275. Ang Kasakiman at ang Tangang Mayamang lalaki.

Setyembre 10 at 14 1945.

Si Jesus ay nasa mga burol sa kanlurang dalampasigan ng lawa. Ang mga bayan at mga nayon na nakakalat sa dalawang baybayin ay nakahayag sa ilalim ng Kanyang mga mata. Sa tuwirang ilalim ng burol ay ang Magdala at ang Tiberias, ang una kasama ang mararangyang distrito puno ng mga hardin, malinaw na nakahiwalay sa mahihirap na mga bahay ng mga mangingisda, magbubukid at pangkaraniwang mga tao sa pamamagitan ng maliit na daloy ng tubig na ngayon ay ganap na tuyo; ang huli maringal sa bawat sulok, isang bayan na walang malay tungkol sa paghihirap at pagkabulok, nagmumukhang maganda at luntian sa loob ng sikat ng araw bago sa lawa. Sa pagitan ng dalawang bayan may ilan-ilan ngunit maayos na naaalagaang mga hardin ng gulayin sa maikling kapatagan, habang ang mga puno ng olibo ay umaakyat sa burol sinasakop ito. Mula sa tuktok ng burol makikita sa likuran ni Jesus ang mga siyá ng Mount of Beatitude, sa paanan nito ay naroon ang pangunahing daan na tumatakbo mula sa Mediterranean Sea patungo sa Tiberias. Baka pinili ito ni Jesus sapagkat ito ay napakalapit sa abalang-abalang daan, at kung gayon maraming tao ang makararating dito mula sa maraming bayan kapwa sa lawa at sa loobang lupain ng Galilee, at pagkatapos makauuwi sa gabi o makakakita ng matutuluyan sa karamihan sa mga bayan. Ang panahon ay tamang-tama rin dahil sa taas at dahil din na ang mga matataas na punungkahoy sa mataas-taas na mga dalisdis ay napapalitan ang mga puno ng olibo.

Sa katunayan maraming tao sa tabi ng mga apostol at mga disipulo. Mga taong nangangailangan kay Jesus dahil sa kalusugan, o para sa payo, mga taong lumabas dala ng pag-uusyuso, o pinasunod ng mga kaibigan o sa kagustuhan na makigaya. Sa maikling pananalita, may malaking pulutong. Ang panahon, na hindi mainit bagkus patungo na sa matumal na pagbibiruan ng taglagas, ay naiingganyo ang mga peregrino na lumabas sa paghahanap sa Guro.

Si Jesus ay nakapagpagaling na ng mga maysakit at nakapagsalita na sa pulutong sa paksa ng kayamanan na nakuha nang walang katarungan at tungkol sa pagtikal dito, katulad na ito ang kinakailangan para sa sinuman na ibig na makuha ang Langit at kailangang-kailangan para sa mga ibig na maging Kanyang mga disipulo. Siya ngayon ay tumutugon sa mga katanungan ng ito o iyon na mayamang disipulo, na medyo nababagabag ng gayong mga kakailanganin.

Si Juan, ang eskriba, ay nagsabi: «Kailangan ko bang sirain ang mayroon ako, kung gayon pagkakaitan ang aking pamilya ng kung ano ang nakatalaga para sa kanila?»

«Hindi. Ang Diyos ay binigyan ka ng ilan na mga ari-arian. Gawing maging may-pakinabang iyan sa Hustisya at gamitin iyan. Ibig sabihin, tulungan ang iyong pamilya sa pamamagitan niyan, na siyang iyong tungkulin; tratuhin ang iyong mga katulong nang makatao, at iyan ay karidad; tulungan ang mahihirap, at ang mahihirap na disipulo na nasa pangangailangan. Ang iyong kayamanan sa gayon ay hindi magiging isang hadlang, bagkus isang tulong.»

