287. Pagtuturo sa Gerasa.

Setyembre 27, 1945.

Akala Niya Siya ay di-kilala! Nang Siya ay lumabas mula sa gusali ni Alexander sa susunod na umaga, nakakita Siya ng mga tao na mga naghihintay na sa Kanya. Si Jesus ay kasama lamang ang Kanyang mga apostol. Ang mga babae at ang mga disipulo ay nasa loob pa ng bahay, nagpapahinga. Ang mga tao ay binati Siya pinaiikutan Siya at nagsasabi na kilala nila Siya sapagkat ang isang lalaki na Kanyang pinalaya sa mga dimonyo ay nagsalita sa kanila tungkol sa Kanya. Ang lalaki ay wala roon ngayon sapagkat siya ay umalis kasama ang dalawang disipulo, na dumaan nang ilang mga araw na.

Si Jesus ay nakikinig sa kanila nang may-kabaitan kasabay ng Kanyang paglalakad sa bayan sa ilang lugar nito kung saan ang ingay ng mga pinagtatrabahuhang bakuran ay napakalakas. Ang mga nagsesemento, naghuhukay, nagpuputol ng bato, platero, karpintero ay gumagawang nagtatayo, nagpapantay, nagpupuno ng mga puwang, nagsisinsil ng mga bato para sa mga pader, gumagawa sa mga bakal para sa sari-sari’t iba’t ibang pakay, naglalagari, nagkakatam, gumagawa ng mga poste mula sa matitigas na kahoy. Si Jesus ay dumaraan nakatingin, tinatawid ang isang tulay sa ibabaw ng isang bumubulang agos ng tubig na dumadaloy sa gitna ng bayan, na may hilera ng mga bahay sa tigkabilang tabi nagkukunwaring pumoporma ng isang tabing-ilog.

Ang tanawin mula kung saan si Jesus tumigil ay maganda. Ang buong bayan ay nasa harapan ng nakatingin, at sa likuran nito, sa gawing silangan, timog, at kanlurang tabi ay may kabit-kabit na mabababang berdeng burol na nasa korteng U, samantalang sa hilaga makikita ang isang lantad na kapatagan, ang kataasan ng burol ay kapantay ng orisonte, napakababa nito na ni hindi man lamang ito matatawag na burol, ngunit ito ay ginintuang maganda sa sikat ng araw sa umaga, na nagpapadilaw sa kulay sa mga dahon ng mga baging na nagtatakip sa lupa, na tila ibig nitong bawasan ang kalungkutang hitsura ng natutuyong mga dahon sa pamamagitan ng karingalan ng bahid ng ginto.

Si Jesus ay hinahangaan ang tanawin at ang mga tao ng Gerasa ay tinitingnan Siya. Nakuha Niya ang pagpapahalaga ng mga tao sa pagsasabi sa kanila:

«Ang bayan na ito ay totoong maganda. Gawin din itong maganda sa hustisya at kabanalan. Ang mga burol, ang agos ng tubig, ang berdeng kapatagan ay binigay sa inyo ng Diyos. Ang Roma ngayon ay tinutulungan kayo na magkaroon ng mga tahanan at magagandang gusali. Ngunit ito ay nasa sa inyo lamang upang matawag ang inyong bayan na banal at makatarungan. Ang isang bayan ay kung ano ang ginagawa ng mga mamamayan na ito ay maging. Sapagkat ang bayan ay isang bahagi ng lipunan na nasa loob ng mga pader nito, ngunit ang mga mamamayan ang gumagawa na maging kung ano ang bayan. Ang bayan sa ganang mismo nito ay hindi nagkakasala. Ang ilog, ang tulay, ang mga bahay, ang mga tore ay hindi nakagagawa ng kasalanan. Sila ang materyal, hindi mga kaluluwa. Ngunit ang mga nasa loob ng mga pader ng bayan, sa loob ng mga bahay, ng mga tindahan, ang mga tumatawid sa tulay o naliligo sa ilog lahat sila ay maaaring magkasala. Kung ang isang bayan ay nagkakahati-hati at marahas, ang mga tao ay magsasabi: “Ito ay napakasamang bayan”. Ngunit iyan ay mali. Hindi ang bayan, ito ay ang mga mamamayan na siyang napakasamâ. Ang mga indibidwal na iyon sa pagsasama-sama ay nagiging komplikadong bagay, bukod sa iisang bagay lamang, na siyang tinatawag na “bayan”.

