282. Si Sintike Nagsasalita sa Loob ng Bahay ni Lazarus.

Setyembre 22, 1945.

Si Jesus ay nakaupo sa beranda ng bakuran, na nasa loob ng bahay sa Bethany, ang bakuran na nakita kong nagsisiksikan sa mga disipulo nang umaga ng Resureksiyon ng Kristo. Nakaupo sa isang marmol na upuan na natatakpan ng mga kutson, nakasandal sa pader ng bahay, napaliligiran ng mga nagmamay-ari ng bahay, ng mga apostol at ng mga disipulo na sina Juan at Timoneus, kasama sina Jose at Nicodemus, at ng banal na mga kababaihan, Siya ay nakikinig kay Sintike na, nakatayo sa harapan Niya, tila tumutugon sa isang katanungan Niya. Ang lahat na mga taong naroroon ay humigit-kumulang interesado at mga nakikinig sa iba't ibang pusisyon, ang ilan nakaupo sa mga bangkito, ang ilan sa sahig, ang ilan nakatayo o nakasandal sa mga haligi o sa pader.

«… Iyon ay kinakailangan. Upang hindi maramdaman ang lahat na pabigat ng aking kalagayan. Iyon ay kinakailangan na hindi makumbinsi, ang tumangging makumbinsi na ako ay nag-iisa, isang alipin na napaalis sa aking amangbayan. Iyon ay kinakailangan na isipin na ang aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at ang napakagiliw at mabait na Ismene a hindi nawala magpakailanman. At na, kahit na kung ang buong mundo ay mamilit sa paghihiwalay sa amin, katulad-na-katulad na kami ay pinaghati-hati at pinagbili ng Roma katulad ng mga bagahing hayop, samantalang kami ay malayang mga mamamayan, ang isang lugar ay pagsasama-samahin kaming muli sa susunod na buhay.

Kinailangan kong isipin na ang aming buhay ay hindi lamang materyal na malalagyan ng tanikala. Sa kabaligtaran ito ay may isang malayang kapangyarihan na walang tanikala ang makapagpipigil, maliban ang kusang tanikala na mamuhay sa walang-kaayusang moral at materyal na pagpapakasaya. Tinatawag Ninyo itong “kasalanan”. Ang mga taong aking liwanag sa loob ng aking gabi bilang isang alipin, ay binigyan ito ng ibang paliwanag. Ngunit sumasang-ayon din sila na ang isang kaluluwa na naipako sa isang katawan ng masamang korporyal na mga masisimbuyong damdamin ay hindi nito mararating ang tinatawag ninyong Kaharian ng Diyos, at aming tinatawag na pamumuhay kasama ang mga diyos sa Hades. Kinakailangan kung gayon na mag-abstinensiya na huwag mahulog sa materyalismo at magsumikap na marating ang kalayaan mula sa katawan, kinukuha para sa sarili ang isang pamana ng birtud upang magkaroon ng isang masayang inmortalidad at makasamang muli ang mga minamahal ng isa.

At ako ay bagkus iisipin na ang mga kaluluwa ng mga patay ay hindi pinipigilan na matulungan ang mga kaluluwa ng mga buhay, upang ang isang anak na babae ay mararamdaman ang kaluluwa ng kanyang ina na malapit sa kanya at makita ang kanyang mukha at mapakinggan ang kanyang tinig nagsasalita sa kanyang anak na babae, na makatutugon: “Oo, inay. Upang ako ay makapunta sa inyo. Oo, upang hindi ka mabalisa. Oo, upang hindi ka umiyak. Oo, upang hindi mapadilim ang Hades kung saan kayo naroroon sa kapayapaan. Para sa lahat na iyan pananatilihin ko ang aking kaluluwa na malaya. Iyan lamang ang tanging taglay ko at na walang sinuman ang makakakuha sa akin. At ibig kong panatilihin ito na puro upang ako ay sana makapangatwiran ayon sa birtud”. Iyon ay kalayaan at lugod na mag-isip nang ganyan. At iyan ang ibig kong isipin. At kumilos nang naaayon diyan. Sapagkat kalahati at pakunwaring pilosopiya lamang ang mag-isip sa isang paraan at pagkatapos kumilos sa ibang paraan.