Pagkatapos sinasabihan ang pulutong sinabi Niya: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na pati rin ang pinakamahirap na disipulo ay nasa gayon din na piligro na mawalan ng Langit sa pamamagitan ng pagkakakabit sa mga kayamanan, kung kikilos siya laban sa hustisya sa pakikipagkasundo sa mga mayayamang tao, pagkatapos na siya ay maging isang pari Ko. Ang isang mayaman o masamang tao ay madalas na sisikapin na matukso kayo sa pamamagitan ng mga regalo upang kayo ay maging kaayun-ayon sa kanyang pamamaraan ng pamumuhay at sa kanyang kasalanan. At sa pagitan ng Aking mga ministro ay magkakaroon ng ilan na bibigay sa panunukso ng mga regalo. Iyan ay kailangan na huwag mangyari. Gayahin ang halimbawa ng Baptista. bagama't siya ay hindi isang hukom o isang mahistrado, nasa kanya ang perpeksiyon ng hukom at mahistrado katulad ng tinutukoy ng Deuteronomio: “Kailangan na wala kang kinikilingan, hindi ka tatanggap ng mga suhol, dahil binubulag ng mga suhol ang marurunong na tao at mapapasamâ ang ipinaglalaban ng makatarungan”. Madalas pinababayaan ng tao na maging mapurol ang dulo ng espada ng hustisya sa pamamagitan ng ginto na ikinukuskos ng makasalanan dito. Hindi, iyan ay kailangan na huwag mangyari. Pag-aralan na maging isang mahirap, kung papaano mamatay, ngunit huwag kailanman makipagkasundo sa kasalanan. Ni hindi sa pamamagitan ng pangangatwiran na gagamitin ang ginto para sa mga mahihirap. Iyan ay isinumpang ginto at hindi mamumunga ng mabuti. Iyan ay ang ginto ng nakapagpapahamak na pakikipagkasundo. Kayo ay mga itinalagang mga guro upang kayo ay sana maging mga guro, mga doktor at mga tagapagtubos. Ano ang inyong kalalabasan, kung ang inyong sariling interes ay madala kayo sa pagsang-ayon sa kasamaan? Mga guro ng siyensiya ng kasamaan, mga doktor na pumapatay ng kanilang mga pasyente, hindi mga tagapagtubos bagkus mga partido sa kasiraan ng mga puso.»

Ang isa sa pulutong ay lumapit at nagsabi: «Ako ay hindi isang disipulo. Ngunit Kayo ay hinahangaan ko. Sagutin Ninyo ang katanungan kong ito: “Legal ba na itago ang pera ng ibang tao?”»

«Hindi, mamâ. Iyan ay pagnanakaw ng pag-aari ng iba.»

«Kung gayon halikayo kay Abelmaim, Guro, sa daan patungong Damascus, at utusan ang aking kapatid na bahaginan ako ng mana ng aming ama na namatay na walang iniwan na kasulatan. Kinuha niya ang lahat para sa kanyang sarili. At alalahanin na kami ay kambal, ipinanganak nang panganay at tanging mga anak. Kung kaya't may karapatan ako katulad ng kanya.»

Si Jesus ay tiningnan siya at nagsabi: «Ito ay isang masakit na sitwasyon at ang iyong kapatid ay tiyak na hindi umaasal nang makatarungan. Ngunit ang tanging Aking magagawa ay ang manalangin para sa iyo at para sa kanya, na sana siya ay magbago, at makapupunta Ako sa inyong nayon at makapag-ebanghelyo at kung gayon mahipo ang kanyang puso. Ang daan ay walang pahirap para sa Akin kung makapaghahatid Ako ng kapayapaan sa pagitan ninyo.»

Ang mamâ ay nagalit at bumulalas: «Ano ang silbi ng Inyong mga salita? Mas mahigit pa diyan ang kakailanganin sa kasong ito!»

«Hindi mo ba sinabi sa Akin na utusan ang iyong kapatid na…»

«Ang mag-utos ay hindi ang mag-ebanghelyo. Ang isang utos ay laging kakabit ang isang pagbabanta. Bantaan na hampasin ang kanyang katauhan, kung hindi niya ibibigay sa akin kung ano ang para sa akin. Magagawa Ninyo iyan. Dahil nagbibigay Kayo ng kalusugan makapagbibigay Kayo ng sakit.»

«Mamâ, Ako ay naparito upang makabago ng kalooban, hindi manghampas. Ngunit kung ikaw ay may pananampalataya sa Aking mga salita, magkakaroon ka ng kapayapaan.»

«Aling mga salita?»

«Sinabi Ko sa iyo na magdarasal Ako para sa iyo at sa iyong kapatid, upang sana mapaginhawahan ka at siya ay magbalik-loob sa Diyos.»

«Kalokohan! Ako ay hindi ganyang isang tanga na paniwalaan iyan. Halikayo at mag-utos.»

Si Jesus, Na kanina pa ay mapagpakumbaba at mapasensya, ay naging kahanga-hanga at mahigpit. Itinuwid Niya ang Sarili – kanina Siya ay yumuyuko sa maliit na matabang galit na mamâ – at Siya ay nagsabi: «Mamâ, sino ang nagtalaga sa Akin na hukom, o tagapamagitan sa inyong dalawa? Wala. Ngunit upang maiwasan ang pagkakagalit ng dalawang magkapatid Ako ay pumapayag na pumunta at isabuhay ang Aking misyon bilang tagapagkasundo at tagapagtubos, at kung pinaniwalaan mo ang Aking mga salita, sa pagbabalik sa Abelmaim matatagpuan mo sana ang iyong kapatid na nagbago na. Ngunit ayaw mong maniwala. At hindi ka magkakaroon ng himala. Kung ikaw ang nakahawak ng kayamanan bago ang iyong kapatid, itatago mo ito, pinagkakaitan nito ang iyong kapatid, sapagkat sa dahilan na totoo na kayo ay kambal, totoo din na kayo ay may kambal na masimbuyong damdamin at kapwa ikaw at ang iyong kapatid ay may iisang pag-ibig: ang ginto, at iisang pananampalataya: ang ginto. Maging kasama mo kung gayon ang inyong pananampalataya. Paalam.»