Ngayon makinig. Kung sa isang bayan ang sanlibong naninirahan ay mabuti, at tanging sandaan lamang ang hindi mabuti, masasabi ba natin na ang bayan na iyan ay masama? Hindi, hindi natin masasabi. Gayon din naman: Kung sa isang bayan na may sanlibong naninirahan dito ay maraming partido at ang bawat partido ay nagpapakahirap na mapaboran ang kanyang sarili, masasabi pa ba natin na ang bayan na iyan ay nagkakaisa? Hindi, hindi natin iyan masasabi. At sa palagay ba ninyo ang bayan na iyan ay uunlad? Hindi, hindi iyan uunlad.

Kayong mga mamamayan ngayon ng Gerasa ay lahat nagkakaisa nagsisikap upang magawa ang inyong bayan na dakila. At kayo ay magtatagumpay sapagkat lahat kayo ay iisang bagay lamang ang gusto at kayo ay nagpapaligsahan sa isa’t isa na makuha ang inyong pakay. Ngunit kung bukas ang magkasalungat na partido ay lumabas sa pagitan ninyo at ang isa at magsasabi: “Hindi, mas mabuti nang lumaking pasilangan” at ang isa pang partido ay magsabi: “Hindi kailanman. Tayo ay magtatayo sa hilaga kung saan naroroon ang kapatagan”, at ang pangatlong partido ay magsabi: “Ni hindi rito o riyan. Lahat tayo ay ibig na manirahan malapit sa sentro, malapit sa ilog”, ano ang mangyayari? Mangyayari na ang gawang inyong nasimulan ay titigil, ang mga nagpahiram ng kapital ay babawiin ito, ang mga may ibig na manirahan dito ay pupunta sa ibang bayan na may mas nagkakasundong mga tao, at anuman ang inyo nang nagawa ay masasayang at masisira, dahil nakalantad ito sa masamang panahon, bago pa man mayari, dahil sa pag-aaway-away ng mga mamamayan. Tama ba iyon o mali? Sinasabi ninyo na tama, at tama kayo. Kung gayon ang pagkakasundo ng mga mamamayan ay kinakailangan para sa ikabubuti ng bayan, at dahil dito sa ikabubuti ng mga mamamayan mismo, sapagkat ang ikabubuti ng isang lipunan ay ang ikabubuti ng mga miyembro nito.

Ngunit iisang lipunan lamang ang inyong iniisip, ang lipunan ng mga mamamayan, ng kapwa-kababayan, o ang maliit na mahal na lipunan ng pamilya Mayroong isang mas malaking lipunan, ang isang walang-hangganang lipunan: ang lipunan ng mga espiritu.

Ang bawat nabubuhay na tao ay may kaluluwa. Ang kaluluwa ay hindi namamatay kasama ang katawan, bagkus nananatili magpakailanman. Ang idea ng Diyos, ang Tagapaglikha, na nagbibigay sa bawat tao ng kanyang kaluluwa, ay na ang lahat na kaluluwa ng mga tao ay kailangan na maipon sa iisang lugar lamang, sa Langit, binubuo ang Kaharian ng Langit, na ang hari nito ay ang Diyos at na ang masasayang nasasakupan ay ang lahat na tao, pagkatapos ng isang banal na pamumuhay at isang mapanatag na limbo ng paghihintay. Si Satanas ay pumunta upang manghati at mambalisa, manira at pamighatiin ang Diyos at ang espiritu. At naglagay siya ng kasalanan sa mga puso ng mga tao at sa pamamagitan ng kasalanan nagdala siya ng kamatayan sa katawan sa katapusan ng pamumuhay nito, umaasang mabigyan din ng kamatayan ang mga espiritu. Ngunit ang kamatayan ng mga espiritu ay ang kasumpaan ng mga ito, na isa pa ring pamumuhay, subalit wala ng kung ano ang totoong buhay at eternal na lugod, ibig sabihin, wala ng kasiya-siyang bisyon ng Diyos at ng Kanyang eternal na pag-aari sa eternal na liwanag. At ang Sangkatauhan ay nahati sa mga mithiin nito, katulad ng isang bayan na nahahati ng magkatunggaling mga partido. At iyon kung gayon ay nadala sa kasiraan. Nasabi Ko sa ibang lugar sa mga nag-aakusa sa Akin ng pagpapalayas ng mga dimonyo sa pamamagitan ng tulong ni Beelzebub: “Ang bawat kaharian na nahahati sa sarili nito ay madadala sa kasiraan”. Sa katunayan kung si Satanas ay pinalalayas ang sarili, siya at ang kanyang mapanglaw na kaharian ay masisira.

