284. Si Jesus Iniiwan ang Bethany Para sa Paglalakbay sa Trans-Jordan.

Setyembre 24, 1945.

«Lazarus, Aking mahal na kaibigan, hinihiling Ko na sumama ka sa Akin» sabi ni Jesus lumilitaw sa may pintuan ng bulwagan kung saan si Lazarus ay nagbabasa ng isang rolyo, medyo nakasandal sa ibabaw ng isang maliit na kama.

«Sasama ako kaagad, Guro. Saan tayo pupunta?» tanong ni Lazarus tumatayo kaagad.

«Sa kabukiran. Kailangan Kong makapag-isang kasama ka.»

Si Lazarus ay tinitingnan Siya na may nag-aalalang ekspresyon at nagtanong: «Mayroon ba kayong malungkot na balita na sasabihin sa akin nang lihim? O… Hindi, ni ayaw kong isipin ang tungkol diyan…»

«Hindi, ibig Ko lamang humingi ng payo mula sa iyo at ni ang hangin ay hindi kailangan na makaalam ng ating sasabihin. Mag-utos ng isang bagon, sapagkat ayaw Kong mapagod ka. Kapag tayo ay nasa labas na sa bukas na kabukiran magsasalita Ako sa iyo.»

«Kung gayon ako mismo ang magpapatakbo nito. Kung kaya't walang katulong ang makaaalam ng sasabihin natin.»

«Oo, gawin mo iyan.»

«Ako ay lalakad kaagad, Guro. Sandali lamang at ako ay handa na» at siya ay lumabas.

Si Jesus din ay lumabas pagkaraan ng nakatayong medyo nag-iisip sa gitna ng maringal na bulwagan. Habang nakalubog sa pag-iisip, ginagalaw Niyang mekanikal ang dalawa o tatlong bagay at pinupulot ang isang rolyo na nahulog sa sahig, at nang inilalagay ito sa lugar nito sa kabinet, gawa ng kanyang likas na hilig para sa kaayusan, na malalim na nakaugat kay Jesus, nananatili Siyang nakataas ang Kanyang kamay, tinitingnan ang kakaibang arte ng ilang mga bagay na nakalinya sa kabinet, na iba sa kasalukuyang kasanayan sa Palestina. Sa pamamagitan ng nakausling gawa at disenyo ginagaya ang mga ornamento sa mga templo ng lumang Gresya at ng mga urna ng paglilibing, ang mga ito ay lumalabas na mga matatandang amphora at mga kopa. Kung ano ang Kanyang nakikita sa kabila ng mga bagay na ito mismo, hindi ko alam… Iniiwan Niya ang bulwagan at pumunta sa mas nasa-loob na bakuran, kung saan naroroon ang mga apostol.

«Saan tayo pupunta, Guro?» nagtanong sila nang makita nila si Jesus malinis ang Kanyang manta.

«Wala. Ako ay lalakad kasama si Lazarus. Kayo ay mananatili rito at maghintay para sa Akin. Babalik Ako kaagad.»

Ang Labindalawa ay nagkatinginan. Sila ay hindi napakasaya…

Sinabi ni Pedro: «Lalakad ba Kayong mag-isa? Mag-ingat…»

«Huwag kang matakot. Habang naghihintay, huwag na walang ginagawa. Turuan si Ermasteus, upang siya ay magkaroon ng mas mabuting nalalaman tungkol sa Batas at maging mabubuting magkakasama sa isa’t isa, na walang mga pagtatalu-talo o kagaspangan. Magbigayan at magmahalan sa isa’t isa.»

Siya ay lumakad patungo sa hardin at lahat sila ay sinusundan Siya. Isang saradong kariton ang pagkaraan dumating si Lazarus nasa loob nito.

Lalakad ba Kayo sa loob ng kariton na iyan?»

«Oo, upang si Lazarus ay sana hindi mapagod ang kanyang mga paa. Paalam, Marjiam. Maging mabait. Kapayapaan sa inyong lahat.»

Siya ay umakyat sa kariton, na kumakayod sa mga maliliit na bato ng daanan ay iniiwan ang hardin at lumiko patungo sa pinaka-kalsada.

«Papunta ba Kayo sa Clear Water, Guro?» si Tomas ay sumigaw sa likuran Niya.

