281. Sa Templo Nalalaman ang Tungkol Kina Ermasteus, Juan ng Endor at Sintike.

Setyembre 21, 1945.

Si Jesus ay nasa daan patungong Bethany kasama ang mga apostol at mga disipulo at nagsasalita sa mga disipulo, na Kanyang sinasabihan na lumakad na, upang ang mga Judaean ay dadaan sa Judea at ang mga Galilean pataas sa Trans-Jordan binabalita ang Mesiyas.

Ang tagubilin ay nakakuha ng ilang pagtutol. Sa palagay ko ang Trans-Jordan ay hindi maganda ang reputasyon sa mga Israelita. Nagsasalita sila tungkol dito na tila ito ay isang paganong rehiyon. At iyan ay nakasakit sa mga disipulo mula sa lugar na iyon, kasama rito ang maimpluwensiyang pangulo ng sinagoga ng Clear Water at pagkatapos ang isang bata-pang lalaki, na ang pangalan ay hindi ko alam, kapwa nila puspusang ipinagtatanggol ang kanilang mga bayan at kapwa mga kababayan.

Si Timoneus ay nagsabi: «Halikayo, Panginoon, sa Aera, at makikita Ninyo kung gaano nila Kayo irerespeto roon. Hindi Kayo makatatagpo ng katulad na pananampalataya sa Judea, katulad ng mayroon doon. Hindi, ayaw kong pumunta roon. Hayaan Ninyo akong manatiling kasama Ninyo at magpadala ng isang Judaean at isang Galilean sa aking bayan, Makikita nila kung gaano sila naniniwala sa Inyo sa aking salita lamang.»

At ang bata-pang lalaki ay nagsabi: «Ako ay naniwala nang hindi Kayo nakikita. At hinanap ko Kayo pagkatapos na pinatawad ako ng aking ina. Ngunit masaya akong bumalik doon, bagama't ang ibig sabihin niyan ako ay pagtatawanan ng masasamang mamamayan katulad ko minsan, at pupunahin ng mabubuting tao para sa ikinilos ko nang nakaraan. Ngunit hindi na bale. Ipapahayag ko Kayo sa pamamagitan ng aking halimbawa.»

«Tama ka. Magagawa mo ang katulad sa sinabi mo. At pagkatapos Ako ay pupunta. At ikaw, Timoneus, ay tama rin. Kung gayon si Hermas ay lalakad kasama si Abel ng Bethlehem sa Galilee upang ibalita Ako sa Aera, habang ikaw, Timoneus, ay mananatiling kasama Ko. Ngunit ayaw Ko ng ganyang mga pagtatalo. Kayo ay hindi na mga Judaean o mga Galilean: kayo ay mga disipulo. Sapat na iyan. Ang pangalang iyan at ang inyong misyon ay ginagawa kayong lahat na magkakapantay tungkol sa kapanganakang-lugar, ranggo, lahat. Sa iisang bagay lamang kayo baka magkaiba: sa kabanalan. Iyan ay magiging indibidwal at sa sukat na maaabot ng bawat isa sa inyo. Ngunit ibig na kayong lahat ay magkaroon ng pare-parehong sukat: ang perpektong sukat. Nakikita ba ninyo ang mga apostol? Sila ay hati-hating katulad ninyo sa lahi at sa iba pang bagay. Ngayon, pagkaraan nang mahigit isang taon ng pagtuturo, sila ay simpleng ang mga apostol. Ganyan din ang gawin, at sa dahilan na sa pagitan ninyo, ang mga pari ay kasama ang mga dating makasalanan at ang mayayaman kasama ang dating mga pulubi, at ang mga bata pa kasama ang kapita-pitagang mga tao, alisin din ang katulad na mga pagkakahati-hati dala ng pagiging kasapi ng rehiyon na ito o iyon. Sa ngayon kayo ay may iisang Amangbayan lamang: Ang Langit. Sapagkat kayo ay nagsimulang maglakbay patungo sa Langit ayon sa inyong sariling kalooban. Huwag kailanman ibigay ang impresyon sa Aking mga kaaway na kayo ay marahas sa isa’t isa. Ang kasalanan ay ang inyong kaaway, wala nang iba pa.»

Sila ay nagpapatuloy sa katahimikan sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos si Stephen ay nilapitan ang Guro at nagsabi: «Mayroon akong isang sasabihin sa Inyo. Ako ay umaasang tatanungin Ninyo ako, ngunit hindi Ninyo ginawa. Kahapon si Gamaliel ay nagsalita sa akin…»

«Nakita Ko siya.»

