286. Mula sa Ramoth Hanggang Gerasa.

Setyembre 26, 1945.

Ang kaibahan ng nayon na ito na nakalatag sa isang nakataas na batuhang tuntungan sa gitna ng isang korona ng mga tuktok ng mga bundok, ang ilan nito ay mas matataas, ang ilan mas mabababa, ay lumalabas sa lahat ng tipikong kagandahan nito sa loob ng kung baga matigas na liwanag ng isang medyo mahangin na umaga. Nagmumukha itong isang dambuhalang granitong bandehado na may mga gusali, maliliit na bahay, mga tulay, mga pontanya, para laruan ng isang higanteng bata.

Ang mga bahay ay tila inukit sa kalkaryong bato na siyang ang pinakalikas na materyal sa lugar. Ito ay mga korteng kudrado at itinayo sa pamamagitan ng magkakapatong na mga bloke, ang iba ay walang plaster ng semento, ang mga bloke ng iba ay nasa natural na magaspang pang hitsura, sila ay tunay na nagmumukhang katulad ng maliliit na bahay na nagdedekorasyon sa isang pampaskong kuna na ginawa sa pamamagitan ng mga kahon ng isang malaking magaling na bata.

At sa palibot ng maliit na nayon mapagninilayan ng isa ang matabang lupa ng kabukiran, natatakpan ng mga punungkahoy, binukid nang sari-sari at iba't iba, upang kung titingnan mula sa itaas ito ay nagmumukhang isang alpombra ng mga parisukat, trapezoid, triyanggulo, ang iba nito ay kulay-kape dahil sa ka-aararo pa lang na lupa, ang iba esmeralda dahil sa damong tumubo pagkatapos ng ulan ng taglagas, ang iba mapula-pula dahil sa huling mga dahon ng mga ubasan at mga nagbubungang punungkahoy, ang iba abuhing-berde dahil sa mga poplar o mga willow, o enamel na berde dahil sa mga terebinto at carob, o tansong-berde dahil sa mga cypress at konipero. Maganda, totoong maganda!

At makikita ng isa ang mga kalsada na, katulad ng mga ribon na naghihiwa-hiwalay mula sa isang buhol, tumatakbo mula sa nayon patungo sa malayong kapatagan, o patungo sa matataas na bundok at dumaraan sa ilalim ng mga kakahuyan o hinahati nito na may kulay abong linya ang berdeng mga parang o ang kulay-kapeng inararong mga bukid.

At mayroon dito ng isang magandang agos ng tubig, na malaplata sa ibayo ng nayon patungo sa isang bukal, at kulay asul na nagiging jade sa kabila, kung saan ito dumadaloy pababa sa lambak sa pagitan ng mga bangin at mga dalisdis, at ito ay lilitaw at mawawala na parang naglalaro, at ito ay palakas nang palakas at pa-asul nang pa-asul habang dumarami ang tubig, kung gayon napipigilan ang mga tambo at mga damo, na lumago sa kanal nito sa loob ng mga tuyong buwan, na makulayan nito ito nang berde at kung gayon nasasalamin nito ang kalangitan, pagkatapos na mailubog ang mga tangkay nito sa malalim na tubig nito.

Ang kalangitan ay isang di-totoong asul: isang pambihirang batayang-kulay ng madilim na enamel na asul, na walang pinakamaliit na di-pagka-asul na bahid sa magandang hilatsa nito.

At ang karabana ay lumakad na muli, na ang mga kababaihan nasa sasakyang mga hayop, sapagkat, ayon sa sinasabi ng mangangalakal, ang daan ay napakahirap pagkalampas ng nayon at kinakailangan na maglakad nang mabilis upang makarating sa Gerasa bago gumabi. Lahat sila ay nakabalabal nang husto at nagpapatuloy nang mabilis, dahil sila ay nakapagpahinga nang mabuti, sa isang daan na umaakyat patungo sa magagandang kakahuyan, dinaraanan ang isang pinakamatataas na dalisdis ng isang nag-iisang bundok, na tumataas katulad ng isang dambuhalang bloke na nakapatong sa mga balikat ng ibang mga bundok sa ilalim nito. Isang tunay na higante katulad ng makikita ng isa sa pinakamataas na mga bahagi ng aming Apennines.

«Galaad» sabi ng mangangalakal, tinuturo ito; siya ay nananatiling malapit kay Jesus Na ginagabayan ang maliit na mola na sinasakyan ng Birhen hawak ito sa mga renda. At dagdag pa ng mangangalakal: «Pagkatapos nito ang daan ay mas mabuti na. Nakarating na ba Kayo rito kahit minsan?»

