277. Si Jesus Pinadadala ang Pitumpu’t-dalawang Disipulo.

Setyembre 17, 1945.

Pagkatapos ng pagkain pinauwi ni Jesus ang kaawa-awang mga panauhin at nananatiling kasama ang Kanyang mga apostol at mga disipulo sa hardin ng Maria ng Magdala. Sila ay nakaupo sa pinakadulo nito, malapit sa kalmanteng tubig ng lawa, kung saan ang ilang naglalayag na mga bangka ay nangingisda.

«Lahat sila ay nagkaroon ng mabuting huli» wika ni Pedro na pinagmamasdan sila.

«Magkakaroon ka rin ng mabuting huli, Simon ni Jonah.»

«Ako, aking Panginoon? Kailan? Ibig ba Ninyo akong lumabas at mangisda para sa ating pagkain bukas? Aalis ako kaagad at…»

«Hindi tayo nangangailangan ng kahit anong pagkain sa bahay na ito. Magkakaroon ka ng mabuting huli sa hinaharap, sa espirituwal na larangan. At ang karamihan nito ay magiging mabubuting mangingisda katulad mo.»

«Hindi lahat, Guro?» tanong ni Mateo.

«Hindi lahat. Ngunit ang mga magpupursige at magiging Aking mga pari ay magkakaroon ng mabuting húli.»

«Mga kombersiyon?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Sila ay magpapasampalataya, magpapatawad, maghahatid pabalik sa Diyos. O! napakaraming mga bagay.»

«Makinig, Guro. Sinabi Ninyo noon na kung ang tao ay ni hindi makikinig sa kanyang kapatid sa presensya ng mga saksi, ang sinagoga ay pakikiusapan siya. Ngayon, kung naintindihan ko nang tama ang matagal na Ninyong sinasabi sa amin mula pa nang tayo ay magkakilala, sa palagay ko ang sinagoga ay papalitan ng Simbahan, ang bagay na ibig Ninyong itatag. Kung gayon, saan kami pupunta upang mapakiusapan ang aming mga kapatid na matitigas ang ulo?»

«Gagawin ninyo ito mismo, sapagkat kayo ang magiging Aking Simbahan. Kung gayon ang mga naniniwala ay pupunta sa inyo, para sa payo para sa kanilang sarili mismo o para sa payo para sa ibang mga tao. Magsasalita pa Ako sa inyo ng iba. Hindi lamang kayo makapagbibigay payo. Makapagpapawalang-sala pa kayo sa Ngalan Ko. Makapagkakalag kayo sa mga tao sa kanilang mga tanikala ng pagkakasala at makapagdudugtong kayo ng dalawang tao na nagmamahalan upang sila ay maging iisang katawan. At ang inyong gagawin ay magiging katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos, na tila ang Diyos Mismo ang gumawa nito. Sasabihin Ko sa inyong totoo na anuman ang inyong ipahintulot sa lupa ay ipahihintulot sa Langit at anuman ang inyong pinatawad sa lupa ay patatawarin sa Langit. At sinasabi Ko rin sa inyo, upang maintindihan ninyo ang kapangyarihan ng Aking pangalan, ng pangkapatirang pagmamahal at panalangin, na kung dalawang disipulo Ko, at ang ibig Kong sabihin nito ang mga maniniwala sa Kristo, ang magkakasama upang manghingi ng kahit na ano sa Ngalan Ko, ang bagay na iyan ay ipagkakaloob sa kanila ng Aking Ama. Sapagkat ang panalangin ay isang malaking kapangyarihan, ang samahan ng magkakapatid ay isang malaking kapangyarihan, ang Aking Pangalan ay isang napakalaking walang-hangganang kapangyarihan at gayon din ang Aking presensya sa pagitan ninyo. At kung saan ang dalawa o tatlong tao ang nagkakasama-sama sa Ngalan Ko, Ako ay nasa pagitan nila, at Ako ay mananalanging kasama nila at ang Ama ay walang tatanggihan na anuman sa mga nananalanging kasama Ko. Marami ang hindi nakukuha kung ano ang kanilang hinihingi, sapagkat sila ay nananalanging sila lamang, o hinihingi nila kung ano ang hindi legal, o sila ay nananalangin na may pagmamalaki o kasalanan sa kanilang mga puso. Gawing puro ang inyong mga puso, upang Ako ay makasama ninyo, pagkatapos magdasal at kayo ay mapapakinggan.»

