283. Ang Misyon ng Apat na Apostol sa Judea.

Setyembre 23, 1945.

Si Jesus ay pabalik mula sa Kanyang apostoladong paglalakbay sa paligid ng Bethany. Maaaring ito ay isang maikling paglalakbay, sapagkat sila ay walang dalang mga bag ng pagkain.

Sila ay naguusap-usap nagsasabing: «Ang idea ni Solomon, ang mágbabangka, ay isang mabuting idea, Guro, hindi ba?»

«Oo, mabuti iyon.»

Ang Iskariote, siyempre, ay hindi sumasang-ayon sa iba: «Wala akong nakikitang labis na mabuti diyan. Ibinibigay niya sa atin kung ano ang wala nang pakinabang sa kanya bilang isang disipulo. Walang rason para siya ay purihin…»

«Ang isang bahay lagi nang mapakikinabangan» sabi ng Zealot nang seryoso.

«Oo, kung iyon ay katulad ng sa iyo. Ngunit ano ba ang kanyang bahay? Isang di-malinis na kubo.»

«Iyon lang ang lahat na mayroon si Solomon» balik-sabi ng Zealot.

«At sa dahilan na siya ay tumanda na roon na walang mga nararamdaman at mga sakit-sakit, makatutuloy tayo roon paminsan-minsan. Ano ang inaasahan mo? Na ang lahat ay katulad ng bahay ni Lazarus?» dagdag ni Pedro.

«Wala akong hinahanap na anuman. Hindi ko nakikita ang pangangailangan sa regalong iyon. Kapag naroroon ka na naroroon ka na rin sa Jericho. May kaunting mga stadia na lamang sa pagitan ng dalawang lugar. At ano ang kaunting mga stadia sa mga katulad natin, na napipilitan na maglagalag sa lahat ng oras, katulad ng mga inuusig na tao?»

Si Jesus ay nakialam bago ang lahat mawalan ng pasyensiya katulad na ito ang malinaw na ipinakikita ng mga tanda na malapit nang mangyari: «Si Solomon, sa proporsiyon ng kanyang kayamanan, ay nagbigay ng mas higit kahit sa kanino pa man. Sapagkat naibigay niya ang lahat. Ibinigay niya ito dala ng pagmamahal. Ibinigay niya ito upang tayo ay magkaroon ng masisilungan kung kaya ay abutan ng ulan, o ng baha, sa di-napakagandang lugar na iyon at higit sa lahat kung ang masamang kalooban ng mga Judaean ay maging napakalakas na mas mabuti pang manatili tayo sa kabila ng ilog. At iyan ay ang tungkol sa regalo. Na ang isang mababa-ang-kalooban, magaspang ngunit napakamatapat at payag na disipulo ay naging napakamapagbigay, na isang malinaw na katibayan ng kanyang matatag na kalooban na maging isang disipulo Ko nang habang buhay, ay pinupuno Ako ng malaking lugod. Tunay na nakikita Ko na maraming disipulo, sa pamamagitan ng kakaunting mga pagtuturo na tinanggap nila mula sa Akin, ay nalampasan kayo na mga nakatanggap ng napakarami. Hindi kayo makapagsakripisyo, lalo na ikaw, Judas, kahit na kung kayo ay walang gagastahin: ang inyong personal na mga opinyon. Pinanghahawakan ninyo ang inyo nang may katigasan ng ulo, nang walang pagbibigay.»

«Sinabi Ninyo na ang pakikipaglaban sa sarili ay ang pinakamahirap…»

«At kung gayon ibig mong sabihin sa Akin na Ako ay mali kapag sinasabi Ko na walang gagastahin. Tama ba iyon? Ngunit naiintindihan mo nang perpekto kung ano ang ibig Kong sabihin! Ayon sa mga tao, at ikaw nga ay isang tunay at angkop na tao, ang maibebenta lamang ay ang may halaga. Ang kaakuhan ng isa ay hindi maibebenta para sa salapi. Maliban… kung ipagbibili ng tao ang kanyang sarili sa kung sino ang umaasa na makagagawa ng kita. Ang isang ilegal na palitan katulad ng isang pakikipagkasundo ng isang kaluluwa kay Satanas, kahit mas malala pa. Sapagkat sangkot dito hindi lamang ang kaluluwa bagkus pati ang mga kaisipan ng tao, o paghuhusga o kalayaan, maaari mong tawagin iyan ayon sa gusto mo. May ilang mga kaawa-awang kapus-palad na mga taong katulad niyan… Ngunit sa pansamantala, kalimutan natin ang tungkol dito. Pinupuri Ko si Solomon sapagkat nakikita Ko kung gaano kabuti ang kanyang gawa. At iyan ay sapat na.»