«Hindi, kahit kailan. Ibig Kong pumunta rito sa panahon ng tagsibol. Ngunit Ako ay tinanggihan sa Galgala.»

«Kayo tinanggihan? Kahila-hilakbot!»

Si Jesus ay tinitingnan siya at nananahimik.

Ang mangangalakal ay isinakay si Marjiam sa kanyang siya, dahil ang bata sa kanyang maiikling paa ay nahihirapan na makaagapay sa mabilis na paghakbang ng mga kabayo. At alam-na-alam ni Pedro na ito ay isang mabilis na paghakbang! Siya ay nagsusumikap na makaagapay nang buong lakas niya, ginagaya ng iba, ngunit siya ay laging naiiwanan ng karabana. Siya ay pinagpapawisan, ngunit siya ay masaya sapagkat napapakinggan niya ang tawa ni Marjiam, nakikita niya na ang Ating Ginang ay nakapagpapahinga at ang Panginoon ay masaya. Siya ay humahangos at sumisinghal habang nakikipagusap kay Mateo at sa kanyang kapatid na si Andres, na naiiwanan sa likuran kasama niya, at nagagawa niya sila na tumawa nagsasabi na kung bilang karagdagan sa kanyang mga paa, siya ay may mga pakpak, magiging masaya siya sa umagang iyon. Inalis niya ang lahat na karga, katulad ng iba, itinatali ang mga bag sa mga siya ng mga sinasakyan ng mga kababaihan, ngunit ang daan ay totoong nakakatakot, ang mga bato bilang madudulas sa hamog. Ang dalawang Santiago kasama sina Juan at si Tadeo ay mas magagaling dahil nakakaagapay sila sa hakbang ng mga mola ng mga kababaihan. Si Simon Zealot ay nakikipagusap kay Juan ng Endor. Sina Timoneus at Ermasteus ay ginagabayan din ang mga mola.

Sa wakas ang pinakamahirap na parte ng daan ay tapos na at ang isang ganap na ibang tanawin ay lumitaw sa kanilang namamanghang mga mata. Ang lambak ng Jordan ay totoong nawala na. Sa gawing silangan matatanaw ng mga mata ang isang imposibleng maluwang na kapatagan, kung saan tanging iisang pag-alon lamang ng mga burol ang nagtatangkang tumaas upang masira ang kapatagan ng tanawin. Hindi ko kailanman naisip na mayroong ganitong bagay sa Palestina. Ito ay tila na pagkatapos ng batuhán na bagyo ng mga bundok, ang mismong bagyo ay kumalma at nanigas sa isang malaking alimbukay na naiwang nakabitin sa pagitan ng lupa at kalangitan, na may iisang alaala lamang tungkol sa galit nito sa muting linya ng mga burol, ang bula ng mga tuktok ng alon ay nanigas dito at doon, habang ang tubig ng alimbukay ay kumalat sa maganda at maringal na kapatagang ibabaw. At ang isa ay mararating ang maningning na mapayapang lugar na ito sa pamamagitan ng isang huling bangin, na kasing bangis ng isang kalaliman sa pagitan ng dalawang nagsasalpukan na alimbukay, ang dalawang huling alon ng isang bagyong-dagat, na sa mga kalaliman nito ay may isang bagong bumubulang agos ng tubig pagawing kanluran nanggagaling sa silangan, sa isang masalimuot na paraan sa pagitan ng mga bato at mga talon sa masakunang kaibhan sa malayong kapayapaan ng malaking kapatagan.

«Ang daan ay magiging mabuti na ngayon. Kung walang anuman sa Inyo ibibigay ko na ang utos na tumigil» sabi ng mangangalakal.

«Ako ay ginagabayan mo, mamâ. Alam mo ‘yan.»

Ang lahat ay bumaba sa kanilang sinasakyan at kumalat sa mga dalisdis sa paghahanap ng kahoy para sa pagluluto ng pagkain, at ng tubig para sa kanilang pagod na mga paa at tuyong mga lalamunan. Ang mga hayop, nang maalisan ng kanilang mga karga, ay nanginginain sa makapal na damo o bumababa sa malinaw na agos ng tubig.. Ang amoy ng resina at iniihaw na karne ay tumataas mula sa maliliit na apoy na sinindihan upang maluto ang ilang tupa.