Si Pedro ay nag-iisip. Napuna ito ni Jesus at tinanong siya kung bakit. At si Pedro ay tumugon: «Ako ay nag-iisip tungkol sa malaking katungkulan na kami ay nakatalaga. At natatakot ako tungkol diyan. Natatakot ako na hindi ko iyan magagampanan nang mabuti.»

«Sa katunayan si Simon ni Jonah o si Santiago ni Alfeo o si Felipe, at ang iba pa, ay hindi iyan magagampanan nang mabuti. Ngunit si Pedro ang pari, si Santiago ang pari, si Felipe ang pari o si Tomas ay magagampanan iyan nang mabuti sapagkat sila ay kumikilos na kasama ang Dibinong Karunungan.»

«At… ilang beses namin patatawarin ang aming mga kapatid? Ilang beses kung sila ay magkasala sa mga pari; at ilang beses kung sila ay magkasala laban sa Diyos? Sapagkat, kung ang mga bagay ay mangyayari, katulad ng nangyayari ito ngayon, sila ay tiyak na magkakasala laban sa amin, dahil nagkakasala sila laban sa Inyo nang napakaraming beses. Sabihin Ninyo kung lagi akong magpapatawad o ilang beses. Halimbawa, pitong beses, o mahigit pa?»

«Hindi Ko sasabihin sa iyo na pitong beses, bagkus makapitumpung-pitong beses. Isang walang katapusang bilang. Sapagkat ang Ama rin Na nasa Langit ay patatawarin kayo nang maraming beses, isang malaking bilang na beses, at kailangan ninyo na maging perpekto. Kung kaya't gawin ang katulad ng Kanyang ginagawa sa inyo, sapagkat pangangatawanan ninyo ang Diyos sa lupa. Hindi, makinig. Magkukuwento Ako sa inyo ng isang parabula na makatutulong sa lahat.»

At si Jesus, na napalilibutan lamang ng mga apostol, sa loob ng isang saradong palumpungan, ay nagpatungo sa mga disipulo na mapaggalang na nag-iipun-ipon sa bukas na lugar adornado ng isang lunas ng pontanya na puno ng malinaw na tubig. Ang ngiti ni Jesus ay katulad ng isang tanda na Siya ay magsasalita. At habang naglalakad Siya na may mahahabang mabagal na hakbang, upang sa maikling sandali nabagtas Niya ang isang mahabang distansiya nang walang pagmamadali, lahat sila ay nasisiyahan at nag-umpukan sa paligid Niya katulad ng mga batang nag-uumpukan sa mga nagpapasaya sa kanila. Ito ay isang pabilog ng nakikinig na mga mukha, hanggang sa si Jesus ay sumandal sa puno ng isang mataas na kahoy at nagsimulang magsalita.

«Ang Aking nasabi sa mga tao ay kailangan na kumpletuhin para sa inyo na mga pinili mula sa sambayanan. Ang apostol na si Simon ni Jonah ay tinanong Ako: “Ilang beses kailangan kong magpatawad? Sino? Bakit?” Ako ay tumugon sa kanya nang sarilinan at ngayon ay Aking uulitin ang Aking tugon dahil tama lang na malaman din ninyo ito.

Pakinggan kung ilang beses, papaano at bakit kailangan ninyong magpatawad. Kailangan ninyong magpatawad katulad ng pagpapatawad ng Diyos, Na nagpapatawad nang makailang libong ulit, kung ang isa ay nagkakasala nang sanlibong ulit at nagsisisi. Maliban na nakikita Niya na sa tao ay walang kalooban na magkasala, walang pagpupursige sa kung bakit ang isa ay nagkakasala at na ang kasalanan na iyan ay resulta lamang ng kahinaan ng tao. Sa kaso ng sinasadyang pagpapatuloy sa pagkakasala walang kapatawaran sa mga kasalanan laban sa Batas. Ngunit tungkol sa kapighatian na nagagawa ng ganyang mga kasalanan laban sa inyo nang indibidwal, patatawarin ninyo sila. Laging patatawarin ang mga nananakit sa inyo. Magpatawad, upang kayo ay sana patawarin, sapagkat kayo rin ay nagkasala laban sa Diyos at sa inyong mga kapatid. Ang pagpapatawad ay nabubuksan nito ang Kaharian ng Langit kapwa sa kanya na pinatawad at sa inyo na nagpapatawad. Ito ay katulad sa nangyari sa isang hari at sa kanyang mga katulong.