Ang mamâ ay umalis na sinusumpa si Jesus habang ang lahat na tao na naroroon ay naiskandalo at ibig na parusahan siya.

Ngunit si Jesus ay tumutol nagsasabing: «Hayaan siyang makaalis. Bakit dumhan ang inyong mga kamay sa paghampas sa isang hayop? Pinatatawad Ko siya sapagkat siya ay naaalihan at naililigaw ng dimonyo ng ginto. Patawarin din siya. Tayo kung baga ay manalangin para sa di-masayang tao upang siya ay sana maging makatao muli na may magandang malayang kaluluwa.»

«Iyan ay totoo. Kahit na ang kanyang hitsura ay nakakatakot dahil sa kanyang kasakiman. Napuna ba ninyo iyon?» ang mga disipulo at ang mga nasa malapit sa abaro ay nagtatanungan.

«Iyan ay totoo nga! Hindi siya kamukha nang dati.»

«Oo. At nang tinanggihan niya ang Guro, halos hampasin niya Siya habang nagmumura, at ang kanyang hitsura ay maladimonyo.»

«Isang nanunuksong dimonyo. Ibig niyang iligaw ang Guro sa kasamaan…»

«Makinig» sabi ni Jesus. «Totoo na ang pagbabago ng espiritu ay nasasalamin sa mukha. Ito ay tila nagpakita ang dimonyo sa ibabaw ng kanyang inaalihan. Tanging iilan tao lamang na mga dimonyo, maging sa mga gawa o sa hitsura, ang hindi magsasalita kung ano sila. At ang iilan na iyon ay perpekto sa kasamaan at perpektong naaalihan. Ang hitsura ng isang makatarungang tao, sa halip, ay laging maganda, kahit na kung ang kanyang mukha ay materyal na nasira, dahil sa isang sobrenatural na kagandahan, na mula sa loob ay lumalabas. At ito ay hindi lamang sabi-sabi, bagkus isang katotohanan, na nakakapuna tayo ng kasariwaan sa katawan pati rin sa mga malaya sa mga bisyo. Ang kaluluwa sa loob natin ay binabalot ang buong katauhan natin. Ang baho ng isang bulok na kaluluwa ay naaapektuhan din ang katawan, samantalang ang amoy ng isang purong kaluluwa ay napananatili ito. Ang isang bulok na kaluluwa ay nadadala ang laman sa masasagwang kasalanan, na gugulang at sisirain nito ang katawan. Ang isang purong kaluluwa ay pinasisigla ang katawan tungo sa isang purong pamumuhay, na magbibigay sa laman ng kulay at mahestad.

Pagsikapan na mapanatili ang inyong kabataan na puro sa espiritu, o papanumbalikin ito, kung ito ay nawala na ninyo, at mag-ingat sa kasakiman, kapwa sa pagpapakasarap sa laman at para sa kapangyarihan. Ang buhay ng tao ay hindi dumidepende sa karangyaan ng kanyang kayamanan, maging sa kasalukuyang buhay at lalong hindi sa susunod, sa eternal na buhay. Ito ay dumidepende sa halip sa kanyang pamamaraan ng pamumuhay, pati rin sa kanyang kasayahan, kapwa sa lupa at sa Langit. Sapagkat ang isang mabisyong tao ay hindi kailanman totoong masaya. Sa kabaligtaran, ang isang mabirtud na tao ay laging masaya na may selestiyal na lugod, kahit na kung siya ay mahirap at nag-iisa. Ni ang kamatayan ay hindi sa kanya nakababalisa. Sapagkat wala siyang mga kasalanan o paninisi ng konsiyensya upang katakutan ang pakikipagtagpo sa Diyos, ni hindi niya ikinalulungkot ang tungkol sa maiiwanan niya sa lupa. Nalalaman niya na ang kanyang kayamanan ay nasa Langit at katulad ng isang tao na lalakad upang kunin ang mana na para sa kanya, isang banal na mana, siya ay lalakad nang masaya at ganado patungo sa kamatayan, na magbubukas sa kanya ng tarangkahan ng Kaharian kung nasaan naroroon ang kanyang kayamanan.

