278. Si Jesus Tinatagpo si Lazarus sa Lugar ng mga Galilean.

Setyembre 18, 1945.

Ang kilalang-kilalang Lugar ng mga Galilean – sa palagay ko iyan ang ibig sabihin ng salita na ginamit ni Jesus upang sabihin ang tagpuang lugar kasama ang pitumpu’t-dalawang disipulo na pinauna Niya – ay bahagi ng Mount of Olives, pagawing daan na patungong Bethany, na aktuwal na dumaraan doon. At sadyang sa lugar na ito na sa bisyon nang matagal na, nakita ko sina Joachim at Anna na nagkampo kasama si Alfeo, noon maliit na bata pa, malapit sa iba pang mga tolda na gawa sa mga sanga ng punungkahoy, noong Kapistahan ng mga Tabernakulo, na sinundan ng paglilihi sa Banal na Birhen.

Ang taluktok ng Mount of Olives ay makinis: ang lahat ay makinis at maganda sa bundok na iyon: ang mga dalisdis, ang tanawin, ang tuktok. Ito ay totoong nagpapasigla ng kapayapaan, napupuno katulad nito ng mga puno ng olibo at katahimikan. Ngunit hindi ngayon. Sapagkat ngayon ito ay punung-puno ng mga tao abala sa paggawa ng kanilang mga tolda. Ngunit sa pangkalahatan ito ay isang lugar ng kapanatagan at pagninilay-nilay. Sa gawing kaliwang tabi, ayon sa mga nakaharap sa hilaga, ay may bahagyang pababa, at pagkatapos isa pang tuktok na mas makinis pa kaysa sa una.

At sa kapatagang ito nagkakampo ang mga Galilean. Hindi ko alam kung ito ay matanda nang panrelihiyon na kinaugalian o kung ginagawa nila ito ayon sa utos ng mga Romano upang maiwasan ang pakikipagbanggaan sa mga Judaean at sa mga tao ng ibang mga rehiyon, na hindi kailanman napakabait sa mga Galilean. Hindi ko alam. Alam ko na nakakakita ako ng maraming mga Galilean, kasama rito sina Alfeo ni Sarah mula sa Nazareth; si Judas, ang matandang may-ari ng lupa mula sa Merom; si Jairus, ang pangulo ng sinagoga at iba pang mga tao mula sa Bethsaida, Capernaum at iba pang mga bayan sa Galilee, subalit ang mga pangalan ay hindi ko alam.

Itinuturo ni Jesus kung saan sila kailangan magtayo ng kanilang mga tolda, sa silangang dulo ng Lugar ng mga Galilean. At ang mga apostol, kasama ang ilang mga disipulo, kasama rito naroon si Juan ang pari at si Juan ang eskriba, si Timoneus, ang pangulo ng sinagoga, sina Stephen, Ermasteus, Jose ng Emmaus, Abel ng Bethlehem sa Galilee, ay nagsisimulang magtayo ang kanilang mga tolda sa pamamagitan ng mga sanga.

Habang ginagawa nila ito, si Jesus ay nagsasalita sa ilang mga bata mula sa Capernaum, na mga nagsisiksikan sa paligid Niya nagtatanong ng dosi-dosenang mga katanungan at nagtatapat sa Kanya ng kasing dami ng mga impormasyon, nang si Lazarus ay dumating mula sa daan ng Bethany kasama si Maximinus, ang kanyang di-maihihiwalay na kasa-kasama. Si Jesus ay nakaharap sa kasalungat na direksiyon at hindi siya nakikita. Ngunit nakikita siya ng Iskariote at pinaalam niya ang Guro, Na iniwan ang mga bata at nagtungong tuwiran sa Kanyang kaibigan ngumingiti. Si Maximinus ay nagpaiwan nang kaunti sa likuran, upang maiwanan ang dalawa nang ganap na libre sa kanilang unang pagkakalapit. At si Lazarus ay nakuha ang huling ilang mga yarda, sa bilis na magagawa niya, naglalakad nang may-kahirapan kailanpaman, na may ngiti na nanginginig sa kanyang mga labì at may nagniningning na mga luha sa kanyang mga mata. Si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga bisig at si Lazarus ay bumagsak sa Kanyang dibdib, bumubuhos ang mga luha.

«Ano, Aking mahal na kaibigan? Umiiyak ka pa rin ba?...» tanong ni Jesus, hinahalikan ang kanyang sentido. Labis na mas mataas siya kay Lazarus, mula sa Kanyang mga balikat pataas, at nagmumukhang mas mataas pa, dahil nakayuko si Lazarus sa kanyang pagyakap ng pagmamahal at pagrespeto.