«Hindi ba Ninyo ako tatanungin kung ano ang kanyang sinabi sa akin?»

«Naghihintay Ako sa iyo na sabihin mo sa Akin, sapagkat ang mabuting disipulo ay walang mga lihim sa kanyang Guro.»

«Si Gamaliel… Guro, sumama Kayong kaunti sa akin sa unahan…»

«Bueno… tayo na. Ngunit nakapagsalita ka sana sa presensya ng lahat…»

Sila ay humiwalay nang kaunting yarda. Si Stephen namumula ay nagsabi: «Kailangan ko Kayong bigyan ng kapirasong payo, Guro. Patawarin Ninyo ako…»

«Kung iyan ay mabuti, tatanggapin Ko iyan. Sabihin sa Akin.»

«Sa Sanhedrin, nalaman nila ang lahat kaagad o pagkaraan. Ito ay isang institusyon na may sanlibong mga mata at sandaan na mga sanga. Nalalagos nila ang kahit saang lugar, nakikita ang lahat at naririnig ang lahat. Mas malaki pa ang bilang ng mga tagapagsumbong dito kaysa sa bilang ng mga ladrilyo sa mga pader ng Templo. Marami ang namumuhay nang ganyan…»

«Nag-iispiya. Maaari mong sabihing ganyan. Iyan ang katotohanan at nalalaman Ko. Kung gayon? Ano ang sinabi, humigit-kumulang totoo, sa Sanhedrin?»

«Lahat… ay sinabi. Hindi ko malaman kung papaano nila nalalaman ang ilang mga bagay. Ni hindi ko alam kung iyon ay totoo… Ngunit sasabihin ko sa Inyo nang literal ang sinabi sa akin ni Gamaliel: “Sabihin sa Guro na ipatuli si Ermasteus o paalisin siya mabuti pa. Hindi na kailangan na magsalita ng ano pa man”.»

«Sa katunayan hindi na kailangan na magsalita ng ano pa man. Una sa lahat dahil Ako ay patungo sa Bethany para diyan lamang at Ako ay mananatili roon hanggang si Ermasteus ay makapaglalakbay na muli. Pangalawa dahil walang pangangatwiran ang makapagbubuwag sa prehuwisyo at … pagiging ilag ni Gamaliel, na naiiskandalo sapagkat kasama Ko ang isang tao na hindi tuli sa isang bahagi ng kanyang katawan. O! kung siya ay titingin sa kapaligiran at sa loob niya mismo! Ilang mga tao sa Israel ang hindi tuli!»

«Ngunit si Gamaliel…»

«Siya ang perpektong kinatawan ng lumang Israel. Siya ay hindi masama, ngunit… Tingnan mo ang maliit na batong ito. Mabibiyak Ko ito, ngunit hindi Ko magagawa ito na maging malambot. Siya ay katulad niyan. Kailangan niyang madurog upang mabuo muli. At gagawin Ko iyan!»

«Ibig ba Ninyong kalabanin si Gamaliel? Mag-ingat! Siya ay makapangyarihan!»

«Kalabanin? Na tila siya ay isang kaaway? Hindi. Sa halip na makipaglaban sa kanya, mamahalin Ko siya, pinagbibigyan ang isa sa kanyang mga minimithi para sa kanyang naging momya na mga utak at kakalatan siya ng isang balsamo na tutunaw sa kanya upang mabuo siyang muli.»

«Magdarasal din ako na sana iyan ay mangyari, sapagkat nagigiliw ako sa kanya. Mali ba ako?»