Mag-ipon kayo kaagad ng inyong kayamanan. Magsimula sa inyong kabataan, kayong mga bata pa; magtrabahong walang-tigil, kayong mga nakatatanda, na mas malapit na sa kamatayan dahil sa inyong edad. Ngunit dahil hindi nalalaman ang petsa ng kamatayan, at ang isang bata ay madalas namamatay bago ang isang kagalang-galang na matanda, huwag ipagpaliban ang pag-iimpok ng inyong kayamanan ng mga birtud at mabubuting gawa para sa susunod na buhay, kung hindi baka maunahan kayo ng kamatayan bago kayo makapag-ipon ng mga merito sa Langit. Maraming tao ang nagsasabi: “O! Ako ay bata pa at malakas! Magpapakasarap muna ako sa lupa, at saka na ako magbabago”. Isang malaking pagkakamali!

Makinig sa isang parabula. Ang lupa ng isang mayamang tao ay nagkaroon ng masaganang ani. Isang totoong mahimalang ani. Masaya siyang nakatingin sa labis na kasaganaan na tumatambak sa kanyang mga bukid at mga giikan at kinailangan na ilagay sa pansamantalang sa mga panilungan at kahit sa mga silid ng kanyang bahay, dahil hindi ito lahat kakasya sa kanyang imbakan, at nagsabi: “Ako ay nagtrabaho katulad ng isang alipin ngunit hindi ako binigo ng aking mga bukid. Nagtrabaho ako nang kasing labis ng sampung anihan, at ako ay magpapahinga nang gayon ding katagal. Ito ang aking gagawin: Gigibain ko ang aking mga imbakan at magtatayo ako ng mas malalaki, na mailalagay ang lahat kong ani at aking mga kalakal. At pagkatapos sasabihin ko sa aking kaluluwa: ‘O, aking kaluluwa! Mayroon kang maraming kalakal para sa maraming taon. Magpahinga, kung gayon, kumain, uminom at magpakasarap’”. Ang lalaki, katulad ng marami pang tao, ay napagkamalan ang kanyang kaluluwa na kanyang katawan at naipaghalo ang sagrado sa di-sagrado, sapagkat sa katotohanan ang kaluluwa ay hindi nagsasaya sa mga maiingay na pagsasaya at kawalang-magawa, bagkus nanghihina. At ang lalaki, katulad ng marami, pagkatapos ng mabuting ani sa mga bukid ng birtud, ay tumigil, dahil iniisip niya na nagawa na niya ang lahat.

Ngunit nalalaman ba ninyo na kapag nailapat na ninyo ang inyong mga kamay sa araro kailangan na magpursige kayo sa loob ng isa, sampu, sandaang taon, habang tumatagal ang inyong buhay, sapagkat ang tumigil ay isang krimen sa sarili, sapagkat pinagkakaitan ng isa ang sarili ng mas malaking kaluwalhatian, at ito ay isang pag-atras, sapagkat sa pangkalahatan siya na tumitigil ay hindi lamang hindi umaabante, bagkus bumabalik? Ang kayamanan sa Langit ay kailangan na dumami taon-taon upang maging mabuti. Sapagkat kung ang Awa ay mabait sa mga may kakaunting taon para makapag-ipon, hindi ito papayag na maging kasabwat ng tamad na mga tao na sa loob ng mahabang taon gumawa ng kakaunti lamang. Ito ay isang kayamanan na patuloy ang pagdami. Kung hindi ito ay hindi na ang namumungang kayamanan, bagkus isang di-namumunga, na makasasamâ sa nakahanda nang kapayapaan sa Langit.

Ang Diyos ay nagsalita sa tangang lalaki: “Tanga! Napagkamalan mo ang katawan at kayamanan ng lupa sa kung ano ang espiritu at ginawa mo ang grasya ng Diyos na maging masama. Sa gabing ito mismo ang demanda ay gagawin para sa iyong kaluluwa, at ito ay kukunin at ang iyong katawan ay mawawalan ng buhay. At ang itinambak mong ito, magiging kanino ito kung gayon? Isasama mo ba ang mga ito? Hindi. Haharap ka sa akin na wala ang panlupang mga ani at espirituwal na mga gawa at magiging mahirap ka sa susunod na buhay. Mas mabuti pa kung ginamit mo ang iyong mga ani para sa mga gawa ng awa para sa iyong kapwa at sa iyong sarili. Sapagkat kung ikaw ay naging maawain sa iba, naging maawain ka sana sa iyong sariling kaluluwa. At sa halip na inalagaan mo ang mga kawalang-magawang kaisipan, nangalakal ka sana upang nagkaroon ka ng matapat na kita para sa iyong katawan at malaking merito para sa iyong kaluluwa hanggang sa tawagin Kita”. At ang lalaki ay namatay nang gabing iyon at mahigpit na hinusgahan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na iyan ay mangyayari sa mga nag-iimpok ng kayamanan para sa kanilang mga sarili ngunit hindi lumalagong mayaman sa mga mata ng Diyos.

