276. Sa Hardin ni Maria ng Magdala: Pagmamahal Para sa Isang Kapwa.

Setyembre 16, 1945.

Si Jesus ay wala na sa Kanyang kinaroroonan nang nakaraang bisyon. Siya ay nasa loob ng isang malaking hardin na umaabot hanggang sa layo ng lawa, at na sa gitna nito ay may isang bahay napaliligiran ng hardin, na sa likuran ng bahay ito ay tatlong beses ang laki kaysa ng nasa harapan at sa mga tabi. Dito ay may mga bulaklak, ngunit higit sa lahat mga punungkahoy, mga palumpungan at berdeng mga sulok, ang iba sa paligid ng mga lunas ng pontanya ng mamahaling marmol, ang ilan ay katulad ng mga balag sa paligid ng mga mesa at batong mga upuan. At maaaring may mga estatuwa dati rito at doon, kapwa sa tabi ng mga daanan at sa gitna ng mga lunas. Tanging ang mga tuntungan na lamang ng mga estatuwa ang naiwan bilang alaala, malapit sa laurel at kahon ng mga palumpong o nasasalamin sa mga lunas puno ng malinaw na tubig.

Ang presensya ni Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo at ang mga tao mula sa Magdala, kasama rito ang maliit na si Benjamin na naglakas-loob na sabihin kay Judas Iskariote na siya ay isang masamang tao, ay nagagawa akong mag-isip na sila ay nasa mga hardin ng bahay ni Maria ng Magdala… na binago ang hitsura para sa bagong paggamit sa pamamagitan ng pag-alis sa kung ano ang baka makapang-inis o makapang-iskandalo o makapagpaalaala sa isa tungkol sa nakaraan.

Ang lawa ay isang abuhing-asul na krespon nasasalamin ang kalangitan, kung saan ang mga ulap ay naglalayag nang mabilis, dala ang unang mga ulan ng taglagas. Ngunit ito ay maganda gayunpaman, sa walang-galaw na mapanatag na liwanag ng isang araw na hindi malinaw bagkus ganap na maulan. Ang mga baybayin nito ay hindi na natatakpan ng mga bulaklak, ngunit ito ay napinturahan ng dakilang pintor na siyang ang taglagas at ito ay nagpapakita ng kulay ng okra at ng purpura at ng pagod na kaputlaan ng naglalahong mga dahon ng mga punungkahoy at ng mga ubasan, na nagbabago ng kulay bago nila ibigay sa lupa ang kanilang buháy na pananamit. Sa hardin ng isang villa na katulad ng isang ito, ay may isang lugar na naging pula, na tila nagbuhos ng dugo sa tubig, gawa ng isang palupo ng malalambot na sanga, na kinulayan ng taglagas ng umaapoy na kulay tanso, habang ang mga puno ng willow ay kumakalat sa baybayin, hindi malayo sa hardin, na tila nanginginig, habang ang kanilang maninipis na platang berdeng mga dahon ay kumikisay at nagmumukhang mas maputla kaysa dati bago mamatay.

Si Jesus ay hindi nakatingin sa tinitingnan ko. Nakatingin Siya sa ilang abang mga maysakit na Kanyang pinagagaling. Nakatingin Siya sa ilang matatandang pulubi kung kanino nagbibigay Siya ng ilang pera. Nakatingin Siya sa ilang mga bata na iniaalok sa Kanya ng kanilang mga ina upang sila ay Kanya sanang pagpalain. At nakatingin Siyang awang-awa sa isang grupo ng mga kapatid na babae, na nagawa nila ang kanilang ina na mamatay ng kabiguan sa puso at nakapagdala ng kasiraan sa kanilang pamilya, at ang kaawa-awang mga babae ay pinakikiusapan Siya na bigyan sila ng ilang payo at sila’y ipanalangin.