Sa wakas si Lazarus ay tumingala at nagsabi: «Oo, ako ay umiiyak. Nang nakaraang taon ibinigay ko sa Inyo ang mga perlas ng aking malungkot na mga luha, tama lamang kung gayon na ibigay ko sa Inyo ang perlas ng aking mga luha ng lugod. O! Guro, aking Guro! Sa palagay ko wala nang mas mapagpakumbaba pa at banal pa kaysa sa mabuting mga luha… At ibinibigay ko ito sa Inyo, upang sabihin: “Salamat sa Inyo” para sa aking Maria na ngayon ay isa nang mabait, masaya, mapanatag, purong mabuting babae… O, mas mabuti pa kaysa nang siya ay maliit na bata pa. At ako, ako na ang pakiramdam ay mas mataas kaysa sa kanya, sa aking pagmamalaki bilang isang Israelita matapat sa Batas, ngayon ang aking pakiramdam ako ay napakaliit, labis… na wala, kompara sa kanya, na hindi na isang babae, bagkus isang apoy. Isang nagpapabanal na apoy. Hindi ko… hindi ko maintindihan kung saan siya nakakakuha ng karunungan, ng mga salita, ng mga kilos, na nagpapalakas sa buong sambahayan. Tinitingnan ko siya katulad ng isa na nakatingin sa isang misteryo. Ngunit papaano ang labis na apoy, ang ganyang hiyas na maitago sa ilalim ng labis na kabulukan at manatili diyan nang komportable? Ni ako o si Martha ay hindi makataas sa kanyang inakyat. Ngunit papaano niya nagagawa, kung ang kanyang mga pakpak ay nasira ng bisyo? Hindi ko maintindihan…»

«At wala nang kailangan para sa iyo na maintindihan ito. Sapat nang naiintindihan Ko. Ngunit sasabihin Ko sa iyo na si Maria ay kanyang ibinaling sa Mabuti ang makapangyarihang enerhiya ng kanyang pagiging tao. Binaluktot niya ang kanyang karakter patungo sa Perpeksiyon. At sa dahilan na ang kanyang karakter ay kauri ng malakas na absulutismo, sumusugod siya sa daan na iyan nang walang pag-aalinlangan. Ginagamit niya ang kanyang karanasan sa kasamaan upang siya’y maging kasing lakas sa mabuti katulad nang siya ay nasa kasamaan at ginagamit ang gayon ding pamamaraan ng pagbibigay nang ganap ng kanyang sarili, katulad ng kanyang ginawa sa kasamaan, ibinigay niyang ganap ang kanyang sarili sa Diyos. Naintindihan niya ang batas na “mahalin ang Diyos nang iyong buong sarili, nang iyong buong katawan, iyong buong kaluluwa at sa pamamagitan ng iyong buong lakas”. Kung ang Israel ay ginawa sa mga Maria, kung ang mundo ay nagawa sa mga Maria, nasa lupa na ang Kaharian ng Diyos, katulad na ito ay magiging ganito sa kataastaasang Langit.»

«O! Guro! At itong si Maria ng Magdala ang karapat-dapat ng ganyang mga salita!...»

«Ito ay si Maria ni Lazarus. Ang dakilang kaibigan, ang kapatid na babae ng dakilang kaibigan. Papaano mo nalaman na Ako ay naririto, kung ang Aking Ina ay wala pa sa Bethany?»

«Ang tagapamahala ng Clear Water ay pumunta sa akin, sa pamamagitan ng sapilitan na paglalakad, at sinabi sa akin na Kayo ay darating. Araw-araw nagpapadala ako ng katulong dito. Kani-kanina lamang siya ay dumating nagsasabing: “Siya ay dumating na at nasa Lugar ng mga Galilean”. Umalis ako kaagad…»

«Ngunit ikaw ay naghihirap…»

«Labis. Guro! Ang aking mga paa…»

«At ikaw ay pumunta. Pupunta din sana Ako sa iyo. Kaagad…»

«Ang aking pananabik na sabihin sa inyo ang aking lugod ay pinahihirapan ako. Nasa puso ko na ito sa loob ng maraming buwan. Isang sulat! Papaano masasabi ng isang liham ang ganyang mga bagay? Hindi na ako makapaghintay… Maaari ba Kayong pumunta sa Bethany?»

«Siyempre. Kaagad pagkatapos ng Kapistahan.»

«Kayo ay kinasasabikan na hinihintay… Ang griyegong babaeng iyon… Anong isip ang mayroon siya! Ako ay nakikipagusap nang labis sa kanya, nananabik katulad niya na matuto tungkol sa Diyos. Ngunit siya ay maayos na nakapag-aral… at ako ay sumuko, sapagkat hindi ko masyadong nalalaman ang ilang mga bagay. Kayo ang kinakailangan.»

«At Ako ay pupunta. Ngayon tayo na kay Maximinus, at pagkatapos pakikiusapan kita na maging Aking panauhin. Ang Aking Ina ay magiging masaya na makita ka at ikaw ay makapagpapahinga. Malapit na Siyang dumating dito kasama ang bata.»

At sila ay pumunta kay Maximinus na lumuhod binabati Siya…

210711

 

 

 

 


Sunod na kabanata