Humayo at tulungan ang inyong sarili ng doktrinang Aking ipinaliwanag sa inyo. Ang kapayapaan ay mapasainyo.»

At si Jesus ay nagpapalà at umalis patungo sa isang palumpungan kasama ang Kanyang mga apostol at mga disipulo upang kumain at magpahinga. At habang kumakain Siya ay nagpapatuloy sa pagsasalita sa gayon ding leksiyon, inuulit ang isang paksa na naipaliwanag na nang ilang beses sa mga apostol at na sa palagay ko ay hindi sapat na maipaliliwanag nang malinaw, sapagkat ang tao ay madaling mapanghawakan ng katangahang mga takot.

«Kailangan na kayo ay maniwala» sabi Niya, «na ang kailangan na isipin ng tao ay ang tungkol lamang sa kanyang pagyaman sa birtud. Ngunit tandaan ninyo: kailangan na huwag kayong mag-alala na may-pagkabahala o na may-paghihirap. Ang mabuti ay kaaway ng pagkabahala, ng takot, ng pagmamadali, na nagpapakita pa ng mga bakas ng kasakiman, paninibugho at pantaong kawalang-tiwala. Gawin na ang inyong paggawa ay palagian, may kompiyansa, mapayapa, na walang magagaspang na simula at pagtigil, katulad ng ginagawa ng maiilap na buriko. Ngunit walang gumagawa nito, maliban kung ang isa ay baliw, upang makapaglakbay nang ligtas. Maging mapayapa sa tagumpay at mapayapa sa pagkatalo. Ang mga luha din gawa ng pagkakamaling inyong nagawa at nakapagpapamighati sa inyo sapagkat gawa nito napalungkot ninyo ang Diyos, ay kailangan mapayapa, pinagiginhawahan ng kababaang-loob at pagtitiwala. Ang pagkainis, galit laban sa sarili ay laging sintomas ng pagmamalaki at pagkukulang ng kompiyansa. Siya na mababa ang kalooban ay nalalaman na siya ay isang abang tao nakapailalim sa mga pagpapahirap ng laman, na kung minsan ay nananagumpay. Siya na mababa ang kalooban ay hindi labis na inilalagay ang kanyang pagtitiwala sa sarili bagkus sa Diyos, at mapanatag din kung natatalo at nagsasabi: “Patawarin ako, Ama. Alam ko na nalalaman Ninyo ang aking kahinaan na kung minsan ay napananaigan ako. Maniniwala ako na kinaaawaan Ninyo ako. Lubos akong nagtitiwala na tutulungan Ninyo ako nang lalo pa sa hinaharap kaysa ngayon, sa kabila ng hindi ko Kayo labis na napasasaya”. Huwag maging walang-pakialam o maging sakim sa mga kaloob ng Diyos. Magbigay nang lubos ng kung ano ang taglay ninyo sa karunungan at birtud.

Maging aktibo sa espirituwal na mga bagay katulad na aktibo ang mga tao tungkol sa kanilang mga katawan. At kung tungkol sa inyong mga katawan huwag gayahin ang mga tao ng mundo na laging kinakabahan tungkol sa hinaharap, kinatatakutan kung ano ang kalabisan, na baka sila magkasakit, o mamatay, na ang mga kaaway ay baka manakit, at iba pa. Nalalaman ng Diyos kung ano ang magiging inyong pangangailangan. Kung gayon huwag kabahan tungkol sa hinaharap. Maging malaya sa mga luha, na mga mas mabigat pa kaysa sa mga tanikala ng mga alipin sa galera. Huwag manabik tungkol sa mga pangangailangan sa buhay: kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, at kung papaano ninyo daramtan ang inyong sarili. Ang buhay ng espiritu ay higit na mas mahalaga pa kaysa sa buhay ng katawan at ang katawan ay mas mahalaga kaysa sa mga damit, sapagkat nabubuhay kayo sa pamamagitan ng inyong katawan hindi sa pamamagitan ng inyong mga damit at sa pagpapahiya sa inyong mga katawan tinutulungan ninyo ang inyong mga kaluluwa na marating ang eternal na buhay. Nalalaman ng Diyos kung gaano katagal Niyang pananatilihin ang inyong mga kaluluwa sa inyong mga katawan, at bibigyan Niya kayo ng kung ano ang kakailanganin hanggang sa oras na iyan. Ibinibigay Niya ito sa mga uwak, di-purong mga ibon na nanginginain sa mga labí at ang dahilan ng kanilang pagiging naririyan ay ang maalis ang mga nabubulok na labí . At hindi ba Niya ibibigay sa inyo kung ano ang kakailanganin? Ang mga uwak ay walang mga taguan o mga imbakan at pinakakain pa rin sila ng Diyos gayunpaman. Kayo ay mga tao, hindi mga uwak. Sa kasalukuyan kayo ay ang pinakakatas ng mga tao sapagkat kayo ay ang mga disipulo ng Guro, ang mga tagapag-ebanghelyo ng mundo, ang mga lingkod ng Diyos. At posible bang isipin ninyo na pababayaan kayo ng Diyos, kahit na ang tungkol sa inyong pananamit, dahil inaalagaan rin Niya ang mga liryo ng mga lambak at pinatutubo sila at dinaramtan ng gayong magagandang kapa na hindi nagkaroon si Solomon, samantalang hindi sila nagtatrabaho bagkus mangamoy sinasamba ang Diyos? Totoo na sa pamamagitan ninyo hindi kayo makapagdadagdag ng kahit isang ngipin sa isang walang-ngipin na bunganga, o mapahaba kahit isang pulgada ang isang pinaikling paa, o paningningin ang pinalabong mga mata. At kung hindi ninyo magawa ang ganyang mga bagay, maiisip ba ninyo na maaalis ninyo ang paghihirap at mga sakit at gawing pagkain ang alikabok? Hindi ninyo magagawa. Ngunit huwag maging may kakaunting pananampalataya. Laging magkakaroon kayo ng inyong kakailanganin. Huwag mag-alala katulad ng mga tao ng mundo na nagsisikap na mapuno ang kanilang mga kagustuhan. Mayroon kayong Ama Na nakaaalam kung ano ang inyong kailangan. Ang lahat na kailangan ninyong hanapin, at ito ang inyong unang-unang hahanapin, ay ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang hustisya, at ang lahat na iba pa ay ibibigay na rin sa inyo.