«Ako ay tiyak na mananalangin para sa inyo. Ipakikiusap Ko sa Diyos na bigyan kayo ng kapayapaan at ipananalangin ko siya, na sana siya ay mabago at maalaala na kayo ay kanyang mga kapatid, ibinibigay sa inyo kung ano ang tama at higit sa lahat na sana kayo ay mahalin niyang muli. Sapagkat kung gagawin niya ito, gagawin rin niya ang iba pa. Ngunit minamahal ba ninyo siya, o kayo ba ay may sama-ng-loob laban sa kanya? Pinatatawad ba ninyo siya nang buong puso o may galit ba sa inyong mga luha? Sapagkat siya ay hindi rin masaya. Higit pa kaysa sa inyo. At sa kabila ng kanyang kayamanan, siya ay mas mahirap pa kaysa sa inyo, at kailangan na kaawaan ninyo siya. Siya ay hindi na nagmamahal at wala nang pagmamahal ng Diyos. Kita ba ninyo kung gaano siya malungkot? Ang malungkot na buhay na nadala niya sa inyo ay magtatapos sa kasayahan para sa inyo at una sa lahat para sa inyong ina. Ngunit hindi para sa kanya. Sa kabaligtaran, mula sa huwad na kasalukuyang kaluguran siya ay mapupunta sa eternal na nakakatakot na pagpapahirap. Sumama kayo sa Akin. Sa pagsasalita sa inyo makapagsasalita Ako para sa lahat.»

At si Jesus ay pumunta sa gitna ng isang parang, kung saan minsan ay maaaring may isang estatuwa at ang lugar ay ngayon puno na ng grupu-grupong mga bulaklak. Tanging ang tuntungan na lamang ang naiiwan at ito ay napalilibutan ng isang mababang palupo ng mirto at maliliit na rosas. Si Jesus ay patungo sa palupong iyon at nagsimulang magsalita. Ang mga tao ay nanahimik at nagsiksikan sa paligid Niya.

«Kapayapaan sa inyo. Makinig.

Ito ay nakasulat: “Mahalin ang inyong kapwa katulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili”. Ngunit sino ba ang ating kapwa? Ang buong sangkatauhan, sa pangkalahatan na ibig-sabihin. Sa makitig na pananaw ang lahat na ating mga kababayan; sa mas makitig pang pananaw, ang lahat na ating kapwa mamamayan; pagkatapos sa mas higit pang makitid na ibig-sabihin, ang lahat na ating mga kamag-anak; panghuli, ang huling pabilog ng koronang ito ng pagmamahal saradong katulad ng mga petalo ng isang rosas sa palibot ng puso ng bulaklak, ang pagmamahal para sa ating buong mga kapatid: ang ating unang kapwa. Ang Diyos ay ang sentro ng puso ng bulaklak ng pagmamahal, kung kaya't ang pagmamahal para sa Kanya ay ang unang kailangan na magkaroon tayo. Sa paligid ng sentrong ito ay ang pagmamahal para sa ating mga magulang, ang ikalawang kailangan na magkaroon, sapagkat ang ama’t ina ay totoong maliliit na mga “Diyos” sa lupa, dahil ipinanganak nila tayo at nakipagtulungan sila sa Diyos para sa ating paglilikha, bukod sa inaalagaan tayo ng may walang-pagkapagod na pagmamahal. Ang iba't iba pang mga pabilog ng pagmamahal ay katabi ng obaryong iyan na nagniningning na may mga pistilo at inihihinga ang pabango ng pinakapiling pagmamahal. Ang una ay ang pagmamahal para sa ating mga kapatid na ipinanganak ng iisang sinapupunan at iisang dugo katulad ng atin.

Papaano kailangan mahalin ang ating kapatid? Dahil lamang ba na ang kanyang laman at dugo ay kapareho ng atin? Kahit na ang maliliit na ibon na magkakasama sa iisang pugad ay magagawa iyan. Sa katunayan, ito lamang ang mayroon silang lahat: ipinanganak sila sa iisang ina at nasa kanilang mga dila ang lasa ng laway ng kanilang ama’t ina . Tayong mga tao ay mas mahalaga pa kaysa sa mga ibon. Mayroon tayo ng higit pa sa laman at dugo. Nasa atin ang Ama bukod sa pagkakaroon ng ama’t ina. Kung gayon kailangan na mahalin natin ang ating kapatid, dahil sa ating ama’t ina na nagpanganak sa atin, at bilang isang kapatid dahil sa Diyos na Siyang ating pansansinukuban na Ama.