Ang mga apostol ay nagpadikit ng kanilang sariling apoy kung saan kanilang iniinit ang ilang inasnang isda pagkatapos na mahugasan ito sa malamig na tubig sa ilog. Ngunit sila ay nakita ng mangangalakal at siya ay dumating dala ang isang maliit na nabalatan na tupa, o isang maliit na kambing, maging ano pa man ito, at ginawa sila na tanggapin ito. At si Pedro ay naghanda upang ihawin ito pagkatapos na malagyan ito sa tiyan ng sariwang menta.

Ang pagkain pagkaraan ay naihanda at natapos. At sa ilalim ng katanghaliang sikat ng araw ang pagmamartsa ay nagpapatuloy sa mas mabuting daan, na sinusundan ang agos ng tubig pagawing hilagang-timog sa magandang mataba at maayos na binubukid na lugar, mayaman sa mga kawan ng tupa at baboy, na mga tumatakbong paalis sa karabana.

«Ang nakapader na bayan na iyan ay ang Gerasa, aking Panginoon. Isang bayan na may malaking hinaharap. Ngayon iyan ay umuunlad, at sa palagay ko hindi ako nagkakamali sa pagsasabi na malapit na iyan na makipagkompetensiya sa Joppa, Ashkelon, sa Tyre at sa marami pang ibang bayan, sa kagandahan, sa pangangalakal at kayamanan. Ang mga Romano ay nabatid ang importansiya nito sa daan na ito na mula sa Red Sea, ibig sabihin, mula sa Ehipto ay patungo sa Euxine Sea daan ng Damascus. At tinutulungan nila ang mga Gerasenes na magtayo… Sila ay matalas ang patingin at pangamoy. Pansamantala ito ay may napakagandang pangangalakal, ngunit pagkaraan!... O! ito ay magiging maganda at mayaman! Isang maliit na Roma, na may mga templo, palaisdaan, sirko, termal na paliguan. Ako ay nangangalakal lamang sa kanila. Ngunit ngayon ako ay bumili ng labis na lupa, upang magtayo ng tindahan, na aking ipagbibili pagkatapos para sa mas malaking halaga, at baka magtayo ako ng isang tunay na bahay para sa isang maginoo, kung saan ako ay makapananatili sa aking katandaang mga araw, kung kailan sina Balthazar, Nabor, Felix at Sydmia ay maaasikaso at mapamamahalaan ang kani-kanilang mga tindahan sa Sinope, Tyre, Joppa at Alexandria sa bunganga ng Nilo. Pansamantala ang tatlo pang batang lalaki ay lálaki at ibibigay ko sa kanila ang tindahan sa Gerasa, Ashkelon at baka sa Herusalem. At ang mayaman at magagandang batang babae ay liligawan at makakakuha ng magagandang kapareha at mabibigyan ako ng maraming apo…» ang mangangalakal ay may ginintuan at malarosas na pananaginip nang araw para sa hinaharap.

Si Jesus ay tinanong siya nang kalmante: «At pagkatapos?»

Ang mangangalakal ay ginising ang sarili, tinitingnan si Jesus nang nag-iisip at pagkatapos nagsabi: «At pagkatapos? Iyon lang. Pagkatapos ang kamatayan ay darating… Ito ay malungkot. Ngunit iyan ‘yan.»

«At iiwanan mo ba ang lahat na negosyo? Ang iyong mga tindahan? Ang iyong mga pagmamahal?»

«Aking Panginoon! Ayaw kong mangyari ito. Ngunit sa dahilan na ako ay ipinanganak ako rin ay mamamatay. At kakailanganin kong iwanan ang lahat» at siya ay nagbuntung-hininga nang matagal na halos maitulak nito ang karabana…

«Ngunit sino ang nagsabi sa iyo na kapag ikaw ay mamatay iiwanan mo ang lahat?»

«Sino? Ang mga katotohanan ng buhay! Kapag patay ka na… Iyon na ‘yun. Wala kang mga kamay, walang mga mata, walang mga tainga…»

«Ikaw ay hindi lamang mga kamay, mga mata at mga tainga.»

«Ako ay isang tao. Alam ko. Mayroon pa akong ibang mga bagay. Ngunit lahat sila ay natatapos sa pamamagitan ng kamatayan. Katulad ito ng lumulubog na araw. Ang paglubog nito ang sumisira nito…»

«Ngunit ang bukang-liwayway ay nililikha itong muli, o kung baga pinangangatawanan nito itong muli. Ikaw ay isang tao, sinabi mo iyan. Hindi ka isang hayop katulad ng iyong sinasakyan. Ang isang hayop, kapag ito ay patay na, ay totoong tapos na. Ikaw ay hindi. Ikaw ay may kaluluwa. Hindi mo ba alam? Ni iyan ba ay hindi mo na nalalaman?»