Huwag matakot, Aking maliit na kawan. Ang Aking Ama ay nasiyahan na tawagin kayo sa Kaharian, upang sana mapasainyo ang Kanyang Kaharian. Kayo, kung gayon, ay makapagsusumikap patungo rito at matulungan ang Ama sa pamamagitan ng inyong mabuting kalooban at banal na aktibidad. Ipagbili ang inyong ari-arian at ibigay ang pera sa karidad, kung kayo ay nag-iisa. Bigyan ang inyong mga kamag-anak ng pamamaraan ng pamumuhay bilang kabayaran para sa inyong pag-abandona sa bahay upang masundan Ako, sapagkat hindi tama na pagkaitan ang mga anak at asawa ng kanilang pang-araw-araw na tinapay. At kung hindi ninyo maisasakripisyo ang pera, isakripisyo ang kayamanan ng inyong mga damdamin. Ito ay mga pera na pinahahalagahan ng Diyos para sa kung ano ang mga ito: ginto na mas puro pa kaysa sa iba pang ginto; mga perlas na mas mahalaga pa kaysa sa kinukuha mula sa dagat, at mga rubi na mas pambihira pa kaysa sa natatagpuan sa mga bituka ng lupa. Sapagkat ang irenunsiya ang sariling pamilya alang-alang sa Akin ay pagmamahal na mas perpekto pa kaysa sa pinakapurong ginto, iyan ay perlas gawa sa mga luha, isang rubi ginawa mula sa dugo na tumatangis mula sa sugat ng puso ng isang tao, dinurog ng pakikipaghiwalay sa ama’t ina at mga anak. Ngunit ang ganyang mga lukbutan ay hindi nauubusan, ang ganyang mga kayamanan ay hindi kailanman nabibigo. Ang mga magnanakaw ay hindi makapagpupumilit na makapasok sa Langit. Ang mga uod-kahoy ay hindi makakain kung ano ang nakadeposito roon. At gawin na ang Langit ay nasa loob ng inyong mga puso at ang inyong mga puso ay nasa Langit malapit sa inyong mga kayamanan. Sapagkat ang isang puso, maging ito man ay mabuti o masama, ay kasama nito kung ano ang inyong tinitingnan na mahal na kayamanan. Kung kaya't katulad na ang isang puso ay naroon sa kinaroroonan ng kayamanan nito (sa Langit), kung gayon ang kayamanan ay naroon kung nasaan ang puso (sa loob ninyo), hindi, ang kayamanan ang nasa loob ng puso at kasama ang kayamanan ng mga santo, sa loob ng puso ay naroon ang Langit ng mga santo.