«Hindi, hindi Ako papunta roon. Sa muli sinasabi Ko sa inyo na maging mabuti.»

Ang kabayo ay nagsimulang yumagyag nang matatag. Ang daan mula sa Bethany patungong Jericho ay dumaraan sa kabukiran, na nagiging wala nang mga tanim. Habang mas bumababa sila patungo sa kapatagan, mas lalong kapansin-pansin ang paglaho ng kaberdehan sa mga bukid.

Si Jesus ay nag-iisip. Si Lazarus ay tahimik at abala lamang sa pagpapatakbo sa kariton. Nang sila ay nasa ibaba na sa kapatagan, isang matabang kapatagan, na handang tustusan ang butil ng hinaharap na trigo, at kung saan ang lahat na ubasan ay tila natutulog, katulad ng isang babae na kapapanganak pa lamang sa kanyang bunga at nagpapahinga pagkatapos ng kanyang kasiya-siyang paghihirap sa pagluluwal, si Jesus ay sininyasan si Lazarus na tumigil. Si Lazarus ay tumigil kaagad at pinatakbo ang kabayo patungo sa isang tabing kalsada, na maghahatid sa mga kabahayan sa napakalayo… at siya ay nagpapaliwanag: «Mas magiging ligtas tayo rito kaysa sa pinaka-kalsada. Ang mga punungkahoy na ito ay maitatago tayo sa mga mata ng maraming tao.» Sa katunayan ang isang palumpungan ng mababang punungkahoy ay umaaktong isang panakip labang sa pag-uusyuso ng mga magdaraan. Si Lazarus ay nakatayo sa harapan ni Jesus, naghihintay.

«Lazarus, kailangan Kong ilayo si Juan ng Endor at si Sintike. Nakikita mo na kapwa ang kahinahunan at karidad ay pinapayo sa Akin na gawin ito. Ito ay magiging mapanganib na pagsubok at walang-silbing kapighatian para sa kapwa sa kanila na malaman nila ang mga pag-uusig na pinakikilos laban sa kanila… at makapaghahatid, para sa isa man lamang sa kanila, ng pinakagrabeng mga sorpresa.»

«Sa loob ng aking bahay…»

«Hindi. Ni hindi sa loob ng iyong bahay. Baka hindi sila gagambalain nang materyal. Ngunit sila ay hihiyain nang moral. Ang mundo ay malupit. Dinudurog nito ang mga biktima nito. Ayaw Kong ang dalawang maganda at malakas na kaluluwang iyon na mawala nang ganyan. Kung kaya't katulad na isang araw ikinabit Ko si Ishmael kay Sarah, ikakabit Ko na ngayon ang Aking kaawa-awang Juan kay Sintike. Ibig Ko siyang mamatay sa kapayapaan, ayaw Kong maiwan siyang nag-iisa, at kailangan na siya ay umalis nararamdaman na siya ay ipinadadala sa ibang lugar, hindi dahil siya ay dating isang tao sa galera, bagkus dahil siya ay ang proselitong disipulo na maipadadala upang ibalita ang Guro. At si Sintike ay matutulungan siya… Si Sintike ay isang magandang kaluluwa at magiging malaking lakas sa hinaharap na Simbahan at para sa hinaharap na Simbahan. Mapapayuhan mo ba Ako kung saan sila maipadadala? Ayaw Ko silang manatili sa Judea o sa Galilee at ni hindi rin sa Decapolis, kung saan Ako pumupunta kasama ang Aking mga apostol at mga disipulo. O sa mundo ng mga hentil. Kung gayon, saan? Saan, upang sila ay sana maging ligtas at may pakinabang?»

«Guro… Ako… papaano ko Kayo mabibigyan ng payo!»

«Hindi, sabihin mo sa Akin. Minamahal mo Ako, hindi mo Ako pinagtataksilan, minamahal mo ang mga minamahal Ko, hindi ka makitid ang isip katulad ng iba.»