Kailangan natin siya, kung gayon, na mahalin nang espirituwal hindi lamang nang korporyal. Kailangan na mahalin natin siya hindi lamang dahil sa kanyang katawan at dugo, bagkus dahil sa espiritu na mayroon tayo pari-pareho. At kailangan na mahalin natin, katulad na ito ay dapat mahalin, ang espiritu ng ating kapatid nang higit pa sa kanyang katawan. Sapagkat ang espiritu ay mas importante kaysa sa katawan. Sapagkat ang Amang Diyos ay mas importante kaysa sa taong ama. Sapagkat ang espiritu ay mas mahalaga kaysa sa laman. Sapagkat ang ating kapatid ay mas malulungkot kung mawala sa kanya ang Amang Diyos kaya kung mawala sa kanya ang taong ama. Nakabibiyak ng puso ang mawalan ng taong ama, ngunit ito ay kalahating pagka-ulila lamang. Makasasamâ lamang ito sa kung ano ang makalupa, ibig sabihin sa ating pangangailangan ng tulong at mga haplos. Ngunit ang espiritu, kung ito ay makapaniniwala, ay hindi nasisira ng kamatayan ng ama. Sa kabaligtaran, upang makasamang muli ang makatarungang ama sa kanyang kinaroroonan, ang espiritu ng anak ay tumataas na tila ito ay hinahatak ng isang puwersa ng pagmamahal. At sasabihin Ko sa inyong totoo na iyan ay ang pagmamahal, pagmamahal para sa Diyos at para sa ama, na tumaas kasama ang kanyang kaluluwa sa lugar ng karunungan. Siya ay tumataas sa isang lugar kung saan siya ay mas malapit sa Diyos at kumikilos nang may mas malaking katumpakan, sapagkat hindi siya nagkukulang sa tamang tulong, ibig sabihin tulong na mga panalangin ng ama na kanya na ngayong namamahal nang perpekto, ni hindi rin siya nagkukulang sa pagpipigil gawa kapwa ng katiyakan na ang ama ay nakikita na ngayon ang mga gawa ng anak, nang mas mabuti kaysa nang nabubuhay pa siya, at dahil sa mithiin na makasama siya sa pamamagitan ng banal na pamumuhay.

Iyan kung bakit dapat na mas kailangang alagaan ng isa ang espiritu kaysa sa katawan ng kapatid. Tiyak na iyan ay mas kaawa-awang pagmamahal kung inaalagaan nito ang kung ano ang maglalaho, kinakalimutan ang kung ano ang hindi maglalaho at na, kung kaligtaan, ay maaaring mawalan ng eternal na lugod. Napakaraming tao ang pinapagod ang sarili sa mga walang-silbing bagay at pinapag-alala ang mga sarili tungkol sa maikukumparang merito, kinakaligtaan kung ano ang tunay na kinakailangan. Ang mabubuting magkakapatid na lalaki’t babae ay hindi dapat na mag-alala lamang tungkol sa pagpapanatiling malinis ang mga damit at maihanda ang mga pagkain, o sa pagtutulong sa kanilang mga kapatid na lalaki sa kanilang trabaho. Ngunit kailangan nilang yukuan ang kanilang mga espiritu at pakinggan ang kanilang mga tinig, damhin ang kanilang pagkukulang, at na may mapagmahal na pasyensiya abalahin ang kanilang sarili na mabigyan sila ng malusog na banal na espiritu, kung sa mga tinig na iyon at mga pagkukulang nakakakita sila ng panganib para sa kanilang eternal na buhay. At kung ang kanilang kapatid na lalaki ay nagkasala laban sa kanila, kailangan nilang patawarin siya at gawin ang Diyos na patawarin siya, sa pamamagitan ng kanyang pagbabalik sa pagmamahal, na kung wala ito ang Diyos ay hindi magpapatawad.