Ako ay naparito, para sa pagmamahal na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhan na nilikha Niya, upang paalalahanan ang mga tao na iisang Kaharian lamang ang banal: ang Kaharian ng Langit. At Ako ay naparito upang ituro ito, upang ang mas mabubuting tao ay sana magtungo rito. O! ibig Ko na ang lahat, kahit na ang mga pinakamalala, na pumunta rito, nagbabalik-loob sa Diyos, pinalalaya ang mga sarili sa dimonyo na nang-aalipin sa kanila, maging hayagan man, sa pamamagitan ng korporyal at espirituwal na pananakop, o palihim sa pamamagitan ng simpleng espirituwal na pananakop. Iyan ang dahilan kung bakit Ako umiikot nanggagamot ng mga maysakit, nagpapalayas ng mga dimonyo sa mga inalihang tao, nanghihimok sa mga nagkakasala na magbalik-loob sa Diyos, nagpapatawad sa ngalan ng Panginoon, itinuturo ang Kaharian, gumagawa ng mga himala upang makumbinsi kayo ng Aking kapangyarihan at mapatunayan na ang Diyos ay kasama Ko. Sapagkat walang makagagawa ng himala maliban kung ang Diyos ay kanyang kaibigan. Kung kaya't kung napalalayas Ko ang mga dimonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at nakagagamot Ako ng mga maysakit, nakalilinis ng mga ketongin, nakahihimok ng mga nagkakasala ng pagbabalik-loob sa Diyos , nagbabalita at nagtuturo ng tungkol sa Kaharian at natatawag Ko ang mga tao patungo rito sa ngalan ng Diyos, at ang pagsang-ayon sa Akin ng Diyos ay malinaw at hindi mapasisinungalingan, upang tanging ang di-matatapat na mga kaaway lamang ang magsasabi ng kabaligtaran, ito ay isang tanda na ang Kaharian ng Diyos ay kasama ninyo at kailangan na maitatag sapagkat ang oras ng pagtatayo nito ay dumating na.

Papaano naitatatag ang Kaharian ng Diyos sa mundo at sa loob ng mga puso? Sa pagbabalik sa Mosaic na Batas o matutunan ito kung ang isa ay ignorante tungkol dito at, higit sa lahat, sa pagsunod dito nang absuluto, sa bawat pangyayari at sandali ng inyong buhay. Alin ang Batas na iyan? Isang napakahigpit upang maging hindi praktikal? Hindi. Ito ay isang buo ng sampung banal na madadaling alituntunin, na kahit na ang isang tunay na moral na mabuting tao ay mararamdaman na kailangan niyang igalang ito, kahit na kung siya ay naninirahan sa pinakaliblib ng kakahuyan ng misteryosong Aprika. Ito ay nagsasabi:

“Ako ang inyong Panginoong Diyos, hindi kayo magkakaroon ng mga diyos maliban sa Akin. Hindi ninyo bibigkasin ang pangalan ng Diyos nang walang katuturan.

Ipangingilin ninyo ang Sabbath ayon sa kautusan ng Diyos at sa pangangailangan ng pantaong katawan.

Igalang ang inyong ama’t ina upang kayo ay sana magkaroon ng isang mahabang buhay at pagpalain kapwa sa lupa at sa Langit.

Hindi kayo papatay.

Hindi kayo magnanakaw.

Hindi kayo mangangalunya.

Hindi kayo magsasaksi ng kasinungalingan laban sa inyong kapwa.

Hindi ninyo pagnanasaan ang asawa ng inyong kapwa.

Hindi ninyo pagnanasaan ang mga pag-aari ng inyong kapwa.

