalangin at ang tungkol sa aktibong panalangin. Ang una ay tunog at wala nang iba pa. Ang huli ay trabaho, kung saan ang lakas ay nauubos at ang paghihirap dumadami, ngunit naabot nito ang tinatangka nito. Magdasal pa nang mas marami sa pamamagitan ng pagpapakahiya kaysa ng inyong mga labì at makapagpapaginhawa kayo sa mga buháy at sa mga patay, pinangyayari ang ikalawang gawain ng espirituwal na awa. Ang mundo ay mas maililigtas pa ng mga panalangin ng mga nakaaalam kung papaano manalangin, kaysa ng walang-pakinabang na mga ingay ng nakamamatay na mga digmaan.

Maraming tao sa mundo ang naniniwala. Ngunit hindi sila naniniwala nang matatag. Sila ay pabagu-bago na tila sila ay hinihila sa magkasalungat na mga direksiyon, at nang hindi naka-aabante kahit isang hakbang man lamang, nauubos ang kanilang lakas nang walang mangyari. Sila ay ang mga nagdududa. Ang mga nag-aalangan nagsasabing: “ngunit”, “kung”, “at pagkatapos”. At ang mga nagtatanong: “Talaga bang magiging ganyan iyan?”, “At kung hindi?”, “Magagawa ko ba?”, “At kung hindi ako magtagumpay?” at patuloy pa. Katulad nila ang mga gapang na tanim, na hindi umaakyat kung hindi sila makakita ng makakapitan, at kahit na kung makakita sila, sila ay pauli-uli, at hindi lamang kinakailangan na makakita ng makakapitan para sa kanila, bagkus kailangan pa silang gabayan sa bawat pagliko araw-araw.

O! Totoong nasusubukan nila ang pasyensiya at karidad ng isa higit kaysa ng isang paurong na bata! Ngunit sa ngalan ng Panginoon, huwag silang iabandona! Magbigay ng maningning na pananampalataya, masigasig na lakas sa mga preso ng kanilang mga sarili at ng kanilang nakakalitong sakit. Gabayan sila patungo sa araw at sa kalawakan. Maging mga guro at mga ama sa mga nagdududang isip nang walang kapaguran o maubusan ng pasyensiya. Pinanghihinaan nila kayo ng loob? Mabuti. Gaano ninyo Ako pinapanghina ng loob at lalo na ang Ama Na nasa Langit at Na madalas nag-iisip na ang Salita ay naging Laman nang walang mangyayari, dahil ang mga tao ay nag-aalangan pa rin kahit na ngayon na naririnig na nila ang Salita na nagsasalita ng tungkol sa Diyos.

Hindi kayo mag-iisip na kayo ay mas mahalaga pa kaysa sa Diyos o sa Akin! Kung gayon buksan ang mga kulungan ng mga preso na ito ng “ngunit” at “kung”. Paginhawahan sila mula sa kanilang mga tanikala ng: “Magagawa ko ba?”, “Kung hindi ako magtagumpay?”. Kumbinsihin sila na sapat na ang gawin ang kanilang makakayanan at ang Diyos ay masisiyahan na. At kung makita ninyo sila na bumagsak mula sa kanilang suporta, huwag na dumaan na hindi sila pinapansin, bagkus itayo silang muli kaagad. Katulad ng mga ina, na hindi dadaan na lang kung ang kanilang anak ay bumagsak, bagkus titigil, itatayo siya, lilinisin siya, pagiginhawahan at hahawakan hanggang sa siya ay hindi na natatakot na bumagsak muli. At ginagawa nila ito sa loob ng maraming buwan at taon kung ang mga paa ng bata ay mahina.

Bihisan ang mga espirituwal na hubad sa pagpapatawad sa mga nananakit sa inyo.

Ang pananakit ay laban sa karidad. Ang kawalang karidad ay napagkakaitan ang isa ng Diyos. Kung kaya't ang nananakit ay nagiging hubad at tanging ang kapatawaran lamang ng sinaktang tao ang makapandadamit sa ganyang kahubaran. Sapagkat nadadala niya ang Diyos sa kanya muli. Ang Diyos ay naghihintay para sa taong sinaktan na magpatawad bago Niya patawarin kapwa ang tao na sinaktan, at ang nanakit sa tao at sa Diyos. Sapagkat – atin itong tanggapin – walang sinuman na hindi nakapanakit sa Panginoon. Ngunit ang Diyos ay pinatatawad tayo kung pinatatawad natin ang ating kapwa, at pinatatawad Niya ang ating kapwa kung ang taong sinaktan ay nagpatawad. Gagawin sa inyo ang katulad na ginawa ninyo sa iba. Magpatawad, kung gayon, kung ibig ninyo kayo na mapatawad at kayo ay magsasaya sa Langit para sa inyong mapagkawanggawang kilos, na tila ang isang mantang puno ng mga bituin ay inilagay sa inyong banal na mga balikat.

Maging maawain sa mga lumuluha. Sila ay mga nasugatan ng buhay at ang kanilang mga puso ay namimighati sa kanilang mga nararamdaman.

Huwag ninyong ikulong ang inyong mga sarili sa inyong kapanatagan katulad ng nasa loob ng isang muog. Lumuhang kasama ang mga lumuluha, paginhawahan ang mga nahihirapan, damayan ang kalungkutan ng mga napagkaitan ng isang kamag-anak gawa ng kamatayan. Maging mga ama sa mga ulila, mga anak sa mga magulang, mga kapatid sa isa’t isa.