Napakinggan ng mangangalakal ang malungkot na paninita, isang malungkot subalit may-kabaitan na paninita, at iniyuko niya ang kanyang ulo bumubulong: «Nalalaman mo pa rin iyan…»

«Kung gayon? Hindi mo ba nalalaman na ang kaluluwa ay nananatili?»

«Alam ko.»

«Bueno, kung gayon? Hindi mo ba nalalaman na may pagkilos pa ito sa susunod na buhay? Isang banal na pagkilos kung ito ay banal. Isang masamang pagkilos kung ito ay masama. At kasama pa nito ang mga damdamin nito! O! Kasama nga nito ang mga ito! Mga nagmamahal na damdamin, kung ito ay banal. Mapagpoot na mga damdamin, kung ito ay isinumpa. Mapagpoot laban kanino? Laban sa mga dahilan ng pagkakasumpa nito. Sa kaso mo: ang iyong negosyo, ang tindahan, ang iyong natatanging pantaong mga damdamin. Nagmamahal na mga damdamin para kanino? Para sa gayon ding mga bagay. At anong pagpapalà ang madadala ng isang kaluluwa sa mga anak nito at sa kanilang ginagawa kapag ito ay nasa kapayapaan ng Panginoon!»

Ang mamâ ay nag-iisip. Sinabi niya: «Huli na. Matanda na ako ngayon.» At kanyang pinatigil ang kanyang mola.

Si Jesus ay ngumingiti at tumugon: «Hindi kita pipilitin. Pinapayuhan kita» at Siya ay tumalikod upang tingnan ang mga apostol, na sa pagtigil bago pasukin ang bayan ay tinutulungan ang mga kababaihan na makababa at kinukuha ang kanilang mga bag.

Ang karabana ay lumakad na muli at pagkaraan pinapasok ang abalang-abalang bayan sa pamamagitan ng geyt na bantay ng mga tore.

Ang mangangalakal ay bumalik ulit kay Jesus: «Ibig ba Ninyong manatiling kasama ko?»

«Kung hindi mo Ako pinaaalis, bakit hindi Ko gugustuhin?»

«Dahil sa aking sinabi sa Inyo. Magagawa ko Kayo, ang Banal na Isa, na magkasakit.»

«O! hindi! Ako ay naparito para sa mga taong katulad mo, na Aking minamahal sapagkat kayo ang mas nangangailangan. Hindi mo pa Ako nakikilala. Ngunit Ako ang Pagmamahal na dumaraan nanghihingi ng pagmamahal.»

«Kung gayon hindi Ninyo ako kinapopootan?»

«Minamahal kita.»

Mga luha ang nagningning sa malalim na mga mata ng mamâ. Ngunit ngumingiti siyang nagsabi: «Kung gayon tayo ay mananatiling magkasama. Ako ay titigil sa Gerasa para sa negosyo sa loob ng tatlong araw. Iniiwan ko ang mga mola rito at gagamit ng mga kamelyo. Ako ay may himpilan ng karabana sa pangunahing mga tigilan na lugar at isang katulong ang tumitingin sa mga hayop na aking iniiwan sa bawat lugar. At ano ang Inyong gagawin?»

«Ako ay mag-eebanghelyo sa Sabbath. Iiwanan na sana kita, kung hindi ka tumigil, sapagkat ang Sabbath ay sagrado sa Panginoon.»

Ang mamâ ay kinukusot ang kanyang mga kilay, nag-iisip at na may kaunting kahirapan siya ay sumang-ayon: «… Siyempre… Totoo iyan…» Tinitingnan niya si Jesus: «Kung pahihintulutan Ninyo ako, ikokonsagra ko ito sa Inyo.»

«Sa Diyos. Hindi sa Kanyang Lingkod.»

«Sa Diyos at sa Inyo, sa pamamagitan ng pakikinig sa Inyo. Gagawin ko na ang aking gawain ngayon at bukas na umaga. At pagkatapos makikinig ako sa Inyo. Pupunta na ba Kayo sa otel ngayon?»

«Wala Akong pagpipilian. Kasama Ko ang mga babae at Ako ay hindi kilala rito.»

«Dito iyan ay iyan, ito ay akin. Ito ay akin sapagkat ang aking mga establero ay naririto taon-taon. Mayroon akong malalaking silid para sa mga kalakal. Kung ibig Ninyo…»

«Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos. Tayo na.»

210911

 

 

 


Sunod na kabanata