«Ako… bueno… papayuhan ko Kayo na ipadala sila kung saan mayroon akong mga kaibigan. Sa Cyprus o sa Syria. Piliin Ninyo ang gusto Ninyo. Mayroon akong mga mapagkakatiwalaang tao sa Cyprus. At lalo na sa Syria!.. Mayroon din akong isang maliit na bahay, pinangangasiwaan ng isang tagapamahala, na kasing matapat ng isang alagang kordero. Ang aming matandang Felipe! Gagawin niya alang-alang sa akin ang kahit na anong sasabihin ko sa kanya. At, kung walang anuman sa Inyo, ang mga inuusig ng Israel at mahal sa Inyo, ay magiging aking panauhin magmula ngayon, at magiging ligtas sa loob ng bahay… O! Iyon ay hindi isang palasyo! Iyon ay isang bahay kung saan si Felipe ay namumuhay kasama ang isang pamangkin, na siyang tumitingin sa mga hardin sa Antigonium. Ang minamahal na mga hardin ng aking ina. Pinananatili namin iyon bilang alaala sa kanya. Dinala niya roon ang mga halaman ng kanyang Judaean na mga hardin… mga tanim ng pambihirang mga esensiya… Ang inay!... Gaanong kabutihan ang kanyang nagawa sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga iyon… Iyon ay ang kanyang lihim na pinaghaharian… Ang aking ina… Guro, Ako ay malapit nang umalis upang sabihin sa kanya: “Magsaya, aking mabuting ina. Ang Tagapagligtas ay nasa lupa na”. Siya ay naghihintay sa Inyo…» Mga luha ang dumaloy sa banat na mukha ni Lazarus. Si Jesus ay tinitingnan siya at ngumingiti. Si Lazarus ay nakapanumbalik ang lakas: «Ngunit pagusapan natin ang tungkol sa Inyo. Sa palagay ba Ninyo iyan ay mabuting idea?»

«Sa palagay Ko mabuti. At pinasasalamatan kitang muli, sa katauhan din nila. Napagaanan mo Ako ng mabigat na dalahin…»

«Kailan sila aalis? Ako ay nagtatanong upang makapaghanda ako ng isang sulat para kay Felipe. Sasabihin ko na sila ay dalawang aking kaibigan, mula rito, nangangailangan ng kapayapaan. At iyan ay sasapat na.»

«Oo, sapat na iyan. Ngunit, nakikiusap Ako sa iyo, ni hindi ang ere ang kailangan na makaalam nito. Nakikita mo ito mismo. Sila ay nag-iispiya sa Akin…»

«Alam ko. Hindi ko ito babanggitin kahit na sa aking mga kapatid na babae. Ngunit papaano Ninyo sila dadalhin doon? Mayroon Kayong mga apostol na kasama Ninyo…»

«Tataas na Ako ngayon hanggang sa layo ng Aera na wala si Judas ni Simon, si Tomas, si Felipe at si Bartolomeo. Pansamantala tuturuan Ko si Sintike at si Juan nang mabuti, upang sila ay makalakad sana may malaking baon ng Katotohanan. Pagkatapos bababa Ako sa lawa ng Merom at pagkatapos sa Capernaum. At kapag Ako ay naroroon na, paalisin Kong muli ang apat na apostol, sa ilang ibang misyon, at sa pansamantala papupuntahin Ko ang dalawa sa Antioch. Iyan ang napipilitan Akong gawin gawa nila…»

«Ang matakot sa Inyong sariling sambayanan. Tama Kayo… Guro, namimighati ako na nakikita Kayo na nag-aalala…»

«Ngunit ang iyong mabait na pakikipagkaibigan ay malaking kaginhawahan sa Akin… Lazarus, pinasasalamatan kita… Ako ay aalis sa araw pagkatapos ng bukas at mailalayo Ko ang iyong dalawang kapatid na babae. Kailangan Ko ang maraming babae upang maitago si Sintike sa pagitan nila. Si Johanna ni Chuza ay sasama rin. Mula sa Merom siya ay pupunta sa Tiberias, kung saan doon niya palalampasin ang mga buwan ng taglamig. Iyan ang ipinasya ng kanyang asawa upang malapit siya sa kanya, sapagkat si Herodes ay babalik sa Tiberias nang mga ilang araw.»

«Gagawin ito ayon sa Inyong kahilingan. Ang aking mga kapatid na babae ay sa Inyo, katulad ko, katulad ng aking bahay, mga katulong at mga pag-aari. Ang lahat ay sa Inyo, Guro. Gamitin Ninyo iyan upang magawa ang mabuti. Ihahanda ko ang aking liham para kay Felipe. Mas mabuti na kung maibibigay ko iyan sa Inyo nang personal.»

