285. Ang Pagdating sa Ramoth Kasama ang Mangangalakal Mula sa Kabila ng Euphrates.

Setyembre 25, 1945.

Pagkatapos na makapaglakad nang mahaba patawid ng isang matabang kapatagan sa kabilang pampang ng Jordan – at kaaya-ayang maglakad sa mapanatag at katamtamang panahon dahil nasa katapusan na ngayon ng Oktubre – at pagkatapos na makapagpahinga sa isang maliit na nayon sa paanan ng mas mababang dalisdis ng kung baga mabintog na kabit-kabit na mga bundok, na ang ilang taluktok nito ay matatawag ngang mga bundok, si Jesus ay nagsimulang maglakad muli, sinusundan ang isang mahabang karabana ng maraming hayop na may apat na paa at ng ganap na armadong mga lalaki, kung kanino Siya ay nakipagusap kanina habang pinatutubigan ang mga hayop sa pontanya sa liwasan. Lahat sila ay halos mga moreno na mga kalalakihan, tipikal na hitsura ng mga Asyatiko. Ang namumuno ng karabana ay nakasakay sa isang napakalakas na mola at armadong-armado at ang mga armas ay nakabitin mula sa kanyang siya. Ngunit sa kabila nito malaki ang kanyang paggalang kay Jesus.

Ang mga apostol ay tinanong si Jesus: «Sino siya?»

«Isang mayaman na mangangalakal mula sa kabila ng Euphrates. Tinanong Ko siya kung saan siya papunta at tumugon siya nang maginoo . Siya ay daraan sa mga bayan na Akin ding binabalak na daanan. Na isang probidensiyal sa mga bundok na ito, ngayon na may kasama tayong mga babae.»

«Mayroon ba Kayong kinatatakutan?»

«Ako ay hindi natatakot na manakawan, dahil wala tayong pag-aari. Ngunit sapat na iyan para matakot ang mga babae. Ang sandakot na mga magnanakaw ay hindi kailanman lulusob sa isang ganyang kalakas na karabana, na malaking tulong din sa atin sapagkat makikita rin natin ang pinakamagandang mga dadaanan at matatawid din natin ang pinakamahirap na mga tawiran. Tinanong niya Ako: “Kayo ba ang Mesiyas?” at nang mapakinggan niya na Ako nga, sinabi niya: “Ako ay nasa Courtyard of the Heathens mga ilang araw nakaraan at napakinggan ko Kayo nang higit pa kaysa sa nakikita ko Kayo, sapagkat ako ay isang maliit na lalaki. Bueno, poprotektahan ko Kayo at poprotektahan Ninyo ako. Ako ay may dala-dalang mahalagang kargamento”.»

«Siya ay isang proselito?»

«Hindi sa palagay Ko. Ngunit baka siya ay isang ating malayong kadugo.»

Ang karabana ay nagpapatuloy nang mabagal, na tila ayaw nilang maubos ang lakas ng mga hayop sa paglalakbay nang malayo. Mas madali kung gayon na masundan sila at kung minsan kinakailangan na tumigil dahil ang mga drayber ay ginagawang makalampas nang isa-isa ang mga kargadong hayop na hinahawakan ang singkaw ng mga ito sa mahihirap na mga lugar.

Bagama't isang tunay at angkop na bulubundukin na lugar, ito ay mataba at maayos na binubukid. Baka ang mataas na mga bundok sa gawing hilaga ay kumakatawan na proteksiyon laban sa malamig na hilagang mga hangin o sa nakapipinsalang mga hangin galing sa silangan at ito ay nakakatulong sa pagbubukid. Ang karabana ay nagmamartsa sa tabi ng isang ilog na dumadaloy patungo sa Jordan at ito ay mayaman sa tubig na bumababa galing sa hindi ko alam na tuktok. Ang tanawin ay maganda at ito ay mas lalong gumaganda habang umaakyat ang isa, umuunat nang pakanluran patawid ng kapatagan ng Jordan at umaabot, sa kabila nito, sa mayuming mga burol at mga bundok ng hilagang Judea, habang sa silangan at hilaga ang tanawin ay patuloy na nagbabago, umuunat nang malayo at malawak, o nagpapakita ng magkakapatong na bilugang mga burol at berde o mabatong mga tuktok ng bundok, na tila humaharang sa daan katulad ng biglaang pader ng isang labirinto.