Ang mag-isip nang gayon ay ang itayong muli ang amangbayan sa pagkakapatapon din. Isang malapit na amangbayan, kasama ang mga altar nito, pananampalataya, pagtuturo, mga damdamin sa kaakuhan ng isa…. Isang dakilang misteryosong amangbayan, subalit ni hindi rin, dahil sa misteryo ng kaluluwa na nakaaalam ng tungkol sa susunod na mundo, kahit na kung sa kasalukuyan nakaaalam lamang ito katulad ng isang mandaragat sa dagat na nakakakita lamang ng mga detalye ng baybayin sa loob ng isang maulop na umaga: malabo, isang krukis, na may iilan lamang na lugar na malinaw ang mga gilid at na sapat na para sa pagod na mandaragat pinahihirapan ng mga bagyo na sabihin: “Naririyan ang daungan, ang kapayapaan ay naririyan”. Ang amangbayan ng mga kaluluwa, ang lugar ng aming pinanggalingan… ang lugar ng Buhay.

Sapagkat ang buhay ay napasisimulan ng kamatayan… O! kalahati lamang ang naiintindihan ko tungkol diyan hanggang mapakinggan ko ang Inyong mga salita. Pagkatapos iyon ay tila katulad ng isang sinag ng liwanag na tumama sa diyamante ng aking kaisipan. Ang lahat ay napaliwanagan at naintindihan ko kung hanggang saan naging tama ang mga Griyegong guro at kung papaano pagkaraan sila ay nalito, dahil nagkukulang sila ng isang detalye, iisa lamang, upang malutas ang theorem ng Buhay at Kamatayan. Ang detalye ay: ang Totoong Diyos, ang Panginoon at Tagapaglikha ng lahat na naririyan!

Pahintulutan sana akong banggitin Siya sa pamamagitan ng aking hentil na mga labì? Siyempre maaari kong banggitin. Sapagkat ako ay nanggaling sa Kanya, katulad ng lahat na iba pa. Sapagkat pinagkalooban Niya ang isip ng lahat ng tao ng talino, at ang mas marurunong ng superior na talino, upang sila ay tila maliliit na diyos na may mahigit-pa-sa-tao na kapangyarihan. Sapagkat ginagawa Niya sila na isulat ang mga katotohanan na isa nang relihiyon, kung hindi isang dibinong relihiyon katulad ng Inyo, isang relihiyon ng moral, may kakayahan na mapanatili ang mga kaluluwa nang “buháy”, hindi lamang para sa sandaling panahon ng pananatili natin dito, sa lupa, bagkus para sa magpakailanman.

Pagkaraan naintindihan ko ang ibig sabihin ng: “Ang buhay ay napasisimulan ng kamatayan”. Siya na nagsabi nito ay katulad ng isang hindi masyadong lasing, na ang kaninong talino ay naging medyo mapurol na. Siya ay nakapagsalita ng isang mataas na salita, ngunit hindi ito lubos na naintindihan. Ako, patawarin ang aking pagmamalaki, Panginoon, ay nakaintindi nang higit pa sa nagawa niya at ako ay naging masaya mula ng sandaling iyon.

«Ano ang naintindihan mo?»

«Na ang ating kasalukuyang buhay ay bagkus ang embriyonal na pagsisimula ng buhay at na ang tunay na Buhay ay magsisimula kapag ang kamatayan ay ipanganak tayo… sa Hades, bilang isang hentil, sa eternal na Buhay, bilang isang naniniwala sa Inyo. Mali ba ako?»

«Tama ka, babae» pagsang-ayon ni Jesus.

Si Nicodemus ay nakialam: «Ngunit papaano mo napakinggan ang mga salita ng Guro?»