«Salamat sa iyo, Lazarus.»

«Iyan lamang ang aking magagawa… Kung ako ay magaling… Pagalingin Ninyo ako, Guro, at ako ay sasama.»

«Hindi, Aking kaibigan… kailangan kita nang ganyan.»

«Kahit na kung hindi ako gumagawa ng kahit na ano?»

«Oo, kahit na. O! Aking Lazarus!» at si Jesus ay niyayakap siya at hinahalikan.

Sila ay sumakay sa kariton at bumalik.

Si Lazarus ay ngayon tahimik at buhos sa pag-iisip, at si Jesus ay tinanong siya kung bakit.

«Iniisip ko na mawawala sa akin si Sintike. Ako ay nabighani ng kanyang siyensiya at kabutihan…»

«Mapupunta siya kay Jesus…»

«Iyan ay totoong-totoo. Kailan ko Kayo makikita muli, Guro?»

«Sa tagsibol.»

«Hindi ko na ba Kayo makikita muli hanggang tagsibol? Nang nakaraang taon kasama ko Kayo para sa kapistahan ng Dedikasyon.»

«Ngayong taon pagbibigyan Ko ang mga apostol. Ngunit sa susunod na taon Ako ay makakasama mo nang matagal. Iyan ay isang pangako.»

Ang Bethany ay lumitaw sa loob ng sikat ng araw ng Oktubre. Sila ay paparating na nang si Lazarus ay pinatigil ang kabayo upang magsabi: «Guro, tama Kayo na paalisin ang lalaki mula sa Kerioth. Ako ay natatakot sa kanya. Hindi niya Kayo minamahal. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya kailanman nagustuhan. Siya ay makalaman at sakim. At kung gayon baka makagawa siya ng kahit na anong kasalanan. Guro, siya ito na nagpahamak sa Inyo.»

«Mayroon ka bang kahit na anong katibayan?»

«Hindi, wala ako.»

«Bueno, kung gayon, huwag manghusga. Ikaw ay hindi napakagaling sa paghuhusga. Alalahanin na tiningnan mo ang iyong Maria bilang nawala na, na wala nang pagbabago… Huwag mong sabihin na iyon ay Aking merito. Una muna niya Akong hinanap.»

«Iyan ay totoo, rin. Subalit, mag-ingat tungkol kay Judas.»

Pagkaraan nang kaunti pinasok nila ang hardin, kung saan ang mga apostol ay mausisang naghihintay sa kanila.

Ang ausensiya ng apat na apostol, at higit sa lahat ni Judas, ay nagagawa ang natitirang grupo na mas magkakalapit at masaya. Ang grupo na umaalis sa Bethany sa isang malinaw na umaga ng Oktubre patungong Jericho, upang tawirin ang Jordan, ay katulad-na-katulad lamang ng isang pamilya, na ang mga ulo nito ay sina Jesus at Maria. Ang mga kababaihan ay naiipon sa paligid ni Maria, tanging si Annaleah lamang ang wala sa grupo ng mga kababaihan disipulo, na kinalolooban ng tatlong Maria, nina Johanna, Susanna, Eliza, Marcella, Sarah at Sintike. Sina Pedro, Andres, Santiago at Judas ni Alfeo, si Mateo, Juan at Santiago ni Zebedeo, sina Simon Zealot, Juan ng Endor, Ermasteus at Timoneus, ay nakagrupo sa paligid ni Jesus, habang si Marjiam patalun-talon sa paligid katulad ng isang maliit na batang kambing, ay pauli-uli sa dalawang grupo, na magkahiwalay lamang nang kaunting distansiya. bagama't may mga dalang mabibigat na bag, sila ay nagpapatuloy nang malugod sa malumanay na sikat ng araw, dumaraan sa kabukiran na napaka solemne sa pagpapahinga nito.

Si Juan ng Endor ay nagpapatuloy na may ilang kahirapan sa ilalim ng bigat na nakabitin mula sa kanyang mga balikat.

Ito ay napuna ni Pedro at nagsabi: «Ibigay mo ang walang-silbing pasanin na iyan sa akin sa dahilan na nagpasya ka na rin lang na dalhin iyan. Hinahanap-hanap mo ba ito?»