Ang araw ay papalubog na sa likuran ng mga bundok ng Judea, kinukulayan ang kalawakan at ang mga dalisdis ng isang madilim na pula, nang ang mayamang mangangalakal, na tumigil upang paraanin ang karabana, ay nagsabi kay Jesus: «Kailangan natin na marating ang nayon bago gumabi. Ngunit marami sa mga kasama Ninyong tao ay nagmumukhang mga pagod na. Ito ay isang mahabang paglalakbay. Gawing sakyan nila ang mga reserbang mola. Sila ay tahimik na mga hayop. Magpapahinga din naman sila buong gabi at ang bigat ng isang babae ay walang gaano para sa kanila.»

Si Jesus ay pumayag at ang mamâ ay inutusan ang karabana na tumigil upang makasakay ang mga babae sa mga mola. Ginawa rin ni Jesus na makasakay si Juan ng Endor sa isang kabayo. At ang mga naglalakad, kasama rin si Jesus, ay hinahawakan ang mga renda upang maramdaman ng mga babae na sila ay mas ligtas. Si Marjiam ay ibig na maging isang… lalaki, at bagama't siya ay pagod na, tumatanggi siyang sumakay sa kabayo kasama ang kahit sino at kinukuha niya ang isa sa mga renda ng mola ng Banal na Birhen, Na nasa gitna kung gayon ni Jesus at ng bata, at naglalakad siya nang may-katapangan.

Ang mangangalakal ay nananatiling malapit kay Jesus at sinabi niya kay Maria: «Nakikita ba Ninyo ang nayon na iyon. Donna? Iyan ay ang Ramoth. Tayo ay titigil diyan. Ako ay kilalang-kilala sa otel sapagkat dumaraan ako rito dalawang beses isang taon, dumaraan din ako sa tabi ng baybayin, dalawang beses isang taon upang bumili at magbenta. Ang aking buhay ay isang mahirap na buhay. Ngunit ako ay may labindalawang anak at lahat sila ay bata pa. Huli na ako nang mag-asawa. Ang bunso ay siyam na araw pa lamang nang iniwan ko siya. At magkakaroon na siya ng kanyang unang mga ngipin kapag makita ko siya.»

«Isang magandang pamilya…» wika ni Maria, at dagdag Niya: «Harinawang panatilihin ito ng Langit para sa iyo.»

«Sa katunayan hindi ako makapagrereklamo tungkol sa tulong nito bagama't talagang hindi ako karapat-dapat nito.»

Si Jesus ay tinanong siya: «Ikaw ba kung man lamang ay isang proselito?»

«Maaaring ako nga… Ang aking mga ninuno ay tunay na mga Israelita. Pagkaraan… kami ay nasanay na roon…»

«Ang isang kaluluwa ay nasasanay sa iisang atmospera lamang: sa atmospera ng Langit.»

«Tama Kayo. Ngunit alam N’yo… Ang aking lolo ay nag-asawa ng isang babae na hindi Israelita. Ang kanyang mga anak ay naging hindi masyadong matapat… Ang kanyang mga anak sa muli ay nag-asawa ng mga babaeng hindi nanggaling sa Israel at ang kanilang mga anak ay naging mga magalang tungkol sa kanilang Judiong mga pangalan lamang; sapagkat kami ay may pinagmulan na Hudyo. Ngayon ako, inapo ng mga inapo… ako ay wala. Bilang nakakahalubilo ang lahat nakakuha ako sa lahat, na ang resulta hindi ako kasali ninuman.

«Iyan ay hindi isang magandang dahilan at mapatutunayan Ko iyan sa iyo. Kung sa pagtahak ng daan na ito, na nalalaman mo na isang mabuting daan, makasalubong ka ng lima o anim na tao na nagsabi sa iyo: “Huwag, huwag kang pumunta rito!”, Bumalik ka”. “Tumigil”, “Magpagawi kang silangan”, “Magpagawing kanluran”, ano ang gagawin mo?»

«Sasabihin ko: “Nalalaman ko na ito ang tamang daan at ang pinakamaikling daan, at hindi ko ito iiwanan”.»

«gayon din: kung ikaw ay may inaayos na ilang negosyo at nalalaman mo ang pinaka-mabuting paraan na gawin ito, ikaw ba ay makikinig sa mga nagpapayo sa pamamagitan ng pagyayabang o pananadyang katusuhan na kumilos ka nang iba?»

«Hindi. Susundan ko ang pamamaraan na sinasabi sa akin ng aking karanasan na siyang pinakamabuti.»