Ito ay nakasulat sa Leviticus: “Kailangan na huwag kang magtanim ng sama ng loob sa iyong puso laban sa iyong kapatid, kailangan na bukas mong sabihin sa kanya ang kanyang pananakit, sa ganito hindi ka magkakasala dahil sa kanya”. Ngunit may malawak na kalaliman sa pagitan ng di-mapoot at magmahal. Baka isipin ninyo na ang pag-ayaw, pagtikal, kawalang-pakialam ay hindi kasalanan, sapagkat ang mga ito ay hindi kapootan. Hindi. Ako ay naparito upang magdala ng bagong liwanag sa pagmamahal, at dahil dito, sa kapootan, sapagkat ang nagpapatingkad sa una sa bawat detalye, ay nagagawa ang bawat detalye ng huli na magningning din. Ang pagtaas mismo sa mataas na espera ng una, ay naghahatid, bilang resulta, ng mas malaking pagtikal mula sa huli, sapagkat habang tumataas ang pagmamahal, tila mas bumababa lalo ang kapootan.

Ang Aking doktrina ay perpeksiyon. Ito ay pagpipino ng mga pakiramdam at paghuhusga. Ito ay katotohanan na walang paghahambing at mga pagbibigay-kahulugan. At sasabihin Ko sa inyo na ang mga pag-ayaw, pagtikal at kawalang-pakialam ay kapootan na. Sa simpleng dahilan na ang mga ito ay hindi pagmamahal. Ang kapootan ay ang kabaligtaran ng pagmamahal. Makakakita pa ba kayo ng ibang pangalan para sa pag-ayaw? Sa pagiging tikal mula sa isang tao? Sa kawalang-pakialam? Siya na nagmamahal ay may pagkagusto para sa taong minamahal. Kung kaya't kung ayaw niya sa kanya, hindi na niya siya minamahal. Siya na nagmamahal, kahit na kung siya ay nakahiwalay nang aktuwal sa taong kanyang minamahal, ay nagpapatuloy na malapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang espiritu. Kung kaya't kung ang isa ay nakatikal sa espiritu mula sa isa, hindi na minamahal ng isa ang isa. Siya na nagmamahal ay hindi kailanman walang-pakialam sa taong kanyang minamahal, sa kabaligtaran interesado siya sa lahat ng tungkol sa taong iyon. Kung kaya't kung ang isa ay walang-pakialam sa isa, ibig sabihin nito ang isa ay hindi minamahal ang isa. Makikita ninyo kung gayon na ang tatlong aktitud na iyon ay mga sanga ng isang tanim: kapootan. Ngayon ano ang mangyayari kung tayo ay sinaktan ng isa na ating minamahal? Sa nubenta pursiyentong mga kaso, kung ang galit ay hindi umibabaw, ang pag-ayaw, pagtikal o pagwalang-pakialam ay ibubunga. Hindi. Huwag ninyong gawin iyan. Huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso sa pamamagitan ng tatlong porma ng kapootan na iyan. Magmahal.

Ngunit tinatanong ninyo ang inyong mga sarili: “Papaano namin magagawa?” Tutugon Ako sa inyo: “Katulad ng nagagawa ng Diyos, katulad ng pagmamahal Niya sa nananakit sa Kanya. Isang nakapamimighati ngunit mabuting pagmamahal pa rin”. Sasabihin ninyo: “Papaano namin gagawin iyan?”. Nagbibigay Ako ng bagong batas tungkol sa relasyon sa isang nagkasalang kapatid, at sasabihin Ko: “Kung kayo ay sinasaktan ng inyong kapatid, huwag siyang hiyain sa paninisi sa kanya sa publiko, bagkus pilitin ng inyong pagmamahal na pagtakpan ang kanyang pagkukulang sa mga mata ng mundo”. Sapagkat magiging malaki ang inyong merito sa mga mata ng Diyos, sa pagpipigil, dala ng pagmamahal, sa bawat kasiyahan ng inyong pagmamataas.

O! Gaano kamahal ng tao na malaman ng madla na siya ay sinaktan at naghirap gawa nito! Katulad ng tangang pulubi hindi siya pumupunta sa isang hari upang manghingi ng mga limos ng ginto, bagkus pumupunta sa ibang tangang mga pulubing katulad niya humihingi ng ilang dakot ng abo at dumi ng hayop at ilang subo ng umaapoy na lason. Iyan ang ibinibigay ng mundo sa nasaktang tao na pumupunta sa pagrereklamo at panghihingi ng kasiyahan. Ang Diyos, ang Hari, ay nagbibigay ng purong ginto sa kanya, na, bilang sinaktan, ay pumupunta na wala ng kahit na anong sama-ng-loob upang tumangis sa Kanyang paanan at humihingi sa Kanya, Pagmamahal at Karunungan, ng kaginhawahan ng pagmamahal at kung papaano makapagpatuloy sa nakapamimighating sirkunstansiya. Kung kaya't, kung kailangan ninyo ng kaginhawahan, pumunta sa Diyos at kumilos nang may pagmamahal.