«Siya na nagugutom, ay naghahanap ng makakain, sinyor. Naghahanap ako ng aking makakain. Ako ay isang tagapagbasa, at sa dahilan na ako ay nag-aral na may magandang tinig at pagbigkas, ako ay nasa pusisyon na magbasa ng labis sa mga libreriya ng aking mga panginoon. Ngunit ako ay hindi pa nakontento. Nararamdaman ko na mayroon pang isang bagay sa kabila ng mga pader na may dekorasyon ng pantaong siyensiya, at katulad ng isang nakukulong na naghahanap ng ginto, pumupukpok ako sa pamamagitan ng aking mga kamao, pinipilit kong mabuksan ang mga pintuan upang makalabas, upang makakita… Nang ako ay makapunta sa Palestina kasama ang aking huling panginoon natatakot ako na ako ay mahuhulog sa kadiliman… Ako sa halip ay patungo sa Liwanag. Ang mga salita ng isang katulong sa Caesarea ay katulad ng kasing daming bigwas ng isang piko na sumira sa mga pader gumagawa ng palaki-nang-palaking butas na sa pamamagitan nito ang Inyong Salita ay nakapasok. At pinulot ko ang mga salitang iyon at ang balita. At katulad ng isang bata na nagdudugtung-dugtong ng mga abolaryo, inilinya ko ang mga ito at ginayakan ko ang aking sarili nito, nakakakuha ng lakas upang maging lalu’t lalo pang dalisay upang tanggapin ang Katotohanan, Karunungan, dibinidad. Aking Panginoon, ako ay nagsasalita ng mga katangahang salita. Sila ay nakatingin sa akin na tila sila ay ganap na nalilito. Ngunit tinanong Ninyo ako…»

«Magsalita. Magpatuloy sa pagsasalita. Iyan ay kinakailangan.»

«Nilabanan ko ang panlabas na mga panggigipit sa pamamagitan ng lakas at kahinahunan. Maaari akong maging malaya at masaya, ayon sa mundo, kung ginusto ko. Ngunit ayaw kong ipagpalit ang kaalaman para sa kasiyahan. Sapagkat walang mangyayari na magkaroon ng iba pang mga birtud nang walang karunungan. Siya, ang pilosopo, ay nagsabi: “Ang Katarungan, kahinahunan at lakas nakahiwalay sa kaalaman ay katulad ng isang ipininturang tanawin, mga birtud na nababagay sa mga alipin, na walang kahit anumang matatag at tunay”. Ibig kong magkaroon ng tunay na mga bagay. Ang panginoon, isang hangal, ay madalas magsalita tungkol sa Inyo sa presensya ko. Pagkatapos ang mga pader ay tila naging isang kurtina. Sapat na ang magusto upang mawarak ko ang kurtina at samahan ang Katotohanan. Ginawa ko ito.»

«Hindi mo nalalaman kung ano ang iyong matatagpuan» sabi ng Iskariote.

«Nalalaman ko kung papaano maniwala na ginagantimpalaan ng diyos ang birtud. Hindi ko ginusto ang ginto, o mga karangalan, o pisikal na kalayaan, hindi, ni hindi iyan. Ngunit ginusto ko ang katotohanan. Hiningi ko iyan sa Diyos o mamatay. Ibig kong matakasan ang panghihiya ng pagiging isang “laruan”, at higit pa rito, ang pumayag na maging isang laruan. Iwinawaksi ang lahat na korporyal sa paghahanap sa Inyo, o Panginoon, sapagkat ang isang pagsasaliksik sa pamamagitan ng mga pándamá ay hindi kailanman perpekto – katulad sa Inyong napuna nang makita ko Kayo ako ay tumakbo, nalokong katulad ko dati ng aking mga mata – ipinaubaya ko ang aking sarili sa Diyos Na mataas sa atin at nasa loob natin at nagsasalita sa mga kaluluwa tungkol sa Kanyang Sarili. At natagpuan ko Kayo sapagkat ang aking kaluluwa ay dinala ako sa Inyo.»

«Ang iyo ay isang kaluluwang hentil» wikang muli ng Iskariote.

«Ngunit ang isang kaluluwa ay laging may isang dibinong bagay sa loob nito, lalo na kung ito ay nagsumikap na mapanatili ito mula sa pagkakamali… Ito kung gayon ay kumikiling sa mga bagay na kapareho ng kalikasan nito.»

«Hinahambing mo ba ang iyong sarili sa Diyos?»

«Hindi.»