«Mabuti. Libu-libong taon ng pananampalataya ang nasa likuran mo, isang inapu ng Israel. Ikaw ay hindi naman hangal o di-nag-aral. Kung gayon bakit ka naiimpluwensyahan ng pakikihalubilo sa lahat ng bagay tungkol sa pananampalataya, samantalang tinatanggihan mo sila kung tungkol sa pera o kaligtasan sa daan ang pinag-uusapan? Sa palagay mo ba ito ay hindi rin kahiya-hiya mula sa pantaong pananaw? Na ilagay ang Diyos pagkatapos ng pera at ng daan…»

«Hindi ko ipinagpapaliban ang Diyos. Ngunit hindi ko na Siya makita…»

«Sapagkat ang pangangalakal, ang pera, ang iyong buhay ay ang iyong mga diyos. Ngunit ang Diyos pa rin ang nagpapahintulot na magkaroon ka ng mga bagay na iyan… Pagkatapos, bakit ka pumunta sa Templo?»

«Dala ng pag-uusisa. Habang lumalabas sa isang bahay kung saan inasikaso ko ang tungkol sa ilang kalakal, nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na nagbigay ng kanilang paggalang sa Inyo at naalaala ko ang mga salitang aking napakinggan sa Ashkelon mula sa isang babae na gumagawa na mga alpombra. Nagtanong ako kung sino Kayo, dahil nagsuspetsa ako na Kayo ang sinasabi sa akin ng babae. At nang malaman ko na Kayo iyon, sinundan ko Kayo. Natapos ko na ang aking pangangalakal sa araw na iyon… Pagkatapos nawala Kayo sa paningin. Nakita ko Kayong muli sa Jericho. Ngunit iyon ay sandali lamang. Ngayon natagpuan ko Kayong muli… Iyon ‘yun…»

«Kung gayon ang Diyos ay pinagtagpo ang ating mga daan. Ako ay walang mga panregalo na maiaalok sa iyo upang pasalamatan ka sa iyong kabaitan. Ngunit umaasa Ako na bago kita maiwanan makapagbibigay Ako sa iyo ng regalo, maliban kung iiwanan mo Ako bago iyan…»

«Hindi, hindi ako aalis. Si Alexander Misace ay hindi bumabawi ng kanyang naialok. Naririto na tayo. Ang nayon ay nagsisimula pagkatapos ng paliko na iyan. Ako ay uuna na. Tayo ay magkikita sa otel» at kanyang pinatakbo ang kanyang mola na nakaalis sa loob ng halos isang padyak sa gilid ng daan.

«Siya ay isang matapat na di-masayang tao, Anak» sabi ni Maria.

«At ibig Ninyo siyang maging masaya ayon sa Karunungan, hindi ba?»

At sila ay nagngitian nang may-kabaitan sa isa’t isa sa loob ng unang mga anino ng gabi.

…Ang mga peregrino ay lahat naiipon sa loob ng isang malaking bulwagan sa otel, naghihintay para matulog, sa loob ng mahabang Oktubreng gabi. Ang mangangalakal ay nasa isang sulok, lubos na nag-iisa, nakalublob sa kanyang pagkukuwento. Si Jesus, kasama ang Kanyang grupo, ay nasa kabilang sulok. Walang ibang mga panauhin dito. Ang mga paghuni ng mga hayop ay naririnig nanggagaling sa mga establero, na nagagawa ang isa na isipin na may ibang mga tao sa loob ng otel. Baka sila ay mga natutulog na.

Si Marjiam ay nakatulog sa loob ng mga bisig ng Ating Ginang, nakalimutang bigla na siya ay «isang lalaki». Si Pedro ay natutulog at hindi lamang ang nag-iisa. Ang mga bumubulong na maedad na mga babae ay medyo mga tulog na rin at tahimik. Sina Jesus, Maria, ang mga kapatid ni Lazarus, sina Sintike, Simon Zealot, Juan at Judas ay gising-na-gising.

Si Sintike ay may hinahanap sa loob ng bag ni Juan ng Endor. Ngunit ginusto niyang malapit sa iba at makinig kay Judas ni Alfeo na nagsasalita tungkol sa mga konsekwensiya ng pagkakapatapon sa Babylon at naghihinuha: «… at baka ang lalaking iyon ay isa pa ring konsekwensiya niyan. Ang bawat pagkakapatapon ay isang kasiraan…». Si Sintike ay napatango nang di-sinasadya ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano at si Judas ni Alfeo ay naghinuha: «Subalit, kakaiba na ang isa ay mawalan kaagad sa sarili ng kung ano ang naging isang kayamanan sa loob ng maraming siglo at maging isang tao na ganap na iba, lalo na sa mga bagay tungkol sa relihiyon, at sa relihiyon katulad ng atin…»

Si Jesus ay tumugon: «Kailangan na huwag kang masorpresa kung makita mo ang Samaria na nasa lapi ng Israel.»