Ang isang hari ay ibig gawin ang listahan ng pagkakautang ng kanyang mga katulong. Tinawag niya sila nang isa-isa, simula sa mga nasa matataas na pusisyon. May isa na nagkakautang sa hari ng sampung libong talento. Ngunit ang katulong ay hindi makabayad sa pautang ng ibinigay sa kanya upang itayo ang kanyang bahay at makabili ng lahat na klaseng gamit, sapagkat sa katunayan, sa marami na kahit papaano makatarungang mga dahilan, hindi niya ginamit nang maayos ang perang pinahiram sa kanya. Ang hari at panginoon ay nagalit sa kanyang katamaran at di-pagtupad sa kanyang salita, at inutusan siya, ang kanyang asawa, mga anak at lahat ng kanyang pag-aari na ipagbili hanggang mabayaran ang kanyang pagkakautang. Ngunit ang katulong ay itinapon ang kanyang sarili sa paanan ng hari at umiiyak na nangusap: “Palayain ninyo ako. Magkaroon ng kaunti pang pasyensiya at isusuli ko sa inyo ang lahat ng aking pagkakautang hanggang sa pinakahuling sentimos”. Ang hari ay naantig ng labis na pamimighati – siya ay isang mabuting hari – at hindi lamang pumayag sa kanyang pakiusap, bagkus nang kanyang mapakinggan na ang pagkakasakit ay ang dahilan ng kanyang pagkukulang sa paggamit nang tama sa pera at sa kanyang kabiguan na makabayad, binura din niya ang kanyang utang.

Ang katulong ay umalis nang masaya. Ngunit sa kanyang daan nasalubong niya ang isa pang katulong, isang abang tao kung kanino nagpahiram siya ng sandaan na dinari galing sa sampung libong talento na tinanggap niya mula sa hari. Dahil nakatitiyak siya tungkol sa proteksiyon ng hari naisip niya na ang lahat ay ipinahihintulot sa kanya at hinawakan niya ang di-masayang mamâ sa lalamunan nagsasabing: “Bayaran mo ako ng iyong pagkakautang sa akin”. Walang mangyari sa pagyuko na umiiyak upang halikan ang kanyang mga paa nangungusap: “Maawa sa akin dahil marami akong dinaanang kamalasan. Magkaroon ng kaunti pang pasyensiya at babayaran ko ang lahat sa iyo hanggang sa pinakahuling sentimos”. Ang malupit na katulong ay nagpatawag ng mga sundalo at ipinakulong ang kaawa-awang mamâ upang mag-isip siyang magbayad, o mawala ang kanyang kalayaan o ang kanyang pinakabuhay.

Ang mga kaibigan ng di-masayang mamâ ay nalaman ang tungkol dito, at bilang balisang-balisa, sila ay lumakad at sinabihan ang hari, na, nang kanyang malaman ang nangyari, ay iniutos na iharap sa kanya ang walang-awang katulong at tinitingnan siya nang mahigpit ang hari ay nagsabi: “Ikaw na masamang katulong, tinulungan kita noong una, upang sana ikaw ay maging maawain, na ikaw ay sana yumaman, pagkatapos tinulungan kita sa pagbura sa iyong mga utang nang ikaw ay nakiusap sa akin na magkaroon ng pasyensiya. Hindi ka nagkaroon ng awa sa iyong kapwa katulong, habang ako, isang hari, ay nagkaroon ng labis na awa sa iyo. Bakit hindi mo trinato ang iyong kapwa katulong katulad ng pagtrato ko sa iyo?” At sa kanyang galit ipinaubaya niya siya sa mga bantay sa kulungan upang panatilihin siya roon hangga’t mabayaran niya ang lahat, nagsasabing: “Dahil hindi siya nagkaroon ng awa sa isa sa nagkakautang sa kanya nang napakaliit, samantalang nagkaroon siya ng labis na awa mula sa akin ako na isang hari, kung kaya't hindi na ako magkakaroon ng awa sa kanya ulit”.

At ganyan kayo tatratuhin ng Aking Ama kung kayo ay magiging walang-awa sa inyong mga kapatid, kung kayo ay mas makasalanan pa kaysa sa isang naniniwala, pagkatapos na makatanggap nang labis mula sa Diyos. Tandaan na katungkulan ninyo na maging mas walang pagkakasala kaysa sa sino pa man. Tandaan na kayo ay binibigyan ng Diyos ng malaking kayamanan bilang pauna, ngunit ibig Niyang maipaliwanag ninyo sa Kanya ang tungkol diyan pagkatapos. Tandaan na walang ibang dapat na makapagkaloob ng pagmamahal at kapatawaran nang katulad ninyo.