Nagkaroon ng katahimikan, pagkatapos si Jesus ay nagpatuloy sa pagsalita: «Sa loob ng kaunting araw si Ermasteus ay makapaglalakad na nang walang problema. At Ako ay babalik sa Galilee. At hindi kayong lahat sasama sa Akin. Ang ilan ay mananatili sa Judea at babalik ulit kasama ang mga disipulong Judaean saka na, upang tayong lahat ay magkasama-samang muli para sa kapistahan ng Dedikasyon.»

«Ganyan katagal? O mahal ko! Kaninong oras na ngayon?» ang mga apostol ay nagkakatanungan.

Si Jesus ay napapakinggan ang kanilang mga bulung-bulungan at tumugon: «Oras na ngayon ni Judas ni Simon, ni Tomas, Bartolomeo at ni Felipe. Ngunit hindi Ko sinabi na kailangan ninyo na nasa Judea hanggang sa kapistahan ng Dedikasyon. Sa kabaligtaran ibig Kong ipunin ninyo ang mga disipulo at sabihin na sila ay dapat nasa kapistahan ng Dedikasyon. Kung kaya't lalakad na kayo ngayon at hanapin sila, ipunin sila at sabihan; pansamantala babantayan ninyo sila at tulungan at pagkaraan pupuntahan ninyo Ako, dinadala ang mga nakita ninyo, at nag-iiwan ng mga tagubilin para sa iba na sila ay pumunta. Mayroon na tayong mga kaibigan sa pangunahing mga lugar sa Judea at tutulungan nila tayo na mapasabihan ang mga disipulo. At sa inyong pagbabalik pataas ng Galilee dumaraan sa Trans-Jordan, alalahanin na Ako ay maglalakad daraan ng Gerasa, Bozrah, Arbela, hanggang sa layo ng Aera, ipunin din ang mga hindi naglakas-loob na pumunta sa Akin humihingi ng isang himala o doktrina, at pagkatapos nagsisising hindi nila ginawa. Dalhin sila sa Akin. Ako ay mananatili sa Aera hanggang kayo dumating.»

«Kung gayon, mabuti pang lumakad na tayo kaagad» sabi ng Iskariote.

«Hindi, aalis kayo sa gabi bago ang Aking pag-alis at manunuluyan kayong kasama si Jonah sa Gethsemane hanggang sa susunod na araw, at pagkatapos aalis kayong patungong Judea. Kung gayon makikita mo pa ang iyong ina at tulungan siya ngayon na nagbebenta siya ng kanyang ani sa bukid.»

«Natutuhan na niyang gawin iyan nang mag-isa maraming taon na.»

«Hindi mo ba naaalaala na nang nakaraang taon hindi siya makagawa nang wala ka sa pigaan ng mga ubas?» tanong ni Pedro na medyo matuso.

Si Judas ay naging kasing pula ng isang amapola at nagmumukhang pangit sa kanyang galit at kahihiyan. Ngunit si Jesus ay nag-ubaya laban sa kahit anong posibleng tugon sa pagsasabing: «Ang isang anak ay laging tulong at kaginhawahan sa kanyang ina. Hindi ka na niya makikitang muli hanggang Paskuwa at pagkatapos ng Paskuwa. Kung kaya't lumakad at gawin ang Aking sinasabi sa iyo.»

Si Judas ay hindi tumutugon kay Pedro, ngunit pinakawalan niya ang kanyang galit laban kay Jesus: «Guro, alam ba Ninyo ang kailangan kong sabihin sa Inyo? Na sa aking palagay ibig Ninyo ako na mawala, o kung man lamang mailayo ako mula sa Inyo, sapagkat pinagsususpetsahan Ninyo ako at nagkakamaling iniisip Ninyo na ako ay ang may kagagawan ng isang bagay, sapagkat nagkukulang Kayo ng karidad sa akin, sapagkat…»

«Judas! Tama na iyan! Masasabihan kita ng maraming mga salita. Ngunit sinasabi Ko lamang: “Sumunod!”» si Jesus ay mahestuwoso sa pagsasabing ito. Matangkad na katulad Niya, na may nagniningning na mga mata at mahigpit na hitsura, nagawa Niyang matakot ang lahat…

At si Judas ay nanginig. Siya ay nagtago sa likuran ng mga apostol, habang si Jesus, nag-iisa, ay naglalakad sa unahan nila. Ang di-umiimik na grupo ng mga apostol ay kung gayon nasa pagitan nilang dalawa.

 090911

 


Sunod na kabanata