«Ang Guro ay sinabi sa akin na dalhin ito.»

«Sinabi Niya? Anong ganda! Bakit?»

«Hindi ko alam. Kagabi sinabi Niya sa akin: “Impakihin muli ang iyong mga aklat at sundan mo Ako na dala iyan”.»

«Ang ganda nga!... Ngunit kung sinabi Niya sa iyo, iyan ay maaaring para sa mabuting dahilan. Baka iyan ay para sa babaeng iyon. Gaano siya kaganap sa sarili! Ikaw ba ay kasing nakapag-aral?»

«Halos katulad niya. Siya ay napakagaling.»

«Ngunit hindi mo kami susundan dala lagi ang pabigat na ito, eh!»

«O! Hindi sa palagay ko, Hindi ko alam. Ngunit madadala ko iyan mismo.»

«Hindi, aking mahal na kaibigan, ayaw kong magkasakit ka. Nagmumukha kang di-maganda, alam mo ba?»

«Alam ko. Ang pakiramdam ko para akong namamatay.»

«Huwag maging hangal! Maghintay ka man lamang na makarating tayo sa Capernaum. Napakaganda na ngayon na tayo ay tayu-tayo lamang na wala ang… Isumpa ang aking dila! Bumagsak na naman ako sa aking pangako sa Guro!... Guro? Guro?»

«Ano ang kailangan mo, Simon?»

«Nakapagsalita ako ng masama tungkol kay Judas, at nangako ako sa Inyo na hindi ko na ito gagawin. Patawarin Ninyo ako.»

«Oo, pinatatawad kita. Ngunit pagsikapan na huwag mo nang magawa iyan ulit.»

«Mayroon pa akong 489 na beses upang mapatawad Ninyo…»

«Ano ba ang sinasabi mo, kapatid?» tanong ni Andres na kitang-kitang lubos na nagtataka.

At si Pedro, na ang mapanatag na hitsura ay maningning na nakapagpapatawa, nakapilipit ang leeg sa ilalim ng bigat ng bag ni Juan ng Endor, ay bumulalas: «Hindi mo ba natatandaan na sinabi Niya na kailangan nating magpatawad nang makapitumpung-pito beses. Kung kaya't mapatatawad pa ako nang 489 beses at kailangan kong matandaan nang mabuti ang bilang nito…»

Lahat sila ay napatawa; si Jesus ay hindi mapigilan ang ngumiti rin. Ngunit Siya ay tumugon: Mas mabuti pang tandaan mo ang lahat na sandali na nagagawa mong maging mabuti, ikaw na malaking bata.»

Si Pedro ay nilapitan Siya at niyayakap ang Kanyang baywang ng kanyang kanang kamay siya ay nagsabi: «Aking mahal na Guro! Gaano ako kasaya na makasama Kayong wala… Sige na, tanggapin ito! Kayo ay masaya rin… At alam Ninyo ang ibig kong sabihin. Tayong lahat ay mapagkaibigan dito. Ang Inyong Ina ay naririto. Naririyan din ang bata. Tayo ay patungong Capernaum. Ang panahon ay maganda… Limang rason upang maging masaya. O! At magandang maglakbay na kasama Kayo! Saan tayo tutuloy ngayong gabi?»

«Sa Jericho.»

«Nang nakaraang taon natagpuan natin ang Nakatalukbong na babae roon. Ano na kaya ang nangyari sa kanya… Ako kung baga ay mausisang nagtatanong… At natagpuan din natin ang tao ng mga ubasan…» At pagtatawa ni Pedro ay napakalakas na iyon ay nakakahawa. Lahat sila ay tumatawa naaalaala ang eksena ng pagkakasalubong kay Judas ng Kerioth.

«Ikaw ay totoong hindi na mapagbabago, Simon!» wika ni Jesus na may pagpupuna.

«Wala akong sinabi ng kahit na ano. Guro. Ngunit kinailangan kong tumawa naaalaala ang kanyang hitsura nang matagpuan tayo roon… sa kanyang mga ubasan…» si Pedro ay tumatawang lubos-na-lubos upang siya ay napilitang tumigil, habang ang iba ay nagpapatuloy na tumatawa laban sa kanilang sariling kalooban.