Huwag maging mga katulong na nagtatalaga nang labis para sa inyong sarili at nagbibigay nang wala sa mga humihingi ng tulong sa inyo. Katulad ng inyong ginagawa sa iba, iyan ay gagawin din sa inyo. At kayo ay hihingan ng kapaliwanagan kung papaano kumilos ang ibang tao, kung sila ba ay nadala sa mabuti o sa masama sa pamamagitan ng inyong mga halimbawa. O! kung napabanal ninyo ang mga tao, ang inyong gantimpala sa Langit ay totoong magiging malaki! Ngunit, gayon din naman, kung kayo ay naging mga tagapagpahamak o naging makukupad lamang sa pagpapabanal, kayo ay mahigpit na parurusahan.

Sasabihin Ko sa inyong muli: kung mayroon sa inyo na ayaw na maging biktima ng kanyang sariling misyon, hayaan siyang makaalis. Ngunit gawin siyang huwag mabigo rito. Ang ibig Kong sabihin: gawin siyang huwag bumagsak sa kung ano ang makasasamâ sa kanyang sariling perpeksiyon at ng sa ibang mga tao. At gawin siyang makasama ang Diyos bilang kanyang kaibigan, laging pinatatawad ang inyong mahihinang kapatid mula sa inyong mga puso. Pagkatapos ang bawat isa sa inyo, na magpapatawad nang ganyan, ay patatawarin ng Diyos Ama.

Ang ating pananatili ay natapos na. Ang panahon ng mga Tabernakulo ay malapit na. Sa mga kinausap Ko nang sarilinan ngayong umaga, magmula ngayon ay uuna na sa Akin ibinabalita Ako sa mga tao. Ang mga mananatili ay kailangan na huwag panghinaan ng loob. Pinigilan Ko ang ilan sa kanila para sa ikabubuting mga rason, hindi dahil sa minamaliit Ko sila. Sila ay mananatiling kasama Ko at Akin silang ipadadala katulad ng pagpapadala Ko ngayon sa unang pitumpu’t-dalawang mga disipulo.

Ang ani ay masagana, ngunit ang mga manggagawa ay napakakaunti kumpara sa kung ano ang kakailanganin. Kung kaya't may trabaho para sa bawat isa. Ngunit iyan ay hindi sapat. Kung kaya't, na hindi naninibugho, hingin sa Panginoon ng ani na magpadala ng mga bagong manggagawa sa Kanyang ani. Pansamantala, makakalakad na kayo. Sa loob ng mga nakaraang araw, ang mga apostol at Ako ay nakumpleto ang mga tagubilin sa inyo tungkol sa gawain na inyong gagawin, at naulit Ko sa inyo ang Aking sinabi sa Labindalawa bago ipadala kayo.

Ang isa sa inyo ay nagtanong sa Akin: “Papaano ako magpapagaling sa Ngalan Ninyo?”. Laging pagalingin ang espiritu muna. Pangakuan ang mga maysakit ng Kaharian ng Diyos kung sila ay makapaniniwala sa Akin, at kapag natiyak na ninyo ang kanilang pananampalataya, utusan ang sakit na umalis at iyan ay aalis. At ganyan din ang gawin sa mga maysakit sa kaluluwa. Pasiglahin ang kanilang pananampalataya una sa lahat. Sa pamamagitan ng mabubuting salita pasiglahin sila sa pamamagitan ng Pag-asa. Pagkatapos Ako ay darating upang pagkalooban sila ng Dibinong Karidad, katulad na inilalagay Ko ito sa inyong mga puso pagkatapos na maniwala kayo sa Akin at umasa para sa Awa. At huwag matakot sa mga tao o sa mga dimonyo. Hindi nila kayo sasaktan. Ang tanging katatakutan lamang ninyo ay ang: pagiging makalaman, pagmamalaki, kasakiman. Sa pamamagitan ng mga ito inilalagay ninyo ang inyong mga sarili kay Satanas at sa maladimonyong mga tao, na mga naririyan din.

Humayo sa gayon, pinangungunahan Ako sa mga daan ng Jordan. At kapag makarating kayo sa Herusalem lumakad at samahan ang mga pastol sa lambak ng Bethlehem, at pumuntang kasama sila sa Akin, sa lugar na alam na ninyo, at ipagdiriwang natin nang magkakasama ang banal na kapistahan, at pagkatapos tayo ay babalik sa ating ministeryo nang mas napalakas kaysa kailanman.

Humayo sa kapayapaan. pinagpapalà Ko kayo sa banal na Pangalan ng Panginoon.»

110711

 

 

 


Sunod na kabanata