«Bakit mo sinasabi iyan, kung gayon?»

«Ano? Ikaw, isang disipulo ng Guro, ay tinatanong ako? Ako, na isang griyego at kamakailan pa lamang napalaya? Hindi ka ba nakikinig sa Kanya kapag Siya ay nagsasalita? O ang asim kaya sa loob ng iyong katawan ay gayon na pinapupurol nito ang iyong isip? Hindi ba't lagi Niyang sinasabi na tayo ay ang mga anak ng Diyos? Kung gayon tayo ay mga diyos kung tayo ay ang mga anak ng Ama, ng Kanya at ating Ama, tungkol kung Kanino Siya ay laging nagsasalita sa atin. Maaari mo akong punahin sa hindi pagiging mapagpakumbaba, ngunit hindi para sa di-paniniwala o sa hindi pakikinig.»

«Kung gayon iniisip mo na ikaw ay mas may-halaga pa kaysa sa akin? Sa palagay mo ba natutuhan mo ang lahat mula sa iyong Griyegong mga aklat?»

«Hindi, ni hindi ang isa o ang isa pa. Ngunit ang mga aklat ng marurunong, saan man ito nanggagaling, ay nabigyan ako ng pinakamaliit na kinakailangan upang masuportahan ko ang aking sarili. Hindi ko pinagdududahan na ang isang Israelita ay mas may-halaga kaysa sa akin. Ngunit ako ay masaya na ng kapalaran na dumating sa akin mula sa Diyos. Ano pa ang aking hihilingin? Sa pagkakita ko sa Guro natagpuan ko ang lahat. At sa palagay ko iyan ang aking kapalaran, sapagkat tunay na nakakakita ako ng isang Kapangyarihan na nagbabantay sa akin at ito ay nagtalaga ng isang dakilang kapalaran para sa akin at wala akong nagawa bagkus ang sumunod dito, dahil nararamdaman ko na ito ay mabuting bagay»

«Mabuti? Ikaw ay naging isang alipin, at ng malulupit na panginoon… Kung ang huli, halimbawa, ay nahuli kang muli, papaano mo magagampanan ang iyong kapalaran, ikaw na napakadunong na babae?»

«Ang iyong pangalan ay Judas, hindi ba?»

«Oo, kung gayon?»

«At kung gayon… wala. Ibig kong maalaala ang iyong pangalan bukod sa iyong ironiya. Ilagay sa isip na kahit na ang ironiya ay hindi karapat-dapat kahit na sa mabibirtud na tao… papaano ko magagampanan ang aking kapalaran? Baka pinatay ko ang aking sarili. Sapagkat sa ilang mga kaso mas mabuti pa ang mamatay kaysa mabuhay, bagama't sinasabi ng pilosopo na iyan ay hindi tama at hindi kabanalan ang kumuha ng ikagagaling sa pamamagitan ng sarili sapagkat tanging ang mga diyos lamang ang may karapatan na tumawag sa atin na sumama sa kanila. At ang paghihintay na ito para sa isang tanda ng mga diyos na gawin ito, ay laging nakapagpigil sa akin na gawin ito, kahit na nang nasa mga tanikala ng aking malungkot na kapalaran. Ngunit ngayon, sa pagkakahuling muli ng aking malaswang panginoon, maaaring makita ko ang dakilang tanda. At maaaring ginusto ko pang mamatay kaysa sa mabuhay. Ako rin ay may aking dignidad, mamâ.»

«At kung mahuli kang muli niya ngayon? Mapupunta ka sa dati mong kalagayan…»

«Ngayon hindi ko na papatayin ang aking sarili. Ngayon nalalaman ko na ang karahasan laban sa laman ay hindi nakapanunugat sa espiritu na hindi pumapayag. Ngayon ito ay aking lalabanan hanggang sa ako ay mapayuko nang puwersahan at mapatay ng karahasan. Sapagkat kukunin ko iyan bilang isang tanda mula sa Diyos na sa pamamagitan ng ganyang karahasan tatawagin Niya ako sa Kanyang Sarili. At ngayon ako ay mamamatay nang mapanatag, nalalaman na nawawala lamang sa akin kung ano ang maglalaho.»