Si Pedro ay nasamahan ng mga kababaihan. Si Maria ay may-kabaitan na tinanong siya: «Ano ang nangyayari sa iyo, Simon?»

«Ah! Hindi ko masasabi sa Inyo o magkukulang akong muli sa karidad. Ngunit Ina, sabihin Ninyo sa akin, dahil napakamarunong Ninyo. Kung ako ay nagpakita ng mga pahiwatig laban sa isang tao, o mas malala pa, kung magbigkas ng paninirang-puri tungkol sa isang tao, ako ay totoong nagkakasala. Ngunit kung ako ay tumawa tungkol sa isang bagay, sa isang pangyayari, na nalalaman ng lahat, isang bagay na nagagawa ang ibang tao na tumawa, halimbawa, kung maalaala namin ang sorpresa, ang pagkakapahiya at mga dahilan ng isang sinungaling nang siya ay matuklasan at kami ay tumawa muli katulad ng nagawa namin nang nakaraan, iyan ba ay mali pa rin?»

«Iyan ay isang imperpeksiyon laban sa karidad. Iyan ay hindi isang kasalanan katulad ng pagsasalita sa likuran ng isa, o paninira ng puri o pahiwatig, ngunit iyan ay pagkukulang pa rin ng karidad. Iyan ay katulad ng isang sinulid na hinihila mula sa isang piraso ng tela. Hindi nito napupunit o nagagasta ang tela, ngunit naaapektuhan nito ang katatagan at ganda ng tela at nagagawa itong madaling mapunit at mabutasan. Hindi ba sa palagay mo?»

Si Pedro ay kinukuskos ang kanyang noo at nararamdaman ng kung baga napapahiya siya ay tumugon: «Nakikita ko. Hindi ko iyan naisip.»

«Isipin mo na ang tungkol diyan ngayon at huwag mo nang gawin iyan ulit. Ang katatawanan ay maaaring maging mas nakakasakit sa karidad kaysa ng mga sampal sa mukha. Mayroon bang nagkamali? May nalaman ba tayong may nagkasala ng pagsisinungaling o ng iba pang pagkakamali? Kung gayon? Bakit paalalahanan ang ibang tao? Ating takpan ng isang belo ang mga pagkakamali ng ating mga kapatid, nagsasabing: “Kung ako ang nagkasala, gusto ko bang maalaala ng ibang tao ang aking pagkakamali o paalalahanan ang ibang tao tungkol dito?”. May mga taong namumula sa kaloob-looban ng kanilang puso, Simon, at naghihirap nang labis dahil diyan. Huwag mong iiling ang iyong ulo, alam Ko kung ano ang ibig mong masabi. Ngunit, maniwala ka sa Akin, kahit na ang mga nagkasalang tao ay maaaring mamula nang ganyan. Kailangan na lagi mong isipin: “Magugustuhan ko ba iyan na gawin sa akin?”. Makikita mo kung gayon na hindi ka na magkakasala laban sa karidad. At lagi kang magkakaroon ng labis na kapayapaan sa iyong puso. Tingnan kung gaano kasaya si Marjiam na patalun-talon at pakanta-kanta, dahil ang kanyang puso ay hindi nag-aalala. Hindi niya kailangan mag-isip tungkol sa mga pupuntahan, mga kagagastusan o ano ang kailangang sabihin. Nalalaman niya na may nag-aasikaso ng lahat na iyan para sa kanya. Gawin mo rin ang ganyan. Ipaubaya ang lahat sa Diyos. Ang paghuhusga rin sa ibang tao. Hanggang sa nagagawa mong maging katulad ng isang bata na ginagabayan ng Diyos, bakit ilagay sa iyong sarili ang pabigat ng pagpapasya at paghuhusga? Ang araw ay darating kung kailan kailangan mong maging hukom at tagapamagitan at pagkatapos sasabihin mo: “O! Gaano kadali at di-masyado kapilegro ito dati” at sasabihin mo na ikaw ay naging hangal sa pagpapabigat sa iyong sarili bago pa ang panahon ng labis na pananagutan. Gaano kahirap na husgahan ang ibang tao! Napakinggan mo ba kung ano ang sinabi ni Sintike nang mga ilang araw na nakaraan? “Ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga pándamá ay hindi kailanman perpekto”. Tamang-tama siya. Tayo ay madalas nanghuhusga ayon sa reaksiyon ng ating mga pándamá. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng lubos na imperpeksiyon. Kalimutan ang paghuhusga…»

«Oo, Maria. Sinsirong ipinangangako ko sa Inyo. Ngunit hindi ko nalalaman ang lahat na magaganda bagay na nalalaman ni Sintike.»