Maging laging handa katulad ng mga malapit nang umalis o mga naghihintay sa kanilang panginoon. Kayo ay ang mga lingkod ng Guro-Diyos. Matatawag Niya kayo saan man Siya naroroon anumang sandali, o Siya ay makapupunta nasaan man kayo. Kung gayon, maging laging handa na humayo, o upang parangalan Siya sa pamamagitan ng gawain o ng sinturon ng paglalakbay sa inyong mga baywang at mga lampara na may sindi sa inyong mga kamay. Lumalabas sa isang piging ng kasalan kasama ang isang nauna na sa inyo sa Langit at bilang naikonsagra sa Diyos sa lupa, baka maalaala ng Diyos na kayo ay naghihintay at baka magsabi: “Tayo na kay Stephen o kay Juan, o kay Santiago at kay Pedro”. At ang Diyos ay mabilis sa pagdating o sa pagsabi ng: “Halika”. Kung kaya't maging handa na buksan ang pinto sa Kanya kapag Siya ay dumating o upang umalis, kung tawagin Niya Kayo.

pinagpalà ang mga lingkod na matatagpuan ng Guro na naglalamay sa Kanyang pagdating. Sasabihin Ko sa inyong totoo na upang magantimpalaan sila para sa kanilang matapat na paghihintay, magsisinturon Siya, pauupuin Niya sila sa mesa at paglilingkuran sila. Siya ay maaaring dumating sa una, o sa ikalawa o pangatlong pagbabantay. Hindi ninyo malalaman, kung kaya't maging laging mapagbantay. At kayo ay magiging masaya kung ganyan kayo at ang Guro ay matagpuan kayo nang ganyan! Huwag sabihin sa inyong sarili: “May panahon pa. Hindi Siya darating ngayong gabi”. Ang kasamaan ay babagsak sa inyo. Hindi ninyo nalalaman. Kung nalalaman ng isa kung kailan darating ang magnanakaw, hindi niya iiwanan na walang bantay ang bahay upang mapilit ng magnanakaw na mabuksan ang pinto at ang mga baul. Maging handa rin, sapagkat kung kailan hindi ninyo Siya inaasahan, ang Anak ng tao ay darating nagsasabing: “Panahon na”.»

Si Pedro, na nakalimutan na rin na tapusin ang kanyang pagkain, upang makinig sa Panginoon, nang makita niya na si Jesus ay tahimik, ay nagtanong: «Ang Inyong sinabi, ito ba ay para sa amin o para sa lahat?»

«Ito ay para sa inyo at para sa lahat. Ngunit ito ay unang-una para sa inyo, sapagkat katulad ninyo ang mga tagapamahala na inilagay ng Guro sa ulo ng mga lingkod at katungkulan ninyo na maging dobleng mapagbantay, kapwa bilang mga tagapamahala at bilang simpleng mga naniniwala. Ano ang dapat na maging katulad ng isang tagapamahala, kapag siya ay inilagay ng kanyang guro sa ulo ng mga lingkod, upang maibigay niya sa bawat isa ang kanyang tamang bahagi sa tamang sandali? Kailangan niyang maging tuso at matapat, upang magampanan niya ang kanyang sariling katungkulan at magawa ng mga naiilaliman niya ang kanila. Kung hindi ang interes ng panginoon ay maghihirap, samantalang binabayaran niya ang tagapamahala upang siya ay kumilos sa katauhan niya at mapangalagaan ang kanyang mga interes habang siya ay nasa malayo.

Masaya ang lingkod na matatagpuan ng panginoon na kumikilos nang matapat, masugid at makatotohanan, sa kanyang pagbalik. Sasabihin Ko sa inyong totoo na gagawin pa Niya siyang pamahalaan ang iba pang mga ari-arian, lahat na mga ari-arian, at siya magpapahingalay at magsasaya sa kanyang puso dahil sa galing ng kanyang lingkod. Ngunit kung ang lingkod ay magsabi: “Bueno! Ang aking panginoon ay napakalayo at sumulat sa akin na siya ay maaantala sa pagbabalik. Kung gayon magagawa ko ang gusto ko at gagawin ko ang kinakailangan kapag malapit na siyang dumating”. At siya ay nagsimulang kumain at uminom hanggang sa siya ay malasing at nagbibigay na ng kabaliwang mga utos at, dahil ayaw siyang sundin ng mabubuting lingkod upang hindi makapinsala sa kanilang panginoon, hinahampas niya ang mga katulong na babae't lalaki hanggang sa sila ay magkasakit at humina. At iniisip na siya ay masaya magsasabi siya: “Sa wakas para akong isang panginoon at kinatatakutan ng lahat”. Ngunit ano ang mangyayari sa kanya? Mangyayari na ang panginoon ay darating kung kailan hindi niya siya inaasahan, baka mahuhuli siya sa aktuwal na pagbubulsa ng pera o pagsusuhol sa pinakamahinang mga lingkod. Pagkatapos, sasabihin Ko sa inyo, ang panginoon ay itatapon siya sa labas, pinagkakaitan siya ng kanyang pusisyon bilang tagapamahala, at tatanggihan na mapanatiling kasama ng kanyang mga lingkod, sapagkat hindi tama na panatilihin ang di-matapat na mga traydor kasama ang matatapat na tao. At siya na dati ay mas minamahal at tinuturuan ng panginoon, mas lalo siyang parurusahan.