«Hindi. Kailangan na mahalin mo siya sa pagdarasal para sa kanya. At gagawin mo iyan. Natitiyak Ko na gagawin mo iyan. Hindi, tutulungan mo Ako upang ihanda ang balsamo… Subalit, sasabihin mo kay Gamaliel, upang mapakalma siya, na inasikaso Ko na ang tungkol kay Ermasteus at na Ako ay nagpapasalamat sa kanya para sa kanyang payo. Naririto na tayo sa Bethany. Tayo ay tumigil upang sana mapagpala Ko kayong lahat, sapagkat ito kung saan tayo maghihiwa-hiwalay.» At pagkatapos na masamahan ang malaking grupo ng mga apostol kahalo ang mga disipulo, nagpapalà Siya at pinalakad silang lahat, maliban kina Ermasteus, Juan ng Endor at Timoneus. Pagkatapos kasama ang natirang mga disipulo nilakad ni Jesus nang mabilis-bilis ang maikling distansiya patungo sa geyt ni Lazarus, na maluwang na nakabukas na upang tanggapin Siya, pinasok Niya ang hardin itinataas ang Kanyang kamay upang pagpalain ang mapagkaibigan na bahay, na sa maluwang na hardin nito ay naroon ang mga nagmamay-ari ng bahay at ang banal na mga kababaihan, na tumatawa kay Marjiam na tumatakbo sa mga lakaran na adornado ng huling mga rosas. At kasama sa mga nagmamay-ari at ng mga kababaihan, sina Jose ng Arimathea at si Nicodemus ay lumabas mula sa isang daanan, nang marinig nila ang kababaihan na sumigaw; sila rin ay mga panauhin ni Lazarus, upang maging nasa kapayapaan kasama ang Guro. At lahat sila ay nagmadali patungo sa Guro; si Maria na may mabait na ngiti, at si Maria ng Magdala na may kanyang sigaw ng pagmamahal: «Rabboni!», at si Lazarus paika-ika, ang dalawang seryosong miyembro ng Sanhedrin, at ang huli, ang banal na mga kababaihan ng Herusalem at ng Galilee: mga kulubot na mukha at mga makinis na mukha ng mga bata-pang babae at, kasing giliw ng mukha ng isang anghel, ang pambirheng mukha ni Annaleah, na namumula sa pagbati sa Guro.

«Si Sintike ba ay wala rito?» tanong ni Jesus pagkatapos ng unang pagbati.

«Siya ay kasama nina Sarah, Marcella at Naomi naghahanda sa mga mesa. Ngunit naririto na sila dumarating.»

At sila ay dumating, sa katunayan, kasama ang matandang si Esther ni Johanna, dalawang mukha na markado ng edad at ng kapighatian, sa pagitan ng dalawang mapanatag na mukha at ng seryoso ngunit maningning na mapayapang mukha ng griyego, iba sa lahi at sa isang bagay na nagpapabukod sa kanya.

At hindi ko masasabi na siya ay ang tunay at totoong kagandahan. Subalit ang kanyang madilim na mga mata na napapalumanay ng isang bahid ng napakalalim na indigo, sa ilalim ng mataas at napakanobleng noo, ay mas kahanga-hanga kaysa sa kanyang katawan, na tiyak na mas maganda kaysa sa kanyang mukha. Isang balingkinitan ngunit hindi payat na katawan, na maayos ang pagka-proporsiyon at may mayuming lakad at pagdala sa sarili. Ngunit ang kanyang ekspresyon ang nakatatawag-pansin. Isang matalino, prangko, malalim na tingin, na tila nilalanghap ang buong mundo, pumipili rito, kinukuha kung ano ang mapakikinabangan, ang banal, ang mabuti, at tinatanggihan kung ano ang masama; isang tingin na pinahihintulutan ang pinaka-kalaliman nito na matingnan at mula kung saan ang kanyang kaluluwa ay titingin upang masuri ang lumalapit sa kanya. Kung totoo na posibleng makilala ang isang indibidwal sa pamamagitan ng kanyang mga mata, sasabihin ko na si Sintike ay isang babae na may di-nagkakamaling paghusga at may matatag at matapat na mga kaisipan. Lumuluhod din siya kasama ang ibang kababaihan at naghihintay na tumayo hanggang sabihan siya ng Guro.

Si Jesus ay nagpatuloy sa paglalakad tabi ng berdeng hardin hanggang sa layo ng beranda bago ang bahay at pagkatapos pinasok ang isang bulwagan kung saan ang mga katulong ay nakahanda nang ibigay ang mga pampalamig at tulungan ang mga panauhin sa mga ablusyon bago ang kainan. Habang ang lahat na mga kababaihan ay umaalis si Jesus ay nananatiling kasama ang mga apostol sa bulwagan, at sina Juan ng Endor at Ermasteus ay papunta sa bahay ni Simon Zealot upang iwanan ang mga bag na kanilang dala-dala.

«Ang bata pa bang lalaki na sumama kay Juan, ang lalaking may isang mata, ay ang Pilisteo na Inyong tinanggap?» tanong ni Jose.

«Oo, Jose, siya nga. Papaano mo nalaman?»