Sasabihin Ko sa inyo, itinatama ang lumang batas: “Kung ang inyong kapatid ay nagkasala laban sa inyo, pumunta at itama siya ninyo mismo. Kung siya ay makinig sa inyo, nakuha ninyo muli ang inyong kapatid. At kayo ay nakakuha rin ng maraming pagpapalà mula sa Diyos. Kung ang inyong kapatid ay hindi kayo pinakikinggan, bagkus tinatanggihan kayo nagpapatuloy sa kanyang pagkakamali, kumuha kayo ng dalawa o tatlong mahigpit, tuso, at maaasahang mga saksi, upang walang makapagsasabi na kayo ay sumasang-ayon sa kanyang pagkakamali o kawalang-pakialam para sa kabutihan ng kanyang kaluluwa, at bumalik sa inyong kapatid kasama sila, at may-kabaitan na ulitin ang inyong mga sinabi sa kanilang presensya, upang ang mga saksi ay sana maulit nila na ginawa na ninyo ang lahat sa makakayanan ninyo na itama ang inyong kapatid, dahil ang kasalanan na kanyang ginawa laban sa inyo ay makasasamâ sa kanyang kaluluwa, at kailangan ninyong alagaan ang kanyang kaluluwa. At kung iyan ay walang mangyari, paalamin ang sinagoga, upang sana gawin niya na mag-utos sa ngalan ng Diyos. At kung kahit dito siya ay hindi magbago at tinatanggihan ang sinagoga o ang Templo katulad ng pagtanggi sa inyo, tingnan siya bilang isang publikano at isang Hentil”.

Gawin iyan sa inyong buong mga kapatid at sa mga tao na inyong minamahal. Sapagkat sa inyo ring mas malayong kapwa kailangan na kumilos kayo na may kabanalan, mapagbigay, may kalambutan at pagmamahal. At kung ito ay isang asunto at kinakailangan na pumunta sa korte at pumunta kayo kasama ang kalaban, sasabihin Ko sa inyo, o tao, na madalas na natatagpuan ang sarili sa mas malaking kasamaan sa kagagawan mismo ninyo, na gawin ang lahat sa inyong makakayanan, habang kayo ay nasa daan pa, na makipagpayapaan sa kanya, maging kayo man ay tama o mali. Sapagkat ang pantaong hustisya ay laging di-perpekto at ang isang magaling na tao sa pangkalahatan ay natatalo ang hustisya at ang nanakit ay baka makitang inosente. At pagkatapos hindi lamang ang inyong karapatan ang mawawala, bagkus ang kaso at mula sa pagiging inosente kayo ay lalabas na nagkasala ng paninira ng pangalan at kayo ay ipagpapaubaya ng hukom sa tagapagpatupad ng batas na hindi niya kayo palalayain hangga’t makabayad kayo sa kahuli-hulihang sentimos.

Maging mapagkasundo. Ang inyo bang kaakuhan ay maghihirap gawa nito? Mabuti. Kayo ba ay mapipigaan ng pera? Mas lalong mabuti. Maliban na ang inyong kabanalan ay lumalaki. Huwag manghinayang sa ginto. Huwag maghanap ng mga papuri. Hayaan ang Diyos na purihin kayo. Tiyakin na nasa inyo ang inyong mga lukbutan sa Langit. At magdasal para sa mga nananakit sa inyo. Na sana sila ay magbago. Kung iyan ay mangyari, sila mismo ang magbibigay ulit sa inyo ng inyong karangalan at mga gamit. Kung hindi nila gawin ito, gagawin ito ng Diyos.

Humayo na kayo, ngayon, sapagkat oras na para sa inyong pagkain. Hayaan ang mga pulubi lamang na manatili at makaupo sa apostoladong mesa. Kapayapaan sa inyo.»

110711

 

 


Sunod na kabanata