Sapagkat habang mas nalalaman ng isa ang kalooban at isip ng panginoon, mas lalong dapat gampanan niya ito nang eksakto. Kung ang isa ay hindi kumikilos ayon sa ipinaliwanag nang madetalye ng panginoon nang higit pa sa kanino pa man, siya ay mahigpit na hahampasin, samantalang ang mas mababang katulong, na kakaunti ang nalalaman at nagkamali iniisip na tama ang kanyang ginagawa, ay makatatanggap ng hindi masyadong mahigpit na kaparusahan. Mas malaki ang aasahan sa kanya na pinagbigyan nang labis, at siya na may labis sa kanyang pangangalaga, ay kailangan na magbalik ng labis, sapagkat ang Aking mga tagapamahala ay hihingan din ng kapaliwanagan tungkol sa kaluluwa ng isang sanggol na isang oras ang gulang.

Ang Aking pagpili ay hindi isang malamig na pagpapahingalay sa isang mabulaklak na maliit na kakahuyan. Ako ay naparito upang maghatid ng apoy sa lupa; at ano pa ang maaari Kong hilingin bagkus na ito ay umapoy? Iyan kung bakit pinapagod Ko ang Aking Sarili at ibig Ko na pagurin ninyo ang inyong sarili hanggang kayo ay mamatay at hanggang ang buong mundo ay maging isang selestiyal na bonfire. Ako ay kailangan na mabinyagan sa pamamagitan ng isang pagbibinyag. At gaano ako napaghihirap hangga’t iyan ay mangyari! Hindi ba kayo nagtatanong kung bakit? Sapagkat sa pamamagitan niyan magagawa Ko kayong maging mga tagapagdala ng Apoy, mga taga-udyok na kikilos sa bawat at laban sa bawat estrato ng lipunan, upang gawin itong iisang bagay lamang: ang kawan ng Kristo.

Sa palagay ba ninyo pumunta Ako upang magdala ng kapayapaan sa mundo? At ayon sa pag-iisip ng mundo? Hindi. Sa kabaligtaran, Ako ay pumunta upang magdala ng di-pagkakaunawaan at pagkakahiwalayan. Sapagkat mula ngayon, at hanggang sa ang mundo ay maging iisang kawan lamang, sa limang tao sa isang bahay ang dalawa ay kalaban ang tatlo, at ang ama ay kalaban ang kanyang anak, at ang anak laban sa kanyang ama, at ina laban sa kanyang mga anak na babae at ang mga anak na babae laban sa ina at ang biyanang babae at manugang na mga babae ay magkakaroon ng iba pang mga rason na hindi magkaintindihan sa isa’t isa, sapagkat isang bagong wika ang bibigkasin ng ilang mga labì, at ito ay magiging katulad ng Babel, sapagkat ang isang malalim na pagkagambala ay aalugin ang paghahari ng pantao at mas mataas pa sa pantaong mga damdamin. Pagkatapos ang panahon ay darating kung kailan ang lahat ay magkakasama-sama sa isang bagong wika, bibigkasin ng lahat na mga nailigtas ng Nazareno, at ang mga pakiramdam ay masasala katulad ng tubig, dahil ang latak ay lulubog sa ilalim, habang ang malinaw na mga alon ng selestiyal na mga lawa ay magniningning sa ibabaw.

Totoo, walang kapahingahan ang maglingkod sa Akin, ayon sa ibig sabihin na iniuugnay ng tao sa salitang iyan. Kabayanihan at walang-kapaguran ang kinakailangan. Ngunit sasabihin Ko sa inyo na sa katapusan laging si Jesus, Siya pa rin at laging Siya, ang magsisinturon sa baywang upang paglingkuran kayo, at uupong kasama kayo sa isang eternal na bangkete at ang lahat na pagtatrabaho at kapighatian ay makakalimutan.

Ngayon, sa dahilan na walang naghahanap sa atin, tayo na sa lawa. Tayo ay magpapahinga sa Magdala. Sa mga hardin ni Maria ni Lazarus ay may lugar para sa lahat at inilagay niya ang kanyang bahay para sa paggamit ng Peregrino at Kanyang mga kaibigan. Wala nang rason para sa Akin na sabihin sa inyo na si Maria ng Magdala ay namatay kasama ang kanyang kasalanan at siya ay nakabangon muli mula sa kanyang pagsisisi bilang Maria ni Lazarus, ang babaeng disipulo ni Jesus ng Nazareth. Nalalaman na ninyo ang tungkol dito sapagkat ang balita ay kumakalat katulad ng galit ng hangin ng isang kagubatan. Ngunit Ako ay may sasabihin sa inyo na hindi ninyo alam: ang lahat na personal na kayamanan ni Maria ay para sa mga lingkod ng Diyos at sa mahihirap na tao ng Kristo. Tayo na…»

 110711

 

 


Sunod na kabanata