«Ikaw ay nakatugon nang napakabuti, babae» sabi ni Lazarus at si Nicodemus ay binigay din ang kanyang pagsang-ayon.

«Ang pagpapakamatay ay hindi kailanman pinahihintulutan» sabi ng Iskariote.

«Maraming mga bagay ang ipinagbabawal, ngunit ang pagbabawal ay hindi nasusunod. Ngunit, Sintike, kailangan na isipin mo na sa dahilan na ang Diyos ay lagi kang ginagabayan, kung gayon pipigilan ka Niya na gumawa ng karahasan sa iyong sarili. Humayo. Magpapasalamat Ako sa iyo kung mahahanap mo ang bata at dalhin siya rito» sabi ni Jesus na may kabaitan.

Ang babae ay yumuko sa lupa at umalis. Lahat sila ay sinusundan siya sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Si Lazarus ay bumulong: «Siya ay laging ganyan! Nabigo akong maintindihan kung papaano na kung ano ang sa kanya ay “buhay” ay sa halip “kamatayan” para sa ating mga Israelita. Kung may pagkakataon pa Kayo na iksaminin siyang muli, makikita Ninyo na habang ang Hellinismo ay naparumi tayo, sa kabila ng nasa atin na ang Karunungan, ito ay nakapagligtas sa kanya. Bakit?»

«Sapagkat ang mga paraan ng Panginoon ay maganda. At Kanya itong ibinubukas sa kung sinuman ang karapat-dapat nito. At ngayon, Aking mga kaibigan, pauuwiin Ko na kayo sapagkat ang gabi ay dumarating na. Ako ay masaya na kayong lahat ay napakinggan ang griyego na nagsalita. Kautlad sa inyong inakala na ang Diyos ay inihahayag ang Sarili sa pinakamabubuting tao, kailangan na hinuhain ninyo na napakapangit at mapanganib na di-isama ang lahat na hindi mga Israelita sa sambayanan ng Diyos. Ilagay iyan sa isip para sa hinaharap… Huwag bumulong-bulong, Judas ni Simon. At ikaw, Jose, huwag magkaroon ng di-makatarungang mga pagdududa. Wala sa inyo ang nakuntamina sa pagkakalapit sa isang griyego. Gawing lubos na tiyak na hindi ninyo lalapitan o bibigyan ng ospitalidad ang dimonyo. Paalam, Jose; paalam, Nicodemus. Makikita Ko pa ba kayong muli, habang Ako ay naririto? Naririto na si Marjiam… Halika, bata, magpaalam sa mga ulo ng Sanhedrin. Anong sasabihin mo sa kanila?»

«Kapayapaan sa inyo… at sasabihin ko rin: magdasal para sa akin sa oras ng insenso.»

«Wala kang pangangailangan niyan, bata. Ngunit bakit sa oras lamang na iyan?»

«Sapagkat nang unang pinasok ko ang Templo kasama si Jesus, nagsalita Siya sa akin tungkol sa panalanging gabi… O! Iyon ay napakaganda!...»

«At ikaw ba ay mananalangin para sa amin? Kailan?»

«Mananalangin ako… sa umaga at sa gabi. Na sana ang Diyos ay panatilihin kayo na malayo sa kasalanan sa loob ng araw at gabi.»

«At ano ang sasabihin mo, aking bata?»

«Sasabihin ko: “Kataastaasang Panginoon, gawing si Jose at si Nicodemus na maging tunay na mga kaibigan ni Jesus”. At iyan ay magiging sapat na, sapagkat siya na isang tunay na kaibigan, ay hindi pinamimighati ang kanyang kaibigan. At siya na hindi nagpapamighati kay Jesus ay tiyak na kakamtin ang Langit.»

«Panatilihin ka sana ng Diyos nang ganyan, bata!» sabi ng dalawang miyembro ng Sanhedrin hinahaplos siya. Pagkatapos kanilang binati ang Guro, ang Banal na Birhen at si Lazarus nang indibidwal at ang lahat na iba pa sa iisang katawan at sila ay umalis.

210911

 

 


Sunod na kabanata