Alin na may mabuting-kalooban na kaluluwa, pinagninilayan ang nasa paligid niya, kahit na kung siya ay isang napakabangis, ang hindi magsasabi: “Ang lahat na ito ay hindi nabuo nang sarili nito. Kung gayon ang Diyos ay maaaring Iisa, mas makapangyarihan kaysa sa kalikasan at kaysa sa tao mismo, na siyang gumawa nito”? At kanyang sasambahin ang Makapangyarihang Isa Na ang Kaninong Kabanalbanalang Pangalan ay maaaring nalalaman o hindi niya nalalaman, ngunit pakiramdam niya ay naririyan. At mayroon siyang ganyang pagpipitagan sa harapan Niya, upang nang kanyang bibigkasin ang pangalan na kanyang ibinigay sa Kanya, o naituro sa kanya na kanyang bibigkasin, siya ay nanginginig na may paggalang at kanyang nararamdaman na siya ay kailangan na manalangin kapag binibigkas ito nang magalang. Sa katunayan isang panalangin ang bigkasin ang Pangalan ng Diyos nang may intensiyon na sambahin Siya o gawing makilala Siya sa mga hindi nakakikilala sa Kanya.

Gayon din naman, dala ng moral na kahinahunan lamang ang bawat tao ay nararamdaman na kailangan niyang magkaloob ng ilang kapahingahan sa kanyang mga galamay, upang ang mga ito ay makatagal hanggang sa tagal ng kanyang buhay. Sa pamamagitan ng mas malalim na pangangatwiran, ang isang tao na nakakikilala sa Diyos ng Israel, ang Tagapaglikha at Panginoon ng Sansinukuban, ay nararamdaman na kailangan niyang ikonsagra ang pagpapahinga ng kanyang katawan sa Panginoon, upang siya ay hindi maging katulad ng isang pantrabahong hayop na nagpapahinga, kapag pagod, sa ibabaw ng basura ngumunguya ng damo ang malalakas na ngipin.

Ang dugo ay nananawagan din ng pagmamahal para sa mga kung kanino tayo nanggaling, katulad ng nakikita natin sa batang kabayong iyan na ngayon tumatakbong umaatungal patungo sa ina nito na nanggagaling sa palengke. Ito ay naglalaro sa loob ng kawan, nakita nito ang ina nito, naalaala nito na siya ay pinakain ng kanyang ina at siya ay dinilaan nang may pagmamahal, pinagsanggalang at pinainitan, at kita ninyo? Kinukuskos nito ang leeg ng ina sa pamamagitan ng malalambot ng mga nguso nito at tumatalon nang malugod ikinukuskos ang murang pigi nito sa mga panabi ng nagdala sa kanya. Isang katungkulan at isang kasiyahan na mahalin ang mga magulang. At walang hayop na hindi nagmamahal sa ina na siyang nagluwal kanya. Ano? Ang tao ba ay magiging mas makahayop pa kaysa sa mga uod na namumuhay sa putik?

Ang isang tao na moral na mabuti ay hindi pumapatay. Siya ay may malaking pag-ayaw sa karahasan. Pakiramdam niya wala sa batas ang kumitil ng buhay ng may-buhay, at na tanging ang Diyos lamang, Na nagbigay nito, ang may karapatan na kumuha nito. Kinasusuklaman niya ang pagpatay ng tao.

Gayon din naman, siya na moral na mabuti ay hindi nagsasamantala ng pag-aari ng ibang tao. Mas gusto pa niya na kumain ng lisong tinapay na may malinaw na konsiyensya malapit sa isang malaplatang pontanya, kaysa magkaroon ng isang mayaman na inihaw na siyang bunga ng isang pagnanakaw. Mas gusto pa niya na matulog sa lupa na ang kanyang ulo nasa bato at mapagkaibigang mga bituin sa itaas niya, nagbubuhos ng kapayapaan at kaginhawahan sa kanyang matapat na konsiyensya, kaysa sa magpaikot-ikot sa loob ng isang ninakaw na kama.