«Guro… si Nicodemus at ako ay mga ilang araw nang nagtatanong kung papaano namin nalaman at kung papaano, sa ikinalulungkot namin, nalaman ito ng iba sa Templo. Sa katunayan ay nalalaman namin. Bago ang mga Tabernakulo, sa pagtitipon na laging ginaganap bago ang mga gayong kapistahan, ang ilang Pariseo ay nagsabi na tiyak na nalalaman nila na kasama sa Inyong mga disipulo, bukod sa… - patawarin mo ako, Lazarus – kilala at di-kilalang mga puta at publikano – patawarin mo ako, Mateo ni Alfeo – at dating mga alipin sa galera, ay may di-tuling Pilisteo at isang hentil na babae. Ang tungkol sa hentil na babae, na tiyak na si Sintike, maiintindihan ng isa kung papaano ito nalaman, o nahulaan man lamang. Ang Romano ay gumawa nang labis na ingay tungkol sa babae at siya’y naging ang katatawanan ng kanyang mga tauhan at ng mga Hudyo, at dahil din hinahanap niya ang tumakas kahit saang lugar, nagrereklamo at nananakot, at ginambala pa niya si Herodes nagsasabi na ang babae ay nagtatago sa bahay ni Johanna at na ang Tetrarka ay kailangan na utusan ang kanyang tagapamahala na isauli siya sa kanyang panginoon. Ngunit ito ay kakaiba, napakakakaiba na malaman na sa karamihan ng mga tao na sumusunod sa Inyo, ay may isang di-tuling Pilisteo, at isang dating alipin sa galera!... Hindi ba sa palagay Ninyo?»

«Kakaiba at hindi iyan kakaiba. Ako ang bahala kay Sintike at sa dating alipin sa galera.»

«Oo, gawin Ninyo. Higit sa lahat kailangan na paalisin Ninyo si Juan. Ang Inyong grupo ng mga apostol ay hindi ang lugar para sa kanya.»

«Jose, ikaw kaya ay naging isang Pariseo?» tanong ni Jesus nang mahigpit.

«Hindi… ngunit…»

«At kailangan Ko bang hiyain ang kaluluwa na napagpanibago, dahil sa kahangalang pag-aatubili ng pinakamalalang pagka-Pariseo? Hindi, hindi Ko gagawin! Maglalaan Ako para sa kanyang katiwasayan. Kanya, hindi Akin, magbabantay Ako para sa pagpeperpekto niya katulad na nagbabantay Ako sa pagpeperpekto ng inosenteng Marjiam. Tunay na walang pagkakaiba sa kanilang espirituwal na kamangmangan! Ang isa ay nagsasalita sa unang pagkakataon ng mga salita ng karunungan, sapagkat siya ay napatawad ng Diyos, sapagkat siya ay naipanganak muli sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay niyakap ang makasalanan. Ang isa ay nagsasalita ng pareho ding mga salita, dumaraan mula sa pangungulilang kabataan patungo sa pagiging batang lalaki, binabantayan ng pagmamahal ng tao bukod sa pagmamahal ng Diyos, at binubuksan ang kanyang kaluluwa sa araw katulad ng isang korola at ang Araw ay pinaliliwanagan siya sa pamamagitan Niya Mismo. Ang kanyang Araw: ang Diyos. At ang isa ay malapit nang bigkasin ang kanyang huling mga salita… Ang inyo bang mga mata ay hindi makita na pinupudpod niya ang kanyang sarili dala ng pagtitika at pagmamahal? O! Gustung-gusto Ko talagang magkaroon ng maraming Juan ng Endor sa Israel at sa pagitan ng Aking mga lingkod. Ibig Ko rin ikaw, Jose, at ikaw Nicodemus, na magkaroon ng puso katulad ng kanya at higit sa lahat ibig Ko rin na ang kanyang tagapagsumbong ng mayroon nito, ang napakasamang ahas na nagtatago sa ilalim ng hitsura ng isang kaibigan at kumikilos bilang espiya bago maging isang mamamatay-tao. Ang ahas na kinaiinggitan ang ibon ng pakpak nito, at naglalatag ng patibong upang halbutin ang mga ito at alipinin ito. Hindi! Ang ibon ay malapit nang maging isang anghel. At kahit na kung mahahalbot nito ang mga ito, na hindi kailanman nito magagawa, kapag mailagay na ang mga ito sa malaway na katawan nito, magbabago ang mga ito sa pagiging mga pakpak ng isang dimonyo. Ang bawat espiya ay isa nang dimonyo.»

«Ngunit nasaan kaya ang tampalasan na iyan? Sabihin Ninyo sa akin upang makalakad ako at mapunit ang kanyang dila» bulalas ni Pedro.

«Mas mabuti pang bunutin mo ang kanyang nakalalasong mga ngipin» sabi ni Judas ni Alfeo.

«Hindi! Mas mabuti pang sakalin siya! Upang hindi siya makapanakit nang kahit papaano. Ang mga ganyang tao ay laging makapananakit» wikang matatag ng Iskariote.