«At ikaw ba ay nag-aalala tungkol diyan, lalaki? Hindi mo na nalalaman na ibig Kong mawala sa Akin ang lahat na iyan, upang magkaroon lamang ng kung ano ang nalalaman mo?»

«Gusto Ninyo iyon? Bakit?»

«Sapagkat ang siyensiya ay baka masuportahan ka rito sa lupa, ngunit sa pamamagitan ng karunungan kakamtin mo ang Langit. Ang Akin ay siyensiya, ang iyo ay karunungan.»

«Ngunit sa pamamagitan ng siyensiya, makakapunta ka kay Jesus! Kung gayon iyan ay mabuting bagay.»

«Iyan ay kahalo ng napakaraming mga pagkakamali, upang gugustuhin Kong mawalan Ako niyan at damtan Ko ang Aking Sarili ng karunungan lamang. Ayaw Ko ng may batbat ng mga dekorasyon na mga damit. Gawin ang sukat-na-sukat na di-kapuna-punang damit ng Karunungan ang siyang maging Akin, dahil binibihisan nito katulad ng panghabang-panahon na damit ang kung ano ang di-nabubulok, bagkus kung ano ang inmortal. Ang apoy ng Siyensiya ay kumukurap at nanginginig. Ang apoy ng Karunungan ay nagniningning nang walang-pagbabago at matatag at katulad ng Dibinidad mula kung saan ito nanggaling.»

Si Jesus ay binagalan ang paglakad upang makarinig. Siya ay tumalikod at nagsabi sa griyego: “Kailangan na huwag mong mithiin na mawalan ka ng lahat ng iyong nalalaman. Bagkus kailangan mong piliin sa iyong nalalaman kung ano ang katiting ng eternal na katalinuhan na nagawang masakop ng mga isip na may di-mapagkakamalang halaga.»

«Ang mga isip bang iyon, kung gayon, ay inulit sa loob nila mismo ang alamat ng apoy na ninakaw mula sa mga diyos?»

«Oo, babae. Ngunit hindi ito ninakaw sa kasong ito. Nagawa nilang makapulot nito nang ang Dibinidad ay pinasagian sila ng apoy nito, hinahaplos sila bilang mga halimbawa, nakakalat sa nabulok na sangkatauhan, ng kung ano nga ang tao, pinagkalooban ng pangangatwiran.»

«Guro, kailangan na sabihin Ninyo sa akin kung ano ang kailangan kong itago at kung ano ang kailangan kong iwanan. Hindi ako magiging isang mabuting tagapagpasya. At pagkatapos kailangan Ninyong punuan ng liwanag ng Inyong Karunungan, ang mga espasyo na naiwang walang laman.»

«Iyan ang binabalak Kong gawin. Sasabihin Ko sa iyo kung hanggang saan ang may-karunungan sa nalalaman mo at magsisimula Ako mula sa puntong iyan hanggang sa dulo ng totoong idea. Upang sana malaman mo nang tiyak. At iyan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nakatalaga na makihalubilo sa mga Hentil sa hinaharap.»

«Wala kaming maiintindihan na kahit ano, aking Panginoon» ungol ni Santiago ni Zebedeo.

«Makaiintindi kayo nang kaunti, pansamantala, ngunit isang araw maiintindihan ninyo kapwa ang kasalukuyang mga turo at ang pangangailangan para sa mga ito. At ikaw, Sintike, ay ipaliliwanag mo sa Akin ang mga puntong ito na siyang pinakamalabo sa iyo. At Aking lilinawin ang mga ito sa iyo kapag tayo ay tumitigil upang magpahinga.»

«Oo, aking Panginoon. Iyan ang mithiin ng aking kaluluwa na humahalo sa Inyong mithiin. Ako ang disipulo ng Katotohanan, Kayo ang Guro. Ito ang pangarap ng aking buong buhay: ang kamtin ang Katotohanan.»

210911

 

 

 


Sunod na kabanata