At kung siya ay moral na mabuti, hindi siya nananabik para sa mas maraming babae, na hindi sa kanya, at hindi niya lalapastanganin nang may karuwagan ang pangkasalan na higaan ng kanyang kapwa. At titingnan niya ang asawa ng kanyang kaibigan bilang isang kapatid at hindi susulyap nang may kahalayan sa kanya, katulad ng walang gumagawa nang ganito sa isang kapatid na babae.

Ang isang tao na may matuwid na kaluluwa, kahit na kung sa natural lamang na pagkamatuwid, na walang ibang nalalaman tungkol sa Mabuti bagkus kung ano lamang ang dumarating sa kanya mula sa kanyang matapat na konsiyensya, ay hindi kailanman mangangahas na magbigay ng saksi ng kasinungalingan, dahil titingnan niya iyan na isang pagpatay at pagnanakaw din, na totoo ngang iyan din. Ngunit ang kanyang mga labì ay kasing tapat ng kanyang puso, at ang kanyang mga sulyap ay matapat, kung kaya't hindi niya pinagnanasaan ang asawa ng kanyang kapwa. Walang siyang pinagnanasaan anumang bagay, dahil nalalaman niya na iyan ay ang unang pangganyak patungo sa pagkakasala. At siya ay hindi mainggitin. Sapagkat siya ay mabuti. Ang isang mabuting tao ay hindi kailanman mainggitin. Siya ay masaya na sa kung ano ang mayroon siya.

Sa palagay ba ninyo ang batas na ito ay labis na mapaghangad upang maging di-praktikal? Huwag ninyong maliin ang inyong sarili! Natitiyak Ko na hindi ninyo gagawin iyan. At kung hindi ninyo iyan gagawin, maitatag ninyo ang Kaharian ng Diyos sa loob ng inyong mga sarili at sa inyong bayan. At kayo ay masayang makakasama ulit ninyo isang araw ang inyong mga minamahal at mga na katulad ninyo nakamit ang eternal na Kaharian sa walang-katapusang lugod sa Langit.

Ngunit mayroon tayo sa loob natin ng masisimbuyong damdamin, na katulad ng mga mamamayan sa loob ng bakuran ng mga pader ng bayan. Kinakailangan na ang lahat na masisimbuyong damdamin ng mga tao ay gustuhin ang iisang bagay lamang: ibig sabihin, ang kabanalan. Kung hindi ang ilan ay kikiling patungo sa Langit nang walang mangyayari, kung ang ilan ay pababayaan ang mga pintuan na walang bantay at pababayaan ang manunukso na makapasok o mahadlangan ang mga aksiyon ng bahagi ng espirituwal na mga mamamayan sa pamamagitan ng mga pagtatalu-talo o katamaran, ginagawa ang loobang bahagi ng bayan na mamatay at iabandona sa matitinik na tanim, lason, damo, mga ahas, mga alakdan, mga daga at mga asong-gubat, at mga kuwago, ibig sabihin, sa masasamang masimbuyong damdamin at sa mga anghel ni Satanas. Kailangan na kayo ay walang-tigil na nagbabantay, katulad ng mga guwardiya na inilagay sa mga pader, upang mapigilan ang Kasamaang Isa na makapasok kung saan ibig natin na maitayo ang Kaharian ng Diyos.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na habang ang malakas na lalaki ay nagbabantay nang armado sa bulwagan ng kanyang bahay, nakatitiyak siya ng tungkol sa lahat na nasa loob nito. Ngunit kung may isa na mas malakas kaysa sa kanya ang pumasok, o kung iniwan niya nang walang nagbabantay sa pintuan, kung gayon ang mas malakas na lalaki ay matatalo siya at aalisan siya ng armas, at kapag naalisan na siya ng armas na kanyang sinasandalan, mawawalan siya ng lakas-ng-loob at susuko at ang mas malakas na lalaki ay gagawin siyang bihag at kukunin ang kanyang mananakaw. Ngunit kung ang tao ay namumuhay sa Diyos, sa pamamagitan ng katapatan sa Batas at sa hustisya na isinasabuhay nang may-kabanalan, ang Diyos ay kasama niya, Ako ay kasama niya, at walang masama ang mangyayari sa kanya. Ang pakikiisa sa Diyos ay ang armas na walang malakas na tao ang makatatalo. Ang pakikiisa sa Akin ay katiyakan ng tagumpay at ng kasaganaan sa eternal na mga birtud na sa pamamagitan nito siya ay bibigyan ng eternal na lugar sa Kaharian ng Diyos. Ngunit siya na tumatalikod sa Akin o naging Aking kaaway, ay tinatanggihan kung gayon ang mga armas at katiyakan ng Aking Salita. Siya na tumatanggi sa Salita, ay tinatanggihan ang Diyos. Siya na tumatanggi sa Diyos ay pinananawagan si Satanas. Siya na nananawagan kay Satanas ay kanyang sinisira kung ano ang kanyang kailangan na mapagtagumpayan sa Kaharian.