Si Jesus ay tinititigan siya at naghinuha: «… at laging nakapagsisinungaling. Ngunit walang sinuman ang gagawa ng kahit ano laban sa kanya. Hindi sulit na mapatay ang ibon, upang maharap ang ahas. Ang tungkol kay Ermasteus, Ako ay mananatili rito, sa bahay ni Lazarus, tanging para sa pagtutuli lamang ni Ermasteus mismo, na niyayakap ang banal na relihiyon ng ating sambayanan alang-alang sa Akin at upang maiwasan ang pang-uusig ng makikitid na kaisipan ng mga Hudyo. Ito ay ang pagdaan mula sa kadiliman patungong Liwanag. Ngunit hindi kinakailangan na gawin ang Liwanag na pumunta sa isang puso. Ngunit Ako ay sumang-ayon na pakalmahin pagkamaramdamin ng Israel at ipakita ang totoong kalooban ng Pilisteo na lumapit sa Diyos. Ngunit sinasabi Ko sa inyo, sa mga panahon ng Kristo, hindi na iyan kakailanganin upang mapasa-Diyos. Ang kalooban, pagmamahal, at isang matuwid na konsiyensya ay sapat na. At papaano natin matutuli ang griyego? Saang bahagi ng kanyang espiritu, kung nadadama niya ang Diyos nang mas mabuti kaysa sa maraming tao sa Israel? Totoo na sa mga taong naririto marami ang nasa kadiliman kompara sa mga hinahamak ninyo ng pagiging nasa kadiliman. Maging ano pa man, kapwa ang tagapagsumbong at kayo, mga miyembro ng Sanhedrin, ay masasabihan ang mga sangkot na tao na ang iskandalo ay naalis na mula ngayon.

«hinggil kanino? Sa lahat na tatlo?»

«Hindi, Judas ni Simon. hinggil kay Ermasteus. Aasikasuhin Ko ang tungkol sa dalawa. Mayroon ka pa bang itatanong sa Akin?»

«Wala, Guro.»

«Ni Ako ay wala na ring masasabi pang iba sa iyo. Ngunit hinihingi Ko sa iyo na sabihin mo sa Akin, kung nalalaman mo, kung ano ang nangyari sa panginoon ni Sintike.»

«Si Pilato ay pinabalik siya sa Italia sakay ng unang barko paalis, upang maiwasan ang magkaroon ng problema kay Herodes at sa mga Hudyo sa pangkalahatan. Si Pilato ay nasa gipit na kalagayan sa kasalukuyan… at marami nang alalahanin» sabi ni Nicodemus.

«Ang balita ba ay tiyak?»

«Matitingnan ko iyan, kung ibig Ninyo, Guro» sabi ni Lazarus.

«Oo. Gawin iyan. At pagkatapos paalamin Ako tungkol sa tunay na kalagayan.»

«Ngunit sa loob ng aking bahay si Sintike ay ligtas pa rin.»

«Alam Ko. Ang Israel ay pinoprotektahan din ang isang alipin na tumakas sa isang banyagang malupit na panginoon. Ngunit ibig Kong malaman.»

«At ibig kong malaman kung sino ang espiya, ang tagapagsumbong, ang marikit na espiya ng mga Pariseo… at ibig kong malaman, at ito ay maaaring malaman, kung sino ang mga nag-aakusang mga Pariseo. Gawing malaman natin ang mga pangalan ng mga Pariseo at ng kanilang mga bayan. Ibig kong sabihin ang mga Pariseo na siyang gumawa ng magandang trabaho ng pagsusumbong, sinusunod ang pagtataksil ng isa sa atin, sapagkat tayo, dati at bagong mga disipulo, ay ang tanging nakaaalam ng mga bagay; isang pinong trabaho nga na paalamin ang Sanhedrin ng mga gawa ng Guro, na ganap na matatapat, at sinuman ang nagsasabi o nag-iisip ng kabaligtaran ay isang dimonyo at…»

«At sapat na iyan, Simon ni Jonah. Iyan ay isang utos.»

«At ako ay sumusunod, kahit na kung ang mga ugat sa aking puso ay sumabog dahil sa pagpipigil. Pansamantala ang kagandahan ng araw ay nakaalis…»

«Hindi, bakit? Mayroon bang nagbago sa atin? Kung gayon? O Aking Simon! Halika sa tabi Ko at pagusapan natin kung ano ang mabuti…»

«Sila ay pumunta para sabihin sa atin na ang hapunan ay nakahanda na, Guro» sabi ni Lazarus.

«Tayo na, kung gayon…»

210911

 

 


Sunod na kabanata