Nagkaroon ng katahimikan… Ang madilim na mga mata ni Sintike ay nakatitig sa mapanatag na hitsura ni Jesus. Tinitingnan niya Siya nang husto, ngunit hindi nagsasalita. Si Jesus ay nadama ang kanyang titig at tumalikod upang tingnan siya.

«Wala ka bang nakita na magugustuhan mo?»

«Wala, aking Panginoon. Nakarating na ako sa punto kung saan hindi ko na maipagkasundo ang nakaraan sa kasalukuyan, ang dating mga idea sa mga idea sa kasalukuyan. At ang pakiramdam ko na ako ay tila isang nagtaksil sapagkat ako ay natulungan ng dating mga idea upang magkaroon ng mga idea ng kasalukuyan. Ang Inyong apostol ay nagsalita ng katotohanan… Ngunit ang aking kasiraan ay isang masayang kasiraan.»

«Ano ang iyong kasiraan?»

«Ang lahat ng aking pananampalataya sa hentil na Olympus, aking Panginoon. Ngunit ako ay medyo balisa sapagkat sa pagbabasa sa Inyong mga Iskriptura – ibinigay sa akin ito ni Juan at akin itong binasa sapagkat walang masasabing pag-aari kung walang kaalaman – nalaman ko na sa inyo ring kasaysayan… tungkol sa simula, sabihin na natin, ay may mga pangyayari na hindi masyadong naiiba ng sa amin. Ngayon, ibig kong malaman…»

«Sinabi Ko na sa iyo: tanungin Ako at sasagutin Ko ang iyong mga tanong.»

«Ang lahat ba ay mali tungkol sa relihiyon ng mga diyos?»

«Oo, babae. May bagkus iisang Diyos lamang, Na hindi nanggagaling sa kung sino pa man at hindi napaiilaliman ng masisimbuyong pantaong mga damdamin at mga pangangailangan: Iisa lamang, Eternal, Perpektong Diyos, ang Tagapaglikha ng lahat.»

«Pinaniniwalaan ko iyan. Ngunit ibig kong makatugon sa mga katanungan na baka itanong sa akin ng ibang mga hentil hindi sa pamamaraan na hindi tatanggap ng pagtatalo, bagkus sa pamamagitan ng paguusap upang makumbinsi. Ako, sa pamamagitan ng aking sarili at sa pamamagitan ng mapagkaloob na maka-amang Diyos, ay binigyan ko ang aking sarili ng impormal na mga kasagutan, ngunit sapat nang mabigyan ng kapayapaan ang aking espiritu. Ngunit pumapayag akong marating ang Katotohanan. Ang iba ay maaaring hindi masyadong nananabik kaysa sa akin tungkol sa bagay na iyan. Ngunit ang lahat ay kailangan na magustuhan ang ganyang pananaliksik. Ayaw kong maging di-aktibo sa mga kaluluwa. Ibig kong ibigay kung ano ang aking tinanggap. Ngunit kailangan kong makaalam upang makapagbigay. Pagkalooban Ninyo ako ng kaalaman at paglilingkuran ko Kayo sa ngalan ng pagmamahal. Ngayon, sa daan, habang pinagmamasdan ko ang mga bundok at ang ilang mga tanawin nagpapaalaala sa akin ng tungkol sa kabit-kabit na mga bundok ng Hellas at ng tungkol sa kasaysayan ng aking Bansa, sa pagnilay-nilay ko sa mga idea napapunta sa aking isipan ang mga alamat ni Prometheus at ni Deucalion… Mayroon kayong nakakatulad sa pagkakasumpa kay Lucifer, sa paglalagay ng buhay sa luwad, sa Baha ni Noah. Kaunting pagkakaalinsabay, subalit ang mga ito ay isang alaala… Ngayon sabihin Ninyo sa akin: Papaano kami nakaalam ng tungkol sa mga ito kung hindi nagkaroon ng kontakto sa pagitan ninyo at sa amin, kung tiyak na nagkaroon kayo nito bago kami, at bagama't nagkaroon kami ng mga ito, hindi namin alam kung papaano namin nakuha ang mga ito? Hindi pa rin tayo nagbibigayan ng pagpansin, sa maraming mga bagay. Kung gayon papaano kami, sa loob ng libu-libong mga taon, nagkaroon ng mga alamat na siyang mga alaala ng tungkol sa Inyong Katotohanan?»