Magmahal. Bakit mahalin lamang ang mga masasaya? Mayroon na sila ng kanilang bahagi ng sikat ng araw. Mahalin ang lumuluha. Sila ang pinaka di-maiibigan ng mundo. Ngunit ang mundo ay hindi nalalaman ang kahalagahan ng mga luha. Nalalaman ninyo. Mahalin, kung gayon, ang mga lumuluha. Mahalin sila kung tinatanggap nila ang kanilang kapighatian. Mahalin sila nang lalo pa kung sila ay nagrerebelde laban sa kanilang kapighatian. Huwag silang kagalitan bagkus may-kabaitan na kumbinsihin sila tungkol sa katotohanan ng paghihirap at ang pagkakagamitan ng kapighatian. Gawa ng belo ng mga luha maaaring nakikita nila ang mukha ng Diyos nang wala sa porma, at ang Kanyang hitsura puno ng mapaghiganting arogansiya. Hindi. Huwag kayong maiskandalo! Ito ay isa lamang guniguni dala ng lagnat ng kapighatian. Tulungan sila upang ang kanilang lagnat ay sana humupa.

Gawin ang inyong pananampalataya na maging katulad ng yelo na inilalagay sa isang nagdidiliryong pasyente. At kapag ang umiiral na lagnat ay bumaba at sinundan ng kapunuan at kaantukang panghihina na madalas nararanasan ng mga nakalalabas sa isang trauma, magsalita muli ng tungkol sa Diyos, katulad na ito ay isang bagong bagay, may-kabaitan at mapasensya, katulad ng kung kayo ay makikipagusap sa mga bata na naging mga paurong sa gawa ng sakit… O! isang magandang kuwento, ikinuwento upang maaliw ang isang tao, ang eternal na bata! At pagkatapos manahimik. Huwag mamilit… Ang isang kaluluwa ay tumatrabaho sa pamamagitan ng kanyang sarili mismo. Tulungan ito sa pamamagitan ng mga haplos at panalangin. At kapag ito ay magtanong: “Kung gayon hindi iyon ang Diyos?”, tumugon: “Hindi. Ayaw Niyang ikaw ay masaktan, sapagkat minamahal ka Niya, at sa katauhan din ng mga hindi na sa iyo nagmamahal gawa ng kamatayan o iba pang mga rason”. At kapag ang kaluluwa ay magsabi: “Ngunit inakusahan ko siya”, sabihin: “Nakalimutan na niya ito, dahil iyon ay gawa ng iyong lagnat”. At kapag ito ay magsabi: “Ibig kong mapasaakin Siya”, sabihin: “Naririto Siya! Sa pintuan ng iyong puso, naghihintay para sa iyo na buksan mo ito para sa Kanya”.

Pagtiisan ang nakaiinis na mga tao. Sila ay pumapasok upang balisahin ang maliit na bahay ng ating kaakuhan, katulad na pumapasok ang mga peregrino upang balisahin ang bahay na ating tinitirhan. Ngunit katulad ng sinasabi Ko sa inyo na tanggapin ang mga peregrino, sasabihin Ko sa inyo na tanggapin ang mga taong ito.

Sila ba ay mga nakakainis? Ngunit kung hindi ninyo mamahalin, dahil sa problema na ginagawa nila sa inyo, minamahal nila kayo, humigit kumulong nang may-katarungan. Tanggapin sila para sa ganyang pagmamahal. At kahit na kung sila ay dumating nagtatanong, napopoot, iniinsulto kayo, maging mapasyensiya at mapagkawanggawa. Mapagbabago ninyo sila sa pamamagitan ng inyong pasyensiya. Ngunit baka maiskandalo ninyo sila sa pamamagitan ng inyong kawalang-karidad. Malungkot kayo na sila ay nagkasala; ngunit maging mas malungkot kung nagawa ninyo silang magkasala at kayo ay magkasala mismo. Tanggapin sila sa ngalan Ko, kung hindi ninyo sila matanggap sa pamamagitan ng inyong pagmamahal mismo. At ang Diyos ay gagantimpalaan kayo, sa pamamagitan ng pagdating Niya Mismo, sa ibang araw, upang ibalik ang pagdalaw at kanselahin ang di-magandang alaala sa pamamagitan ng Kanyang sobrenatural na mga haplos.

Panghuli pagsikapan na ilibing ang mga makasalanan upang maihanda ang pagbabalik patungo sa Buhay ng Grasya. Nalalaman ba ninyo kung kailan ninyo gagawin iyan? Kapag hinihikayat ninyo sila nang may makaama, mapasensya, mapagmahal na pamimilit. Ito ay katulad na inyong inililibing nang unti-unti ang pangit na bahagi ng katawan bago dalhin ito sa sepulkro nito sa paghihintay sa utos ng Diyos: “Bumangon at lumapit sa Akin”.

Hindi ba't ang mga Hudyo ay pinadadalisay ang patay dala ng respeto para sa katawan, na babangon muli? Ang hikayatin ang mga makasalanan ay katulad ng pagpapadalisay sa kanilang mga galamay, ang unang operasyon para sa paglilibing. Ang Grasya ng Panginoon ay gagawin ang iba pa. Padalisayin sila sa pamamagitan ng karidad, mga luha at mga sakripisyo. Maging mga bayani na makaagaw ng isang kaluluwa mula sa kurupsiyon. Maging mga bayani.

Hindi kayo maiiwanan na walang gantimpala. Sapagkat kung ang isang gantimpala ay ibinibigay para sa isang kopa ng tubig na ibinigay sa isang nauuhaw na katawan, ano ang ibibigay sa kanya na nagpaginhawa ng isang kaluluwa mula sa mala-impiyernong pagkauhaw?

Ako ay nakatapos na. Iyon ay ang mga gawain ng korporyal at espirituwal na awa na nagpapalaki ng pagmamahal. Humayo at isabuhay ang mga ito. At harinawang ang kapayapaan ng Diyos at Akin ay mapasainyo ngayon at kailanman.»

240611

 

 


Sunod na kabanata