Kung gayon, siya na hindi Ko kasama ay laban sa Akin. At siya na hindi inaalagaan kung ano ang Aking itinanim, ay aani ng kung ano ang itinanim ng Kaaway. Siya na hindi umaaning kasama Ko, ay maglalaho at magiging mahirap at hubad kapag pupunta siya sa Kataastaasang Hukom, Na siyang magpapadala sa kanya sa panginoon kung kanino niya ipinagbili ang kanyang sarili sa pagpili kay Beelzebub kaysa sa Kristo.

Mga mamamayan ng Gerasa: itayo ang Kaharian ng Diyos sa loob ninyo mismo at sa inyong bayan.»

Ang tumitiling tinig ng isang babae ay malinaw na narinig katulad ng isang awit ng isang langaylangayan sa ibabaw ng mga pagbulong ng humahangang pulutong, at ito ay umaawit ng isang bagong beatitude, ibig sabihin ang kaluwalhatian ni Maria: «Pagpalain ang sinapupunan na nagdala sa Inyo at ang dibdib na nagpasuso sa Inyo.»

Si Jesus ay binalingan ang babae na nagpuri sa Kanyang Ina sa paghanga sa Anak. Siya ay ngumingiti, sapagkat nasisiyahan sa papuri para sa Kanyang Ina. Ngunit pagkatapos sinabi Niya: «Mas pinagpalà pa ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at isinasabuhay ito. Gawin iyan, babae.»

Pagkatapos Kanyang pinagpapalà ang mga pulutong at nagpatungo sa kabukiran, sinusundan ng mga apostol na nagtanong sa Kanya: «Bakit Ninyo sinabi iyon?»

«Sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na sa Langit hindi nila ginagamit ang gayong sukatan na ginagamit sa lupa. At ang Aking Ina ay pagpapalain hindi labis dahil sa Kanyang imakuladang kaluluwa bagkus sa pakikinig sa salita ng Diyos at sa pagsasabuhay nito sa pamamagitan ng pagsunod. Iyon ay isang kababalaghan ng Tagapaglikha “na ang kaluluwa ni Maria ay imakulada”. At ang Diyos ay kailangan na papurihan dahil diyan. Ngunit ang “mangyari sa Akin ang iyong sinabi” ay isang kababalaghan ng Aking Ina. Ang Kanyang merito kung gayon ay malaki. Napakalaki na ang Tagapagligtas ng mundo ay dumating dahil lamang sa kakayahan ni Maria na makinig sa Diyos, Na nagsasalita sa pamamagitan ng mga labì ni Gabriel, at dahil sa kalooban ni Maria na isabuhay ang salita ng Diyos, na hindi tinitimbang ang mga kahirapan at ang kaagad at hinaharap na mga kapighatian na nakakabit sa Kanyang pagsang-ayon. Makikita ninyo kung gayon na Siya ay Aking banal na Ina hindi lamang dahil iniluwal at pinasuso Niya Ako, bagkus Siya ay nakinig sa salita ng Diyos at isinabuhay ito sa pamamagitan ng pagsunod. Ngunit tayo ay umuwi na ngayon. Nalalaman ng Aking Ina na Ako ay sandali lamang na lalabas at Siya ay baka nag-aalala na dahil sa Aking pagkaantala. Tayo ay nasa medyo paganong bayan. Ngunit sa katunayan ito ay mas mabuti kaysa sa iba. Ngunit tayo na. At ikutan natin ang mga pader upang maiwasan ang mga pulutong na makapagpipigil sa Akin. Bumaba tayong mabilis sa likuran ng palumpungan na ito…»

280911

 

 


Sunod na kabanata