«Babae, ikaw dapat ang pinakahuli na magtatanong sa Akin. Sapagkat nakabasa ka ng mga gawa na makasasagot sa iyong mga katanungan sa pamamagitan ng mga sarili nito mismo. Ngayon, sa pagninilay-nilay tungkol sa mga idea, mula sa mga alaala ng tungkol sa iyong tinubuan na mga bundok ikaw ay nakarating sa mga alaala ng tinubuan na mga alamat at mga pagkukumpara. Tama ba iyon. Bakit?»

«Sapagkat ang aking nagising na kaisipan ay nakaalaala.»

«Mabuti. Ang mga kaluluwa rin ng matagal nang mga tao na nagbigay ng isang relihiyon sa inyong lupain ay nakaalaala. May-kalabuan, katulad ng magagawa ng isang di-perpekto, isang nakahiwalay sa ibinunyag na relihiyon. Ngunit lagi silang nakaalaala. Maraming relihiyon sa mundo. Ngayon, kung nagkaroon tayo rito ng isang malinaw na larawan ng lahat ng kanilang mga detalye, makikita natin na mayroong bagay na katulad ng isang ginintuan na sinulid, na nawala sa ganyang putik, isang sinulid na maraming mga buhol kung saan ang maliliit na kapiraso ng tunay na Katotohanan ay nakapaloob.»

«Ngunit hindi ba tayo nanggaling sa iisang semilya lamang? Sinasabi Ninyo iyan. Kung gayon bakit ang pinakamatatanda, na nanggaling sa gayon ding semilya, bakit hindi nila naisamang dala nila ang Katotohanan? Hindi ba’t di-makatarungan na mawalan sila nito?»

«Nabasa mo ang Genesis, hind ba? Ano ang natuklasan mo? Isang komplikadong kasalanan sa simula, isang kasalanan na sumasakop sa tatlong estado ng tao: materyal, kaisipan, espiritu. Pagkatapos ang pagpatay sa sariling kapatid. Pagkatapos ang dobleng pagpatay upang matapatan ang gawa ni Enoch na mapanatili ang liwanag sa mga puso, pagkatapos ang kurupsiyon, nang ang mga anak na lalaki ng Diyos, dala ng kahalayan, ay pinakasalan ang mga anak na babae ng tao. At sa kabila ng pagpapadalisay sa pamamagitan ng Baha at ng pagbuo muli sa lahi mula sa mabuting binhi, hindi mula sa mga bato katulad na sinasabi ng inyong mga alamat, katulad din ng unang luwad na minolde ng Diyos sa Kanyang larawan at sa korte ng isang tao na pinagkalooban ng buhay sa pamamagitan ng gawa ng Diyos sa paglalagay ng mahalagang Apoy, at hindi sa pamamagitan ng pagnanakaw ng tao ng mahalagang apoy, diyan ay nagkaroon ng bagong paglabas ng pagmamalaki, isang insulto sa Diyos: “Hipuin natin ang kalangitan” at ng dibinong sumpa: “Gawin silang maikalat at gawing hindi na sila magkaintindihan”… At ang tanging semilya ay nahati, katulad ng tubig na humahampas sa isang bato na nagkakahiwa-hiwalay sa maliliit na mga agos na hindi na muli nagtatagpo, at ang lahi ay nagkahiwa-hiwalay sa maraming mga lahi. Ang sangkatauhan napalayas gawa ng kasalanan nito at ng dibinong kaparusahan ay naikalat at hindi na muli nagkasama-sama, dala sa sarili nito ang kalituhan na nalikha ng pagmamalaki. Ngunit ang mga kaluluwa ay naka-aalaala. Laging mayroong naiiwanan na bagay sa loob nila. At ang pinaka-mabirtud at marunong ay nakakakita ng liwanag nang maliwanag, isang maliit na liwanag sa kadiliman ng mga alamat: ang liwanag ng Katotohanan. Iyan ay ang alaala ng Liwanag na nakita bago ang buhay, na nagpapasigla sa kanila na may ilang katotohanan, kung saan naroroon ang maliliit na piraso ng ibinunyag na Katotohanan. Iyan ba ay malinaw sa iyo?»

«Bahagi lamang. Ngunit iisipin ko ang tungkol diyan. Ang gabi ay ang kaibigan ng mga nagninilay at nangungulekta ng kanilang mga naiisip.»

«Bueno, tayo na at kolektahin natin ang ating mga naiisip. Tayo, Aking mga kaibigan. Kapayapaan sa inyo mga babae. Kapayapaan sa inyo, Aking mga disipulo. Kapayapaan sa iyo, Alexander Misace.»

«Paalam, aking Panginoon. Ang Diyos ay suma-Inyo» tugon ng mangangalakal yumuyuko…

210911

 

 


Sunod na kabanata